PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

KATARUNGAN SA PAGKAMATAY NI HARRY DELA CRUZ
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest






PostPosted: Mon Nov 17, 2008 5:21 am    Post subject: Re: don't worry.... Reply with quote

concerned citizen* wrote:
Sa lahat po ng nagmamalasakit sa pagkamatay ni kaibigang Harry, don't worry po. Bagama't wala raw talagang alam ang tanging taong kasama ni Harry nang siya ay maaksidente, sabi kasi niya TULOG raw po talaga siya.... at walang matandaan.

May nakuha na pong testigo, at pag sinuerte pa ay isasama siya ('yong kaangkas) sa demanda. Kaya kung ako sa kanya... mangyari lamang na sabihin na niya ang totoo. dahil ang totoo niyan, baka sa kulungan sila magsama-sama pag ganyang pabaliw-baliw pa siya. Magpakatino siya, hane?

Taga-ibang bayan pa po ang nagmalasakit na tumestigo, 'yon po kasing 1 pang taga-Paete ay nagdadalawang isip pa rin. Ayaw masangkot, ayaw makatulong . . . ayaw mabigyang katarungan ang pagkamatay ni Harry.

And don't worry po, umuusad na po ang kaso....


yun naman pala ang nangyayari concern citizen umuusad na pala ang kaso kaya hayaan mo na lang sa husgado lahat habang nagkokomento ka tungkol sa kaso baka hindi ito makatulong bagkus ay baka makasama pa.
Back to top
XD
Guest





PostPosted: Thu Nov 20, 2008 2:08 am    Post subject: Reply with quote

tama yan! wag na lang magkumento kung wala namang alam. Lalo lang lalala ang sitwasyon. May mga taong dapat kumilos para dyan hindi ikaw. kaya wag ka nalang makealam. puro ka comments, sa prisinto ka nalng magpaliwanag.

Kaya nga may mga pulis at imbestigador.
Di mo trabaho yan Boss concerned citizen.

magkaka hustisya din yan.
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Fri Nov 21, 2008 5:05 am    Post subject: Reply with quote

wag naman po natin tirahin ang mga nag-popost para i-update ang mga gustong makaalam kung umuusad ang kaso o hindi, tulad namin na nasa ibang bansa at wala sa paete para makabalita man lang sa kanto dyan.

bilang kaibigan ni harry gusto rin po namin malaman ang developments sa kasong ito.

maraming salamat po.
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Fri Nov 21, 2008 10:00 am    Post subject: Reply with quote

oo nga kabayan,malayo kami sa pinas at gusto rin namin na up dated sa mga balita dyan.lalo na sa mga kasong ganyan.
salamat
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Nov 21, 2008 11:05 am    Post subject: Reply with quote

gusto lng po natin makitsismis este makibalita pala. Heto naman po ang sakin aantayin ko na lan po na mainip ang lahat o magsawa na, dahil sigurado ako wala din mangyayari kung meron man baka di na computer ang uso mas hitech na. o baka di na kayo makapindot ng computer at mga apo nyo na lang magbabalita ng update nyong sinasabi. tingnan na lang po natin yung laganap na nakawan? yung nangyari sa ester? nagsawa at wala na mapagusapan dahil wala na update. ito pa ang isa ano na po ang balita duon sa na masacre sa ermita? aba baka graduate na ng elementary yung witness na anak o bk limot na nya yung nangyari sa ina nya di na makapag witness. uulitin ko mananawa laang po tayo. hanggang saan aabot ito? kelangan ba ang hustisya o kelangan husto siya? talk to my lawyer? its money matter. ignorance of the law excuses no one. what if the victim is ignorance? ito ba ay batas o butas? so lets wait and see. duon sa anak ng biktima sana ay malutas ang kaso bago cya magkaisip na wala na pala syang ama.

juan de la cruz
Back to top
OTPZKI
Guest





PostPosted: Fri Nov 21, 2008 11:50 am    Post subject: Reply with quote

SA TOTOO XD. DI KA RIN NAKAKATULONG MAS MABUTI PA NGA ITONG NAGKUKWENTO AY MAY PAKINABANG,KASI NAIPARARATING NYA SA MGA KABABAYAN NATIN NASA MALAYONG LUGAR ANG BALITA.KUNG WALA KA RIN LANG SASABIHIN MAGANDA ,MAS MAGANDANG IKAW NA LANG ANG TUMAHIMIK,WE JUST WANT TO KNOW WHATS GOING ON?
AT DI NAMAN NAKAKASIRA ANG KWENTO NYA,TNK U PO
Back to top
concerned citizen*
Guest





