PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

KASTIGO SA MGA TUMATALON
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
KABAYAN
Guest





PostPosted: Mon Sep 12, 2005 2:38 am    Post subject: KASTIGO SA MGA TUMATALON Reply with quote

AKO PO AY MATAGAL NA NAGTATRABAHO SA ABROAD AT SA AWA NG DIYOS DAHIL SA AKING PAGTITIYAGA AT PAGSISIPAG, NAKAKARAOS PO ANG AKING PAMILYA. MARAMI PO AKONG NABABALITAAN NA ANG ATING MGA TALENTED NA SEAMAN AT IBA NAGBABARKO AY TUMATALON SA BANSANG GUSTONG NILANG PUNTAHAN. ANG SA AKIN LAMANG, ITO PO AY HINDI MAGANDA. AT DAPAT KASTIGUHIN ANG MGA TAONG GUMAWA NITO. MARAMI SA ATING MGA KABABAYAN ANG NAIS MANGIBANG BANSA NGUNIT NAKAKAAPEKTO SA KANILANG PAG AAPPLY ANG MGA GINAWA NG IBANG TAGAPAETE. PAG ALAM NILANG TAGA PAETE KA AY HINDI NA NILA TINATANGGAP DAHIL SA MGA RECORD NG IBA. SA AMIN LANG, HINDI TALAGA MAGANDA ANG GAWAING ITO, AT SANA HINDI SILA PAMARISAN NG IBA. HINDI SILA MAKAPAG HINTAY NG TAMANG ORAS NG PARA SA KANILA. KAWAWA ANG IBANG MGA TAONG NAIS MAG APPLY NG TRABAHO. MARAMING SALAMAT PO.
Back to top
KABAYAN
Guest





PostPosted: Mon Sep 12, 2005 12:56 pm    Post subject: KASTIGO PART 2 Reply with quote

BAGAMAT NILILINAW KO NA HINDI LAHAT NG MGA SEAMAN AT NAGBABARKO AY TUMATALON, MARAMI NA RIN PO SA ATING MGA KABABAYAN ANG GUMAWA NITO. SANA MAREALIZE NG MGA TAONG ITO ANG APEKTO SA IBANG KABABAYAN NATIN GUSTONG MANGIBANG BANSA AT MAGTRABAHO NG MAAYOS. AT SA MGA NAGBABALAK NA GUMAWA NITO, SANA HINDI NA NILA ITULOY. SANA MAKITA NILA ANG APEKTO NITO SA IBA LALONG LALO NA SA MGA KAAPELYIDO. I HAVE NOTHING AGAINST DUN SA MGA TAONG GUMAWA NITO PERO HINDI NATIN MAITATANGGI NA HINDI ITO TAMA. KAILANGAN NATING MAGTRABAHO NG MAAYOS AT DALA NATIN ANG PANGALAN NG PAETE SA SITWASYONG ITO. MAY AWA ANG DIYOS SA MGA TAONG NAGSISIKAP. ' GOOD THINGS COME TO THOSE WHO WAIT'. MARAMING SALAMAT PO.
Back to top
Kabayan, Jr.
Guest





PostPosted: Mon Sep 12, 2005 7:58 pm    Post subject: Mga Hindi Makapaghintay! Reply with quote

TAMA KA KABAYAN SA TINURAN MO, MARAMING TAGA-PAETE ANG
TUMATALON AT HINDI MAKAPAGHINTAY, LALO NA SA MAY PARTENG
NEW YORK, KAHIT NOONG NAKARAANG SUMMIT, MERON AKONG
NAKILALA NA TALON AT NAHIHIYANG MAKISALAMUHA SA MGA
KABABAYAN NATIN, PERO ILANG DITO SA ATIN ANG NAKATIYAGA
KAHIT TUMALON SILA, PERO ANO NAMAN ANG NAGING EPEKTO SA
IBANG MGA KABABAYAN NATIN NA NAGTITIYAGANG KAHIT MAGYAOT
ITO PARA LANG MAGKAROON NG PAGKAKATAON NA MAGING MAGANDA
ANG PAPEL NILA DITO SA AMERICA.
SANA MAPAGISIP ISIP NILA NA MALI ANG GANITO AT KAWAWA NAMAN YUN MGA APEKTADO SA GANITONG MALING GAWAIN, PARANG
KASABIHAN NA " WALANG SUMISIRA SA BAKAL KUNDI KALAWANG"
KUMBAGA" WALANG SUMISIRA SA BAYAN NATIN KUNDI KAPWA RIN
KABABAYAN NATIN" ...SALAMAT PO! Sad
Back to top
Kabayan Sr.
Guest





