PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Talamak na Nakawan
Goto page 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7  Next
 
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Jun 18, 2008 1:33 am    Post subject: Talamak na Nakawan Reply with quote

Nakakaalarma na po ang talamak na nakawan at kaso ng hold-up sa Paete.

Sunud-sunod ang mga nananakawang bahay, establishments at tindahan. Kahit ang PES covered court ay hindi pinalampas kung saan kamakailan ay ninakaw ang lahat ng instalasyon ng kuryente doon. Pati kami ay hindi nakaligtas. Kanina lamang ay aming napag-alaman na nilimas din ng mga magnanakaw ang lahat ng instalasyon ng kuryente sa aming gawaan na nasa Bagumbayan. Lahat ng ilaw, cable, ballasts mula sa loob ng building hanggang sa poste sa labas ay naubos. Malaki yung lugar at hindi iyon kayang gawin ng dalawa o tatlong tao lamang. Ang nakakahiya pa dito, may taga ibang bayan na umuupa sa naturang lugar na nakakapagbigay ng trabaho sa ilang nating kababayan at dagdag revenue sa ating bayan. Sa ngayon ay nag iisip na tuloy silang umalis sa Paete dahil sa naging napakasama nilang karanasan.

Sa mga sementeryo man, wala ka ng makikitang bakal na gate o bintana dahil pati yon ay ninanakaw din. Ang Western Union sa Paete ay nahol-up noong isang linggo. Kanina ay may nahold-up ding burger stand. Mayroon pang eskwelahan na napilitang tanggalin ang mga aircon nila sa mga classrooms habang bakasyon dahil nanakawan din sila ng maraming gamit. Ang mga ito ay nangyari habang katanghaliang tapat.

Ang isa pang higit na nakakaalarma ay ang pagdami ng kaso ng shoplifting sa mga tindahan kung saan ay mga bata ang gumagawa. Sa murang edad nila [mga batang nasa elementrya pa lamang] ay natututo silang magnakaw. Marahil sa sobrang kahirapan ay iyong lamang alam nilang paraan para makaraos. Pwede rin naman na hindi kahirapan ang dahilan kundi ang pagkalulong sa drugs o ang pagka gumon sa masamang bisyo. Maaari ding dahilan ay ang pagpapabaya o ang kakulangan sa pag gabay ng mga magulang sa kanilang mga anak. Nakakatakot at nakakalungkot na kasabay sa pagbaba ng antas ng buhay ng ilan nating mga kababayan ay ang pagbaba din na kanilang moralidad.

Sana ay magkatulungan ang lahat upang malutas ang lumalalang problemang ito sa ating bayan.
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Wed Jun 18, 2008 2:24 am    Post subject: Reply with quote

bakit biglang nawala???

nag log-off ako sandali at bumalik pagkatapos ng wala pag 2 minuto....biglang nawala!
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Jun 18, 2008 3:08 am    Post subject: Reply with quote

I posted this in USAP then logged out. After less than a couple of minutes, I
went back to edit my posting but it was no longer in the sub-topics under USAP.
I clicked the "Last 10 Active Topics" and it was still there but at the
bottom was a note saying "Stop Watching This Topic".

I called Nenett in Paete to ask what was wrong but she could not give me an
aswer because she has no internet connection.

Is this another subtle way to sanitize USAP?

Please clarify.
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Bulanggugo
Guest





PostPosted: Wed Jun 18, 2008 6:28 am    Post subject: Nakakalungkot Reply with quote

Saida,

Ako'y lubhang nalungkot sa iyong isinawalat na totoong nakaka-alarma.

Ang una kong naisip ay ang ating mga barangay na sa mga litrato at gawaing nababasa ko rito ay puno ng sigla at pagkakaisa. Ligaya ko na ang silipin ang mga kasayahan sa mukha ng ating mga kababayan sa walang katapusang okasyon mula sa Salibanda, Mahal na Araw,Santakrusan, Flores de Mayo, Araw ng Kalayaan, Piesta, Pasko at marami pang iba.

