PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

KALINISAN TUNGO SA KALUSUGAN

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Photo Albums and Videos
View previous topic :: View next topic  
Author Message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Aug 22, 2007 5:34 am    Post subject: KALINISAN TUNGO SA KALUSUGAN Reply with quote

Nagkaroon po ng Operation Linis sa buong bayan ng Paete bilang pangunahing hakbang sa pag iwas sa sakit na Dengue kahapon August 21, 2007. Ito po ay proyekto ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Dra. Aguilar bilang Municipal Health Officer, Sofia Caidic Dagsindal at Lerma Pangilinan ng Sanidad at MMLP- Maganda Malinis at Luntiang Paete.

Ang nasabing Operation Linis ay sinuportahan ng lahat ng siyam na Sanguniang Barangay sa pangunguna ng kanilang Kapitan, BHW, Bantay Bayan at Senior Citizen. Kasama din ang ilang NGO's tulad ng Centurion Club, Guardian, ICAG, S-Fly Club, Rampants at Father & Sons. Nandun din po ang piling estudyante ng PEQMNHS at ang Drum and Lyre ng PES. Kasama di ang mga piling empleyado ng munisipyo at ng Sanguniang Bayan maging ang Fire Dept..















Ang bumubuo ng MMLP- Maganda Malinis at Luntiang Paete.
Kon. Benny Cadapan,Dra. Fe Aguilar, Sofia Dagsindal, Nelda Bagabaldo at Lerma Pa ngilinan.


Sumama po ako sa ating ambulansiya upang personal na makita at makunan ng pictures ang mga naging pagkilos sa iba't ibang lugar sa bayan ng Paete. Kaalinsabay din po ng bandilyo para sa panawagan ng pag-iwas sa sakit sa pamamagitan ng paglilinis ng kapaligiran.



Daan papuntang Wawa park, nililinis ng mga empleyado ng munisipyo.



Inabot na po ng tubig lawa ang Wawa Park.



Naglilinis na po ng mga sulok sulok ang Sanguniang Brgy. ng Ibaba del Sur. Fire Department sa may Hi-way.





Na-assigned po ang samahan ng Father & Sons sa kahabaan ng Hi-way.



Malinis po ang mga kalsada.









Hayan po ang bukana ng ating Feeder Road kalapit ng lupa ng mga Dimacali.



Samahan ng ICAG.






Pati po mga bata ay nakita kong naglilinis.






Tapat ng E.L.C.



Inabot ko pong naglilinis ang Sanguniang Brgy. ng Ilaya del Sur sa pangunguna ng kanilang Kapitan Hermie Bagonghasa (nakayuko).


Halos puno na po ng basura ang kanilang Serbilis.



Tumawid na po kami ng Barangay Ilaya del Norte.



Inabot ko po na naglilinis ang mga BHW ng Brgy. 6.



Nandun din po ang firetruck para sa paglilinis ng ilog kasama ang Guardian, Centurion at S-Fly.



Abala po sina Kapitana Liza Calma ng Brgy. 6 sa paglilinis ng mga kanal sa daang J.P. Rizal.



Papunta na po kaming Bagumbayan.



Naglilinis na rin po ang mga BHW ng brgy .



Sanguniang Brgy. ng Bagumbayan.



Nandun din po si Kon. Obet Pascual, kasama sa paglilinis.



Sanguniang Brgy. ng Bagumbayan sa pangunguna ng kanilang Kap. Eddie Mercado.



Brgy Bangkusay malapit sa tulay papuntang Barakas.



Brgy. Bangkusay pa rin. Malinis na ang mga kanal at kalye.



Papunta na po kami ng Brgy. Ermita sa harap ng J and E Superstore.



Malinis na ang kalsada.



Ginamit po pala ng Sanguniang Brgy. Ermita ang kanilang water pump sa paglilinis sa pangunguna ni Kagawad Boyie Pagalanan.



