PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Thailand vacation
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Photo Albums and Videos
View previous topic :: View next topic  
Author Message
agaent
Guest





PostPosted: Tue Jun 24, 2008 10:15 pm    Post subject: Thailand vacation Reply with quote

I attended the Lions Clubs International convention at Bangkok, Thailand. It was a surprised also that one of our kababayan was successfully staying here in Thailand. His residence and business is in Chiang Mai, Thailand. He invited me to stay with him for a week after the convention.

He will pick me up and drive for 7 hours to reach Chiang Mai, and the name of our kababayan is no other than Dante Valdellon a basketball fanatic and play with UST during high school and JRC during his college tenure.

Hope you still remember him, especially my classmates who graduated elementary year 1956.

I will send you more message and pictures upon completion of vacation.

Ang inyong kababayan.

From Saipan, CNMI,

Pastor B. Gagaring
Back to top
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Wed Jun 25, 2008 5:11 am    Post subject: Dante Valdellon Reply with quote

Pastor,

Dante was in NYC few years ago and I remember him calling me on my cellphone. It was during a Christmas Party in Jersey City and he wanted very much to come but could not because he didn't have a ride from NYC. I remember the city of Chiang Mai. That's where we mailed his subscription of the newsletter. He seems to have settled in Thailand for good. Ikaw, kumusta ka na?

Toto Ver

_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
fredmc



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 671
Location: Fred Cagayat

PostPosted: Thu Jun 26, 2008 3:16 am    Post subject: Kumusta sa'yo at kay Dante Reply with quote

Hi Pastor,

Ikumusta mo na lang ako kay Dante. Contemporary ko siya at kalaro-laro ng basketball sa Paete. Silang dalawa ni Takyo ang nagdadala sa Raiders. Mahigpit na kalaban namin ng Knights ang Raiders, Dribblers at Interwood/Eastply noong panahong yaon.

Tila si Coach Mateo Adao ng JRC and kumuha sa kanya.

Regards.

FredMC
Back to top
View user's profile Send private message
agaent
Guest





PostPosted: Fri Jun 27, 2008 9:19 am    Post subject: Reply with quote

Ver and Fred,

Sinundo na ako ni Dante sa Twin Tower hotel at dito kami ngayon sa bahay ng anak niyang stewardess ng Thai International, marami akong nalalaman ngayon sa buhay niya. He have two children in Chiang Mai, Thailand a stewardess and a steward both working with Thai International.

Before everything napagkwentuhan na naming dalawa ang tungkol sa pagpunta niya diyan a couple of years ago, gusto nga raw niya kayong makita bago umalis pero nawalan ng pagkakataon. Pero hindi bale babawi na lang siya dahil marami kaming kuhang mga litrato.

Bukas we will go to Pattaya beach ang boracay beach ng Thailand, we will drive only less than two hours, then Sunday we will go to Chiang Mai his place and stay there up to July 4th day I will be leaving Bangkok.

The whole day today marami na siyang nagawa dito na hindi natin alam na lahat ng taga Paete. Mayroon isang museum and resort na bubuksan dito before the end of the year at halos lahat ng carvings at design ay galing kay Pareng Dante. Marami na akong nakuhang litrato, it will be publish later. Ang mural niya na ga dingding ang laki ay 17 na piraso (kasama na doon ang last supper na 3 kinds of design at holy station), marami ring mga poon na malaki pa sa life size. Pati nga sina Pope Benedict at Pope Paul ay mayroon ding life size na mataas pa kay pareng Dante. What an achievement of a Paetenians sculptor with only 3 local helpers. The work was done for almost 4 years total. This morning we met an interested person from Penang, Malaysia because he saw the church in Chiang Mai and all the doors was made by our sculptor also, so another project for him. He would like to stop working pero ang order ng kanyang mga trabaho ang dumadating.

More news later, mga katoto.

Sorry hindi ako magaling sumulat kaparis ninyong dalawa.

