PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

"Balikat"
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
DT/Diegong Tabak
Guest





PostPosted: Fri Jan 11, 2008 9:21 pm    Post subject: "Balikat" Reply with quote

“Balikat”

By: Diegong Tabak(2005)

Merong dilag nakatira sa kalye E. Jacinto
Madaming katangian ang babaing ito
Balinkinitan niyang katawan, bai!
‘Di na kailangnang uminom ng tsaang pampatai
Husto sa sukat, taas at kutis maputi
Maganda na ang tipo
Ay may angkin pang talino.
Subalit ang aking pinaka paborito
Ay ang hubog ng “Balikat” nito
Salamat sa off shoulder, halter, strapless at spaghetti,
Mga modang pambabae, isuot mo hani
Ng masilayan ang katawang parti
Na inukit ni Amang Tonio
Hubog na binanhay at binantso
Inas-is at pinakinis ng husto
“Cagandahan” nga ito walang duda
Lahing nanalaytay sa laman at dugo
Maputing leeg na walang gatil , Oh! Balikat sa iyo’y nakasalalay
At sa ibaba naman ay kilikiling walang hima
Malasutlang buhok at maamong mata
Mukhang mala santa at “Tulong Balete” makikita sa kanyang noo
Balik muli sa balikat, itaas ng wangkata at siko
Karugtong ng mahabang braso
Maliit na baywang, pusod at buto
Bai! Dapat na akong tumigil
At baka lumapat sa mukha ko’y kamao
Kung hindi galling sa kanya ay kay Ronnie po-e
Hay! Hinagpis ng mga tukiki at naunsyaming mga barako
‘Di man lang nakaligaw, nakapagsabi at nakahingi ng “OO”
Ang masaklap dahil ika’y nadakwit ng isang Ilokano
Kaya mapalad na kabiyak, huwag namang dampian ng bigote
At mintris alagaan, kaulayaw na balabal ang iyong swerte
Mahalin at pahiran ng lotion gabi-gabe
Sana, lagi mong ilabas ang aking samo
Dulot na kaligayahan ay ipagkait
Sa mga tagahanga at katoto
Tama na ito para magpiesta ang bayang sinilangan ko
Babaing may balikat ng diyosa
Mananatili kang crush ng bayan at tinitingala ng mga Paeteno…


Sana’y tanggapin mga papuring ito, ‘wag masamain at bagkus patabain iyong puso. Balikat mabuhay ka.

This poem was commissioned by Kablag during the 2005 California Paetenian Summit. Her physical beauty cannot be compared to what she has above and below her shoulder which is her brain and her heart. We salute her intelligence and her heart of gold.
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Mon Jan 14, 2008 2:51 am    Post subject: I do Agree!!! Reply with quote

For a closer look.

Pls. visit youtube and/watch? v=cz9UJjfleF0
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Mon Jan 14, 2008 1:53 pm    Post subject: Eto ang "Balikat" Reply with quote

Naka post ito dun sa mga pictures ng ukay ukay festival...nice tatoo...katoto

Ang tulang hinabi ng pagkatagal tagal
Sa wakas, eto na at itinanghal
Naumpisahan ng 2005 summit naming mahal
Ngayon lang natapos, salamat Diego, kahit matagal

hahhahaakablag!



_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Jan 14, 2008 7:46 pm    Post subject: Reply with quote

DT,

Bali ka...ngayon ko lang nabasa itong tula mo!!! 2005 pa pala ito? Naririnig ko ng yung mga biruan about balikat pero itong buong tula mo ay ngayon ko lang nabasa. Kung nakakatangos ng ilong ang mga papuri mo ay siguradong "Ilong" ang magiging title ng tula mo at hindi "Balikat" Embarassed

Maraming salamat..hamo't ipapadala ko kay Ronnie para tandaan niya yung bilin mo...para palaging mag ahit! Sa totoo lang ay talagang makati ang bigote.... Laughing Laughing Laughing
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Jan 14, 2008 7:55 pm    Post subject: Re: Eto ang "Balikat" Reply with quote

dadaludy wrote:
Naka post ito dun sa mga pictures ng ukay ukay festival...nice tatoo...katoto

