PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Umaga sa Paete

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Sat Oct 21, 2006 6:01 am    Post subject: Umaga sa Paete Reply with quote

Pagsikat ng Araw ko sa Paete*

Mapalad at welcome ako kina Kang Thelma
Bahay sa Hi-way Manila East road banda
Naku palibot ng mga tanawing nakakagana
Kayat mga mata ko’y palaging nagpipista

Pagkagising nakahiga pa ako sa kama
Hihilahin lamang tali nitong kurtina
Luntiang Sierra Madre matatanaw na
Maaraw man o mahamog talagang maganda


Natutuksong mag in-in sa pagkakahilata
Bundok ay titigan, magpugay- humanga
Sa bayan animo’y mapag arugang diwata
Proteksyong sa malakas na hangin ay handa

Laging hinahagilap ng aking pananaw
Tatlong krus na nakatirik doon sa ibabaw
Kaulayaw ng mga ulap at langit na bughaw
Puno’y kumpol kumpol kung malayong tanaw


Sige babangon na nga gawa nang meron pa
Ilang hakbang lamang patungong veranda
Mumulaga naman ang lawa ng Laguna
Isa ring eksenang nagpapaluwa sa mata

Buti na lang at marami pang mga palayan
Katabi nitong dikit dikit na palaisdaan
Aba natyempuhang panahon ng anihan
May gumagapas na kay inam pagmasdan


Teka hahabol ako papuntang wawa naman
May naglalakad at may nagtatakbuhan
Meron pang sounds para makapagsayawan
Ehersisyong ok, maganda sa kalusugan

Umaga pa lamang ako ay kuntento na
Feeling mandi’y isang bakasyonista
Kapag nauuwi sa bayang may gayuma
O Paete Laguna peks man lab na lab kita


Opel Ac-ac Demyttenaere
Ika-19 ng Oktubre, 2006
Sa Geluwe- Wervik Belgium
*nakaraang taon may sinulat tula na parehong pamagat bilang pagsusuri
sa aking mga kinain maghapon sa Paete

_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
BULANGGUGO
Guest





PostPosted: Sat Oct 21, 2006 7:45 am    Post subject: SA PANAGINIP LANG Reply with quote

OPEL,

Nanunton ako sa mga pilapil ng alaala
Patungo sa bayan kong sinisinta
Kung saan sa daan nagsalikop ang mga sanga
Ng mga punong saksi sa kahapong nagdaan na.

Puspos ng saya ang aking kahapon
Walang mahihiling pa sa Diyos na Poon.
Kahit sa kahirapan pa buhay naglimayon
Dito nag-ugat ang mga sagot sa hamon.

Naantig na muli ang aking pagkauhaw
Na muli ay damhin bayang kaulayaw
Mga tinuran mong bundok at palayan
Nakaukit mandin sa aking pananaw.
Back to top
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sat Oct 21, 2006 9:35 pm    Post subject: miz na nga... Reply with quote


nitong nakaraang bakasyon
kahit laksa man ang okasyon
nagawa ang mga ini-ilusyon
ang mag inikot sa ating nayon

makulay nga hatid ng umaga
kung magigising ka ng maaga
parang kaya abutin ang langit
sa pisngi ng ulap nakikisingit

iksaktong ala siete ng umaga
halos nasa karsada na ang paa
sisimulang namin sa bangkusay
susu-utin ang maliliit na sinsay

magpapahangin sa ating wawa
aabangan isdang huli sa lawa
ang maki-usyoso'y nakakatuwa
lalo't ang nahuli'y malaking isda

may umagang sa pakil nagawi
sinuot eskinita akala mo'y sawi
mistulang may suka't nakangiwi
kaya nagdudumaling nagsi-uwi

iba talaga tao sa bayan ng payti
ang pag bati lagi silang nakangiti
kahit saang sulok mang magawi
bata't matanda salubong ay ngiti