Sana ang mga pasinayang ito at gawain sa atin ay hindi naglalayo sa ating mga pamilya, ama at ina sa mga anak. Sana ay hindi rin naaagaw ng mga paghahanda at kasayahan ang mga gintong panahon na dapat ay naiuukol sa mga anak. Sa kabila ng katotohanang maganda at mabuti na pasiglahin at pagyamanin ang mga kinagisnang tradisyon at maging mga kalinangan ng ating bayan, huwag sanang kalilimutan na ang pamilya ang pinakamahalagang pundasyon ng ating bayan.

Saida, hindi ka man pinunong politikal sa ating bayan ay itinuturing kitang pinuno sa ating bayan. Isa ka sa mga ugat na kung saan ay dumadaloy ang pagmamalasakit at pagmamahal sa ting bayan. Halimbawa na ay ang masigasig na pagsuporta mo sa ating mga tagapag-bantay ng katahimikan sa iyong $20 club at ito ay kanais-nais at tunay na kapuri-puri. Ang maging biktima ka sa mga krimeng ito ng pagnanakaw sampu ng ating mga kababayan ay tunay na nakakamuhi. Ang mga kriminal na ito ay kalaban ng ating bayan.

Ang aking katanungan:

Ano ba ang kinalaman ng mga "barangay-tanod" sa pagpapanatili ng katahimikan sa kanilang nasasakupan?

Ano naman ang papel ng PACTAF ukol dito?

Ang mga pulis ng bayan, masinsinan ba ang mga imbestigasyon at may mga "intelligence data" na pinagbabasehan ng mga aksyon?

Napakaliit ng ating bayan at halos lahat ay magkakakilala, marami bang nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan sa katanghaliang tapat o natatakot?

Nagtatanong lang po.
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Wed Jun 18, 2008 2:35 pm    Post subject: Procom Reply with quote

Ano po ang samahang Procom at ano ang kanilang misyon at iba pang gawain na pambayan. Nakikita sa mga parada ang mga membro na may mga dalang radio. Maari po bang malaman kung sila ay under ng ating Kapulisan at kung ano ang tunay na papel sa pambayang katahimikan at kaligtasan laban sa krimen? Sila ba ay suelduhan ng munisipyo?
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jun 18, 2008 4:41 pm    Post subject: Reply with quote

akala ko may mga sundalo na nagkalat sa bayan ng paete? ano ang ginagawa nuon. aba kelangan gawan ng aksyon ito ng kinauukulan. hoy gising!!!!!!!!!

fred falcon.
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Wed Jun 18, 2008 6:48 pm    Post subject: Sino ang dapat magimbistiga? Reply with quote

Noong araw ang mga pulis ay nasa ilalim ng pamamahala ng mayor. Pero ngayon, ang alam ko ay hiwalay na departamento ang mga ito. Samakatuwid, ang hepe ng pulis ang dapat tumingin sa katahimikan ay kapayapaan ng bayan, taglay na rin ang pagsugpo sa mga krimen tulad ng patayan at nakawan. Maari po bang malaman kung anong imbistigasyon ang inyong (Kapulisan) ginagawa tungkol sa mga nabanggit na krimen sa itaas? Mayor Noel, ang pamahalaang bayan ba ay may ginagawa din tungkol sa krimen o ipinamamahala na lang ba ninyo ang mga bagay na ito sa ating mga kapulisan? Kayo ba at ang Kapulisan at ang ating Batasang bayan ay tunay na magkahiwalay na sa mga bagay na ito?
Vice Mayor Mutuk, marami kayong inilalathala araw araw sa ating mga kasayahang bayan, marami kayong litrato ng ating mga kababayang nag gagaraan ang mga kasuotan at mga baranggay tanod at iba pang samahang may mga communication gadgets tulad ng two way radios, mga motorsiklo at iba pang magagaling na gamit pamuksa sa masasamang elemento. Ano po inyong ginagawa naman para mapanatiling tahimik at ligtas ang mga taga Paete sa mga krimen? Sana pakisagot ng mga kinauukulan ang aking katanungan, na alam kong gusto ding marinig na sagot ng ating ibang kababayan lalo na yong mga biktima ng mga naturang pangyayari nitong mga nakaraang mga araw.
Back to top
Vining
Guest





PostPosted: Wed Jun 18, 2008 7:11 pm    Post subject: Reply with quote

AY SUS ! MAS MAAASAHAN PA NGA YATA ANG MGA ALAGANG ASO KAYSA MGA "PACTAF AT BARANGAY TANOD" NA YAN NA PINAPASWELDO PA NAMAN GALING SA BUWIS NG ATING BAYAN.

