PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PAETE: MAY HUSTISYA PO BAGA TAYO?
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Fri May 30, 2008 3:25 pm    Post subject: PAETE: MAY HUSTISYA PO BAGA TAYO? Reply with quote



Ano nga baga ang hustisya?
Sino nga kaya ang may alam ng hustisya?
Hustisya ayon sa mga mayayaman?
O, hustisya ayon sa mga mahihirap?

Paano pa ang hustisya pampolitiko?
At sa mga hukom na nagsipag-aral nito?
Aba'y kay daming pagpipilian, nakalilito ito.
Paano kung hubad ka sa kaalaman, anong sasapitin mo?

Sa mayayaman syempre PERA ang paiiralin nito.
Sa politiko ano pa ay di mga kakilala sa LIPUNAN po.
Sa mahihirap, ay ano?, BILANGGUAN ang kalaban mo!
Sa palagay mo PAETE nangyayari baga ang mga ganito?

Maiituwid pa baga ang ganitong kamalian?
Lalabas pa rin kaya ang katarungan?
Ano ang dapat nating gawin?
At sino ang karapat-dapat na tanungin?


_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri May 30, 2008 4:56 pm    Post subject: Hustisya! Reply with quote


may kabigatan ang iyong katanungan
sino nga kaya ang kakapa ng kasagutan
ang babaeng may hawak ng timbangan
takip ang mata't nakadilat sa kadiliman

kung iisa isahin ang bawat batas ng tao
unang hihilingin ang anumalya'y maiwasto
na sana batas lang ng nasa itaas ipalit dito
ng mangibabaw ang banal na pinag uutos nito



muzta na! kararating ko lang galing sa work...mukhang inaanay na ang aking utaksky, kailangan ihasa uli...hahahakablag!
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sat May 31, 2008 12:12 am    Post subject: Re: PAETE: MAY HUSTISYA PO BAGA TAYO? Reply with quote

Kadalasan, ang hustisya ay kayang baluktutin
Sa utak ng mga baluktot, tatapakan ka't tatakutin
Gagamitin ang kwuarta, para tao ay paikutin
Mga kinawawang tao, di malaman kung ano, ang sasapitin.

Pero mabait ang Panginoon, may mga taong gagamitin
Para ang hustisyang baluktot, pwede ring harangin
Sa mga taong ginamit, salamat at ating ipanalangin
Sa oras ng Panginoon, panalangin natin ay sasagutin.

Ako'y may kilala, isip pala niya ay baluktot
Tsk tsk tsk, kay haba pala ng kanyang buntot
Mga taong nagsisilbi, kanya palang tinatakot
Aalisan ng trabaho't sasagasaan ang panakot!

Ang para sa gobyerno, ibigay ng mahusay
Ang para sa emplyeo ay ibigay din ng matiwasay
Ang para sa Panginoon, ibigay ng buong buhay
At ang para sa sarili, ibahagi sa mga walang buhay.

Katoto, mapa Paete, o ibang bansa, merong taong ganyan
Mayaman man o mahirap, inuuna'y kanilang kaligayahan
Marami din naman, ang mga taong may kinatatakutan
Hustisya ng Panginoon, lahat tayo ay kikilabutan.

Kung ako ang tatanungin, merong tamang paraan
Mga taong kinakawawa, walang dapat katakutan
Huwag itikom ang bibig, ibando ang nalalaman
May mga taong darating, at sila ay tutulungan.

Itong tao kong tinukoy, siya'y isang taga Paete
Mayaman at kilala, at isa pa siyang negosyante
Mga kawawang tauhan na nagsalita, sila'y sinisante
Binaluktot ang pangyayari, binintangan pa ang siste!

Abugado nyang ubod ng yabang, pinag-aralan ay ipinagyabang
Matagal na raw syang abugado, kaya marami raw alam
Subaybayan natin itong kaso, ang hustisya'y ating idalangin
Para sa bayan ng Paete, ang hustisya ay paunlarin!






Brunenette wrote:


Ano nga baga ang hustisya?
Sino nga kaya ang may alam ng hustisya?
Hustisya ayon sa mga mayayaman?
O, hustisya ayon sa mga mahihirap?

Paano pa ang hustisya pampolitiko?
At sa mga hukom na nagsipag-aral nito?
Aba'y kay daming pagpipilian, nakalilito ito.
Paano kung hubad ka sa kaalaman, anong sasapitin mo?