PostPosted: Mon Sep 12, 2005 10:16 pm    Post subject: Reply with quote

KABAYAN KUNG IKAW KAYA ANG MAGKAROONG NG PAGKAKATAON NA MAKATALON, HINDI MO KAYA GAWIN DIN YUN? SABIHIN NATING NAG DRY DOCK ANG BARKO MO SA AMERIKA AT MERON KANG KAIBIGAN O KAMAG-ANAK NA HANDANG SUMALO SA YO, ANO ANG GAGAWIN MO? SIGURO AY DI KA LANG NAGKAKAROON NG PAGKAKATAON. AT SAKA WAG MONG SABIHIN NA PAG NALAMANG TAGA PAETE AY DI NA SILA TINATANGGAP SIGURO AY NAKAKAMALI KA DAHIL ANG PAGKA ALAM KO MAS GUSTO NILA ANG TAGA PAETE EWAN KO LANG SA AGENCY MO PERO KARAMIHAN NG ALAM KO MAS GUSTO NILA ANG TAGA PAETE.
Back to top
syanos



Joined: 12 Sep 2005
Posts: 15
Location: Anna Lourdes Bagabaldo Madridejos-Mercado

PostPosted: Mon Sep 12, 2005 10:38 pm    Post subject: Reply with quote

maybe some believe that opportunity knocks only once.. at naniniwala po ako na sa bawat oportunidad na ito, hindi mawawalan ng mga taong maaapakan once i-grab ang opportunity na ito. but then again, naniniwala din po ako na kaya hindi tayo umuunlad ay dahil na din sa mga taong ang iniisip ay pansariling kapakanan lamang at hindi ang pangkalahatan. madaling manisi ng kapwa, madaling sabihin ang mali ng iba, subalit bawat bagay na gawin natin ay may kalakip na dahilan. bawat pagkakamali ay pwedeng pantayan ng pagpapatunay ng ating sinseridad na makabawi sa pagkakamaling ito. at bawat pagkakataon na ibigay sa atin ay ating isapuso at gawing inspirasyon upang kumilos pa para sa kapakanan, hindi lamang pansarili kundi pangkalahatan.
tama, opportunity knocks only once.. pero hindi ibig sabihin nito na once rejected <opportunity> ay wala na tayong pagkakataong guminhawa ang buhay. Hindi madaling magdesisyon lalo na para sa mga taong tumalon... pero kung ano man ang kanilang dahilan, pilit kong uunawain.. gayon din sa mga taong naapektuhan <negatively> ng pagtalon ng iba. My prayers are with you always.


< sariling opinyon ko lang po ito. those who object will surely be respected Wink >
_________________
Poochie
http://syanos.visit.ws/
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
KABAYAN
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 1:37 am    Post subject: TO KABAYAN SR Reply with quote