KAYA DAPAT IENCOURAGE ANG MGA TAGA PAETE NA MAS MABUTI PANG MAG-ALAGA NG ASO SA BAWAT TAHANAN NATIN,BUKOD SA DI NAGREREKLAMO NG ULAM ANG ASO,DI PA HUMIHINGI NG SWELDO.PERO TAPAT NA BANTAY!24 HOURS PA ANG DUTY!

DI BAGA MGA KABABAYAN!
Back to top
Tom Hawk
Guest





PostPosted: Wed Jun 18, 2008 8:16 pm    Post subject: Hoy Gising !!! Reply with quote

Hoy gising!!! Ang ganitong kremin ay hindi pagunahin tungkuling ng Kasundaluhan kundi ito ay siyang pagunahin tungkulin ng Kapulisan.
Tom A. Hawk
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Jun 18, 2008 10:32 pm    Post subject: Re: Nakakalungkot Reply with quote

Bulanggugo wrote:
Saida,

Ako'y lubhang nalungkot sa iyong isinawalat na totoong nakaka-alarma.


Kang Ming,

Maraming salamat at napag tuunan mo ng pansin ang aking posting. Talagang nakakaalarma bukod sa nakakalungkot ang mga pangyayari.

Matagal na yang kaso ng mga batang shoplifers sa atin pero lately ay talagang lumalala. In fact, nagbabalak na nga talaga kaming lumapit sa kinauukulan pero hindi namin alam kung saan o sinong partikular na tao ang dapat puntahan. Is it the DSWD dahil mga minors yung offenders? Though because of their very young age, I consider them not as offenders but as hapless victims. O sa mga school principals kaya, para kahit man lamang mga ilang minuto pagkatapos ng bawat klase o flag ceremony ay mapaalalahanan ng mga teachers ang mga bata ng nauukol sa mga tamang values. I understand meron tayong moral recovery programs sa mga schools but I hate to think na puro lip-service lang yon and the speaker is not credible enough kaya hindi tumatalab.

Sa tanong mo tungkol sa PACTAF. Sa aking pagkakaalam ay dati silang may kaunting pondo galing sa munisipyo. Ng itatag ng nasirang Aurel ang PACTAF at nagsimulang dumagsa ang suporta galing sa ating mga kababayan. Dahil dito, ang kaunting pondo nila ay tinanggal at iniasa na lamang sa mga members ang kanilang mga panggastos.

Ang mga PACTAF ay volunteers lamang at sa pagkakaalam ko ay sa gabi lamang sila rumoronda sa kadahilanang meron din silang mga trabaho sa araw. Humahanga nga ako sa kanila dahil nabibigyan pa nila ng oras ang pagbabantay at pagpupuyat kahit wala silang sweldo. Sumusuporta lamang sila sa mga kapulisan kaya hindi natin pwedeng iasa ng lubusan sa kanila ang katahimikan at kaligtasan ng ating bayan at mamamayan.

Maraming salamat!
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Thu Jun 19, 2008 1:30 am    Post subject: Reply with quote

PWEDE LANG PO HUWAG LAGI PAPOGI POINTS AT PAPOGI SA PARADA AT PATAYO TAYO SA KANTO PARA MANGHULI NG MOTOR, KAYONG LAHAT NA MAY MGA KATUNGKULAN ANG UNAHIN NINYO EH YONG KRIMEN NA NANGYAYARI DITO SA PAETE.. SALAMAT PO!
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Jun 19, 2008 6:20 am    Post subject: wow Reply with quote

woww, grabe,

Yung nakawan sa palagay ko ay nanangyayari noon pa mang araw iba iba nga lang kaparaanan. minsan katabi mo lang pala palagi ang sumasalakay sa isang iglap lang, nakasalisi na pala.

Isipin na lang natin palagi na yung kanang kamay natin pinupukpok si kaliwa kapag gumagamit ng martilyo at yung ngipin natin kapag galit kinakagat si dila, at si kanan paa pinapatid si kaliwa kapag naguunahan sila.

