PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

NEW ART: Epoxy Art Sculpture
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Paete - Carving Capital Forum
View previous topic :: View next topic  
Author Message
harinawa



Joined: 11 Feb 2008
Posts: 36
Location: Eden Davao City

PostPosted: Wed Feb 13, 2008 6:05 am    Post subject: NEW ART: Epoxy Art Sculpture Reply with quote

poems, paintings, photos and sculpture by Lamberto Acyatan
kindly visit:
http://paeteneo.multiply.com
www.my.opera.com/lamberto


Last edited by harinawa on Wed Apr 01, 2009 5:24 pm; edited 2 times in total
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
lamberto
Guest





PostPosted: Sun Feb 17, 2008 7:00 am    Post subject: paete school of arts Reply with quote

sa lahat ng makakabasa: ito'y isang idea lamang na ibig kong iparating sa lahat ng kinauukulan, paumanhin.
bago pa dumating ang mga kastila sa bayan ng paete ay mayroon nang mga mag-uukit, mga lahing pagano na naniniwala sa dambuhalng buwaya na nangingitlog ng gintong-itlog, hanggang sa kalaunan na maging kristiyano, sa loob ng simbahan ay mapapansin ang pigura ng buwaya na sumusalalay sa pangalawang palapag ng kumbento, na pinaunlakan naman ng mga paring kastila na ilagay ito, maaaring isang pagbibigay alaala.
lumalabas na ang mga taga-paete ay daang daang taon nang nagpapatuloy sa pag uukit , kahoy man o ano mang bagay na pwedeng ukitan, magpasa hanggang ngayon, ang tanong ko ay bakit kaya walang paaralan ng sining sa paete? marami na ring nakagawa ng thesis mula sa UP Diliman, at sa paete nila tinutuklas ang kaalaman.
kung hindi pa man kaya na nakatayo ng eskwelahan e kahit isang maliit na workshop for basic art. katagalan e lalaki rin. tulad ng simbahan sa paete na nagsimula sa isang kubong kawayan na ngayon ay may tore na, na syang sumasaksi sa bawat galaw ng bayan.
aking mga kababayan, maari ba natin itong pag-usapan.
simulan natin kahit sa usap-usapan, dito lang sa usap-paete na ikinagagalak kong sabihin "ang pinto ng kinabukasan at ng sarili nating kasaysayan"
Back to top
vernavarro



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 356
Location: Virgilio A. Navarro

PostPosted: Sun Feb 17, 2008 1:05 pm    Post subject: Re: paete school of arts Reply with quote

lamberto wrote:

aking mga kababayan, maari ba natin itong pag-usapan.
simulan natin kahit sa usap-usapan, dito lang sa usap-paete na ikinagagalak kong sabihin "ang pinto ng kinabukasan at ng sarili nating kasaysayan"


Lamberto,

Si VerNavarro,maaring hindi tayo magka-edad o magkakilala,puro akong taga-Paete.
Ang layunin mo sa Paete ay isang magandang kinabukasan sa ating mga kababayan,kabataan at mga darating pang new generation.

Nagagalak akong magbasa ng mga ganitong paksa dito sa Usap Paete .Kung isang katulad mong tubong Paete ay may isang nakinikita sa kinabukasan ng ating mga kababayan.
Ito ay matagal kong hinihintay na mabasa,ang mga paksa ng pag-uusapan na isang balak na makapag-bibigay ng isang proyekto para maging isang Paaralan ng Sining sa Bayan ng Paete.

Ako ay handang sumuporta at mag-paliwanag sa mga kina-uukulan tungkol sa aking karanasan. Sa larangan ng aking Sining na alam at aking kinabubuhay simula ng ako ay umalis diyan sa ating mahal na Bayan ng Paete.Ang naipon kong mga libro at iba pang mga kailangan ay "'I will donate to this project if,anyone will start in the future'",kung sakaling isa man sa atin ang mag-assemble about this Sining ay handa akong tumulong kahit na kaunti lang at kaya kong pangatawanan. And I know that we have a lot things,that the same interest to serve our kababayan to share our knowledge.

