PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Ang Babaeng Nakadilaw...
Goto page 1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Mon Jan 08, 2007 2:39 am    Post subject: Ang Babaeng Nakadilaw... Reply with quote

Sa lamig ng panahon ngayon, ako'y walang magawa
Pati dingding ng kwarto ko, pinagkukunan ko ng litrato
Aba naku, di kapani-paniwala, bumungad sa akin ito
Parang iginuhit na likod, ng nakaupong seksing dalaga!

Ang larawan ay pinaglaruan ko, sa software na Roxio
Kinulayan at pinalinaw, aba aba ang ganda nga nito
Sa ganda ng hubog, nakakalito at nakakarahuyo
Damit nya'y matingkad na dilaw, pinili kong bagay dito!

Naghahanap ako ng pulang laso, sa sangtambak kong litrato
Anubaga't walang makita, naiiyamot tuloy itong nguso ko!
Aha, mga litrato ng bahay, punong puno ng ilaw ng Pasko
Isa dito ay may makinang na "star", kaya ito'y ginupit ko!

Parang kulang pa yata, madagdagan kaya ng bulaklak?
Ayos! dramatik ang dating, mukha'y nagliwanag sa galak
Kukuti kutitap na "star" parang angkop pa ditong igayak
Hayan, naku tingnan nyo, ang babaeng nakadilaw palakpakan ninyo!





eto po yung original na picture before I did all the digital manipulation using the roxio software...


_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."


Last edited by Ludy on Mon Mar 16, 2009 3:20 am; edited 3 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
tcacac



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 447
Location: Tita C. Acac

PostPosted: Mon Jan 08, 2007 9:07 am    Post subject: Proyektong kay ganda... Reply with quote

May isang nagtampo sa forum ng Usap
Nang siya'y lumitaw aba'y may taglay pa
mga magandang kuha ng kanyang proyekto
libangan daw niya kanyang ise-share...
aba'y Miss Lourdes Valdecantos ng LA
nasaan ang pangakong ako'y padadalhan
ng iyong nilikhang mga (marami pa hani?) magandang larawan

Kay ganda ng dibdib ala Dolly Parton
May star pang dating ang kaakit akit(aroy)
Kaya nga Miss Lourdes tigilan ang tampo
ako ay tawagan ...Happy New Year to you!!!

Kumusta sa lahat sa mga Tatay at Nanay too...
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Tue Jan 09, 2007 2:44 am    Post subject: Re: Proyektong kay ganda... Reply with quote

Aba si Kang Tita, bakit baga nangbubulahaw
Sinong may tampo, baka yun lang ay uhaw
Meron na po akong dala, sa susunod na pagdalaw
Kalendaryo 2007, baka ikaw ay magsisigaw!

Sariling larawan, may kasamang mga inspirasyon
Galing sa Panginoon, may taglay pang bendisyon
Kaya wag kang mag ala ala, iisa pa lang ngayon
Tanging kalendaryo, sa iyo ko ipahahayon!

Kablag!


tcacac wrote:
May isang nagtampo sa forum ng Usap
Nang siya'y lumitaw aba'y may taglay pa
mga magandang kuha ng kanyang proyekto
libangan daw niya kanyang ise-share...
aba'y Miss Lourdes Valdecantos ng LA
nasaan ang pangakong ako'y padadalhan
ng iyong nilikhang mga (marami pa hani?) magandang larawan

Kay ganda ng dibdib ala Dolly Parton
May star pang dating ang kaakit akit(aroy)
Kaya nga Miss Lourdes tigilan ang tampo
ako ay tawagan ...Happy New Year to you!!!

Kumusta sa lahat sa mga Tatay at Nanay too...

_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
rhen b. watanabe



Joined: 04 Aug 2006
Posts: 169
Location: Yokohama , Japan

PostPosted: Tue Jan 09, 2007 4:04 pm    Post subject: Wow!! Reply with quote

Babaeng nakadilaw
wow,wow. nakakasilaw
sa ganda nitong hubog
mga mata ko ba'y namilog

kulay, hugis kay gandang pong pag masdan Smile
kumusta po...sabi po aking anak (yurika) parang korte ng muka ni "Hello Kitty" Smile
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Tue Jan 09, 2007 6:25 pm    Post subject: Re: Wow!! Reply with quote

