PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

The Wonder Of You...LOVEN CALUPE!

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
LOVENIAN
Guest





PostPosted: Sun Apr 29, 2007 8:57 pm    Post subject: The Wonder Of You...LOVEN CALUPE! Reply with quote

The Wonder of You….LOVEN!

Noong Sabado de Gloria ay ginulantang ang buong Paete ng isang parada. Ito ay pinangungunahan ng isang bagong bago at wala pang plakang BMW kasunod ang ilan pang sasakyan. Sa huli ay isang kumpletong banda ng musiko ang masiglang tumutugtog upang maghuhudyat sa kandidatura ng isa nating kababayan na nakasakay sa isang open pick-up at buong giting na kumakaway, ang anak ng Ermita…. si LOVEN CALUPE!

Sino nga baga itong si Loven?

Si Loven ang pinakabunsong anak sa 5 naging bunga ang pagmamahalan nina Inang Mityang at Amang Jose Calupe na tubong Ermita. Bagama’t sila ay mahirap at walang pinag aralan, itinaguyod ng mag asawa ang kanilang mga anak na sina Gerald, Tikboy, Achug, Yaya at Loven, sa pamamagitan ng pagtitinda. Mahusay makisama ang pamilya Calupe lkaya naman sila ay minahal ng buong komunidad ng masayang Ermita.

.Marami ang kumukutya at nagtatawa kay Loven dahl sa kanyang desisyon na pasukin ang madumi at magulong mundo ng pulitika, Bobo daw siya at walang pinag aralan. Ano raw baga ang magagawa ng isang Calupe kapag siya ay nanalo? Kinausap ko siya kahapon upang tanungin ang kanyang plataporma [na hindi ko naririnig sa iba nating pulitiko, bagkus ay puro siraan, kalkalan ng basura at batuhan lamang ng mababahong putik ang ginagawa sa kanilang mga miting!] Ang prioridad daw niya ay ang edukasyon mga mahihirap [sa katunayan, siya ay kasapi sa samahang $20 Club], ang pagbibigay ng libreng gamot sa mahihirap at ang kagandahan, kalinisan at kaayusan ng bayan ng Paete bukod pa sa pangakong maglilingkod ng 24 oras. Kung yung mga may pinag aralan at magagaling daw na pulitikong ibinoto natin noon na nanalo pero wala namang nagawa, masulat kaya sa kasaysayan ng Paete na tinalo pa sila ng isang bobo daw at mahirap na walang pinag aralan?

Bukas, Mayo 1, 2007 sa ganap na alas 4 ng hapon ay masasaksihan ng buong bayan ng Paete ang isang kasaysayan. Maitatala sa kasaysayan ng pulitika ng Paete ang pinakamalaki, pinakamagarbo at pinaakamasayang parada para suportahan ang isang kandidatong konsehal ng masa. Hindi man siya nanghihingi ng campaign fund, tuloy tuloy ang pagdating ng libo libong piso na galing sa mga kaibigan mula sa pinaka prominenteng pamilya ng Ermira [na kinabibilangang ng mga doctor, abugado, engineers, CPA, mga mayayamang negosyante at managers ng mga sikat na kompanya sa Maynila] hanggang sa pinakamaliit na Ermitanyo. Kahapon lamang habang siya ay nangangampanyang sakay ng isa na namang kulay asul at brand new na Toyota Fortuner, may nagbulong sa akin na may kadarating na namang 100 tshirts mula sa isang supporter. Upang paghandaan ang malawakang rally bukas, walang tigil ag mga taga Ermita sa paggawa ng mga plackards na may nakasulat na LOVEN is my Guy, I LOVE YOU LOVEN, Pag asa ng Masa, LOVEN, Mahirap Man Ay May Pangarap Din, You Are Always In My Heart LOVEN, Bakit Ngayon Ka Lang LOVEN?, The Wonder Of You LOVEN at maraming marami pang iba. Magpunta kayo sa Ermita at libre ang tatak ng tshirts para lay Loven. Tulad ng nauna, siya ay sasamahan sa parada ng isang magarbong banda, mga magagarang sasakyan at may balita pa na darating daw ang artistang si Ara Mina para siya ay suportahan.