Naglilinis pa rin po ang mga Kagawad ng Brgy. Ermita sa daang Paterno.



Hayan pa po yung ibang Kagawad ng Ermita.




Katatapos lang pong maglinis ng mga taga Maytoong sa pangunguna ng Sanguniang Brgy.



Huli ko pong napuntahan ang Ibaba del Norte. Tapos na po silang maglinis dahil kalahating araw lang po ang operation linis.



Inabot ko pa po yung tauhan ng Brgy. na naglilinis sa may patio.



Nakailang hakot na daw po sila ng basura.



Malinis na po sa may daang Tinawin sa Ibaba del Norte.



Hindi na po ako nakapunta sa mga looban ng mga Brgy. at madami pa pong nag aantay na trabaho sa munisipyo.


Kinabukasan po, kaninang umaga lang August 22, 2007 ay inabot ko na nagpapahinga sa harap ng aming bahay (waiting shed) ang mga Senior Citizen ng Brgy. 4 Quinale. Regular (every other day) po silang naglilinis sa kahabaan ng J. P. Rizal sakop ng Quinale.



Mga Senior Citizen ng Brgy. Quinale habang nagpapahinga matapos ang regular na paglilinis.



Daang Macumbo papuntang bundok.



Matapos ang paglilinis ng mga Senior Citizen.


Heto pa yung kabilang side tapat ng bahay namin (Hiyas Handicraft).



Sa lahat po ng tumugon at nakiisa sa panawagan ukol sa Operation Linis,

Maraming Maraming Salamat Po!!!




_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo


Last edited by mutuk on Mon Apr 07, 2008 4:28 am; edited 2 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Fri Aug 24, 2007 3:47 pm    Post subject: Reply with quote

Salamat sa mga litrato ng Paete na kalakip nitong posting tungkol sa kalinisan at kasulugan. Bakit magandang tingnan ang Paete sa litrato? Kung mapananatili nating malinis ang Paete ay siguro'y maisusugpo natin ang mga sakit na nanggagaling sa karumihan ng kapaligiran. Salamat sa pangunguna ng pamunuang Bayan sa pamamagitan ng magandang halimbawa. Sana'y ipagpatuloy natin ito.
_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
admin
Site Admin


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 286

PostPosted: Fri Aug 24, 2007 10:26 pm    Post subject: Reply with quote

Vice Mutuk:

There is a lesson on dengue:

http://www.paete.org/forums/vi.....=8083#8083

And I understand that there is a four-o'clock habit;

http://www.doh.gov.ph/4oclock_habit

Controlling the breeding of the vector (mosquito, specifically, Ae. Aegypti) is an important step. The problem dealing with this mosquito in Paete is its abundance of fresh water (the lake) as well as the trees in the uplands, so it is important that even a single dengue case receives the necessary attention to avoid any possible outbreak.

-Angel
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Mon Apr 07, 2008 4:59 am    Post subject: Reply with quote

Noon pong nakaraang Sabado, April 5, 2008 ay ipinagdiwang ang ika 63 taong Kalayaan ng Paete mula sa mga mananakop na Hapones (April 5, 1945) at Pambayang Araw ng mga Bayani para sa mga taga Paete na nakilahok o nakipaglaban noong WWII sa pamamagitan ng isang Kick-Off Rally para sa programang "Pangangalaga sa Kalikasan para sa Kinabukasan" batay na rin sa kahilingan ng Paetenians abroad na magkaroon ng programang Environmental Awareness sa ating bayan.


















Mula sa kaliwa, Susan Tolentino ng LLDA, G. Moding Valencia, G. Melie Balquiedra, G. Eduardo Palatino at G. Isaac Bathan bilang kinatawan ng mga Beterano ng WWII, bumubuo ng Sangguniang Bayan at mga Kapitan ng Barangay.


































































Drum & Lyre of Eastern Laguna colleges

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Photo Albums and Videos All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group