PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PERA NI JUAN DE LA CRUZ
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Inspirational and Spiritual
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest






PostPosted: Tue Apr 29, 2008 9:08 pm    Post subject: PERA NI JUAN DE LA CRUZ Reply with quote

1] Minsan akoy nagtataka?2] Bakit ganito ang buhay? 3] Sino ang dapat sisihin? 4] Ano ang dapat gawin? 5] Kailan magbabago? 6]Saan mag uumpisa?

1] Mga tanong na paulit ulit na sumasagi sa aking isipan. Nagtataka ako bakit sa dami ng religious organization sa buong mundo laging pera ang umiiral.

2] Ito ang buhay na ating ginagalawan lagi tayo lumalapit at humihingi ng tulong sa mga tao na may kaya sa buhay. Pero minsan di bat nakakahiya na paulit-ulit tayo lumalapit sa kanila? patuloy natin itong gingawa.(tanungin nyo sarili nyo mga leader ng samahan ng simbahan?)

3] Sisihin ba natin ang mga leader o ang kahirapan? Ako ba ay sangkot sa paghihirap ng iba/? Dapat kong sisihin ang aking sarili dahil wala man lang ako maiambag sa aking samahan dahil ako ay isa lamng dukha. Dapat sisihin ang mga tao na nagbibingi-bingihan nagbubulag-bulagan sa katatayuan ng lipunan. Simbahan o pamahalaan ay dapat din bang sisihin sa pag unlad ng bayan o kahirapan ng buhay?

4] Kumilos ka! Oo! IKAW! Gawin mong mas makabuluhan ang buhay mo. Magdasal? Yes! Mag donate? yes! KUmilos? Yes.
kung wala sa tatlo ang magagawa ko ano ang gagawin ko? Puede ba umiral ang simbahan ng wala pera?

5] Ah! kelangan ko kumilos ngayon, hindi bukas kundi ngayon!!! magdadasal ako at ang aking dalangin ay sana matuloy pa din ang simbahan at ano mang religious group na wala involve na PERA.
PUEDE PO KAYA YUN??????? Walang hihingan ng pera. Walang magrereklamo dahil sa pera. Isang hamon sa mga religious leaders. 1] TOTOO BA NA PERA ANG BUHAY NG ISANG SAMAHAN? 2]WALA BA MAGAGAWA ANG SAMAHAN KUNG WALA ANG PERA? PERA BA ANG DAHILAN NG PANANAMPALATAYA? 3] PERA LANG BA ANG ATING LAGING HILING?


P- panginoon
E- eto ang
R- regalo mo sa
A- akin

PAGNILAYAN????????
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Apr 30, 2008 7:49 am    Post subject: hello po Reply with quote

Hello Po,

Kung sino ka man nais kong samahan ka sa iyong mga himutok tungkol sa PERAAAAAAAAAAAAAAAA.

Anut ano man at saan mang panig ng mundo palaging pera ang dahilan kaya nagkakagulo at nagkakaayos palaging involve ang pera sapang araw araw na buhay, politica o sa relihiyon at sa lahat ng natatanaw ng mata mo na kinikilusan ng tao pera palagi ang nagpapagana dito kahit sa maliit mang dampa pera din ang kailangan para mabuhay ang nakatira dito.

Simple lang pare o mare ko be realistic wala na po tayo sa panahon nila Eva at Adan sa paraiso na sila lang ang mga tao kaya pera, pera, pera kailangan ito ng tao para mabuhay sa mundo at kahit patay na ay pera parin ang kailangan ng maiiwan para sa pagpapalibing o pagcremate sa bangkay ng tao, kaya nga maraming ibat ibang paraan ang ginagawa para kitain ang PERAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. hmp buhay!!!! ang tao tangapin man o hindi alipin ng pera.

