PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

KATARUNGAN SA PAGKAMATAY NI HARRY DELA CRUZ
Goto page 1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
KAIBIGAN
Guest





PostPosted: Sun Oct 26, 2008 9:17 am    Post subject: KATARUNGAN SA PAGKAMATAY NI HARRY DELA CRUZ Reply with quote

Kami po ay humihingi ng tulong sa lahat upang malutas at malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng aming kaibigang si Harry dela Cruz 26 years old, may 6months old na baby.

si Harry po ay pinatay ng di nakikilalang lalaki sa ilog putol siniloan-pangil road,,

Ayon sa mga kamag-anak putol putol (tatlong putol) po ang kanang braso at durog ang kanang pelvic bone.

ang pamilya po ay nangangailangan ng tulong legal at impormasyon.
salamat po..
Back to top
dela cruz family
Guest





PostPosted: Tue Oct 28, 2008 1:32 am    Post subject: katarunagn Reply with quote

TAMA KA DYAN, KAIBIGAN.... SALAMAT.
ANG PANAWAGAN LANG PO NAMIN... KUNG SINO MAN ANG MAY ALAM, MAY KUTOB O KAHIT SINONG MAKAKATULONG SA AMIN PARA MALUTAS ANG KASO NI HARRY. .. NAKIKIUSAP PO KAMI... MAGSALITA KAYO.. AT ITO AY BUONG BUHAY NAMING IPAPASALAMAT SA INYO.
SA MGA NAIS MAGBIGAY NG PAYO... SALAMAT PO.
SA LAHAT NG NAKIKIRAMAY.... SALAMAT PO
SA LAHAT NG NAKIKIDALAMHATI.... SALAMAT PO
SA LAHAT NG NAISA TUMULONG.... SALAMAT PO.

WAG NATIN ILIBING ANG ISYUNG ITO...
Back to top
concerned citizen
Guest





PostPosted: Tue Oct 28, 2008 2:09 am    Post subject: conspiracy! Reply with quote

Nakakaalarma ang mga pangyayari ngayon sa ating kapaligiran. siguro ay panahon na para tayo ay maging mulat ang mga mata upang ang mga sakunang nangyayari sa ating mga kababayan ay 'wag maulit sa atin at sa mga mahal natin sa buhay.
Ang pangyayari kay Harry ay isa lamang sa mga kasong dapat tutukan at bigyan ng kalutasan.
Bakit hindi natin mapilit magsalita ang tanging kasama niya sa mga huling oras niya? Mula sa inuman sa Maytoong, hanggang sa Siniloan at hanggang sa nangyaring aksidenteng naganap sa hiway ng Siniloan-Pangil na dahilan upang mamatay si Harry. Hindi ko sila lubos na kilala pero kung pagtatagni-tagniin ang mga pangyayari ayon sa iba't ibang espekulasyon, lumalabas na imposibleng wala siyang alam. Bakit inabot ng ilang oras bago siya nakahingi ng saklolo? Ano ba ang tunay na nangyari sa inuman bago sila pumunta Siniloan? Ano ang naganap nung nasa Siniloan na sila? Sa pag-uwi nila, ano ang alam niya sa nangyari?
Tatlo ang tanong ng bayan: 1) Wala ba talaga siyang alam? 2)
Natatakot ba siyang magsalita dahil kakilala niya ang pumatay kay Harry? 3) O isa siya sa mga salarin?
Nagtatanong lang po ang bayan. Ikaw lang ang makakasagot.
Back to top
A.C. Cajumban



Joined: 01 Sep 2007
Posts: 99
Location: Annalyn C. Cajumban

PostPosted: Tue Oct 28, 2008 4:13 pm    Post subject: Reply with quote

Isang lalaki lang kaya ang pumatay kay Harry? sa dami ng baling buto niya ay di lang isa wari ko may kasama pa......at sa inyo kung sino man kayo na inilagay ninyosa mga kamay nyo ang buhay ni harry.... ano bang atraso sa inyo? buhay ba talaga ang katapat ng naging atraso sa inyo?......bukod dun ay inalisan nyo ng ama ang isang bata ...hindi lang kulong ang sapat sa ginawa nyoo....dahil makulong man kayo ay hindi nyo maibabalik ang ama ng batang naulila...mga walang puso...wala kayong pagmamahal sa sarili nyo....kaya wala kayong pagmamahal sa kapwa...wala kayong takot sa Panginoon na nakakita ng lahat, sana'y matuto kayong magsisi.
_________________
Psalm 37:4 Delight yourself in the LORD, and He will give you the desires of your heart.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger
justice
Guest