Ako'y nagalak, sa sinabi mo
Bata pa yang anak mo'y, lumalabas ang talino
Kinikita nya'y, iguhit at ilabas mo dito
Kopyahin at gamitin, litrato kong narito!


hahahaha Rhen, pwede mo namang i-klik ang right hand ng mouse para kopyahin itong picture...meron ka bang software for photos? Bayaan mong paglaruan din ng anak mo...




rhen b. watanabe wrote:
Babaeng nakadilaw
wow,wow. nakakasilaw
sa ganda nitong hubog
mga mata ko ba'y namilog

kulay, hugis kay gandang pong pag masdan Smile
kumusta po...sabi po aking anak (yurika) parang korte ng muka ni "Hello Kitty" Smile

_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Sun Jan 21, 2007 4:47 pm    Post subject: sexy Reply with quote

daluds, ka-sexy naman nito
ikaw ba ang model dito?
wow ang iyong hilig sa litrato
kinaiinggitan ko
ako kaya ay matuto?
photojournalism itinuturo ko
pero theory lang ang alam ko
nakahihiya, ano
pero yan ang totoo
mas mahusay estudyante ko
kaya ako'y binibiro
teacher namin ay bobo
di marunong maglitrato.
hehehehehehe, eh ano.

kumusta na katoto!

Laughing Laughing Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Jan 22, 2007 2:06 am    Post subject: wow naman!!! Reply with quote


napukaw sa tingkad ng kulay
hudyat ng hindi iisa ang buhay
laging may konting bulaybulay
merong kasunod na isasalaysay

sa pagmumuni muni ipapahiwatig
maging sa sutla ng kulay tumitig
di maitatago ang bagong daigdig
may sisibul maging ang tigidig

laki ng pinagbago araw na lumipas
nagbabadya na di parin kumukupas
senyales pati ang pilantik ng kumpas
maging ang segundo'y kumakaripas

tanong bakit sumasapit sa tao'y ganito
buhay na hinaharap ba't baga nauwi dito
sana'y mga kasagutan aking mahagilap
ngawit na sa pagtingala ulap ang kausap

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Wed Jan 24, 2007 2:56 pm    Post subject: Re: sexy Reply with quote

"E ano"...hahahakablag ako dito mam amor...hindi tuloy ako makatula ih ih ih...tinatanong mo kung ako ang modelo?...hindi naman ako ganyan kabilog he he he...mam, ngayon ko lang nalaman na pag ang puso, isip at ang spirit mo ay magkatugma, marami kang magagawa na inspirasyon sa buhay...kaya alam ko magkatugma ang mga katangiang yan sa iyo mam, hindi na pinag aaralan yun, lumalabas ng natural he he he


amork wrote:
daluds, ka-sexy naman nito
ikaw ba ang model dito?
wow ang iyong hilig sa litrato
kinaiinggitan ko
ako kaya ay matuto?
photojournalism itinuturo ko
pero theory lang ang alam ko
nakahihiya, ano
pero yan ang totoo
mas mahusay estudyante ko
kaya ako'y binibiro
teacher namin ay bobo
di marunong maglitrato.
hehehehehehe, eh ano.

kumusta na katoto!

Laughing Laughing Laughing

_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
rhen b. watanabe



Joined: 04 Aug 2006
Posts: 169
Location: Yokohama , Japan

PostPosted: Wed Jan 24, 2007 4:21 pm    Post subject: Re: Wow!! Reply with quote

hahahaha Rhen, pwede mo namang i-klik ang right hand ng mouse para kopyahin itong picture...meron ka bang software for photos? Bayaan mong paglaruan din ng anak mo...

Mano po,

Sabi nga po aking mister ay meron daw?
software for photos ..hintay muna ako..
para maturuan masyadong busy si Hubibi Laughing
pag ok na po.. ako rin mag lalaro Wink
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Thu Jan 25, 2007 10:19 pm    Post subject: Re: wow naman!!! Reply with quote

Biglang napamulagat kahit inaantok
Sa pagmumuni-muni ako ay may naarok
Tila iyang puso mo'y masasal ang tibok
Aking kinakapa, 'di ko pa maabot. Wink Shocked Laughing