Ang tulang hinabi ng pagkatagal tagal
Sa wakas, eto na at itinanghal
Naumpisahan ng 2005 summit naming mahal
Ngayon lang natapos, salamat Diego, kahit matagal

hahhahaakablag!




daluds,
so noon palang 2005 inumpisahan yung tula ni DT at ngayon lang talaga natapos...? WOW, more than 2 years in the making pala yung "Balikat"....touched naman ako! Laughing Laughing Laughing

kailangan pala ay hindi ako magpataba, otherwise, baka pag nagkita kami at tumaba ako ay "Pata" na ang gawing tula ni DT sa akin Laughing Laughing Laughing
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Floukay
Guest





PostPosted: Tue Jan 15, 2008 8:29 am    Post subject: H.D. Reply with quote

Bai, Diego, hanggang ngayun pala ay may H.D. ka pa rin?!
Back to top
Floukay ulit
Guest





PostPosted: Wed Jan 16, 2008 10:53 am    Post subject: H.D. ulit Reply with quote

Ano raw ang HD tanong ni Cagandahan,Saida?

Hi, Diego
Help! Dali!
Hugutin ang Daglat.
Hindima Dugtungan.
Halinang Dumotdot.
Hulaan Dito.
Hugas na Dangal.
Hopelessly Devoted.
Huh...Damn...

Hikbi ng Dalaga
Hush Doggies
Hazardous detail
Hinagap na Damdamin
Hanapin ang Dugtong
Halinhinang Dagundong
Hibang sa Dibdib??

Hello,Dear
Homeward Down
Halimuyak ng Dilag
High Dynamite
Hagibis na Dalbog
Handang Dumakma?
Hoy, Diego
Hahaha,Daplag!
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jan 16, 2008 8:46 pm    Post subject: Reply with quote

ah, alam ko na.....

Handsome Diegongtabak!!! Laughing Laughing Laughing
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Thu Jan 17, 2008 2:49 pm    Post subject: Re: H.D. ulit Reply with quote

ay mali nagkadoble...see below...sorry po
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."


Last edited by Ludy on Thu Jan 17, 2008 2:53 pm; edited 2 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Thu Jan 17, 2008 2:52 pm    Post subject: Re: H.D. ulit Reply with quote

Bwuahahaha...ang tagal kong iniisip kung ano yung HD...high definition bwuahahahaha...lahat ng ito ay tama sa category ng "high definition" bwuahahaha...itatanong ko na sana sa iyo, naunahan ako ni Saida, hagalpak ako dito sa lahat ng "high definition" mo...

"We are sisters forever" yan naman ang kanta ko dedicated to Floukay, Saida, Nemie, Sheba, Ellie, Nenette, Benny hahahaha...sister version... tawa kami ng tawa ni nemie dun sa contestant sa american idol na pinoy, reynaldo lapuz...kinantahan si simon ng "we are brothers forever." Andun sa youtube.com...look under his name bwuahahahakablag!
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Thu Jan 17, 2008 10:40 pm    Post subject: Hala Bira! Reply with quote

Aba si Daluds hindi na makatula
Sa banat ni Diego ikaw ay natulala
Ito namang si Floukay biglang bumulaga
HDng binanatan anong mayroon kaya?

Balikat ni Saida'y sadyang mapang-akit
Kaya nahalina anak ng maglalalik
Pangarap sa gabi kasama ng kanyang hilik
Itong si Marujang kanyang laging sinasabik! Sad

Tayo'y magkakapatid itong handog na awit
Kahit mga pusod natin ni hindi nagkadikit
Ang nagkatugma mga pangang ngawit
Sa mga patawang tiyan ang sumasakit!