Be vigilant dont trust no one, ang di ko lang matatagap ay ang balitang me holdaper na rin pala kahit sa Paete baka naman po sa susunod ay agaw celpon naman ang madagdag at maging talamak.

ay naku buhay

Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes

salamat po

always
winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Thu Jun 19, 2008 11:50 am    Post subject: Reply with quote

sa iba nating kababayan wag naman po sana masyadong masasakit ang pananalita nyo sa mga tanod o pactaf o mga pulis ang palagi nyo lang kaseng nakikita e yung pangit na bagay oo ngat kelangan pa nilang dagdagan pa ang pag kilos..di nyo naman ba nakikita kung ano naman ang paghihirap nila pag ronda?o yung nababawas naman nilang krimen dahil sa ginawa nilang duty?kung baka sa halip na sipagin sila e baka lalo pang mawalang ng gana..ang sakin naman po e pwede naman natin silang sabihan ng maganda..pwede po ba? salamat po!
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Jun 19, 2008 5:16 pm    Post subject: Reply with quote

sundalo, pulis, mamamayan, tanod, at ngo. lahat responsable dapat. dahil di mo alam baka sa sususnod ikaw ang maging biktima. maging observant sa kapaligiran. maliit lang ang paete kilala mo kung sino ang dayuhan. ang problema ay baka mismong taga paete din ang salarin. HUAG NAMAN SANA.

tom dela cruz
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Jun 19, 2008 6:54 pm    Post subject: Easy guys Reply with quote

There should not be any negative criticism against the all volunteer non-government organizations like PACTAF, PROCOM, atbp. They are volunteers thus, not subject to any kind of expectations. If they perform then it’s a freebie. If not, then we did not loose anything because it did not cause us anything. If you’re not satisfied with their performance it is your option not to support them. On the other hand, government establishments like the National Police should be expected to perform because we are the once paying their salaries in forms of taxes we pay. Performance should be based on statistics. How many crimes (by category) were committed last year compared to crimes committed year-to-date. Were they successful in reducing the crime rate? Another factor is economics. The lack or the absence of money may force individual to criminal activity because their love ones are hungry or dying of hunger/sickness. The local government is expected to provide ways and means for the population they are responsible for. Were they successful in providing jobs, businesses, revenues, atbp to support social welfare, safety and security for their residents? As for the National Government – don’t even bother to look that way. They won’t do anything for the town of Paete without their name being associated with it. Remember those signs saying “Sa kagandahang loob ni etc. etc. etc.” What a joke. Do you think they spent their own money? Not! Those are your tax money they are spending and labeling them as coming from the goodness of their heart. Give me a break.

Solution is simple. I recommend concern citizens seek dialogue with law enforcement and town officials to demand action. Determine criteria and results of actions that may be considered as a success. Publish these and hold them accountable. If they don’t perform then it is posted here for everyone to see. Then criticism can then be based on results, performance or non-performance.

Unfortunately I’m running out of time. I can go on and work with you only if we keep our emotions down and have more objective dialogue. Salamat po.
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Jun 20, 2008 2:23 am    Post subject: Re: wow Reply with quote

whernas2001 wrote:

Be vigilant dont trust no one, ang di ko lang matatagap ay ang balitang me holdaper na rin pala kahit sa Paete baka naman po sa susunod ay agaw celpon naman ang madagdag at maging talamak.
ay naku buhay
Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes
salamat po
always
winston


Nahuli na yang agam agam mo....meron na ring mga kaso ng cellphone snatching. Nung December ay isang barkadahan ng mga first year students ng PEQMNHS ang magkakasama galing simbahan. Bigla na lamang may nang snatch nung cellphone nung isa nilang kasama. nanginig sa takot yung mga bata lalo na yung naagawan ng cellphone.

