PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Natatanging mga Mag-aaral 2008

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed May 14, 2008 3:44 am    Post subject: Natatanging mga Mag-aaral 2008 Reply with quote

Noon pong nakaraang Mayo 9, 2008 Biyernes ng gabi ay nagbigay ng Parangal at pagkilala ang Pamahalaang Lokal ng Paete sa mga mag-aaral na nakakuha ng mga pangunahing karangalan sa elementarya at sa sekondarya, pampubliko man o pribado dito sa bayan ng Paete. Ganun din ang mga kabataang taga Paete na nagtapos sa kolehiyo. Ito po ay gagawin na taon taon.

Ito po ay batay na rin sa suhestiyon ni Dr. Robert Luna, ang ating District Supervisor, upang magsilbing inspirasyon ng ating mga kabataan at mga magulang na rin sa kanilang pagpupunyagi na magkaroong ng magandang edukasyon ang ating mga kabataan.

May nakarating pong impormasyon na marami daw pong nagtapos sa kolehiyo ang hindi napasama sa mga binigyan ng pagkilala. Humihingi po kami ng paumanhin sa mga hindi naabisuhan sa nasabing okasyon sa kadahilanan medyo durut na at nagkalituhan pa sa sistema kung paano kakalapin ang mga pangalan ng mga kabataang taga Paete na nagtapos ng kolehiyo. Sa susunod pong taon ay gagawa po kami ng mga pamamaraan upang lahat ng magtatapos ay mabigyan ng kaukulang pagkilala at mas lalo pang pagagandahin ang programa. Muli po ang aming paghingi ng paumanhin sa mga pagkukulang na inyong mapapansin.







Arnel Macabasco ng I.E.S., Ma'm Warlita A. Valdellon ng Q.E.S.,Ma'm Flor B. Adea ng ELC, Ma'm Glocedy Adefuin ng P.E.S., partly hidden po si Jeff B. Cagandahan ng Mother of Eucharist at ang mga Konsehales sa harapan.




Dr. Robert Luna, District Supervisor


Kapitan ng mga Barangay kasama si Pastor Lito Acupan


Mayor Cadayona habang nagbibigay ng kanyang pananalita.






Ma'm Warlita Afuang Valdellon, habang nagbibigay ng kanyang pananalita matapos gawaran ng pagkilala ng Pamahalaang Bayan ng Paete sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa larangan ng edukasyon sa bayan ng Paete. Siya po ay kareretiro lang noong nakaraan niyang birthday.








Una pong ginawaran ng pagkilala ang mga kabataan natin na nagtapos sa kolehiyo. Habang tinatawag po ang pangalan isa isa ay inihatid po ng kanilang mga magulang sa entablado.


Binigyan din po ng medalya si Nerizza Acantilado Valdellon, Cum Laude- UP Diliman for AB Psychology.


Heto na po yung lahatang kuha ng mga nagtapos sa kolehiyo.




Sumunod po ay ang sa tatlong pampublikong mababang paaralan at ang elementary dept. ng ELC. Mga nagkamit ng mga pangunahing karangalan.


Then kasunod po yung sa mga pribadong paaralan.


Si Jun Balandra po ang tumayong emcee.




Heto naman po yung sa high school (Private and Public).


Grupo ng high school (ELC) kasama si Ma'm Flor B. Adea. Nag uwian na po yung iba kaya hindi ko nakunan ng larawan.


Merlson Bagamano at ang kanyang Nanay para sa high school.


Nakunan ko din ng larawan ang mag ama ni Jun Cajumban. Nagtapos po ng nursing ang kanyang anak.



p.s.