PostPosted: Mon Nov 24, 2008 4:25 am    Post subject: reaksyon lang po Reply with quote

Para po dun sa nagreakt re upd8 ko sa kaso.
Pasensiya na po, palagay ko po kasi makakapagbigay ako ng konting linaw at malasakit sa ibang gustong makabalita sa kaso lalo na po yong nasa ibayong dagat. sabihin ko man po ito o hindi, kakalat din ito sa buong paete, di po ba" paete pa! Gusto mo pa bang ipagkait sa mga taong nagmamalasakit ang baitang magbibigay sa kanila ng kaunting pag-asa sa kaso? E, ultimo maliit na bata ay alam na kung anu ang totoong nangyari... Panu mo naisip na sa halip na makatulong ay ako pa yata ang gusto mong sisihin. Y not juzzz look at d positiv side ov d coin?

O baka naman, isa ka sa may gustong pagtakpan... Nagtatanong lang po.

Ang sa kin lang po, bakit natin pagkakaitan ng liwanag o pag-asa yong mga kababayan nating sa internet lang makakasagap ng kaunting balita tungkol sa mga pangyayari na gusto nilang malaman? Bakit natin sila pagkakaitan? Bakit pa tayo naglagay ng ganitong artikulo kung may pagbabawal naman pala?


kung bawal din pala namang magbalita dito sa usap paete, bakit pa tayo nagbukas ng pahina na mapag-uusapan ang mga bagay na sa palagay po ninyo ay wala tayong karapatang malaman. ayon sa inyo (mga kritiko ko), At kung may mga ahensiya ngang talagang nakalaang mag-imbestige dito, maliwanag na pag-aaksaya lang pala ng panahon ang ginagawa nating pag-uugnayan., ganun ang gusto ninyong ipahiwatig. para na rin po ninyong sinabing dapat na lang nating tigilan ang ating pag-aabala at pag-subaybay sa kaso ni kaibigang harry at hayaan na lang nating batas ang humanap ng hustisya. maghintay na lang tayo sa kung anung magiging resulta at kahihinatnan ng kaso.

Kung ang layunin kong makapagbigay ng impormasyon sa mga nais makabalita, sa simple kong pamamaraan ay mamasamain ninyo, pasensiya na po. siguro nga tama kayo, titigilan ko na lang ito... at maghintay na lang tayo sa pag-usad ng kaso... na hindi natin alam kung anu na ang nangyayari...

maraming salamat po... at inuulit ko, pasensiya na po....
Back to top
Kaibigan /Kapatid
Guest





PostPosted: Mon Nov 24, 2008 2:07 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
gusto lng po natin makitsismis este makibalita pala. Heto naman po ang sakin aantayin ko na lan po na mainip ang lahat o magsawa na, dahil sigurado ako wala din mangyayari kung meron man baka di na computer ang uso mas hitech na. o baka di na kayo makapindot ng computer at mga apo nyo na lang magbabalita ng update nyong sinasabi. tingnan na lang po natin yung laganap na nakawan? yung nangyari sa ester? nagsawa at wala na mapagusapan dahil wala na update. ito pa ang isa ano na po ang balita duon sa na masacre sa ermita? aba baka graduate na ng elementary yung witness na anak o bk limot na nya yung nangyari sa ina nya di na makapag witness. uulitin ko mananawa laang po tayo. hanggang saan aabot ito? kelangan ba ang hustisya o kelangan husto siya? talk to my lawyer? its money matter. ignorance of the law excuses no one. what if the victim is ignorance? ito ba ay batas o butas? so lets wait and see. duon sa anak ng biktima sana ay malutas ang kaso bago cya magkaisip na wala na pala syang ama.

