PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

ANG LECHE, . . .

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Mon Feb 26, 2007 9:09 am    Post subject: ANG LECHE, . . . Reply with quote



. . . leche, carnation condensada
masarap sa fruit salad, pampatamis pa
sa kapeng mainit ihalo'y evaporada
at sa champorado'y malinamnam nga.

klim naman ay isama sa pulpuron
mani at pinipig ay pwede ring meron
malasang-malasa kapag isinubo mo
huag nga lang sisipol at ika'y mauubo.

mais con leche, pampalamig
halo-halo at walastik na kaibig-ibig
snow ball na, nakapupula ng labi
kaya mga dalaginting syang binibili.

avocadong iniskop ng kutsara
rebenado at leche ang kasama
hot cake / pancake pareho sila
pahiran ng star margarine at ika'y tataas pa.

nagawa po ang tulang ito, gawa ng kaleleche
at kaleleche at kaleleche ni Te Nemsie!l


_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Feb 26, 2007 4:33 pm    Post subject: LECHE nga... Reply with quote


bai! bakit nga masarap ang mga iyan
alonang katawan pinahamak nay-an
Jlou figura'y nag kanda leche-leche
ih animo'y binabad na pande leche

amo'y da naman ay nakakabighani
lalo na't pagkatapos ng pananghali
sa panaderiya'y wag papandi pandi
talaga namang ikaw ay makakabili

magpa ibaba't omorder ng halo-halo
pati bibingkahan hindi rin dun malayo
binay-anan halos kahanay ng mga ito
magbubuko'y aalukin ka ng mga nito

hahahahahakablagdaplag ano ba yan nettsky paano na ang alonang byuti pagkain itong iyong inihain...waaaaaaaaaahhhhhhh,,,teka bigyan kita ng recipe ng LECHE...

6 pirasong itlog
2 latang malapot na gatas
2 kutsarang vanilla ni amang Isyo

paghaluin lahat ng sangkap at gamitan ng de koryenteng pangbati...salain sa lumang lampin o di kaya sa sando ng asawang di na ginagamit...mag gawa ng pulot at ilagay sa hornohan ng LECHE...ibuhos ang ang binating etlog na may malapot na gatas...
magpakulo ng tubig at pasingawan ang LECHE sa mahinang apoy...pagkatapos ng 30minuto o di kaya 45minuto buksan at hipan...kung di na aalon sa hangin na lalabas sa nguso luto na un...

oh sya makapagluto din bukas matagal na akong di nakakatikim nay-an...

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
ellie
Guest





PostPosted: Mon Feb 26, 2007 5:56 pm    Post subject: Reply with quote

paboritong leche kakain ako sa summit
sana'y ipagluto sa banlat kong gamit
luto ni ina ng siya'y nabubuhay pa
di malilimutan hinahanap sa tuwina

lecheng galing kay nemeshia kayo'y ipag-hehele
ika'y gugulantangin kapag siya'y lumeche
kaya paka-ingat kayo kapag siya'y katabi nyo
itago ang mukha takpan ng inyong panyo.....hahahahaha
Back to top
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Wed Feb 28, 2007 10:25 pm    Post subject: Leche baga? Reply with quote

Nagka-leche-leche na't di magkaintindihan
Dahil kay Dolorang siyang pinanggalingan
Sobra-sobra kasi kanyang 'katalinuhan'
Kaya panay ang pangarap kumain ng leche plan! Laughing Laughing

Mga letsugas kayo, ah huh huh! Laughing Laughing Laughing

Kataka-taka pag na gets mo ito Ellie hahahahaha!
Aba Bunsoy salamat sa recipe...pero ibang leche ito, tanong mo kay Brunette hahahaha!

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Sun Mar 18, 2007 6:52 am    Post subject: hoy Reply with quote

ako'y natutuwa balik ang hapyugan
dito sa tulaan panay bulagaan
kahit ang usapan panay kaletchehan
makibasa ka lang ika'y kakabagan.

iyan ang mahirap kapag kinabangan
baka ang kasunod panay pururutan
lalo't ang resipe na may kalechehan (gatas ano)
mabisang-mabisa na pang-apurahan.

ay anu't anuman inyong kahulugan
sa leche't letsugas na inyong tinuran
sa akin lang ito mga kaalonahan
ako'y pinasaya, palis kapaguran.


Laughing Laughing Laughing
mam amor
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group