PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Pag-ibig ng Uto
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Dt
Guest





PostPosted: Tue Feb 13, 2007 5:09 am    Post subject: Pag-ibig ng Uto Reply with quote

"Pag ibig ng Uto"
(Ito po ay hindi Tutuo)

By: D. Tabak

1).
Peks man! pangako ko sayo
Pag ako ay pinagbigyan mo
Tinanggap alay na pag-ibig ko

2).
Pakakainin kita ng aking luto
Pahihigupin sabaw ng buto at bulalo
Ipalulunok matamis na gata ng buko

3).
Susungkitin araw at mga bituin
Igigisa sa bawang at sa iyo’y ihahain
Susubuan at sa bawat nguya'y panonoorin

4).
Kita’y sasabunin at hihiluran
Sabon ay pabubulain tapos bubuhusan
Labakaray ia-as-as sa tuhod at kasukasuan

5).
Mga kuko sa kamay at paa'y sisisilin
Balahibo sa binti at kilikili aking aahitin
Kung tyani ang hiling aking isa-isang bubunutin

6).
Magtatanim ng mga bulaklak
Iaalay at ipapaamoy ang halimuyak
Pahihigain sa kamang bulak at mga rosas ang gayak

7).
At sa pagtulog aawitan kita
Ibubulong sa tenga mga habi kong tula
Papaypayan hanggang sa pumikit iyong mga mata

Cool.
Buhok susuklayin, titirisin mga lisa at kuto
Sa Mega o Rockwell magshopping hanggang gusto
Reyna ng ng aking buhay sa trono ay aking iuupo

9).
Pero pag ika'y umabuso at umetats sa ulo
Sa kampo ng apanas ika’y ihahalo
Pagkayabat, sa ilog kitay iluloblob

Ibibitin ng patiwarik sa gitna ng Patio
Back to top
ellie
Guest





PostPosted: Tue Feb 13, 2007 8:54 am    Post subject: Reply with quote

HAHAHAHAHAHAHAAAAAAAAAKABLAG kang mama ka.....


titulo pa lamang ako'y natatawa na
diyaskeng dt ka anong utak mayruon ka
talinong humaka ay di magagaya
tulang di tutuo nakapag-papaligaya......hehehehe
Back to top
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Tue Feb 13, 2007 11:57 am    Post subject: Sagot ni Gabriela Silang sa Pag-ibig na Uto Reply with quote

Pag ibig ng Uto"
(Ito po ay hindi Tutuo)

By: D. Tabak

Sagot sa Pag-ibig na Uto
(Hindi rin po ito Tutoo)

By: Gabriela Silang

1).
Peks man! pangako ko sayo
Pag ako ay pinagbigyan mo
Tinanggap alay na pag-ibig ko

Hindi mo na kailangang mangako
Kabisado ko na tinitibok ng playboy mong puso
At takbo ng utak mong magaling manuyo

2).
Pakakainin kita ng aking luto
Pahihigupin sabaw ng buto at bulalo
Ipalulunok matamis na gata ng buko

Akala mo baga ikaw lamang ang marunong magluto
Mga nilutung ipahihigup mo at ipasusubo
Baka matiakan lamang mauwi sa sabaw ng siphayo

3).
Susungkitin araw at mga bituin
Igigisa sa bawang at sa iyo’y ihahain
Susubuan at sa bawat nguya'y panonoorin

Mga pangakong laging napapako
Kahit imposible at masyadong malabo
Mga pag nguya at pagsubo bakit hindi pa ipag ngongo

4).
Kita’y sasabunin at hihiluran
Sabon ay pabubulain tapos bubuhusan
Labakaray ia-as-as sa tuhod at kasukasuan

Teknik ng pagpaligo mo ay panahon pa ni Mahoma
Sa sabon naku baka mahilaman pati mga mata
Shower, bubble, steam bath at Jacuzzi ay mainam pa

5).
Mga kuko sa kamay at paa'y sisisilin
Balahibo sa binti at kilikili aking aahitin
Kung tyani ang hiling aking isa-isang bubunutin

Bakit mo sisisilin ay wala naming libag
Manikyur at foot spa na ngayon ang karapat dapat
Pag-aahit at pagbubunot mo ay mga maanghang na sipag

6).
Magtatanim ng mga bulaklak
Iaalay at ipapaamoy ang halimuyak
Pahihigain sa kamang bulak at mga rosas ang gayak

Halaman ang itinatanim hindi ang bulaklak
Allergy ako sa mga amoy isa pa, panlasa ay payak
Pag natulog sa kamang bulak, may back ache o stiff neck tiyak

7).
At sa pagtulog aawitan kita
Ibubulong sa tenga mga habi kong tula
Papaypayan hanggang sa pumikit iyong mga mata

Tenk yu na lang sa awit at tula (baka sintonado pa )
Koleksyon sa ipod ay marami ng pagpipilian
At saka winter ngayon kaya pamaypay di na kailangan


Cool.
Buhok susuklayin, titirisin mga lisa at kuto
Sa Mega o Rockwell magshopping hanggang gusto
Reyna ng ng aking buhay sa trono ay aking iuupo

Alam mo bang lisa at kuto ay endangerd species na
At shopping naman ay Harrods ang type ko at Divisoria
Sa halip na iupo sa trono ay work out sa gym mas ok pa

9).
Pero pag ika'y umabuso at umetats sa ulo
Sa kampo ng apanas ika’y ihahalo
Pagkayabat, sa ilog kitay iluloblob

Kung walang dahilan ay walang pag e.. at pag- abuso
Lahat nang iyan ay depende sa performance mo
Dito sa bahay welcome naman ang iyong ulo sa aming inidoro



Ibibitin ng patiwarik sa gitna ng Patio

Sige subukan mo’t magkaka lintikan tayo!
Kung Diegong Tabak ka ay Gabriela Silang naman ako.

