PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

AGBAGALA Main FAMILY TREE

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Family Trees
View previous topic :: View next topic  
Author Message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Mon Feb 20, 2012 12:44 am    Post subject: AGBAGALA Main FAMILY TREE Reply with quote

Names - - - Dates of Birth - - - Parents

Agbagala, Cipriano S. Sep. 27, 1860 Atanacio & Petrona Saldivar
Agbagala, Segunda S. May 31, 1862 - Anastacio & Petrona Saldivar
Agbagala, Leoncia S. Sep. 11, 1864 Anastacio & Petrona Saldivar
Agbagala, Segundo S. Anastacio & Petrona Saldivar

Sahueco, Gregorio Cadhit A. Mar. 10, 1881 Jorge / Leoncia Agbagala
Grand Parents :
(Father) Jorge Cadhit Sahueco - Anastacio Agbagala & Petrona Saldivar

Agbagala, Pascuala C. May 17, 1860 Manuel & Maria Caimon
Agbagala, Felifa C. Apr. 30, 1864 Manuel & Maria Caimon
Agbagala, Simplecio C. Mar. 2, 1870 Manuel & Maria Caimon
Grand Parents :
Josef Agbagala & Adriana Bagui
Fernando Caimon & Pascuala Sta Juana


Agbagala, Sofia C. Oct. 1, 1901 Simplicio / Laureana Cagastian
Agbagala, Fabian C. Jan. 21, 1903 Simplicio / Laureana Cagahastian
Agvagala, Bonifacio C. May. 13, 1904 Simplisio / Laureana Cagahastian
Agvagala, Tomas C. Dec. 24, 1906 Simplicio / Laureana Cagahastian
Agvagala, Rufina C. Jul. 23, 1908 Simplisio / Laureana Cagahastian


Agbagala, Mateo C. Sep. 21, 1861 Silverio & Petrona Cagadas
Agbagala, Rufino C. Jul. 9, 1871 Silverio & Petrona Cagadas
Agbagala, Eufemio C. Sep. 22, 1874 Silverio & Petrona Cagadas
Grand Parents :
Juan Agbagala & Maria Alfonza Santa Juana
Francisco Cagadas & Agustina Bago


Agbagala, Tomasa C. Dec. 20, 1881 Eulallo / Maria Cagahastian
Agbagala, Teodora C. Apr. 1, 1884 Eulallo / Maria Cagahastian
Agbagala, Florentina C. Mar. 13, 1885 Eulalio / Maria Cagahastian
Agbagala, Nazario C. Jul. 26, 1887 Eulalio / Maria Cagahastian
Agvagala, Ines C. 4/20/1892 Eulalio / Maria Cagahastian
Grand Parents : Silverio Agbagala & Petrona Cargadas
Ygnacio Cagahastian & Mecaila Cautivo


Agbagala, Militon C. Mar. 9, 1882 Severino / Francisca Cadapan
Agbagala, Bacilia C. May 22, 1885 Severino / Francisca Cadapan
Agbagala, Dorotea C. Feb. 2, 1887 Severino / Francisca Cadapan
Agbagala, Petronilo C. May 29, 1889 Silvino / Francisca Cadapan
Agvagala, Anselmo C. 4/20/1892 Silvino / Francisca Cadapan
Agvagala, Feliza C. Jan. 29, 1894 Silvino / Francisca Cadapan
Agvagala, Sixta C. Apr. 5, 1896 Severino / Francisca Cadapan
Agbagala, Genoveva C. 1/2/1899 Silvino / Francisca Cadapan
Grand Parents : Silverio Agbagala & Petrona Cargadas
Pablo Cadapan & Andrea Pacalda

Agbagala, Rufino C. Sep. 16, 1871 Dominga Fadallan
Grand Parents :
Faustino Fadallan & Juana Baet baet

[
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Tobbie



Joined: 21 Aug 2007
Posts: 57
Location: Manila, Philippines

PostPosted: Tue Mar 17, 2015 5:13 am    Post subject: Agbagala Main Family Tree Reply with quote

Mayor Mutuk,

Nandito na naman po ako at nagsasaliksik. Ngayon ko lamang po nabasa ang mga tala ukol kay Leoncia Agbagala (Sep. 11 1864) at Gregorio Cadhit A. Sahueco (Mar. 10, 1881) na anak ni Jorge Cadhit Sahueco at Leoncia Agbagala.