NIRERESPETO KO ANG OPINYON MO AT GUSTO KO LINAWIN NA I HAD NOTHING AGAINST DUN SA TUMALON. BUT ISIPIN NATIN, IKAW KABAYAN, TAMA BA GINAWA MO? TANUNGIN NATIN ANG ATING SARILI. ANO NGA BA ANG EPEKTO NITO AT FEEDBACK SA ATIN? UNANG UNA, IBIG MO BANG SABIHIN NA KAPAG ME OPPORTUNITY NA GANITO AY ITO ANG SUGGESTION MO? DAHIL BA ME SASALO SA BANSANG TATALONAN MO AY PWEDE MO NANG GAWIN TO? MAGANDA ANG DAHILAN MO KABAYAN BUT SABI NGA 'HUWAG NAMAN SA MALING PAMAMARAAN'. BAKIT HINDE NATIN TANUNGIN ANG MGA AGENCY NA BIGLA NILANG INIWAN KUNG GUSTO NILA ANG MGA GINAWA NILA. BAKIT HINDE NATIN TANUNGIN YONG MGA NAAPEKTOHAN LALO NA MGA KAAPELYIDO. KABAYAN, ITO BA ANG IYONG SUGGESTION? KAPAG ME PROBLEMA KA SA TRABAHO AT ANG OPPORTUNITY NA ITO ANG NASA IYO AY ITO BA ANG SAGOT? TAMA KA WALA AKONG NAGING PROBLEMA SA PAG AAPPLY BUT UMASA AKO SA DASAL AT ANG PANGINOON AY LAGING NA DIYAN. WALANG QUESTION SA GALING NG MGA TAGA PAETE. TALAGANG MAGAGALING ANG TAGA PAETE. LAHAT GUSTO AY TAGA PAETE. PERO ANG SINASABI KO PAANO TAYO GUGUSTUHIN IN THE FUTURE KUNG NASISIRA ANG PANGALAN NG PAETE SA PAGTALON. SINO PA ANG MAGKAKAGUSTO SATIN. TANUNGIN NATIN ANG MGA AGENCY NA BIGLA NILANG INIWAN KUNG GUSTO PA NILA TAYO. MAGANDA ANG HANGARIN, MALINIS ANG PUSO NATIN PERO HINDI SAGOT ANG MALING PAMAMARAAN. YUN LANG PO. MABUHAY TAYO. SALAMAT KABAYAN.
Back to top
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Tue Sep 13, 2005 1:59 am    Post subject: Re: KASTIGO PART 2 Reply with quote

KABAYAN wrote:
MAY AWA ANG DIYOS SA MGA TAONG NAGSISIKAP. ' GOOD THINGS COME TO THOSE WHO WAIT'. MARAMING SALAMAT PO.

Hi kabayan makikisingit ako hane...sa mga naririnig ko sa taon taon kong pag uwi sa payti, lalo na sa mga kamag-anak kong mga seaman, hindi ang mga tumatalon ang dahilan...sa unang sakay oo tinatanggap nila ang maliit na swueldo...2 hanggang 4 na taon nila yung pagtitiisan...magbabalik bayan...uuwi sa pamilya...ng muling sakay...heto na ang problema...di na nya matanggap ang mababang swueldo...naghahanap na ng mas malaki kaysa dati...ok may katwiran sila...kaso nga sa dami ng seaman na nag-iintay na makasakay din... wala silang chances sa inuukilkil nilang sahod...kaya ang kinalabasan nasa payti at naghihintay ng pagputi ng uwak...alam kong isinilang tayong maabilidad...may mga gintong kamay...ang napapansin ko kulang tayo sa tiyaga...nauuna sa atin ang awa sa sarili...kung babaguhin siguro natin yung isa pang sakit ng ating katawan na ang tawag ay "kunat" siguradong isa tayo sa umuunlad...halos 20taon na ako dito...hindi naman mga seaman ang problema namin dito...mga pilipina na lumayas sa mga amo nilang tiga middle east...nauunawaan namin kung bakit nila iniiwan...at komo nga mahirap rito mag stay ng walang permit yun ay aming pinagtutulungan...may awa nga...halos nasa mabuti na silang kalagayan nagkapapel na...hindi nga laang namin kasama dito pero nasa kalapit bansa laang...magtutulungan tayo...kung kaya mo whag itong ipagkakait...wala na pating sisihan...yun ang naging kapalaran nya so Let Go, Let God...thank you hope maiintindihan mo ang aking pananaw...
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
KABAYAN
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 2:49 pm    Post subject: TO SHEBA Reply with quote

