PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

RIP Ex-Coun. Momoy Cads

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Condolences
View previous topic :: View next topic  
Author Message
jovencajipe
Guest





PostPosted: Thu May 31, 2007 8:03 am    Post subject: RIP Ex-Coun. Momoy Cads Reply with quote

Nakakalungkot pong balita mula sa bicol ay namayapa na po kahapon May 30, 2007 ang dati nating masipag na konsehal at mang aawit ng Banda Momoy Cads. Kami po kaisa ng aming barkada ay nakikiramay sa mga naulila, lalo na po sa aming kaibigan na si Amel. Sa sabado daw po iuuwi dito sa Paete ang kanyang mga labi.

Isasama po namin sya sa aming mga panalangin.

Mula sa amin -Joven at Caty - rhona,pom,iyah,grace,nikki,jeng,kj,akol,jaz,albert,red,
Back to top
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Thu May 31, 2007 10:32 am    Post subject: Taus Pusong Pakikiramay... Reply with quote

ang pamilya Aseoche-Tulin ay tauspusong nakikiramay sa mga naiwan ni Momoy...kami po'y matagal na magkakapit bahay sa J.Luna st. ng Ermita...Sumalangit Nawa Ang Kanyang Kaluluwa...
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
renan b.
Guest





PostPosted: Thu May 31, 2007 3:00 pm    Post subject: nakikiramay po...... Reply with quote

Sa mga naulila po ni Amang Momoy, kina Inang Linda, Irene, amel, Jayson at Ivy at mga kaanak nakikiramay po kami sa pagpanaw ni Amang momoy......May his Soul be Rest in Peace.......

renan b.
Back to top
Erma
Guest





PostPosted: Thu May 31, 2007 6:51 pm    Post subject: CONDOLENCE Reply with quote

Condolence to the bereaved family of Momoy Cads. Hay his soul rest in peace.

Nery Bagabaldo & Family
Back to top
LDP batch 2000
Guest





PostPosted: Thu May 31, 2007 10:47 pm    Post subject: condolence Reply with quote

jayson,
nakikiramay kami sa inyong pamilya, Kasama namin sa panalangin ang kaluluwa ng iyong ama....
Back to top
gherengaylgene



Joined: 31 Oct 2005
Posts: 50
Location: Darylee Grace V. Dalagan Paete,Laguna

PostPosted: Fri Jun 01, 2007 12:24 am    Post subject: Condolences..... Reply with quote

Mula po sa Pamilya ng Valdellon-Dalagan... Lubos po ang aming pakikiramay ....

OnaygraceDalagan
_________________
Darylee Grace Afuang-Valdellon Dalagan
Husband: Ronald Eracta Dalagan
Children:Roneel Genesis, Ren Genesse, Red Galilee, Redlee Gene
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
NITO-DASAY CAGAYAT
Guest





PostPosted: Fri Jun 01, 2007 6:52 am    Post subject: NAKIKIRAMAY! Reply with quote

TAOS PUSO PO ANG AMING PAKIKIRAMAY!


NITO-DASAY AT PAMILYA
Back to top
Menchie Cagandahan
Guest





PostPosted: Fri Jun 01, 2007 7:40 am    Post subject: With sincere sympathy Reply with quote

Our heartfelt condolence to the family and love ones of my former classmate Momoy Cads. May the Lord be your guide at this time of sorrow and fill your heart with His comfort and peace.

Menchie Cagandahan
New Jersey, USA
Back to top
nelia



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 62
Location: Nelia Bagongahasa Cruz Punzalan

PostPosted: Sat Jun 02, 2007 10:21 pm    Post subject: condolence Reply with quote

My deepest condolence to the family of my former barkada and classmate on his passing. May he rest in peace. He is in good care.

