PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Talamak na Nakawan
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7  Next
 
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
guest
Guest





PostPosted: Mon Jul 28, 2008 7:44 pm    Post subject: Reply with quote

Mukhang natahimik na po yata tong topic na ito ah,nalutas na po ba ang talamak na nakawan dito sa ating bayan?O parang ningas kugon lang tayo na sa una lang maalab ang usapin,pagkatapos ay wala na.
Back to top
Bumisita
Guest





PostPosted: Mon Jul 28, 2008 9:24 pm    Post subject: Ningas kogon Reply with quote

Talagang ningas kogon ang mga taga Paete
Lalo na ang mga pulis, tanod at iba pang alagad ng batas
Walang malulutas dahil walang kikilos
Walang mangyayari dahil walang gagalaw
Pulos usap lang
Walang gawa
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Jul 29, 2008 2:10 am    Post subject: Re: Ningas kogon Reply with quote

Bumisita wrote:
Talagang ningas kogon ang mga taga Paete
Lalo na ang mga pulis, tanod at iba pang alagad ng batas
Walang malulutas dahil walang kikilos
Walang mangyayari dahil walang gagalaw
Pulos usap lang
Walang gawa



bai na paka naman po talagang kulang sa pondo para sa inteligence walang mga pabuya yung magtututro para makatulong sa mga pulis o sa pactaf anjan lang yan me nakakakilala dyan eh kung wala rin namang mapapala sa hirap nga naman ng buhay di bahala na lang sila maghanap. painan mo ng pera at sisingaw yan.
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Jul 29, 2008 7:19 am    Post subject: Reply with quote

guest wrote:
Mukhang natahimik na po yata tong topic na ito ah,nalutas na po ba ang talamak na nakawan dito sa ating bayan?O parang ningas kugon lang tayo na sa una lang maalab ang usapin,pagkatapos ay wala na.


hindi pa nalulutas...katunayan nga ay may mga naagawan na naman ng celfon nung fiesta at may mga nanakawan din. mukhang talagang nanghahamon yung mga magnanakaw ano?
Back to top
Guest #8
Guest





PostPosted: Tue Jul 29, 2008 10:31 pm    Post subject: Reply with quote

Quote:
bai na paka naman po talagang kulang sa pondo para sa inteligence walang mga pabuya yung magtututro para makatulong sa mga pulis o sa pactaf anjan lang yan me nakakakilala dyan eh kung wala rin namang mapapala sa hirap nga naman ng buhay di bahala na lang sila maghanap. painan mo ng pera at sisingaw yan




Ganon na po ba ang mga taga Paete ngayon?Kung walang pabuya o walang bayad ay di na kikilos?Wag naman po sana Sad
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Jul 31, 2008 4:35 am    Post subject: Reply with quote

salamat at may mga matyaga na mag post at patuloy na ugain ang mga kinauukulan. ung mga paetenians sa ibat ibang lugar siguro wala naman paqkialam na kasi bukod sa busy na eh wala na siguro silang ariarian na mananlaw satin kaya tayo na lang mga tiga paete na nadito sa ating bayan ang patuloy na magtanong at tumulong malutas ang problema.

sa kinauukulan naman ay paki post po ang mga nahuhbuli nyo kung sakali ng sabihin namn ng ating mga kababyan ay di sayang ang bayad ng buwis at sa ngo naman ay di sayang ang pagtulong sa kanila

salamat po

Juan dela cruz
Back to top
Guest#8
Guest





PostPosted: Fri Aug 01, 2008 8:35 pm    Post subject: Reply with quote

Sa tingin ko nga po dapat lagi tayong mag abang kung ano na nga po ang nangyayari sa talamak na nakawan dito sa ating bayan.Kung meron man pong improvement sana naman po i post ng mga kinauukulan para naman po di masabing tayo'y ningas kugon lamang.
At kung me mga nahuli naman paki post na rin po sana nila at ng sa ganon yung mga taong nagbabasa at nag aabang eh makapagpa SALAMAT din naman sa mga kinauukulan.
Back to top
Guest0210
Guest





PostPosted: Fri Aug 01, 2008 10:23 pm    Post subject: Ugain nating mabuti hanggang malagas Reply with quote