juan de la cruz


Kaya walang nangyayari sa mga kaso dahil sa mga kagaya mo!!!! Sa halip na umisip ng magandang paraan, puro negatibo ang iniisip mo. Bakit hindi natin gawing ag kaso ni Harry na simula ng pagbabago o isang magandang halimbawa sa mga ganitong kaso..o baka isa ka nga sa mga gustong magtakip!!!!!!!!!!!!
Back to top
kaibigan / kapatid
Guest





PostPosted: Mon Nov 24, 2008 2:08 pm    Post subject: Re: reaksyon lang po Reply with quote

concerned citizen* wrote:
Para po dun sa nagreakt re upd8 ko sa kaso.
Pasensiya na po, palagay ko po kasi makakapagbigay ako ng konting linaw at malasakit sa ibang gustong makabalita sa kaso lalo na po yong nasa ibayong dagat. sabihin ko man po ito o hindi, kakalat din ito sa buong paete, di po ba" paete pa! Gusto mo pa bang ipagkait sa mga taong nagmamalasakit ang baitang magbibigay sa kanila ng kaunting pag-asa sa kaso? E, ultimo maliit na bata ay alam na kung anu ang totoong nangyari... Panu mo naisip na sa halip na makatulong ay ako pa yata ang gusto mong sisihin. Y not juzzz look at d positiv side ov d coin?

O baka naman, isa ka sa may gustong pagtakpan... Nagtatanong lang po.

Ang sa kin lang po, bakit natin pagkakaitan ng liwanag o pag-asa yong mga kababayan nating sa internet lang makakasagap ng kaunting balita tungkol sa mga pangyayari na gusto nilang malaman? Bakit natin sila pagkakaitan? Bakit pa tayo naglagay ng ganitong artikulo kung may pagbabawal naman pala?


kung bawal din pala namang magbalita dito sa usap paete, bakit pa tayo nagbukas ng pahina na mapag-uusapan ang mga bagay na sa palagay po ninyo ay wala tayong karapatang malaman. ayon sa inyo (mga kritiko ko), At kung may mga ahensiya ngang talagang nakalaang mag-imbestige dito, maliwanag na pag-aaksaya lang pala ng panahon ang ginagawa nating pag-uugnayan., ganun ang gusto ninyong ipahiwatig. para na rin po ninyong sinabing dapat na lang nating tigilan ang ating pag-aabala at pag-subaybay sa kaso ni kaibigang harry at hayaan na lang nating batas ang humanap ng hustisya. maghintay na lang tayo sa kung anung magiging resulta at kahihinatnan ng kaso.

Kung ang layunin kong makapagbigay ng impormasyon sa mga nais makabalita, sa simple kong pamamaraan ay mamasamain ninyo, pasensiya na po. siguro nga tama kayo, titigilan ko na lang ito... at maghintay na lang tayo sa pag-usad ng kaso... na hindi natin alam kung anu na ang nangyayari...

maraming salamat po... at inuulit ko, pasensiya na po....


ituloy mo laban..........
Back to top
concerned citizen*
Guest





PostPosted: Mon Nov 24, 2008 10:53 pm    Post subject: XD, para sa'yo 'to. Reply with quote

WAG KA NA LANG MAGKUENTO KUNG WALANG ALAM.
Tama ka diyan, TAMA.. kung opinyon mo ang pakikinggan. Pero 'di mo ba naisip, hindi ako magkakalakas ng loob makikurawraw sa usap Paete kung wala talaga akong alam lalo na sa ganito kaselang mga bagay? Ikaw, ano ba ang alam mo?

Hindi ako pinalaking mapanghusga sa kapwa tao, pero kung kinakailangan, handa akong bigyang razon ang bawat ginawa ko at ito ay pinaninindigan ko.

WAG KA NA LANG MAKELAM, PURO KA COMMENTS.
ikaw ba sa sarile mo, ay naitanong mo na... kung ano na ang nagawa mo para sa kapwa mo? Para kasing mas napakawalang kuentang tao kung sa gitna ng mga krisis ay lalagi ka na lang sa isang tabi at walang pakialam. maghihintay na lang ba sa mga ibabato mo sa iyong kapwa. "yon ba ang TAMA? Anong kuenta mo bilang tao kung ikaw ay mananatiling inutil sa mata ng kapwa mo... WALANG PAKIALAM. At alam mo rin ba ang pagkakaiba ng COMMENTS at FACTS? Hindi ako puro komento lang, those are FACTS, may katotohanan at may kabuluhan sa mga taong hindi TULAD MO. Ito ay may basehan at hindi kathang isip. Pinag-aaralan kong mabuti ang bawat katagang namumutawi sa aking bibig at pinipindot ng akng mga daliri sa computer.