Salamat po

always
winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Wed Apr 30, 2008 12:01 pm    Post subject: Reply with quote

salamat sa iyo winston di bat kada uuwi ka sa paete ay may mga kantyaw sa airport pangkape? pag dating sa bahay yung mga tambay painom ka naman. sa mga yosi kadiri may yosi kaba dayan na blue seal? ibat ibang paraan pero iisa ang suma total.............PEEEEEEEEERRRRRRRRRRRAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!
sino ang makapagbibigay nito relihiyon? politika? employer? abroad? sana maambonan kami kahit kanino galing ng sinasabi nating PERA.
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Fri May 02, 2008 3:55 pm    Post subject: I search for the word "salapi" ... Reply with quote

eto po share ko sa inyo...I searched the word "money" - biblegateway.com...and here's the result...marami pong pages...nasa right hand bottom corner, click nyo lang next palagi...salamat po

http://www.biblegateway.com/ke.....rdsonly=no
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."


Last edited by Ludy on Sat Dec 13, 2008 4:57 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Tue May 06, 2008 1:29 am    Post subject: Reply with quote

wala po ba tagalog dadaludy para mas madali at mas naiintindihan?
Back to top
mausisa
Guest





PostPosted: Tue May 06, 2008 7:31 am    Post subject: Reply with quote

nakakalungkot dahil yan ang tingin mo sa mga religous organization. lalo ng nakakalungkot na yan ang tingin mo sa pananampalataya. kapatid simple lang ang aking palagay at ewan ko kung masasabing pag ninilay. noong bata ka humingi kaba ng pera sa nanay at tatay mo? malamang ay oo lahat tayo ay humingi ng pera sa tatay at nanay natin pag hindi ka nabigyan malamang ay sumapit din sa buhay mo ang mag singga dahil hindi ka nabigyan kahit piso. pero kapatid tinanong mo ba kung saan kumukuha ng pera ang nanay at tatay mo? siguro ngayun malaki ka na alam mo na na ang pera ay pinag hihirapan ng isang magulang para maibigay sa mga anak. kapatid ganoon din ang mga samahang pang simbahan. hindi dahil pera ang nag papaikot sa kanila kundi ito talaga ang reyalidad ng buhay.
sana ay tama ako sa king palagay. nakikita mo siguro ang mga naidudulot sa iyo ng simbahan na kinabibilangan mo at yun ay galing sa kanilang pag susumikap na makalikom na perang kinasusuklaman mo. hindi sinasabi o pinipilit na mag bigay ang walang maibigay kayo ang bibigyan galing sa perang nalikom ng pinag iisipan mong samahan.
Back to top
Guest






PostPosted: Tue May 06, 2008 8:51 pm    Post subject: Reply with quote

kapatid na mausisa,

Tama ka ito ang realidad ng buhay kaya wala siguro masama sa sinabi ko dahil pera nga ang blood ng isang samahan para mabuhay. nakakalungkot ngang talaga di po baga? kung ikaw naman ay isang magulang at napansin mo na di humihingi ang anak mo ng bagay na gustong gusto nya dahil alam nya na di mo kaya ibigay. alin sa 2 ang mararamdaman mo? malulungkot ka dahil sa wala kang PERA o masisiyahan ka dahil napakabait ng anak mo at marunong umunawa? Sana alam din natin kung saan galing ang pera na hinihingi natin para makalikom. ang bawat PERA ay pinaghihirapan. sana gamitin din sa makabuluhang bagay. sabi nga ang barya ay may 2 mukha isa tao at ang isa ay ibon. siguro nagkataon lang na magkaiba tayo ng side ng pananaw. nakikita ko nga ang mga sinasabi po ninyo na benipisyo sa samahang ginagalawan natin. mas magandang di hamak sa tunay kong kinikilosan. (ang aking maliit na bahay.) wala po akong iniisip na masama baka po nakakasagasa lang ang aking malayang pananaw.

salamat po sa mga share nyo regarding sa pera ni juan dela cruz siguro yung iba di makarelate kasi pera ni uncle sam ang gamit nila. kaya kadalasan sila ang hinihingan ng PERA para makalikom. mabuhay ang bayan ng paete kahit walang PERA.
Back to top
Guest