Pastor pa rin ng Saipan
Back to top
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Fri Jun 27, 2008 5:23 pm    Post subject: Dante Valdellon Reply with quote

Pastor, good to hear news about a successful kababayan. We are looking forward to the posting of the photos you took.

Dante was a subscriber to the Newsletter because, he said, it was then his only contact with Paete. At one time, there was a Belgian lady from Mol, Belgium who also became a subscriber because of Dante and her business interest in his works. Her name is Ria Smets.

Dante is a living example of what talent can do. Talent lasts and passes the test of time. How many kababayans do we have who have made a name for themselves because of their talent who otherwise would have remained both unknown and destitute at home. A sad reality indeed, for the market for talent seems to be found abroad, not at home.

Although Thailand is closer to the Philippines, he must be very homesick as he is very isolated, i.e. there are not many Paetenians in Thailand.

Tell Dante to go online and show his works of art. Don't forget to give us a call when you are in the New York area. More power to you, Dante!

_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
agaent
Guest





PostPosted: Sat Jun 28, 2008 6:08 am    Post subject: Reply with quote

Katotong Ver,

Salamat sa tugon mo sa posting, tuwang tuwa siya at nalungkot lang dahil hindi nga nagkaroon ng pagkakataon na magkita-kita kayong mga pogi.

Bukas ng umaga bandang alas 8 o 9 AM, magdrive kami papunta sa Chiang Mai, sa bahay niya, 7 hours lang ang driving at siguro may time na kaming magpost ng mga pictures dahil July 4th ang alis ko puntang Saipan.

Kararating lang namin galing sa Pattaya beach at Jomtien beach na maraming tao ang nagpupunta doon. Along the beach ay maraming mga big umbrellas parang na Dewey Boulevard ka na marami ring bilihan ng pagkain nila at barbecues.

Anyway habang nagkukwentuhan kami ay hindi ko maiiwas ang tanong tungkol sa basketball niya kung nagamit dito sa Thailand. At nabanggit din niya na he have a lot of admirers sa isang University sa Chiang Mai dahil pag may dayong team ng basketball ay palagi siyang bunot ng University para lumaban sa dayuhan team or National team. Nagulat sila sa kanya dahil sa bilis at tapang pa rin niyang maglaro at palagi ring highest pointer maski na bunot lang, that is 15 years ago. You know what, the basketball coach kasi ay Thai na married to a Pinay. He is staying here now for 40 years, very fluent speakers of thai language.

Ang hobby niya ngayon ay golf na tunay, he is no more handicap, kung bibigyan ng pagkakataon ay pwede na ring lumaban kay Tiger Woods, he plans to teach me golf at Chiang Mai dahil dalawa din daw ang set niya ng golfs.

Katoto, tumotok ka lang dito sa issue ito at makikita mo rin ang mga ginawa niyang mural and solid carving, a real talent of Paetenians.

Pwedeng pwede na siyang mahilera sa 10 outstanding Paetenians, if you are still doing this criterias.

Maraming salamat po mga kababayan.

Ito ang inyong abang lingkod.

USAPANG PINOY ng Saipan,

Pastor B. Gagaring
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Jun 28, 2008 4:54 pm    Post subject: Reply with quote

makikisingit na nga po. nanggaling na po ako sa pattaya. di hamak po na magamnda amh BORACAY NATIN. kung mapapansin po ninyo sa gabi ay 2 street po duon ay bahay ng mga puta ang isang side ay para sa lalaki at isa ay para sa mga bakla. ingat po at 2 singko ang aids diyan. nag share lang po...........

Juan dela Cruz
Back to top
agaent
Guest





PostPosted: Tue Jul 01, 2008 8:37 pm    Post subject: Reply with quote

Guest - Juan dela Cruz,

Magandang umaga sa iyo kabayan, sana sa susunod mo pag-comment sa message namin ay magpakilala ka naman, sayang lang talino mo kung hindi mo ginagamit ang iyong pinag-aralan.

