PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PES Batch '87
Goto page 1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Photo Albums and Videos
View previous topic :: View next topic  
Author Message
aldrin_bee



Joined: 17 Apr 2007
Posts: 256
Location: Aldrin Dalagan Bagayana

PostPosted: Tue May 22, 2007 7:45 pm    Post subject: PES Batch '87 Reply with quote

Panawagan po sa mga kaeskwela ko noong elementary. PES Batch 1987. May plano tayong magreunion sa darating na December. Ika-20 taon na mula noong gumagradweyt tayo ng elementary at napapanahon na para magkita kita uli tayo.

At inaanyayahan ko po na umattend ng meeting sa Sabado, May 26, 2:00PM sa Central mismo upang mapag-usapan ang mga gagawin pa.

Salamat po.

Aldrin Bagayana
Back to top
View user's profile Send private message
aldrin_bee



Joined: 17 Apr 2007
Posts: 256
Location: Aldrin Dalagan Bagayana

PostPosted: Wed May 23, 2007 10:04 pm    Post subject: Reply with quote

This is to announce na yung meeting na nabanggit sa taas ay moved na from Saturday ginawa ng Sunday (May 27), same time, same place.

Dun po sa mga kabatchmates na nakakabasa at di makareply at nasa ibang bansa please visit this forum regularly for further updates or you can email me at aldrinb@keypeople.com.au

Salamat.

aldrin[/u]
Back to top
View user's profile Send private message
Leo Marcial
Guest





PostPosted: Fri May 25, 2007 5:17 pm    Post subject: Reply with quote

Oi, san ba ang meeting. Sabik na ako mag reunion tayo. Asan na yung mga classmates. Mga hinayupak. San na kayo.
Back to top
aldrin_bee



Joined: 17 Apr 2007
Posts: 256
Location: Aldrin Dalagan Bagayana

PostPosted: Mon May 28, 2007 7:42 pm    Post subject: Reply with quote

Leo ambalita? San ka baga pirmi? Sa paete o sa abroad?

Bale ang napagkasunduan ay sa December 22, 2007 ang reunion. Sabado.

Eto ang mga paunang napagkasunduan (pwede pang mabago kung may iba pang suggestion).

Ang mga pinakamalalaking intindihin ay:

1. Pondo. Sa kadahilanang hindi naman lahat ay makapag-aambag ng parepareho ay di ang makayanan na lang na ibigay pero minimum na 100 pesos para sa T-Shirt man lang. At kakailanganin natin ang tulong nung mga nasa abroad para makakalap ng iba pang pondong gagastusin.

2. Kolektor. Palagay ko'y ito ang pinakamahirap makita sa Paete. Yung masipag hani. Kasama na dito yung mag-iintindi ng pangongolekta at pamimigay ng TShirts.

3. Pagpapakalat ng Balita. Dapat ay maipaalam sa lahat ng kabatch hanggat maaari. Nasa anim na buwan ang preparasyon mahaba-haba na siguro yon para malaman ng marami. Kasama na dito yung paggawa ng listahan ng mga contacts ng mga kabatch. Kung mangyayari ay dapat ipagbigay alam sa amin kung sino ang nakontak at nang mailista at malaman din kung nasaan. Kaya lang maghananap pa nga ng mga kabatch na pwedeng maging main contact persons sa reunion.


Iba pang bagay:

1. Lugar. Sa central mismo muna ang napag-usapan. Sa isang hall don o kaya sa canteen. Iba na ang canteen don, malaki na at may mga mesa at upuan na. Isa pa, maganda sa central para makita yung mga pagbabagong nangyari don simula nung umalis tayo. Pero depende sa pondo kung mababago pa ang lugar. Hindi naman siguro lalabas pa ng Paete.

2. Title ng Reunion. Wala pang maisip.


Sa mga kabatch na makakabasa, pwede kayong makipag-ugnayan sa akin sa text o tawag sa 09263365524 o email sa aldrinb@keypeople.com.au or crgwaldrin@yahoo.com.