SA PRESINTO KA NA LANG MAGPALIWANAG...SA PULIS AT IMBESTIGADOR, HINDI MO TRABAHO YAN.
Wala akong dahilan para magpaliwanag sa kahit sinong tao, pulis man siya o imbestigador. At tama ka ulit diyan, di ko trabaho yon, pero may pananagutan ako sa aking kapwa na maaaring 'yon ang malaking ipinagkaiba ng ATING PRINSIPYO. Hindi ka ba masayang makapagbigay ng kahit katiting na pag-asa sa mga pinanghihinaan na ng loob?

At gaya rin ng HINDI KO PAGBIBIGAY SA IYO NG KARAPATANG UTUSAN ako kung ano ang dapat kong gawin.

MAGKAKAHUSTISYA RIN YAN?
Ang gusto mo pala ay 'yong uupo ka na lang sa isang tabi at maghihntay kung anu ang mangyayari... aabangan mo na lang, dahil TULAD MO maraming walang pakialam sa kapakanan ng iba. Sa palagay ko ay lalong magiging mailap ang hustisya sa ating bayan, kung sa ating Lipunan ay marami ang TULAD MO. . . TULAD NIYO.

At tandaan mo, ang isang tao ay nakikilala sa kanyang kilos, pananalita at opinyon. Ngayon nga, kahit hindi kita kilala, alam ko na KUNG ANONG KLASENG TAO KA, ang TULAD MO, TULAD NILA.

Salamat....
Back to top
concerned citizen*
Guest





PostPosted: Mon Nov 24, 2008 11:14 pm    Post subject: re unsolved cases Reply with quote

gusto ko lang pong magbigay ng sagot sa naisulat tungkol po sa mga unsolved cases dito sa ating bayan.1. yong pong sa inang Ester Mendoza, may kahirapan po talagang ma-solved yon dahil unang-una, hindi po niya kilala ang suspect bagaman po at mamumukhaan niya pag nakita niya, ang problema nga po, hindi niya nakikita, marahil taga ibang bayan po ito.'yan po ang mahirap sa isang kaso. Walang testigo, na baka kung meron man ay ayaw ring MAKIALAM dahil iniisip ang sarileng kapakanan, hindi natin sila masisi. Sabi ko nga, magkakaiba tayo ng prioriries at opinyon. yong iba, walang pakialam, yong iba, sarile muna. At iginagalang ko ang opinyon ng iba.

2. yong masaker naman po sa Ermita, bagamat  may suspect na ay nagtatago naman. Pano po makikita ang isang taong nagtatago? sa ganito pong mga pangyayari, kailagan ang pagkakaisa. ang pakikialam. kung may alam tayong makakatulong sa ikalulutas ng isang krimen ay wag na tayong magdalawang isip pa upang ang mga gawaing karumal-dumal ay mabawasan, kung hindi man tuluyang masugpo.

Ang batas po ay hindi tumitigil sa pagtugis at pagsugpo sa mga kriminalidad, kung may dumarating pong bagong development, halimbawa po sa whereabouts nung suspect sila po ay mabilisang nakikipag-ugnayan sa mga ahensiyang may kaugnayan dito. subalit sadya nga pong mahirap makita ang taong nagtatago. wag po tayong mawalan ng tiwala sa hustisya. 'yan na lang po ang pang hawakan natin tungo sa mas maunlad na bukas.

yon lang po...salamat po ulit. more power.
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Nov 25, 2008 8:00 am    Post subject: Re: re unsolved cases Reply with quote

Lahat ng mga bagay sa ngayon laging me katapat na pondo para sa ikalulutas ng kaso, pero minsan ganun ganun lang solve na ang problema depende sa sitwasyon.

hinahangaan kita sa iyong hangad sa kaso ng kaibigan mo kung ito ang iyong paraan para katarungan na hinangad mo. at sana nga dahil dito sa panawagan mo ay makatulong ka. at ang kasong ito na sa palagay mo ay sinadya at hindi aksidente katulad ng inilalathala mo. kung sino ang makakapagpatunay siguro yun ang dapat mong kausapin. dahil alam mo naman na lahat ay pwedeng sabihin sa forum na ito, kaya kahit me hangap kang maganda ay sa ibang tao ay iba ang dating nito.