Nakakakilabot ang ngalang Jorge Cadhit Sahueco. May impormasyon po kayo ukol sa kanya?

Nakakakilabot po dahil ang naging iisang anak ni Gregorio Cadhit (lolo Goryo) ay pinangalanang George Cadhit. Siya ang aking Lolo. At lahat kaming mga apong lalaki ay may una o ikalawang pangalang George. Ang tunay ko pong pangalan ay Christopher George Lauchengco Cadhit.

Mayor, mukhang malapit ko na pong mapagtagpi tagpi ang kasaysayan ng aking dugo. Sana ay may impormasyon ukol sa mga Sahueco. Kwento po ng aking ama na hindi talaga Cadhit ang apelyido ng ama ni Gregorio. Ginamit lamang ang Cadhit dahil sa alitan laban sa mga Kastila. Subalit di maikakailang ang ama ni Gregorio ay isang Intsik.

Sana po ay may impormasyon sa Sahueco.

Tobbie
_________________
In search of the line of Gregorio Agbagala Cadhit, son of Mariano Cadhit from Paete.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website MSN Messenger
Tobbie



Joined: 21 Aug 2007
Posts: 57
Location: Manila, Philippines

PostPosted: Tue Mar 17, 2015 6:10 am    Post subject: Agbagala Main Family Tree Reply with quote

Mayor Mutuk,

Dagdag lang po. Curious ako kung paano niyo po biglang nakita ang ngalan ni Jorge Cadhit Sahueco. May mga birth certificate o death certificate po ba kayong nakita?

Tobbie
_________________
In search of the line of Gregorio Agbagala Cadhit, son of Mariano Cadhit from Paete.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website MSN Messenger
Tobbie



Joined: 21 Aug 2007
Posts: 57
Location: Manila, Philippines

PostPosted: Tue Mar 17, 2015 6:16 am    Post subject: Accuram-Agbagala family tree Reply with quote

Ito ang mga pangalan ng aking lolo at ng kanyang ama sa Supreme Court of the Philippines bilang mga abogado.

CADHIT, GEORGE Y.; San Jose, Nueva Ecija; March 28, 1949; Roll No. 1091.
CADHIT, GREGORIO A.; December 17, 1927.

Source: http://sc.judiciary.gov.ph/bar.....list/c.php
_________________
In search of the line of Gregorio Agbagala Cadhit, son of Mariano Cadhit from Paete.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website MSN Messenger
Tobbie



Joined: 21 Aug 2007
Posts: 57
Location: Manila, Philippines

PostPosted: Tue Mar 17, 2015 6:28 am    Post subject: Agbagala Main Family Tree Reply with quote

Mayor Mutuk,

May impormasyon po kayo ukol sa kanyang amang si Jorge Cadhit Sahueco? Curious lamang po ako kung saan niyo nakuha ang birthday ni Gregorio Cadhit at ang tunay na ngalan ng kanyang ama. Curious din po ako kung bakit ikalawang ngalan nila ang Cadhit (Jorge Cadhit A. Sahueco at Gregorio Cadhit A. Sahueco). Bihira po yata noong mga panahong iyon ang pangalang Cadhit at para gamitin ito bilang ikalawang ngalan at hindi apelyido ay palaisipan. Subalit noong buhay pa po ang aking ama, nabanggit niya na di Cadhit ang aming apelyido. Pinalitan lamang dahil sa alitan laban sa mga Kastila. Sinabi rin ni Papa na Intsik ang tatay ng Gregorio Cadhit (Lolo Goryo).

Kinumpara ko po ang Saldevar family tree sa impormasyon ukol kay Leoncia Agbagala at sa Agbagala Family Trees. Ito po ang aking nakita:

1. Lahat po ng mga anak ng Agbagala na ipinanganak noong 1864 hanggang 1874 ay galing lamang mula kay Silverio Agbagala at Petrona Cagadas. Wala pong Anastacio na nag asawa ng isang Petrona Saldivar. Wala rin pong Petrona sa family tree ng mga Saldevar.
2. Maaari po kayang si Silverio Agbagala at Petrona Cagadas ang mga magulang ni Leoncia?
3. Ipinanganak si Leoncia ng 1864 subalit wala ang ngalan niya sa mga Agbagala. Nagkaroon ng mga anak si Silverio at Petrona mula 1861 hanggang 1874. Ito po sina Mateo (1861), Rufino (1871), Eufemio (1874). Maaari po kayang si Leoncia ang kanilang anak?