Hindi namin namaganda ni Pareng Dante Valdellon ang comment mo. Una sa lahat ay hindi naman puta at aids ang hanap namin. Paris ni Pareng Dante na 40 years na rito, ako naman ay more than 40 years na sa labas ng Pinas pero wala sa isipan namin ang mga ganitong bagay. Maraming salamat naman kung ang Boracay ay walang aids at puta na sinasabi. Hindi ko sana gustong banggitin ang mga salitang yon pero hinihingi ng pagkakataon.

Parang ayaw ko na tuloy magpublish ng mga pictures kong kuha dito dahil baka hindi magustuhan ng mga kaparis mo.

Hanggang sa muli kabayan, magpakilala ka naman o baka naman ang Moderator ay alam kung sino ang guest ay pakilagay dito.

Ginagawa ko lang ito dahil sa kasiyahan namin at ng ibang mga kababayan natin na mag-appreciate.

Pasensiya na po kung hindi mo magustuhan ang comment namin ni Pareng Dante.

Nagtrabaho din ako dito sa Vietnam, Laos, Cambodia at Thailand area kaya balak naming makita muli ang mga lugar naito sa susunod na mga taon.

Maraming salamat po sa inyong lahat.

Pastor Balquiedra Gagaring
Saipan, CNMI
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Tue Jul 01, 2008 9:59 pm    Post subject: Reply with quote

Pastor,

Nakikiusap po ako na paki-post po yung mga pictures na kuha nyo diyan. Balita po noon pa man ang naging kaalaman at husay ni Amang Dante sa larangan ng basketball dito sa ating bayan. Bagama't hindi ko na inabot ay mabuti na rin pong makilala man lang sa larawan. Palagay ko po ay hindi lang ako ang may gusto na malaman rin ang naging buhay ng isa nating kababayan na matagal na nawalay sa kanyang mga kaibigan, kaanak, kababayan at sa kanya mismong Inang Bayan.

Pakisabi po na nakarating sa akin yung message niya about summer league basketball sa Paete. Late pong dumating dahil sa iba bumagsak yung email at ipinorward na lang sa akin. Properly noted po yung naging observations ni Amang Dante doon.

Asahan ko po yung pictures. Salamat po!!!

Regards din po kay Amang Dante,
Vice Mutuk

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
agaent
Guest





PostPosted: Wed Jul 02, 2008 5:43 am    Post subject: Reply with quote

Vice Mayor Mutuk,

Good morning po at mabuhay sa iyo Mayor opps... Vice Mayor pala. After breakfast kanina ay binasa namin ni Pareng Dante ang sagot mo sa message namin, huwag kang mag-ala-ala at bibigyan natin ng time ang posting ng mga litrato, hintayin mo lang na makabalik ako sa Saipan. Balak ko pa sana na maki-fiesta ng Paete dahil birthday ko kinabukasan, pero biglang nagdalawang isip pa ako.

Si Pareng Dante Valdellon, ay kaklase namin sa elementary, sa kahirapan ng buhay noon ay naiwan namin siya ng high school kaya medyo nahuli siya. Ganon pa man ay nagsumikap pa rin siya na mag-aral sa Eastern Laguna Institute para makatapos ng high school. Naging basketball player siya ng ELI na lumahok sa PRISAA, pero second or third lang yata ang nakuha ng Eastern, pero binunot siya ng Atimonan team dahil sa kanyang likas ng kagalingan sa paglalaro.

Kinuha rin siyang basketball player ng UST, sa Pasay siya nakatira noon kaya masyadong malayo kaya lumipat siya ng JRC, ang kwento nga niya sa akin noon ay hindi siya first five ng JRC naging maganda ang kanyang mga laro at ng naging first five na bigla raw siyang kinabahan at nabaguhan.

Pero siya ay laking Paete at nag-uukit na noon sa Ilaya, kaya ng magkaroon ng pagkakataon na mag-overseas ay nagpunta siya sa Vietnam na kasama ang ilang mga kababayan natin.

Hindi sila pinalad na mabuti kaya pumunta naman siya ng Bangkok, Thailand kaysa umuwi ng Pilipinas. Medyo pinalad ng hanap buhay dito at palagi rin siyang nabubunot ng Chiang mai University sa paglalaro ng basketball, kaya nagugulat ang mga kalaro niyang National player ng Thailand, kinukuha siya kaya lang ay hindi siya pwede dahil siya ay Filipino national.

