PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Happy Kurbata naman

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Wok with Somy (cook, work, walk)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Tue Jul 31, 2007 7:37 pm    Post subject: Happy Kurbata naman Reply with quote



GOOD MORNING...


Toronto weather sunny 26 degrees in the morning...kuha ni Lulu 6:20am






Sa pag-uwi ko po'y merong bregada ng mga Itik-or Canadian Goose kasing
laki ng tandang na mga manok...bawal hulihin, patayin o kainin..bai ay kung sa Paete ay
pulutan na...pinaupong Itik.
----------------------------------------------------------------------------------------
Ang idedemonstrate ko po ay kung papaano mag buhol ng kurbata sa leeg
sa inglish ay NECK TIE.....maraming pong pamamaraan ang how to tie your tie..
pero marapatin po ninyong iulat ko po sa inyo ang munting nalalaman
ng inyong lingkod base sa experience na rin.

Ang normal na kurbata ay merong 5 feet ang haba, ang isang dulo ay makitid at ang
isang dulo ay malapad (depende rin sa uso ng tie sa panahon) dito sa malapad
marami akong nagiging problema...sasabihin ko po sa inyo mamaya bago matapos
ang aking show este demo.
Ang unang gagawin ay kunin ang 1/3 na haba ng kurbata na gaya ng nasa litrato
-----------------------------------------------------------------------------------------

Hawakan ang makitid na end ng kananng kamay (kung kaleweteng tulad ko)
at iikod ng dalawang beses or isa depende sa gusto mong lakid ng buhol (or tie)
at ipasok ang malapad na end na may tilos at hilahin.
-----------------------------------------------------------------------------------------


Ayusin ang pagkakabuhol, humarap sa salamin. Isuot ang Amerka at ngumiti
sa salamin....Thank you Lord.
---------------------------------------------------------------------------------
=============================================-
----------------------------------------------------------------------------------


O kaya ay ito na lang ang isasabit mong ready made tie maganda na rin...

Gawa ng ang sinasabi kong problema sa kurbata sa akin sa ngayon ay
ay lumaki yata ang sukat ng leeg ko...naniniwala po baga kayo na ang sukat
ng leeg ay doble ang sukat ng baywang ninyo...tutuo po ano? diyan ako nag
kaproblema, sa ginamit kung Geometry na turo sa atin ni Mr. Ramos....isipin
ko man ay hindi magwowork ay.....hirit. Alam ko namang matatalino ang mga taga Paete ay.
Ang isa pang problema ay ito...yong pusod natin dapat ay level lang ng bay awang
or a little bit below. Ito pa ang nakita ko, alam ninyong may tilos ang dulo ng
kurbata, kung ito ay nakikita mo naku ay tumataba ka na..at kung di mo na makita yong
dulo ng daliri mo sa paa....masarap kang kumain ng baboy he he
---------------------------------------------------------------------------------------------------

Sya hindi muna ako magluluto....Pizza Pizza na lang.

----------------------------------------------------------------------------------------------------


The Beatles - Can't Buy me love...Everybody loves me so....



_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)


Last edited by Somyga on Wed Aug 01, 2007 9:11 pm; edited 2 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Wed Aug 01, 2007 4:08 am    Post subject: LOL... Reply with quote

Somy, sus ginoo, hagalpak ako ng tawa uli dito sa posting mo...talagang naiiba...iba talaga ang nagagawa ng photography to tell "a story." Nung nabubuhay pa yung asawa ko, ako ang taga lagay, taga pili ng kurbata nya...ih ih ih, mainam din naman na natutunan ko yan, at ang pinakamasarap ay gustong gusto kong i-untie naman, lol...dahil isang hila mo lang ay tanggal na ang buhol, hahaha...lol...pero pag mali ang pagbuhol mo, pag hinila mo ay hindi rin matatanggal, baka masakal ka pa he he he...para akong bata na nagagalit, pag hindi ako ang hihila nung kurbata, pakiramdam ko kasi ay "magic" he he he...ola...biglang nawala ang buhol!

Somy, dagdagan mo itong pictures mo, ipakita mo step by step talaga...lalo na yung pagpulupot nung isang dulo at kung papaano isuot yung natitirang dulo...kulang ang "putahe" he he he...
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Kapampangan
Guest





PostPosted: Wed Aug 01, 2007 1:47 pm    Post subject: Nakikiramay Po.. Reply with quote

dadaludy wrote:
Somy, sus ginoo, hagalpak ako ng tawa uli dito sa posting mo...talagang naiiba...iba talaga ang nagagawa ng photography to tell "a story." Nung nabubuhay pa yung asawa ko, ako ang taga lagay, taga pili ng kurbata nya....


Dada Ludy,

Patay na po pala yung asawa nyo. Ang buong pag-aakala ko po eh buhay na buhay pa sya.