Yun lang muna.

Salamat
Back to top
View user's profile Send private message
Paul Jun Macabuhay Ulat
Guest





PostPosted: Thu May 31, 2007 3:43 am    Post subject: Reunion ng Batch 1987 Reply with quote

Hoy mga ka-batch magparamdam naman kayo!!! Baina baling bali naman kayo ah... bat naman katagal ng reunion na iyan... tiyak na kasasaya niyan...
Back to top
aldrin_bee



Joined: 17 Apr 2007
Posts: 256
Location: Aldrin Dalagan Bagayana

PostPosted: Thu May 31, 2007 9:33 am    Post subject: Reply with quote

ay kaya nga matagal tagal na siguro yung anim na buwan na panahon para malaman ng karamihan na may reunion tayo. aba at saka marami-rami na rin palang hits itong thread, 454 na nung pumasok ako.

siguro naman ay karamihan don ay mga kabatch natin dahil ang title nga ay PES Batch '87, hindi lang siguro nagrereply. Very Happy
Back to top
View user's profile Send private message
chololo
Guest





PostPosted: Fri Jun 01, 2007 2:23 am    Post subject: 2007 Elementary Reunion of PES Batch / Class of '87 Reply with quote

1st question:

Albren, ano ibig sabihin ng bee sa username mo?



Hello to PJ and Leo!
Back to top
ofelzamora
Guest





PostPosted: Sun Jun 03, 2007 6:38 pm    Post subject: reunion batch 87 Reply with quote

hello to everybody buti naman at magkakaron na tayo ng reunion miss ko na nga mga classmate i cant believe na 20 yrs na tayo 20 yrs nga ba?tumatanda na tayo.... hey Leo Marcial musta na asan ka ba di ko alam kung san lupalop ka na ng mundo its nice to hear from... ill keep in touch anyway.. nave a nice day to eveybody..
Back to top
aldrin_bee



Joined: 17 Apr 2007
Posts: 256
Location: Aldrin Dalagan Bagayana

PostPosted: Sun Jun 03, 2007 9:11 pm    Post subject: Re: 2007 Elementary Reunion of PES Batch / Class of '87 Reply with quote

chololo wrote:
1st question:

Albren, ano ibig sabihin ng bee sa username mo?



Hello to PJ and Leo!


Answer to 1st Question: ay wala... kakirihan lang hehe..

Oy baka gusto mong pagmeetingan natin yung suhestyon mong title: "Vente na lang, Vente. Tapos na ang Syete, Wala ng Diyes, Wala na ring Kinse" ahahaha! dito sa malapit lang sa ofis naman, anytime kung magfifit sa updated (as if today) na planner mo.

Hi Ofel! Salamat sa reply! at matanda na nga tayo... kahapon nga nakasakay ko si rodel kasama yung mga anak ay grade six na daw yung panganay!
Cool
Back to top
View user's profile Send private message
chololo
Guest





PostPosted: Sun Jun 03, 2007 10:48 pm    Post subject: Re: 2007 Elementary Reunion of PES Batch / Class of '87 Reply with quote

Answer to 1st Question: ay wala... kakirihan lang hehe..

Oy baka gusto mong pagmeetingan natin yung suhestyon mong title: "Vente na lang, Vente. Tapos na ang Syete, Wala ng Diyes, Wala na ring Kinse" ahahaha! dito sa malapit lang sa ofis naman, anytime kung magfifit sa updated (as if today) na planner mo.

Hi Ofel! Salamat sa reply! at matanda na nga tayo... kahapon nga nakasakay ko si rodel kasama yung mga anak ay grade six na daw yung panganay!

-------------------------

Aldrin_bee, wag na natin pagmitingan ung panukala na yon at baka tayo lang ang magabalang umatend ng reunion pag ganun ang title.