Sa ngayon ay nandito ako sa Vancouver,BC.,Canada
I hope someday our dream will come through.
Thank you,
Vernavarro
I hope will meet us,in the future for our dream that will get more power Paete our town.
_________________
Walk a mile or two,its good for your health & your heart,eat proper diet a day our life live longer and be happy always.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
lamberto
Guest





PostPosted: Mon Feb 18, 2008 12:13 am    Post subject: re: Paete School of Arts Reply with quote

VerNavarro,
salamat at marami pang salamat.,
ikinigagalak ko na mabasa rin ang iyong mga mungkahi at pananaw para sa ating inang bayan, napakahalaga nito para sa Paete ganon na rin sa ating mga kababayan. hinog na hinog na ang Paete sa ganitong larangan, pormalidad na lang ang kailangan upang lubos na maintindihan ang importansya ng mga nilikha ng ating mga ninuno na unti-unti ng nalilimutan, ito rin ang gustong mangyari ng yumaong Justino Cagayat Sr. (isa sa ipinagmamalaking eskultor at maestro ng Paete) ang makatatag ng isang eskwelahan ng Sining., mismo sa Paete.
bagamat may kahirapan ngunit kung pagtutulungtulungan makakamit din natin na maitatag ito., marami pa ring magagaling na artists na hindi umalis ng Paete, maaaring ito na ang matagal na nilang hinihintay, at syempre sa pakikipag ugnayan na rin sa mga kinauukulan at mga taga-pamahala.
eskultura, pinta, tula at musika., lahat ng mga ito ay meron tayo,
at sana ay maipag-ibayo pa natin ang mga ito,.
bigyan natin ng magandang kinabukasan ang ating lahi upang ang karangalan ng ating mga ninuno ay manumbalik at palaging nandiyan na nagbibigay inspirasyon hindi lang sa atin kundi ganon na rin sa ating mga kabataan na nangangarap na sumunod sa naiibang kagitingan.
ibibigay ko rin ang buo kong suporta at makakayanan upang makatatag tayo ng isang institusyon.
mas nararapat at gugustuhin ko na ikaw ang siyang maglahad at manguna sa asembliya, hindi pa man tayo magkikita e lubos na agad ang tiwala ko sa iyo.
nawa ay kumalat ang magandang balita na ito para sa Paete at dumami pa ang handang magbigay ng suporta sa panukalang ito.
salamat uli sa iyo at sabay-sabay natin itong pagtutulungan.
sapagkat ito'y lubos na mabuti.

mula sa Lumikha para sa lumilikha
Back to top
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Mon Feb 18, 2008 3:08 am    Post subject: Edukasyong Arts and Crafts sa Payti Reply with quote

Bakit nga baga hindi, kababatang Ver at kamag-anak
na Lamberto?

Nagsimula rin ako sa paguukit noong araw kung bakasyon
at walang gawain sa pagkakaingin namin sa Alutay at Makumbo.
Mula kina Somy Asido ( beer mags-tiki at ifugao), Amang Eco Navarro ( kutsarang tiki at ifugao), Nestor Afurong ( Roses, praying hands at sari-sari..dito ako natutong mag-ukit
na may malalantik na petals of roses) hanggang sa huli kong gawaan, kay Oca Adea, bilang taga-lakad/hatid, sundo ng mga ukitin at tapos na ukit at bilang maglilinis, taga-kolekta ng kukubrahin, nagsimula rin akong matuto sa pag-ukit ng rafia at ganong din ang tamang pag-ukit sa mukha ng tao at kung ano-ano pa. Ngunit dahil sa lakas ng impluwensiya ng edukasyon na naging dahilan ng kasalukuyan kong propesyon, napa-iba ako, kahit nasa dugo at kaisipan ko pa rin ang paguukit.

Noong panahong yun, dahil sa lakas ng gawaan ng paguukit,
tila wala naman sa kinikita o imahinasyon ng taga-payti na darating ang panahong hihina ang woodcarving industry na siyang naging dahilan ng maraming taga-payti na mag-abroad,
baon ang kahusayan sa paguukit at ginamit ang applications of
carvings sa iba-ibang materiales tulad ng epoxy, styrofoam at iba iba pa.