....nakikiramay po!
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Wed Aug 01, 2007 4:45 pm    Post subject: Re: Nakikiramay Po.. Reply with quote

Hello Kapampangan, kababayan or kamag-anak mo pala ang "ama" ng aking mga anak...kumusta ka na? Sana magkita uli tayo pagpasyal ko dyan sa Chicago, Illinois. Ang ama ng mga anak ko ay "buhay na buhay" at merong limang anak sa asawa nya ngayon. Ang mga anak ko ay tumulong pa sa kanya Wink sa kabila ng lahat ng mga pangyayari sa aming buhay. Ang mga anak ko pa ang nagbayad sa schooling ng mga anak ng tatay nila sa asawa nya ngayon na dati naming "secretary" nuong andun pa ako Wink Very Happy. At hanggang ngayon ay may communication silang mag aama, satisfied?

At kung may gusto ka pang malaman sa "personal" na buhay ko, email mo na lamang sa akin. Hindi ito ang tamang lugar para mag personalan. Eto ang email address ko:

DADA_LUDY@MSN.COM

Mga Moderators...I consider this as a personal attack. Please stop posting these kind of personal comments here. Thank You.
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Thu Aug 02, 2007 10:13 pm    Post subject: Re: LOL... Reply with quote

dadaludy wrote:
Somy, sus ginoo, hagalpak ako ng tawa uli dito sa posting mo...talagang naiiba...iba talaga ang nagagawa ng photography to tell "a story." Nung nabubuhay pa yung asawa ko, ako ang taga lagay, taga pili ng kurbata nya...ih ih ih, mainam din naman na natutunan ko yan, at ang pinakamasarap ay gustong gusto kong i-untie naman, lol...dahil isang hila mo lang ay tanggal na ang buhol, hahaha...lol...pero pag mali ang pagbuhol mo, pag hinila mo ay hindi rin matatanggal, baka masakal ka pa he he he...para akong bata na nagagalit, pag hindi ako ang hihila nung kurbata, pakiramdam ko kasi ay "magic" he he he...ola...biglang nawala ang buhol!

Somy, dagdagan mo itong pictures mo, ipakita mo step by step talaga...lalo na yung pagpulupot nung isang dulo at kung papaano isuot yung natitirang dulo...kulang ang "putahe" he he he...


Ludy, my dear friend....pasasayahin kita, alam kong mahal na mahal
ka ni Father God...watch me and my DNA...action!

Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Fri Aug 03, 2007 1:19 am    Post subject: Re: LOL... Reply with quote

bwuahahaha...ayan ay di tamang tama ang rekado ng "magic" he he he...salamat Somy Wink Very Happy ...salamat Lord for Somy.
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Fri Aug 03, 2007 10:19 am    Post subject: You Tube Star!! Reply with quote

Hahahahaha...okey sa olryt ka 22Somy! Kaya pala nami-miss ka namin dun sa ating website ay busy ka sa pagiging star mo sa youtube!!! hehehe...keep it up!!
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Sat Aug 04, 2007 12:52 pm    Post subject: Re: LOL... Reply with quote

dadaludy wrote:
bwuahahaha...ayan ay di tamang tama ang rekado ng "magic" he he he...salamat Somy Wink Very Happy ...salamat Lord for Somy.


Hi Ludy!
Salamat din sa iyo..bai ay meron bagang magic at daya? tiningnan
kong mabuti ay,,,hindi magic ay akala mo lang ay dinaya ko na mahaba yong makitid na parti?..yon ba ang nakita mo parang
iniurong ko? bai ay katuwa naman nitong papel ko aba

Hi Tisay!
Accident lang itong video ay...gawa ng gusto ko lang maging
masaya si Ludy....sabi niya ay bwaaahaaa kaya bwaaahaaa na rin ako at happy....Tisay...ang gaganda ninyo sa summit..miss ko na rin kayo
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sat Aug 04, 2007 4:57 pm    Post subject: Re: LOL... Reply with quote

Somy, hindi yun...at maliwanag...walang daya...lol...salamat at gusto mong dagdagan ang "joy" ko...ang sinasabi kong magic ay pag aalisin na ang kurbata, isang hila lang ay magic na, wala na yung buhol... Wink Very Happy
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
ten m. bagabaldo
Guest





PostPosted: Sun Aug 05, 2007 1:17 am    Post subject: Bravo!!! Reply with quote

dear klasmeyt somy,
BRAVO!!!,PERFECT!!!...nakakalibang ka talaga...iba naman ang gimmick mo ha,hindi naman "cooking"...FASHION naman.

bai ay you look like your father talaga,para ko ng nakita si Amang Miming na naglalagay ng kurbata...am sure napatawa mo si dada ludy sa show mo, Very Happy .