Iba na lang muna ang pagmitingan natin....ibang title. Sige, titingnan ko kung magfifit sa downddated-(as if last friday)-planner ng MOTE (MOAT pag ikaw ay kasama). Pakipropose na rin ng sked na kasama si Orven (at kung sino man pwede pa from PES Batch '87) within Taguig-Makati Megalopolis para makagawa ng proposed titles at mapagbotohan next miting sa Paete upon your approval.

Balita ko nga ay pagkagraduate na pagkagraduate sa elementary ng anak ni Rodel ay magrereunion na kaagad yung batch nila. Butin naman at mukhang matutuloy yung sa atin ngayon at hindi tayo mauunahan.

Hello to Ofel!
Back to top
aldrin_bee



Joined: 17 Apr 2007
Posts: 256
Location: Aldrin Dalagan Bagayana

PostPosted: Mon Jun 04, 2007 9:58 am    Post subject: Re: 2007 Elementary Reunion of PES Batch / Class of '87 Reply with quote

chololo wrote:


Aldrin_bee, wag na natin pagmitingan ung panukala na yon at baka tayo lang ang magabalang umatend ng reunion pag ganun ang title.

Iba na lang muna ang pagmitingan natin....ibang title. Sige, titingnan ko kung magfifit sa downddated-(as if last friday)-planner ng MOTE (MOAT pag ikaw ay kasama). Pakipropose na rin ng sked na kasama si Orven (at kung sino man pwede pa from PES Batch '87) within Taguig-Makati Megalopolis para makagawa ng proposed titles at mapagbotohan next miting sa Paete upon your approval.

Balita ko nga ay pagkagraduate na pagkagraduate sa elementary ng anak ni Rodel ay magrereunion na kaagad yung batch nila. Butin naman at mukhang matutuloy yung sa atin ngayon at hindi tayo mauunahan.

Hello to Ofel!


ahahaha! MOTE! (MOAT pag kasama ako) hehehe ay talagang elementaring-elementary nga! ay sya sya ay di iba kung iba ang pagmitingan... ibang title hani. ang hindi umatend ay pag-uusapan. ba-i ay kadaming hindi umatend ng meeting nung minsan ay di ginab-i na kami sa dami ng maboboteng pinag-usapan hehehe... ayun... ay kinailangan pang akoy tumakas sa pameeting ko at galit na si mrs hahaha...
Back to top
View user's profile Send private message
Oca Ancan
Guest





PostPosted: Wed Jun 06, 2007 12:43 pm    Post subject: ay uu nga Reply with quote

Hello! Hello! Hello! Tuloy tuloy tayo! (ika nga ni Ogie Alcasid)

Ambalita mga kaklaseng matatanda na?

Ako'y maiigi't napadaan dito sa UsapPaete at nalaman kong me reunion pala tayo. Parang ayaw nyo akong kasama ah! hehe.

Ay sige, magmeeting tayo ng title. Sana lang ay meeting talaga, baka kasi magpainum pa kayo (Chololo at Aldrin_bee) pag nagkita-kita tayo. Sama rin lahat ng available na mga ka Batch! (ay baka reunion na yung maganap ah).

Sige! Sige! Sige!
Back to top
aldrin_bee



Joined: 17 Apr 2007
Posts: 256
Location: Aldrin Dalagan Bagayana

PostPosted: Wed Jun 06, 2007 9:09 pm    Post subject: Re: ay uu nga Reply with quote

Oca Ancan wrote:
Hello! Hello! Hello! Tuloy tuloy tayo! (ika nga ni Ogie Alcasid)

Ambalita mga kaklaseng matatanda na?

Ako'y maiigi't napadaan dito sa UsapPaete at nalaman kong me reunion pala tayo. Parang ayaw nyo akong kasama ah! hehe.

Ay sige, magmeeting tayo ng title. Sana lang ay meeting talaga, baka kasi magpainum pa kayo (Chololo at Aldrin_bee) pag nagkita-kita tayo. Sama rin lahat ng available na mga ka Batch! (ay baka reunion na yung maganap ah).