Sa dami ng mahuhusay sa pag-uukit sa atin, ganon din sa
aplikasyon ng iba-ibang materiyales, bakit nga baga hindi? ng
sa ganon ay maipamana natin sa ating bagong henerasyon at mga
darating pang henerasyon ang mas-malawak na kaalamang
relatibo sa paguukit.
Just a thought and idea.
Ka Tony Dalagan
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
rossnav



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 47
Location: Ross Navarro

PostPosted: Mon Feb 18, 2008 10:16 am    Post subject: Paete Cultural Center Reply with quote

Sa pagkaka alam ko ay nasimulan na itong ideang ito at pinatatayo na ang mismong Paete Cultural Center.
----------------------------------------------------------------------------------

I invite you then to join me in this undertaking. MAKE MY DREAM YOUR DREAM- OUR DREAM. Together let us build the CENTER a tribute to our artists, a memorial to our forebears, a showplace of our rich cultural heritage, a training venue for our promising artists and a thanksgiving offering to our LORD for His greater honor and glory. Let the Center be our LEGACY to PAETE
MABUHAY ANG PAETE ! MARAMING SALAMAT PO !

CORNELIO T. AFRICANO


-----------------------------------------------------------------------------------


Heto ang link- http://pcc.paete.org/

regards,
Ross Navarro
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
lamberto
Guest





PostPosted: Wed Feb 20, 2008 6:12 am    Post subject: Paete School of Arts Reply with quote

Paumanhin po,
pero ang idea na inilahad ko po at itinanong ay PAARALAN.
para pong Eastern Laguna Colleges. na may course
tulad po ng B.F.A. Major in Painting
B.F.A. Major in Sculpture
B.F.A. Interior Design
At kung makakatatag ang Paete ng kualidad na edukasyon ng SINING, ay maaari itong dayuhin, hindi lang ng turismo kundi pati na rin ang mga interesadong gustong mag-aral mula sa ibat ibang bansa.

yon lang po at marami pong salamat, Mabuhay po kayo.
Back to top
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Wed Feb 20, 2008 9:15 pm    Post subject: Re: Sculture Course Reply with quote

Palagay ko ay tama ang idea ni Lamberto na ang pagaaral ng sculpture ay gawing tulad ng isang kurso na puedeng i-recognize ng Dept. of Education as in B.S. or A.B. degree Major in Sculpture, lamang marami pa rin iba ibang klase ng sculpture like ice carvings, fruits and vegetables garnishment, styroform etc..tulad ng fine arts, meron major in advertising, paintings etc. etc. Cool

Tungkol naman sa Paete Cultural Center, ipagpaumanhin sana ang aking komento sapagkat ang pag-kaunawa ko, ang Paete Cultural Center ay hindi tulad sa isang paaralan kundi magiging centrong pangkultura para maipakita at parangalan ang mga taong malaki ang naging kontribusyon sa iba't ibang sining at kultura ng ating bayan. Paano naman iyon mga bagong kabataan na gustong mag-aral at matuto pa ng higit na kaalaman sa eskultura? Confused

Kung mararapatin po, puede po bagang magtanong kung ano na ang development ng nasabing Paete Cultural Center. Nagtatanong lang po and no offense intended. Smile
Antonio F. Dalagan
Fairfax, VA
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
vernavarro



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 356
Location: Virgilio A. Navarro

PostPosted: Wed Feb 20, 2008 9:56 pm    Post subject: Re: Sculpture Course Reply with quote

[quote="eboytons"]Palagay ko ay tama ang idea ni Lamberto na ang pagaaral ng sculpture ay gawing tulad ng isang kurso na puedeng i-recognize ng Dept. of Education as in B.S. or A.B. degree Major in Sculpture, lamang marami pa rin iba ibang klase ng sculpture like ice carvings, fruits and vegetables garnishment, styroform etc..tulad ng fine arts, meron major in advertising, paintings etc. etc. Cool

Eto ang hinintay ko noon pa,ang isang tao,ang magsimula,upang buksan ang paksang ito.
dahil sa sining na ating minana ay hindi lang dapat ilagay at ibagay sa isang experience,
kundi ilagay sa isang tamang sistema ng pagtuturo upang makilala at maging titulado balang araw at habang panahon.
Una mabilis makakuha ng trabaho sa larangan ng Culinary Industry kung meron kang certificate or diploma (redseal)ang tawag dito sa Canada.
Ikalawa eto ang mabibigay modelo sa mga kabataang me interest sa larangang(culinary arts) ito at silang ang magmumungkahi sa mga kabataang darating sa mga susunod na generation.
Kung ako man ay nauwi diyan sa Paete for a visit.Ibig kong maging (part of it) isang kababayan na madaling lapitan(adviser) kung isang kabataan ay intresado sa larangang ito. I will give all the info that I know ,
na kailangan ng isang me pangarap na kababayan sa ika-uunlad ng Paete sa larangan ng Sining.
_________________
Walk a mile or two,its good for your health & your heart,eat proper diet a day our life live longer and be happy always.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Feb 21, 2008 9:04 am    Post subject: makikisali po Reply with quote