Inaasahan kong ito Diego'y may kasunod
Hala dalian mo dito na ay ipaanod
Sheba at Ellie d'yan 'wag basta kayo'y manood
Si Nenette may dahilan, siya'y laging pagod Laughing

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Dt
Guest





PostPosted: Fri Jan 18, 2008 12:40 am    Post subject: Bangungut sa tatooan Reply with quote

Bangungut sa tatooan

Akoy binangungut nuong isang gabi
Mukha ni balikat nagkakangngingiwit bai!@
Habang balat niya ay tinutusok ng matutulis na karayum
Bawat turok ay aking ramdam na ramdam

Pagkatapos naman pala ay kay inam pagmasdan
Pulang rosas sa balikat ay kay ganda
Mga tinik wala naman baga?
Kundi mabangong halimuyak sana

Tutoo baga itong iyong tattoo katoto?
Saan naman kaya ang kay Foloukay sa totoo?
Back to top
Dt
Guest





PostPosted: Fri Jan 18, 2008 12:45 am    Post subject: Re: H.D. ulit Reply with quote

Palagay ko ay mayruon pang ibig-sabihin ito
Pang "R" or "X" rated baga, pero
itawag mo nalan flouk sa telepono
at baka tayo'y makandado.
H.D. ito

Floukay ulit wrote:
Ano raw ang HD tanong ni Cagandahan,Saida?

Hi, Diego
Help! Dali!
Hugutin ang Daglat.
Hindima Dugtungan.
Halinang Dumotdot.
Hulaan Dito.
Hugas na Dangal.
Hopelessly Devoted.
Huh...Damn...

Hikbi ng Dalaga
Hush Doggies
Hazardous detail
Hinagap na Damdamin
Hanapin ang Dugtong
Halinhinang Dagundong
Hibang sa Dibdib??

Hello,Dear
Homeward Down
Halimuyak ng Dilag
High Dynamite
Hagibis na Dalbog
Handang Dumakma?
Hoy, Diego
Hahaha,Daplag!
Back to top
africa7777



Joined: 01 Aug 2005
Posts: 10
Location: Edwin Africano

PostPosted: Sun Jan 20, 2008 1:12 am    Post subject: Pakpak Reply with quote

Aba at lumabas mga may PAKPAK na sirena
‘Di na kailangang manilip pa
Si Folouk, Dada, Tisay at Zai-da
Donde Insan Elisie and Ted, Apo ni Mariang Brusio at Benita?

Maigi pa si Batang Patio na pasulpot sulpot kahit na naglaho
Si Antonio D., Si Ka Opel aka Gabriela Silang at Santa Glo
Maigi na lang at si Ver N.at Bulangugo ay mga active pa
Sa walang kasing tamis na ngiti ni Alimpuyo, nada!

Mga turo ni maam amor at si Juan Batute asan ka na?
Medyo na-miss ko na ating larong tumbang piriso
Taguan sa gabing bilog ang buwan at patintero
Nabisi da naman ah sa gulong ng buhay at TFC

Salamat salamat sa mga kaulayaw na mga katoto
Kahit baga sa balikat ni Cagandahan tayo nagpiyesta
Sport at may sense of humor itong future Meyor ng Paete
"Mother Theresa" I mean Mother Zaida tawag sa kanya
_________________
taga ermita sa e.jacinto
aka dt / d. tabak/
diegong tabak
Back to top
View user's profile Send private message
africa7777



Joined: 01 Aug 2005
Posts: 10
Location: Edwin Africano

PostPosted: Sun Jan 20, 2008 1:28 am    Post subject: Future Meyor ng Paete Reply with quote

May gusto pa nga pala akong idagdag
Kapareho ni Bunsong Sheeba daplag
Si Balikat ay may "Guts" at "Courage" ito
Walang takot sa paninindigan at prinsipyo
Napakasipag pa sa kawang gawa at proyekto
Kaya ngayon paman ay mangampanya na tayo
Sanay may Political ambition/aspirations siya
Maglingkod sa Bayan ay wala akong Duda
Peqmnhs20dollarsclub, Ukay-ukay Fest atbpa...

God Bless You Meyor Zaida Cagandahan Dulay
_________________
taga ermita sa e.jacinto
aka dt / d. tabak/
diegong tabak
Back to top
View user's profile Send private message
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sun Jan 20, 2008 7:23 am    Post subject: D.T. Reply with quote

Humaba na ang thread mo Diegong tabak,
Mabait na bayaw ng aking kamag-anak,
Pati tulaan ay magsimulang manganak
Mga tula natin ay muling magnak-nak.