SABI MOwhereabouts nung suspect sila po ay mabilisang nakikipag-ugnayan sa mga ahensiyang may kaugnayan dito. subalit sadya nga pong mahirap makita ang taong nagtatago. wag po tayong mawalan ng tiwala sa hustisya. 'yan na lang po ang pang hawakan natin tungo sa mas maunlad na bukas.

yon lang po...salamat po ulit. more power.[/quote]
Back to top
a family
Guest





PostPosted: Tue Nov 25, 2008 3:53 pm    Post subject: Re: re unsolved cases Reply with quote

[quote="Anonymous"]Lahat ng mga bagay sa ngayon laging me katapat na pondo para sa ikalulutas ng kaso, pero minsan ganun ganun lang solve na ang problema depende sa sitwasyon.

hinahangaan kita sa iyong hangad sa kaso ng kaibigan mo kung ito ang iyong paraan para katarungan na hinangad mo. at sana nga dahil dito sa panawagan mo ay makatulong ka. at ang kasong ito na sa palagay mo ay sinadya at hindi aksidente katulad ng inilalathala mo. kung sino ang makakapagpatunay siguro yun ang dapat mong kausapin. dahil alam mo naman na lahat ay pwedeng sabihin sa forum na ito, kaya kahit me hangap kang maganda ay sa ibang tao ay iba ang dating nito.

Bakit sa 'yo ano baga ang dating sa mga nababasa mong post ni concern citizen? concern sya di baga, kaya nagpopost.... yung iba naman ay dinadaan sa hindi tama ang mga sagot at pasaring na 'di naman nakakatulong sa kaso.

Alalahanin lang po nating kaya nagpost ang pamilya at mga kaibigan ni harry ay dahil humihingi ng tulong sa paglutas ng kaso, kung wala naman pong maitutulong 'wag naman po sanang daanin sa pasaringan...at kung hindi po maganda ang mga dating sa inyo 'wag na lang po ninyong basahin at sagutin pa..dahil marami naman pong nagmamalasakit at tyak na susubaybayan itong kasong ito...kung wala mang maging resulta sa ngayon wala na pong sisihan o pagalingan man...hindi po natin kayang lutasin ang kaso ng mundo kaya ipagpa sa Panginoon po natin.

Ang hinihiling lang po namin bilang pamilya ni Harry ay maggalangan tayong lahat hindi nga po bawal ang magpost at lahat po ay welcome dito pero sana po ay may paggalang alang-alang na din sa pamilya na hanggang ngayon po ay nagbababang luksa pa. Marami pong salamat!!
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Nov 25, 2008 5:41 pm    Post subject: Reply with quote

aba! mahaba at may mga humirit pa sige lets wait and see pa rin. sa tagal ng paglutas nyan malamang magtago na din ang suspek. at gaya ng sinasabi nyo mahirap hanapin ang nagtatago. lalo nat ang humahanap ay gaya ng lady justice may piring ang mata. hehehehe. sige lang tuloy nyo laban wait pa rin ako.

Juan de la Cruz
Back to top
bali aba
Guest





PostPosted: Wed Nov 26, 2008 3:47 am    Post subject: Reply with quote

nakalulungkot pong basahin ang mga postings dito sa topic na ito, sa halip na magtulungan ay puro batikos at negatibo ang mga komento.

sana po ay makabasa naman kami, na mga nasa ibayong dagat ng encouragement sa mga susunod na araw.

salamat po.
Back to top
jazz
Guest





PostPosted: Wed Nov 26, 2008 4:46 am    Post subject: insulto? Reply with quote

2 mr juan dela cruz,

now lang me nakabasa ng Usap Paete. en ur remarks iz not gud to my ears, (or rather eyes).

as if, nakakainsulto po ang dating ng msg nyo. ur hapi in d midst of solitude ng family ng victim. hope i am wrong.

kontento na po ba kayong maghintay na lang kung anung darating kinabukasan? ur name sounds familiar to a filipino folklore... JUAN TAMAD. okey lang sa kanyang hintayin wen the guava will fall, pwd namang pitasin.