Ang alam ko po ay tuloy pa rin sa Paete ang schooling ng culinary arts at kung hindi ako nagkakamali ang nagtuturo noon ay si Rudy Albunag at sya ay pinalitan naman ni Rolly Gajitos dahil si Rudy ay bumalik na uli sa US para magtrabahong muli at ito ay me kaunting matrikula para sa pagaaral at ayon sa pagkakaalam ko sa itaas ng palengke o sa central ito matutunton.

Ako po proud at sapat na sa akin na ang pinagmulan ng aking natutunan ay sa Paete Carving Capital it is very authentic.

salamat po

always
winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
lamberto
Guest





PostPosted: Fri Feb 29, 2008 6:49 am    Post subject: PAARALAN Reply with quote

magandang araw at gabi sa lahat!
maaring ang naabot natin ay sapat na para sa ating mga sarili, dahil nakakaramdam na tayo ng kaginhawahan ng estado sa buhay, naranasan natin ang umangat, palakpakan at hangaan ng ibang tao,. napakasarap hindi po ba?
pero paano naman po ang mga bagong sasabak sa ganitong larangan na meron ng biyaya ng kaalaman sa sining, alam natin at naranasan na natin ang hirap kung papaano sumuot sa butas ng karayom, maraming nasasagasaan dahil sa kakulangan ng kaalaman at dahil din sa labis na kagalingan, hindi sapat ang kagalingan bagkus ito ay dapat alagaan at ipamahagi sa mga nangangailangan, at ang unang nangangailangan nito ay ang ating mismong bayang sinilangan, ang PAETE.
kaya huwag natin isawalang-bahala ang PAARALAN dahil dito natin maiikategorya ang bawat kagalingan ng ating sining. na may titulo.
yun lang po muna at salamat muli.
Back to top
nam myoho renge kyo
Guest





PostPosted: Sun Mar 23, 2008 5:22 am    Post subject: skul Reply with quote

tama talaga si lamberto.
pagmag aapply ng trabaho ay laging kasunod ng tanong ay kung saan ka nag aral ng fine arts. kapikon pikon, kaya bagsak ay sa mababa muna, pahirapan pa. Evil or Very Mad
Back to top
lamberto
Guest





PostPosted: Mon Mar 24, 2008 8:53 am    Post subject: Paaralan ng Sining Reply with quote

magandang araw/gabi sa lahat
si lamberto po itong muli,sagutin ko lang po ang tugon ni Nam myoho renge kyo,
ako rin po ay hindi nakatapos ng pag-aaral, 3rdyr B.S.C.E. ang kinuha kong kurso noon, sinubukan ko po muli na pumasok sa college sa kurso na B.F.A. major in painting dito Davao pero kalaunan din ay itinigil ko rin bagamat nakasungkit naman sa shell national students competition ng 2nd prized sa oil painting category at finalist sa sculpture category.
hindi ko na natapos ang kurso dahil na rin sa pagkakalipat-lipat ng gagawaan ng mga trabajo. napabayaan ko ang iba ko pang major subjects at tuluyan ko ng iniwan ang pag-aaral.
mas maaga ang pag-aaral ng sining? mas maganda ang hahantungan ng sining? mas may magandang paaralan ng sining? mas masarap mag-aral ng sining?





sa pag-iisip, sa pagsasalita at sa paggawa.

muli, maganda pong araw/gabi
Back to top
harinawa



Joined: 11 Feb 2008
Posts: 36
Location: Eden Davao City

PostPosted: Wed May 14, 2008 8:23 am    Post subject: Turismo Sa Paete Reply with quote

panukala kung sakasakali
isa lang po itong panukala para na rin sa ikadadagdag ng paglakas ng turismo sa Paete, kung makakaya po nating pagtulungtulungan na makagawa ng mga rebulto ng mga batikang eskultor o maimpluwensyang tao ng Paete, halimbawa po ay sa tayantang kung saan ay may rebulto ng dalawa o tatlong batikang eskultor na parang nagkukwentuhan o naglalakad, imposible man po ngunit sa palagay ko ay may magandang kahihinatnan kung matutupad.
idea lang po.
magandang araw/gabi sa lahat.
hanggang sa muli
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed May 14, 2008 9:54 am    Post subject: Re: Turismo Sa Paete Reply with quote