Sige! Sige! Sige!


^^ kala ko ay ka oca samela ay! hahaha!

sa ngayon ay may tatlo nang kagagandang title na naisasuggest:

1. yung "Vente na lang, Vente. Tapos na ang Syete, Wala ng Diyes, Wala na ring Kinse" ni chololo. (parang ukay-ukay ang dating ah) Laughing

2. ang sa akin ay "Sugod mga Kabatch! Tayo nang Magsamasama!" (wow orig na orig! at least parang OPM band and dating) Cool

at

3. yung suggestion ni Oca Ancan: "PES Batch '87 Reunion: Ito ang Bagong Sim....errr..." (masyadong political ang dating yata hehehe) Confused


yan ay kung magmimiting ay juice na lang ang inumin at nang hindi nakakalasing. kung hindi iinum ay mag-ambag na lang pero kung iinum ay mag-ambag man laang hani.
Back to top
View user's profile Send private message
ofelzamora
Guest





PostPosted: Sat Jun 09, 2007 4:35 pm    Post subject: reunion batch 87 Reply with quote

hello to chololo hope u dont mind ano ba name mo pasensya ka na tumatanda na ko wala kasi ko matandaang chololo na batch natin... hi aldrin buti nga si Rodel grade 6 palang anak nya ako nga 3rd yr na dalaga na talaga... regards to everybody!!!
Back to top
chololo
Guest





PostPosted: Mon Jun 11, 2007 10:37 pm    Post subject: Re: reunion batch 87 Reply with quote

ofelzamora wrote:
hello to chololo hope u dont mind ano ba name mo pasensya ka na tumatanda na ko wala kasi ko matandaang chololo na batch natin... hi aldrin buti nga si Rodel grade 6 palang anak nya ako nga 3rd yr na dalaga na talaga... regards to everybody!!!




I don't mind, no problem Ofel. Ako din walang matandaang chololo, Teodoro lang tanda ko.

Aba, malapit na pala kayong magkaapo ni Rodel! Samantalang kami ay bago pa lamang tinutubuan ng wisdom teeth, hehe.

Thanks and Good Day!
Back to top
aldrin_bee



Joined: 17 Apr 2007
Posts: 256
Location: Aldrin Dalagan Bagayana

PostPosted: Tue Jun 12, 2007 3:34 am    Post subject: Re: reunion batch 87 Reply with quote

chololo wrote:


I don't mind, no problem Ofel. Ako din walang matandaang chololo, Teodoro lang tanda ko.

Aba, malapit na pala kayong magkaapo ni Rodel! Samantalang kami ay bago pa lamang tinutubuan ng wisdom teeth, hehe.

Thanks and Good Day!


^^abah anuh! ay kailan na ang meet dituh? ay niyayaya ko sa meeting si botits dito sa makati... at alam mo na kailangan ng sponsor hehehe...

Hi Ofel! ay katatanda nyo na nga! ay di kilala mo na si chololo anu hahaha!
Back to top
View user's profile Send private message
ofelzamora
Guest





PostPosted: Sat Jun 16, 2007 3:32 pm    Post subject: reunion batch 87 Reply with quote

hi chololo cnsya ka na di ko kasi alam mga screen name nyo musta na nakita ko ung profile mo sa friendster di ko matandaan kung sino ka pero nung huling pix mosaka ko lang narealize na si teodoro pagalanan ka pala... sabi nga pala ni Riza hello daw... di pa naman ko magkakaapo ano bata pa ung anak ko mag aaral muna....hey di lang ata ako ang tumatanda na no parepareho lang tayo... ill keep in touch
Back to top
Ye Egdani
Guest