MARAMING SALAMAT SA IYONG TUGON. TAMA KA, MALI NGA SIGURONG SISIHIN ANG MGA TAONG IYON. ALAM KO MALINIS ANG KANILANG HANGARIN. GUSTO NILANG MAKATULONG SA KANILANG PAMILYA. AT BATID NATING LAHAT NA MAHIRAP ANG BUHAY SA PILIPINAS. PERO KELANGAN NATING ISAISIP ANG PAMAMARAAN. ITO ANG PINUPUNTO KO. HUWAG SA GANITONG PARAAN. MAAARI HINDI PA PROBLEMA ANG MGA TUMALON PERO DARATING ANG ARAW NA ITO ANG MAGIGING PROBLEMA. ITO AY TATATAK SA PANGALAN NATIN, KELANGAN NATING IDISCOURAGE ANG GANITONG PARAAN. ANG PUNTO KO MAARING MARAMING MAY GUSTO SA TAGA PAETE SA PAGDATING SA TRABAHO AT SA GALING PERO KAPAG GUMAWA SA SILA NA HINDI TAMA DOON NA NAGKAKATALO. HINDI KO KINUKUWESTIYON ANG GALING AT GUSTO SA ATIN KUNG HINDI ANG TIWALA NA BINIGAY SA ATIN NA MAPUPUNTA SA WALA PAG HINDI TAYO GUMAWA NG TAMA. UULITIN KO, HUWAG SA GANITONG PARAAN. DARATING ANG ARAW ITO NA ANG MAGIGING TATAK SA ATIN, IDISCOURAGE NATIN SANA ANG GANITONG GAWAIN. BAKIT HINDI NATIN ITANONG SA MGA AGENCY NILA NA BIGLA NILANG INIWAN KUNG MASAYA SILA SA GINAWA NG IBANG TAGA PAETE. HINDI KO NILALAHAT PERO HINDI NATIN MAITATANGGI NA MALI ITO. I DISCOURAGE NATIN ITO. KAHIT ANONG PROBLEMA NATIN ITO AY HINDI KASAGUTAN. SANA HUWAG NATIN IJUSTIFY ANG MALI SA PAMAMAGITAN NG ATING MALINIS NA HANGARIN AT SINASABING OPPORTUNIDAD. HUWAG NATIN TAKPAN DAHIL LANG SA KAHIRAPAN. MAAARI SIGURONG GAWIN KO DIN YON KUNG AKO NASA KALAGAYAN NILA PERO MALI PA RIN ANG GAGAWIN KO. HUWAG NIYO PO IBALIK SA AKIN ANG SITWASYON. ANG MALI AY MALI KAHIT SINO PO ANG GUMAWA NITO. SO KE KABAYAN SR, HINDI AKO MALI, TAMA AKO SA PUNTO KO. HINDI ANG GUSTO OR AYAW SA MGA TAGA PAETE ANG PINUPUNTO KO KUNG HINDI ANG TIWALA NA IBINIGAY AT NAWALA LANG. PAGKATAPOS KA NILANG MAGUSTOHAN , SIGURADO AKO AAYAWAN KA NA NILA SA GAGAWIN MONG PAGTALON. MABUHAY PO TAYONG LAHAT. MABUHAY KA SHEBA.
Back to top
KABAYAN
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 3:32 pm    Post subject: PUNTO Reply with quote

MALI NGA PO SIGURO ANG MANISI AT MALI DIN AKO. PERO PUNTOHIN NATIN ANG PUNTO KO.

1. HUWAG NATIN IJUSTIFY ANG ISANG PAGKAKAMALI SA BASEHAN NG KANILANG MALINIS NA HANGARIN. KAHIT ANO PA ANG SARILI NILANG DAHILAN. MALI AY MALI. HINDI PO AKO NAGMAMALINIS PERO SIGURO SA MGA PAGKAKAMALI KO AY TAMA PA RIN ANG ATING SUNDIN.

2.SA JUSTIFICATION NA ITO, WHAT'S NEXT? ANO ANG MAAARI SUMUNOD? PARANG HINDI MALAYONG MANGYARI NA 'MAGNAKAW NA LANG TAYO SA MALINIS NA DAHILAN NA ME MAIPAKAIN TAYO SA PAMILYA NATIN. LET ME GET THIS STRAIGHT, THIS IS JUST A VISION NOT A FACT.

3. SIGURO NGA INTINDIHIN NATIN SILA AT HUWAG SISIHIN. PERO HINDI PA RIN ITO ANG KASAGUTAN AT PARAAN. HUWAG NATIN TAKPAN NG UNAWA ANG MALING PARAAN BAGKUS TULUNGAN NATIN ANG IBA UPANG GAWIN ANG TAMANG PAMAMARAAN.

4. HUWAG NATING SIRAIN ANG TIWALA NA IBINIGAY SA ATIN NG MGA EMPLOYER AT AGENCY NATIN. KAPAG NASIRA NA ANG TIWALA MAHIRAP NG BALIKAN.