Mahirap Man Ay May Pangarap Din….that’s The Wonder OF You, LOVEN!
Back to top
whernas2001
Guest





PostPosted: Mon Apr 30, 2007 5:37 am    Post subject: loven Reply with quote

sige lang loven,

alam ko na kaya mong maglingkod sa bayan natin alam ko na malinis ang iyong hangarin para sa tulad nating mahihirap, at sana wag nilang ipagkait sa iyo ang isa nilang boto,

mabuhay ka loven

kaibigan mo
winston hernas
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Mon Apr 30, 2007 11:05 am    Post subject: Reply with quote

ok at merongkandidatong mas-makakarelate sa masa kasi halos lahat ng candidate ay lagi na lang pinag-mamalaki ang natapos nila sa college. Sana nga ay manalo ka Loven at kung meron mga pics na post dito sa site.
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Mon Apr 30, 2007 7:25 pm    Post subject: Reply with quote

Isa lang po sa napuna ko sa magandang istorya ng Anak ng Ermita ay yon spelling ng apelyido ni Loven "Calope" alin po ang tamang spelling? Calupe o Calope kasi po baka po malito ang mga botante.
Back to top
LOVENIAN
Guest





PostPosted: Tue May 01, 2007 12:54 am    Post subject: Reply with quote

Guest wrote:
Isa lang po sa napuna ko sa magandang istorya ng Anak ng Ermita ay yon spelling ng apelyido ni Loven "Calope" alin po ang tamang spelling? Calupe o Calope kasi po baka po malito ang mga botante.


wag po kayong mag alala, pareho pong valid yon, at sisiguraduhin ng buong ermita na ang lahat ng botong para sa kanya ay mabibilang sa kanya. marami na pong konsehal ang kabado sa ngayon.

sa kasalukuyan po ay dagsa na ang mga LOVENIANS sa ermita para sa parada mamaya. hindi na po magkamayaw sa galak at saya. sa wakas ay dumating na ang pag asa ng mahihirap at dukha......

BAKIT NGAYON KA LANG LOVEN???

PS Nakikiusap po kami kay vice mutuk o nenet bagalso....marami pong
LOVENIAN sa ibang bansa ang gustong makita ang parada kahit na sa litrato man lang. paki-post naman po....maraming salamat po!

ALL MY LOVEN!!!
Back to top
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Tue May 01, 2007 8:56 am    Post subject: di ko Reply with quote

[quote="LOVENIAN"]
Guest wrote:

PS Nakikiusap po kami kay vice mutuk o nenet bagalso....marami pong
LOVENIAN sa ibang bansa ang gustong makita ang parada kahit na sa litrato man lang. paki-post naman po....maraming salamat po!

ALL MY LOVEN!!!


Di ko po napanood ang parada ni Loven kasi nakipaglibing po ako kay Girlie Ferrer Robles, pero sinabi ko na po sa kanyang kapatid at dadalhin daw po sa kin ang pictures, me nakausap po naman ako na naivideo nila si loven eh sila na lang daw po ang maglalagay, na miss ko po tuloy ang pag parada ni Loven

Nenett
_________________
nenett- felman bagalso
Back to top
View user's profile Send private message
TonyB



Joined: 05 Jan 2006
Posts: 178

PostPosted: Tue May 01, 2007 10:28 am    Post subject: Ermita for Loven Reply with quote

I think the Loven fanclub should give less emphasis to Ermita as it's just one of the nine barangays, not to mention one of the smallest in terms of the number of voters. It would be better to think outside of Ermita if you are aiming for magic eight. Smile

cheers!
Tony
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001
Guest





PostPosted: Tue May 01, 2007 10:28 am    Post subject: loven Reply with quote

hihintayin ko po at aabangan ang resulta kay loven hangang sa matapos ang halalan manalo o matalo isa pong malaking karangalan na me kumikilala at tumatangkilik sa kanya, mabuhay ka LOVEN

nagtataka lang po ako doon sa mga ibang tulad ko mga guest bakit wala po kayong mga pangalan

salamat po sa inyo

winston hernas
Back to top
aureliap



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 141
Location: Aurelia "Baby" Pascual

PostPosted: Tue May 01, 2007 3:22 pm    Post subject: Reply with quote

Ako po ay lubos na natutuwa at ang isang tinatawag na maralita ay sinusuportahan ng mga pinaka promenenteng pamilya ng Ermita, isa po itong magandang halimbawa sa ating mahal na bayan ng Paete.