PostPosted: Wed Oct 29, 2008 4:14 am    Post subject: nakakalungkot Reply with quote

naririto po kami sa ibang bansa at nakakalungkot pong isipin na me mga nangyayaring ganito sa mga kababayan namin. ang balita po sa amin dito ay meron na pong suspect; sna po ay di tantanan ng pulisya ang pag iimbestiga. ano po ba ang naging resulta ng autopsy? dineclare po ba na murder ang nangyari? nalilito po kasi kami sa dami ng balitang nakakarating sa amin na iba't-iba ang sinasabi. ang sabi po sa amin nung una ay aksidente, tapos meron daw pong nakitang mga saksak sa katawan. sna sa mga me kapangyarihan o me mga kakilalang forensic experts ay tulungan natin ang paglutas ng krimen na to. tapos me kasama pa pala po cia nung naganap ito; ang tao pong ito ang dapat talagang tutukan ng pansin dahil sya po ang huling taong nakakita na buhay si Harry. at sa mga taong me nalalaman about the crime, please step forward. maawa sna kayo sa pamilya ni Harry, especially sa anak nia na di na makikilala ang ama nia.
Back to top
concerned citizen*
Guest





PostPosted: Wed Oct 29, 2008 10:07 pm    Post subject: Reply with quote

magandang umaga po. Dun po sa nagtatanong kung murder ang ikakaso sa nangyari kay harry. Wala pa pong naifile kasi po w8 pa po ung autopsy result. 'yon po kasi ang pagbabasehan kung may naganap na foul play o just an accident.

let's just pray hard para po makamtan ni harry ang katarungan sa kanyang pagmatay kung totoo man pong may mga taong salarin sa likod ng kanyang pagkamatay. May lead na po ang Pangil Pollice na sa ngayon po ay isang matibay na ebidensiya na lang ang kanilang kailangan bukod po sa salaysay ng taong huling kasama niya na hanggang sa ngayon ay hindi pa nagsasalita. paiba iba po kasi ang kanyang deklarasyon.

Alam ko pong makukusensiya siya, ciguro po ay may pinagtatakpan lang siya o natatakot din siya sa kanyang kaligtasan pero dapat din po niyang isipin na kung hindi pa siya magsasalita ngayon, at mapapatunayang pinatay si Harry, siguradong kasama siya sa ihahabla. accomplice to the crime / obstruction of justice. basta, yong pananahimik niya at pagsasawalang alam ay may idudulot na hindi maganda sa kanya at sa katarungan para kay harry.

Kaya kung may natitira pa siyang malasakit... magsabi lang siya ng totoo... yon lang, yon lang ay napakalaking tulong na sa ikalulutas ng kaso ni harry.

Kami po, mga concerned citizen ay may sarile ring pag iimbestiga na baka sakaling makatulong din sa kaso ng isang mabait na kasamahan.

Panalangin po nating lahat ang katahimikan ni harry sa kanyang kinaroroonan at ang kalutasan ng kanyang kamatayan...
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Oct 30, 2008 3:44 pm    Post subject: to justice Reply with quote

Hi! mr./mrs./ms.justice,
may suspect nga at mga pulis na ang nakakaalam neon syempre hindi pa mailabas lahat,pati autopsy...at yung place na pinangyarihan ay under police protection parin nandun pa rin ang motor ni harry at dun din nakita ang ginamit sa pagpatay kay harry.
yung mga nabalitaan nyo o nakarating sa inyo dyan ay ganun ang balita dahil nakamotor sina harry ay ang sabi ng kasama nya ay aksidente, yung saksak sa katawan ni harry na nabalitaan nyo, ay ang sab daw ng kasama nya ay sa bahay daw na ginagawa bumaksak ang katawan ni harry kaya may mga saksak....pero ang sabi ng mga pulis na nagdala sa ospital ay sa palayan nila nakuha ang katawan ni harry at putikan pa nga.. nayung mga saksak ni harry sa katawan ay yung pelvic bone nya na nagkadurog durog na nagkadamage pati bituka kaya naoperahan pa sya bago mamatay.ito ay ilan lang sa mga balita na may kinalaman sa pangyayari sanay sa mga pamilya na lang ito pero ngayon at maraming nagtatanong at maraming humihingi ng hustisya ay dapat lang na malaman ng lahat ang tunay na pangyayari ng maunawaan pati ng mga hindi nakakaalam kung bakit maraming humihingi ng hustisya para sa pagkamatay ni harry. ang mga sususnod pong details ay ipanalangin nating sanay mas may linaw dahil dito sa pangyayaring ito ay talagang yung kasama lang ni harry ang makapagpapatunay ng mga nangyari. sanay nagkaroon ng linaw ang mga bali-balitang nakarating sa inyo..ingat na lang po kayo dyan.
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Oct 30, 2008 5:17 pm    Post subject: Reply with quote