I PITY u. i thought i would gain lots in reading this forum. Pag ang lahat ng mababasa naming kabataan ay d lyks of doz written by JUAN DELA CRUZ, parang mabibigo si Gat Jose Pizal na makita ang pag-asa sa youth. Jaz b fair...

Change na lang u ng name coz JUAN DELA CRUZ symbolizes the
Filipionos and we Filipinos r not lyk u.
Back to top
di kilalala
Guest





PostPosted: Wed Nov 26, 2008 6:31 am    Post subject: nakita ko lang po Reply with quote

sa haba po ng ating binasa.may nabasa po ako tungkul sa kaso ni caguin. sa ermita,

di po sinasadya ay nakita po ng kuya ko sa tanay ung suspect, yun pa nga po daw ang bumati,muntik ng di makilala ng kuya ko. kasi mahaba daw ang buhuk,nang hingi p daw ng pansigarilyo sa kuya ko,

baka po maka tulong sa kinauukulan,kaya di po pinaalam sa kinauukulan, kasi ayaw manin ng komplikadong buhay,at maabala,baka po sa ganitong paraan ay makatulong.

tnx
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Nov 26, 2008 11:50 am    Post subject: Reply with quote

jazz,

nabbanggit mo si jose rizal: di ako masyado pamiliar sa char ng history pero kung matatandaan mo ginamit ng isang national hero ang mga prayer booklet sa simbahan at pinalitan ang mga titik nito ang "ama namin" at "aba ginoong maria" ginawa yata itong "amain namin" at "aba ginoong barya" correct me if I am wrong. bata ka pa nga siguro may 2 akong comedy show na paborito nuong araw "mongolian barbecue" at "sic o clock news". mga comedy na nakakatawa pero may tinitira may tinutukoy. malamang di ikaw ang tinitukoy ng post ko sorry kung nainsulto ka. pero tingnan mo ang resulta kung babasahin mo may nagsabi na yung sa ester mendoza ay nagtatago ang suspek at now may nagsabi na nasa tanay ang suspek ng sa ermita. kanino nila naalala ang mga kasong iyon? kaso lang ba ni harry ang puntirya mo? kabataan ikaw ang pag asa ng bayan. kanya kanya lang tayo ng pamamaraan kung paano mahahamon at palalabasin ang tunay na KALAYAAN at KATARUNGAN. gaya mo at ng iba pang naghahanap ng katarungan ito rin ang hangad ko. mali man at nakakinsulto may kaunting magandang dulot. nabubuklat ang iba pang kaso na nalimot na natin. ang hamon ko ITUTULOY MO BA ANG LABAN?

MAGHIHINTAY PA RIN AKO.............

Sa pamilya ni Harry hintay lang po........Wala ako intensyon mang insulto kakaiba lang po talaga ang diskarte ko.

Juan (TAMAD) dela Cruz
Back to top
boy singit
Guest





PostPosted: Wed Nov 26, 2008 5:57 pm    Post subject: makikisingit lang po Reply with quote

sa kaso po ng pinsan ko, ilang beses narin po namang tinangka hulihin yung suspek ng pumatay sa ate Mylene, pero di parin talaga matyempuhan, at may mga taong talaga namang tumutulong saamin para mahuli rin ang suspek , ang problema lang po dun sa kasong ito e, komut taga Paete rin ang suspek e mukang may tumutulung din dun sa suspek, kaya ang pakiramdam ko tuloy ay talagang nag tatago at ITINATAGO , kaya pls lang sa mga kababayan ko, magtulungan tayo, at wag mag pagalingan, at higit sa lahat, kung may alam ka, ipagbigay alam mo sa mapagkakatiwalaang mong may kapangyarihan. sana....
Back to top
concerned citizen*
Guest





PostPosted: Wed Nov 26, 2008 11:13 pm    Post subject: pahabol po. Reply with quote

To: "di kilala" at "mang boy singit",

Nakarating na po noon pa (matagal na po ito) sa kinauukulan ang balitang nasa Tanay yong suspect, mismong taga Paete pa pong nakatira dun ang nagsabi rin sa akin. kaya nga po natatandaan ko pa, nung minsan akong napadaan sa Tanay, puno ng mukha ng salarin ang bawat poste sa bayan ng Tanay. Subalit sadya nga pong mailap. Maari ngang tama kayo, may maiimpluwensiyang tao na puedeng nagtatago sa kanya. At walang tuwirang makapagturo doon kung nasan ang killer. May nagsabi rin pong nasa tabi-tabi lang, at ang pinaka latest ay nasa Polilio raw siya, (at maaaring sinusulat ko ito ay nakaalis na rin siya roon).