PostPosted: Tue May 06, 2008 11:56 pm    Post subject: Reply with quote

mausisa wrote:
nakakalungkot dahil yan ang tingin mo sa mga religous organization. lalo ng nakakalungkot na yan ang tingin mo sa pananampalataya. kapatid simple lang ang aking palagay at ewan ko kung masasabing pag ninilay. noong bata ka humingi kaba ng pera sa nanay at tatay mo? malamang ay oo lahat tayo ay humingi ng pera sa tatay at nanay natin pag hindi ka nabigyan malamang ay sumapit din sa buhay mo ang mag singga dahil hindi ka nabigyan kahit piso. pero kapatid tinanong mo ba kung saan kumukuha ng pera ang nanay at tatay mo? siguro ngayun malaki ka na alam mo na na ang pera ay pinag hihirapan ng isang magulang para maibigay sa mga anak. kapatid ganoon din ang mga samahang pang simbahan. hindi dahil pera ang nag papaikot sa kanila kundi ito talaga ang reyalidad ng buhay.
sana ay tama ako sa king palagay. nakikita mo siguro ang mga naidudulot sa iyo ng simbahan na kinabibilangan mo at yun ay galing sa kanilang pag susumikap na makalikom na perang kinasusuklaman mo. hindi sinasabi o pinipilit na mag bigay ang walang maibigay kayo ang bibigyan galing sa perang nalikom ng pinag iisipan mong samahan.


Tanungin nga kita mausisa.Kapag walang proyekto ang simbahan.Di mo ba tinatanong ang sarili mo kung saan napupunta ang nalilikom na pera o baka nagbubulagbulagan ka lang.Pilit nyo pagandahin ang simbahan.Bakit,pag gumanda ba yan ay marami na ang magbabalik loob sa DIYOS?Turista ang hanap nyo at hindi ang turo ni HESUS na pagbalikin ng loob ang naligaw ng landas.Kung yan sanang pera ay ginagamit ng simbahan upang maakit ang mga tao spiritually at hindi sa pisikal lang.Mapayapa na siguro ang kapaligiran natin.
Back to top
mausisa
Guest





PostPosted: Thu May 08, 2008 2:07 am    Post subject: Reply with quote

mahirap ka paliwanagan, masyadong mababa ang tingin mo sa kilos ng mga religious group. akala mo ay bawat kilos nila ay para lang sa sinasabi mong pera. dapat lumalim ka ng konti hindi yung kababawan ang nakikita mo. akala mo turista? lantaran ang binabanatan mo dito ang pagpapaganda ng simbahang katoliko sa kanilang bakod? bakit ka galit na galit? bakit ka kontra sa ganitong proyekto? pilit mo sinasabi na puro pisikal at walang spiritual na proyekto ang simbahan? siguro ay iba ang iyong kinaaniban. kapatid bawat araw bawat linggo at bawat buwan ay mayroong mga proyektong pang spiritual ang simbahan bakit hindi mo iyon nakikita? kung ang tingin mo sa kanila ay mukhang pera, sana ibinulsa na nila ang kanilang mga pinanghihingi. bakit? nahingan knaba? mag pakilala para alam ng simbahan na hindi kapala pedeng hingiaan masyado kang maisip. che!!!!!
Back to top
Guest






