PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Pag-ibig ng Uto
Goto page Previous  1, 2
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
dt
Guest





PostPosted: Wed Feb 21, 2007 5:24 am    Post subject: Pulad ni insan ted at balatong ni sayti at dolora Reply with quote

Lintsak itong ininom na triple shot na cappuchino!
'di dalawin ng antok si diego

nag-iisa pang nagtatawa dito
dahil sa mga posting ninyo

[size=9]sabi ni insan ted;
Kaya 'wag mangamba, Insan Dt.
Patuloy na umibig
Kahit akalaing nang uuto
kahit tawagin uto uto
Sa bandang huli
mauuto rin ang iniibig
magpapakauto[size=9].
[/size][/size]

sabi ni dt;
dumaplag ako dito insan ted, hahahhahha!
lalo yata akong nauto!
'di ko alam marunong ka din palang makipag-utuan
marami ka narin sigurong na-uto
dahil sa lahi natin, ano?
"tisoy daw!", sabi ni tisay, ano meshyang may reklamo?
'lam mo naman 'di ko din kayo kayang iprito kasama ng tilapya at pla-pla
mamahaw na lang tayo ng balatong ni dolora!
ng hindi tayo manilaw, mamaga kamay at paa
p.s.
sa mga piping saksi ni alimpuyo
sa mga silent reader na medyo lang uto,
susunod na mag-popost, ay sino?
ilabas na pagka-uto-uto ninyo
dahil hindi naman po ito totoo!

...ay sa hindi!!!
ano, tenX2, daX2 habirday!, balikat ingat!, fulukay take it easy! tobenits kape muna!, jeff, bugoy at dean vic paramdam din, muzta na, santa glo?
Back to top
kapiraso54
Guest





PostPosted: Wed Feb 21, 2007 3:19 pm    Post subject: Pagibig na uto Reply with quote

Utong-totoong umiibig
Yaong binatang ubod kisig
Sa isang babaing kaibig-ibig
Puso't isip sadyang naliligalig


Buwan,bituin pati araw pilit susungkitin
Rosal, sampagita pati ilang-ilang pipigtasin
Lansones, santol pati mame puputihin
Gurami, tinikan pati hito iihawin

Sa umaga binatog at suman ihahain
Sa tanghali sorpresa kay Mang Benga dadalhin
Meryenda sa hapon espesyal halo-halo titirahin
Sa gabi naman balot-penoy siya ay bubusugin

Tatlong krus kanyang aahunin
Lambingan bridge kanya ring tatawirin
Sa wawa ay kanyang ipapasyal din
Makamit lang ang oo sa sintang giliw.


Note: Ang tula pong ito ay mula sa tunay na karanasan nang hapyog na may akda(inspired by this section and all contributor)habang siya ay hinahapyog(way back circa'70) nang kanyang barkada na puro hapyog sa harap nang isang litrong lambanog na ang pulutan ay mangga at ginatang langka. Laughing
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Thu Feb 22, 2007 3:28 am    Post subject: Ganito ang hitsura ng puso ng isang uto Reply with quote

Puso ng Isang Uto



[/img][img]

Pili-pilipit na arteries, ito ang puso ng isang uto
Di mo malaman, kung saan ang umpisa at dulo
Mga pangakong sinasambit, ito kaya'y mga tutuo?
O guni-guni ng uto, akala nya'y tutuong tutuo!

May liwanag naman, kung iyong susuriin
Nakatago nga lamang, nakabaon at kailangang sisirin
Pag hawak mo na, ikaw sana'y maging masunurin
Dahil kung hindi, boldyak kay Nemesha ang dadanasin!

At ikaw Dolora, humanda ka sa akin
Pati secret namin ni Tisay, ibabandila mo pa mandin
Isa ka rin namang uto, na nakikinig sa amin
Naniniwala't nakikiliti, sa mga kwento namin! kablag!

Sa paglipas ng panahon, naka ilang bday na baga tayo?
Pero eto pa rin, sa utuan ay sama samang tumatayo
Sana'y abutin pa natin, ginintuang samahan mga katoto
Utuan, hapyugan, tulaan, kantahan, sayawan, ih ih talagang uto!

Kalaghara'y nakakasuka, itong si DT'y dobleng uto
Hahaha dahak mo'y himpot, ikaw ay matatalo
Kaya ipaayos mo na, para magmukhang gwapo
Sombrero ni Samantha, pag-aagawan nitong mga balo!

Mahal ka naman namin katoto, kahit na ikaw ang pinakauto
Maasahan mo kami, lalo na't kami'y walo (uto ay, di
marunong bumilang)
Ipagtatanggol ka namin, kaisa-isa ka naming "bro"
Kaya pag-ibig ng uto, andito kami sa iyo Wink


[/img]
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Tue Feb 27, 2007 5:16 pm    Post subject: Re: Pagibig na uto Reply with quote

kapiraso54 wrote:
Utong-totoong umiibig
Yaong binatang ubod kisig
Sa isang babaing kaibig-ibig
Puso't isip sadyang naliligalig
Buwan,bituin pati araw pilit susungkitin
Rosal, sampagita pati ilang-ilang pipigtasin
Lansones, santol pati mame puputihin
Gurami, tinikan pati hito iihawin
Sa umaga binatog at suman ihahain
Sa tanghali sorpresa kay Mang Benga dadalhin
Meryenda sa hapon espesyal halo-halo titirahin
Sa gabi naman balot-penoy siya ay bubusugin
Tatlong krus kanyang aahunin
Lambingan bridge kanya ring tatawirin
Sa wawa ay kanyang ipapasyal din
Makamit lang ang oo sa sintang giliw.Laughing



tulo laway naman ako sa tinuran mo
bai! nais ko tuloy ako'y magsumamo
hakutin lahat baga iyan ng eroplano
ng kami'y makatikim naman lahat dito

pero ang tunay talagang kinasasabikan
yung mga lutong kakanin sa ating bayan
lalo na yung gumaan hinalo sa binay-an
susundan ng malutong na bikang bikang

sinokmaning tambak sa ibabaw ng latik
yung saba ng saging ginawang walastik
bai! sinaing sa gata nilagyan ng palatok
tapos sabay iinuman ng nagyeyelong coke

hahahahakablag! baina jazzkee lalo yata akong nagutom teka maitigil na't baka mangasim ang sikmura...waaaaaaaahhhhhh kablagdaplag!!!
Laughing Laughing

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2
Page 2 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group