Hindi po naman sa minamaliit ko ang proseso ng ating hustisya, ang Polilio po ay napakalayo (although kayang marating ng tao), hindi lang oras ang ating dapat puhunan sa pagtugis. Siguro po kelangan din nating tumulong "financially" upang mas maging magaan ang pagtugis sa sinumang dapat hulihin.

Opinyon ko lang po ito. Siempre po, hindi rin naman po mararating ang malalayong lugar kung walang gasolina, ano po? Wala rin pong katiyakan kung andun nga sa lugar na sinasabi ang prospek, pero dapat din pong makipagsapalaran. No guts, no glory, sabi nga. At ang ating bayan ay alam po naman nating hindi ganun kalaki ang bajet upang masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng kapulisan natin. (correct me if I'm wrong)

Ang anak ko po noon ay muntik nang mapatay ng mga adik. sa bawat lugar na sabihing andun ang mga suspect, talagang all out po ako (kahit gipit din ako), Pang gasolina lang ok na. Hanggang sa kadulu-dulohan po ng Matalatala, Calamba, Rizal, at kung saan saan pa po. May sarile rin kaming lakad bukod sa mga pulis.

Pati nga po, sa mga kaibigan kong taga-itaas ay nakipag-ugnayan ako. Sila ang nakakita sa Polilio sa sumaksak sa anak ko at sa awa po ng Diyos after two long years, nasa kulungan na ngayon ang mga suspect (4 po sila), hindi po tagarito yong iba.. Gumastos talaga ako at nakipag-coordinate sa proper agency nang walang tigil at walang kapaguran hanggang makamit namin ang hustisya.

Naibabalita ko lang po ito para at least makakuha tayo ng halmbawa. like po dun sa isang napatay na taga Brgy 6, Hindi tumigil ang mga magulang niya, sila mismo ang nagbayan bayan sa paghanap, pagtatanong, pamimigay ng pictures. At sa pakikipag-ugnayan din sa mga pulis, nahuli ang kriminal at ngayon po ay nsa prov'l jail na at nillilitis. at yon pong iba pa, ay nagpasabi na sila raw ay handang sumuko. Sila po ay nasa Polilio rin. Coincidence? Siguro po ay maraming taga-Paete dun, palagay ko lang.

Kaya sa lahat po ng pamilya ng mga biktima. Manalig po tayo Panginoon, may hustisya pa sa ating bayan. Pagkakaisa lang at pagtutulungan ang kailangan. magtagal man, makakamtan natin ito. Wag tayong mawalan ng pag-asa.

NASA DIYOA NG AWA... NASA TAO ANG GAWA.
Back to top
inis
Guest





PostPosted: Thu Nov 27, 2008 4:10 am    Post subject: manahimik ka Reply with quote

XD wrote:
tama yan! wag na lang magkumento kung wala namang alam. Lalo lang lalala ang sitwasyon. May mga taong dapat kumilos para dyan hindi ikaw. kaya wag ka nalang makealam. puro ka comments, sa prisinto ka nalng magpaliwanag.