Umunlad ang pag-uukit niya dito at hanggang lumaki ang kanyang negosyo, may pagawaan na at tindahan bukod pa sa mga orders sa kanya. Malimit din siyang may show sa Europe, six months every year (Brussels, France, Germany, Switzerland at halos European countries).

Ngayon nga ay umabot halos ng apat na taon ang mga inukit niya dito para sa bubuksan na WOODLAND MUSEUM AND RESORTS na tutok para sa mga turista. Halos lahat ng mga carvings doon ay buhat sa magaling na kamay na sculptor ng Paete, Ginoong Dante Valdellon.

Vice Mayor, alam kong maganda ang mga adhikain nnyo diyan sa sport para sa mga kabataan natin, siyempre galing din kami ni Pareng Dante diyan. Kung kailangan ninyo ang tulong maski kaunti ay mayroon kaming maibabahagi sa lahat.

Ang covered court ng Elementary noong araw ay tinaggal ang goals pero ako ang nakiusap sa Principal noon pa at pinagawan namin ng sementong goals. Hindi ko lang alam kung buo pa yon o nasira na rin.

Hanggang dito na lang muna at sa susunod na bahagi na lang mga kababayan.

COMING SOON........PICTURES.

Pastor B. Gagaring/Dante Valdellon
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jul 02, 2008 6:51 pm    Post subject: Reply with quote

pasencya napo kayo sa post ko. pero gaya nga po ng sabi ko pasingit lang po at nag share lang ako ng karanasan. hindi ko po intensyon na kayo ang tinuturing na makakakuha ng aids. ang sakin ay sabihinlang ang tunay na nangyayari duon. gaya po ng bayan nating PAETE may maganda at pangit na nangyayari. di naman maganda na lagi natin sasabihin na maganda lagi ang buhay sa ibang bansa. alam ko behind the success of every paetenians, there is something missing in their lives and that affects their emotions and mental difficulties. kaya nga madami ang nag popost dito. dito sila nakakakita ng o nakakabalita sa paete. kung iisipin ito po yung kulang sa buhay ng mga tao na nasa ibang bansa.(belongingness) lagi nating post ang maganda pangyayari sa ibat iba bansa maganda malaman din nila ang hirap duon. gaya ng pag babarko nakakarating sa ibat iba bansa pero dugo at pawis ang kapalit. sa US maganda mag work pero walang buhay kundi work lang. ang mga kano pag nakakita ng ASO na palaboy aampunin nila pero makakita sila ng TAO na palaboy (illegal alien) ipapadeport nila. di lamang racial descrimination ang kalaban kundi human descriminstion din minsan. punta po kayo ng sea world may time for rest ang mga dolphin. rights ang tawag nila duon. pero minsan ang worker wala nuong sinasabi na rights to rest. lalo na sa contractual na OFW. muli po sorry. hintay ko rin po ang mga picture. pasencya na po ulit at sana tanggapin nyo ang apology ko.

Juan de la cruz
Back to top
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Wed Jul 02, 2008 7:02 pm    Post subject: Dante Valdellon Reply with quote

Pastor, this is a nice biography of Dante which only a friend could write. Very interesting. I just wish we could see his works. Please tell Dante to give me a call whenever he is in the NY area. Happy 4th of July.
_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
agaent
Guest





PostPosted: Wed Jul 02, 2008 8:21 pm    Post subject: Reply with quote

Ver,

Good morning dito sa Thailand at Good evening naman sa inyo. Tumawag kami ni Pareng Dante sa number mo pero walang sumasagot, kaya nagbakasakali kami kina Mareng Edith Afurong at nakausap naman namin siya.

Mag-try muli kami mamaya pero palagay ko nga ay long weekend kasi ay baka kung saan naman kayo mag-enjoy. Anyway na-confirm na namin na yon pa rin ang iyong telephone number sabi ni Mareng Edith.