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Fri Nov 10, 2006 4:53 pm    Post subject: pag nagkasabay Reply with quote

Hi Sheeba, pag nagkasabay tayo ng uwi
Dito sa ating mahal na bayang Payti
Sige, subukan nga nating mangag sugigi
Sa maliliit na daang di madalas nagawi

At mulit muli nating hangaan, tingnan
Mga biyayang bigay sa atin ng kalikasan
Kung maaari lang na laging maproteksyunan
Lawa, palayan, ilog at mga kabundukan

Kang Ming kamakailan ko lang nalaman
Na ikaw palay nagmula sa lahi ni Adan
Buong akala ko sa panahong nagdaan
Dahil kaeskwela ni Kang Thel sa paaralan

Imbitado ka sa paglalayas tulad ni Sheeba
Kaya subukang umuwi ng kapareho niya
At ating gagalugaring parang noong bata pa
Tayong lumalaki nang nasa Payti pa
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
D.Tabak
Guest





PostPosted: Mon Nov 20, 2006 11:45 am    Post subject: Ala-alang Payti Reply with quote

Naaala-ala ko naman
Bukod sa sariwang hangin sa wawa
Init ng araw sa umaga
Putik sa palayan na may linta
Ay Halo-halo sa Bagumbayan
Pansit kay Benga
Bibingkang Hipon ni Inang Linda
Tatal sa ukitan ni Ama
At siempre mga mga surot sa sinihan
At mga pantal sa alak-alakan
Sa likod, sa siko at kasukasuan
Back to top
ten m. bagabaldo
Guest





PostPosted: Mon Dec 04, 2006 3:39 am    Post subject: Alaala Ng Ako'y Bata Pa...hello ka ophel!!! Reply with quote

kay sarap balikan bayang sinilangan
kabundukang sagana sa punong luntian
palayang malawak,ani'ng sangkatutak
makikinabang nito'y,tayong lahat

alaala ko noong ako ay bata pa
bakasyon ay darating na,sa aming eskwela
miss na miss ko na,tinapay sa Felisa(asawa ni amang mino salceda)
tambok,gipas,biak na bato at pan de baraha.

nilagang mais naman sa bandang Ermita
"Mityang Puto" ang isa sa mga nagtitinda
bibingkang hipon naman tinda ni Inang Linda
bai!!! Ka Ophel,halika't kumain ka.


ten madridejos bagabaldo
december 4,2006
Back to top
teddono



Joined: 03 Jun 2006
Posts: 43
Location: ted dono

PostPosted: Thu Dec 07, 2006 4:16 am    Post subject: kung sana... Reply with quote

Kung sana lang may sa-ayungin,
tulad sa ninuno raw ay may sa-matsing
gabi pa lang akin nang sisisirin
itong ilog-marikina, para marating
na ang wawa
bago mag bukang-liwayway.
Hamog sa damuhan ng palayan
hahagimuhin at ipangbabanlaw,
kung doon si Tagak ay nanginginain
makikiusap kung puede bumitin
sa biyas niya at liparin namin
ang bulubundukin,
at doo'y makikisalo sa agahan
ng mga kaibigang musang.
Back to top
View user's profile Send private message
ten madridejos bagabaldo
Guest





PostPosted: Fri Dec 08, 2006 10:47 pm    Post subject: Reply with quote

Hi DT,

di man nag-aral ng elementarya
doon sa Paete at dito na sa Manila
noong high school naman ay sa Eastern Laguna
nagtapos ako ng aking sekondarya.

bai Diegong Tabak! naranasan ko ring
manood ng sine doon sa atin
kapiling ay mga surot,ay sus,napakabantot
pantal nga sa alak-alakan at pati na sa likod


kumusta na?...wishing you & your family A Merry Christmas & a Blessed & Prosperous New Year...May God bless us always....ten Wink
Back to top
ten madridejos bagabaldo
Guest





