PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

KATARUNGAN SA PAGKAMATAY NI HARRY DELA CRUZ
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
concerned citizen*
Guest





PostPosted: Tue Dec 02, 2008 3:07 am    Post subject: mamang Juan tamad dela cruz Reply with quote

Ipagpaumanhin po ang aking sinulat. Hindi ko po gustong maging masama ang kahit na anong ahensiya ng ating pamahalaang bayan.
Sinulat ko lang po 'yon, upang sumaisip natin ang magkaroon tayo ng pagkakaisa, pagtutulungan at hindi ang sisishin ang kahit na sino.

Nakakalungkot po, ang layunin ko ay binibiggyan ng malisya ng iba. Sana po ay tingnan natin ang positibong aspeto ng bawat nagpo-post dito sa usap Paete.

Pagkakaisa ang ipinapahiwatig ko dito, hindi ang kasiraan ng iba. Sana po ay lawakan natin ang ating pang-unawa sa ating mga nababasa.

Kung ang bawat kataga po dito sa Usap Paete ay puro negatibo ang ating ipupukol ay walang magandang kahihinatnan ang kahit na gaano kagandang layunin ng ating mga kababayan.

Ang pamilya ko po ay naging biktima, pero ni minsan po ay hindi ko inisip na isang pagkakamali ang pagtulong ko sa ikalulutas ng kaso ng anak ko.

'Wag po sanang maging daan ang Usap Paete upang magkawatak-watak tayo, dahil sa pagkakaiba ng ating mga pananaw, sana po ay isipin natin, ang ikabubuti ng ating kapwa. Nakakalungkot po, ang maganda kong kaisipan ay nagiging masama sa iba. Sana po, hindi ko na lang 'yon ibinahagi.

Sa pakiwari ko tuloy ay lumalayo na tayo sa tunay nating paksa... ang "makamtan ang katarungan sa pagkamatay ni Harry".
Back to top
A.C. Cajumban



Joined: 01 Sep 2007
Posts: 99
Location: Annalyn C. Cajumban

PostPosted: Tue Dec 02, 2008 5:53 pm    Post subject: Reply with quote

concerned citizen,
palagay ko po ay wala siyang dapat na ihingi ng paumanhin, dahil ginagawa nyo ang inyong magagawa, at nagpapasalamat naman kami ng marami, may mga tao po na hanggat hindi naranasan ang dinanas natin ay hindi makauunawa, kaya hayaan na lang po natin sila kung ganun ang kanilang iniisip.

balik po tayo dine sa kaso , kumusta po naman ang development nito may improvement po baga....kung pwede lang po kung me alam sya kahit konti po ..nauunawaan ko po na may privacy po ito kahit yun pong pwede nyang i-share sa mga tunay na nag-iintay ng magangdang balita. Eto nga po at may bago na namang biktima sana po ay mabigyan lahat ng Katarungan. Marami pong salamat.
_________________
Psalm 37:4 Delight yourself in the LORD, and He will give you the desires of your heart.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger
KAPAMILYA
Guest





PostPosted: Tue Dec 02, 2008 11:45 pm    Post subject: may linaw Reply with quote

A.C. Cajumban wrote:
concerned citizen,
palagay ko po ay wala siyang dapat na ihingi ng paumanhin, dahil ginagawa nyo ang inyong magagawa, at nagpapasalamat naman kami ng marami, may mga tao po na hanggat hindi naranasan ang dinanas natin ay hindi makauunawa, kaya hayaan na lang po natin sila kung ganun ang kanilang iniisip.

balik po tayo dine sa kaso , kumusta po naman ang development nito may improvement po baga....kung pwede lang po kung me alam sya kahit konti po ..nauunawaan ko po na may privacy po ito kahit yun pong pwede nyang i-share sa mga tunay na nag-iintay ng magangdang balita. Eto nga po at may bago na namang biktima sana po ay mabigyan lahat ng Katarungan. Marami pong salamat.