Ang burger stand pala na naholdap kamakalawa ay yung Big Mak na nasa harap mismo ng Kape Kesada. Ayon sa tindera doon ay pang anim na holdap na raw nila yon.....lahat ay nangyari sa katanghaliang tapat Cool Cool Cool

Sana po ay may magawa ang otoridad sa problemang ito. Wala po tayong sinisisi sa mga pangyayari. Mabuti na nga po yung nalalaman natin ang problema para makagawa tayo ng mainam na solusyon para sa ikabubuti at kaligtasan ng lahat.
Back to top
marcelo
Guest





PostPosted: Fri Jun 20, 2008 7:28 am    Post subject: PAANO Reply with quote

TOTOO NA KAILANGAN NATING GISINGIN ANG MGA AWTORIDAD PERO MATAGAL NA SILANG GISING. KUNG GISING NA AY TULUNGAN NATIN. MALAKI ANG MAGAGAWA NG MAMAMAYAN SA PAKIKIPAG UGNAYAN SA LAKAS MILITAR. NAGAGANAP ANG MGA PANGYAYARING ITO DAHIL SA PAGTAAS NG GNP AT ANG PANGANGAILANGAN NG MGA KUMPANYA SA MGA RECYCLING PRODUCTS. KULANG NA SILA SA MGA MATERYALES AT ANG KAHIRAPAN NAMAN ANG NAGPAPALALA. NANINIWALA AKO SA PAGKAKAISA. PERO PAANO? PURO KASI SA ATIN AY INGGITAN AT KAPAG UMUNLAD NA ANG ISA AY GUSTONG HILAHIN PABABA. UMUNLAD MAN AY NAWAWALA ANG PAGIGING HUMBLE SA KAPUWA AT PAG NALUGI AY PINAGTATAWANAN PA. WALA SA ATIN ANG MASAYA KAPAG ANG ISA AY BUMUBUTI ANG KALAGAYAN AT TINATAPAKAN PA KAPAG NALIGAW NG LANDAS. KAHIT SA IBANG BANSA AY MAY NAKAWAN AT PATAYAN. HINDI PA NAMAN TAYO KASING WORST NG BONNIE AND CLYDE AT AL CAPONE AT BARILAN TULAD NG INDIAN AT COWBOY. MAS MARAMING PRODUKTO MAS MALAKI ANG TUKSO SA SHOPLIFTING. MARAMING PERA SA KAHA MAS MARAMING TUKSO SA HOLD UP. KAYA ANG KAILANGAN-- MAGKAISA AT MAGTULUNGAN UPANG MABAWASAN KUNDI MAN ITO MASUGPO NG LUBUSAN. PAANO? PALAGAY KO AY EDUKASYON SA TAMANG DISIPLINA MULA PAGKABATA. KAPAG MALAKI NA AY MAHIRAP PANDAYIN KAYA MADALING BIGKASIN ANG " PAGKAKAISA AT TULUNGAN" PERO PAPAANO? HE HE HE HE ANJAN NA ME.
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Fri Jun 20, 2008 8:02 am    Post subject: Reply with quote

Mga tanong at komentong ibig ko pong bigyan ng kasagutan at kaliwanagan:

1.Tanong ni Guest: “Mayor Noel, ang pamahalaang bayan ba ay may ginagawa din tungkol sa krimen o ipinamamahala na lang ba ninyo ang mga bagay na ito sa ating mga kapulisan? Kayo ba at ang Kapulisan at ang ating Batasang bayan ay tunay na magkahiwalay na sa mga bagay na ito?”

2.Sabi ni Saida: “Sa tanong mo tungkol sa PACTAF. Sa aking pagkakaalam ay dati silang may kaunting pondo galing sa munisipyo. Ng itatag ng nasirang Aurel ang PACTAF at nagsimulang dumagsa ang suporta galing sa ating mga kababayan. Dahil dito, ang kaunting pondo nila ay tinanggal at iniasa na lamang sa mga members ang kanilang mga panggastos.”
--------------------------------------------------------------------------------
Tama po kayo, ang Kapulisan po ay wala na sa ilalim ng Local na Pamahalaan, subalit and “Peace and Order” ay hindi po naman ipinamamahala na lang sa ating mga kapulisan. Ang Kaayusan at Kapayapaan po ay nasa ilalim ng isang Konseho na kung tawagin ay “Municipal Peace and Order Council”. Ang Konseho po ay binubuo ng ilang NGO’s, lahat ng Kapitan ng 9 na baragay, ang pangulo ng mga bantay bayan, pangulo ng Paete Anti Crime Task Force o PACTAF, ang Konsehal na Chairman ng Lupon ng Peace and Order, at ang tagapangulo ay ang Punong Bayan at co-chairman ang Hepe ng Pulis. Ang Konseho pong ito ay bumabalangkas at nagrerekomenda sa ating Sangguniang Bayan ng mga programang may kinalaman sa “Peace and Order”.Ang enforcer po ng mga programang ito ay ang ating kapulisan sa tulong ng mga Bantay Bayan at ng mga pribadong organisasyon tulad ng PROCOM at PACTAF.