Razz Happy Valentine's DT mula kay GS

_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Tue Feb 13, 2007 3:49 pm    Post subject: HA! HA! WA-EPEK Reply with quote

SA SUYUANG MALAGIHAY
(HINDI RIN PO ITO TOTOO)

para kay DT: pampalakas loob Laughing

sa panunuyo mo, sa wari di ka uubra
dahil nakatapat ka ng babaeng katipunera
hala! pagbutihin pa at ibandera
yaring pag-ibig na uto para kay Gabriela Wink

alalahanin, meron tayong kasabihan
walang matimtiman birhen sa matiyagang manalangin
konting himas pa`t pakyeme nya`y mahahalinhan
painot-inot na ngiti at sulyap na malamlam Rolling Eyes Wink

para kay Gabriela Silang: ganyan nga Laughing

sa tibay at tatag saludo ako
malayong malayo pa ang matamis na OO
patunay na wagas ang kailangan pa siguro
sa ipinangangahas na PAG-IBIG NA UTO Shocked

O, baka naman, wa-epek talaga
yaring pag-ibig na ipinapanata
ni Diego na sa iyong sapantaha
may pusong kung tumibok ay kabi-kabila Rolling Eyes Mad patay kang bata ka

HAPPY VALENTINES DIN SA INYONG DALAWA Cool Laughing

_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Tue Feb 13, 2007 4:02 pm    Post subject: happy valentine Reply with quote

kay dt at opel,

sa kay diegong tabak at gabriela silang
sa inyong tula ako'y napahagakhak lang
wala akong masabi sa inyong kahapyugan
dagdag na ligaya ngayong araw ng valentine.

salamat, salamat, salamat!

mam amor
Very Happy Smile Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Wed Feb 14, 2007 3:22 am    Post subject: Re: Pag-ibig ng Uto Reply with quote

Dt wrote:
"Pag ibig ng Uto"
(Ito po ay hindi Tutuo)

By: D. Tabak

1).
Peks man! pangako ko sayo
Pag ako ay pinagbigyan mo
Tinanggap alay na pag-ibig ko

HAHAHA! SIGE NGA SIMULAN NATIN
IISA ISAHIN PANGAKONG NAKABITIN
IH KAHIT MANIBALANG SUSUNGKITIN



2).
Pakakainin kita ng aking luto
Pahihigupin sabaw ng buto at bulalo
Ipalulunok matamis na gata ng buko

BAI MARUNONG DIN NAMAN MAGLUTO
AH ANG GUSTO'Y SIZZLING BULALO
SUS! SA EXOTIK NAKAKAIN NA NITO


3).
Susungkitin araw at mga bituin
Igigisa sa bawang at sa iyo’y ihahain
Susubuan at sa bawat nguya'y panonoorin

WOW YAN ANG HINDI KO NATITIKMAN
ARAW @ BITUING SA MESA NAKAHAIN
BAI AY DALI NAMAN AKO'Y NABIBITIN


4).
Kita’y sasabunin at hihiluran
Sabon ay pabubulain tapos bubuhusan
Labakaray ia-as-as sa tuhod at kasukasuan

HA! MARUNONG KANG MAG BODY SCRUBB
UY! MAGKANO NAMAN SAYO ANG BAYAD
MATANGGAL BA TALAGA GATIL NAKABABAD


5).
Mga kuko sa kamay at paa'y sisisilin
Balahibo sa binti at kilikili aking aahitin
Kung tyani ang hiling aking isa-isang bubunutin

WOW DI KO ALAM MANIKURISTA KA RIN
AH! HUWAG NA DUN AKO'Y MAKILITIIN
MASALING ANG BALAHIBO'Y MAGTIIN


6).
Magtatanim ng mga bulaklak
Iaalay at ipapaamoy ang halimuyak
Pahihigain sa kamang bulak at mga rosas ang gayak

IH ORCHIDS BAGA'Y KAY GANDA
LALO'T KUNG PUTI ANG KULAY NYA
NAKADUNGAW SA DAHONG LUNTIAN



7).
At sa pagtulog aawitan kita
Ibubulong sa tenga mga habi kong tula
Papaypayan hanggang sa pumikit iyong mga mata

MAHILIG AKO SA SALIW NG TROMPETA
PANGDUYAN SA AKIN NG MANGANGANTA
LALO'T NASA BINGGIT NAMAMALIK MATA PA



Cool.
Buhok susuklayin, titirisin mga lisa at kuto
Sa Mega o Rockwell magshopping hanggang gusto
Reyna ng ng aking buhay sa trono ay aking iuupo

DOVE ANG AKING BAGANG SHAMPOO
BAI DUN LANG TALSIK NA ANG KUTO
DI MAKAKAPALAG LISA'Y MAHIHILO

9).
Pero pag ika'y umabuso at umetats sa ulo
Sa kampo ng apanas ika’y ihahalo
Pagkayabat, sa ilog kitay iluloblob
Ibibitin ng patiwarik sa gitna ng Patio

WAAAAAAAHHHH AY DI SUBUKAN MO
MERON DIN AKONG IPAPATIKIM SA'YO
NA ANG MUNDO MO'Y MAGKA IPO IPO
ISANG BALA SABI NI FERNANDO POE

HAHAHAHAHAHAKABLAGDAPLAG NAHAPYOG ANG TUNAY NA HAPYOG!!!