Huwag kang mag-alaala at tatawag muli si Pareng Dante, bukas na ang alis ko puntang Pilipinas.

Kumusta na sa lahat ng kababayan natin diyan.

Pastor & Dante
Back to top
agaent
Guest





PostPosted: Thu Jul 03, 2008 1:08 am    Post subject: Reply with quote

Ver,

Ako muli, anyway nakausap ng ni Pareng Dante si Edith Afurong at tinanong kung ito nga ang number mo pa hanggang ngayon (201) censored pero ito naman apat tatlo lima - lima walo tatlo apat, sabi niya ay still the same. Unang tawag namin ay walang sumasagot. Then we went to the Elephant show dito at pagbalik ay tumawag muli pero ang sumasagot ay puti at wala daw kilalang Virgil Madrinan.

Gusto lang malaman ni Pareng Dante kung ano talaga ang number mo para matawagan ka niya. I am leaving tomorrow for Manila.

Hanggang sa muli at siyempre abangan ang kasunod na kabanata.

Pastor & Dante
Back to top
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Thu Jul 03, 2008 1:39 am    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
...ingat po at 2 singko ang aids diyan. nag share lang po...Juan dela Cruz


Kabayang Guest Juan de la Cruz,

Sigurado akong tatanggapin ni Pastor ang iyong apology. Kaibigan ko siya at kilala kong mabuti ang kanyang ugali. Siya ay maunawain at marunong magpatawad lalo na't humihingi ka nang paumanhin na galing sa kalooban.

Sa iyong paghingi ng paumanhin ay ipinakita mong meron kang pagkatao at walang tangkang makasakit.

'Yong una mong message ay puedeng bigyan ng dalawang kahulugan: isang inocente at isang may malicia. The saving grace sa iyong message sa palagay ko ay 'yong salitang 'ingat lang po' at nagbibigay ka lamang ng babala.

Sa tingin ko ay naging problema lamang 'yong ibang bahagi ng mensaje. Para bagang may pahaging na 'yon na lamang ang hanap nila sa Pattaya. Hindi lamang yata naging maganda ang dating kay katotong Pastor at Dante. My two cents.

_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Guest






PostPosted: Sat Jul 05, 2008 8:30 am    Post subject: Reply with quote

salamat po mang ver.

JUAN DELA CRUZ
Back to top
agaent
Guest





PostPosted: Sun Jul 06, 2008 8:48 pm    Post subject: Reply with quote

Pareng Dante,

Kumusta na diyan sa Chiang Mai, key naman ang biyahe ko sa pagbalik ng Manila, wala ring nasingil na excess baggage, sa mura ba naman ng mga bilihin diyan ay sino ang hindi mag-excessng timbang.

Pasensiya kung hindi kita matawaga dahil ayaw pumasok sa cellphone mo paris ng experience natin diyan, anyway naitawag ko sa long distance kiaya kita nakontak noong Sabado.

Anyway baka abutin pa ako ng Fiesta dito sa Pilipinas hindi ko lang sigurado kung makakauwi ako ng Paete.

Abangan mo na lang ang mga pictures mo dito.

Maraming maraming salamat muli sa napakasarap na bakasyon na ibinigay mo sa akin.

Pareng Pastor
Back to top
Ma'am warlita
Guest





PostPosted: Sun Jul 06, 2008 10:21 pm    Post subject: Thailand Vacation Reply with quote

Nabasa ko ang kwento ni Pastor tngkol sa iyo Pareng Dante. Nakatutuwa naman ang naging accomplishments mo. Naalaala ko tuloy ang mga nakalipas na panahon ng pagkakaibigan ninyo ng insan at pareng Doming mo. Ikukuwento ko rin sa kanya ang kalagayan mo ngayon at siguradong matutuwa siya sa kabila ng kanyang kapansanan. Nagpunta rin kami ni Heidi at ng kanyang asawa sa Bangkok, Thailand noon. Ipinagtanong ka nga namin sa isang tindahan ng mga ukit kung kilala ka dahil sa pagbabasakali na makita ka nga dahil alam namin na nasa Thailand ka. (he he he ... laki naman ng Thailand) Kumusta uli. ........ mareng lili Afuang-Valdellon
Back to top
agaent
Guest





PostPosted: Fri Jul 11, 2008 5:46 am    Post subject: Thailand Vacation Reply with quote

Dear Kababayan attached are some pictures of Dante Valdellon's daughter residence where we stay during Bangkok stay. The daughter is a Flight Stewardess of Thai International married to a Pilot of the same company.