MARAMING SALAMAT PO....ang pamilya po ay hindi tumitigil sa pag hahanap ng katarungan para kay Harry..umasa po kayo at sana po makamit namin ang katarungan.... siguro po sa sunod naming post ay may malinaw na po.. malapit na po...
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Dec 12, 2008 7:34 am    Post subject: Reply with quote

SABI NI CONCERN CITIZEN YUNG NANGYARI DAW KAY HARRY AY SA PANGIL NAGANAP KAYA WALA SA RECORD NATIN. NANGANGAHULUGAN BA ITO NA WALA PAKIALAM ANG ATING KAPULISAN DITO? NAGTATANONG LAAANG. KUNG GANOON MAY POSIBILIDAD DIN NA MAY MGA KRIMEN SA ATIN NA NAGANAP NA WALA SA RECORD. PALAGAY KO KANYAKANYA NGA NG PAGPAPASYA SA PAGSAGOT SA KATANUNGAN KUNG SAFE PA NGA BA SA ATING BAYAN.

JUANTAMADDELACRUZ
Back to top
a.cajumban
Guest





PostPosted: Sun Dec 14, 2008 11:04 am    Post subject: Reply with quote

concerned citizen,
sabi mo po ay 'yung nangyari kay harry ay sa pangil nangyari, ang tanong ko po ay; may action po baga ang pulis paete, gayung kahit sa pangil nangyari ay alam nating lahat na si harry ay taga paete pati na ang mga salarin? salamat po.
Back to top
Hik! Hik!
Guest





PostPosted: Sun Dec 14, 2008 7:41 pm    Post subject: Reply with quote

At bukod pa dun hani.ay paano naman kung itinapon laang sa ibang bayan yung biktima,hani concerned citizen*,(na kasapakat,at nag-aambisyong maging abogado ng mga otoridad).
At baka naman,kaya zero ang crime rate ay sa kadahilanang walang tiwala ang mga tao sa otoridad,kung kaya di na laang nila inirereport,ha,hani?Dahil sa wala nga naman nangyayari sa mga krimen.Hay sus ginuu?
Back to top
pulis patola
Guest





PostPosted: Wed Dec 17, 2008 10:30 am    Post subject: mga pulis papogi lang ang alam. paging mayor noel cadayona Reply with quote

paging mayor noel cadayona!!

mayor matanong ko lang po, anung training po ba pinagdaanan ng mga pulis natin dito sa paete? puro na lang po patayan at nakawan. ano po ba ginagawa ng mga pulis? dahil kahit lead wala sila maiprisinta?

mayor wala po samaan ng loob pero sa nakikita po ng lahat, puro papogi lang ang alam ng mga kapulisan natin dito sa paete.

ang tanging kayang hulihin lang po ng mga pulis natin dito eh ung mga motor at minsan ginagawa pa nilang negosyo at naghihintay ng lagay.

mayor pakiayos naman po ang problema sa kapulisan natin, ung ibang pulis nga po dyan, nakikitang nag iinuman sa beerhaus sa hi-way at ang matindi pa po dun eh hindi nagbabayad, ang kakapal ng muka!!!!!
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Wed Dec 17, 2008 11:35 am    Post subject: Re: mga pulis papogi lang ang alam. paging mayor noel cadayo Reply with quote

pulis patola wrote:
paging mayor noel cadayona!!

mayor matanong ko lang po, anung training po ba pinagdaanan ng mga pulis natin dito sa paete? puro na lang po patayan at nakawan. ano po ba ginagawa ng mga pulis? dahil kahit lead wala sila maiprisinta?

mayor wala po samaan ng loob pero sa nakikita po ng lahat, puro papogi lang ang alam ng mga kapulisan natin dito sa paete.

ang tanging kayang hulihin lang po ng mga pulis natin dito eh ung mga motor at minsan ginagawa pa nilang negosyo at naghihintay ng lagay.

mayor pakiayos naman po ang problema sa kapulisan natin, ung ibang pulis nga po dyan, nakikitang nag iinuman sa beerhaus sa hi-way at ang matindi pa po dun eh hindi nagbabayad, ang kakapal ng muka!!!!!