harinawa wrote:
panukala kung sakasakali
isa lang po itong panukala para na rin sa ikadadagdag ng paglakas ng turismo sa Paete, kung makakaya po nating pagtulungtulungan na makagawa ng mga rebulto ng mga batikang eskultor o maimpluwensyang tao ng Paete, halimbawa po ay sa tayantang kung saan ay may rebulto ng dalawa o tatlong batikang eskultor na parang nagkukwentuhan o naglalakad, imposible man po ngunit sa palagay ko ay may magandang kahihinatnan kung matutupad.
idea lang po.
magandang araw/gabi sa lahat.
hanggang sa muli



Lamberto at sa Paetenios,

Magandang gabi po, maganda ang iyong iniisip at sa palagay ko ay me mga makabayan ding tulad mo ang nagiisip ng ganitong idea ngunit pagdating sa pondo at sa kung sino ang magdodonasyon at saang lugar, sa sinasabi mong sa tayantang ay medyo makakasagabal dahil maliit na ang ispasyo. sa pakiwari ko lang para sa ideang ito mural baka epektibo at pwedeng pwede iaplay dito ang iyong epoxy art dahil ito yata ay weather prof ito?

Subalit marahil sa ibang malilikot ang isipan ay negatibo ang ideang ito dahil sa twing mahal na araw ay meron tayong mahigit 50 mga santo at santang rebulto na dinarayo ng turista kaya medyo mahirap tapatan ito, meron tayong tatlong kruz, meron tayong lumang simbahan, at meron din tayong seasonal wawa park na talaga namang busy palagi kung low tide o twing amihan, lanzones at santol, ibat ibang aktibidades na mga pambayan, higit sa lahat ay meron ka paring makikitang mga nag uukit ng kahoy at marami pa ring mga wood carving store, na yan ay parang silbing mga land mark ng bayan ng Paete, na pwede mong iintruduce sa mga gustong bumisita sa atin.

Kung nabasa mo na tungkol sa PCC halos pareho din ng idea doon ay me nabasa akong yung rebulto ng Madrinian at mga batikang sculptor di ko lang alam kung ano na ang latest news tungkol sa Paete Cultural Center project? wala lang po.

O sige sana ay lumawak ang pagpapalitan ng kuro kuro tungkol dito.

salamat po

always
winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed May 14, 2008 10:06 am    Post subject: Re: Turismo Sa Paete Reply with quote

harinawa wrote:
panukala kung sakasakali
isa lang po itong panukala para na rin sa ikadadagdag ng paglakas ng turismo sa Paete, kung makakaya po nating pagtulungtulungan na makagawa ng mga rebulto ng mga batikang eskultor o maimpluwensyang tao ng Paete, halimbawa po ay sa tayantang kung saan ay may rebulto ng dalawa o tatlong batikang eskultor na parang nagkukwentuhan o naglalakad, imposible man po ngunit sa palagay ko ay may magandang kahihinatnan kung matutupad.
idea lang po.
magandang araw/gabi sa lahat.
hanggang sa muli



Lamberto at sa Paetenios,

Magandang gabi po, maganda ang iyong iniisip at sa palagay ko ay me mga makabayan ding tulad mo ang nagiisip ng ganitong idea ngunit pagdating sa pondo at sa kung sino ang magdodonasyon at saang lugar, sa sinasabi mong sa tayantang ay medyo makakasagabal dahil maliit na ang ispasyo. sa pakiwari ko lang para sa ideang ito mural baka epektibo at pwedeng pwede iaplay dito ang iyong epoxy art dahil ito yata ay weather prof ito?

Subalit marahil sa ibang malilikot ang isipan ay negatibo ang ideang ito dahil sa twing mahal na araw ay meron tayong mahigit 50 mga santo at santang rebulto na dinarayo ng turista kaya medyo mahirap tapatan ito, meron tayong tatlong kruz, meron tayong lumang simbahan, at meron din tayong seasonal wawa park na talaga namang busy palagi kung low tide o twing amihan, lanzones at santol, ibat ibang aktibidades na mga pambayan, higit sa lahat ay meron ka paring makikitang mga nag uukit ng kahoy at marami pa ring mga wood carving store, na yan ay parang silbing mga land mark ng bayan ng Paete, na pwede mong iintruduce sa mga gustong bumisita sa atin.

