PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Ito pala ang 'Tate-Dayaring Pakwento

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo
Guest





PostPosted: Fri Mar 24, 2006 12:25 pm    Post subject: Ito pala ang 'Tate-Dayaring Pakwento Reply with quote

ITO PALA ANG TATE’
Pakwentong Dayari ni Bulanggugo 2005


Pol noong dumating kami rito sa Georgia, 1999. Paglabas mo pa lamang sa eroplano ay ramdam na ang lamig. Putragis, nanunuot hangang buto. Kung bakit kasi hindi ako nagsuot ng makapal na dyaket. Laking kagulo ng mga biyenan, hipag at bayaw ko nang matanaw pa lamang kami. Mantakin mo naman ang walong katao at labing-kung-ilang animo tren na bagahe, isang baranggay wika nga.

Sa daan ay makukulay ang mga punong kahoy. Nakaka-panibago, nagkalat ang mga tuyong dahon sa tabi ng kalsada at wala man lamang akong makitang naglalakad sa mga daanan. At saka maganda ang latag ng aspalto at talo pa ang semento, mukhang hindi natutunaw tulad sa Pinas. Malilinaw pati ang guhit sa kalsada. Wala ring nagta-trapik na pulis sa gitna, pero maayos ang daloy ng trapiko. Kaya lang, hinahanap ko ang mukha ng mga kabayan ko. Yun bang mga matang laging nakatitig na parang kakilala ng lahat, mga balat na kaligatan, hindi kataasan pero mapoporma rin naman at higit sa lahat, madaling kaibiganin tulad ko, hehehe.

“Ito pala ang Tate,” ang bulong kong pasigaw. “Grrrrrr peel na peel ang lamig, kasi pol na pol na,” ang patawang nasabi ko at nagkatawanan ang lahat.

Aba, eh wala akong makitang mga jeepney o tri-cycle man lamang. Wala ring mga bus na may sasabit-sabit na kundoktor. Nangingiti akong parang wala sa sarili. Naalaala ko bigla ang EDSA Cubao sa may Farmer’s Market. Nakahanay ang mga bus at nakabungad sa mga pintuan ang mga kundoktor na walang tigil nang kasisigaw sa mga naka-mulagang pasahero.

“Ale, ale, maraming upuan, Monumento-Sangandaan,” ang tawag ng isa.

Kapag sumakay ka, lalo’t rush-hour, siguradong tayo ka na siksikan pa. Aandar na ang bus palayo sa pilahan at sarado na ang pintuan.

“Sabi mo may upuan,” ang reklamo ng sumakay.

“Pasensya na po Miss, may mga nakaupo nga lamang,” patawa ng kundoktor na parang nang-iinis pa.

Palibhasa, ang kita ng mga drayber at kundoktor ay komisyon na parang “boundary style.” Ang kailangang maibigay mo sa upisina halimbawa ay limang libong piso, ang sobra doon ang paghahatian ninyo ng driver. Kaya hayan, paspasan lagi, paos ang boses sa pagsigaw. Kung anu-anong gimik ang deskarte. Pag minalas-malas ka, pati yung lagay sa pulis sa iyo ring bulsa.

Minsan nga ay may lolang natakot sa bilis ng bus at sumigaw, “Mama, mama, ano ka bang tinamaan ng lintek at para kang hinahabol ni kamatayan kung magpatakbo?”
“Naku Lola,’ ang parang nang-iinis at tatawa-tawang sagot ng driver, ‘kaya nga ko nga po binibilisan ay para hindi tayo abutan.” Ang mga noyPi talaga, nakukuha pang magpatawa sa gitna ng pagod at pinagpawisang eksenang tulad nito.

“Nandito na tayo Daddy,” ang sigaw ng bunsoy kong si JR. Naputol ang pagmumuni-muni ko at bumalik ako sa Tate’.

Pumasok kami sa isang driveway ng isang may di-kalumaang bahay. Sa mga biyenan ko ito. Kalilipat lang nilang sapilitan dahil parating ang isang baranggay mula sa Pinas at kailangan ng lugar na mapapakisulukan. May basement daw ito at kasya kaming mag-anak.