Kahoy kung may bukbok
Tiyak ay marupok
Babad man sa tubig
Pag sa init nadarang
Agad ay natutupok! Smile Surprised Wink






eve19612000 wrote:

napukaw sa tingkad ng kulay
hudyat ng hindi iisa ang buhay
laging may konting bulaybulay
merong kasunod na isasalaysay

sa pagmumuni muni ipapahiwatig
maging sa sutla ng kulay tumitig
di maitatago ang bagong daigdig
may sisibul maging ang tigidig

laki ng pinagbago araw na lumipas
nagbabadya na di parin kumukupas
senyales pati ang pilantik ng kumpas
maging ang segundo'y kumakaripas

tanong bakit sumasapit sa tao'y ganito
buhay na hinaharap ba't baga nauwi dito
sana'y mga kasagutan aking mahagilap
ngawit na sa pagtingala ulap ang kausap

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri Jan 26, 2007 2:17 am    Post subject: Re: wow naman!!! Reply with quote

[quote="Tisay"]Biglang napamulagat kahit inaantok
Sa pagmumuni-muni ako ay may naarok
Tila iyang puso mo'y masasal ang tibok
Aking kinakapa, 'di ko pa maabot. Wink Shocked Laughing



nais ko lang ulit ulitin ang mga kataga
binitiwan ko noong ako'y bata bata
kay gaang ipahayag sa isang katha
pag ang puso mo'y nakuhang matulala

darating ang tamang araw ito'y ihahayag
sa ngayon hindi ko pa kayang ipaliwanag
tila nga masikip ang bulwagang hinaharap
hayaan mong isalin ko sa isang pangarap

itutuloy...waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh...miz u...mwuaaaaaahhhh!!!

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Fri Jan 26, 2007 7:36 pm    Post subject: Re: wow naman!!! Reply with quote

Kung mata'y luhaan, nais pumalahaw
Kung sa puso'y may lungkot na nangingibabaw
Kung sa labi'y walang mamutawi, tinig nga'y bahaw
Kung lalamunan ay tuyo sa tubig nauuhaw...
Pumarito't yayakapin kita, hinlog na minamahal!! Wink Laughing Laughing

miss you na rin...Mwuaaaaaaaaah Razz





nais ko lang ulit ulitin ang mga kataga
binitiwan ko noong ako'y bata bata
kay gaang ipahayag sa isang katha
pag ang puso mo'y nakuhang matulala

darating ang tamang araw ito'y ihahayag
sa ngayon hindi ko pa kayang ipaliwanag
tila nga masikip ang bulwagang hinaharap
hayaan mong isalin ko sa isang pangarap

itutuloy...waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh...miz u...mwuaaaaaahhhh!!!
[/quote]
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sat Jan 27, 2007 1:57 am    Post subject: Re: wow naman!!! Reply with quote

Tisay wrote:
Kung mata'y luhaan, nais pumalahaw
Kung sa puso'y may lungkot na nangingibabaw
Kung sa labi'y walang mamutawi, tinig nga'y bahaw
Kung lalamunan ay tuyo sa tubig nauuhaw...
Pumarito't yayakapin kita, hinlog na minamahal!! Wink Laughing Laughing

miss you na rin...Mwuaaaaaaaaah Razz



may oras ganon nga ang ibig ipahiwatig
ngunit umaapaw hikbi'y tila nanginginig
bagay na nagparamdam puso'y marupok
papalalim ang lilok wag sanang matepok

hindi man masukat sutlang nararamdaman
maraming salamat inihain mong kandungan
alam kong kayo'y nasa aking tabi lamang
huwag mag alala akin kayong susulyapan

wow...hinga bunsoy hahahahahakablag!

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sat Jan 27, 2007 5:11 am    Post subject: Re: wow naman!!! Reply with quote

Kahit ako'y antok na, pilit pa ring tumitipa
Upang kayo'y handugan, nitong aking tula
Babaeng nakadilaw, bibihisan ko ng rosas
Pero bukas na lamang, abangan nyo si "Jas"



si Jas, as Jasmine...eto ngayon ang pangalan ng "babaeng naka rosas" hahahahahakablag! kayo
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Sat Jan 27, 2007 9:47 am    Post subject: mga katoto Reply with quote

mga katoto: daluds, sheba at tisay
ako'y very happy kayo'y makaulayaw
dito sa usap at sa mahal na tulaan
pasensiya na kung malimit ang pagliban.

bakit kaya si bunso panay pagninilay
kandungan ni tisay tuloy inialay;
o ayan si daluds na nasisiyahan
pagkuha ng larawan ginawang libangan.