Tama, kailangang may nanguuga dahil kung wala, walang kikilos. Ang palagay ko walang mahuhuli sa mga magnanakaw dahil talagang hawak yang sila. May report ba ang kapulisan? May nabalita ba kayong naging suspect man lamang? May bagong report ba ang munisipyo tungkol sa cartographic sketch o dagdag na kaalaman sa suspects? Wala, tahimik dahil talagang walang mangyayari at walang kumikilos sa mga may kapangyarihan at alagad ng batas. Talang nga yatang ang batas ay butas. Hoy, gising naman, Kawawa ang mga biktima. Mga kababayan, magtulong tulong tayon galitangtangin ang kampana hanggang matulig ang mga tenga ng mga dapat gumawa ng hakbang, huwag tayong titigil at hihinto hanggang may mahuli man lamang na kahit isa sa mga magnanakaw sa ating bayan. Nakahihiya na ang talamak na nakawang ito.
Back to top
Guest din
Guest





PostPosted: Sat Aug 02, 2008 8:48 am    Post subject: Balik bayan Reply with quote

Hayan, natatakot na tuloy pati mga California umuwi, itinatanong ke mayor kung makakauwi pa sila ng Paete. Aba ay linisin naman sana ng mga may kapangyarihan ang sarili nating bakuran at baka
wala na ngang makagiustong umuwi ng Paete. Nakahihiya naman doon sa mga tumutulong na mga taga abroad.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Aug 13, 2008 10:34 pm    Post subject: Reply with quote

hmmmmr hmmmr hmmmr hmmmr Embarassed Embarassed Embarassed Embarassed

Bkit kaya natahimik na itong topic dito wala na po bang latest Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy

??????
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest
Guest





PostPosted: Thu Aug 14, 2008 7:01 am    Post subject: Wala pa Reply with quote

Ginoong Hernas,
Wala pa pong nahuhuli , ni suspect dahil alam naman nating hawal ng nasa itaas at kung ibubulgar, sila din ang babalikan at mabibisto.
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Aug 16, 2008 2:47 am    Post subject: Reply with quote

Hawak baga? Ay di kilala mo? Bakit hindi mo ituga? Baka kasama ka!
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Aug 16, 2008 2:49 am    Post subject: Reply with quote

Bakit kaya ang mga ito ay pilit idinadawit ang mga nakaupo?Gumawa kayo ng magaling para sa ikapupuri ng inyong samahan hindi yong wala kayong ginawa kundi paninira. Kayo ang mga anay sa Paete!
Back to top
Tigas Paete
Guest





PostPosted: Sat Aug 16, 2008 9:55 am    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
Bakit kaya ang mga ito ay pilit idinadawit ang mga nakaupo?Gumawa kayo ng magaling para sa ikapupuri ng inyong samahan hindi yong wala kayong ginawa kundi paninira. Kayo ang mga anay sa Paete!
[/b]
AMEN! AMEN! AMEN!

Tigas Paete
Back to top
guest#8
Guest





PostPosted: Mon Aug 18, 2008 2:05 am    Post subject: Re: Wala pa Reply with quote

Guest wrote:
Ginoong Hernas,
Wala pa pong nahuhuli , ni suspect dahil alam naman nating hawal ng nasa itaas at kung ibubulgar, sila din ang babalikan at mabibisto.





Sa guest po na sumulat nito,hindi ko po alam kung sino ang mga tinutukoy ninyo,kasi ayon po sa inyo "alam nating hawak ng nasa itaas",sino po ba yung sinasabi ninyong hawak ng nasa itaas?Baka po kasi ikaw lang ang nakakaalam kung sino yung sinasabi mong hawak ng nasa itaas,bakit di mo sabihin sa kinauukulan at dito sa forum kung sino yung mga taong sangkot sa nakawan na ayon sa iyo ay hawak ng nasa itaas.
Ang sa akin lang po wag po sana tayo puro bintang lang,maging responsable po sana tayo,kung me alam po kayo siguro po dapat nyong sabihin kung sino sila,tutal nakatago ka naman sa "guest".
Kawawa po kasi yung mga taong napagbibintangan.Kung puro ganito kasi di rin po malulutas ang problemang ito sa ating bayan,kasi me alam ka ayaw mo namang sabihin.
O baka naman me pino protektahan ka rin?Nagtatanong lang naman po..[/b][/quote]
Back to top
cONG.mANHIK mANAOG
Guest





PostPosted: Mon Aug 18, 2008 12:57 pm    Post subject: Reply with quote

Yang mga taong yan eh wala ng magawa, walang mapagbintangan,"EPAL" baga sabi sa kanto ng palaboy sa quinale,
Mangyari na kayo ay pumarito dito sa bahay ko at bibigyan ko kayo ng pera at akoy ipangampanya nyo, ng kayo may magawa, hindi yung namumuna kayo ng iba. uuwi nalang sa inyo at kakain pag katapos sa galaan "GALIT PA PAG WALANG SABAW ANG ULAM"
CONG.MANHIK MANAOG PO!!
Back to top
Pabok palabok
Guest





PostPosted: Tue Aug 19, 2008 6:23 pm    Post subject: tigil na Reply with quote

Magsitigil na nga kayo pulos mga walang magawa kundi magdaldal, wala namang laman ang inyong mga sinasabi dahil pulos bintang lang at walang proweba
Back to top
cONG.mANHIK mANAOG
Guest





PostPosted: Tue Aug 19, 2008 9:27 pm    Post subject: Reply with quote

Good One Panyerong PABOK!!!


