PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Lamberto Acyatan
Goto page 1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Paete - Carving Capital Forum
View previous topic :: View next topic  
Author Message
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Sat Jan 05, 2008 9:51 am    Post subject: Lamberto Acyatan Reply with quote

For eight years, he was working then as an apprentice to a dutch artist Jacob Tuyn. He left his town,his family and Jacob to pursue his artistic preference. He developed epoxy as his new medium and later became his identity. Lamberto Caancan Pagalanan Bagalso Acyatan was born in Paete Laguna; A self-taught artist who began painting and sculpture, at age 12 learned his craft by studying the works of old masters. He has participated in the numerous exhibitions in the 90's till now.

http://waxrod355.blogspot.com/
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
lamberto
Guest





PostPosted: Thu Feb 07, 2008 6:53 am    Post subject: pasasalamat mula kay lamberto acyatan Reply with quote

salamat ng marami sa lahat. ito ay para sa Paete. salamat kay angel at cezar
Back to top
galing
Guest





PostPosted: Thu Feb 07, 2008 5:26 pm    Post subject: Re: pasasalamat mula kay lamberto acyatan Reply with quote

Mr Lamberto,

magaling yung talento nyo naiiba pwede ba malaman ang sistema ng epoxy? anong klaseng epoxy? just want to learn from you


winston hernas
Hong Kong, China

lamberto wrote:
salamat ng marami sa lahat. ito ay para sa Paete. salamat kay angel at cezar
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Feb 08, 2008 7:54 am    Post subject: Re: pasasalamat mula kay lamberto acyatan Reply with quote

Mr. Lamberto,

Kamusta po kayo pwede po bang malaman ang sistema ng epoxy sculpture? anong klaseng epoxy? at ang preparasyon?

salamat po,

Winston Hernas
Hong Kong, China

lamberto wrote:
salamat ng marami sa lahat. ito ay para sa Paete. salamat kay angel at cezar

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
lamberto
Guest





PostPosted: Mon Feb 11, 2008 5:21 am    Post subject: epoxy sculpture Reply with quote

to:Winston Hernas- any kind of epoxy pwede gamitin, pero ang ginagamit ko non-sag epoxy pioneer then haluan mo ng powder like kalsomine, pag bata ang tinuturuan ko ang pinapagamit ko e gaw-gaw, ang purpose ng powder e para mahawakan mo ng maayos ang epoxy kasi madikit, para ka lang gumagawa ng minukmok, don ko nakuha ang principles ng how to mixed epoxy for sculpture, salamat kay ina(inang Luning). inuukitan ang epoxy habang malambot pa, gamit ang ballpen, i-dis-assemble lang ang ballpen, pwede mo syang gamitin pangtuldok saka pantatak na bilog-bilog. saka ko na uli ituturo sa iyo kung papaano gumawa ng large-scale sculpture made of epoxy.
Back to top
lamberto
Guest





PostPosted: Mon Feb 11, 2008 6:30 am    Post subject: answer to whernas Reply with quote

Pag malaki ang gagawin ginagamitan ko na bakal, old newspaper, packaging tape, para ka lang gumagawa ng balik bayan box pero kailangan compressed ang dyaryo bago tapalan ng epoxy mixed na ng powder tapos part by part ang pag tapal kasi madaling tumigas ang epoxy.

1 non-sag epoxy A&B
2 powder (any kind)
3 steel bar/tie wire
4 -packaging tape
5 old newspaper
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Feb 11, 2008 8:35 am    Post subject: salamat Reply with quote

lamberto,

maraming salamat sa turo mo kamagndang iaplay sa trabaho ang sistemang ito pero sa ngayon ay chocolate muna ang palagi kong hawak pero magagamit ko ang pormulang yan kapag ibinigay ng pagkakataon dito sa bahay ko muna pagaaralan pinsan ko si paul balan sa cainto

salamat

winston
Hong Kong, China
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
lamberto
Guest





PostPosted: Wed Feb 13, 2008 5:39 am    Post subject: epoxy art sculpture Reply with quote

salamat din, maganda rin kung maituro natin sa mga taga-Paete, naalala ko kasi noong unang beses kong nag-ukit ng yelo, nanghinayang ako ng matunaw na, ang ligaya kong naramdaman ay napalitan ng lungkot. don ko naisipan ang epoxy to preserved my art, mas maganda kasing pamana kapag wala na tayo dito sa mundo, hindi lang sa ala-ala.
Back to top
ten-10 madridejos bagabal
Guest





PostPosted: Wed Feb 13, 2008 8:52 am    Post subject: Kumusta na? Reply with quote

Hello Obet,
Kumusta ka na?...saan ka ngayon nag-i-stay?...it's been a long time since we last saw each other,bai ay nasa college pa yata kayo noon.