5. HUWAG NATIN GAMITIN NG GAMITIN ANG 'OPPORTUNITY KNOCKS ONLY ONCE'. IN SOME POINT MALI ITO AT MALI ANG PAG GAMIT. OPPORTUNITY KNOCKS NOT ONLY ONCE BUT TWICE OR TEN TIMES.
NAJAN ANG OPPORTUNITY PERO HINDI NATIN ALAM KUNG PARA SA ATIN. KAYA NGA MERON TAYONG TRY AND TRY UNTIL YOU SUCCEED. IBIG SABIHIN WE TRIED MANY OPPORTUNITIES AND WE FAILED BUT DONT STOP UNTIL YOU SUCCEED. E D SANA KUNG TOTOO NA MINSAN LANG SYA KUMAKATOK SANA WALA NANG MGA PILIPINO SA IBANG BANSA. KUNG ILANG MILYON ANG PINOY SA IBANG BANSA YON DIN ANG BILANG NG OPPORTUNITIES NA KUMATOK SA ATIN.

6. NOTHING BEATS THE POWER OF PRAYER AND PATIENCE.

7. SA MGA NASAGASAAN KO, PATAWAD PO. HINDI RIN AKO PERPEKTO AT SANA HUWAG PO NINYO IBALIK SA AKIN ANG SITWASYON. HINDI NGA SIGURO SA AKIN NANGYARI YON PERO HUWAG NATIN HAYAANG PAMARISAN TAYO SA ATING PAGKAKAMALI. LAHAT TAYO NAGKAKAMALI. ANG ARAL SA ATING PAGKAKAMALI NATIN TAYO MAKAKAGAWA NA TAMA. MABUHAY TAYONG MGA TAGA PAETE.
Back to top
Gerlin R. Paelmo
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 5:11 pm    Post subject: Sa Tamang Paraan Reply with quote

Rolling Eyes
Ako po ay naging mabuting tagabasa ng Artikulong ito at ako po ay sumasang-ayon sa mga punto at paliwanag. Sa mga pagkakataong pong nabanggit dapat po ba na padala tayo sa sitwasyon? Dapat po bang pairalin ang pangangailangan muna bago ang tamang prinsipyo? Maitatama po ba ng isang mali ang isa pang mali? Ang pagkunsinti po ba ay pagtulong?

Alam po natin ang mga sagot sa aking mga tanong. Tayo rin po ang makapagtatama sa ating mga pagkakamali. Maitatama pa rin po natin ang ating mga maili. Nasasaatin na po iyon. Prinsipyo po ay kailangang ipamuhay. Hindi lahat ng bagay ay makukuha sa bilisan at dahasan.

Lagi pong nasa huli ang pagsisisi at nawa ay hindi tayo masisi at lalong hindi natin sisihin ang ating sarili. Maraming salamat po.
Smile Confused Laughing Surprised
Back to top
Mr. Kneut
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 5:14 pm    Post subject: Reply with quote

Kung sino ka mang KABAYAN puwede bang mapag gising ka na ....dahil binabangungot ka sa mga pananaw mo....
Back to top
KABAYAN
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 5:38 pm    Post subject: TO KNEUT Reply with quote

SA LAHAT NG NAGREPLY SA POST NA ITO AY ISA LANG ANG NAGING BASTOS. HINDI MAN SILA UMAYON SAKIN PERO NEVER AKONG NABASTOS. SIGURADO AKONG GISING AT HINDI BINABANGUNGOT. SIGURO ISA KA SA....NEVER MIND. I THOUGHT THIS IS A REGULATED FORUM. I CANT BELIEVE NAKAPASOK ANG ISANG BASTOS NA KATULAD MO. WELL, ME PINAG ARALAN AKO SO I RESPECT YOU. HINDI KITA PAPATULAN. GOD BLESS YOU. GOOD LUCK TO YOUR IMMIGRATION STATUS.
Back to top
KABAYAN
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 5:55 pm    Post subject: SALAMAT Reply with quote

TO MR GERLIN R. PAELMO

SALAMAT SAYO. SA MGA HINDI SUMASAANG AYON SA AKING PANANAW, PWEDE PO TAYONG MAGPOST AT MALAYA PO KAYONG IPAHAYAG ANG INYONG OPINYON. HINDI PO NATIN KELANGANG MAGING BASTOS KAGAYA NI MR. KNEUT. HINDI PO NATIN KELANGAN MAGTAPOS UPANG RUMISPETO NG TAO. ME MGA TAONG HINDI SUMASANGAYON AT DINADAAN SA PAMBABASTOS. THEY ARE MORE THAN GUILTY AT HINDI MAKATANGGAP NG KATOTOHANAN. HINDI NA LANG AKO PAPATOL.