A.C. Cajumban wrote:
Isang lalaki lang kaya ang pumatay kay Harry? sa dami ng baling buto niya ay di lang isa wari ko may kasama pa......at sa inyo kung sino man kayo na inilagay ninyosa mga kamay nyo ang buhay ni harry.... ano bang atraso sa inyo? buhay ba talaga ang katapat ng naging atraso sa inyo?......bukod dun ay inalisan nyo ng ama ang isang bata ...hindi lang kulong ang sapat sa ginawa nyoo....dahil makulong man kayo ay hindi nyo maibabalik ang ama ng batang naulila...mga walang puso...wala kayong pagmamahal sa sarili nyo....kaya wala kayong pagmamahal sa kapwa...wala kayong takot sa Panginoon na nakakita ng lahat, sana'y matuto kayong magsisi.


nababasa kaya ito ng mga salarin?
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Oct 31, 2008 1:18 am    Post subject: Reply with quote

batay po sa akin nabasa at narinig narin.. talagang nakakapanghilakbot ang nangyari ke harry... di ko man sya personal na kilala, pero parang nararamdaman ko narin un nararamdaman ng pamilya nya..

me ilan lamang po akong tanong:

un kasama ba nya sa huling sandali ay me mga galos din resulta ng pagkakaaksidente?

magkaangkasan ba sila?

paano sya nakahingi ng tulong?

me motor din ba siyang gamit?

me lakas ng loob pa ba sya makipag-kita sa pamilya ni harry o sa burol man lang?

nakakapasok pa ba sya sa trabaho pagkatapos ng pangyayari?

ilan lamang po ito bagama't alam ko na dapat sa pamilya lamang nila ito pero para sa ilan din naman na gusto malaman ang totong nangyari..

mensahe lamang po sa kasama ni harry:

alam ng lahat na hindi na maibabalik ang buhay na nawala.. pero ang pagsasabi mo ng totoo ay malaking tulong sa ikalulutas ng kaso.. tulong narin para mabawasan ang "sakit" na nararamdaman ng pamilyang naiwan..
Back to top
justice4all
Guest





PostPosted: Fri Oct 31, 2008 1:31 am    Post subject: weblink Reply with quote

Just like many people who wanted to know about the case of our dear friend Harry dela Cruz

please kindly give update on the google website of Paetenos Kumustahan.
Back to top
concerned citizen*
Guest





PostPosted: Fri Oct 31, 2008 3:13 am    Post subject: newsbits Reply with quote

Sa nagtatanong po, magkaangkas po silang dalawa ni Harry, mula Maytoong hanggang Siniloan at hanggang maaksidente sila kaya siya ang nakakaalam ng tunay na nangyari. At 'yon pong kasama ni Harry ay may pasa sa dalawang hita na parang pinalo ang hitsura pero sabi po ay nakuha raw nung tumalsik sila mula sa motor kaya parang hirap siya lumakad, in fairness rin po, may konting sugat siya sa nguso. Siya po ay pumapasok na sa work niya, municipal employee po siya. If I were not mistaken, sa engineering dept po YATA. At dumalaw rin po siya sa burol ni Harry, hindi ko lang po napansin kung nakipaglibing siya.

Ang hindi nga po malinaw ay kung panu siya nakauwi at bakit 11:30 more or less naganap ang krimen, ei almost 2:00am na siya nakarating sa kinale para humingi ng saklolo. Bakit kaya, hindi na lang siya humingi ng tulong sa Pulis Pangil o Pakil tutal ay dadaanan naman niya 'yon? At least napabilis sana ang pagsaklolo kay Harry. Bakit nga kaya? ... A hundred million dollar question.