PostPosted: Fri Dec 08, 2006 10:49 pm    Post subject: Reply with quote

Hi DT,

di man nag-aral ng elementarya
doon sa Paete at dito na sa Manila
noong high school naman ay sa Eastern Laguna
nagtapos ako ng aking sekondarya.

bai Diegong Tabak! naranasan ko ring
manood ng sine doon sa atin
kapiling ay mga surot,ay sus,napakabantot
pantal nga sa alak-alakan at pati na sa likod


kumusta na?...wishing you & your family A Merry Christmas & a Blessed & Prosperous New Year...May God bless us always....ten Wink
Back to top
Dt
Guest





PostPosted: Tue Dec 19, 2006 3:25 am    Post subject: Hello ten-ten! Reply with quote

bai Diegong Tabak! naranasan ko ring
manood ng sine doon sa atin
kapiling ay mga surot,ay sus,napakabantot
pantal nga sa alak-alakan at pati na sa likod



[size=18]Masuerteng mga surot!!![/size]


Hello Ten-ten,
Musta rin?, long time no hear... I also wish you Merry Christmas and Happy New Year!
Dt.

P.S. Miss ko rin sa Payti ang mga yellow submarine na lulutang lutang sa ilog at bang-bang habang naaanod. Ooops! wrong thread dapat sa "Bibe sa Ilog"
Back to top
Dt
Guest





PostPosted: Wed Dec 20, 2006 3:52 am    Post subject: Halina kayo! Reply with quote

Ka Ofel at Ten manood na tayo
Dalhin ang pamaypay at siphayo
Duon sa mainit na sinehan ng bayan
Upang busugin ang mga surot at mata
Bakit ba nuon, kaydali nating magsaya?


"Surot"

Mga nakaulbok na laman
Libo-libong pantal pa naman
Mag dugo na sa kamot ‘wag lang iwan
Ang paboritong pelikulang sinimulan
Pinaitim ng libag na mga upuan
Sintigas ng ulo ni juan
Pero gayun paman
Mga mata’y busog sa nasulyapan
Mababaw na puso ay puno ng kaligayahan
Back to top
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Wed Dec 20, 2006 2:54 pm    Post subject: Re: Ala-alang Payti Reply with quote

D.Tabak wrote:
Naaala-ala ko naman
Bukod sa sariwang hangin sa wawa
Init ng araw sa umaga
Putik sa palayan na may linta
Ay Halo-halo sa Bagumbayan
Pansit kay Benga
Bibingkang Hipon ni Inang Linda
Tatal sa ukitan ni Ama
At siempre mga mga surot sa sinihan
At mga pantal sa alak-alakan
Sa likod, sa siko at kasukasuan


Naala ala ko rin yong minukmuk ng ina ni Nora (Acyatan-Asido)
Tawag ay espasol pag nasa Maynila ka
Nang huling umuwi ay hinanap ko pa
Ngunit ngayon yata ay mahirap nang makita

Masarap na masarap ang mirindal na ito
Giniling na lagkitan, gata at may puting polbo
Pahabang binilot, makunat pagkagat nito
Pagkaing Payti di ko ipagpapalit sa kahit ano

Dt, kumusta na, narito na naman tayo sa nostalgic memory lane.. Happy Christmas
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Wed Dec 20, 2006 3:08 pm    Post subject: Re: Alaala Ng Ako'y Bata Pa...hello ka ophel!!! Reply with quote

ten m. bagabaldo wrote:
kay sarap balikan bayang sinilangan
kabundukang sagana sa punong luntian
palayang malawak,ani'ng sangkatutak
makikinabang nito'y,tayong lahat

alaala ko noong ako ay bata pa
bakasyon ay darating na,sa aming eskwela
miss na miss ko na,tinapay sa Felisa(asawa ni amang mino salceda)
tambok,gipas,biak na bato at pan de baraha.

nilagang mais naman sa bandang Ermita
"Mityang Puto" ang isa sa mga nagtitinda
bibingkang hipon naman tinda ni Inang Linda
bai!!! Ka Ophel,halika't kumain ka.