Sa madaling sabi ay nakaraos ang pagsundo sa amin at pagbababa ng sangkatutak na bagahe. Walastik, nakahinga na rin nang maluwag matapos ang napakahabang paglalakbay. Akalain mong makatulog at magising ay nasa eroplano ka pa rin!! Nakakangalay na, nakakainip pa. Haaayy sarap ng pakiramdam.

Isa-isa naming binusisi ang mga bagahe. Maaamoy mo ang sangkaterbang tuyo at dilis. Sa Kano sasabihin siguro, “Yuck, what the heck are these stinking s………” Buti na lang at puro noyPI lang kaya tawanan lamang. Yung mga hopya galing sa Binondo sa Eng Bee Tin, may hopya-baboy, hopia-munggo-kamote, at hopia-ube. May kasama ring mga empanada at mamon na tatak-Goldilocks. Bakit nga baga laging pagkain ang nasa isip ng mga Pinoy? Walang kabusugan, kain nang kain, hindi naman tumataba! Hindi ko naman nilalahat hane!

May kasunod na kabanata.....
Back to top
ka hermy
Guest





PostPosted: Thu Apr 13, 2006 11:49 am    Post subject: maganda ang banat mo. Reply with quote

ipagpatuloy mo ang kwento mo. isa ako sa susubaybay sa mga susunod pang kabanata. para ko na ring binabalikan ang mga pinagdaanan ko. salamat sa pagbahagi mo ng iyong sariling karanasan.
Back to top
Bulanggugo
Guest





PostPosted: Fri Apr 14, 2006 6:29 am    Post subject: ITO PALA ANG TATE PART 2 Reply with quote

Walang katapusang kwentuhan at bidahan and kasunod hanggang mapanghal at dapuan na rin ng antok. Naku ay mantakin mo ang dapuan ka ng isang katerbang promdi na mga gutom at pagod sa biyahe. Masayang malungkot ika nga. Masaya dahil may panibagong lasa ng buhay sa isang bansa na pinagkakamatayan ng mga noyPi, sukdulang magkasanla-sanla ang mga minanang ari-arian. Malungkot dahil may maiiwan kang mga kapatid, pamangkin, kabagang at kaaway na rin.

Kinaumagahan kahulihan akong gumising. Itong mga anak ko ay hindi gaanong nakatulog at masyadong excited. Nangakabungkos sa sala at nagkukwentuhan ng kanilang mga eksena sa eroplano na dalawang salin. Inusyuso na rin ang paligid ng kabahayan at medyo naibahan wika nga. Parang hindi makapaniwala ang mga kumag. Palibhasa ay kagagaling lamang sa kainitan ng Agosto sa Pinas kaya nalamigan kami sa Septembre dito.

Kagyat ay bumalik ang aking isip sa iniwan kong Ina at mga kapatid. Masyado kasi akong sentimental. Kamakalawa lamang ay magdamag kaming nagkukwentohan ni Ina at sinasariwa namin ang mga nakaraan mula nang isilang ako. Nagkakaiyakan pa nga kaming dalawa hanggang nakatulog na ako sa tabi ni Ina. Marami siyang ipinagbilin sa akin na ngayon ko napagtanto ay pamamaalam na pala niya sa akin. Iyon na pala ang huli naming pagkikita. Iyon na rin pala ang huling halik at yakap ko sa aking pinakamamahal na Ina.

Naudlot ang pamamalisbis ng aking luha nang biglang hatakin ako ni Misis para mag-umagahan. Tuwang-tuwa ang mga biyenan ko sa kaguluhang dala namin. Tatlo lang kasi sila ng kanilang anak na nakatira sa bahay na ito kaya nagimbal sila sa anim kong anak na 11 hanggang 21 taong gulang. Paano mo kaya pagsasamahin ang dalawang otsenta anyos at ang mga dyaskeng kabataang ito? Magandang palaisipan, naging isang hamon.


