PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Grand Display of All Imahen (Romano & Aglipay)

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Photo Albums and Videos
View previous topic :: View next topic  
Author Message
fredmc



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 671
Location: Fred Cagayat

PostPosted: Fri Feb 29, 2008 2:05 pm    Post subject: Grand Display of All Imahen (Romano & Aglipay) Reply with quote

GRAND DISPLAY OF ALL IMAHEN

With Holy Week coming up, perhaps you might want to see pictures taken of almost all the religious statues on display during the Balik Paete - December 28, 2004.

For the first time in the history of Paete, all the statues (Catholic & Aglipay) were gathered and displayed. (Please refer below for the writeup from the Paete Memorabilia 2004, pp. 386-387). The script read during the presentation of each statue will be posted next
.

Here is the link to view the photo album:

http://share.shutterfly.com/ac.....XLlw3cM2ao

=========

Write-up taken from the Paete Memorabilia :

DAY 3 - DECEMBER 28, 2004

GRAND DISPLAY NG MGA IMAHEN AT SALUBONG

Sa kaunaunahang pagkakataon, ang mga imahen sa bayan ng Paete, Aglipay at Romano, ay inilabas at tinipon sa A. Roces Street hanggang sa Paete Elementary School (Central). Ito ay isinagawa upang bigyan ng pagkakataon ang mga panauhin at mamamayan na mamasdan ng malapitan ang mga imahen at masaksihan ang isang maikling prusisyon at Salubong. Ang nanguna sa lupon na namahala sa pagtitipong ito ng mga imahen ay si Kon. Rolly Paraiso.

Mga bandang 6:00 p.m. ay sinimulan ang isang maikling palatuntunan sa Plaza, at isa-isang pinaraan ang mga imahen. Habang dumarating ang mga imahen, ay may binasang mga talata tungkol sa imahen, gayon rin naman ang tinipong mga tala kung sino ang umukit ng imahen at anong taon, gayon rin ang umukit ng andas. Binanggit rin ang mga nagmamay-ari at mga kasalukuyang namamahala. Ang ibang imahen ay may dalawang mukha. Ang isa ay malumbay ang mukha at siyang ginagamit sa prusisyon sa Biernes Santo. Ang gumawa ng “script” ay si Mario M. Balan. Matapos nasaksihan ang lahat ng imahen, ay isinagawa ang “Salubong” na karaniwan ay ginagawa sa Miyerkoles Santo at Huebes Santo sa Mahal na araw.

Ang salubong ay ang may tatlong tagpo:

1) Ang una ay ang Hesus Nazareno na may pasang Krus at ang Birheng Maria na may panyong dala. Sa pamamagitan ng mekanismo, ay papahiran ng birhen ang mukha ni Hesus. Habang ginagawa ito ay binigyang buhay ito ng mga nagsasalita na gumaganap ng Papel ni Hesus, Birheng Maria, Pregunero, at Tagasalaysay (Rector).
2) Ang pangalawang tagpo ay ang pagsasalubong ni Hesus Nazareno at ni Santa Veronica, at ang pagpupunas sa mukha ni Hesus. Binigyang buhay itong muli ng mga gumaganap na karakter ni Hesus Nazareno at ni Santa Veronica at Rector.
3) Ang pangatlong tagpo ay ang pagkikita ng Mahal na Birhen at ni Santa Veronica. Ang panghuling aksiyon ay ang pagbubukas ng panyo ni Santa Veronica upang ipakita ang tatlong larawan ni Hesus na natitik sa kanyang panyong ipinunas.

Ang mga imahen na sumali sa “Exhibit” at prusisyon ay ang mga sumusunod. Ang mga ibang imahen ay minsan ay dalawa – isa ay sa Katoliko at ang isa ay sa Aglipay. May tinawag rin minsan na Matanda, at Bata, ayon marahil sa taon na inukit ang mga imahen.

1.San Pedro Apostol.
2.San Juan Evangelista
3.San Felipe
4. San Bartolome
5. Santo Tomas
6. San Mateo
7. San Santiago
8. San Hudas Tadeo
9. San Simon
10. San Lazaro
11. Santa Marta
12. Santa Maria Magdalena
13. Santa Maria Jacobe
14. Santa Maria Salome
15. Saznta Maria Cleofe
16. Santa Veronica
17. Mater Dolorosa
18. Ang Pagtukso kay Hesus Habang Nanalangin sa Ilang.


MGA IMAHEN NA KASAMA SA PRUSISYON

19. Si Hesus at ang Babaeng Samaritana
20. Si Hesus Binubuhusan ng Pabango ni Maria Magdalena
21. Ang Pagbabagong Anyo ni Hesus
22. Ang Matagumpay na Pagpasok ni Hesus sa Herusalem
23. Ang Pagpapaalaman
24. Hinuhugasan ni Hesus ng Paa ang mga alagad.
25. Ang Pananalangin sa Halaman ng Getsemani
26. Nalunusan si Hesus
27. Pagkakanulo ni Hudas Iscariote sa Panginoon
28. Si Hesus ay Itinatwa ni Pedro
29. Pagdadamit ng Puti
30. Paghampas kay Hesus na Nakatali sa Haliging Bato
31. Ang Paglibak kay Hesus
32. Señor de la Pacencia
33. Ecce Homo
34. Pagharap kay Poncio Pilato
35. Hesus Nazareno
36. Unang Pagkadapa ni Hesus
37. Si Hesus at ang mga Babaeng taga Herusalem.
38. Ikatlong Pagkadapa ni Hesus
39. Pagpapako kay Hesus sa Krus
40. Kalbaryo ni Hesus
41. Ang Pagbababa sa Krus ng Bangkay ni Hesus
42. La Pieta: Dalamhati ng Mahal na Birheng Maria
43. Mahal na Senor Sepulcro
44. Ang Huling Pagkabuhay
45. Mahal na Birhen ng Alegria
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Photo Albums and Videos All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group