Sa mayayaman syempre PERA ang paiiralin nito.
Sa politiko ano pa ay di mga kakilala sa LIPUNAN po.
Sa mahihirap, ay ano?, BILANGGUAN ang kalaban mo!
Sa palagay mo PAETE nangyayari baga ang mga ganito?

Maiituwid pa baga ang ganitong kamalian?
Lalabas pa rin kaya ang katarungan?
Ano ang dapat nating gawin?
At sino ang karapat-dapat na tanungin?


_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Sat May 31, 2008 10:13 pm    Post subject: Re: PAETE: MAY HUSTISYA PO BAGA TAYO? Mga Katoto... Reply with quote

Katoto kung ako ang iyong tatanungin
Iisipin ko muna kung dito ko sasagutin
Sa aking katayuan na dukha at alipin
Baka 'di lang bato at bala pa aking abutin!

Bakit nga ba si "Hustisya" ay laging nakapiring
Anong kahulugan nito't ni ayaw s'yang pasilipin
Katarungan nga ba'y pantay maging sa alipin
O para lang sa mayroong pilak na tumataginting?

Daluds 'yong tinuran ay kilala ko rin
Noong una sa kanya ako'y humanga rin
Yaman niyang hawak mura pa ng kamtin
Kapangyarihan 'di ko akalain kanyang abusuhin!

At para sa 'yo "Ginoong Pinagpala"
Kay laki na ng lamang mo sa mga aba at dukha
Bawa't taong inapi mo't pinaluha
Sa kada patak nito'y katumbas isang timba!

Paka-ingatan mo nakamit mong biyaya
Sa ihip ng hangin kay dali nay-ang mawala
Kung may TALINO ka't marunong magpakumbaba
Lahat ng iyan sa iyo ay 'di mawawala!

Ang lahat ng simula ay mayroong katapusan
Pagdating ng oras sa isa ka lang may pananagutan
Siya ang huhusga sa mga may kasalanan
Hustisya ay doon mabibigyan ng kasagutan!



Brunette, Shebunsoy & Daluds...nabuhay yata kayo (tayo pala) dito sa tulaan ah! Laughing Wink Very Happy Laughing
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Sun Jun 01, 2008 9:01 am    Post subject: Reply with quote


Salamat-salamat mga katoto
Ngayon ay malinaw na't totoo
Mga katanungan inihain sa inyo
Nang maisambulat sa buong mundo!

Bai!, baling-bali pala
Di ko maisip na magagawa
Niyang manghamak ng kapwa
Sa sinabi ninyo'y natulala!

Ako'y nababahala sa tuwi-tuwina
Di mapakali ang laging nadarama
Takot sa dibdib aking inaalala
Baka isa sa aking pamilya'y mapagdiskitahan din nya!

Ipagpaumanhin kung naiiyamot ka na
Sa kakulitan kong aking ipinadadama
Ayokong makita na maging kaawa-awa
Isa sa anak ng bayang kong sinisinta!

Marami pa sana akong katanungan
Na inihihiyaw naring isipan
Subalit ayokong mawalan ng kabuluhan
Kung walang patid kong igigiit ang KATARUNGAN!

Bato-bato sa langit 'wag magagalit
Lumingon ka naman sa iyong pinagmulan
Baka ika'y nakakasagasa at nangdadawit
Nang mga taong nagmalasakit at ika'y pinagsilbihan!

_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sun Jun 01, 2008 10:31 am    Post subject: Biktima din Niya Reply with quote

Alahoy! mga kablagers naming kasama,
Itong partner ko'y biktima din niya,
Katarantaduhan niya'y malaman ng masa,
Nitong tao'y na siya nating tema.

Kapirasong lote sa highway gusto'y mapasakanya,
Na gustong daanin pa sa pambabarako niya,
Sa pamamagitan ng kapangyarihang pulitika,
Pagkamakasarili'y todong tamasa niya. Sad

Hala na mga kablaggers! tumbok na talaga kung sino siya at sana nama'y matauhan siya, ganon din ang mga kapanalig niya!
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sun Jun 01, 2008 1:10 pm    Post subject: Magandang Umaga Reply with quote

Magandang umaga, itong bati sa inyo
Sa tinuran mo Dolora, na dapat ibando
May mga papeles, para patunayan ito
Maghintay lang tayo, at darating na dito.