Mabilis na napigtas ang mga dahon ng araw sa puno ng panahon na tulad ng tag-lagas. Matabang na rin sa panlasa ang mga kwentong dati ay halakhak ang dala. Parang isang panaginip na natapos, ngayon ay umaga na ng katotohanan-kasalukuyan. Katakut-takot na proseso ang kinailangan upang maihabol ang mga bata sa iskwela. Mag-a-apply ka sa Social Security, kailangan ding ma-establish ang residency, at marami pang iba. Sa madaling sabi, magtrabaho ka na!!
Back to top
linda valdellon John
Guest





PostPosted: Sat Apr 15, 2006 4:36 pm    Post subject: Reply with quote

Hi Ming,

Nakakaaliw naman ang kwento mo. Tapos na ba ang kabanata?. Anong balita sa mga batchmates natin?..Marami ka palang naging anak, ako 2 lang. Good production!..count it as your blessings.

Happy Easter to your family.....

Kababata,, Linda from Montreal, Canada
Back to top
Bulanggugo
Guest





PostPosted: Mon Apr 17, 2006 6:47 am    Post subject: ITO PALA ANG TATE-Part 3 Reply with quote

Uy Linda, kumusta ka na? Matagal na hindi na tayo nagkapalitan ng balita. Alam ko namang puro tayo busy dito. Wala akong balita sa ating mga ka-bungkos '59 ng PES at '63 ng Eastern. Uhaw na gutom pa ako sa kanilang mga kwento at updates.

Salamat naman at nagustuhan mo at nakalibang kahit kaunti ang aking dayari. Alam mo ay matagal kaming hindi nagka-anak ng Misis ko, pero nang dumating, "parang Gremlins!!!!"

Minsan nga sa isang pulong pang-congregation ay naibahagi ko ang aming naging kwento sa pag-aanak.

Ang sabi ko noong araw "my wife and I were crying for children."

Pero ngayon nang magkaanak na kami ng sangkaterba, "my wife was crying BECAUSE of the children."

Kaunti lang muna ang Part 3 ng aking dayari hane?


ITO PALA ANG TATE -Part 3

Heto na ‘ka mo, naku ay iba pala dito sa Tate! Bakit ba ang bibilis nilang mag-ingles, lalo na itong mga itim. Ngayon lang kasi ako nakarinig ng “southern t’wang” na bukod sa may tonong naiiba ay talagang hindi ko abutan sa bilis. Medyo nahirapan ako sa mga interview, parang nauubusan ako ng baong ingles. Makaraan ang ilang bigong pagtatangka ay pinag-isipan ko ang aking naging estilo. Executive kasi ako sa Pinas, accountant at taga-bangko wika nga. Eh dito? Pare ko, bagong salta ka lang dito, magsimula ka ulit. Ang importante ay magkatrabaho ka muna ng kahit ano.

Sige na nga! Hayan, natanggap akong salesman sa Circuit City. Nasa sales floor ako maghapon, nag-training ako tungkol sa mga computers at mga accessories nito. Ang nakakatawa nito ay wala naman akong kamuwang-muwang sa computer hardware at softwares, dito ko na lamang natutunan ito, dahil pwersado wika nga. Swerte naman at yung mga Asian customers ako ang nilalapitan. Pati nga mga Mexicans, lumalapit din sa akin at kinakausap ako, hehehehe! Kahit papaano naman ay nakakaraos ang aking paputol-putol na kastilaloy (nakakaintindi yata ito at saka may 18 units ako ng Spanish sa college ano!!).

Bale ba ay kapag bumibili ako ng pantalon sa mga malls dito, smallest size na ay hindi pa rin kumasya. Tama nga ang beywang na size 32 pero 30 naman ang pinakamaikli. Kung minsan ay “sale” daw kuno, pero babayad naman ko ng $10.00 sa alteration para iklian ang pantaloon kaya hayun, napamahal pa rin. Nahihiya man ay doon ako nag-usyoso sa pang-teen ager pero wala ring magkasya. Sa polo shirts ay okey na rin kahit mahaba ang manggas, pero sa coat hindi pwede. Magmumukha akong Cachupoy pag hindi ko pinaputulan ang manggas at $20.00 na naman ito. Nakuuuu! Makauwi nga muna sa Pinas at makabili ng sangkaterba sa Shoemart.
Back to top
Linda V. John
Guest





PostPosted: Mon Apr 17, 2006 3:13 pm    Post subject: Reply with quote

Batchmate,

Na-aadict na akong magbasa nito Usap. Kahit busy ay hindi ko makaligtaan subaybayan ang yung diyari.kase pareho sa mga karanasan ko,lalong ang interview.French territory pa rito, mantakin mo kahirap intindihin ang language dito. Saka yun pantalon size, palagi rin alteration ang patak ko.