IM CALLING THE ATTENTION OF THE MODERATORS. THIS IS A REGULATED AND MODERATED FORUM.

ANG TAONG MARUNONG RUMISPETO AY DAIG PA ANG NAKAPAGTAPOS.
Back to top
Miron Lang
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 8:20 pm    Post subject: Reply with quote

natatawa lang ako sa yo KABAYAN sinimulan mo to nung mabara ka eh hihingi ka ng tulong sa moderator sadyang mangagalit ang mga taga Paete kaya kung pikon ka eh talo ka.
Back to top
syanos



Joined: 12 Sep 2005
Posts: 15
Location: Anna Lourdes Bagabaldo Madridejos-Mercado

PostPosted: Wed Sep 14, 2005 1:04 am    Post subject: Reply with quote

just wanna remind that the issue here is about those na tumatalon. we all have our own opinions... which is to be respected kahit ano pa un. KABAYAN has his own points, same with others. so please, be guided in using terms in this forum. wala pong masama sa magsabi ng sariling opinyon, ang masama e kung papaapekto ang iba sa opinyon ng kapwa nya. No one dies because of other's opinion... so kung walang masasabing makabuluhan, just think of something na you can do na productive..

God bless us all!

_________________
Poochie
http://syanos.visit.ws/
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
KABAYAN
Guest





PostPosted: Wed Sep 14, 2005 1:46 am    Post subject: UNACCEPTABLE Reply with quote

TO MIRON LANG

OBVIOUSLY, YOU DONT UNDERSTAND WHAT A FORUM IS. SIGURADO AKO DIYAN. IN ANY TOPIC DITO SA USAP PAETE, YOU DONT EXPECT ALL PEOPLE TO AGREE WITH YOU. OBVIOUSLY E HINDI NAMAN AKO PIKON DAHIL HINDI AKO NAKIPAGBASTUSAN KUNG KANINO MAN LALO NA SAYO. SO SIGURADO AKO HINDI AKO PIKON. AT ANG DAMI SIGURONG HINDI SUMANG AYON SA AKIN PERO IT DOESNT MEAN BINARA NILA AKO AT YUN ANG TAMA HINDI YONG BIGLA NA LANG SUSULPOT NA WALA NAMANG OPINYON. WALA SIGURONG MAISIP YONG IBA NA HINDI SUMASANG AYON. AND ITS TRUE, IM CALLING THE ATTENTION OF THE MODERATORS NOT FOR HIS HELP BUT TO REMIND THEM THAT THIS IS A REGULATED FORUM. PAANO NAKAPASOK ANG MGA BASTOS NA KATULAD NIYO NA WALA NAMANG OPINYON. HINDI KO KELANGAN ANG KAKAMPI KAYA NGA MODERATORS SILA. SIGURADO AKO HINDI NINYO ALAM ANG SINASABI NIYO. GOD BLESS YOU. GOOD LUCK TO YOU. SINO BA ANG NAGKAKASALA.
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Sep 14, 2005 4:21 am    Post subject: Reply with quote

Sa mga Apektado

siguro yong mga walang masabi at nambabara ng kapwa ang pikon. sila ang apektado, siguro sila yong mga tumalon, kasi sila ang rereact at nambabastos. siguro hanggang ngayon tago pa rin sila ng tago, nakikikain, nakikisilong, desperado maghanap ng trabaho, hindi makauwi sa pinas, at nakikigamit ng internet. sige magtago kayo ng magtago, kawawa naman kaya nakikisabat sa matinong usapan, siguro hindi pa nakakahanap ng trabaho.
Back to top
Mr. Kneut
Guest