marami pang kulang sa inyong kablag-an
dito sa tulaan di pa gumigitaw
ayaw rin humalo roon sa bugtungan
baka gustong laro ay bahay-bahayan. Embarassed

ay naku, joke-joke lang ha, mga katoto...

babay muna!

mam amor Wink
Back to top
View user's profile Send private message
Dt
Guest





PostPosted: Sun Jan 28, 2007 10:07 pm    Post subject: dilaw Reply with quote

noong makita ko ito
wala akong masabi
sa isipan koy sumagi
parton baga, si dolly
at si pamela lee
at oo nga si j.lo pati

ibang pasok ni aseoche
di ko masyado mawari
kandungan ko 'di pwede
offer ko hanggang hug lang ini
may kasabay pang kiss sa pisngi
o kaya ay dasal nalang hani

mesyang minsan din lungkot me
available baga balikat, teynga at binti
salamat sa tribu ng kblg, lahat happy
mam amor warm hello and hi
at kay dada, wag sana pagod daliri
click click click click click
Back to top
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Mon Jan 29, 2007 7:55 am    Post subject: makisingit nga po! Reply with quote



akoy nalamangan na yata
ang di ko pagshovel dito
sa tambayan ni Batang Patio
kaya hare po at hahaka na.

si JLO pakiwari ang kinuhanan
ni TeLudeeng nahihibang na nga
sa pagkaaddict sa kodakan
maige sa wala, tutungatunganga!

Bunsoy, walang katanungan
ang sa aki'y maririnig
halika't huminlay sa akin kandungan
at huag ng manginig.

di na nagtaka pa sa paglabas
nitong si Dt sa kanyang lunggaan
usapang katawan kanyang hinahangaan
kaya hare't di na napigilan.

musta na po tanging guro
long time no hear na tayo
i'll see you sa mahal na araw
doon sa 3 krus po naman daw.
_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Jan 29, 2007 12:23 pm    Post subject: hikbi hikbi hikbi!!! Reply with quote


parang gusto kong pumalahaw
salamat malakas kong isisigaw
itong katagang aking pinukaw
mga kaibigan tila'y nagsisungaw

kung maaarok lang po ninyo
kasabikang makapiling kayo
yang kandungan at mga halik
hanap hanap tunay na nanabik

gaanong milya man tatahakin
ang makapiling langit sa akin
bawat hapyugang iniwan natin
kablager's whag nating putulin

hahahahaha kablag!

Mam, Dt, Brunette maraming slamat miz u all...mwuaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Mon Jan 29, 2007 1:01 pm    Post subject: Re: hikbi hikbi hikbi!!! Reply with quote

Walanghiya kang tunay bunso naming mahal
Lahat ng sulok ng mundo'y amin tuloy kinalkal
Tibok n'yaring mga puso'y naging masasal
Pasalubong namin sa iyo ay mag-asawang sampal hmmmph!

Kandunga'y inialay sa 'yong nalulumbay
'Yun pala'y taimtim ka't matiwasay
Kurot ko sa iyo'y tiyak na maglalatay
Humanda kang bata ka tiyak ika'y patay! hahaha


hahahahaaha bale ka talaga aba! miss yah too!!! Mwuaaaaah!

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Jan 29, 2007 2:31 pm    Post subject: Re: hikbi hikbi hikbi! arayyyyyyyyyyyyyyyyyyy kooo... Reply with quote

Tisay wrote:
Walanghiya kang tunay bunso naming mahal
Lahat ng sulok ng mundo'y amin tuloy kinalkal
Tibok n'yaring mga puso'y naging masasal
Pasalubong namin sa iyo ay mag-asawang sampal hmmmph!

Kandunga'y inialay sa 'yong nalulumbay
'Yun pala'y taimtim ka't matiwasay
Kurot ko sa iyo'y tiyak na maglalatay
Humanda kang bata ka tiyak ika'y patay! hahaha

hahahahaaha bale ka talaga aba! miss yah too!!! Mwuaaaaah!



baina! kung hindi pa ako nag emote
baka ako sa paghihintay nangulubot
pasalubong naman iyong ipakibalot
hahahaha! ng hindi naman umantot

hindi ko iindahin ang iyong mga kurot
basta gusto ko kayo'y dito magsisulpot
mga latay nay-an alam kong mababaw
tula nyo lungkot ko naman mababahaw

yeheaayyyyyyyyyyyyyyyyyy...welcome back mga kablagers!!!mwuaaaaahhhhhh...