I hope natatandaan mo pa ako (si Ten)at di mo pa rin nalilimutan itong Proj.7...

Ang gaganda ng work of art mo,pwede ba akong humingi ng sample? Rolling Eyes Wink Very Happy .,joke joke joke.

Nice to see you here in USAP.

10
Back to top
jccadang
Guest





PostPosted: Wed Feb 13, 2008 9:26 pm    Post subject: Kumusta na!!! Reply with quote

Obet,

'musta ka na, talagang maipagmamalaki ka ng ating bayang Paete, ang galing mo, muntik na kita di makilala, long hair ka ay, pero pogi pa rin, ang ka josie nga pala ito, natutuwa ako at biniyayaan ka ng talino na di pangkaraniwan at tama ka, maipagmamalaki at lagi ng maaalala ang iyong mga nagawa. Take care and God bless!!!
Keep in touch, hane!!!

ka josie

p.s. 'musta rin daw sabi ni 'tol ray
Back to top
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Thu Feb 14, 2008 3:02 am    Post subject: About Epoxy Reply with quote

Hello Lamberto,
So kapatid ka pala ni Mareng Nora Acyatan-Asido,
ang masipag naming Officer sa PES batch 66. Kabatch
namin siya sa PES until sa ELC at palagay ko ay maliit ka
pa noong mga time na yun..madalas kaming gumawa sa
inyo ng binay-an kung may binay-anan kami noong high
school.Masarap ang mga kakanin sa inyo, na handa ng ina
mo si Inang Luning, kapatid mo rin si Cesar Acyatan, may isa
ka pang kapatid na Luis at Jimmy, ganon din si Edna. Doon
kami nagmemeryenda sa inyo noong nag-uukit pa kami kina
Somy Asido at Eco Navarro.
Sinusundan ko yun thread mo about epoxy dahil
gumagamit din kami ng epoxy noon sa Foundry Processes
para sa mga highly intricate and complex shapes na machine
casting parts. Napaka-galing gamitin ang epoxy dahil kung ito
naman ay hardened na ay katibay para sa pag-gawa ng pattern
ng machine parts..pero hindi namin gaanong problema ang
hardenability nito dahil gumagamit kami ng torno or machining
process specially doon sa mga round shapes, kahit sa milling
or shaper ay madali rin, iba na talaga ang makina lalo pa at
talagang fully hardened.Tine-test din namin ang tibay at tigas
ng epoxy sa Metallurgical Lab. bago gamitin sa moulding process
in the production floor.Hindi puede kung malambot ito.
Almost same as gagaw, meron din kaming powdered
chemical na imported para sa parting line ng moldehan, para
din gagaw o harina, para di magdikit ang cope and drag side ng
molde. Foundry Technology is one of my specialized category in
Metal ang Steel Manufacturing Processes magmula sa
paggawa ng aluminum magwheels and non-ferrous or ferrous
metal machine parts, my line of work is Quality Control in
Metallurgical Laboratory.
Just sharings and nice to see you in Usap-Payti.
Congratulations and best wishes to your Artistic Profession. Smile
tony dalagan
fairfax, VA
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
lamberto
Guest





PostPosted: Thu Feb 14, 2008 5:12 am    Post subject: ten 10 Reply with quote

Surprised hi ten 10. kumusta rin, it's a long long time. tandang tanda ko pa yon sa proj 7 sa tanguile, nakaka-miss, inumang walang humpay, kumusta na rin dyan sa lahat, kila jaws at atik, liza, tang ar marami pa. dito ako sa davao pirmi, meron akong comm. service dito sa eden toril, nagtuturo ako dito ng art for free and nakaka-produce na rin kami ng ilang crafts, para rin itong payti, magkakakilala ang mga tao, maliit lang pati ang community, nagtayo rin ako ng eden art center, isang lugar dito sa eden nature park, meyo mataas ang lugar, 3000ft above sea level, kaya maganda ang view, kita ang buong davao and davao gulf.
pano, hanggan sa muli, "speechless" saka ditto
Back to top
lamberto
Guest