_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Wed Feb 14, 2007 5:22 am    Post subject: Re: Pag-ibig ng Uto Reply with quote

By: D. Tabak (Ito raw ay hindi tutuo)

1).
Peks man! pangako ko sayo
Pag ako ay pinagbigyan mo
Tinanggap alay na pag-ibig ko

By: DaLuds (Ito din ay hindi tutuo)

Very Happy Rolling Eyes Wink
Bwuahahahahaha
May isang nagdadaang BALIW

ih bai, sino kaya ang kausap nung mama
Parang uto, bulong ng bulong kanina pa
O, lumuhod naman ngayon, ih ih ih malaki ang sira...

DT uli (hindi uli tutuo)
2).
Pakakainin kita ng aking luto
Pahihigupin sabaw ng buto at bulalo
Ipalulunok matamis na gata ng buko


DaLuds uli at hindi pa rin tutuo
Rolling Eyes Cool Very Happy
O umaarte pang parang nagluluto
Sino kaya ang sinusubuan ng uto
Aba ay may hawak pang buko

DT na naman (hinding hindi pa rin tutuo)
3).
Susungkitin araw at mga bituin
Igigisa sa bawang at sa iyo’y ihahain
Susubuan at sa bawat nguya'y panonoorin


Wink Laughing Very Happy
DaLuds (lalong hindi tutuo)

O saan naman kaya pupunta yun
Nakatingala sa langit, parang nahahayun
Mukhang sarap na sarap ah, ano kaya yun?


Dt (hindi pa rin tutuo)
4).
Kita’y sasabunin at hihiluran
Sabon ay pabubulain tapos bubuhusan
Labakaray ia-as-as sa tuhod at kasukasuan

Rolling Eyes Wink Laughing
DaLuds (hindi uli tutuo)

Aba, may hawak naman ngayong sabon
Baka maglalaro ng bubbles, teka, lalapitan ko ngayon
Hoy, mamang uto, pwedeng makipaglaro, ako'y may baon...


Dt (hindi pa rin tutuo)
5).
Mga kuko sa kamay at paa'y sisisilin
Balahibo sa binti at kilikili aking aahitin
Kung tyani ang hiling aking isa-isang bubunutin


Razz Embarassed Laughing

Cool Laughing Very Happy
DaLuds (Lalong hindi tutuo)

Ano kamo? sisisilin mo ang mga kuko ko?
Teka, kukuha ako ng balde, wag ka alis dyan loko..
Ibababad ko muna sa herbal, saka mo sisilin ha

Dt (hindi pa rin tutuo)
6).
Magtatanim ng mga bulaklak
Iaalay at ipapaamoy ang halimuyak
Pahihigain sa kamang bulak at mga rosas ang gayak


Rolling Eyes Wink Laughing
DaLuds ( ih hindi pa rin din tutuo)

Hatsing! Hatsing! Hatsing!
Ih makalayas na nga dito, amoy bulok
Dyan ka na, ayaw ko ng makipaglaro sa iyo...

Dt (hindi na naman tutuo)
7).
At sa pagtulog aawitan kita
Ibubulong sa tenga mga habi kong tula
Papaypayan hanggang sa pumikit iyong mga mata


Laughing Smile Rolling Eyes
DaLuds (joke joke joke)

O kumakanta naman ngayon
At namamaypay pa, baina!
Parang may ikot hahahahaha

Dt (hindi pa rin daw po tutuo)
Cool.
Buhok susuklayin, titirisin mga lisa at kuto
Sa Mega o Rockwell magshopping hanggang gusto
Reyna ng ng aking buhay sa trono ay aking iuupo


Very Happy Laughing Surprised
DaLuds (nakikipag utuan lang naman)

Makabalik nga, parang may pinipisa
Baina, wag mong tirisin yan, iprito mo muna
Tapos itinda mo dun sa Rockwell, murahan mo lang ha...

Dt (not true, wow inglis yun)

9).
Pero pag ika'y umabuso at umetats sa ulo
Sa kampo ng apanas ika’y ihahalo
Pagkayabat, sa ilog kitay iluloblob


Rolling Eyes Laughing Very Happy
DaLuds (just kidding he he he)

Aba, bakit para kang biglang nagalit?
Ah, gusto mong ihalo ang apanas sa lisa
Aba, ay malutong ang labas nay-an, sige nga


Dt (not true)

Ibibitin ng patiwarik sa gitna ng Patio

Laughing Wink Rolling Eyes Cool
DaLuds ( lalong joke only)

Ngeek...may hawak namang lubid ngayon
ah siguro gustong maglaro ng luksong lubid naman
Sali din ako ha, magaling ako dyan...
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Wed Feb 14, 2007 8:09 am    Post subject: Reply with quote



1. pangakong napako
pagtanggap ng puso,
pagkatao'y nagbago.


2. laksa man o tinuto
pagkaing Payti ito
di mo man isinubo!


3. lumipas mga buwan
walang bituing nakuha
kinodakan na lang sana!


4. ginamit mo'y batong buhay
sa paghilod sa buong katawan
hare ako ngayon at sugatan!


5. mga kuko ngayo'y nangabulok
di pala marunong ng pedicure/manicure
kilikili't binti namagang parang bundok!(no TLC)


6. gusto ko sana'y ilang-ilang
pero rosas, pinagpilitan
di man lang pinagbigyan!