ten madridejos bagabaldo
december 4,2006


Oo Ten ang Inang Mityang Puto nakakaaliw magtinda
Paglalako sa karsada parang laging kumakanta
Yon namang mga panaderiya, may Amang Mino
Mayroon ding Amang Primo, halos magkatabi ito

Hindi baga may tinapay na ang ngalan ay PABORITA?
Bilog, di kalakihan, brown ang kulay, malutong pa
Mayroon ding BINGKONG, puti, kwadrdong kulot siya
Syempre malutong din, mapino, makinis ang dama

Sigi pag uwi ko ay hanapin natin ang mga pagkaing ito sa Payti,
Regards at Masayang Pasko!
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Wed Dec 20, 2006 3:24 pm    Post subject: Re: kung sana... Reply with quote

teddono wrote:
Kung sana lang may sa-ayungin,
tulad sa ninuno raw ay may sa-matsing
gabi pa lang akin nang sisisirin
itong ilog-marikina, para marating
na ang wawa
bago mag bukang-liwayway.
Hamog sa damuhan ng palayan
hahagimuhin at ipangbabanlaw,
kung doon si Tagak ay nanginginain
makikiusap kung puede bumitin
sa biyas niya at liparin namin
ang bulubundukin,
at doo'y makikisalo sa agahan
ng mga kaibigang musang.


Hi Ted, very heavy iyong mga tinuran
Di marurok agad ang ibig sabihin
Pero walang dudang masarap basahin
At hayaang maglakbay mga pangitain
Habang nilalandas mga taludturin

Dapat pagbasa ay konsentrado
Inulit ulit at hayun nakuha ko
Ako naman ay magsasa ibon
Para makalipad parang eroplano
Pag uwi sa Payti libre pa tiket ko

Ps, yong mga salitang hagimo at biyas
Parang gintong palay sa ganda at tipo
Sayang na sayang lamang at naghihingalo
Bahagya nang magamit sa ating bokabularyo
Sige sagipin, banggitin, ipaalam natin

He he he naging preachy yata ang dating a, sori kung ganoon
Masaya, Matulaing Pasko sa Inyo!
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Wed Dec 20, 2006 3:43 pm    Post subject: Re: Halina kayo! Reply with quote

Dt wrote:
Ka Ofel at Ten manood na tayo
Dalhin ang pamaypay at siphayo
Duon sa mainit na sinehan ng bayan
Upang busugin ang mga surot at mata
Bakit ba nuon, kaydali nating magsaya?


"Surot"

Mga nakaulbok na laman
Libo-libong pantal pa naman
Mag dugo na sa kamot ‘wag lang iwan
Ang paboritong pelikulang sinimulan
Pinaitim ng libag na mga upuan
Sintigas ng ulo ni juan

Pero gayun paman
Mga mata’y busog sa nasulyapan
Mababaw na puso ay puno ng kaligayahan


DT bai ako ay kinikilabutan
Sa pagbasa ng surot mong tinuran
Mukhang paborito mo yatang isyu
Itong surot na nakaka iyamut

Naging bahagi na ng ating kabataan
Kagat ng surot di lamang sa sinihan
Pinangigigilan sa mga sandalan at upuan
Pati na rin sa ating sariling higaan

Sinehan ng Amang Alfredo Cabrera
Naku tandang tanda ko pa
Baynte singko sentimos ang bayad na alam ko
Magkadobol ingles sa tagalog sine nito

Hindi baga may balkoni at may sa lupa
Ang pintuan ay makapal na tolda
Sina Miriam at Bert Cabrera taong nakatoka
Pag minsan ay napapakiusapan pang
May tawad na bata pagpasok o libre na

Hala hala pag nagkita tayo, ituloy natin
Ang usapan sa sinehang ito
Marami pa akong anekdotang gustong
Sabihin at iistorya sa iyo, See you!
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group