At bakit kaya paiba iba ang testimony niya? Kesyo madilim raw hindi niya nakilala, nakatulog raw siya . . . etc.etc. Sabi niya hinabol sila mula Siniloan at nang maabutan makalampas ng arko ay binangga motor nila na naging dahilan ng pagbarog nila.

Ngayong nailibing na si Harry, simula na ng tunay na laban para sa katarungan ng kanyang kamatayan... Pray po tayo para lumabas ang tunay na hustisya. Malalaman din natin, the truth behind the tragic death of Harry dela Cruz.
Back to top
may_duda
Guest





PostPosted: Fri Oct 31, 2008 9:12 pm    Post subject: Reply with quote

mabuti rin po sanang ipa drug test din yung kasama. kung may sangkot na droga dyan di talaga mag sasalita yung kasama o pwedeng ibahin nga yung kwento...gawa ng pwedeng may iniiwas syang ibang tao na masangkot. kung sakaling mag positive sya sa drug use isa na pong hakbang yan para mapakanta yan... lalo na nag tatrabaho pa pala sa munisipyo, pwedeng tangalin yan.
Back to top
KAIBIGAN
Guest





PostPosted: Mon Nov 03, 2008 7:06 pm    Post subject: PAG ISIPAN MO Reply with quote

PINALO PO ANG PELVIC BONE NI HARRY HANGANG MADUROG, PINUTOL NG TATLONG BESES ANG BUTO SA BRASO,
kung sino po ang may kakilala sa NBI sana po ay matulungan ang pamilya ni HArry para makamit ang hustisya,

MAGSALITA KA NA KAPATID ??????pwede ka namang mabigyan ng protection program ng DOJ... PAG ISIPAN MO KAPATID.....at sana hindi ka magkamali ng desisyon na pagsisihan mo habang buhay...
Back to top
Guest






PostPosted: Mon Nov 03, 2008 10:20 pm    Post subject: Reply with quote

Kung lumapit po kaya kayu sa abs cbn.or sa programang S.O.C.O.
Sana nga poy mahuli ang salarin.Makarma sana ang gumawa nito.makonsensya sana sila.
Back to top
Guest...
Guest





PostPosted: Tue Nov 04, 2008 2:51 am    Post subject: Reply with quote

Nasa ibang bansa po kami. At sa napapanood po namin sa SOCO talaga pong natututukan nila ng husto ang krimen at nahuhuli ang mga tunay na salarin. Kaya kung inyo pong nanaisin, idulog po natin sa SOCO ang nangyari kay harry...

Hindi ko man po sya kilala, idinadalangin ko po na lumabas ang hustisya sa pagkamatay nya.
Back to top
KAIBIGAN
Guest





PostPosted: Tue Nov 04, 2008 4:24 am    Post subject: SOCO Reply with quote

Guest... wrote:
Nasa ibang bansa po kami. At sa napapanood po namin sa SOCO talaga pong natututukan nila ng husto ang krimen at nahuhuli ang mga tunay na salarin. Kaya kung inyo pong nanaisin, idulog po natin sa SOCO ang nangyari kay harry...

Hindi ko man po sya kilala, idinadalangin ko po na lumabas ang hustisya sa pagkamatay nya.


kung may kakilala po kayo sa SOCO / abs-cbn, paki send po ang address / contact number.. para maidilog natin sa kanila, maigi na rin yung maraming tumutulong.... salamat po...... kaibigan.... kami na po ang makikipag-usap sa pamilya ni harry....
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Nov 05, 2008 5:34 pm    Post subject: Reply with quote

pwede po bang malaman kung ano ng nangyari dito sa katarungan ni harry? sana naman po ay may good news. salamat po.
Back to top
ka kwan
Guest





PostPosted: Wed Nov 05, 2008 10:30 pm    Post subject: sino ba talaga Reply with quote

bakit hindi pigain yung mga huling kasama para malaman kung sino talaga ang may sala sa krimen na yan,puro ewanang sina sabi ni nyan si bale,hindi natutulog ang ibedensya at buhay ang ibedensya
Back to top
KAIBIGAN
Guest