Back to top
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Fri Jul 11, 2008 7:35 am    Post subject: Dante Valdellon Reply with quote

Toto Pastor:

No pictures of you and Dante show in your posting. Send them to me and with your permission, I will post them. Or, is it only I who don't see the pictures?

_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Guest






PostPosted: Fri Jul 11, 2008 9:12 am    Post subject: Reply with quote

ako din po wala nakikita?
Back to top
dvalarts
Guest





PostPosted: Fri Jul 11, 2008 8:36 pm    Post subject: thai vacation Reply with quote

Pareng Pastor walang mga photo anyway this will come later,salamat sa lahat na nagreply sa topic na ito to Ver and Fred,vice Mutuk and specially to my old dear friend Lily (mam Warlita) i hope too that my insan Doming is doing fine at sa lahat na.I'll try to share some of my photo later on,but need some assistance from my hilltribe friend dante
Back to top
Nick Baldemor
Guest





PostPosted: Sat Jul 12, 2008 4:58 am    Post subject: Hafa Adai Pareng Pastor Reply with quote

Kumusta na pre, hangga ngayon ay wala ka pa rin tigil ng kabi-byahe, aba ay siguro kung mga tatlong beses lang ay naikutan mo na ang buong mundo. Isa ako sa natuwa sa success story ni Dante, nakasama ko rin mag-ukit yan sa ibaba noong araw mahusay talaga at magaling pa mag drawing. Sana nga ay mai-post mo ang mga kuha ninyo dyan, mukhang buong sambayanan ng Paete ay inaabangan ang mga pogi ninyong litrato, 3:00 am na dito ng mabuksan ko ang posting mo ay talagang hindi ko tinigilan ang pagbasa hanggang sa huli, interesting talaga. Salamat din pala doon sa pakikipaglibing mo kay Inang Tentay sa Guam. Hanggang sa muli Pare, pag napunta ka dito sa California make sure to give me a call, you know where to contact me, tayo naman ang mag gagala ng katakot takot.
Pareng Nick
Back to top
agaent
Guest





PostPosted: Sat Jul 26, 2008 12:23 am    Post subject: Reply with quote

Pareng Dante,

Kumusta na sa iyo diyan sa Thailand, narito ako ngayon sa Nagoya, Japan at medyo biyahe na naman, siguro by next week ay maiipost ko na ang mga pictures dahil pauwi na ako sa Saipan.

Hindi na ako naka-uwi ng fiesta sa atin sa Paete dahil medyo busy na rin ako dito sa Maynila.

Hanggang sa muli Pareng Dante.

Kay Pareng Nick Baldemor naman ay siguro either next year or two more years ang pasyal ko diyan sa inyo.

Hanggang sa muli mga Pare ko.

Maraming sa lahat.

Pareng Pastor
Back to top
agaent
Guest





PostPosted: Sat Dec 27, 2008 12:15 am    Post subject: Thailand Vacation Reply with quote

Mga Kababayan,

Pasensiya na po at mahirap maload ang mga pictures sobrang tagal dito sa computer. Ang sabi ko Vice Mutuk na ipapadala ko na lang sa flash drive kung may taga Paete o kakilala na pauwi diyan sa lugar natin.

Si Vice Mutuk na po ang nag-volunteer na magload ng mga pictures ang alam ko more than 50 shots ang mga pictures.

Merry Christmas and a Happy New Year po sa lahat.

MOre power and blessings for us all on 2009.

Pastor B. Gagaring
Saipan, CNMI
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Photo Albums and Videos All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group