Kaya nga may mga pulis at imbestigador.
Di mo trabaho yan Boss concerned citizen.

magkaka hustisya din yan.


siguro kamag-anakan mo or kaibigan yung mga me kinalaman sa kaso ano? or baka naman ikaw mismo isa ka sa suspect.

mabuti nga at me nagbabalita dito ng nangyayari sa kaso; di nga nia trabaho pero it is much appreciated lalo na ng mga katulad ko na wala sa pilipinas. nangbabatikos ka eh wala ka namn naiitulong. ikaw ang sa presinto magpaliwanag..useless ka kia wag ka na makisali dito sa forum na ito. youre just using up valuable space for those who wants to help!
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Nov 27, 2008 7:34 am    Post subject: not rizal Reply with quote

To Juan "Tamad" dela Cruz

It was not Jose Rizal who did that. It was Marcelo del Pilar

fyi
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Nov 27, 2008 9:41 am    Post subject: Reply with quote

fyi, wala ko sinabi na si rizal ang may gawa ang sabi ko di ako pamiliar sa char sa history may isang national hero ang gumawa nuon thanks for clearing anyway. (even ninoy is a national hero)

back to topic. masakit isipin na dahil sa may mga tiwali or tamad or wala budget or kung ano-ano pang tawag ang sasabihin mo sa kinauukulan ay di nila magampanan ng husto ang kanilang tungkulin. kelengan pa na mismong pamilya ng biktima ang gumawa ng hakbang para magkaroon ng linaw ang nganap na krimen. 2 years abay nakakalakad na ang anak ni harry. kung nakakuha man tayo ng idea kay concern citizen ay ang pag bibigay linaw na pamilya ang dapat gumawa ng paraan ganun ba? aba huag na lang tayo magbayad ng buwis? kesa ibayad natin sa buwis ah gasolina na lng ang bbilhin natin tayo na mismo kapamilya ang gumawa ng paraan.

sige wait pa din at least may mga nasabing nasolve na kaso dahil sa mismong kapamilya. matanong ko lang wala po bang "kapuso" este puso ang mga kinauukulan at kelangan pamilya ang gumawa ng hakbang. mahirap na nga ang tao lalo pa pinahihirapan.

wait pa din. mga di pa nagsasawa ang mga tao yung talamak na nakawan umabot ng 6 pages wala nangyari. eto nakaka 2 na. tingnan pa din natin aba sino na nga ba ang dapat sisihin? sino na ang dapat gumawa ng aksyon si fpj o daboy?

JUANTAMADDELACRUZ
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Nov 27, 2008 9:58 am    Post subject: Reply with quote

pahabol, NASA DIYOS ANG AWA NASA TAO ANG GAWA..........................NASA PULIS ANG BUWIS NASA PAMILYA ANG HINAGPIS.

ARAYYY!!!!!!! bato bato sa langit tamaan huag magagalit. sabi nga ang sugat pag nakanti masakit.... lalot may nana. hehehe.

JUANTAMADDELACRUZ
Back to top
concerned citizen*
Guest





PostPosted: Tue Dec 02, 2008 3:04 am    Post subject: mamang Juan tamad dela cruz Reply with quote

Ipagpaumanhin po ang aking sinulat. Hindi ko po gustong maging masama ang kahit na anong ahensiya ng ating pamahalaang bayan.
Sinulat ko lang po 'yon, upang sumaisip natin ang magkaroon tayo ng pagkakaisa, pagtutulungan at hindi ang sisishin ang kahit na sino.

Nakakalungkot po, ang layunin ko ay binibiggyan ng malisya ng iba. Sana po ay tingnan natin ang positibong aspeto ng bawat nagpo-post dito sa usap Paete.

Pagkakaisa ang ipinapahiwatig ko dito, hindi ang kasiraan ng iba. Sana po ay lawakan natin ang ating pang-unawa sa ating mga nababasa.

Kung ang bawat kataga po dito sa Usap Paete ay puro negatibo ang ating ipupukol ay walang magandang kahihinatnan ang kahit na gaano kagandang layunin ng ating mga kababayan.

Ang pamilya ko po ay naging biktima, pero ni minsan po ay hindi ko inisip na isang pagkakamali ang pagtulong ko sa ikalulutas ng kaso ng anak ko.

'Wag po sanang maging daan ang Usap Paete upang magkawatak-watak tayo, dahil sa pagkakaiba ng ating mga pananaw, isana po ay isipin natin, ang ikabubuti ng ating kapwa. Nakakalungkot po, ang maganda kong kaisipan ay nagiging msama sa iba. Sana po, hindi ko na lang 'yon ibinahagi.

Sa pakiwari ko tuloy ay lumalayo na tayo sa tunay nating paksa... ang "makamtan ang katarungan sa pagkamatay ni Harry".
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
Page 2 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group