Ihabol ko na lang po yung kumpletong tala ng mga nabigyan ng pagkilala. Wala pa po sa akin yung listahan.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Wed May 14, 2008 7:50 pm    Post subject: Reply with quote

teka! teka! bakit naman po yata may isang eskwelahan na pribado na di kasama? aba ipaliwanag po nyo ng mabuti yan. ang alam ko eh sa pangalan pa lang ng eskwelahan ay nakatatak na ang PAETE. teka 2 yt? sa hi- way at sa patio yata yung mga yun. please explain? hayyyy. alalalahanin may mga magulang na naduon ang mga anak. kelan ba ang next election?

nagtatanong lang po?????? Mrs. Imelda Basa Avino; Mr. Abet Kagahastian? Ano sa palagay nyo tama ba ako?
Back to top
Guest






PostPosted: Wed May 14, 2008 7:55 pm    Post subject: Reply with quote

sana meron lahat picture hehehehe para mas masaya mas proud di ba?

salamat sa inyong post.
Back to top
jccadang
Guest





PostPosted: Wed May 14, 2008 10:11 pm    Post subject: Congratulations!!!! Reply with quote

Jobelle at sa lahat ng pinarangalan,

Nawa'y ito'y maging inspirasyon ninyo sa darating pang mga araw, at maging magandang ehemplo para sa ibang kabataan na nagnanais na makapagtapos ng pag aaral. Nerizza, again, Congrats! at sa aking pinsan na si Jobelle Cosico Cajumban, wow! i'm so proud of you! more power!give my sweet kisses to your 2 bundle of joys, pati rin kay Judelyn Cosico Cajumban, Congrats!!!

'te jo
Back to top
Guest






PostPosted: Thu May 15, 2008 9:57 pm    Post subject: Reply with quote

ano na po ang nangyari sa pahabol bakit po di na nadagdagan? saka bakit po di nyo sagutin kung bakit wala yung sinasabi ng isang guest? halimbawa po at kayo ang magulang ng mga nasabing batang dapat ikarangal at di man lamang nabigyan pansin o di man lang naimbitahan ano po ang mararamdaman nyo?
matanong nga kita vice sino po ang organizer ng program? saan nag-aaral ang mga anak mo? kasama ba sa dapat ikarangal? paki sabi po sa organizer sa susunod sana lahat kumpleto. lahat po ba pinarangalan ay puro taga paete?

nagtatampo,
Bai Ay Oohh
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri May 16, 2008 2:05 am    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
teka! teka! bakit naman po yata may isang eskwelahan na pribado na di kasama? aba ipaliwanag po nyo ng mabuti yan. ang alam ko eh sa pangalan pa lang ng eskwelahan ay nakatatak na ang PAETE. teka 2 yt? sa hi- way at sa patio yata yung mga yun. please explain? hayyyy. alalalahanin may mga magulang na naduon ang mga anak. kelan ba ang next election?

nagtatanong lang po?????? Mrs. Imelda Basa Avino; Mr. Abet Kagahastian? Ano sa palagay nyo tama ba ako?


Kung ang tinutukoy mo base sa dalawang pangalan sa itaas ay ang Paete National High School o PEQMNHS at Liceo de Paete, narito pong muli yung ipinost kong picture.


Heto naman po yung sa high school (Private and Public).


Kasama po sila sa larawan at nabigyan ng pagkilala.

Paumanhin po kung ngayon lang nakatugon, maghapon pong brown out dito sa Paete.

Muli po ang paghingi ng paumanhin!!!



p.s.

Hindi ko po ugaling sumagot sa posting ng ayaw magpakilala. Kaya't huwag po sana kayong umasang sasagot akong muli kung hindi kayo magpapakilala.

Salamat po!!!

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo


Last edited by mutuk on Fri May 16, 2008 3:16 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri May 16, 2008 2:45 am    Post subject: Reply with quote

Heto po yung tala ng mga mag aaral na kasama sa binigyan ng parangal

Elementary/Mababang Paaralan

Paete Elem. School
First Honor - Rabin, Marc Neil Reynan Cainto
Second Honor - Caraan, John Carlo B.
1st Hon. Mention - Camama, Reham Snow A.