PostPosted: Thu Feb 14, 2008 5:38 am    Post subject: usapang epoxy Reply with quote

hi Tony Dalagan, namumukhaan nga kita, isa ka sa madalas magmerienda don sa amin sa maytoong, naaalala ko tuloy lalo pag ganitong malapit na ang mahal na araw, kung saan saan kami naghahatid ng bila-bilaong puto at pasingaw, kaya naman siguro naging epoxy ang aking medium sa art kasi related din yong principles ng kakanin sa epoxy, mano-mano lang ang paggawa ko, kamay lang at ilang tulong ng tools, tulad ng ballpen, bamboo knife at mga bagay-bagay na pwedeng itatak, pag-nagmumukha ako sa epoxy e isang bagsak, pag medyo malapit ng tumigas saka ko na ipoporma..
pareho pala tayo ng nasumpungan..

salamat sa iyo at nawa ay humaba pa ang ating pagpapalitan ng kuro-kuro, MABUHAY KA!
Back to top
lamberto
Guest





PostPosted: Thu Feb 14, 2008 6:41 am    Post subject: hi josie and ray Reply with quote

buti na lang me usap paete at kahit papano ay nagkakamustahan tayo, matagal tagal na rin, pero parang kaylan lang ano, salamat nga pala sa iyong magandang pagbati at sana ay palagi kayong ayos diyan.
salamat muli at hanggang sa muling pagkumusta. chow
Back to top
ten-ten
Guest





PostPosted: Thu Feb 14, 2008 10:59 pm    Post subject: ako uli!!! Reply with quote

mabuti naman at di mo pa rin kami nalilimutan dito at ang Proj.7...well,sad to say na wala na si Atik+ Crying or Very sad noon pang July 2002,na-stroke sya at na comatose at nagtuluy-tuloy na syang di magising.

nagkaron s'ya ng 2 anak,parehong girls at ang eldest ay graduating sa high school,yung bunso e paaral namin ni Benny(o kilala mo pa ba?)sa St. Theresas College at nasa first year high school naman....dito namin kasama sa bahay ang mag-iina ni Atik+ at nagwo-work pa yung asawa nya.

anyway,sana naman ay maging active ka na ngayon dito sa USAP kahit na paminsan-minsan at kung di ka busy para naman magbalitaan tayo....sana din one of these days e makarating kami dyan sa lugar mo....hayaan mo at ipaplano namin ni Benny ang next trip namin,kase this month e nanggaling kami ng Boracay at nag-enjoy sya,kase first time nyang magtravel dito sa Pinas.

paalis na uli sya this coming Thursday,Feb.21 kaya magbibilang na naman ako ng 9 months bago kami uli magkita....nakakalungkot pero kailangang magsakripisyo...o sya at maraming salamat sa panahon mo...ingat ka lagi & God bless...miss you.

ten-ten Wink
Back to top
JoelCadang
Guest





PostPosted: Fri Feb 15, 2008 9:29 am    Post subject: congrats! Reply with quote

Very Happy thebO, kumusta na? maigi na lang at may ganitong Paetenians int'l. kung hindi ay di ko man lang nalamang
hi tek kana pala talaga, bilib na talaga ako sa iyu! kaya lang ay matagal mo din akong pinag isip kung sinung Lamberto, ikaw pala!ayus,(ang cute pala ng tunay na pangalan mo) pero ang galing mo talaga! REGARDS n' GOD BLESS!
joel c. Wink
Back to top
lamberto
Guest





PostPosted: Sun Feb 17, 2008 6:08 am    Post subject: ten-ten Reply with quote

hi ten ren, after 25 yrs. tagal na pala talaga ano, pati yung nangyari kay atik di ko man lamang nabalitaan Sad Crying or Very sad Sad .,
si benny nga pala? nakasalamin pa rin, marami rin akong natutunan don ke benny, para ko na ring kuya yon, pinapayuhan ako nun, mga ala-ala ng bangkusay kay sarap isipin, mga batang punung-puno ng pangarap,kumusta na kaya sila louis, uman, ebock,patrick, aldin,phillip,cesar,el,kong,picio, at marami sa don sa bangkusay, kumusta uli.
palagi sana tayong magkabalitaan, dito na rin sa usap paete,.