PostPosted: Fri May 09, 2008 12:35 am    Post subject: Reply with quote

kapatid mausisa,

masyado na yata pikon. lumalabas na katoliko ka. nagtanong lang yung isang guest. hayaan mo na cya. katoliko din ako gaya mo pero sabi ko nga magkaiba tayo ng side ng pinaniniwalaan. siguro nga di cya katoliko at di nya alam ang mga ginagawa ng simbahan. wala naman tinutukoy sa bakod bigla ka napunta sa bakod. ang pinag uusapaan ay kung ano ang ibat ibang pananaw ng tao sa pera. PERANG GAMIT SA RELIHIYON, POLITIKA, AT IBAT IBANG SAMAHAN. siguro madami ka pera ano? haaaay huag mo na itanong kung nahingan sya o hindi di ba tama naman minsan nakakahiya na youn at yuon parin mga tao na may PERA ang ating nilalapitan. halimbawa, umisip ka ng isang mayaman sa paete at isipin mo rin kung ilan beses tayo humingi ng tulong dun? ulit ulit di ba? nakakahiya? pinaghihirapan din nila yun. bakit di natin hayaan na magkusa sila? tutal sabi mo katoliko tayo di may kusa tayo .tama ba ako dun? ang tanong ko sa iyo "pabor ka ba na pag wala ang PERA sa isang samahan ay wala na mangyayari sa samahan?"
Back to top
Guest






PostPosted: Fri May 09, 2008 7:37 am    Post subject: Reply with quote

2 Kings 12:5
Let every priest receive the money from one of the treasurers, and let it be used to repair whatever damage is found in the temple."
Back to top
mausisa
Guest





PostPosted: Fri May 09, 2008 10:54 am    Post subject: Reply with quote

EWAN KO SAYO!
Back to top
Guest






PostPosted: Sat May 10, 2008 6:28 am    Post subject: Money Reply with quote

mausisa wrote:
EWAN KO SAYO!


Upang iyong malaman ang katotohanan ay magkaroon ka muna ng
takot sa Diyos. Ang kaalaman ang simula ng liwanag na sa iyo ay
gumugulo ng isip at puso. Ang kaalaman na tayo ay tao lamang
na makasalanan at walang maipagmamalaki. Kilalanin mo muna an
Diyos kung gusto mong matupad ang gusto mong magyari sa buhay mo. Huwag mo na lamang isipin o tingnan ang nasa iyong palagid
datapwa ay ang iyong sarili na mapabuti sa harap ng Panginoon
na maylikha sa iyo at ikaw ay bibiyayaan pati na ang iyong mga
kasambahay. Ang Diyos ay ang may ari ng lahat, pati na ikaw
mausisa, gawa ng mahal ka ng Panginoon..Ang unang gustong mangyari ng Panginoon ay kilalanin mo Siya, ang susunod na mangyayari ay ang walang taos na katahimikan at ligaya ang iyong
matatamo.
Hindi mo nga siguro maintindihan ang sinasabi ko..
pero yon ay decision na ng Panginoon na wala tayong magagawa.
Kung magiging masunurin ka...at mapagkumbaba...
Mauunawain mo rin ang "pera" kung paano tayo pinagagalaw sa mundo. Pagmaypera ka ay tulungan mo ang mahihirap gawa ng
hindi naman sa iyo yon..pahiram lamang sa iyo yo., Gagamitin mo yon sa ngalan ng Panginoon...at ikaw ay magiging makabuluhan dito sa mundo...

Salamat sa iyong pagsulat tungkol sa pera...You bless me,
Taga Paeteng may takot sa Diyos.


Back to top
Guest






PostPosted: Sat May 10, 2008 11:26 am    Post subject: Reply with quote

kapatid mausisa,

may sumagot na naman sa iyo. ewan mo? yun sagot sa iyo. sa isa pa guest wala po ano man post ko lang pera kasi alam ko madami masasabi ang tao kasi lahat ng bagay involve PERA. positive side man or negative PERA ang kelangan ng bawat isa. sa mga may pera salamat sa DIOS; sa mga wala, salamat pa din sa DIOS. kasi alam ko magkakaroon tayo. tama baga ako sis. mausisa?
Back to top
John Cross
Guest





PostPosted: Sat May 10, 2008 12:06 pm    Post subject: Magtrabaho na lang kayo... Reply with quote

Puro kayo satsat...pera lang problema baga? hindi problema ang pera, ang problema kayo sobrang maiisip at pakialamero ... pabayaan nyo na lang ang simbahan para naman kayo ay nagaabuloy pero hindi naman.