Nelia and family
Back to top
View user's profile Send private message
may.com



Joined: 25 May 2006
Posts: 21
Location: marlito b. sadsad

PostPosted: Sun Jun 03, 2007 3:08 am    Post subject: Reply with quote

buong pusong pakikiramay ng pamilya sadsad at pamilya baysauli.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Sun Jun 03, 2007 8:03 am    Post subject: Reply with quote

Condolences and sympathy to the family of former councilor Momoy Cads. We have him in mind and in our prayers. In Domino requiescat!
_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
FERRER FAMILY
Guest





PostPosted: Mon Jun 04, 2007 7:26 am    Post subject: nakikiramay Reply with quote

nakikiramay po ang pamilya ferrer sa mga nauulila ni amang momoy..kasamahan po namin siya sa simbahang aglipay....

taos puso po ang aming pakikiramay

may his soul rest in peace
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Mon Jun 04, 2007 10:37 am    Post subject: Reply with quote

Bagama't meron pong gaganaping luksang parangal para kay dating Konsehal Anselmo Pagsuyuin Cads sa Miyerkules (June 6, 2007) ng umaga dito sa Batasang Bayan sa ADECI Bldg. bago siya ihatid sa kanyang huling hantungan. Ipinaabot na rin po dito ng bumubuo ng Sangguniang Bayan ng Paete, sampu ng aming mga pamilya, ang aming taos sa pusong pakikiramay sa mga naulila. Dalangin po namin ang maluwalhati niyang paglalakbay patungo sa piling ng Amang Lumikha.
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
eric and liezl baisas
Guest





PostPosted: Mon Jun 04, 2007 3:14 pm    Post subject: Reply with quote

nakikiramay po ang buong pamilya namin....sumalangit nawa nag kaluluwa ng amng momoy..

eric and liezl
Back to top
kings712
Guest





PostPosted: Mon Jun 04, 2007 9:47 pm    Post subject: Nakikiramay po kami sa mga naulila.. Reply with quote

Pareng Vic taos puso mong tanggapin ang aming pakikiramay pati nag aking pamilya dito sa Miami Florida sa pagkamatay ng iyong kapatid na si amang Momoy.sumalangit nawa ang kangyang kaluluwa ......

Iking Baet
Miami,Florida
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Jun 04, 2007 10:52 pm    Post subject: Reply with quote

Sa naulilang Pamilya Cads,

Taos puso po ang aming pakikiramay sa pagpanaw ni Momoy. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

Pamilya Cads-Mesoza-Cagandahan
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
ten m. bagabaldo
Guest





PostPosted: Tue Jun 05, 2007 12:13 am    Post subject: Pakikiramay..... Reply with quote

Sa mga naulila ni Momoy Cads,
Nakikiramay ang Pamilya Madridejos at Delos Reyes dito sa Proj.7, at Paete...Sina Momoy po ay kamag-anakan namin sa Pagsuyuin sa Sta.Maria sa side ng Ama ng Ina namin (Josefina delos Reyes Madridejos+)...Ang aming panalangin para sa kanyang maluwalhating pag-akyat sa langit.

Madridejos
delos Reyes
Bagabaldo &
Afuang families
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Jun 07, 2007 6:37 am    Post subject: Reply with quote

In Loving Memory Of:

ANSELMO PAGSUYUIN CADS
Born On: April 21, 1955
Died On: May 30,2007
At the Age of 52 yrs.

Father: Arcadio Baldemor Cads
Mother: Natividad Baisas Pagsuyuin

Paternal Granparents:
Leon Cadang Cads
Julia Asido Baldemor

Maternal Grandparents:
Mariano Pagsuyuin
Unay Baisas



June 6, 2007



10:30 am po ay sinundo ng Bumubuo ng Sangguniaang Bayan ang labi ni Kon. Anselmo "Momoy" P. Cads para sa isang Luksang Parangal na gagawin sa Session Hall ng SB.



Pamilya at malapit na kamag-anak.



Kasama na rin po sa sumundo ang mga empleyado ng Sangguniang Bayan.



Habang nakalagak sa Session Hall ng SB.