sa muli at nawa ay ayos kang palagi
Back to top
lamberto
Guest





PostPosted: Sun Feb 17, 2008 6:23 am    Post subject: salamat joel Reply with quote

Laughing Laughing Laughing di mo pala alam tunay kong pangalan, kakatawa ano? nung bata pa ako e ayaw na ayaw ko sa pangalan ko na lamberto, yun pala don din ako papatak, turo kasi yun sa akin ni atty alcantara ng heritage gallery, ipinasulat nya sa akin ang buong-buo ko na pangalan, saka nya pinili ang nararapat na pangalan na babagay sa artwork ko, parang picasso, ang buo nyang pangalan ay pablo picasso ruiz, apelyido ng nanay nya ang ginamit nyang pirma.
ang ibig nga palang sabihin ng lamberto ay "brightness of the country".
pano tol hanggan sa muli

at salamat sa iyong makangiti-ngiting bungad pambati
TAGAY! KAMPAY!
Back to top
nam myoho renge kyo
Guest





PostPosted: Sun Mar 23, 2008 5:09 am    Post subject: tebo Reply with quote

astig! galing! Wink
Back to top
lamberto
Guest





PostPosted: Mon Mar 24, 2008 8:11 am    Post subject: pasasalamat Reply with quote

salamat sa iyo Nam myoho renge kyo sa papuri.
ang ganda pati pangalan mo.?....


pagpalain ka nawa ng Maykapal
Back to top
lamberto
Guest





PostPosted: Wed Mar 26, 2008 8:08 am    Post subject: artist? Reply with quote

ito ay isang maikling kwento tungkol sa aking pakikibaka sa larangan ng sining.
ito ang palagi kong tanong sa aking sarili, ako ba ay artist?
ano ba ang klasipikasyon para tawagin kang artist?
at para tuklasin, samahan ninyo ako sa aking paglalakbay.

3 pirasong damit, 2 pantalon at isang sumbrero ang tanging laman ng aking backpack. 20 pirasong pera na tig-iisang daan ang laman ng aking bulsa, sapatos na gawang englatera at isang kahang sigarilyo, sapat na para maglakbay sa kawalaan baon din ang sapat na kaalaman mula sa aking pinagmulan, ang Paete.
Maynila, 2 araw na palipat-lipat sa lugar ng mga kaibigan hanggang sa maubos ang pera, ang huli kong binili? sipilyo. hindi nakatiis, lumapit sa kapatid na si luis para humingi ng pera, 3,000. ibinili ko ng ticket sa eroplano papuntang davao. pagdating sa davao ay dumiretso ako sa talicud island para bisitahin ang isa pang kaibigan, at doon muna ako tumigil ng 1 linggo. doon gumawa ako ng konting pagkakakitaan para sa pangkain at iba pang pangangailangan, at ng makumpletong muli,nilisan ko ang talicud, ibinigay ko ang 2 paintings na nagawa ko sa aking kaibigan bilang pasasalamat at sa tuwa nya ay pinabaunan nya ako ng konting halaga para sa panibagong paglalakbay, ang tuklasin ang iba pang katutubong pilipino mula sa kabundukan ng bukidnon. 3araw at 2gabi bago ko narating lugar ng mga katutubo. sa unang araw na aking pagdating ay hindi muna nila ako tinanggap, kailangan pang ipaalam sa namumuno. kinabukasan, isang pag-uusap ang naganap mula sa mga nakakataas, mag-aalas 12 ng tanghali, isang masayang pagtanggap ang aking naranasan, bagamat di ko alam ang kanilang salita, 4 sa katutubo ang nakakaintindi ng tagalog kaya t di rin ako masyadong nahirapang makipag-usap, matapos kong tumigil at pag-aralan ang kanilang kultura at pamumuhay muli akong bumalik sa davao para ipresenta ang isang proposal tungkol sa mga katutubong bagobo. at sa pagkakataon din yon, nagbunga ang aking paghihirap. unang proyekto, rebulto ng isang datu na bagobo, maganda ang naging resulta kaya nasundan pa ng isa at ng isa pa at ng isa pa hanggang sa ako ay kunin nila bilang isang resident artist ng eden nature park.


