PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Talamak na Nakawan
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7  Next
 
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
guest 0210
Guest





PostPosted: Wed Jul 09, 2008 7:30 pm    Post subject: sagot kay Maharlika Reply with quote

Sangayon akong professional ang gumagawa ng mga nakawan sa Paete. At sangayon din akong hindi takot sa mga pulis. Samakatuwid, sila ay sanay na at baka may connection pa yan sa itaas o may humahawak sa kanilang kung hindi man politiko ay baka militar pa. Anong palagay mo. Ito naman ay maka maka ko lang pero tama ka rin, maliwanag pa sa mineral water itong nangyayaring ito.
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Jul 10, 2008 12:10 am    Post subject: Re: sagot kay Maharlika Reply with quote

guest 0210 wrote:
Sangayon akong professional ang gumagawa ng mga nakawan sa Paete. At sangayon din akong hindi takot sa mga pulis. Samakatuwid, sila ay sanay na at baka may connection pa yan sa itaas o may humahawak sa kanilang kung hindi man politiko ay baka militar pa. Anong palagay mo. Ito naman ay maka maka ko lang pero tama ka rin, maliwanag pa sa mineral water itong nangyayaring ito.


ako din...palagay koy hindi kaya ng mga bata ang umakyat sa matataas na poste at pumutol ng mga kable na may dumadaloy na buhay na kuryente. hindi rin nila siguro kaya ang pumasok sa mga bahay at itali ang paat kamay ng kanilang nanakawan, lalong hindi pa nila sigurong kaya ang mangholdap.

kuneksyon sa itaas? "absolute" ang talagang malinaw na mineral water. cge, sama na rin ako sa "maka-maka" mo
Back to top
joelcantilado



Joined: 13 Jun 2008
Posts: 15
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Jul 10, 2008 3:02 am    Post subject: wow Reply with quote

Laughing

SAbagay may point ka dyan........ masmaganda nrin na lahat tyo ay mag ingat at mag bantay.....
_________________

KHAIZER
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Jul 10, 2008 5:14 am    Post subject: Reply with quote


_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Jul 10, 2008 5:42 am    Post subject: hello Reply with quote

Magandang gabi po Vice Mutuk salamat po,

Nakasaad dito sa memorandum ang ibayong paghihigpit at pagbabantay para sa mamamayan ng Paete, malaking sakripisyo itong nangyayaring ito para sa inyo di sana dapat ganito pero naaayon sa mga nakaposting na balitang mga nakawan at ibat ibang mga di dapat nangyayari Paete, parang ito na talaga ang dapat na gawin dahil sa kabila ng napasimulan nyo ay meron talagang humahamon sa kakayahan ng PACTAP at Kapulisan, walang pinipiling oras ang mga kawatan na to katulad ng nangyari sa inang ESTER Mendosa na sa palagay ko ay walang kasama sa bahay kaya nagawa ang sya ay maigapos.

Sa palagay ko po ay medyo mababawasan na yan unti unti kung mapapanatili ang ganitong sistema.

Ang tanong ko lang po paano yung budjet nila kapag nakabantay kanya kanyang baon po baga?

Wink Wink Wink Wink

Always

Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
9
Guest





PostPosted: Thu Jul 10, 2008 10:31 am    Post subject: Reply with quote

suhestion ko po sanang magpaskil sa ibat ibang lugar sa paete ng hotline number o cellphone number na pwedeng tawagan o i text sa twing may makikitang kahina hinalang kilos nang sa ganon po e medyo mailang ang may planong gumawa ng kalokohan.
isa pa pong kelangan ding pag tuonan ng pansin e kalimitang oras na tine tyempuhan ng mga loko e yung umaga o madaling araw hold up o pasok ng bahay..papano po kaya ito?
salamat po ng marami!
Back to top
Maharlika
Guest





PostPosted: Thu Jul 10, 2008 3:50 pm    Post subject: Reply with quote

Ay mawalang galang na po sa kinauukulan. haniBakit po kaya may itinakda pang lugar kung saan magbabantay ang mga tanod at pulis?Ay di iiwasan po ng mga masasamang loob ang lugar na iyon,di po baga?Hindi sila dadaan doon!At pati sana sa araw lalo na sa umagang-umaga ay may police visibility din.

Atsaka:

1) wala naman po tiyak na maglalakas ng loob na manghold-up sa liwasang bayan dahil nandun ang munisipyo.
2)Wala din sigurong maglalakas ng loob sa plasa edesan dahil matao doon.
3)Bakit po papuntang Longos laang may bantay,wala po bang labasan papuntang Pakil?
4)Hindi lang sa national road posibleng magnakaw ang mga masasamang taong yun.Pati na rin sa loob ng bayan,Lalo na ang mga eskinita.