Kung nabasa mo na tungkol sa PCC halos pareho din ng idea doon ay me nabasa akong yung rebulto ng Madrinian at mga batikang sculptor di ko lang alam kung ano na ang latest news tungkol sa Paete Cultural Center project? wala lang po.

O sige sana ay lumawak ang pagpapalitan ng kuro kuro tungkol dito.

salamat po

always
winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed May 14, 2008 10:24 pm    Post subject: Re: Turismo Sa Paete Reply with quote

whernas2001 wrote:

Kung nabasa mo na tungkol sa PCC halos pareho din ng idea doon ay me nabasa akong yung rebulto ng Madrinian at mga batikang sculptor di ko lang alam kung ano na ang latest news tungkol sa Paete Cultural Center project? wala lang po.
winston


Hi Winston at sa lahat,

Ngayon lang ako nagawi dito sa forum na ito at nabasa ko yung inquiry mo about PCC [Paete Cultural Center] I was there during the groundbreaking almost 3 years ago. Yung lupa kung saan itatayo ang PCC ay donasyon ni Nel Africano na nasa katabing sementeryo ng Romano Katoliko [sa side ng bundok] Napakaganda ng layunin ni Nel subalit tulad na ibang mga proyekto, napakahirap mag umpisa lalo't kakulangan sa pondo ang problema.

Marami na rin ang nagbigay ng contribution at pledges lalo na yung mga nasa abroad nating kababayan. Naumpisahan na rin yung structure pero mukhang nabinbin sa ngayon. Para makalikom ng karagdagang pondo, bawat pamilya na magdo-donate ng $1000 ay bibigyan ng isang lugar [o space] sa matatapos na PCC kung saan ay pwede nilang i-display ang kahit anong gawa o obra ng kahit na sinong miyembro ng kanilang pamilya. Ito ay magiging pag aari ng PCC, legacy ng inyong pamilya at pride ng Paete.

Sa totoo lang ay talagang pondo ang kailangan sa ngayon para maituloy ang PCC. Napakarami nating magagaling na artists at kung magtutulung-tulong lamang ang lahat nating kababayan ay hindi malayong maitayo ang PCC na pwede nating ipagmalaki.

Kung merong interesadong tumulong sa PCC ay pwede kayong makipag ugnayan kay Nel Africano. Pwede rin sa aking email address dahil alam kong hindi naman regular na bumibisita dito si Nel.

Maraming salamat!
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu May 15, 2008 8:46 am    Post subject: Reply with quote

gud evening po,

Madam Saida salamat sa latest news tungkol sa PCC, nabangit na rin sa akin ni Nel Africano last year ang tungkol dito.

I am very interested to be part of it.

salamat po

always

winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
harinawa



Joined: 11 Feb 2008
Posts: 36
Location: Eden Davao City

PostPosted: Wed Apr 01, 2009 9:50 pm    Post subject: epoxy art sculpture - details Reply with quote

Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
harinawa



Joined: 11 Feb 2008
Posts: 36
Location: Eden Davao City

PostPosted: Wed Apr 01, 2009 9:54 pm    Post subject: epoxy art sculpture and airbrushing Reply with quote

Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
harinawa



Joined: 11 Feb 2008
Posts: 36
Location: Eden Davao City

PostPosted: Wed Apr 01, 2009 9:58 pm    Post subject: simple sculpture 1 Reply with quote

Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
harinawa



Joined: 11 Feb 2008
Posts: 36
Location: Eden Davao City

PostPosted: Wed Apr 01, 2009 10:00 pm    Post subject: simple sculpture 2 Reply with quote

Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
harinawa



Joined: 11 Feb 2008
Posts: 36
Location: Eden Davao City

PostPosted: Wed Apr 01, 2009 10:01 pm    Post subject: simple sculpture 3 Reply with quote

Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
harinawa



Joined: 11 Feb 2008
Posts: 36
Location: Eden Davao City

PostPosted: Wed Apr 01, 2009 10:03 pm    Post subject: simple sculpture 4 Reply with quote

Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
harinawa



Joined: 11 Feb 2008
Posts: 36
Location: Eden Davao City

PostPosted: Wed Apr 01, 2009 10:05 pm    Post subject: sculpture in progress Reply with quote

Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Paete - Carving Capital Forum All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group