Sige till the next chapter, very entertaining, keep on going. I'm your avid reader
Back to top
y@m@k



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 192
Location: Mark Anthony Rivera Cadawas

PostPosted: Mon Apr 17, 2006 3:31 pm    Post subject: Reply with quote

Bulanggugo wrote:

"Bale ba ay kapag bumibili ako ng pantalon sa mga malls dito, smallest size na ay hindi pa rin kumasya. Tama nga ang beywang na size 32 pero 30 naman ang pinakamaikli. Kung minsan ay “sale” daw kuno, pero babayad naman ko ng $10.00 sa alteration para iklian ang pantaloon kaya hayun, napamahal pa rin. Nahihiya man ay doon ako nag-usyoso sa pang-teen ager pero wala ring magkasya. Sa polo shirts ay okey na rin kahit mahaba ang manggas, pero sa coat hindi pwede. Magmumukha akong Cachupoy pag hindi ko pinaputulan ang manggas at $20.00 na naman ito. Nakuuuu! Makauwi nga muna sa Pinas at makabili ng sangkaterba sa Shoemart".

Nakaka-relate daw kami ni tatay ng husto dito - BINGO kumbaga po! Isasama ko na din si Tito Pat Afurong Cool
Very Happy Nasa Pilipinas po si tatay ngayon, mai-remind sa kanya na pumunta sa Zaldybar o kay Amang Francis (Alitaptap) na ipaayos mga pantalon hahahhaa.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail AIM Address Yahoo Messenger
Bulanggugo
Guest





PostPosted: Tue Apr 18, 2006 6:18 am    Post subject: Dayaring Pakwento Part 4 Reply with quote

O sige, Katotong Linda na anak ni Amang Karyong Bado. At the least ay may kabungkos akong nakakaniig dito.

Kaibigan, kaanu-ano mo ang kabatch ko sa PES na si Danilo "Danny" Cadawas?

PART 4 DAYARING PAKWENTO


Syanga pala, bakit nga baga pati ang mga “urinal” o ihian dito ay pagkatataas? Buti na lang at may pambata na siya kong pinupuntirya, hehehehehe! Minsan nga sa isang interview (pakikipanayam, alam nyo ba yan?) nung pina-upo ako ay nakasabit o naka-angat ang aking paa sa flooring. Ang taas kasi ng mga tinamaan ng kidlat na mga silya dito sa Tate. Kahit nga mga upuan sa simbahan dito ang lalapad. Kaya kapag sumandal, angat ang paa ko. Kinakalahati ko na nga lamang ang upo para lapat sa sahig (hindi pa makakatulog, di ba?).

Bago ako lumaktaw(nadaanan na rin lamang ang ihian) ay hayaan ninyong sariwain ko sa alaala ang isang “anecdote” daw sa buhay ni Gen. Romulo. Minsan daw ay may sinundo si General Romulo na noon ay Foreign Affairs Secretary, na isang kapwa dignitaryo sa Manila International Airport.

Sa daan patungong Malakanyang, may nakita ang Rusong bisita na umiihi sa tabi ng daan. Ang sabi daw ah, “ In my country, we put people to jail when they pee along the street or for that matter anywhere but a restroom.” Napahiya daw si General, hindi lang siguro masabi na "bai ay ganay-an ang mga Pinoy."

Minsan ay si General Romulo naman ang naging guest ng nasabing Ruso sa Moscow at sinundo rin siya airport. Along the way may nakita si General na umiihi sa tabi ng daan. Natatawang itinuro sa katabi ang umiihing lalaki at patutsadang sinabi, “ I thought you put people in jail when they pee anywhere!”

Napapahiyang pinatigil ng Ruso ang limusin. Pinuntahan ang lalaking umihi sa tabi ng daan at makaraan ang ilang sandali ang nakangiting bumalik sa tabi ng kaibigang Pinoy. “General Romulo, hindi pwedeng hulihin at ikulong ang lalaking yun dahil may diplomatic immunity. Officer siya sa inyong embassy dito sa Moscow!” Hehehehe!

Abangan ang kasunod.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group