Hala na mga KABLAGGERS, bangon muli,
Ating katuwaan kahit panandali,
Ala-ala ni BATANG PATIO, nawa'y manatili,
Lagi nating isama sa ating pagdidili-dili.



Kumusta na mga KABLAGGERS ng Summit 2005,
Room 319!
Regards,
benynot Very Happy

Diegong Tabak....GO GO CHARGERS! and see you in
super bowl...si Meshang ay sa NY Giants naman.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Sun Jan 20, 2008 9:28 am    Post subject: Re: H.D. Reply with quote

Floukay wrote:
Bai, Diego, hanggang ngayun pala ay may H.D. ka pa rin?!



KABLAG AKO AT daplag ng kita'y kausapin
Salamat sa paala-alang ito'y sa akin nanggaling
HDng mahiwaga mga katoto'y ako ang tanungin
Sagot ko sa inyo'y katotohanang tataginting!



Bwahahaha...Daluds give me a call, I'm telling you...I'm not going!!! I'm not leaving without you! bwahahahaha!

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Guest
Guest





PostPosted: Tue Jan 22, 2008 1:08 pm    Post subject: Kumusta at Salamat? Reply with quote

Bai, "Balikat", "Hita" , "Dila"..., Ano naman po kaya ang susunod Diegong Tabak? "Pata?"

Salamat sa iligayang dulot nitong inyong tulaan, usloan, utuan at iba pa...

Kasarap ninyong pakinggan sa inyong tawanan!
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Wed Jan 23, 2008 8:35 pm    Post subject: Ha Do Reply with quote

Ha Do...yan ang binyag ko
Sa HD ninyo, may naisip ako
Mag pyesta sa tubig na may hado
Mananatiling bata, at hindi madedehado!

Kaya katoto, ako'y inyong pakinggan
Sa bago kong raket, kayo'y makikinabang
Hintayin nyo ang email, lagi nyong abangan
Para HD ay malaman, ng hindi kayo malamangan!

Hahaha
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Thu Jan 24, 2008 10:32 am    Post subject: Balikat at HD Reply with quote

Dada Ludy, ako'y naintriga
Anong bagong raket, meron ka baga?
Alam kong ang puso'y masayang-masaya
Ibinulong ng hangin, me hagikhik pa! Laughing

Ang HD nga nama'y mapakakahulugan
Ng dalawang salitang sa H at D sisimulan
Maraming nabuo, basta me makatuwaan
Bagaman rated X ang tunay nitong laman.

Pero DT, tama ka sa tinuran
Balikat ni Saida, walang taba man lang
Di kaparis ng balikat ko, na siyang hugpungan
Ng akala mo hita pero braso po lamang! Mad
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Thu Jan 24, 2008 10:14 pm    Post subject: Re: Balikat at HD Reply with quote

Beny, aking anak-anakan...iyong antabayanan
Tubig kong iniinom, sekreto ng kabuhayan
Mag email ka sa akin, at iyong antabayanan
Sagot sa tanong mo, at iyong pag-aralan.

Gawa sa Amerika, Britain at Taiwan
Pinagsama samang mga kaalaman
Gusto kong ibahagi, ang aking natuklasan
Dahil ako'y di madamot, basta't para sa kinabukasan.

Maganda sa kalusugan, bulsa mo din ay magkakalaman
Sipag, kadunungan at kwarenta dolyares, ang iyong puhunan
Kaya dali, email mo'y aking aabangan
Para itong aking website, ipadala sa iyo ng madalian.
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Fri Jan 25, 2008 3:40 am    Post subject: Re: Future Meyor ng Paete Reply with quote

africa7777 wrote:
May gusto pa nga pala akong idagdag
Kapareho ni Bunsong Sheeba daplag
Si Balikat ay may "Guts" at "Courage" ito
Walang takot sa paninindigan at prinsipyo
Napakasipag pa sa kawang gawa at proyekto
Kaya ngayon paman ay mangampanya na tayo
Sanay may Political ambition/aspirations siya
Maglingkod sa Bayan ay wala akong Duda
Peqmnhs20dollarsclub, Ukay-ukay Fest atbpa...