Nagbigay po ng isang awit ang kanyang kababata at kaibigan na si Luis Adefuin.



Kababata at matalik na kaibigan. L to R: Luis Adefuin at Arthur Paelmo na galing pang Gen. Santos City at umuwi ng Paete para makidalamhati sa pagkamatay ni Kon. Cads.






Nagbigay po ng kanilang pananalita ang mga naging kasama ni Kon. Cads sa panunungkulan bilang Konsehal ng Bayan.









Isa po sa mga anak ni Kon. Cads ang bumasa ng gawang sulat ni Kon. Momoy Cads para sa okasyong ito. Halatang inaasahan na ni Kon. Cads ang kanyang maagang paglisan kaya't pinaghandaan na niya ito.



Konsehal ng Bayan
2001-2004
2004-2005



Mahal kong mga kasama sa Sangguniang Bayan,

Di mabilang na saya ang ating pinagsamahan habang tayo'y magkakadaupang-palad at tumutupad ng ating tungkulin. Batbat man ito ng hirap at mga dalahin kung minsan, pero masikap nating naitatawid ang bawat responsibilidad na naiatang sa ating mga balikat. At ang mga pangyayaring ito ang sa aki'y nagpatibay bilang isang Lingkod ng Bayan. Ako man ay di ganap na nakatupad dahil sa di inaasahang karamdaman na dumapo sa akin ay masikap kong naiangkop ang aking sarili sa lahat. Ang mga pagtatalo na nauuwi sa tawanan na pumupuno sa silid ng Sanggunian ay totoong do ko malilimutan saan man ako naroroon ngayon.

Napakabilis ng pangyayari at alam natin na sadyang may hangganan ang bawat yugto ng kuwento ng buhay at ito'y nakaguhit na sa ating palad. Ako man ay nauna sa inyo nananatili akong kasama nyo at magiging halimbawa sa lahat maging sa aking kababayan. Nasa puso ko kayo at mananatiling nakaukit kahit ako'y nasa kabilang buhay na. Ang masasayang ala-ala natin ay mananatili at nawa'y maging inspirasyon sa lahat.

Sampu ng aking pamilya, ako'y nagpapasalamat sa lahat ng ginawang suporta, unawa at masasayang sandali na nakapiling ko kayo. Sa pamamagitan nito, narating ko ang pinakatampok na yugto ng aking buhay. At kahit ako'y kapus sa pinag-aralan ay di naging hadlang upang makaharap ako at maisakatuparan ang gusto ng lahat. Natutunan ko rin ang marubdob na pakikisama kahit kaninoman at ito'y lubos na nagpaligaya sa akin.

Hangad ko ang tagumpay nang lahat ng mga gawain ng buong Sangguniang Bayan sa hinaharap na panahon. Sa aking mga kasama, nauna man ako ay masaya akong lilisan at muling nagpapasalamat sa lahat.


Sumasainyo at nagmamahal,

Konsehal Anselmo P. Cads




Sinundo rin po ng Pari ang labi ni Kon. Cads upang dalhin at ipagmisa sa I.F.I. kung saan siya ay aktibong miyembro ng choir dito.






Habang inilalabas sa Session Hall.









Si Kon. Cads po ay miyembro Banda 69. Makikita sa larawan si Amang Pabling Africano, yung hindi nakauniporme.



Habang nasa I.F.I. para sa isang Misa.



Mga kasamahan sa ICAG na siyang nag escort para sa kaayusan ng daloy ng trapiko papuntang sementeryo (Bagumbayan).
















































Paalam, Kon. Anselmo "Momoy" P. Cads!!!



_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
linda paelmo
Guest





PostPosted: Thu Jun 07, 2007 8:38 pm    Post subject: nakikiramay Reply with quote

ako po at ang aking buong pamilya ay nakikiramay sa mga naiwan. sumalangit po nawa ang kaluluwa ni momoy. isa pong mataimtim na panalangin, nasa mas mabuti na po siyang kalagayan ngayon.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Condolences All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group