Pagbaba ng hatol, sa nakasampang kaso
Pwede nating ilahad, mga kabulastugan nito
Ano kaya ang gagawin, ng lokong ito
Baka tayo'y ulanin ng bala, yuko mga katoto!

Pamilyang nasa Paete, paalalahanan natin
Sila'y mag-ingat, lagi nating ipagbilin
Baluktot na hustisya'y dapat na unatin
Pamunuan ng bansa'y dapat na gisingin.

Kasagutan sa "paano?" sagot ko'y ewan ko
Pagbabago ng tao, pagbabago ng mundo
Sa puso't isip, sa diwa't kaluluwa ng tao
Takot sa Panginoon, ito'y kusang tutubo.

"Kailan kaya?" katanungang nasa isip
"Ano pa ang kasunod?" agam-agam ng dibdib
Kaya sa Panginoon, tayo'y yumakap ng mahigpit
Sa KANYANG pagdating, pagbabago'y makakamit.
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Bulanggugo
Guest





PostPosted: Mon Jun 02, 2008 12:50 pm    Post subject: Katarungan? Reply with quote

Habang nagbubulag-bulagan inaabusong kababayan
At sa mga naririnig iba’y nagbibingi-bingihan
Kainlanma’y di makakamit ang hangad na katarungan
Kapalaluan ay sisidhi, lalawak ang kaapihan.

Maari mong lokohin ang lahat ng tao sa isang pagkakataon
May mga tao ka ring maloloko sa lahat ng panahon
Subalit lahat ng tao’y di mo maloloko sa habang panahon
Kasamaa'y malalantad kasama na ang paghatol.

“Gulong ng palad, ang buhay ay gulong ng palad
Ang hantungan, ang kapalaran, kung minsan ay nasa ibabaw
Gulong ng palad, ang buhay ay gulong ng palad
Ang hantungan, ang kapalaran, kung minsan ay nasa ilalim.”

Maaaring hindi ikaw parusa ay siyang magpataw
Ngunit tiyak na darating parusang makatarungan
Walang makakaligtas, lahat dadaan sa timbangan
Mayro’ng siyang mahuhulog sa apoy na di maparam.

Dahil ako’y matagal nang sa bayan ay nalayo
Pinag-uusapan dine di lubos na matanto
Wala akong mabanaag pangalan man o anyo
Ngunit nakikiramay sa nagdurugong mga puso.
Back to top
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Mon Jun 02, 2008 4:58 pm    Post subject: Re: Katarungan? Reply with quote

Karugtong nitong pusod ang naapi't niyurakan
Tamang ipinaglalaban binabaligtad ng may kasalanan
Pasalamat ko sa Itaas 'di kami pinababayaan
Mga kamag-anak at kaibigan kami ay tinutulungan.

Tunay ka Kaka kasamaa'y malalantad at ito'y pagbabayaran
Kung dito man sa lupa kaya ninumang maghari-harian
Sa biyayang tinanggap naging palalo't gahaman
Sa tunay na Hukom ito'y kanyang pananagutan!

Hiling ko mga katoto, hinay-hinay, dahan-dahan
Medyo may kabigatan itong aking pinapasan
Baka bigla akong itulak, 'di ninyo ma-agwantahan
Kap'wa tayo timbuwag kapag tayo'y nadaganan!
[
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Tue Jun 03, 2008 12:50 am    Post subject: Sana'y matauhan ka Reply with quote

Ginoong Pinagpala, hiling nami'y matauhan ka
Makipag areglo sa manggagawa't mapapatawad ka
Kasong isinampa mo, pwede bagang alisin mo na?
Alam mo namang di totoo, akala mo ba'y may laban ka?

Hindi ko akalain, ganyan ka pala
Ang buong akala ko'y, nasa iyo ang pag-asa
Respeto ko sa iyo'y naparam, nawala na
Mag isip isip ka naman, habang mundo'y andito pa.

Mga paslit na umaasa, sa mga mahal na ama
Mga walang muwang pa, sa ginawa mo sa kanila
Dapat nilang malaman, ito'y gawaing masama
Para paglaki nila'y mangagsilaki ng tama.