Pero ako po lamang ay may isang katanungan.


Ito po bagang pinaka prominenteng pamilya ng Ermita na nagbibigay ng libo libong piso [kinabibilangang ng mga doctor, abugado, engineers, CPA, mga mayayamang negosyante at managers ng mga sikat na kompanya sa Maynila] hanggang sa pinakamaliit na Ermitanyo, ay tumutulong din po bagang pondohan ang mga pangagailangan ng ating bayan lalong lalo na po ang mga kabataang mag-aaral at hindi nag-aaral, ang mga teacher, ang mga kabataang may kapansanan na mabigyan ng kaunting kasiyahan, kapayapaan at kalinisan ng ating mahal na Paete? Sana nga po ay magpatuloy ang kagandahan loob ng mga professionals at negosyante sa pagtulong maski na po hindi eleksyon.

Ang mga Doctor, Dentista at Nurses po naman ay pwedeng magbigay ng libreng serbisyo isa or dalawang beses sa loob ng isang buwan sa ating mga kababayan, lalo na sa mga mahihirap.


Charity begins at home.


Baby Pascual
Back to top
View user's profile Send private message
harungas
Guest





PostPosted: Tue May 01, 2007 5:26 pm    Post subject: Loven Calope of Ermita Reply with quote

greetings!!!

ako po ay isa sa mga kaibigan ni Loven Calope at magpapatunay na si loven ay may malinis na hangarin para sa ating bayan ng Paete, marahil marami sa atin ang ang nagtatanong sa kredibilidad ni Loven kung at ano ang kakayayahan niya bilang isang pulitiko.

si Loven Calope po ay isang taong masasabing makabayan at matulungin sa kapwa, siya po ang naging instrumento upang magkaisa ang mga kabataan sa nasasakupan niyang barangay na maging maayos sa pamamagitan ng pag iwas sa mga masamang gawain sa halip ito'y tinutulungan niya sa pamamagitan ng "sports" at maging sa pagsasaayos ng kapaligiran, gayon di natin nakikita sa labas ng kanyang pagkatao ngunit sa puso niya siya ay isang modelo at ama ng kanyang barangay.

sa mga kanyang katunggali sa pulitiko nawa'y maging modelo siya ng makabagong pulitiko!


Marami Pong Salamat!


HARUNGAS
Paete Riders Club
Back to top
LOVENIAN
Guest





PostPosted: Tue May 01, 2007 7:11 pm    Post subject: Reply with quote

aureliap wrote:


Pero ako po lamang ay may isang katanungan.


Ito po bagang pinaka prominenteng pamilya ng Ermita na nagbibigay ng libo libong piso [kinabibilangang ng mga doctor, abugado, engineers, CPA, mga mayayamang negosyante at managers ng mga sikat na kompanya sa Maynila] hanggang sa pinakamaliit na Ermitanyo, ay tumutulong din po bagang pondohan ang mga pangagailangan ng ating bayan lalong lalo na po ang mga kabataang mag-aaral at hindi nag-aaral, ang mga teacher, ang mga kabataang may kapansanan na mabigyan ng kaunting kasiyahan, kapayapaan at kalinisan ng ating mahal na Paete? Sana nga po ay magpatuloy ang kagandahan loob ng mga professionals at negosyante sa pagtulong maski na po hindi eleksyon.

Ang mga Doctor, Dentista at Nurses po naman ay pwedeng magbigay ng libreng serbisyo isa or dalawang beses sa loob ng isang buwan sa ating mga kababayan, lalo na sa mga mahihirap.


Charity begins at home.

Baby Pascual


Ang kasagutan po sa inyong tanong ay OO.

Sabihin na natin na hindi pa man naipapanganak si Loven ay maraming pamilya na [miyembro man o hindi ng mga sikat na club o civic organizations] ang tahimik na tumutulong sa ating mga kababayan, at hanggang ngayon ay patuloy ang kanilang pagtulong

ang sabi nga po sa bibliya....huwag mo ng ipaalam sa kanang kamay ang tulong na ginagawa ng iyong kaliwang kamay.
Back to top
vernavarro



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 356
Location: Virgilio A. Navarro

PostPosted: Tue May 01, 2007 8:06 pm    Post subject: Re: Loven Calope of Ermita Reply with quote

harungas wrote:
greetings!!!
Marami Pong Salamat!