7. bakit di awit ni James Taylor
hinihiling aking cantor
lyrics/melody sulat ng magaling na author.


8. maige pa'y i-shampoo
lilinis pa buhok at babango
wala ng lisa't kutong magtatago.


9. sino ngayon ang mali?
salaysay na iyong pinili
wala ka tuloy maani! BELAAAAAAAAAAAAT!!!!!!


_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Juan_Batute



Joined: 21 Jan 2007
Posts: 16

PostPosted: Wed Feb 14, 2007 10:29 am    Post subject: Re: Pag-ibig ng Uto Reply with quote

HAHAHAHAHAHAHHA!!!!!! Laughing
HAPPY VALENTINES SA LAHAT NG KABLAGERS!!!!!

HIHIHIHIHIHIHIHIHI!!!!!
Very Happy
BALING BALI KAYO ABA!
Razz



Dt wrote:
"Pag ibig ng Uto"
(Ito po ay hindi Tutuo)

By: D. Tabak

Back to top
View user's profile Send private message
Guest
Guest





PostPosted: Wed Feb 14, 2007 11:18 am    Post subject: IKOT-IKOT Reply with quote

DT & CO. BALING BALI KAYO ABA! ABA!!!

PUSO KOY TUMIBOK
UTAK KO AY UMIKOT-IKOT
LALAUGAN KOY KUMATI AT NAGAS-GAS
BOSES KOY NAPAOS DAHIL SA HAGALPAK

HAHAHHAHAHAHAHAHA!!! NA NAMAN!!!

SALAMAT!SALAMAT!SALAMAT SA OTOAN!
AT MARAMING SALAMAT SA INYONG DULOT NA TAWANAN!!!
Back to top
africa7777



Joined: 01 Aug 2005
Posts: 10
Location: Edwin Africano

PostPosted: Thu Feb 15, 2007 12:58 pm    Post subject: Sa mga Kampon ni Gabriela Silang Reply with quote

Kablag!Daplag!!!
Hahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!

Talagang ang mga babae iba pag bumomba
Hindi ako makailag dito sa mga bato ni Ka Gabriela
Pati sa Apo ni Mariang Brusio, Bunsong Sheeba at Dada
Insang Elisi at Alimpuyo na partida nakangiti pa
Tumbok na tumbok man o kahit na hindi tutuo
Kailangan ko ng tulong Juan Batute at ng mga bala
Si Ver da naman ay bubulong bulong pa duon sa dilag sa kabila
Sinusuyong dilag ay masakit na ang tenga sa kadidiga
Sa daming nalaglagan ng panty sa tamis ng tula niya
Pinaka sinusuyo ay hindi pa yata (biro lang)
Hala! mga kampon ni Gabriela pagtulungan nyo ako
Basta pag may umibig na UTO sa inyo
at maganda naman ang performance nito
Superman sa gabi at wallet nito
Mahalin din ninyo ng TODO TODO

Talaga namang itong Pag-ibig ay isang laro baga

At nasabi ko na, satutuo lang po;
(Ito po ay talagang tutuo)

Ako man ay may pag-ibig na
sukdulan at katapusan ay wala

hanga ako sa mga pag-iibigang wagas
sa tamis at init at malakas na hampas
hahamakin lahat at buhay ay iwawaras
makamtan lamang kahit walang basbas
nektar na walang kasing sarap at tamis
darang na apoy at sabog ng bulkang mataas
mahiwaga at makapangyarihang dinanas
masuerte, mapalad mga taong naranas


[size=9][size=12][size=7]Maligayang Puso- puso kay mam Amor, Amok, Maruha, Eva, T.Lee, Aurelia, Imelda, Tisay, Tobenits, Batang Patio, Insan Ted, Ten-ten, Saida na may magandang balikat, Claudio Banderas, Santa Glo, Connie, Fulukay, Bugoy, Amang Tom at Cia, sino pa baga? ah! at sa lahat na may Puso[/size]![/size][/size]
_________________
taga ermita sa e.jacinto
aka dt / d. tabak/
diegong tabak
Back to top
View user's profile Send private message
alimpuyo



Joined: 28 Apr 2006
Posts: 147
Location: Norie Almeda Balquiedra

PostPosted: Fri Feb 16, 2007 9:56 am    Post subject: Re: Sa mga Kampon ni Gabriela Silang Reply with quote

[quote="africa7777"]Kablag!

hanga ako sa mga pag-iibigang wagas
sa tamis at init at malakas na hampas
hahamakin lahat at buhay ay iwawaras
makamtan lamang kahit walang basbas
nektar na walang kasing sarap at tamis
darang na apoy at sabog ng bulkang mataas
mahiwaga at makapangyarihang dinanas
masuerte, mapalad mga taong naranas[/color]

AAARRRAAAYYYYY KKUUU! Wink aaammmeeennnnn Cool Laughing
_________________
Norie Almeda Balquiedra
Parents Name: Teofilo Afuang Balquiedra and Cecilia Fadul Almeda
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Fri Feb 16, 2007 9:03 pm    Post subject: Re: Sa mga Kampon ni Gabriela Silang Reply with quote

[quote="alimpuyo"]
africa7777 wrote:
Kablag!

hanga ako sa mga pag-iibigang wagas
sa tamis at init at malakas na hampas
hahamakin lahat at buhay ay iwawaras
makamtan lamang kahit walang basbas
nektar na walang kasing sarap at tamis
darang na apoy at sabog ng bulkang mataas
mahiwaga at makapangyarihang dinanas
masuerte, mapalad mga taong naranas[/color]

AAARRRAAAYYYYY KKUUU! Wink aaammmeeennnnn Cool Laughing



Saan ba makakarating ay di doon sa sukdulan
Araw ay hihintayin sa mahaba ninyong dulang
Pwede na sa akin handa ninyo ay inulang
Basta't liligaya ka huwag mo ng pagdudahan Wink Laughing Laughing

Huwag lang itatago sa amin hani??? hehehe.