PostPosted: Mon Jun 18, 2007 1:04 pm    Post subject: Reply with quote

hi batchmates. musta na? i'm not sure kung makaka attend ako ng reunion natin kaya dito na lang ako makikibalita... ngayon lang ako naka pag check dito. dami na palang messages. dami na ring nag view ng forum. hopefully mas marami pang mag post ng message dito para magkabalitaan.
Back to top
chololo
Guest





PostPosted: Wed Jun 20, 2007 1:54 am    Post subject: Re: reunion batch 87 Reply with quote

aldrin-bee & the batch,

malaman ko na lang kung ano sked nung miting dito sa MM with our sponsor Botits at tingnan ko kung pede ako (at payagan). ay kelan naman ang miting sa Paete?

tatanggap nga din pala kami ng overseas sponsor para matuloy ang pamiting dito sa MM. Ano Ofel? Ye?

pag wala namang sponsor ay pwede pa rin dahil pwede din namang magmiting ng malungkot para miting talaga ang mangyari.

chololo
Back to top
aldrin_bee



Joined: 17 Apr 2007
Posts: 256
Location: Aldrin Dalagan Bagayana

PostPosted: Wed Jun 20, 2007 6:28 am    Post subject: Reply with quote

^^ ay parang banda na yan ah! aldrin-bee & the batchmates hahaha!

ay mejo pasensya muna at di ako makapagpost nitong nakaraan 2 weeks yata at busy lang talaga. hanggang ngayon pala ay busy talaga.

oy hi marilyn! sana ay makaattend ka nga para ayus at masaya.

chololo, pwede namang magmeeting anytime na malungkot tayo para sumaya-saya naman (kung papayagan ka at yan ay kung payagan ka naman!). Mag-email lang si botits hehehe... ay magbasa kayo ng mga blogs nya at ayus nakalilibang... sahttp://tutubipatrol.blogspot.com at http://paetechie.blogspot.com


aldrin
Back to top
View user's profile Send private message
topher



Joined: 21 Dec 2005
Posts: 106
Location: Christopher Balandra Cagandahan

PostPosted: Mon Jun 25, 2007 12:45 pm    Post subject: kumusta na Reply with quote

sorry sa inyo d man lang ako nakapag paramdam ng nadyan ako, sobrang busy ako may mga inayos kasi ako,at ngayun lang ako uli nakapagbukas nito, pasensya na lalo sayo insan aldrin, magkikita cguro kami ni andy sa sabado, sasabihin ko nalang sa kanya yung tungkol sa reunion.
_________________
Christopher Balandra Cagandahan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
aldrin_bee



Joined: 17 Apr 2007
Posts: 256
Location: Aldrin Dalagan Bagayana

PostPosted: Tue Jun 26, 2007 8:09 am    Post subject: Re: kumusta na Reply with quote

topher wrote:
sorry sa inyo d man lang ako nakapag paramdam ng nadyan ako, sobrang busy ako may mga inayos kasi ako,at ngayun lang ako uli nakapagbukas nito, pasensya na lalo sayo insan aldrin, magkikita cguro kami ni andy sa sabado, sasabihin ko nalang sa kanya yung tungkol sa reunion.


^^ insan, ay madalas ko rin makausap si andy kaya alam na nya tong plano. at balita ko ay pauwi sya ngayong bandang pyesta sa atin kaya magpapainum daw hehe...

akala ko ay pauwi ka na nung minsan pa? nariyan ka pa pala o nakabalik na uli?

ay ito nga ang isa ko pang balak ipost dito, bale yung list ng mga officially ay nacontact ko na para at least alam ng mga kabatch na napapasyal dito kung sino sino na ang nacontact... yan ay matuloy laang at laging busy din ako... pasilip-silip din laang dito... pag nakaluwag-luwag ay gagawin ko yan...

regards to all,
aldrin
Back to top
View user's profile Send private message
tcacac



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 447
Location: Tita C. Acac

PostPosted: Wed Jun 27, 2007 7:11 pm    Post subject: Re: kumusta na Reply with quote