HARUNGAS
Paete Riders Club


ako rin ay Riders My 2 cents,Ka Riders
_________________
Walk a mile or two,its good for your health & your heart,eat proper diet a day our life live longer and be happy always.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
LOVENIAN
Guest





PostPosted: Tue May 01, 2007 9:01 pm    Post subject: Re: Ermita for Loven Reply with quote

tony.basa wrote:
I think the Loven fanclub should give less emphasis to Ermita as it's just one of the nine barangays, not to mention one of the smallest in terms of the number of voters. It would be better to think outside of Ermita if you are aiming for magic eight. Smile

cheers!
Tony


Ermita may be small but what we want to emphasize is our unity and cooperation. We have our personal preferences as to the candidates we want to support, pero syempre, unang una na sa listahan namin si Loven. And if there are voters who want to support only HIM, at talaga namang marami ang nagsasabi na sosolohin siya....it is their choice.
Back to top
Taga Ermita Din
Guest





PostPosted: Tue May 01, 2007 9:57 pm    Post subject: Loven, we need you Reply with quote

I have known the Calope family since I was a small boy. There was another son who died around 1951 or 1952 by the name of Anthony or Antonio, Inang Metyang's first born son. The couple started selling candies out of their own inventions. They were poor but they were hardworking. They were down-to-earth people. I don't know of any complaint against them from any neighbor in Ermita. Though Loven lacks a higher education, I do not think it would be a hindrance to whatever dream he has for our people. On the other hand, I admire his guts. Only few people could do what he is doing. He reminds me of Abe Lincoln, a self-made man who became one of the greatest president America has ever produced. From the log cabin of Illinois he borrowed books from far away friends because of his love for learning. With Loven, if luck will knock on his door, I am sure he will be one the idols and symbols of the masses not unlike the late president Magsaysay. Let us therefore go hand in hand , put all our efforts and support a true man of the masses. Join me in campaigning for him, come one ,come all.
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Tue May 01, 2007 11:12 pm    Post subject: Reply with quote

[quote="LOVENIAN"]
Guest wrote:


PS Nakikiusap po kami kay vice mutuk o nenet bagalso....marami pong
LOVENIAN sa ibang bansa ang gustong makita ang parada kahit na sa litrato man lang. paki-post naman po....maraming salamat po!

ALL MY LOVEN!!!
























_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001
Guest





PostPosted: Wed May 02, 2007 12:07 am    Post subject: Reply with quote

vice mutuk

salamat po
nakita din namin si (asidilo parang si FPJ) ang stilo ni LOVEN me banda pa nga ng musiko mabuhay ka LOVEN sana wag nila ipagkait sa iyo ang isa nilang boto, magsisilbi kang inspirasyon ng mga mahihirap at mabubuti nating kababayan tama sila mahirap ka man ang magandang pakikisama sa tao ang isa mong puhunan na di mababayaran sana nga manalo ka.



winston hernas

PS vice mutuk
nakakabighani talaga ang mga nagawa nyo ng kagalang galang na mayor E.Cadayona administrasyon sa bayan ng paete ang daming imprubment na pang habang panahon at sana ay magpatuloy pang lalo ito. very promising for local and international tourist destination.
Back to top
harungas
Guest





PostPosted: Wed May 02, 2007 10:17 am    Post subject: vote loven calope Reply with quote

iboto sa Mayo 14 si

G. Loven Calope


Mabuhay!!!



Good Luck!!!


HARUNGAS
Back to top
aureliap



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 141
Location: Aurelia "Baby" Pascual

PostPosted: Wed May 02, 2007 4:53 pm    Post subject: Reply with quote

Ang kasagutan po sa inyong tanong ay OO.

Sabihin na natin na hindi pa man naipapanganak si Loven ay maraming pamilya na [miyembro man o hindi ng mga sikat na club o civic organizations] ang tahimik na tumutulong sa ating mga kababayan, at hanggang ngayon ay patuloy ang kanilang pagtulong


Marami pong salamat, ito po ay isang napakagandang halimbawa.