JC
Back to top
TonyB



Joined: 05 Jan 2006
Posts: 178

PostPosted: Sat May 10, 2008 1:41 pm    Post subject: Religion always need a little bit more moey Reply with quote

Pera ba ika nyo? Religion and money go hand in hand. And religion always need a little bit more...

Here is a video for you guys but I should give you a warning. This video may not be suited to your taste (explicit language require mature audience) so click at your own risk.

For video, please click here -> George Carlin, religion is bullshit (youtube.com) . <-----

Sabi nga nila, bato-bato sa langit tamaan ay guilty. Smile If you clicked it, with your own free will, instead of getting angry at it, be mature enough, give it a thought and try to understand why people outside your religion sees things that way.
_________________
Usap Business | LDP Batch '89 | This Side Of Town
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat May 10, 2008 4:00 pm    Post subject: pera Reply with quote

Hello Po

Doon po sa unang guest ng nagsulat tungkol sa pera, ayan ano na itong sinulat mo pera ni juan dela cruz" andami ng nakokontrahan kaya lang mas maganda sana kung magpakilala kayo para mas realistic. kitang kita me pikon me nagagalit me nagpapaliwanag me nagsishare ako isa na doon.

Salamat Tony for sharing that talk show video, totoong totoo ang mga pasaring nya, edit na lang po natin yung mga bad words sa ating isipan.

Heto na po ang aking saloobin at obserbasyon, sa paglibot libot ko sa ibat ibang lugar at pakikisalamuha sa ibat ibang lahi tungkol sa relihiyon tulad ng moslem, buddies, catholic, etc. lahat po yan ay iginagalang ko sa kanilang paniniwala, basta po ang aking paniniwala tulad din ng sinabi ng isang guest ang lahat ng ibat ibang klaseng samahan maparelihiyon o pulitika nangangailangan palagi ito ng pondo at yan ay si juan de la cruz, si george washington, king fahadh, o kahit anong nakatatak sa finacial paper kailangan ito para lumawig o tumatag ang lsang samahan.

Ako po hindi sumasanib sa ibat ibang break away preacher na nagtatayo ng sariling samahan na sa aking obserbasyon sa kalaunan sila yung nagiging bilyonaryo dahil po sa nakikita ko yung mga donasyon at abuloy na galing sa miyembro eh di kinakaltasan ng tax. ako po ay nakikinig din sa ibang individual na mahilig makipag debate tungkol sa kanilang lecture na natutunan sa librong palagi nilang tangan. iginagalang ko po yan sa kanilang paniniwala yung magandang paliwanag at makatotohanan na pwedeng iaplay sa pang araw araw na nangyayari ay aking pinupulot, di po ako mahilig magsimba pero nagdadasal din po ako in my own way.

Sabi nga ni kuya kim ang buhay ay weather weather lang parang gulong.

HAPPY MOTHERS DAY PO.

Salamat po

always

winston

simple lang itong sa internet di ba pera din ang kailangan para tayo ay magpalitan ng kuro kuro at makibasa o magreserch.
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
juan dela cruz
Guest





PostPosted: Sun May 11, 2008 12:52 am    Post subject: Reply with quote

winston papangalanan ko na lang ang sarili kong juan. Akoy isang katoliko at akoy humihingi ng tawad kung sakaling nakarating sa ganito ang discussion. pero magandang pag usapan. ako po ay naniniwala at nananampalataya sa DIOS. Tony alam ko sa catholic school ka graduate. wala sa religion ang usapan kundi sa PERA.

sa mga mambabasa siguraduhin lang po natin na di mapapanood ng mga bata at bata sa pananampalataya ang video.

gumaganda po ang usapan di masyado boring. may sense; di puro pagbati; may idea; may puso; may relihiyon; baka magkaron din ng politika; mukha iisa lang ang kulang PPEERRAA!!!!!!!!!!