Wag po sana kayong maiinsulto sa opinyon ko hani poi?
Back to top
Maharlika
Guest





PostPosted: Thu Jul 10, 2008 4:04 pm    Post subject: Reply with quote

Sang-ayon pati ako sa suhestiyon ni guest 9.Magpaskil ng hotline number para matawagan at maitext pag may kahinahinakang kumikilos sa ating lugar

At maidagdag ko na rin hani po.Yaman din laang na halos lahat ng mga taga-Paete ay may cellphone at may kamera pa.Posible po sigurong kuhanan natin ng larawan ang mga taong kahinahinalang umaalialigid sa lugar natin kahit na po kapitbahay natin ang tinitiktikan.Lalo na po yung sa tingin natin ay estranghero sa lugar natin.Maging concern po sana tayo pati sa ating neighborhood.Magtulungan po sana tayo.Maraming Salamat po.
Back to top
Ma'am Warlita
Guest





PostPosted: Thu Jul 10, 2008 8:36 pm    Post subject: Nakawan sa Paete Reply with quote

Magpipista na naman po at naalala ko ang July 26 - 4:30Am ng gisingin kami ng anak kong si Grace dahil nanakawan ang kanyang computer shop na nasa tapat ng Eastern Laguna College. Ginamitan ng volt cutter ang pintuang bakal at halos walang natira sa kanyang shop na hinakot daw ng pulang van. Sa ganitong nakawan, tutuong mga professional o sindikato ang gumawa. Payo ko na lang sa mga taga-Paete - DAGDAGAN ANG PANSARILI O PERSONAL NA PAG-IINGAT. Dagdagan ANG PAGMAMALASAKIT SA KAPAKANAN NG KAPWA sapagkat oras na mangyari ang lahat ay mas matindi gamutin ang damdaming nawalan at nasugatan. Anyway, GOD IS GOOD ALL THE TIME, IN EVERYTHING HE HAS HIS OWN PURPOSE AND OWN WAY OF COMFORTING HIS CHILDREN. TAKE CARE!
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Fri Jul 11, 2008 2:07 am    Post subject: Reply with quote

Sabi ni Maharlika:
“Ay mawalang galang na po sa kinauukulan. haniBakit po kaya may itinakda pang lugar kung saan magbabantay ang mga tanod at pulis?Ay di iiwasan po ng mga masasamang loob ang lugar na iyon,di po baga?Hindi sila dadaan doon!At pati sana sa araw lalo na sa umagang-umaga ay may police visibility din.

Atsaka:

1) wala naman po tiyak na maglalakas ng loob na manghold-up sa liwasang bayan dahil nandun ang munisipyo.
2)Wala din sigurong maglalakas ng loob sa plasa edesan dahil matao doon.
3)Bakit po papuntang Longos laang may bantay,wala po bang labasan papuntang Pakil?
4)Hindi lang sa national road posibleng magnakaw ang mga masasamang taong yun.Pati na rin sa loob ng bayan,Lalo na ang mga eskinita.

Wag po sana kayong maiinsulto sa opinyon ko hani poi?”

Mahal na G. Maharlika:

Eto po ang aking payak na kasagutan sa iyong mga katanungan:
Ang layunin po ng pagtatalaga ng ating kapulisan at mga tanod sa mga nabanggit na lugar ay upang magkaron ng “Pulis Visibility” o may makikita agad na pulis ang ating mga kababayan. Dati po ang ating mga pulis ay laging nasa loob lang ng ating prinsinto. Ang mga itinakdang lugar ay mga “strategic places” kung saan madali silang makita at malapitan ng mga tao kung may mga dagliang emergency. Hindi po ibig sabihin ay nakapako na sila don sa itinalagang lugar sa kanila.
Atsaka:
1) Hindi po totoong walang maglalakas ng loob na manghold-up sa Liwasang Bayan. Dalawang insidente na po na may nahahalbutan ng kwintas paglabas ng simbahang Katoliko.
2) Hindi rin po totoong walang maglalakas ng loob sa Plaza Edesan dahil ang Western Union at Big Mak na hinold-up kamakailan lamang ay napakalapit sa Plaza Edesan. Noon lamang pong July 8 ay may nahuling magnanakaw sa Barangay Ermita sa bisinidad din po ng Plaza Edesan. (kalakip po and Police report).
3) Ang pagtatalaga po ng pulis at tanod sa may Paet ay para sa check point ng mga sasakyan. Kaya po ang itinalagang lugar ng check point sa may Paet ay doon sa nagsasangang daan bago pumasok sa Paete, galing sa Kalayaan, ay para hagip na po ang lahat ng dadaan sa high-way man o sa poblasyon. Kung galing po naman sa Pakil, wala po silang lalabasan kundi doon din sa Paet.