Nakakatuwa ang mga bagong impormasyon. Pede nang gawing isang nobela.

Marami pong salamat. Sana po ay mabigyan niyo pa pong linaw.

Tobbie
_________________
In search of the line of Gregorio Agbagala Cadhit
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website MSN Messenger
Tobbie



Joined: 21 Aug 2007
Posts: 57
Location: Manila, Philippines

PostPosted: Tue Mar 17, 2015 7:06 am    Post subject: Agbagala Main Family Tree Reply with quote

Sahueco, Gregorio Cadhit A. Mar. 10, 1881 Jorge / Leoncia Agbagala
Grand Parents :
(Father) Jorge Cadhit Sahueco - Anastacio Agbagala & Petrona Saldivar


Mayor Mutuk,

Nakalagay po ang "(Father)" sa Grand Parents.

Dalawang bagay po ang naiisip ko dito:
1. Isang pari ang Lolo ng Lolo Goryo na si (Father) Jorge Cadhit Sahueco?
2. Pagtukoy lamang ito sa ama ng tatay ng Lolo Goryo. Karugtong nito, sino kaya ang asawa ni (Father) Jorge Cadhit Sahueco.

Isang patay na pangalan ang Sahueco. At medyo kakaiba ang Cadhit na apelyido. May kaibigan at katrabaho ako mula sa Morocco na ang apelyido ay Cadhid. Ang tawag niya sa akin ay pinsan kasi Moroccan daw ang apelyidong Cadhit.

Kung ibinigay na pangalan sa Lolo Goryo ay Gregorio Cadhit Agbagala Sahueco at anak siya ni Jorge Cadhit Sahueco at Lolo niya si (Father) Jorge Cadhit Sahueco, ibig sabihin ay Cadhit ang apelyido ng Lola ng Lolo Goryo sa pagkadalaga.

Nakakakilabot kung sakali man dahil simula nang magsaliksik ako sa pangalang Cadhit at ako ay magbakasyon sa Espanya, ginamit ko ang apelyidong Agbagala sa pagsusulat bilang pagbibigay pugay sa ngalan ng nanay ng Lolo Goryo. Ang Lolo Goryo kung sakali ay tinanggal ang apelyidong Sahueco bilang pagbibigay pugay sa posibleng apelyido ng kanyang ina.

Mayor, ni like ko po kayo sa Facebook. Sana makausap ko kayo sa telepono soon kung sakaling di kayo busy at talagang dami kong tanong at excited akong magbakasyon sa Pinas kahit 2 linggo lamang.

May nabasa po tayong pangalan na Eustaquio Cadhit sa aklat na Paete nang huli po tayong magkita. Nasa listahan din po kaya siya ng Santiago?

Isa pang nakakakilabot na kwento. Nang magbakasyon po ako sa Espanya bilang panata para sa aking ama ay nagpunta ako sa probinsiya ng Galicia. Doon ay dinayo ko ang simbahan ng Santiago de Compostela (Cathedral of St. James The Apostle). Full circle.

Napakasarap isulat at ikwento -- bigyang buhay ang aking mga ninuno.

Best,

Tobbie
_________________
In search of the line of Gregorio Agbagala Cadhit, son of Mariano Cadhit from Paete.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website MSN Messenger
Tobbie



Joined: 21 Aug 2007
Posts: 57
Location: Manila, Philippines

PostPosted: Tue Mar 17, 2015 9:16 am    Post subject: Agbagala Main Family Tree Reply with quote

Anong edad po ba allowed magpakasal noon? Nanganak si Leoncia Agbagala nang siya ay 17 years old lamang. Napakabata.
_________________
In search of the line of Gregorio Agbagala Cadhit, son of Mariano Cadhit from Paete.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Family Trees All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group