The police system in the Philippines is national. (most agencies (are centralized in the Philippines and local governments do not really have that much control)

Read RA 6975 and RA 8551 to understand the police structure in the Philippines. In a nutshell, policemen in the Philippines answer to the president of the Philippines.

http://www.pnp.gov.ph/
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Wed Dec 17, 2008 6:53 pm    Post subject: Reply with quote

Pulis Patola,
Tulad po ng paliwanag ni Prof. Angel, ang Pulis po ay hind under sa Mayor. Ito nga po ang matagal ng ipinaglalaban ng Mayor’s League of the Philippines. Ang amin pong nagagawa ay magrekomendang palitan ang Hepe o sino mang pulis pero ang desisyon ay nasa Provincial Director. Kapapalit lang po natin ng hepe noong nakaraang July at sa Enero ay bago na naman ang ating Hepe dahil mag reretire na si Hepe Apuada. Sana nga mas magaling itong bagong papalit na hepe (wala pang pinal kung sino). Kung meron po kayong kilalang pulis na sinasabi ninyong nagiinom sa beerhouse, at nangongotong ay sampahan po ninyo ng reklamo sa PLEB. Ang chairman po nito ay si dating Konsehal Jerry Cosico. Kung natatakot ka naman ay ibigay mo na lang ang pangalan sa aking tanggapan. Hindi siya mapaparusahan dahil hindi ka titistigo pero irerekomenda ko na ma relieve.

Maraming salamat,
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Thu Dec 18, 2008 7:42 am    Post subject: Reply with quote

Mayor.

kahit isa akong critics at kadalasan ay activism ang mga banat ko npapahanga nyo ako dahil sa mga sagot nyo dito. kung natatandaan nyo nabanggit ko si afuang na naging mayor ng pagsanjan. alam ko sya mismo yung nagaabang sa pagsanjan at hinaharang ang mga droga galing sa lumban. yun ang matalim kong ngipin na sinsabi at kay lim na naglalagay ng pinta sa bahay ng mga pusher. pero sabi ko nga sapat na ang talim ng ngipin nyo sa pagsagot sa mga katanungan dito. talaga lang ang katulad ko ay mapaghanap pa ng higit sa sapat mas matalim na ngipin d lamang ngipin kundi pangil. saka may pinag kaiba kayo sa mga mayor na yun mga PULIS sila at di engineer. PULIS NA MAASAHAN!!!

JUANTAMADDELACRUZ
Back to top
pulis patola
Guest





PostPosted: Thu Dec 18, 2008 10:46 am    Post subject: ano po email add nyo? Reply with quote

isesend ko po sa email nyo ung name ng mga pulis na nakikitang nag iinum sa beerhaus.

d ba sabi nyo hindi nyo under ang mga kapulisan, pero pede nyo po ba sila pagsabihan at sermunan? bilang isang punungbayan, kayo pa rin po ang nagsisilbing ama ng bayan natin. sorry po mmayor sa mga nasasabi ko sa inyo. sinasabi ko lang po ung nakikita ko.

hindi na po kasi nakakatuwa sa paningin ng mga kababayan natin ang mga kapulisan dito, kung umasta akala mo kung sinong mga diyos, puro kayayabang. bagay na kung tutuusin eh, hindi naman sila mga lehitimong taga paete.

ilang patayan at nakawan pa ba hihintayin natin bago kalampanggin ang kapulisan na natutulog sa pansitan

konsehal jerry cosico/mayor noel, ilan po sa kapulisan natin nag iinum sa beerhaus na nakauniporme pa, ganun katibay ang muka nila.kahit magtanung tanung po kayo sa hway at beerhaus dun, bulag lang po ang hindi makakakita at makakakilala na pulis sila. siguro po ilan sa kanila eh hindi magsasalita sa takot na balikan sila.

