PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PASASALAMAT

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulong Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
nickveth
Guest





PostPosted: Fri Sep 02, 2005 7:42 am    Post subject: PASASALAMAT Reply with quote

Nabasa po namin ang mga tulong na ginawa ninyo sa anak namin na si Chrisropher at sa pamilya ni Nenneth at Bong Bagalso,maraming salamat sa mga tulong na inyong ginawa,spiritualy,moraly and financialy,iba po talaga tayong mga taga Paete may pag dadamayan sa isat isa lalot higit sa mga oras ng kagipitan,alam ko po na ito ay nakapag bigay sa kanila ng lakas ng loob na lalong harapin ang mga bagong hamon sa bagong kapalaran kanilang tatahakin diyan sa ibayong dagat.Dalangin po namin ng aking pamilya ang tagumpay ng bawat isang Paetenians saan mang sulok ng daigdig.Mabuhay po tayong lahat at ang bayan ng Paete higit sa lahat Paetenians angat talaga!!
Kapt.Rudy Cagandahan
Estela Balandra Cagandahan
Nick & Veth Valdellon
Margaret Cagandahan
Back to top
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Sat Sep 03, 2005 1:07 am    Post subject: Re: PASASALAMAT Reply with quote

Rudy at Estela: Matiyaga kong sinusubaybayan ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw lalo na ang malaking kapahamakan na humampas sa New Orleans dahilan sa kadawit dito ang ating mga kababayan at mga mahal sa buhay.

Hindi namin maubos-maisip at mawari dini kung gaano kalaki ang inyong pag-aala-ala, takot at pangamba dahilan sa inyong mga mahal sa buhay na nasa panganib.

Masusi kong binabasa ang mga pagpapalitan at pahatiran na nagsasaad na ating tunay at malalim na mga damdamin: ang pagkabahala, takot, pangamba at pag-asa. At ating nasaksihan ang nagagawa ng ating paguugnayan sa Internet at ang naging magandang bunga at wakas nito - ang pagtutulungan na humantong sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay.

Ang pagtutulungan na ating namalas ay maging huwaran sana para sa ating lahat, sa mga nariyan sa Paete at gayon din sa mga nasa ibayong dagat. Sa ganitong paraan lamang tayo magkakaisa at magiging isang Bayan.

Dito lamang natin mababasa ang mga pangyayari na may kaugnayan sa ating buhay katulad ng mga kaganapan sa New Orleans.

Kaya't kailangan nating pasalamatan ang ating mga kababayang naging mga pasimuno ng Internet sapagkat tayong lahat ang mga taga pakinabang nito.
_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Sat Sep 03, 2005 9:17 am    Post subject: pasaslamat Reply with quote

magandang araw po salahat,lubos po akong nagpapasalamat sampu ng aking pamilya at pamilya ng mga kuya bernard at nieves sa lahat ng tumutulong samin ng pinansyal at lalonglalo na sa mga nagdasal sa kaliktasan namin. hindi ko po maipaliwanag ang kasiyahang nadama ko ng malaman kong napakaraming taong nagmamahal samin at handangtumulong samin sa oras ng trahedyang tulad nito
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Sat Sep 03, 2005 9:39 am    Post subject: thank you po sa lahat..(Christoper Cagandahan) Reply with quote

magandang araw po sa inyong lahat, ako nga po pala si topher cagandahan, taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng aking mga kapamilya,kamaganak,kaibigan,kababayang tumulong samin ng pinansyal at lalo ng panalangin upang maligtas sa trahedyang naganap samin,di po man namin maibalik sa inyo ang mga tulong na naibigay nyo sa min alam ko po naman na ang panginoong dios nalang po ang mag babalik sa inyo nun,wala po akong malamang sabihin kungdi maramingmaraming salmat po sa inyong lahat
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Sat Sep 03, 2005 8:32 pm    Post subject: Kapt. Rudy at Kang Estela Reply with quote

Ngayon ko lamang nalaman na 'yon palang binabanggit na Topher sa mailing list ay anak ninyo.

