PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PIPING SAKSI

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Wed Dec 13, 2006 12:14 pm    Post subject: MGA PIPING SAKSI Reply with quote

MGA PIPING SAKSI


Sa aking pag-iisa ay hindi maiwaksi
Mga gunitang pilit naglalaro sa sarili,
Panahong ipinagsama, kahit sasandali
Di na magbabago, ang MGA PIPING SAKSI!! Cool

Kasabihan, malayo`t malapit mararating din
Dinala hanggang Italia ang kanilang pag giliw,
Mga ala-alang nag-iwan sa puso ng aliw
Na syang nagbibigkis sa pag-ibig na baliw!! Rolling Eyes`

Malamyos na hangin, nagmula sa Venezia
Kulay luntiang alon, na idinuduyan ka,
Sa Firenze nama`y nagtataasang dambana
At kagila-gilalas na mga obra-maestra!! Shocked

Namilog yaring mga mata sa Torre ng Pisa
Sa di inaasahang bubungad sa harap nila,
Torreng sa wari ay mabubuwal na
Sa pag-aalala`y tinukuran ka nila!! Shocked

Hanggang marating nga ang sentro ng Roma
Naiibang damdamin, ang lumukob sa dalawa,
Tagos hanggang puso, ang kabang nadama
Ng masilayan nga, hantungan ng mga Papa!! Crying or Very sad

Lumiwanag ang langit, na dati`y kulimlim
Sumikat ang araw, na nakasisilaw man din,
Kabilugan ng buwan, kay gandang tanawin
Para sa dalawang pusong tigib ng pagmamaliw!! Very Happy

MGA PIPING SAKSI nga kayong kasuyo
Sa kaligayahang kanilang tinatamo,
Di na kailangang ipagsigawan sa mondo
Sapat na ang kayo ay sumaksing panitoo!! Wink Wink


TAYO AY MAGMAHALAN---- MERRY X`MAS SA INYONG LAHAT

alimpuyo
[/list]
_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Thu Dec 14, 2006 12:26 am    Post subject: GANUN... Reply with quote


hala! hindi man mag-usisa
namumuong tanong napisa
ikubli mo man ang aroma
sisingaw ang init ng tema

huh! pipi nga kaya ang saksi
madalas ito lagi ang sinasabi
nararamdaman hindi maikubli
umaapaw hanggang sa katabi

tunay na ganyan nga kaibigan
ipagwaygawan ang pag iibigan
ipadama sang sulok ng mundo
yang ipagsigawan ng todo todo

ang biyaya ng nasa ikataasan
hinimay para sa kaligayahan
magtamasa'y Kanyang susuklian
yan ang handog ng kapaskuhan


MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON I LUV U ALL...

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Thu Dec 14, 2006 9:12 am    Post subject: Re: GANUN... Reply with quote

[quote="eve19612000"]

huh! pipi nga kaya ang saksi
madalas ito lagi ang sinasabi
nararamdaman hindi maikubli
umaapaw hanggang sa katabi

Mga piping saksing aking tinutudla
`yun bagang mga walang dila,
Nagmamasid, nakangiti at tuwang-tuwa
Pero ang magsalita ay di magawa!! Rolling Eyes

Yari`y mga lugar na kaanya-anyaya
Na nang-aakit ng libo-libong banyaga,
Naka-alis na`t nakabalik sa sariling kuta
Isipan ay duon pa rin nag-uugaga! Shocked

Ang pinupunto mong mga saksi yata
Ay `yun pag ang mukha`y ibinaling sa kabila,
Nanduon na nga ang kuwentong mahaba
Na gawa nga ng pagkahaba-habang dila Mad Crying or Very sad


MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON Very Happy Very Happy
alimpuyo

_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Thu Dec 14, 2006 5:27 pm    Post subject: Re: GANUN...HAHAHAHAKABLAGDAPLAG!!! Reply with quote

alimpuyo wrote:
Ang pinupunto mong mga saksi yata
Ay `yun pag ang mukha`y ibinaling sa kabila,
Nanduon na nga ang kuwentong mahaba
Na gawa nga ng pagkahaba-habang dila Mad Crying or Very sad
MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON Very Happy Very Happy
alimpuyo[/color]



ako gusto ko may mahabang dila
katuwang sa pagkakalat ng babala
lalo na't kung ito'y bagyong balita
maasahan para hindi ako mabutata

araaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyy ko!!!
Laughing

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group