lubos na gumagalang,
JUAN DELA CRUZ
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jun 25, 2008 11:21 am    Post subject: Reply with quote

tony b.,

yungvideo mo sa you tube namatay na kinailangan din kaya ng pera sa libing? sa palagay mo heaven or hell? si george carlin ba yun? sana mabasa mo ito.
Back to top
TonyB
Guest





PostPosted: Wed Jun 25, 2008 7:18 pm    Post subject: george carlin Reply with quote

Anonymous wrote:
tony b.,

yungvideo mo sa you tube namatay na kinailangan din kaya ng pera sa libing? sa palagay mo heaven or hell? si george carlin ba yun? sana mabasa mo ito.


oo nga. oo kailangan ng pera pero palagay ko marami siya nun dahil malakas ang "raket" niya nung nabubuhay pa siya. but at the end of the day, ke meron o wala, i am sure hindi na nya yun problema dahil sobrang payapa na niya ngayon.

ps: di sa akin yung video. ni-link ko lang.
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jun 25, 2008 11:01 pm    Post subject: Reply with quote

tony b,

Sa fiesta kelangan mo din ng pera pero alam ko din madami ka nuon madami ka din raket eh. hehehehehe. sabi mo nga malayo man kalapit bahay din mamiesta ko sa inyo ha?

Sa mga readers di bat pera din ang kelangan ng tao at ng simbahan kapag fiesta? sabagay yung ibang simbahan madaming kita pag fiesta kasi marami ang nagpapabinyag sa arw na iyon.

PPPPPPPPPPPPPEEEEEEEEEEERRRRRRRRRRRRRRRAAAAAAAAAAA!!!!!!!!
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Dec 12, 2008 7:26 am    Post subject: Reply with quote

talaga yata na pera lagi ang usapin sa lahat ng pangyayari syempre relate ko na ito sa kriminalidad na nangyayari. abay si concern citizen gumastos ng malaki para magkaroon ng katarungan ang kanyang kapamilya. may guest na humihingi ng tulong kung may pera daw ako ay tulungan ko ang pulis. lahat ng pilipino na nagbabayd ng buwis(pera) ay tumutulong sa pag supil ng buwis. ang tanong ko ay ito."kung nagbabayad tayo ng buwis di may PERA ang kinauukulan saan napupunta ito? kung makapag post ka sana concern citizen ng financial report ng budget sa pag sugpo sa kriminalidad. baka tama ka kulang ang pondo kaya mabagal ang usad ng mga kaso.

isa pa ding patunay na lahat ay alipin ng PPPEEERRRAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

JUANTAMADDELACRUZ
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Dec 12, 2008 9:03 pm    Post subject: Reply with quote

isa pa ding patunay na lahat ay alipin ng PPPEEERRRAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

JUANTAMADDELACRUZ[/quote]


Tama ka jan PERAAAAAAAAAAAAAA ang umaalipin sa mundo ang lahat ay pinaiikot ng pera.

No money no honey....


Ay naku naku naku ha! Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sat Dec 13, 2008 12:04 pm    Post subject: ay sorry Reply with quote

Sorry po, ngayon ko lang nakita itong pakiusap mo...eto po, click nyo itong link na ito at dito ay makikita nyo ang lahat ng chapter/verses na may salitang "salapi"

http://www.biblegateway.com/ke.....rdsonly=no




Anonymous wrote:
wala po ba tagalog dadaludy para mas
madali at mas naiintindihan?

_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sat Dec 13, 2008 4:29 pm    Post subject: Links of the Bible Reply with quote

NayDaluds,

Thank you for posting those links with the Words of God
and The Bible. ( hindi pera ang interest ko doon.. Smile ).
Its only now I found how long in details those Chapters and verses of the bible, because there are some verses that I always
used to remember daily and that I don't know what chapter or verses that are inter-related.
God Bless! We will include your Sister Yves in our daily prayers.
Best Regards,
BenynoT
P.S. May nai-send na baga si Beny na mga pictures sa iyo? sure, you'll be surprised...meron pa namang mahihigop na sabaw.... Laughing
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Inspirational and Spiritual All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group