Una ang pasasalamat sa Diyos at pangalawa sa ating mga kababayan,
alam kong maluwag na ang inyong pakiramdam.

tama ang mga tinuran ni kang ver sa kaniyang posting sa inyo tungkol dito sa ating mailing list (website). Itinuturing kong isa itong malaking biyaya ng Diyos sa ating lahat na ibinigay niya sa pamamagitan ng ating mga kababayan na nasa likod nito. Sila'y patuloy nating isama sa ating mga panalangin.

kang estela, kumusta rin sa iyong mga kapatid, sina kang lilia, kang anicia, kang rolly, toots at sa iba pa (alam kong mayroon akong ibang di nabanggit, pasensiya na)

amor
_________________
Amor Salceda Kagahastian
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sun Sep 04, 2005 12:06 am    Post subject: Re: pasaslamat Reply with quote

Hi Nieves,

Magkasabay pa kayo ng kapatid ko na Nieves din ang pangalan na nangailangan ng dasal ng kaligtasan.....sa ngayon ay araw araw at aggressive therapy ang kailangan ng kapatid ko, panay ang lambing sa amin, kaya kami nina Julia at Mario ay natutuwa na at nakakangiti......

Sana pala ay nagkita tayo dyan sa Virginia ano, kaya lang iba ang ibinigay ni LORD para sa akin.....alam ko na mas maganda ang plano NIYA sa pamilya mo at kay Topher, kaya sa anumang nangyari ay pasalamat pa rin tayo, mahirap bigkasin ang salamat pag ang nangyayari sa buhay natin ay "negative" pero kailangan.....LET GO, LET GOD....everything will be alright, walang imposible sa KANYA, di ba?
Tingnan mo, ngayon ay pareho na tayong nakakangiti, pagkatapos ng "unos".......tulad mo ay panibagong buhay ang kapatid ko at masaya siya, gusto na raw umuwi, hindi sa Paete, kundi excited siya duon sa condo na pinagtulong tulungan naming magkakapatid para magamit sa kanyang therapy at malapit sa hospital.....matatagalan siguro ako duon pero palagi akong susubaybay dito sa ating website.....nandito si LORD, ang kamay NIYA ay nakahawak sa ating lahat.....Glory be to God....

Topher, nakausap ka na sigurado ng Tita Tita mo ano....anyway, panibagong buhay, panibagong pag-asa at siguradong MAS MAGANDA.....kaya salamat kay LORD....

O sige, hanggang sa muli....si Saida ay nagtxt sa akin at nagpapabigay ng tulong sa inyo, ako rin, kahit konti, ok......Love you all in Christ's name....Daluds...
Back to top
View user's profile Send private message
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Sun Sep 04, 2005 8:20 am    Post subject: salamat tta Luds Reply with quote

tta Luds;Alam kong may pinag dadaanan ka ring balakid.Pero gaya mo malakas ang pananalig mo sa taas kaya ngayon ay maayos na ang kapatid mong si Nieves.Sa ngayon alam kong nakakatawa na ako at nakita ko ang pag sasamahan nila rito.Sobra,sobra pasasalamat ko sa ating mga kababayan dito sa soporta nila sa amin,pati narin ang mga nag dasal sa amin dyan.Kahit natroma ako sa mga ng yari sa amin.Kahit t.v ayaw kong makita ang balita at di ko maiwasang balikan ang nangyari sa amin.Sa ngayon payapa na ang loob kong ligtas na kami rito at di nag iisa.Kahit papanoy nalilibang ko na ang sarili ko.Nong nakasakay na kami sa eroplano .malakas pa rin ang kaba ko.Pero ng makita ko na ang mga kababayan ko di ko naiwasang umiyak uli.Lalo na ng makita ko si dada Dalen.sabi ko sa sarili ko di ko akalaing makita pa namin kayo.Alam ko mahal kami ng Panginoon dahil na rin sa suporta nyo.Salamat... ngayon pilt kong nililibang ang sarili ko.Sana mawala na sa isip ko ang lahat na ngyari sa amin.Salamat muli...salamat...salamat sa lahat.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sun Sep 04, 2005 10:53 pm    Post subject: Re: salamat tta Luds Reply with quote

Naputol na ang usapan natin sa phone, nag low batt na pareho ang phone, sorry.....gaya ng huli kong sinabi, bukod sa kababayan ay di kayo pababayaan ng US gov't.....umpisahan mong tumawag sa red cross at FEMA nga.....meron pang counselling para sa traumatic experience ninyo....dito ka na nga lang mag mal-og sa internet, wag ka ng manood ng t.v.....maaala-ala mo laang ang tragedy.....daanin mo uli sa hapyugan at tulaan....(lol)....teka babalik ako, hahanap ako ng link ng help para sa mga taga New Orleans, siguradong si Santa Glow, alam yon....help, Santa Glow....paalis na ako bukas....ikaw na kaya ang mag research kung paano ang gagawin ni Nieves (Nette)....
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sun Sep 04, 2005 11:02 pm    Post subject: Re: salamat tta Luds Reply with quote

Hi again, Nieves.....here's one site I found.....umpisahan mong i-submit ang name ng buong family, and Topher too....