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Fri Feb 16, 2007 9:44 pm    Post subject: Re: Pag-ibig ng Uto Reply with quote

Tula ng uto ay aking pakikialaman
At sisiguraduhin ko sa inyo ito ang katotohanan...hehehe!




"Pag ibig ng Uto"
(Ito po ay hindi Tutuo)

By: D. Tabak

1).
Peks man! pangako ko sayo
Pag ako ay pinagbigyan mo
Tinanggap alay na pag-ibig ko

Pag-ibig na alay naku ay salawahan
Alam kong mayroon kang ibang "hinahawakan"
Pag ikaw ay binisto ko tapus kapalaran
Pupulutin ka namin doon sa kangkungan! Laughing



2).
Pakakainin kita ng aking luto
Pahihigupin sabaw ng buto at bulalo
Ipalulunok matamis na gata ng buko


Huwag kayong kasisiguro at 'di n'yo pa natitikman
Mga recipe niya puno ng kapalpakan (bwahahaha)
Pati ang sinigang nilalagyan ng bawang
At ang nilaga niya'y lasang papaitan Laughing Laughing



3).
Susungkitin araw at mga bituin
Igigisa sa bawang at sa iyo’y ihahain
Susubuan at sa bawat nguya'y panonoorin


Bai si Al Gore ay iyo pang gagalitin
Araw at bituin iyong susungkitin
Aba'y ang "Global Warming" 'yong mamadaliin
Iyan kayang bibitin-bitin ang aming sungkitin? Laughing Laughing patay!



4).
Kita’y sasabunin at hihiluran
Sabon ay pabubulain tapos bubuhusan
Labakaray ia-as-as sa tuhod at kasukasuan


Aba'y libagin baga itong si Maruja
Di marunong maligo at nangangamoy pa?
Tungkol dito'y kakausapin ko siya
Sigurado nang patay kang bata ka!! Laughing


5).


Mga kuko sa kamay at paa'y sisisilin
Balahibo sa binti at kilikili aking aahitin
Kung tyani ang hiling aking isa-isang bubunutin


Sa manikyurista baga ay 'di mo siya madala
Bigyan mo ng pera para pumunta sa Spa
"Boob job" nga ay may napagbibigyan ka (Secret)
Sa mahal mo ba'y 'di mo 'yan kaya? Laughing Laughing



6).
Magtatanim ng mga bulaklak
Iaalay at ipapaamoy ang halimuyak
Pahihigain sa kamang bulak at mga rosas ang gayak


Bai baka rito ako ay totoong maiyak
Hindi pa man akin ng tinitiyak
Higaang sinasabi'y tiyak hahalimuyak
Sa saliw ng Ave Maria lakad mo'y papadyak-padyak Laughing Laughing (iba yata kinikita ko dito a!) KABLAG!



7).
At sa pagtulog aawitan kita
Ibubulong sa tenga mga habi kong tula
Papaypayan hanggang sa pumikit iyong mga mata


Baina 'di kaya DT magkaroon siya ng insomnia
Sintunadong boses baka mabingi siya Laughing Laughing
Sa iyong mga tula 'di kaya matulala?
Baka di kasalan,sakalan ang sa amin bumulaga!! Laughing Laughing



Cool.
Buhok susuklayin, titirisin mga lisa at kuto
Sa Mega o Rockwell magshopping hanggang gusto
Reyna ng ng aking buhay sa trono ay aking iuupo


Matsing na lang kaya sa zoo ang iyong arkilahin
Sa labo ng mata mo'y baka 'di lisa ang tirisin
Kahit saang mall mag-shopping 'di n'ya tatanggapin
Matapos sandamukal na kuto n'ya'y iyong alipustain bwahahaha Laughing



9).
Pero pag ika'y umabuso at umetats sa ulo
Sa kampo ng apanas ika’y ihahalo
Pagkayabat, sa ilog kitay iluloblob


Ito ang sa totoo'y sa iyo ang hampas
Dapat sa underpants mo pagapangin mga apanas
Para sa I-95 ikaw ay tumakbong kumakaripas
Gising na DT habang iyan ay di pa agnas!!



Ibibitin ng patiwarik sa gitna ng Patio[/quote]

Babatuhin ka ng bugok na itlog sa plaza!! hahahaha
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."


Last edited by Tisay on Sat Feb 17, 2007 8:26 am; edited 2 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sat Feb 17, 2007 2:03 am    Post subject: Re: Pag-ibig ng Uto Reply with quote

Bwuahahahahahakablagubo...sus ginoo ka TNems, nagkang uubo tuloy ako dito sa mga sagot mo...kablag!
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Guest
Guest





PostPosted: Sat Feb 17, 2007 3:59 pm    Post subject: Re: ARAY KU!!! Reply with quote

[quote="alimpuyo"]
africa7777 wrote:
Kablag!

hanga ako sa mga pag-iibigang wagas
sa tamis at init at malakas na hampas
hahamakin lahat at buhay ay iwawaras
makamtan lamang kahit walang basbas
nektar na walang kasing sarap at tamis
darang na apoy at sabog ng bulkang mataas
mahiwaga at makapangyarihang dinanas
masuerte, mapalad mga taong naranas[/color]

AAARRRAAAYYYYY KKUUU! Wink aaammmeeennnnn Cool Laughing


AAARRRAAAYYYYYY KO RIN!!!