Ang ating pong pulis ay 9 lamang at any given time, kasama na po ang hepe ng pulis at ‘radio operator’. Sa lahat po ng nag popost dito, na alam naming ang tanging layunin ay makatulong sa pagsugpo ng kriminalidad sa ating Bayan, kung kayo po ay narito sa Paete, o kung may mga kakilala po kayo, kaibigan, kamaganak, na may maisasakripisyong mahalagang panahon, ang PAKTAF po ay tumatanggap pa ng karagdagang myembro upang makatulong namin sa pagmementina ng Katahimikan at kaayusan sa ating Bayan. Kung kayo po ay intiresado, mangyari pong makipag-ugnayan sa inyong lingkod, kay Hepe Edilberto Apuada, o kay Kon. Kid Paraiso.

Sa tanong po ni Winston, ang Pamahalaang Bayan po ay maglalaan ng karagdagang allowance para sa mga gaganap na bantay bayan na itatalaga ng kanilang Punong Barangay.

Ang inyong mga puna ay lubos na pinahahalagahan at pinasasalamatan. Mas mabuti po sana kung may kasama rin pong mga suhistion kung inaakala ninyong hindi ankop ang aming mga ginagawa. Ginoong Maharlika, kung meron po kayong mas magandang suhestion, paki post lang po dito.

P.S.
Eto po and telepono ng ating Pulis Station na ipapaskil sa mga estratihikong lugar: 049-817-0022 ( Isa po ito sa napakagandang suhistion ng ating kababayang si “ Guest 9”. Para po naman sa may mga handheld radio, eto po ang frequency ng PROCOM kung saan pwede kayong mag “break” kung may emergency na kailangan ang kanilang tulong. 15.233 Mhz.
Maraming salamat po.

Gumagalang,
Emmanuel B. Cadayona
Punong Bayan

Back to top
View user's profile Send private message
9
Guest





PostPosted: Fri Jul 11, 2008 2:44 am    Post subject: Reply with quote

karagdagan ko pong suhestion po sana kung may hotline na tayong mai papaskil e kahit yung cellphone number lang ng isang pulis o kahit yung radio operator para kumontak sa mga kapulisang naka pwesto sa tinalagang pwesto na pwedeng agad makaka responde kase po alam po naman nating hindi din ganon kadaling maka tawag ang ating mga kababayan sa landline o sa radio pero halos lahat naman po e may cellphone pang text

sa ganun po pala bigyan natin imporatansya din ang pag pupursigi ng kapulisan at ng pamahalaang bayan kung mapapansin po natin lahat pala na ng pulis e matatalaga na sa ibat ibang pwesto.

salamat din po ng marami sa inyong lahat!
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Jul 11, 2008 5:30 am    Post subject: Reply with quote

Magandang Gabi po Mayor Ka Noel,

Maraming salamat po sa impormasyon at kami po kahit sa malayo ay nag aalala rin sa mga nangyayaring ito dahil ang mga mahal namin sa buhay ay syang namimirmihan sa ating bayan.

Talaga pong madali ang magisip ng isusulat at magsuggest ng mga ibat ibang opinyon. Kaya ko nga po naitanong ang tungkol sa budjet para dito sa mga taong magsasakripisyong magbantay, sa nakita ko pong memorandum ay nangangailangan talaga ito ng pagkukunan ng pondo para mamentena ang ganitong sistema.

Ang sa aking palapalagay lang po dahil sa kagagawan ng ilang mga kawatan ay para na po tayong me Martial Law sa ating maliit na bayan yan po ay kuro kuro ko lamang dahil nga po sa mga sunod sunod na pangyayaring ito siguro nga po ay dapat ganito ang dapat na gawin.

Marami Pong Salamat

Winston Hernas
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Gng.Maharlika
Guest





PostPosted: Fri Jul 11, 2008 7:20 am    Post subject: Reply with quote

Maraming Salamat po Kagalang galang na Mayor!

Malinaw na po sa akin ang lahat.
Mabigat po talaga itong problema ng ating bayan ngayon pero alam ko pong ginagawa niyo ang higit pa sa inyong makakaya.Kaya po nagpapasalamat po kami.Lubos din akong naniniwala na kayang-kaya niyo yan sa tulong na rin ng nagkakaisang bayan.
Hayaan niyo po at pag may kakilala akong gustong umanib sa PACTAF ay sasabihin ko po na kailangan nyo ng myembro.Hindi po kasi ako pwede.