Baby Pascual
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Thu May 03, 2007 1:36 am    Post subject: Reply with quote

I was with Loven on his 1st day of campaign.....I even grew up seeing him and his family...INAANAK KO ANG BUNSO NIYANG ANAK..Nanatili siyang tapat sa kanyang trabaho at hindi kailan man nagreklamo.......Eh,ano kung mahirap, Eh ano kung walang pinagaralan ang importante ay alam niya ang isinisigaw ng masa at handa siyang tumulong....I was in paete for one week when i learned that he is running for councilor,,,,,HINDI KAYO MANINIWALA NG PINANUNUOD KO SIYA MAGLABA SA PGH NI HINDI SIYA DUMAING NG KAHIT NA ANO NI HINDI SIYA NAGPARINIG NG ANO MANG FINANCIAL.....MINSAN LAMANG PO NASALUBONG KO SIYA SA ERMITA AT NAGMAMADALI AT TUMAKBO PALAPIT SA AKIN PARA MAKIUSAP KUNG PWEDE KO SIYA IBILI NG BALA NA STAPLER...i admired him for asking only for what he needs...hindi ba po napakalinaw na lumabas ang kanyang pagkayao even with that small gesture.....Let the Dreamer share his dreams to the people of Paete....I have been asked by my mommy"baby calabig" to visit and check the site but i hardly know the peole from there,,,,until i learned that LOVEN is posted,,,,ThEN I WAS MOVED and I am with Him all the way,,,,sana po suportahan natin si LOVEN CALUPE!!!.....Nagsilbi po siya kay ARA MINA ng kami ay nagbakasyon sa Paete at pinararating niya ang suporta sa iyo LOVEN MABUHAY KA!...............Aizle Jon Madrinan Calabig
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Thu May 03, 2007 7:49 am    Post subject: Reply with quote

Masasabi ko pong talagang napakabuti nitong si LOVEN at hindi sya nagdadalawang isip sa pagtulong sa mga nangangailangan sa kanya, ng wala man lamang hinihintay na kapalit....at yan po ay akin ng napatunayan noong namatay po ang aking ama, ako po ay nagtatanong lamang kay LOVEN kung may kawayan sya na pwede kong magamit sa paglalagay ng tolda...alam nyo ba mga kababayan ang ginawa nitong ating SUPERHERO? Sya po mismo ang umakyat ng bundok at kumuha ng kawayan at hindi lang po yon, sya pa rin po mismo ang nagkabit....dito po ay makikita na natin kaagad na napakamatulungin nitong si KONSEHAL LOVEN.
TUNAY NA MAAASAHAN....KAYA WAG PO NATIN SYANG KALIMUTAN.
Back to top
Anong Score
Guest





PostPosted: Fri May 25, 2007 11:22 am    Post subject: Ni Loven? Reply with quote

Ano ang naging score/position ni Loven?
Back to top
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Fri May 25, 2007 6:21 pm    Post subject: Re: Ni Loven? Reply with quote

Anong Score wrote:
Ano ang naging score/position ni Loven?


Score-3200 plus
#9
_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)
Back to top
View user's profile Send private message
TonyB



Joined: 05 Jan 2006
Posts: 178

PostPosted: Fri May 25, 2007 10:53 pm    Post subject: Re: Ni Loven? Reply with quote

Somyga wrote:
Anong Score wrote:
Ano ang naging score/position ni Loven?


Score-3200 plus
#9


In the first 50 ballots counted (unofficial results), I thought he was going to end up in the top 4. I asked people around and they seemed to have been not surprised at all!

Tony
Back to top
View user's profile Send private message
ccdimacali
Guest





PostPosted: Sat May 26, 2007 1:34 am    Post subject: Congratulations! Reply with quote

Congratulations Mr. Loven Calupe. For somebody who is unknown and with limited resources to garner that many votes and almost making it - very impressive indeed. I think people are trying to say something here. With some proper coaching and mentoring on political affairs, public service and governance I’m sure you will do well next election.

Good luck and good health,

ccdimacali
Back to top
gerlin paelmo
Guest





PostPosted: Mon May 28, 2007 12:46 am    Post subject: inspiration Reply with quote

It is not too early for next time, baluarte mo sa likod mo, next election... you have change politics in Paete, I wish that I could vote there, surely I will vote for you. The people of Paete is smiling upon you, mabuhay ka!!

No pretensions, no hidden/personal agenda.....

May God bless you and your family.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group