 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
Posted: Sun Nov 18, 2007 10:57 pm Post subject: AGBAGALA 1 FAMILY TREE |
|
|
[Records from Catholic Church
Agbagala, Pascuala C. May 17, 1860 Parents - Manuel & Maria Caimon
Agbagala, Felifa C. Apr. 30, 1864 Parents - Manuel & Maria Caimon
Agbagala, Simplecio C. Mar. 2, 1870 Parents - Manuel & Maria Caimon
Grand Parents :
Josef Agbagala & Adriana Bagui
Fernando Caimon & Pascuala Sta Juana
Agbagala, Sofia C. Oct. 1, 1901 Parents - Simplicio / Laureana Cagastian
Agbagala, Fabian C. Jan. 21, 1903 Simplicio / Laureana Cagahastian
Agvagala, Bonifacio C. May. 13, 1904 Simplisio / Laureana Cagahastian
Agvagala, Tomas C. Dec. 24, 1906 Simplicio / Laureana Cagahastian
Agvagala, Rufina C. Jul. 23, 1908 Simplisio / Laureana Cagahastian
- Mutuk )
Ang naguing Familia nang mga Agbagala sa katauhan ng magkapatid na Simplecio at Camila Agbagala partido na ang pamagat ay "Tigre". Walang nakasabe kung ano ang ngalan ng kanilang mga magulang.
Magkapatid
I. Simplecio Agbagala,
II. Camila Agbagala,
Naging Familia ng bawat isa:
I. Simplecio Agbagala, naguing unang asawa ito ni Laureana Cagahastian (Lauren) capatid nina Raymundo, Maria at Rita Cagahastian.
Naging mga anak (5)
1. Sofia Agbagala (Pia), naguing ikalawang asawa ito ni Mariano Cajumban, balo ni Andrea Catalo na isang taga Sta. Cruz Laguna, anak ng mag asawang Honoria Baydo at Lucio Cajumban.
Naging mga anak (2)
A. Clotilde Cajumban,
B. Catalina Cajumban,
2. Fabian Agbagala (Bembe), isang Agremesor, naguing asawa naman nito si Prajedes Javier, isang taga Pangasinan.
Naguing mga anak (2)
A. Amparito Agbagala,
B. Milagros Agbagala,
3. Bonifacio Agbagala, tumandang binata hanggang sa mamatay.
4. Tomas Agbagala, tumandang binata din hanggang sa mamamatay.
5. Rufina Agbagala, namatay na bata pa.
II. Camila Agbagala (Camilang Tigre), naguing unang asawa nito si Angelo Cadang.
Naguing mga anak (4)
1. Juana Cadang,
2. Juan Cadang,
3. Francisco Cadang,
4. Inocencia Cadang, _________________ Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Last edited by mutuk on Mon Feb 20, 2012 1:09 am; edited 4 times in total |
|
Back to top |
|
 |
Tobbie

Joined: 21 Aug 2007 Posts: 57 Location: Manila, Philippines
|
Posted: Mon Nov 19, 2007 3:25 am Post subject: Agbagala 1 Family Tree |
|
|
Vice Mutuk,
Nasabi po sa Accuram family tree na napangasawa ni Roman Accuram si Agatona Agbagala. Saang angkan po kaya ng mga Agbagala nagmula si Agatona?
Tobbie _________________ In search of the line of Gregorio Agbagala Cadhit, son of Mariano Cadhit from Paete. |
|
Back to top |
|
 |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
Posted: Mon Nov 19, 2007 4:06 am Post subject: |
|
|
Tobbie,
Hanggang doon lang ang inpormasyon na naitala nang ang proyektong ito ay simulan ni Mr. Teodoro Cajumban Sr. Yuong ibang family trees ay halos ganito rin ang problema kung paano ikokonekt ang lapit ng relasyon ng bawat isa. Tunay na limitado ang mga inpormasyon na nakatala sa ngayon. Ganunpaman, ito ay malaking tulong upang malaman natin ang ating mga pinagmulan at makilala ang mga kamag anak pala.
Dalawang linyada o grupo lang ng pamilya ng Agbagala ang nasa aking pag iingat kaya't maaring ang tinutukoy mong Agatona Agbagala ay mas matanda pa dun sa nasa Family tree ng mga Agbagala. Maaaring siya ay kapatid ng mga magulang o ninuno ng dalawang pulangan o grupo nito.
Ang Simbahang Katoliko dito sa Paete ay mayroon pang tala ng mga bininyagan, ikinasal at namatay hanggang sa maagang panahon ng 1700 na nakatala sa salitang kastila.
Nais kong ipaalalm sa iyo na nuong 1845 ay nagkaroon ng kautusan nang pagpapalit ng mga appelyido kaya't maaring magkaroon ng kahirapan ng pagsusog sa nga nakatala dito. Ang pagsasaliksik dito ay hinahayaan naman sa tulong ng kanilang nangangalaga ngunit ito ay siguradong kukunsumo ng mahabang oras dahil batay sa petsa ang pagkakatala dito.
Hanggang sa muli,
vice mutuk _________________ Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo |
|
Back to top |
|
 |
Teejay Sy Guest
|
Posted: Mon Nov 19, 2007 10:01 am Post subject: Bakasakali |
|
|
Bise Mutuk,
Magandang araw po..sabi po ni tito bakasakali daw po na makatulong ito..doon daw po sa Quinale ay dating may Agatona Boulevard na tinatawag..nagmula daw po ito doon sa may mga Agbagala,(best bet daw po si dating Kapitan Solis, dahil yong lumang bahay niya ay sa Agatona Blvd.nakatirik noon)
Bakasakali lang daw po.
GBUA!!!
Teejay |
|
Back to top |
|
 |
TonyB Guest
|
Posted: Mon Nov 19, 2007 10:32 am Post subject: Agbagalas |
|
|
Ang alam ko ay mga Agbagala pa sa atin sa may Maytoong?
Hi Tobbie, sinusubaybayan ko ang search mo. Nakakatuwa parang may suspense. I am sure the records kep by the Paete Catholic church can help you as already pointed out.
cheers!
Tony |
|
Back to top |
|
 |
Tobbie