Bato bato sa langit kahit ako tinamaan 'di ako nagagalit!
Dito sa hapyugan nyo tawa lang ang kapalit
Lalaugan at tiyan sakit ang sapit

Sukdulan baga ito? "sabog ng bulkang mataas"

Salamat sa makapangyarihang damdaming isinulat at isinatula.
Back to top
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Sat Feb 17, 2007 4:13 pm    Post subject: Reply with quote



ano kaya si Dt, nakita na sagot ko?
Ih ay siguro'y di at weekend ngayon
o, ay saan naman kaya pumunta yon?
bai ay di naghahanap ng bahay ano!

sabi ni tenems maraming ibinabahay
yun naman ay according to teludee na kapitbahay
bali kayong dalawa, ano pa kaya ang pinaguusapan nila?
kaawa-awang dt laging lutong-luto dito sa kanila!

mag-ingat kayo sa dalawang ito
ito po ang ba-bala ko sa inyo
magka ut-u-tang dila itong dalawa
magkadugtong pa mga bituka nila! (sa baldemor hane)

ang magalit ay talagang pangit
ang sumimangot ay ma-anghit
ang defensive naman ay baliw
alang magagawa, ibigay ang aliw!

HAHAHAHAHAHAHAHAHAKABLAGDAPLAG!
USAPAN NG MGA UTO!

_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Feb 18, 2007 2:19 am    Post subject: Re: Sa mga Kampon ni Gabriela Silang Reply with quote

africa7777 wrote:
Kablag!Daplag!!!
Hahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!
(Ito po ay talagang tutuo)
Ako man ay may pag-ibig na
sukdulan at katapusan ay wala
hanga ako sa mga pag-iibigang wagas
sa tamis at init at malakas na hampas
hahamakin lahat at buhay ay iwawaras
makamtan lamang kahit walang basbas
nektar na walang kasing sarap at tamis
darang na apoy at sabog ng bulkang mataas
mahiwaga at makapangyarihang dinanas
masuerte, mapalad mga taong naranas


Dt...ito ung nectar na walang kasing sarap @ tamis pakinggan mo itong kantang ito...by; jimmy bondoc

I believe
Na ikaw lang at ako
Kung kaya't tayo ay pinagtagpo
I believe
Ang kapalaran mo'y ako
At sana ay ganun din ang puso mo

Noong una ay hindi mo ako gusto
Kaibigan lang ang turing mo
Paano na ako

Araw araw maghihintay
Hawak lamang ang sinabi mong
Baka mahal mo rin ako
Tama na sa'kin ang minsa'y
Binigyan mo ng pag-asa
Basta't mahal kita
Ikaw lang at ako ang magsasabi ng I Love You

I Believe
May ibang pangarap ka
At ka'y tagal nating di magkikita
Kung saan ka dalhin ng puso mo
Asahan mong ang pag-ibig ko'y sa'yo

Lumipas ang araw at parang kay tagal
Sa mga bituin nakatingin
Kausap ay ikaw

Araw araw maghihintay
Hawak lamang ang sinabi mong
Baka mahal mo rin ako
Tama na sa'kin ang minsa'y
Binigyan mo ng pag-asa
Basta't mahal kita
Ikaw lang at ako ang magsasabi ng I Love You

Ang buhay ko'y ikaw kailanpaman
Kahit tayo'y magkalayo
Tadhana na ang siyang daan
Ng pag-ibig mo'y maramdaman
Basta't ito ang pangako ko

Araw araw maghihintay
Hawak lamang ang sinabi mong
Baka mahal mo rin ako
Tama na sa'kin ang minsa'y
Binigyan mo ng pag-asa
Basta't mahal kita
Ikaw lang at ako ang magsasabi ng I Love You

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sun Feb 18, 2007 4:42 am    Post subject: Magandang lahat... Reply with quote

Paru-parong palipat lipat sa mga bulaklak
Nektar nila'y walang sawang sinasapak
Nakakabinging arrrragguuuuyyyy ng tinamaang mga hapak
Dati rin po akong uma-arruuuuyyyy at may kasama pang lagapak!

Pwede ka palang umibig, ng walang nektar na sinisipsip
Ganito pala ang tunay na pag-ibig, akala ko'y panaginip
Tao lang tayo na makasalanan, pero wag mainip
Pag tunay na pag galang sa pag-ibig, inyong nasilip.

Yang sarrrappp ng damdamin na inyong nararamdaman
Panandalian lamang, dahil sa ating mga "batang" laman
Pagsapit nyo sa ginintuang edad, unti-unting malalaman
O Pag-ibig na tunay, ay inyong makakamtan. (naks)

Ang buong katawan nyo'y lumulutang
Nag uumapaw, sa kaligayahang hindi mo inutang
Tingin mo sa lahat ay maganda't walang mangmang
Ngiti mo sa labi'y walang katapusan at hindi maanghang!

Kaya nga pati bakas ng paa ko'y, tingin ko'y maganda
Parang uto-utong nilitratuhan at ipinakita
Bukang-buka pang akala mo'y abaniko na
Ganyan ang mata ng pag-ibig, lahat ay maganda! kablag!!!



[img]



Maintindihan nyo man ako o hindi, wala akong pakialam
Sapagkat pag-ibig ng uto, ito'y katakam-takam
Mga nakaw na sandali, tiyan nyo'y unti-unting kakalam
Para itong sinaing, kakainin mo pa ng walang ulam.