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Mon Jan 29, 2007 8:20 pm    Post subject: Ang babaeng nakarosas... Reply with quote

O eto ang pangako sa iyo, aking hinlog
Babaeng naka rosas, pwet niyang mabintog
Rosas ng pag-ibig, puso'y kumakabog
Sa sampal ni Tisay, talagang gumalabog!

Si DT'y naantig, baka kelangan din ay sampal
Talagang ikaw bunsoy, pag dumale'y nakakagimbal
May tula si DT, saka raw niya ilalabas
Sa pamagat pa lamang, siguradong bangko nyo'y tutuwas!

Aba si Dolora, heto't lumabas na rin pala
Mga batang paslit, tayo baga'y tuloy tuloy na
Si Batute lang pala, ang siyang mangunguna
Sesegundahan ni DT, sasaluhin ni Sheba



_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."


Last edited by Ludy on Mon Mar 16, 2009 3:13 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Tue Jan 30, 2007 2:46 am    Post subject: hahahahakablag! tuloy ang saya... Reply with quote


bai! ay pinkist nga na mabintog
talaga namang nakaka-alindog
ngek! bakit wala butas na bilog
natakpan ng 2 pisnging nahulog

hmmp! na imagine tuloy si Jlo
hindi ko type ang pwuet nito
pag nalakad pisngi aalog-alog
nasobrahan ata sa pagkabintog

hahahahahakablag! daluds may matching azur pa ha!!!...bai ay hanga na talaga sa iyong galing...thanks...mwuaah mwuaah!!!

Dt bakit naman ayaw pa kasing ilabas
baina! huwag na sanang ipag pabukas
ilunsad na baga habang merong katas
huwag paamagin nalalabing balangkas

hahahaahakablag! anu nga kaya yan anu? oh intay na lang me...

ADVANCE HAPPY VALENTINES TO ALL OF U...mwuaaaaahhh!!!

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
rhen b. watanabe



Joined: 04 Aug 2006
Posts: 169
Location: Yokohama , Japan

PostPosted: Tue Jan 30, 2007 3:14 am    Post subject: sige po tuloy ang saya ..nakaka-aliw sila...... Reply with quote

Ninang Ludy, ate Sheba at mga KABLAGERS po ba?

hihihihihihihihihihihihihihi....
ako po muna ay makikitawa
at pag talaga silay nag kasama sama
dito nga sa tulaan po baga ay!! sus...
hiihihihihihihiiiiiiiiiiiiii... mag cr muna ako Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Tue Jan 30, 2007 5:06 am    Post subject: Reply with quote



bai baling-bali kang bunso'y ka
aking pananahimik ay binulabog pa
yun naman pala'y sinusubok laang
pagmamahal namin tunay baga!

hayaan mo at ita-try ko
na makasagot sa mga tuaan dito
pwera diperensya nga laang mga amiga
at alam nyo naman SEMANA SANTA parating na!


_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Wed Jan 31, 2007 8:23 pm    Post subject: Babaeng Rainbow... Reply with quote

Hoy Daluds....ito ang sigurado ako:

Mapa-asul man o mapapula
Rosas pa rin ang makikita
Nitong mahal nating si Sheba
Itanong mo kung bakit sa kanya Laughing Laughing Laughing


Hoy DT!!!

Sa dami ng bahay na iyong sinadya
Bakit ni isang JLo yata ay wala
Sa pananahimik mo wala akong tiwala
Pagkat sa pagitan may'rong nagwawala Laughing Laughing Wink

Brunetteski!

Aba'y tapos na ba ang 'yong pandaraya?
Oras ng trabaho ika'y pagala-gala
Baka mamaya mo masita ka ni kaka
Magpumalahaw ka't magmukhang kawawa Wink Laughing Laughing

Sheba!

Ningning sa 'yong mata'y wag sanang mawala
Huwag kang iiyak iyan ay magiging muta
Magpreno ka muna saka tumingala
Magmuni-muni sa liwanag ng mga tala! Wink Wink getz?? Laughing

Kablagers...miss you all! Musta sa inyo all! Mwuaaaaah!

Hello Ka Amor...miss you too! Hope all is well with you Wink Very Happy

Hi Rhen! Nice to meet you here! Arigato!

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3  Next
Page 1 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group