PostPosted: Wed Sep 14, 2005 2:41 pm    Post subject: Reply with quote

Alam mo Mr. Righteous ay KABAYAN pala, hindi ako nangbabastos, actually, tinutulongan kita para ikaw ay magising sa mga sinasabi mo. kung may pinag-aralan ka, dapat yan mga bagay na yan ay dapat mong sinasarili lamang, dahil hindi mo pa nasusuot ang pantalon ng mga kababayan nating Ama, Asawa,Kapatid at Anak na sa ngayon ay dinaranas ang gutom at hirap dahil sa atin economic situation. alam mo KABAYAN, marami sa atin kababayan ang nagkaroon ng problema sa kanilang status at ngayo'y maayos na at nakakatulong sa kanikanilang pamilya at higit sa lahat sa ating bayan, nagagawa na nilang ipasok sa magandang paaralan ang mga anak nila, para maging EDUKADONG mamamayan. by the way, kung kinukumusta mo ang status ko, ang masasabi ko lang sa iyo ay mabuti, dahil isa akong US citizen at sana marami pa sa atin mga kababayan na magkaroon ng kahit ano pang opportunidad na maging maayos ang status para makatulong sa kani-kanilang pamilya.....sige, matulog ka na uli KABAYAN....for may closing ilan sa kamag anak mo ang hindi nakasakay sa barko? dahil ba diyan kaya malaki ang galit mo, KABAYAN....
Back to top
Mr. Kneut
Guest





PostPosted: Wed Sep 14, 2005 3:23 pm    Post subject: Reply with quote

By the way Kabayan, alam mo ba na walang nangyaring kabastusan sa sinabi ko, at higit sa lahat walang explicit languages na ginamit dito, kaya KABAYAN wala naman dapat gawin ang moderators dito. also, alam kong regulated forum ito, lahat tayo ay puwedeng mag bigay ng kani kanilang opinion, pero wala tayong karapatan husgahan ang ating kababayan, lalong lalo na sa issue ito. instead of KASTIGO, hindi ba mas maganda kung ang ginamit mo ay SUGGESTION lamang, alam kong alam mo yan dahil may pinag aralan ka di ba? ang maipapayo ko lang sa iyo KABAYAN ay maki pag kapwa tao ka at kalimutan mo ang salitang HIPOKRITO....
Back to top
miron lang (London)
Guest





PostPosted: Wed Sep 14, 2005 8:13 pm    Post subject: Re: UNACCEPTABLE Reply with quote

KABAYAN wrote:

OBVIOUSLY, YOU DONT UNDERSTAND WHAT A FORUM IS.

eh ikaw ba naiintindihan mo? Razz

KABAYAN wrote:
SIGURADO AKO DIYAN.

Paano mo naman nasiguro kilala mo ba ako? Rolling Eyes

KABAYAN wrote:
OBVIOUSLY E HINDI NAMAN AKO PIKON DAHIL HINDI AKO NAKIPAGBASTUSAN KUNG KANINO MAN LALO NA SAYO.

eh ano namang kabastusan sa sinabi ko? ikaw nga itong bastos kung alam mo ang Netiquettes all capital letters means shouting so ikaw ang bastos dahil naninigaw ka Laughing

KABAYAN wrote:
HINDI YONG BIGLA NA LANG SUSULPOT NA WALA NAMANG OPINYON.

kung wala akong opinyon para ano pa para sumali ako dito. saka sa yo ba to?

KABAYAN wrote:
PAANO NAKAPASOK ANG MGA BASTOS NA KATULAD NIYO NA WALA NAMANG OPINYON.

ikaw pano ka nakapasok dito?Shocked

KABAYAN wrote:
SINO BA ANG NAGKAKASALA.

sino sa palagay mo? Rolling Eyes
Back to top
Mr. Kneut
Guest





PostPosted: Wed Sep 14, 2005 8:56 pm    Post subject: Reply with quote

Way to go Miron(London)....set him straight....
Back to top
Mr. Kneut
Guest





PostPosted: Wed Sep 14, 2005 9:12 pm    Post subject: sa mga apektado Reply with quote

sa iyo naman, Kawalang kagalanggalang na GUEST, alam mo bang apat ang computer dito sa bahay ko. paano ka nakakatulog sa sinabi mo na parang lugod na lugod kang laitin ang mga kababayan mong tago ng tago, na sinsabi mong nakikikain,nakikisilong at nakikigamit ng internet. alam mo bang hindi madali ang dinaranas nila. ang tanong ko sa iyo ay ito, ano ang magandang opinion ang naibigay mo sa sinabi mo, kundi ang pag lait sa ating kababayan na nagsusumikap. o sige na tawagan mo na si kabayan at pareho na kayong matulog.
Back to top
lorenzo9547
Guest





PostPosted: Thu Sep 15, 2005 12:04 pm    Post subject: Reply with quote

Para sa iyo Kabayan, do not be disheartened when you are called, ‘branded Mr. Righteous’. That is okay. It is not a bad word. When you aim to be so, and when you speak thus, you will not always get approval from everybody. But let me remind you, if you/if we persevere in righteousness, that will be the mark of the souls by which God, in judgment time will determine who will be in, and who will be “echa.. fuera”/out into the “fire”.