Mabuhay po kayo!At ang BAYAN ng PAETE!
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Jul 11, 2008 9:27 am    Post subject: Reply with quote

paki explain nga po sa mga kinauukulan ang meaning ng "martial law" kay winston. dati "salvage" ngayon naman "martial law". Gaya ng sinabi nung unang guest sana di ka pa komunista? alam ko di naman komunista ang hongkong di ba?
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Jul 11, 2008 1:47 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
paki explain nga po sa mga kinauukulan ang meaning ng "martial law" kay winston. dati "salvage" ngayon naman "martial law". Gaya ng sinabi nung unang guest sana di ka pa komunista? alam ko di naman komunista ang hongkong di ba?


Wala po si ginoong Salvage este Winston sa Hongkong nasa China po sya kaya maaring nahawahan na sya ng utak komunista masyadong bayolente ang pag-iisip, walang inisip kundi makasakit ng tao.
Back to top
amandmhich



Joined: 25 Apr 2006
Posts: 166
Location: Michael B. Sadsad

PostPosted: Fri Jul 11, 2008 3:07 pm    Post subject: pasingit naman........ Reply with quote

magandang araw po sa lahat....dagdag lamang po kay guest 9 sa suggestion nya....ang alam ko po ay may nakatalagang "OFFICER of the DAY" sa presinto....bakit hinde po magkaroon o magtalaga ng isang cellphone na mamalagi sa Officer of the day na syang magagamit na "TEXT HOTLINE"....at isa pa pong suggestion ko ay para sa ating sari-sarili......palakasin po natin ang ating partisipasyon ng mamamayan sa pagsugpo ng krimen sapamamagitan ng pagmamanman at pagsuplong sa kapulisan kung may nakitang kakaibang aktibidades sa inyong lugar.....iwasang magbigay ng huwad o maling impormasyon sa kinauukulan.....hinde lang tayo aasa sa ating pamahalaan at kapulisan sabi nga "KUNG SAMA SAMA KAYANG KAYA".....at ang huli po ay muling pasiglahin ang ang pangangalap ng pondo kagaya ng ginawa ni BATANG PATIO....ang PACTAF DONATION....MARAMING SALAMAT PO....sana po ay nakatulong....regards po sa lahat at GOD BLESS.....


ike b. sadsad
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Fri Jul 11, 2008 11:22 pm    Post subject: Reply with quote

Magandang araw po! Nakalimutan kong tugunin ang concern ni Guest 9 tungkol sa oras ng ronda. Nagkasundo na po ang PACTAF at mga bantay bayan na magkaroon ng 2 shifting, isang mula ika 9:00 NG hanggang ika 1:00 NU; at ang isa naman ay mula ika 1:00 NU hanggang ika 6:00NU.

Napakaganda po ng suggestion ni Guest 9 at ni Mike. Magtatalaga po ng isang pampublikong CP ang municipio para hot line ng Pulis. Sa officer of the day ko po ito ibibigay para tiyak ang mabilis na pagresponde. Hindi po kasi ari ang private CP, ginawa ko na po ito sa aking sariling CP at hanggang ngayon ay pinagbabayaran ko pa ang consequences. Napakarami pong mga ananymous callers, from poison messages at mga sumbong na wala naman basihan to death treats.

Maraming salamat po kay Maharlika at Winston sa inyong pang-unawa.

Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Jul 11, 2008 11:42 pm    Post subject: Reply with quote

Wala po si ginoong Salvage este Winston sa Hongkong nasa China po sya kaya maaring nahawahan na sya ng utak komunista masyadong bayolente ang pag-iisip, walang inisip kundi makasakit ng tao.[/quote]



Ginoong o ginang GUEST O MAGING SINO KA MAN,

MAGANDANG ARAW PO SA INYO

una salahat po ipinauuwawa ko po sa inyo hindi po ako biolente at hindi rin utak komunista maaaring pwedeng akoy isa lang komentarista at hindi po ako nagiisip na makasakit ng tao ang layunin ko siguro ay katulad mo rin na para sa maganda.

alam naman natin kung ano ang mali at kung ano ang tama minsan nagjujump to conclution lang siguro ang mga iniisip mo.

maikwento ko lang po, matindi po kapag profetional ang makabiktima sa yo malimit po yan ay grupo ang pamilya ko po ay isa na sa nabiktima nito sa CAVITE buti na lang po at ikinulong na lang sila sa toilet kaya pasalamat po ako at sila ay binuhay.