http://www.cnn.com/SPECIALS/20.....lp.center/
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sun Sep 04, 2005 11:14 pm    Post subject: Re: salamat tta Luds Reply with quote

Eto pa ang isa......

http://www.fema.gov/

Bukod sa govenment, I'm sure maraming taga Paete ang nakabasa ng posting ni Prof at kung saan ipapadala ang tulong nila sa pamilya mo at kay Topher.....ok? Sisilip ulit ako dito....o sige....God loves you and so all Paetenians too........
Back to top
View user's profile Send private message
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Sun Sep 04, 2005 11:28 pm    Post subject: Re: salamat tta Luds Reply with quote

Ludy/Nieves:

I took the info underneath from the site you gave above:

Fill out a quick and easy form on our Web site.

Or, call in your story to "Anderson Cooper 360" at 1-866-NY-AC360

Be sure to include the following information: Your name, phone number, e-mail address, and hometown.

Read Hurricane Katrina stories:
CNN.com user stories

Nieves: If you are interested, I volunteer to write your story. After it is finished I will send it to you for approval. If you think the story is worth the trouble, we will send it to Anderson Cooper. Nothing to lose.

This might even help you get some help and some reparation for your losses. I think your ordeal is a story worth telling.

The TV channels like CNN are doing only now what the Paetenians have done for you. They are using the Webcam and the Internet and the Email to locate and connect separated members of families. Didn't we do that before they did? Wink

Many of these separated families don't even know where to go to locate their lost members. You didn't have that problem. All you needed was a phone and/or a computer terminal because you knew whom to contact. I think we are even ahead of the Federal Government. They might even learn a lesson or two from us. Wink

Our accomplishment and the help you received from relatives and kababayans could be a model of communication, networking and giving of help. If you get recognized, this might be a big boost for PAETech. This is not opportunism. This is a big chance for Paete to shine.

Think about it.
_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae


Last edited by vermad on Mon Sep 05, 2005 9:51 am; edited 3 times in total
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Mon Sep 05, 2005 1:14 am    Post subject: gusto rin po Reply with quote

Mang Virgil,

Gusto rin po ng Matanglawin ng ilagay sa kanilang newsletter ang story ni Nenett, so pagkagawa po ninyo ng story eh pwede din po ba na yun din ang ipadala sa Matanglawin . Thank you po
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Mon Sep 05, 2005 1:18 am    Post subject: Re: salamat tta Luds Reply with quote

O tingnan mo Nieves, eh di artista ka pa ngayon....he he he....yan ang sinasabi ko na mas maganda ang plano ni LORD sa iyo....malay mo, may bumili ng story mo at isapelikula, hindi masama di ba....magiging famous tuloy ang website natin.....wow.....
Back to top
View user's profile Send private message
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Mon Sep 05, 2005 6:28 am    Post subject: Re: gusto rin po Reply with quote

net_feldmann wrote:
Gusto rin po ng Matanglawin ng ilagay sa kanilang newsletter ang story ni Nenett, ... pwede din po ba na yun din ang ipadala sa Matanglawin .


Bai ay Oo! Walang kahirap-hirap ang mag-attach ng text to one or one thousand people. Wink
_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Mon Sep 05, 2005 7:25 am    Post subject: ako rin, kang ver Reply with quote

Please send me a copy, too, lagay ko rin sa aming publication. Worthy of emulation ang ginawang pagtutulungan ng mga taga-paete.

thanks in advance.

regards,
amor
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Mon Sep 05, 2005 4:51 pm    Post subject: Re: gusto rin po Reply with quote

Kang Ver, naisulat mo na baga ang story? galing naman.....ilalagay mo rin baga dito? O sige, Kang Ver, thank you uli sa mga dalangin.....kausap ko si nanay kaninang madaling araw dun....inaalam ko ang progress nga ni Yvees.....ibinalita nya na sinusubukan nila ang takbo ng isip ni Yvees, kaya isa isang ibinigay ni nanay ang mga sobre ng mga nagbigay kay Yvees....so tinatanong daw niya, "o magkano yan", tama ang sagot....so lahat ay alam pati ang total....at nagbiro pa daw dinugtungan ng "o walang kukupit nito hane" kaya katuwaan daw sila.....

Arthur, Tess Gallardo Africano....salamat sa tulong nyo....Inang Monty at Amang Freddie, salamat po......

O sige, hilong talilong na ako sa mga ginagawa ko dahil matagal akong hindi muna babalik dito sa US.....napa upahan ko na rin ang bahay ko, thank you LORD, IKAW ang nag aayos ng buhay ko.....
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulong Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group