Joined: 21 Aug 2007 Posts: 57 Location: Manila, Philippines
|
Posted: Thu Nov 22, 2007 1:41 am Post subject: Agbagala 1 Family Tree |
|
|
Vice Mutuk, Sir Tony, atbp,
Sobra po akong nagagalak sa mga nalalaman ko. Di man po ganon kalinaw ang mga bagay bagay, ako po ay nagpapasalamat sa inyong pagtulong sa akin.
May sakit po sa bato ang aking ama kaya't gusto kong maturan kahit papano ang aming pinagmulan upang magsilbing isang handog para sa kanya at para sa mga nakababatang miyembro ng aking angkan. Nang mga panahong siya ay nasa ospital naging usapan naming mag-ama ang mga kwento ukol kay Gregorio Cadhit. At marami po akong natutunan kung bakit matindi ang aking pagiging interesado sa ukit, skultura, painting, tula at pagsulat. May pinagmulan pala kami -- Paete -- na tunay namang puno ng likas na kagalingan sa sining at kultura. Dumadaloy po pala sa dugo ang mga bagay na ito. Kaya tinulak ako ng tadhana sa pagsusulat, pagpipinta at paggawa ng mga dokumentaryo.
Dadalaw po ako sa darating na Linggo sa Paete kasama ng aking mga kaibigan. Sana po ay makilala ko ang ilan sa inyo na gusto kong madalaw dalaw din sa mga darating pang panahon kapag nakaluluwag sa aking trabaho.
Naniniwala ako na sa mga susunod na araw ay mabibigyan ng linaw ang pagkakatagpi tagpi ng ating mga pamilya at lahi.
Mabuhay tayong lahat!
Tobbie _________________ In search of the line of Gregorio Agbagala Cadhit, son of Mariano Cadhit from Paete. |
|
Back to top |
|
 |
Tobbie

Joined: 21 Aug 2007 Posts: 57 Location: Manila, Philippines
|
Posted: Thu Nov 22, 2007 1:54 am Post subject: Agbagala 1 Family Tree |
|
|
Vice Mutuk,
Pahabol lang po...
Mayroon po kayang tala ukol sa founders ng Paete? Naisip ko lang po kasi na may mga ilang bayan sa Nueva Ecija na may founders na tinatawag. Baka po sakali na matutukan ang angkan ng mga "founders" na ito at mapagdugtong ang mga pamilyang konektado sa kanila.
Dahil po sa apelyidong Accuram pa lamang ay halos nakuha na lahat ng apelyido sa Pate. Ganon din po sa Acu-Bagabaldo. Kung uupuan po ang ilang angkan ay makikita po marahil ang pagkakadugtong dugtong nila.
May paraan po ba na ang isang gaya ko na base sa Maynila ay makatulong sa pananaliksik?
Tobbie _________________ In search of the line of Gregorio Agbagala Cadhit, son of Mariano Cadhit from Paete. |
|
Back to top |
|
 |
Tobbie

Joined: 21 Aug 2007 Posts: 57 Location: Manila, Philippines
|
Posted: Tue Nov 27, 2007 1:01 am Post subject: Agbagala 1 Family Tree |
|
|
My Lolo Goryo had the middle name Agbagala (which was supposed to be Accuram) based on the legacy of Sir Cajumban.
Assuming that the Agbagala name is unique only to those who carry it, I can make the following deductions.
1. The Cajumban and Cadang families are connected to the Accuram family through Agbagala 1 family tree (http://www.paete.org/forums/viewtopic.php?t=5635)
2. The Dailo, Fadul, Cainto, Aguilar, Cadapan and Angeles families are connected to the Accuram through Agbagala 2 family tree. (http://www.paete.org/forums/viewtopic.php?t=5636)
The missing link to make the connection is from which Agbagala branch, Agatona Agbagala came from. Agatona Agbagala was married to Roman Accuram from our branch.
I am just curious whether there is a Cajumban family tree. Perhaps the connection of the Agbagala name may be pronounced there somehow or maybe someone from the Agbagalas can help confirm Agatona's line.
Tobbie _________________ In search of the line of Gregorio Agbagala Cadhit, son of Mariano Cadhit from Paete. |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|