God Bless You Meyor Zaida Cagandahan Dulay



Marami nang nag ulok na ako ay tumakbo
Pero talagang yang pulitika wala sa isip ko
Meron din namang taong tapat kung magpayo
Pag ako daw ay nagpauto byuti ko ay gugupo Sad


Pag galit sa tao payuhan mong kumandidato
Pag ito ay nauto mo nakaganti ka na dito
Pero kaysa guluhin ko ang aking balahibo
Mag uukay na lang ako at tattoong limang piso Smile


Salamat DT sa iyong mga papuri
Sa iyong tinuran ako’y napangiti
Kahulugan ng HD di ko man mawari
Sa aking kaisipan ito ay di iwawaksi Question


Maraming ring binaybay itong si Pulukay
Pagtapos ay sinabing itanong ko kay Tisay
Itong si Dada Ludy panay ang hagalpak
Sa bago nyang raket mukhang siya’y tumipak Wink


Si Bentot lumitaw braso niya’y hita na daw
Malamang ay hiyang lang kay Toning hinihirang
Miss na miss ka na namin sa aming mga gimik
Sa mansion ni Pulukay doon kami nagsisiksik Razz


Mabalik nga ulit tayo sa balikat na tinuran
Di ko talaga mawari bakit napagdiskitahan
Ipinadala kay Ronnie-po para mabasa ito
Upang matalas na bigote sana’y ahitin nito Rolling Eyes


Isang ngiti lamang ang kanyang itinugon
Pero sa sobrang galak gusto ring tumalon
Sa edad ko raw ito na nasa tanghaling tapat
Sa mga taong nabulag dapat daw magpasalamat Cool


Hayaan mo DT at aking pakaiingatan
Itong aking balikat na iyong napag initan
Lahat ng iyong payo ay aking susundin
Sa muling pagkikita pangako’y ganito pa rin Very Happy


Itong aking tula nais na sanang wakasan
Pero di ko malaman kung paano tutuldukan
Taos pusong pasasalamat ang aking iiwan
Ang $20 ko ay wag mo sanang kalilimutan Laughing Laughing Laughing

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
DT/Diegong Tabak
Guest





PostPosted: Sun Jan 27, 2008 3:46 am    Post subject: Reply with quote

tumawag nga sa akin dis-oras ng gabi si angelica (panganiban) baga
pangakong napako sa akin ay ipina-alala
dalawang taong supporta gawin ko daw na lima

dahil dito sa tula mo at balikat na may rosas na pula
hindi na kailangnang pag-isipan pa
hamo't sa lalong madaling panahon $ ipadadala

maigi pa nga itong si antonio laging nandiyan si benita
ang babaing may classic na beauty, masarap magluto ay sino ba?
bakit yata may reklamo sa mapuputing braso n'ya

may nakadiskubre ng fountain of youth, ito si dada
tubig na pag-ininom daw, ika'y magiging superman at darna
sabi ko naman; i'm in pero magkano? at subukan mo muna

si foloukay na may ngiti at tinging mala mona lisa
hindi mo arok ibig sabihin at sa kanyang tingin ika'y makuha
mataas na utak at malalim na pag-iisip meron s'ya

at si tisay na sa payti ay may pinakamaputing legs na hita
siya ay ipinanganak na galak at parating masaya
tawagan mo siya pag gusto mong humagikhik at tumawa
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Jan 30, 2008 11:17 pm    Post subject: Reply with quote

DT/Diegong Tabak wrote:
tumawag nga sa akin dis-oras ng gabi si angelica (panganiban) baga
pangakong napako sa akin ay ipina-alala
dalawang taong supporta gawin ko daw na lima


Maraming salamat kay Angelica
Tatlong taong suporta naging lima
Kaibigang DT aking ipinapangako
Ang iyong tulong ay di mapapako

Tenks DT! Very Happy

Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Feb 17, 2008 3:09 am    Post subject: waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh! Reply with quote


bai pagbabasa ko'y naudlot
sa tulaan nga'y makasulpot
muzta sa inyo mga hapyog
miz ko na ang mga kalog!!!

kitakitz na lang sa pinas...ingatz kayo ha! miz u all...mwuaaaaaahhh!


_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group