Ang ginawa mo sa ilang tauhan, iwasan sa natitira
Gawaing ganya'y, may "balik" na kasama
Aking ipagdarasal, pagbabago mo'y mag umpisa
Kaya Ginoong Pinagpala, matauhan ka naman sana.
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Wed Jun 04, 2008 1:08 am    Post subject: Dingin! wala silang karapatan... Reply with quote




alay ko ito sa lahat na umaasa ng isang katarungan...
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Dt
Guest





PostPosted: Fri Jun 06, 2008 2:55 am    Post subject: May Amoy Reply with quote

sa duyan ko akoy u-ugoy-ugoy
sa inyong tinuran nahulog ako tuloy
seryoso yata at mabigat ang daloy
sino baga ang inyong tinutukoy?
pakibulong nyo muna mga katotoy
at may kabahuan nga yata itong na-a-amoy!
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Fri Jun 06, 2008 2:36 pm    Post subject: Re: Dingin! wala silang karapatan... Reply with quote

Daplag timbuwang, ng ito ay mapakinggan
Talagang ikaw bunso'y maraming nalalaman
Gusto kong gayahin, magkanta sa halamanan
Pang-alis ng inis sa walang katarungan!

Bwuahahahaha ih ih ih bali ka, sa halip na tumula ay kumanta ang sagot mo...kablag!
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri Jun 06, 2008 3:20 pm    Post subject: hahahahakablag! Reply with quote


baina ayaw gumana ang utaksky
napuno ng sangdamukal na aligi
naghanap ng bagay na iha-halili
ika nga baka sa kanta sya madali

waaaaaaaaaaahhhh!!! balita ko nga daluds giliw na giliw ka daw...hahahakablag! muzta na! nung isang gabi pa ako gustong mag shovel kaso di nakisama ang modem ko...bai bali kala ko pc ko na ang namayapa...anyway kanina lang dumating yung bago...sya hinahanap ko pa yung isang bagay sa kanya...hahahahakablag!

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Fri Jun 06, 2008 10:37 pm    Post subject: Re: hahahahakablag! Reply with quote

kahit may problema tuloy pa rin ang saya
sige nga bunsoy tumula ka't kumanta
baka masamang hangin iyong masansala
ng aming damdamin nama'y guminhawa! Laughing

bwahahahaha...dt bakit pa namin ibubulong
sagot ko'y nand'yan na sa dulo ng 'yong ilong
ano bang inaasikaso mo't hilo kang talilong?
inulan ka na ng yaman, bigyan mo kami ng ambon Laughing

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sat Jun 07, 2008 2:03 am    Post subject: Re: hahahahakablag! Reply with quote

Tisay wrote:
kahit may problema tuloy pa rin ang saya
sige nga bunsoy tumula ka't kumanta
baka masamang hangin iyong masansala
ng aming damdamin nama'y guminhawa! Laughing





hanggang ngayon alipin ako ng aking isipan
mga batang walang muwang ang nahihirapan
larawang nagtatanong at mga matang luhaan
keylan sila pag iintayin ng tamang kasagutan


_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Sat Jun 07, 2008 6:50 am    Post subject: Reply with quote



talagang di na mabago
ang samahang ito
pagkatapos ng kainitan
hare naman at tawanan

maige ngang pakiramdaman
ang marunong tayong maglibang
nang di mapirmis laang
sa isang malaking agam agam

awan di ko na alam ang sinasabi ko
nakakaluka rin itong tumula dito
aba'y pagnapaupo ka na ng todo
kailangan tapusin mo na ng totoo.



_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Tue Jun 10, 2008 10:32 pm    Post subject: Re: hahahahakablag! Reply with quote

Sa kuko ng agila ay mangungunyapit na
Baka ako'y mahulog malingkis ng sawa!!!

bwahahaha...Sheba I'm trying to call you,
hirap mo hagilapin. Regards.





hanggang ngayon alipin ako ng aking isipan
mga batang walang muwang ang nahihirapan
larawang nagtatanong at mga matang luhaan
keylan sila pag iintayin ng tamang kasagutan

[/quote]
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Wed Jun 11, 2008 5:45 am    Post subject: Re: hahahahakablag! Reply with quote

Tisay wrote:
[color=green][i]Sa kuko ng agila ay mangungunyapit na
Baka ako'y mahulog malingkis ng sawa!!!