PostPosted: Thu Nov 06, 2008 8:17 am    Post subject: Re: sino ba talaga Reply with quote

ka kwan wrote:
bakit hindi pigain yung mga huling kasama para malaman kung sino talaga ang may sala sa krimen na yan,puro ewanang sina sabi ni nyan si bale,hindi natutulog ang ibedensya at buhay ang ibedensya


sana ari yung napapanuod natin sa sine na, pigain at pahihirapan hangang magsalita ano po, siguro tapos na ang kaso, kaya lang kung ang isang kasalanan dadagdagan pa ng isa pang kasalanan hindi na tayo matatapos,

aba i BALE magsalita ka na, lahat ng tao sa iyo na nakatingin, kahit ordinaryong tao, sayo ang sisi. wag kang matakot magsalita ka na..mag tanung ka sa abogado Bale baka pwede ka sa witness protection program ng DOJ,

walang lihim na hindi nabubunyag..baka
Back to top
mailaliwanag



Joined: 08 Sep 2008
Posts: 8
Location: PAETE, LAGUNA

PostPosted: Mon Nov 10, 2008 12:56 am    Post subject: cause of death Reply with quote

This is the autopsy report of Harry dela Cruz by SOCO Regional Crime Laboratory Office, Camp Vicente Lim, Calamba City

Summary:
[size=18]The cause of death is Cardio-Respiratory Arrest as a result of Pulmonary (FAT) embolism secondary to fractured right pelvic bone.[/size]

Sa lahat po ng nais tumulong sa ikalulutas ng kaso ni Harry, ngayon pa lang po ay lubos na ang aming pasasalamat.
_________________
Maila Ibamit Liwanag
mailaliwanag@yahoo.com
ella@works
Back to top
View user's profile Send private message
A.C. Cajumban



Joined: 01 Sep 2007
Posts: 99
Location: Annalyn C. Cajumban

PostPosted: Mon Nov 10, 2008 3:52 pm    Post subject: Reply with quote

Mga Kababayan; Kami Po ay Taos pusong humihingi ng Tulong sa paglutas ng kasong ito. Si Harry po ay Pinatay at hindi aksidente lamang ang nangyari, ang mga salarin po ay tiwasay na namamasyal mismo sa ating bayan ng Paete. Ang tanong ko po sa lahat ay, ito po ba ay problema lang ng pamilya ni Harry? Gayung ang nangyari kay Harry ay maaaring mangyari kahit kanino? Sana po'y mag-agam-agam tayong lahat at Itanong natin sa ating sarili: Paano kung itong pangyayaring ito'y natapat sa isa kong mahal sa buhay, di po baga masakit? Tiyak po na ang papasok agad sa puso at isip ng lahat ay Hustisya na yung Hustisyang yun din po ang hangad ng pamilya ni Harry...'Wag na po nating isipin si Harry dahil nababatid po nating lahat na si Harry ay nasa kamay na ng Panginoon...Ang Hustisya pong ito ay para sa anak ni Harry at Asawa...dahil sa ginawa ng mga salarin ay tinadyakan, tinapakan at ibinaon ang anak ng anak ni Harry.

Paglaki po kaya ng anak Ni Harry ay matitingnan at mababati natin ng diretso? palagay ko'y OO, dahil hindi natin pinabayaang walang hustisya ang pagkawala ng kanyang ama. yun po ang gusto nating mangyari di po ba, ang mabati at matingnan natin ng diretso sa mata ang anak ni Harry.Sana nga po,na ang lahat ay ito ang nasa Puso.Sa Tulong na din Po ng ating Panginoon Manalig po tayo na ito ay malulutas, Napakalaking Tulong din po ng Panalangin ng bawat isa.Na ang Bayan ng Paete ay mapasailalim sa Kapangyarihan ng Panginoon na siyang huhusga sa lahat.
Marami pong Salamat!!
_________________
Psalm 37:4 Delight yourself in the LORD, and He will give you the desires of your heart.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Tue Nov 11, 2008 12:50 am    Post subject: Re: cause of death Reply with quote

mailaliwanag wrote:
This is the autopsy report of Harry dela Cruz by SOCO Regional Crime Laboratory Office, Camp Vicente Lim, Calamba City

Summary:
[size=18]The cause of death is Cardio-Respiratory Arrest as a result of Pulmonary (FAT) embolism secondary to fractured right pelvic bone.[/size]

Sa lahat po ng nais tumulong sa ikalulutas ng kaso ni Harry, ngayon pa lang po ay lubos na ang aming pasasalamat.