And even in this world, being zealous for rules, laws, and for what is right is what this world needs. It is when most everybody, including and especially among the leaders, accept the mind-set of “anything goes” that earthly conditions, whether humanly or geophysically, get messed up. Where rules are most laxed in protecting the environment, that is where more people habitating that environment get all kinds of sickness. Where regulations are ignored in certain local driving and traffic culture, that is where it is an ordeal and so un-safe to drive. And where laws of the State and of business are not adhered vis a vis conventional business transactions, that is where corruption is stuck to thrive. It is when the sense of order and discipline among the citizens, and especially among those in authority that there are less messed-up state of affairs.

In concrete, if I were the Police, or the Judge who per chance get to apprehend, for example, an illegal alien or “they that jumped off the boat”, I can not but apply the law. That is just the more proper demands of nature, and of reason. I will not permit circumstances to dictate against the enforcement of law and order.

However, if I were not the apprehending Police, nor the Judge; and I am not a privy to all the reasons and conditions why someone ‘jumped off the boat’, or for that matter violated some regulation or law, I will withhold my personal judgments. As regards this ‘off-the-boat jumper’, whereas I agree that in reality more chances, ten or hundred chances will come by to those who wait, on the other hand for some individual cases it might seem like they never had the awaited opportunity, the long sought for ‘good break’. And at a particular instance, their perception was, “...This is it. Maybe now my family’s fortune/misfortune will turn around.” And this is a judgment call for and by them. Whether it pays them off; or regret later for having done so; it is still their judgment call. And chances are they were just willing to take their chances, including suffer the consequences.

`Now again, without justifying all the circumstances for them that chose this ‘chancy path’, as this would be equivalent to invalidating the law, and in the eventuality that these individuals ended up having hardships in foreign land instead, to “Mr. Guest” my request is for compassion, and understanding. It is never rational, and ‘makabayan’ to be wishing more ill for them who are already in a big mess or unpleasant spot. If they indeed made a mistake, let us pray for them, and wish for them some manner of being freed somehow from their ‘tight spot’. After all, everybody makes mistakes. And we all do inescapably pay retributions for our mistakes. But we should wish, in the name of charity, and pagka-makabayan to ease up the load they are necessarily carrying already.
Renato C Valdellon
Back to top
Mr. Kneut
Guest





PostPosted: Thu Sep 15, 2005 3:13 pm    Post subject: Reply with quote

Just to follow up on the statement made by Mr. Vandellon. KABAYAN and GUEST have to realize that being an illigal alien is not an easy choice to make or task to deal with, you can't achieved this overnight, it wil take a lot of perseverence and prayers to claim this goal. I'm not justifying the fact that they broke the law, but by the same token, it is their decision to make. all I'm saying is " we don't have any right to condemn anyone by choosing their path of success or failure in that matter. This is not a hideous crime. all they are doing is to have a better life. some of us are lucky enough not to endure such predicament, some of us are not. so don't be hateful, be compasionate, we all need that every once in a while.....
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Thu Sep 15, 2005 8:59 pm    Post subject: KASTIGO SA MGA TUMALON Reply with quote

To kabayan,

Don't. judge so that you will not be judge. Sometimes me mga panyayari sa buhay natin na di kayang abutin ng isip ng tao. God has plan for each and everyone of us.

And for those who responded to this issue, I think wag na lang nating pansinin Kabayan's point of view dahil sa tingin ko wala itong patutunguhan. And for those "tumalon" kung me bumabato sa inyo ipunin na lang ninyo yung mga bato na ibinabato sa inyo ang gawin niyo itong sangkap ng isang matibay na pundasyon para isang magandang hangarin and i would suggest don't. re-act on this dahil pag me nag-react yun ang talo. I hope this will end this, dahil you all already gives your idea and I don't. see any reason para pahabain pa ito.

All the best to all of you.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group