e kailan mo naman lulutuin ang "pecadillo"?,naglalaway tuloy ako kase isa sa mga fav. ko yon...marami uling kamatis na mapupula ang ilagay mo ha? Very Happy

o sya,salamat sa "demo" kung papano maglagay ng kurbata...nalimutan ko na kaseng mag-tie non kase the last time i did that was during our good old days in high school.

klasmeyt ten
Back to top
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Sun Aug 05, 2007 8:56 am    Post subject: Re: Bravo!!! Reply with quote

ten m. bagabaldo wrote:
dear klasmeyt somy,
BRAVO!!!,PERFECT!!!...nakakalibang ka talaga...iba naman ang gimmick mo ha,hindi naman "cooking"...FASHION naman.

bai ay you look like your father talaga,para ko ng nakita si Amang Miming na naglalagay ng kurbata...am sure napatawa mo si dada ludy sa show mo, Very Happy .

e kailan mo naman lulutuin ang "pecadillo"?,naglalaway tuloy ako kase isa sa mga fav. ko yon...marami uling kamatis na mapupula ang ilagay mo ha? Very Happy


klasmeyt ten


Hi Ten,
Yong secreto ng picadillo pls email to me hani, bukas ko
lulutuin, meron na akong beef...mabuti rin itong naisipan natin ano? double purpose ay..nalilibang ako at ang iba, nabubusog din ng luto ang
pamilya ko at natututo pa rin ako, baka pumasa na akong cook sa barko (my dream),
nalampasan na ang tigahugas ng pinggan he he good job.
Miming na Miming baga ang tipo ko...salamat at talagang
siya ang ama ko at salamat din kay Ina na namana ko ang DNA.
See you..cooking again
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Aug 08, 2007 2:46 am    Post subject: Reply with quote

Hi Somy,

B R A V O !!!

Maraming salamat at pinagbigyan mo yung request ko kung papaano magkabit ng kurbata, kaya lang ay mukhang kailangan ko pang bumili ng manekin para pag praktisan Laughing Laughing Laughing

Tulad ng sinabi ko sa’yo sa email noon, mukhang kailangan ng magkaroon ka ng sariling section dito sa USAP. Magtatayo na rin kami ng SOMY Fans Club dahil aliw na aliw kami sa mga gimik mo. Wink

Teka, mag iisip tayo ng ipapangalan natin…ano kaya kung “WOK with SOMY”?

Tatlo yung ibig sabihin ng WOK.
WOK as in wok na kawali dahil sa mga recipes mo.
WOK as in work…parang “How To Do It” ang theme, tulad ng ginawa mo sa kurbata.
WOK as in walk…tulad nung mga ipinakita mong iba’t ibang lugar o pangyayari [sunrise, basketball court, basurahan, etc...] dyan sa Canada. Hindi naman kailangan na magaganda yung ipakita mo, basta kahit ano lang ang maisip mo. Malaki kasi ang nagagawa nung picture/photography, at syempre yung DNA ng sense of humor mo <lol>

Baka may suggestion yung ibang fans mo…ipakibato nyo naman dito.

O ano…gagawa na baga kami ng petisyon kay Rey?

Teka, bago ko makalimutan. May mga nakita akong itik sa pictures mo....ari mo bagang isunod kung papaano gumawa ng itlog na pula/itlog na maalat? Pwede ring pinaupong itik. Ano kaya kung balot? Laughing Laughing Laughing

Ang iyong tagahanga,
Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
ten m. bagabaldo
Guest





PostPosted: Wed Aug 08, 2007 4:30 am    Post subject: WOW!!! Reply with quote

Klasmeyt Somy,
Nakita ko na ang luto mo sa "picadillo" at ok naman,mukhang masarap din.

Tama nga ang suggestions nina Rey & Saida,dapat na nga sigurong magkaron ka na ng sariling section dito sa USAP para madaling hanapin ang iyong mga "cooking lessons" at kung anu-ano pang demo ang gusto mong ipakita sa amin at sa FANS mo Wink Wink Wink ...nakakalibang ding magbasa at isa pa,naaaliw ako at may mga pictures at video pa...iba talaga si "GUSTI" Smile Smile Smile

o,nakita mo na ba yung "recipe" ko ng "minanok" na walang manok? Very Happy Very Happy Very Happy ...lutuin mo din at masarap din yon,magugustuhan din nila yon....a week ago kase e nakatikim ako ng minanok sa aunt ko sa antipolo at ang daming gata!!!,mmm ang sarap!!!,nakakagutom tuloy Wink

o sige na at hanggang sa susunod na cooking lessons...maraming salamat klasmeyt somy...take care & God bless.

Klasmeyt Ten Wink
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Wok with Somy (cook, work, walk) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group