at sa aking palagay, mula sa bibig na rin ng nakararami, isa na nga akong ganap na alagad ng sining.
Back to top
jimmy
Guest





PostPosted: Wed Apr 02, 2008 1:50 am    Post subject: ka obet Reply with quote

ano ung ibig mong sabihin sa conceptual art???
Back to top
ten m. bagabaldo
Guest





PostPosted: Wed Apr 02, 2008 9:52 am    Post subject: Kumusta ka na uli? Reply with quote

Wink Kumusta na uli Obet?...para sa amin e ikaw ay talagang isang "GANAP" na "Alagad ng Sining"...sana ay one of these days ay makita namin ang iyong mga "work of art".

Mabuhay ka Obet at mag-iingat ka lagi kahit saan ka magpunta at mapadpad....sana ay magkarooon tayo ng "reunion" someday nina louis,ebock,titat,el at iba pa....it's nice to remeber those good old days Wink

Please keep in touch...nandito nga pala si louis ngayon...ingat ka lagi dyan.

ten Very Happy
Back to top
dpmadrinan



Joined: 10 Aug 2007
Posts: 332
Location: Glendale,CA

PostPosted: Wed Apr 02, 2008 11:50 am    Post subject: Musta na Obet Reply with quote

Hi Obet,
Nabasa ko dito sa usap ang pakikibaka mo sa Davao at naging isang mahusay na alagad ng sining. Nanlala ko Lan nun Barkada nyo nina Butchdi b kumpare mo sya. Ang sya ng smahan nyo non nina Louis, Philip mga Bangkusay boys. Ngayon me sarisarili na kayong kalagayn sa buhay, mga katagumpayan sa buhay na alm kong narating nyo dahil sa inyong angking mga kakayahan. Kaya sa inyong lahat ang aking pagbati at sana'y marami pang karangalan ang inyong makamit para lalong maipagmalaki ng ating bayan ang Paete. Mabuhay kayong lahat, regards to all and God bless.

Mam Daisy Madrinan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Obet
Guest





PostPosted: Wed Apr 02, 2008 10:24 pm    Post subject: Kumustahang Bangkusay Reply with quote

Mommy ni Butch

Mam Daisy-Kumusta na po, andyan na pala kayo sa America, sa palagay ko e lalo kayong gumaganda diyan, madalas po ang aming kumustahan ni Butch, madalas yon sa Boracay. salamat po sa papuri at SALAMAT din sa mga magagandang payo nyo sa amin noong aming kabataan bagamat yong iba ay di ko natupad, ganon pa man ay kagalak-galak na muli po tayong nagkakumustahan.
Marami pong salamat muli.



Ten-ten Very Happy

Very Happy Kumusta ring muli dyan, Jaws Kumusta na! wala akong contact ke Aldin at Ebock ganon din sa iba,.. ganon pa man kumustang muli.
Salamat Ten sa nakakalugod na pagbati, hayaan mo at magkakaroon ka rin ng artwork mula sa akin,. sarap din siguro na magkakitakita tayong muli doon sa bangkusay, katakut-takot na istoryahan siguro ang mangyayari, ang alam ko ay palaging si toto Phillip ang present, nakaka-miss ang ating samahan.

Tungkol naman dito sa akin ay tuloy-tuloy na ako sa ganitong larangan, wala nang dahilan pa para umatras, ito lang ang kaya kong gawin at ipamana, dito ko rin nabibigyan ng karangalan si ama at si ina, nagkawatak watak man kami ng aking pamilya e wala na akong ibang paraan pa kundi ang magpatuloy, sa sining ko lang kayang ipagtanggol ang aking sarili, na kung saan na ang lahat ng kulay ay iisa, marami pa akong gustong tuklasin dito sa ating kasaysayan iba sa barong tagalog at saya, kultura na ibang-iba sa ating kinagisnan, kultura na hindi nagalaw ng mga kastila at amerikano, para akong bumalik sa kasaysayan na kung saan ang mga tao ay makukulay ang kasuotan, mga damit na gawa sa mapipinong hibla ng abaka, punong-puno ng disenyo at adorno, maging ang nagsusuot nito..




Itutuloy...
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Paete - Carving Capital Forum All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3  Next
Page 1 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group