Aba, ako yata ay "in the mood," ito'y di ko maintindihan
Tinamaan ng dyaskeng pag-ibig, ako'y naguguluhan
Ayaw ng bawal na nektar, dahil ito'y may katapusan
Parang kulo ng sinaing, batilaw na at may katigasan.

Hanggang ngayon ay naghihintay, ibibigay ng Panginoon
Sabi nila'y hilingin mo't, darating din daw ito
Ay sus ginoo, ito pala ang nakalimutan ko
Kaya pala walang dumarating, humiling ay nalimutan ko!

Kaya kayong mga Uto, kayo ang saksi ko
O Panginoon, pakinggan mo ang hiling ng isang uto
Tunay na pag-ibig, sana'y ibigay mo na ito
Sa utong katulad ko, at sila'y iinggitin ko!

Hahahahahahahahahahhahahahahahahahahakablag!


Teka, di pa ako tapos, ako'y napahalaklak lamang
Tunay na pag-ibig ko sa inyo, uto uto man at mangmang
Inyong mararamdaman, tumatagos hanggang bangbang
Nanunuot sa tilapyang inaanod sa tubig na tabang!



Ih ih ih baka ako'y lalong mauto nito sa inyo hahahhahahahakablag



[/img]
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Sun Feb 18, 2007 9:53 am    Post subject: P'wede na sa akin... Reply with quote

Kung ang dahilan nitong ngiti sa mga labi
Kung mga hagalpak nangingibabaw lagi
Kung paligid sa tingin maganda lagi
Kung lahat ay kulay rosas din lagi
Kung ang sakit di iniinda gaano man katindi
Kung pakiramdam ay busog din lagi
Kahit may problema, tiwasay pa rin lagi
Kahit may kulang damdamin puno pa rin lagi
Kahit maya't maya'y nakikita miss pa rin lagi
Kahit sa phone kausapin palagi
Kahit amoy manusya na sinisinghut pa rin lagi
At kung lahat ng KUNG at KAHIT NA sa tenga'y musika
Tawagin n'yo na akong uto-uto mga sinisinta!! KABLAG!

Hahahahahahahahaha!
Hoy Dolora anong inerereklamo mo jan, aber?
Daluds, mapapakinabangan sa summer 'yang mga paa mo hehehe!
Sheba dalhin mo ang mga pananggang ibibigay sa 'yo ni Norie pag-uwi mo hahahahahaha! Muaaaaaaahhhhhhhhhh!

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Feb 18, 2007 5:09 pm    Post subject: Re: P'wede na sa akin... Reply with quote

Tisay wrote:
Kung ang dahilan nitong ngiti sa mga labi
Kung mga hagalpak nangingibabaw lagi
Kung paligid sa tingin maganda lagi
Kung lahat ay kulay rosas din lagi
Kung ang sakit di iniinda gaano man katindi
Kung pakiramdam ay busog din lagi
Kahit may problema, tiwasay pa rin lagi
Kahit may kulang damdamin puno pa rin lagi
Kahit maya't maya'y nakikita miss pa rin lagi
Kahit sa phone kausapin palagi
Kahit amoy manusya na sinisinghut pa rin lagi
At kung lahat ng KUNG at KAHIT NA sa tenga'y musika
Tawagin n'yo na akong uto-uto mga sinisinta!! KABLAG!

Hahahahahahahahaha!
Hoy Dolora anong inerereklamo mo jan, aber?
Daluds, mapapakinabangan sa summer 'yang mga paa mo hehehe!
Sheba dalhin mo ang mga pananggang ibibigay sa 'yo ni Norie pag-uwi mo hahahahahaha! Muaaaaaaahhhhhhhhhh!



SANDATA NGA KAYA'Y MAY BISA
BAKA NAMAN AKO'Y MAGKAPASA
LALO AYAW KONG MAGKAPIGSA
IGISA NA LANG ISAMA SA LISA


BAI TAPOS NA ANG ARAW NG MGA PUSO...BAKIT PANAY ANG EMOTE NATIN DITO...SASAGARIN BA NATIN...WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH...HAHAHAKABLAG!
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Dt
Guest





PostPosted: Mon Feb 19, 2007 1:14 am    Post subject: Para sa mga kampon ni Gs. Reply with quote

Mga Kampon ni GS

Dolora, apo ni Mariang Brusio
Hindi lamang laksa at tinuto
Bawat hipon ay pipitpitin ko
Lutong bibingka sayo’y isusubo
Nangabulok na mga kuko
Dahil sa fungus at bacteria
Papahiran ko ng antibiotic at abo
Si J---? Taylor ba o si Simon n Garfunkel
Tenant lang ang ibinbahay po
Iisa ang tanging ibabahay ang pangako

At sa kinikita ni Nemesia
At kantang Ave, Ave, ave Maria…
Ayaw ko pang maging biyudo, bali ka
Mga bugok na itlog na ibabato
Sa mga bibe ni J.Batute ay magsabi ka muna

Kanta ni Jimmy Bondoc tumbok na tumbok mo bunso

At kay dada na umi-ibig na walang nectar na sipsip
Kundi ramdam at salita ng ispiritu ang higop at lilip
Napakaganda na mga tinuran mo
Wisdom, kabuluhan at aral ay punong puno
A woman of substance ka nga
Mabigat na nakapasan sa iyong balikat
Bawat mong kilos, usap, ubo, dahak at kalaghara
Mga husga ng tao dapat ika’y handa
Ito nga siguro ang utos sa iyo dada
Ang ibahagi ang kanyang mga salita
Ipagpatuloy mo ang pagbabahagi sana
Pero ang pagiging uto ay huwag na huwag mawawala
Back to top
teddono