CONG.MANHIK MANAOG PO!!
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Aug 21, 2008 1:45 am    Post subject: Re: tigil na Reply with quote

Pabok palabok wrote:
Magsitigil na nga kayo pulos mga walang magawa kundi magdaldal, wala namang laman ang inyong mga sinasabi dahil pulos bintang lang at walang proweba


Hehehe Siempre kanya kanyang pagalingan eh....
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Thu Aug 21, 2008 8:16 pm    Post subject: nakawan pa din aba Reply with quote

:cry:abay mag tulong tulong na lang kaysa magbintangan
baka may nakaqwan pang malutas.....di naman makukuha sa siraan at bintangan yan.......sigurado pinagtatawanan na kayo
ng kung sinuman na mga magnanakaw na yan. Exclamation
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Aug 22, 2008 9:25 pm    Post subject: Makasabat na po... Reply with quote

May nakapagbalita po sa akin na isang grupo ng mga estudyante from the University of the Philippines ang nag-stay dito sa atin sa Paete for research. Tumira sila sa isang bahay...ang nakakalungkot pag balik nila nawalan sila ng laptop, cellphones...na iniwan nila sa bahay na tinirhan nila...
Back to top
Guest






PostPosted: Sun Aug 24, 2008 2:10 am    Post subject: Reply with quote

Quote:
May nakapagbalita po sa akin na isang grupo ng mga estudyante from the University of the Philippines ang nag-stay dito sa atin sa Paete for research. Tumira sila sa isang bahay...ang nakakalungkot pag balik nila nawalan sila ng laptop, cellphones...na iniwan nila sa bahay na tinirhan nila...


Nagbintang ka nanaman. Kung nabalitaan mo lang at wala ka namang proweba wag mo ng ipost dito, maliban kung kilala mo mismo yung bahay na kamo'y tinirhan nila.
Back to top
guest#8
Guest





PostPosted: Sun Aug 24, 2008 9:12 am    Post subject: Reply with quote

Me bago na tayong Mobile Patrol,sana naman ay gamitin ito sa pagpapatrolya at ng makatulong sa pagsugpo sa nakawan dito sa ating bayan.
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Jan 23, 2009 9:06 am    Post subject: Reply with quote

ano wla nang balita sa magnanakaw o kaban na ng bayan ang nananakaw sa sahod ng mga kinauukulan? nagtatanong lang. wala na po bang latest. yung mga kabataan na sinasabi napatunayan ba na sila ang salarin? abay gising. sa bagong hepe abay mag pasiklab na hatawan na ang mga kriminalidad.

JTDLC
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Fri Jan 23, 2009 10:17 am    Post subject: Reply with quote

JTDLC,
Kung talaga pong interesado kayo sa mga nagagawa ng ating kapulisan, bukas po and aking tanggapan at ang tanggapan ni hepe Erik Villarete upang makuha ninyo ang detalye ng kanyang report. Mahirap pong lahat ng detalye ay dito iulat sa ating forum. Mayron pong maseselan na bagay na hindi basta mailahad sa publiko. O kaya, welcome ka pong dumalo at mag obserba sa aming ginagawang buwanang pulong twing ikalawang Martes ng buwan ganap na ika 8:30 NU at doon ay malalaman mo ang lahat ng detalyeng ulat ng ating kapulisan. Para bigyan ka po ng ilang "hint", nasa custody na po ng mga pulis ang pinaghihinalaang nang holdup sa Western Union at mga bumbay. Isinasagawa na rin ang blood analysis at pusibling DNA test sa dugong nakita sa kamiseta ng pumaslang sa batang si Nina.

Quote:
ano wla nang balita sa magnanakaw o kaban na ng bayan ang nananakaw sa sahod ng mga kinauukulan?


Pwede din naman pong mag-usisa sa magandang pananalita na hindi nakakasakit ng damdamin ng mga kinauukulan.

Maraming salamat po,
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7  Next
Page 6 of 7

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group