bwahahaha...Sheba I'm trying to call you,
hirap mo hagilapin. Regardsr




abba nakita mo na ba yung sawa sa exotic
sus ginoo ang kanyang mata'y nakapilantik
hahahakablag! akala siguro'y isa akong itik
sa takot ko nagmistula tulo'y akong hantik

Tnemz kelan ka baga natawag? mas madalas pang gabi ako ngaun...mamaya aalis ako manonood ng fussball (soccer) switzerland vs turkei

Nett may laro din ang portugal, kalaban ng tschechen...toi toi paki sabi kay Tony...salute!
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Wed Jun 11, 2008 8:18 pm    Post subject: Re: hahahahakablag! Reply with quote

eve19612000 wrote:
Tisay wrote:
[color=green][i]Sa kuko ng agila ay mangungunyapit na
Baka ako'y mahulog malingkis ng sawa!!!

bwahahaha...Sheba I'm trying to call you,
hirap mo hagilapin. Regardsr




abba nakita mo na ba yung sawa sa exotic
sus ginoo ang kanyang mata'y nakapilantik
hahahakablag! akala siguro'y isa akong itik
sa takot ko nagmistula tulo'y akong hantik

Tnemz kelan ka baga natawag? mas madalas pang gabi ako ngaun...mamaya aalis ako manonood ng fussball (soccer) switzerland vs turkei

Nett may laro din ang portugal, kalaban ng tschechen...toi toi paki sabi kay Tony...salute!



Shebaski...Nadagit na ng Agila ang isang tandang
Sisiyap-siyap na mga sisiw at inahin 'di na kinahabagan
Bakit kaya hindi isang "dragon" kanyang pag-initan?
Mga maliliit at yagit lamang itong kina-kayang kayanan!

Nette...bravo Portugal Wink
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Wed Jun 11, 2008 8:33 pm    Post subject: Re: Sana'y matauhan ka Reply with quote

dadaludy wrote:
Ginoong Pinagpala, hiling nami'y matauhan ka
Makipag areglo sa manggagawa't mapapatawad ka
Kasong isinampa mo, pwede bagang alisin mo na?
Alam mo namang di totoo, akala mo ba'y may laban ka?

Hindi ko akalain, ganyan ka pala
Ang buong akala ko'y, nasa iyo ang pag-asa
Respeto ko sa iyo'y naparam, nawala na
Mag isip isip ka naman, habang mundo'y andito pa.

Mga paslit na umaasa, sa mga mahal na ama
Mga walang muwang pa, sa ginawa mo sa kanila
Dapat nilang malaman, ito'y gawaing masama
Para paglaki nila'y mangagsilaki ng tama.

Ang ginawa mo sa ilang tauhan, iwasan sa natitira
Gawaing ganya'y, may "balik" na kasama
Aking ipagdarasal, pagbabago mo'y mag umpisa
Kaya Ginoong Pinagpala, matauhan ka naman sana.



Mga katoto...

Nais na tayo ay pigilan na sabihin ang ating nalalaman
Bakit nga kaya palalo'y 'di kayang tumanggap ng katotohanan
Taliwas sa wasto takbo ng kanyang isipan
Sa tamang dapat makita ay nagbubulag-bulagan!

Anong tamang sagot ba?, sa inyo itong tanong
"Maka-Diyos at Maka-Tao" nga ba itong kanyang bugtong?
Puso kaya ay nasaan, isipan ay anong bulong
Paano ko sasabihin tunay nga kanyang layon?

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Thu Jun 12, 2008 9:11 am    Post subject: Reply with quote



"MAKA-DIYOS AT MAKA-TAO"!
Isang pangakong napako
Mahirap maging hambog at di makatotoo
Ikaw ang gumawa ng ikapupula sa sarili mo.

Huwag na laang sanang gamitin
Pangalan ng ating AMA
Sapagkat "PAG-IBIG" ang gusto NYA
Dumaloy sa mga ugat natin.

Kung ikaw ay nagtanim
Ngayon sana'y may aanihin
Ngunit sa asal na ipinakita
Sa palagay mo'y kakampihan ka?

Mga katwirang ipinaiiral
Puro mga baluktot, walang aral
Bakit kailangang sabihing, BALIKTARIN?
Ang gustong gawin ng mga salarin.

Sino ngayon ang namumulitiko?
Sino ngayon ang gumagamit ng mga katoto?
Na naghahari at tinitingala ng tao
Lahat ng mga ito'y nanggaling sa iyo!