Joined: 03 Jun 2006
Posts: 43
Location: ted dono

PostPosted: Tue Feb 20, 2007 12:24 pm    Post subject: Pag uto ng Iniibig Reply with quote

Dt
,,,,,,,Insan,
,,,,,,,,,,,,,,,,hinaing mo'y
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,naringgan.
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,Akin lang pinagtakhan:
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,Anong pugad
kaya ang natingalaan?
Bakit
,,,,,,,,,,ang dumungaw
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,sa iyo'y machine gun!
machine gun
,,,,,,,,,,,,,,,,,,na rumaratrat
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,ng pang uuyam,
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,kapintasan
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,at suklam (hee hee hee)
Pag ibig
,,,,,,,,,,,na hain
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,pang uuto ang dating
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,sa sintang mahinhin.
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,Tuloy ang birhen
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,mistulang inahin
Sa
kapuputak man din,
,,,,,,,,,,,,,,,,,,iyong siguruhin
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,tayo'y puputaktihin!

Sa pagdamay sa iyo
Di makatakbo ng derecho,
medyo pa-zigzag ala-Vic Morrow,
dahil mukhang may combat nga rito.

Wag mag alala
marami akong dalang bala,
isang sakong balatong
(wala nga lang matang-kabayo)
sa pulad nating moderno.

Sari-saring anting-anting
at saplot na kay galing
pagpuntirya sa atin
sila'y maduduling.

Para lahat ito makarga
kariton ni Minis hiniram muna,
at doon kasyang kasya.
Bilin lamang niya,
"pagbalik lagyan nyo ng basura"
basura galing Amerika
na kagaganda at umaandar pa!

Bakit da naman malimutin,
Sa taga-bulag na anting-anting
iyun pa ang nabilin.
Di bale, nagbigay nito sa akin
naalala ko'y bulag din.

Bago kariton pumalaot
yung mga sakristan Romano't
Aglipay di nagdamot,
kampana'y binagting ng walang lagot:
Panawagang maghakot
ng mangingibig na walang takot!

Nariyan si Tito Virgil,
mga epiko ni Homer at Virgil
maisasaysay nyang walang pigil
At
si Mang Fred na sa kantahan,
Fred Panopio at John Denver man
kayang kayang pantayan.
Ano
pa kaya pagdating
ni Ka Ver, Eboyton, Bulanggugo, FMA,
batute, pati na si Angel.

Kaya 'wag mangamba, Insan Dt.
Patuloy na umibig
Kahit akalaing nang uuto
kahit tawagin uto uto
Sa bandang huli
mauuto rin ang iniibig
magpapakauto.

Syanga pala, meron
din tayong coupon
sa kariton.
ikatutuwa ng mga Eva
dahil ito'y libreng Spa,
kahit anong masahe pagusto ka,
Coupon sangkaterba!
Tinanong ko yung attendant
(siya pala'y kahera)
bakit offer nila'y kay ganda?
Sagot niya:" Siempre po
modernong panahon!
patakaran po rito--
self-service!
Back to top
View user's profile Send private message
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Tue Feb 20, 2007 5:08 pm    Post subject: Reply with quote



hare na kami mga kampon ni Gabriela Silang
matapang , matibay at walang inuurungan
saan man at sa ano man kami'y lumalaban
lalo na't nakataya aming kababaihan!

balang balatong walang problema
bagkus ay natuwa at may maiigisa
pang ulam na iaahin sa aming lamesa
at sa beri-beri ito'y magaling talaga!

hagimuhin man lahat ang inyong angkan
kami'y laging handa magpakaylan man
nakabantay palagi at di na aabisohan
kusang sumasaklolo sa aming katipunan!

maghintay panandali at isa-isang dadating
mga katipunera ni Gabriela'y di na mapakali
hasang mga utak ay nagmamadali
makaharap kayo at makadunggali!

_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Tue Feb 20, 2007 9:25 pm    Post subject: Pag uto ng Iniibig... Reply with quote

Aba'y tabak ba ni Diego'y naging mapurol na?
Hindi na yata uubra sa gulok ni Gabriela
Kaya sa mga Katipunero'y nagpapasaklolo na
At magbabaon pa mandin ng isang karitong bala Laughing

Hindi iyan tatagos sa salakot na panangga
May naisip ako mas magandang ideya
Ilaga na lang natin at saka igisa
Masarap na kaulam ng piniritong pla-pla Laughing Laughing

Katoto, ang awayin si DT'y 'di namin magagawa
Kapatid naming mahal, pangala'y ibabandila
Ibibitin at iwawagayway sa poste sa wawa
Saka tatanggalin kung hanggang leeg na ang baha Laughing Laughing

Isauli mo na ang kariton kay Minis
Upang 'di malugi ang tangi niyang bisnis
Mas kailangan 'yan upang bayan malinis
Hala na dalian mo't baka kami ay mainis Laughing Laughing

Mga katipunerong tunay na ma-inlabin
Di kayo mananalo saan man ito daanin
Lalo pa nga't lihim ni DT ay hawak namin
Beeeh 'di ko sasabihin kahit pa nga pilitin Laughing Laughing

(Maliban na nga lang kung sa bulsa'y may kakalansing hehehe, ang lagay baga ay... Wink Laughing Laughing Laughing )

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group