Itinatag po ang PACTAF sa pamamagitan ng isang Executive Order ng Punong bayan noong Feb.7, 2005. With due respect to the late Aurel (batang patio) hindi po siya ang nagtatag ng PACTAF, pero siya po ang nanguna sa pangingilap ng karagdagang pondong pangsustina sa ronda ng nasabing grupo na tinawag na PACTAF $10 CLUB. Hindi po totoong tinanggal na ang pondo ng PACTAF. Hangang sa kasalukuyan po ay meron pang gasoline at mirienda allowance and PACTAF (Gasolina ay humigit kumulang sa P5,000 isang buwan; Mirienda ay humigit kumulang sa P8,000 isang buwan).Ang natitirang pondo sa Banko ng PACTAF na tulong galing sa ating mga may ginintuang pusong kababayan ay P2,178.45 na lamang. Ang mga huling nagbigay ay makikita sa “Tulong Paete, PACTAF donation” sa: http://www.paete.org/forums/vi.....f297a25d67 . Ang lahat po ng kasapi ng PACTAF ay pawang boluntaryo at hindi tumatanggap ng ano mang sweldo o honorarium galing sa Municipyo. Sila po ay romoronda, may kasamang pulis, mula ika 9 NG hanggang ika 3 NU. Sa kasamaang palad po ang huling naganap na hold-up ay ganap na ika 4:30 NU.

Dahil po dito, sa katatapos lamang kaninang seminar ng lahat ng myembro ng PROCOM, PACTAF, at Mga Bantay Bayan, sa pangunguna ni Kon. Kid Paraiso, napagkasunduang gawing dalawang shift and mga magroronda, isang mula alas 9:00 NG hanganggang 1:00 NU at isang mula 1:00 NU hanggang 5:00 NU.

Kanina rin po ay kapulong ko si Laguna Police Director, Felipe Rojas Jr., upang ireport ang mga huling kaganapan sa ating bayan at siya ay nagpasiyang i-relieve and hepe ng pulis sa ating bayan effective next week.

Kung meron po kayong mga puna o mungkahi sa ikagagaling ng “Kaayusan at Kapayapaan" ng ating bayan, mangyari pong ipadala ito sa aking private e-mail address sa ecadayona@yahoo.com. Makakaasa po kayong ito’y mabibigayan ng kasagutan at kaukulang pansin.

Maraming salamat po sa inyong concern.

Emmanuel B. Cadayona
Punong Bayan
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Jun 20, 2008 10:23 am    Post subject: Re: wow Reply with quote

Nahuli na yang agam agam mo....meron na ring mga kaso ng cellphone snatching. Nung December ay isang barkadahan ng mga first year students ng PEQMNHS ang magkakasama galing simbahan. Bigla na lamang may nang snatch nung cellphone nung isa nilang kasama. nanginig sa takot yung mga bata lalo na yung naagawan ng cellphone.

Ang burger stand pala na naholdap kamakalawa ay yung Big Mak na nasa harap mismo ng Kape Kesada. Ayon sa tindera doon ay pang anim na holdap na raw nila yon.....lahat ay nangyari sa katanghaliang tapat Cool Cool Cool

Sana po ay may magawa ang otoridad sa problemang ito. Wala po tayong sinisisi sa mga pangyayari. Mabuti na nga po yung nalalaman natin ang problema para makagawa tayo ng mainam na solusyon para sa ikabubuti at kaligtasan ng lahat.[/quote]


wow salamat sa impormasyon mo GUEST

pang 6 na beses na palang nahold up yung Big Mak ayon sa yo buti di pa nagsasara?

at pati agaw celpone meron na rin pala jan nakiusu na rin sa syudad?