Quinale Elem. School
Valedictorian - Baisas, Jazmin L.
Salutatorian - Abigan, Rodelyn Abigail W.
1st Hon. Mention - Umali, Kenneth Anthony T.


Ibaba Elem. School
First Honor - Popatco, Rhana Mae Cadapan
Second Honor - Romulo, Rozette D.
Third Honor - Velasco, Rea Sarra R.


Papatahan Elem. School
First Honor - Samson, Angelika L.
Second Honor - Gacer, Kevin L.
1st Hon. Mention - Ac-ac, Mary Cris B.


Eastern Laguna Colleges
Valedictorian - Adante, Rodelyn Robles


San Antonio Abad School
First Honor - Albunag, Ira Mari M.
Second Honor - Baldemor, Irah Lynne L.
Third Honor - Acupan, Jannah Marie P.


Paete Nativity Montessori School
First Honor - Carual, Gerardo Jr.
Second Honor - Ordiales, Naomi Umali
Third Honor - Adao, Frandeliz Adea


Mother of the Eucharist and Grace Montessori School
Gold Medalist - Ballares, John Aaron
Silver Medalist - Madrigal, Ana Regina
Silver Medalist - Cagayan, Karl Rodenson

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri May 16, 2008 3:03 am    Post subject: Reply with quote

Heto naman po yung sa High School

Poten & Eliseo Quesada Memorial National High School
Valedictorian - Eduvije, Junjun M.
Salutatorian - Sasa, Mark Anthony B.
1st Hon. Mention - Faraon, Arjay G.
2nd Hon. Mention - Valdecantos, Emerson A.
3rd Hon. Mention - Lazaro, Elydith D.


Liceo de Paete
Valedictorian - Valdellon, May Aster A.
Salutatorian - Caguin, Seychelle A.
1st Hon. Mention - Valdellon, Samuel S.


Eatern Laguna Colleges
Valedictorian - Cabanero, Giane Valerie U.
Salutatorian - Asido, Chikie V.
1st Hon. Mention - Baet, Mary May C.
2nd Hon. Mention - Terrel, Kristine R.
3rd Hon. Mention - Pagalanan, Joneth R.


Balian National High School
Salutatorian - Ongtauco, Mary Cris

San Juan National High School
1st Hon. Mention - David, Joel A.

Little Sheperd Business & Science High School
Medalist - Dejelo, Jennalyn F.
Medalist - Bonsol, Daniele Angela B.
Honor - Acupan, Ma Trishia Erica C.
Honor - Bagamano, Merlson T.


St. Vincent de Paul Montessori & Science High School
3rd Hon. Mention - Acupan, Arianne Marie P.
9th Hon. Mention - Villanueva, Charen L.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Sat May 17, 2008 1:31 am    Post subject: Reply with quote

ok
Back to top
JOBERTH
Guest





PostPosted: Sun May 18, 2008 5:35 pm    Post subject: GREETING Reply with quote

CONGRATULATION!!!!!!!!

JOHN AARON CAGANDAHAN BALLARES


KEEP THE GOOD WORK


MOMMY & DADDY [/b][/i][/quote]
Back to top
flor bagabaldo adao
Guest





PostPosted: Thu May 22, 2008 8:40 am    Post subject: CONRATULATION!!!!! Reply with quote

HI, JAM,
CONGRATULATION! WE ARE VERY PROUD OF YOU.
From Florida and Chicago w/ LOVE,
THE ADAOS n THE ROQUES
Back to top
:)
Guest





PostPosted: Tue Jul 27, 2010 11:31 am    Post subject: Re: GREETING Reply with quote

JOBERTH wrote:
CONGRATULATION!!!!!!!!

JOHN AARON CAGANDAHAN BALLARES


KEEP THE GOOD WORK


MOMMY & DADDY [/b][/i]
[/quote]


Congratulations always comes with an S Smile
Friendly reminder lang po.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group