Di mo maiituwid ang mga problema
Sa mali at mga illegal na pamamaraan
Bakit di ka yumuko at magpakumbaba
Baka sakaling pumanig sa iyo ang KATARUNGAN!

_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
DT
Guest





PostPosted: Thu Jun 12, 2008 9:40 am    Post subject: sawa / Samantha Reply with quote

Samantha
by dt

talagang si samantha o
may karamihan ang simbulo
pati si bunsong sheeba ay nalilito

ito baga'y matambok na hita
maladambuhalang batuta
o ahas na may masamang nasa

masarap itong hipuin
himasin pindutin at yakapin
pero ingat at baka ika'y ligkisin

kuwidaw baka ahas ay magalit
manunuklaw at sa iyo ay hahaplit
dudulay na lason, paraiso o buhay ang palit

sa mga exotic dishes ito'y kanditato
di lang ahas nanganganib sa mga koreano
at sa lahat na adobong sawa ang paborito

mamang kutsyero, si samantha'y pakaingatan
mga hayop sa dagat, langit at kabundukan
mabuhay sa mundo'y kanilang karapatan


alay kay samantha ang dambuhalang sawa sa exotic at sa lahat ng nga hayop lalo na ang mga endangered species at kapos ...
...at lalong lalo na alay ko din ito sa mga sawa ng lipunan....
Back to top
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Thu Jun 12, 2008 8:12 pm    Post subject: Re: sawa / Samantha Reply with quote

Nakupo DT pinto'y ikandado mo muna
Baka iyang sawa tunay na magwala na
Lambat na pang-sambot ihanda mo na
Baka 'yan ay mahulog sa balikat na maganda Laughing

Mamang kutsero na kay galing magmaneho
Puro naman kuneho Laughing kanyang pasahero
Sila ang umuubos sa pulot ng kanyang kabayo
Kaya madalas palagay ko siya ay talo Rolling Eyes Laughing












DT wrote:
Samantha
by dt

talagang si samantha o
may karamihan ang simbulo
pati si bunsong sheeba ay nalilito

ito baga'y matambok na hita
maladambuhalang batuta
o ahas na may masamang nasa

masarap itong hipuin
himasin pindutin at yakapin
pero ingat at baka ika'y ligkisin

kuwidaw baka ahas ay magalit
manunuklaw at sa iyo ay hahaplit
dudulay na lason, paraiso o buhay ang palit

sa mga exotic dishes ito'y kanditato
di lang ahas nanganganib sa mga koreano
at sa lahat na adobong sawa ang paborito

mamang kutsyero, si samantha'y pakaingatan
mga hayop sa dagat, langit at kabundukan
mabuhay sa mundo'y kanilang karapatan


alay kay samantha ang dambuhalang sawa sa exotic at sa lahat ng nga hayop lalo na ang mga endangered species at kapos ...
...at lalong lalo na alay ko din ito sa mga sawa ng lipunan....

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Thu Jun 12, 2008 8:16 pm    Post subject: Reply with quote

"Be not deceived; God is not mocked:
for whatsoever a man sow,
that shall he also reap."
Galatian 6:7







Brunenette wrote:


"MAKA-DIYOS AT MAKA-TAO"!
Isang pangakong napako
Mahirap maging hambog at di makatotoo
Ikaw ang gumawa ng ikapupula sa sarili mo.

Huwag na laang sanang gamitin
Pangalan ng ating AMA
Sapagkat "PAG-IBIG" ang gusto NYA
Dumaloy sa mga ugat natin.

Kung ikaw ay nagtanim
Ngayon sana'y may aanihin
Ngunit sa asal na ipinakita
Sa palagay mo'y kakampihan ka?

Mga katwirang ipinaiiral
Puro mga baluktot, walang aral
Bakit kailangang sabihing, BALIKTARIN?
Ang gustong gawin ng mga salarin.

Sino ngayon ang namumulitiko?
Sino ngayon ang gumagamit ng mga katoto?
Na naghahari at tinitingala ng tao
Lahat ng mga ito'y nanggaling sa iyo!

Di mo maiituwid ang mga problema
Sa mali at mga illegal na pamamaraan
Bakit di ka yumuko at magpakumbaba
Baka sakaling pumanig sa iyo ang KATARUNGAN!

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group