Yung mga gumagawa nito sa pagkakaalam ko sa mga napapanood ko sa TV Patrol di na binubuhay kapag naaktuhan sila ng mga Pulis.

salamat po

winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Human Right Advocate
Guest





PostPosted: Fri Jun 20, 2008 1:32 pm    Post subject: Re: wow Reply with quote

whernas2001 wrote:
Yung mga gumagawa nito sa pagkakaalam ko sa mga napapanood ko sa TV Patrol di na binubuhay kapag naaktuhan sila ng mga Pulis.

salamat po

winston


Kaibigan, masyado ka namng bayolente, oo nga at kriminal o masama sila pero may karapatan pa rin silang mabuhay, hindi kamatayan ang tamang parusa nagagawa laang nila yun dahil sa kahirapan, maswerte ka at nasa China ka kumikita ng malaki sana hindi ka pa nagiging komunista.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Jun 20, 2008 5:49 pm    Post subject: Re: wow Reply with quote

Human Right Advocate wrote:
whernas2001 wrote:
Yung mga gumagawa nito sa pagkakaalam ko sa mga napapanood ko sa TV Patrol di na binubuhay kapag naaktuhan sila ng mga Pulis.

salamat po

winston


Kaibigan, masyado ka namng bayolente, oo nga at kriminal o masama sila pero may karapatan pa rin silang mabuhay, hindi kamatayan ang tamang parusa nagagawa laang nila yun dahil sa kahirapan, maswerte ka at nasa China ka kumikita ng malaki sana hindi ka pa nagiging komunista.



Hindi ako ang bayolente yung napapanood sa TV PATROL at di rin naman sila kumunista sa pilipinas yun nangyayari yung napapanood natin sa TV Laughing Laughing Laughing Laughing any way pabayaan mo na lang sila kapag nakakita ka ng magnanakaw at holdaper sabihin mo sa inyo na lang yan alam ko dala lang yan ng kahirapan nyo, mas ok sa yo yun

always

winston Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest
Guest





PostPosted: Fri Jun 20, 2008 7:20 pm    Post subject: PROCOM & PACTAF Reply with quote

Para po sa mga miyembro ng PROCOM at PACTAF. Pwede pong magbigay kayo ng mga pangalan ng members? Kung pwede lang po, mas-maganda na makilala rin sila. Salamat po![/b]
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Sat Jun 21, 2008 7:38 am    Post subject: Reply with quote

Dapat po ay kahapon ko pa ito na ipost habang isinasagawa ang isang hasik pandayan kaso nung i-sumbit ko na sana ay biglang nag brown out kaya hindi umubra. Then nung naka generator na at for submission na naman ay bigla namang ini-off ang generator at balik na daw sa FLECO. Dahil sa twice na pumalpak at kahaba pa naman, naisip ko na huwag ko na lang i-post. Kaso ay nabasa ko yung posting nung pagnanakaw ng palay kaya minarapat ko na i-post ito.

Base po sa aking paunang pag-iimbestiga, yun pong mga nakawan ng linya ng kuryente at mga bakal ay malaki ang kinalaman ng isang grupo o barkadahan ng sampung (10) out of school youth na may edad mula 11 hanggang 14 taon gulang at naninirahan sa ibat ibang barangay dito sa bayan ng Paete. Bagama't hindi po nahuli sa akto, yun pong apat (4) sa nasabing sampung kabataan ay umamin sa aking impormante na sila ang nagnakaw nung kable ng kuryente sa may P.E.S. at sila din ang kumuha nung bakal sa may taga Ibaba del Sur. Sila din ang pagapang na nagnanakaw o umaani ng palay sa gabi ng ilang may palayan tulad nung sa pag aari diumano ng mga Almeda. Yung isa namang miyembro na bata ay natiyempuhang nag iisa sa alanganing lugar ng PACTAF-ICAG members noong makalawa lang ng gabi habang sila ay rumoronda sa may Quinale at nung isama sa munisipyo upang usisain ay napag alaman na pinag aaralan namang pasukin yung sa Quinale Elem. School. Napag alaman po na ang nasabing grupo ay napakarami na ring sampang reklamo sa mga barangay sa katulad ding klase ng usapin.

Lubha pong may kahirapan ang ganitong usapin lalo at kabataang menor de edad ang sangkot. Bukod sa mayroong batas na hindi sila pwedeng ikulong ng basta basta ay naaawa naman ang mga nanakawan kayat hindi na nila itinutuloy ang reklamo.