[quote="topher"]sorry sa inyo d man lang ako nakapag paramdam ng nadyan ako, sobrang busy ako may mga inayos kasi ako,at ngayun lang ako uli nakapagbukas nito, pasensya na lalo sayo insan aldrin, magkikita cguro kami ni andy sa sabado, sasabihin ko nalang sa kanya yung tungkol sa reunion.[/quote

Hello Topher ...bumalik ka na pala, kumusta ang uwi mo sa atin...sabi ng Inang Julia ay padalhan mo raw kami ng mga pictures ng reunion ninyo bago siya umalis...i-email mo na lang sa akin at sa Ate Lulu pag hindi ka busy...sino baga itong si Aldrin apo baga ng Inang Nene ito,anak nino?

Kumusta ka na rin Aldrin...bago ko lang nalaman na namatay na pala si Inang Nene...nakikiramay din kami ano?
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
aldrin_bee



Joined: 17 Apr 2007
Posts: 256
Location: Aldrin Dalagan Bagayana

PostPosted: Wed Jun 27, 2007 7:44 pm    Post subject: Re: kumusta na Reply with quote

tcacac wrote:

Hello Topher ...bumalik ka na pala, kumusta ang uwi mo sa atin...sabi ng Inang Julia ay padalhan mo raw kami ng mga pictures ng reunion ninyo bago siya umalis...i-email mo na lang sa akin at sa Ate Lulu pag hindi ka busy...sino baga itong si Aldrin apo baga ng Inang Nene ito,anak nino?

Kumusta ka na rin Aldrin...bago ko lang nalaman na namatay na pala si Inang Nene...nakikiramay din kami ano?


^^ anak po ako ng Jerry (Jeremias) at Edna Dalagan. Bale patay na rin po ang nanay at nauna pa nga kaysa sa Dada Nini. Namatay po ang Dada noong nakaraang December. Salamat po sa pakikiramay.

Regards,
aldrin
Back to top
View user's profile Send private message
tcacac



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 447
Location: Tita C. Acac

PostPosted: Thu Jun 28, 2007 4:51 pm    Post subject: Salamat sa sagot mo... Reply with quote

Salamat sa pag sagot mo Aldrin...pasensya ka na at nakisingit ako dito sa reunion topic nyo, kumusta na lang sa Tatay ng huli ko pa yatang makita si Jerry ay high school pa siya at sa mga Dada Kikay nakatira noon buhay pa ang Dada Tore, akala ko ay 2 pa ang natitira sa magkakapatid nina ama ay si Inang Elang na lang pala...Ilan baga kayong anak ni Jerry hindi ko kilala ang iyong Nanay anak nino siya? Mga 22 yrs old pa lang ako ay wala na ako sa atin at 35 yrs na ako dito sa States...kayo baga ay dumalo sa reunion ng mga Baldemor ...nakita ko lang ay ang familia ng amang Rudy sa side namin ,ama ni Topher.

Ang Dada Nini ay lagi akong pinupuntahan o ako ang nagpupunta sa kanilang bahay basta umuwi ako last time ay si Inang Elang lang ang nakita ko sinama ako ng uwi at lagi sa doctor.
Siguro ay cute ka rin ano dahil natatandaan ko ay cute ang Ama mo at kasisipag sa mga Dada Tore. Kumusta na lang sa mga Kang Berto,Danding, Esme atbp... Nababasa ko ang mga sulat mo dito ay lagi kong natatanong na sino baga ito...ilan ka ng taon at nasaan ka ba, nag babarko ka rin ba?

Kung kilala mo ang Inang Julia ay naririto narin siya kasama ng anak niyang nakatira sa may Sacramento,kasama ko rin dito ang Inang Cora aywan ko lang kung kilala mo siya. Humaba na ito pasensya ka na ano? Alam ba ni Topher ang email mo?
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Photo Albums and Videos All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3  Next
Page 1 of 3

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group