Wag po sana mangyari ito sa yo.

salamat po
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Tue Jul 15, 2008 12:59 am    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
Anonymous wrote:
paki explain nga po sa mga kinauukulan ang meaning ng "martial law" kay winston. dati "salvage" ngayon naman "martial law". Gaya ng sinabi nung unang guest sana di ka pa komunista? alam ko di naman komunista ang hongkong di ba?


Wala po si ginoong Salvage este Winston sa Hongkong nasa China po sya kaya maaring nahawahan na sya ng utak komunista masyadong bayolente ang pag-iisip, walang inisip kundi makasakit ng tao.


Isang napakaseryosong problema po ang ating tinatalakay dito. Hindi lamang panganib sa ari arian kundi pati buhay ang nakasalalay.Sana po ay iwasan natin ang mga walang kabuluhang pasaring o komento.

Salamat po.
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Jul 15, 2008 10:25 am    Post subject: Reply with quote

ano na po ang balita sa suspect sa nakawn sa inang ester? may mga nahuli na po baga? o baka umaasa na lang sa pactaf. abay bakit di man lang i-update sa nangyayari? buti pa ang donation naka update kada may magbigay thank you. dapat kada may development sa kaso i-update din. kelangan maramdaman din ng mambabasa na may nalulutas ng sa ganoon ay malaman nila na safe pa din tumira sa atin. donation may kabuluhang post; kalutasan sa kaso may kabuluhan din. ang pag tira kaya sa paete may kabuluhan pa din?
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jul 16, 2008 11:23 am    Post subject: Reply with quote

[quote=" ang pag tira kaya sa paete may kabuluhan pa din?[/quote]



oo naman mas masarap pa rin tumira sa Paete kung ikukumpara sa ibang mga karatig lugar sa atin maraming mga kasayahan. itong problemang ito ay all over in the Philippines kung saan sa dami ng tao kulang ang kakainin at sa mamahal ng mga bilihin at kulang pa sa oportunidad........ swerte pa rin ang Paete kahit na halos nawala ang ukit taka etc ay marami naman tayong mga kababayan na nasa ibang bansa. tumingin ka sa paligid ligid di ba nagtataasan ng mga bahay?

wag kang susuko tsk tsk
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jul 16, 2008 8:25 pm    Post subject: Reply with quote

aba! gusto mo pang gawing reporter ang mga kinauukulan?
kung sa palagay mo hindi na safe tumira sa Paete, eh di lumipat ka sa lungsod!
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jul 16, 2008 9:36 pm    Post subject: Reply with quote

nakawan ang topic
Back to top
frjdelarosa



Joined: 27 Sep 2005
Posts: 58
Location: Paete, Laguna Philippines

PostPosted: Thu Jul 17, 2008 2:50 am    Post subject: Reply with quote

ITO PO ANG CARTOGRAPHIC SKETCH(DRAWING) NG NANG HOLD-UP SA WESTERN UNION AT SA INANG ESTER.







KUNG MAYROON PONG NAKAKIKILALA SA MGA KATAUHAN NA NASA CARTOGRAPHIC SKETCH ITO, MANGYARI PONG IPAGBIGAY ALAM SA TANGGAPAN NG PULISYA (TELEPONO BILANG 049-8170022)

MARAMING SALAMAT PO!

AURELIO "KID" PARAISO
PACTAF
_________________
Jancy Navarro - dela Rosa

Father: Cornelio "Nelio" dela Rosa (+)
Mother: Ma. Lourdes "Lara" Navarro
--------------------------
Check out - JancyBhebz Facebook Page
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website Yahoo Messenger MSN Messenger
Guest






PostPosted: Sat Jul 19, 2008 1:40 am    Post subject: Reply with quote

GISING MGA KABABAYAN MAYROON NG CARTHOGRAPHIC SKETCH HUAG TAYO TUMIGIL DUON HUAG TAYO MANAHIMIK BAKA MAY NAKAKAKITA DYAN IPAG BIGAY ALAM NA. NAGING MATAHIMIK TAYO. KELANGAN TULOYTULOY ANG PAG KALANSING SA KINAUUKULAN NG SA GANON AY DI HANGGANG SA GUHIT NA LARAWAN LANG ANG KANILANG MAKUHA KELANGAN AY MAHULI DIN. ANO NA PO ANG LATEST SA MGA MAGNANAKAW NA ITO? SALAMAT PO KUNG SASAGUTIN NG KINAUUKULAN.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7  Next
Page 5 of 7

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group