Siguro ay panahon na para umpisahan yung napag usapan namin noon ni Kang Vic Valdivia a.k.a Nick Aladin na mas dapat ding bigyan ng pansin at tulungan yung mga out of school youth dito sa bayan ng Paete dahil kung hindi ay malamang na sila ang maging sakit ng lipunan pag dating ng araw kung hindi mabibigyan ng kaukulang pansin.

Hayaan nyo po at personal kong aalamin ang family background ng nasabing mga kabataan upang malaman ang tunay na dahilan ng kanilang maling gawi at maisangguni sa ating MSWD para sa kaukulang aksyon.



Kahapon po ng hapon , Biyernes June 20,2008 ay nagkaroon ng isang hasik pandayan para sa lahat ng bantay bayan at ilang miyembro ng PACTAF para sa kahalagahan at wastong paggamit ng mga gamit pangkomunikasyon tulad ng 2-way handheld radio. Ang nasabing seminar ay sa pagmamagandang loob ng di pampamahalaang samahan ng PROCOM o Paete Radio Org. & Communication, samahang itinatag noong 1995 ngunit nagkaroon ng pananamlay noong taong 2000 dahil na rin sa pagkauso ng celfon at txt messaging (doon napukaw ang mga interes). Ngayon po ay muling pinasisigla upang maging kaagapay sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan.









Napakalaking bagay po at tulong ang pagkakaroon ng ronda gabi gabi. Dahil po dito, hindi man masigurado na walang nakawan na magaganap o kaguluhan ay nagsisilbing panakot na rin sa mga may masamang tangka dahil alam nilang merong reresponde kung sakaling may magtangka. Kapansin pansin po na talagang dumalang ang insidente hindi tulad noong wala pang ronda ay malimit ang insidente ng agaw celfon at pati na rin motorsiklo na nakukuha o nananakaw pa sa loob ng mismong garahe.

Ngayon po ang nakawan ay isinasagawa naman sa madaling araw at nitong mga nagdaang araw ay mismong sa umaga at katanghaliang tapat pa kung kailan wala ng ronda. Bagamat handang magsakripisyo ang ilan nating mga kababayan tulad ng PACTAF ay meron din silang pamilya na dapat unahin kaya't dapat din silang magtrabaho para sa kanilang pang araw araw na gastusin. Sa palagay ko po, bagamat trabaho at responsibilidad ito ng kapulisan at nakipagpulong na rin si Meyor sa Provincial Director ng PNP ay dapat din ang ibayong pag iingat ng lahat lalo at ramdam natin ang kahirapan ng buhay sa ngayon patunay ang pagtaas ng presyo ng bigas , gasolina at iba pang pangunahing bilihin.

Huwag maglalakad at pupunta sa mga alanganing lugar ng walang kasama lalo at may dalang malaking halaga ng pera o bagay.

Kung merong negosyo na malaki ang tendency na pagnakawan ay gumawa din ng mga kaukulang pag iingat o security measures.

Ngayong nalalapit na naman ang Pistang Bayan, sigurado pong marami ang magsusulputan dito sa atin na mga estranghero na karamihan ay papasyal lang para sasamantalahin ang pagkakataon para gumawa ng hindi maganda. Malakas po ang kutob ko dahil karamihan sa ating mga kabataan dito sa atin ay mayroong mga mamahaling celfon, alahas at marami ang mayroong motorsiklo kaya ipinapauna ko na ang ibayong pag iingat pa dahil kung tutuusin ay napakadaling agawin ang ganitong bagay sa mga kabataan.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Guest
Guest





PostPosted: Sat Jun 21, 2008 10:10 am    Post subject: Procom at PACTAF Reply with quote

Maganda ito Vice Mutuk at nagkaroon ng seminar at may photos pa. Pero pakiusap nong isang GUEST ay masmaganda na malaman ang mga pangalan ng mga members ng both organizations. Maganda na marecognize natin sila hindi lang sa mukha, kundi pati sa pangalan nila. Salamat din po!
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Jun 21, 2008 9:21 pm    Post subject: Reply with quote

Bakit po kaya tahimik ang mga kababyan nating nasa ibang bansa sa problemang ito.Wala baga silang maibibigay na tulong para sa pgbibigay livelihood sa mga batang ito.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7  Next
Page 1 of 7

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group