PWEDE PO BANG MAKITA ANG BOONG RESULTA NITONG IPINOST NYO

at malungkot po talaga ang pagkawala ng isang kaibigan at isang kapamilya pero sana po ay ipaubaya nanatin sa mga otoridad ang bagay na ito.
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Nov 11, 2008 4:12 am    Post subject: Reply with quote

soco(at)abs-cbn(dot)com po ang email address ng soco... nawa po'y makatulong...
Back to top
frjdelarosa



Joined: 27 Sep 2005
Posts: 58
Location: Paete, Laguna Philippines

PostPosted: Wed Nov 12, 2008 9:13 pm    Post subject: Reply with quote

Nobember 13, 2008

Maraming salamat po sa lahat ng nagmamalasakit at nakiramay sa pagkamatay ni Harry dela Cruz dito sa Usap.

Nabasa po naming ang lahat ng inyong inilathala sa usap, maging yaong sa taga rito sa ating bayan at maging yaong mga nasa ibang bansa. Hindi po naming mapabulaanan at lalong hindi naming mapatotohanan ang inyong mga ekspekulasyon sa kaso.

Ang masasabi po naming bilang mga pangunahing nagmamalasakit sa kasi ni Harry ay hindi po kamiu titigil upang magkaroon ito ng tamang aksyon.

Bagamat napakarami na po kaming mga impormasyoong nakalap simula po ng mangyari ang aksidente ay hindi pa po kami makatukoy ng mga taong dapat na pananagutin sa kaso.

Meron pong ilang taong lumutang at nagpahayag ng kanilang nalalaman sa insidente, subalit aayaw po naman silang pumirma sa isang “sworn statement” bilang testigo, at ditto po kami nahihirapan, kaya hindi pa po makapagsampa ng kaso ang asawa ni Harry o ang magulang.

Sa ngayon po ay umaasa at dumadalangin pa rin kami na ang maaaring maging “star witness” na nagbigay ng nalalaman sa kaso ay totoong tetestigo.

Sa tulong po ng ating mahal na Punong-bayan ay nakahingi na rin po kami ng payo sa isang huwes at piskal upang magtanong ng mga nararapat nag awing hakbang tungkol sa kaso.

Pasensya na po kayo kung hindi naming mailathala at madetalye sa inyo ang mga nakakalap naming impormasyon tungkol sa insidente sapagkat masyado pa pong mahaba.

Sa kasalukuyan po ay humihingi na kami ng tulong sa isang ahensya ng Gobyerno at narito na po sila para sa imbestigasyon.

Muli, umasa po kayo na mga nagmamalasakit sa pamilya ni Harry na mayroon po ditong gumagawa ng aksyon tungkol sa kaso.

Salamat po!

Kgd. Vic Liwanag – Bilas ni Harry
Mika Ibamit – Biyenan ni Harry
Ex Kon. Erning Cadawas – Tiyuhin ni Mec (asawa ni Harry)

*Ito po ipinasuyo na mailathala dito sa Usap Paete
_________________
Jancy Navarro - dela Rosa

Father: Cornelio "Nelio" dela Rosa (+)
Mother: Ma. Lourdes "Lara" Navarro
--------------------------
Check out - JancyBhebz Facebook Page
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website Yahoo Messenger MSN Messenger
concerned citizen*
Guest





PostPosted: Mon Nov 17, 2008 12:34 am    Post subject: don't worry.... Reply with quote

Sa lahat po ng nagmamalasakit sa pagkamatay ni kaibigang Harry, don't worry po. Bagama't wala raw talagang alam ang tanging taong kasama ni Harry nang siya ay maaksidente, sabi kasi niya TULOG raw po talaga siya.... at walang matandaan.

May nakuha na pong testigo, at pag sinuerte pa ay isasama siya ('yong kaangkas) sa demanda. Kaya kung ako sa kanya... mangyari lamang na sabihin na niya ang totoo. dahil ang totoo niyan, baka sa kulungan sila magsama-sama pag ganyang pabaliw-baliw pa siya. Magpakatino siya, hane?

Taga-ibang bayan pa po ang nagmalasakit na tumestigo, 'yon po kasing 1 pang taga-Paete ay nagdadalawang isip pa rin. Ayaw masangkot, ayaw makatulong . . . ayaw mabigyang katarungan ang pagkamatay ni Harry.

And don't worry po, umuusad na po ang kaso....
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3, 4  Next
Page 1 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group