muli po psensya na kau mayor sa nasabi ko, siguro po kailangan din natin makarinig ng ganitong komento para natin sa ikabubuti ng bayan natin.
Back to top
nooran shah
Guest





PostPosted: Thu Dec 18, 2008 12:24 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
saka may pinag kaiba kayo sa mga mayor na yun mga PULIS sila at di engineer. PULIS NA MAASAHAN!!!

JUANTAMADDELACRUZ


ikaw nga baga yan JTDLC... di sa pinagtatanggol ko ang ating meyor pero yung huli mong sinabi na "PULIS NA MAAASAHAN", para sa iyong dagdag kaalaman na ang ating kapulisan ay napapailalim sa DILG na ang namumuno ay isang sibilyan....... DI ISANG PULIS.....

kaya ang mabuti pa eh kalampagin mo na lang ang mga nanunungkulan sa mga nagaganap na krimen sa ating bayan di yung pagkukumparahin mo sila........
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Thu Dec 18, 2008 7:20 pm    Post subject: Reply with quote

Quote:



Posted: Thu Dec 18, 2008 3:46 pm Post subject: ano po email add nyo?

--------------------------------------------------------------------------------

isesend ko po sa email nyo ung name ng mga pulis na nakikitang nag iinum sa beerhaus.

d ba sabi nyo hindi nyo under ang mga kapulisan, pero pede nyo po ba sila pagsabihan at sermunan?


Eto po ang aking private email: ecadayona@yahoo.com
Hintayin ko po ang mga pangalan ng pulis na sabi nyo ay nagiinum sa beerhaus. May idea ka ba kung anong beer haus sila malimit?
Hindi ko na po sila pagsasabihan, irerekomenda ko na pong sila ay marelieve.

Salamat po,
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
jazz'85
Guest





PostPosted: Mon Jan 05, 2009 11:53 pm    Post subject: puls, pulis Reply with quote

to: mayor Cadayona,

tungkol po sa sinasabing mga pulis na palainom na isusumbong sa inyo. (isama na tin po natin pati na rin po iba pang taong nagmamalabis sa tugkulin).

Tama po un isumbong upang makarating sa inyong kaalaman. pero hindi po ako komporme sa sinasabi nyong ipaparelieve agad. Opinion ko lang po ito.

Para pong may halong diktador pag ganun, sa tingin ko lang naman po. Di ba sabi po ninyo, mali ang ilagay sa kamay ang batas sa pagsugpo ng kriminalidad? Parang ganun na rin po un, ah. Dapat may ebidensiya muna para malaman kung totoo ang sumbong. Give them due process po. Baka may naninira lang po o may galit sa kanila. Personal na dahilan. At ginagamit lang po nila itong alibi upang mapaalis ang kinaiiyamutan nilang tao o mga tao. Puede rin pong mangyari un di po ba? Hindi lang sa mga pulis in particular kundi maging sa mga empleyado ng ating munisipyo.

Kung talagang may kasalanan, pagsabihan sa 1st offense, warning. di po naman siguro masama kung kunin natin ang kanilang panig. pag inulit, chaka po siguro dapat na iparelieve o tanggalin sa puesto

Sana timbangin po muna nating mabuti, wag po tayong maging bias... one sided.

At sana po, yong magsusumbong, totoo lang po at handa nila itong patunayan.
Back to top
fm
Guest





PostPosted: Tue Jan 06, 2009 2:39 am    Post subject: tanong lang po Reply with quote

any development po,or nag aadjust pa yung bago nating hepe!
baka ho kulang ang panahon ng take over wala po bang overlap?
para naibigay ang mga bagay na dapat i priority.

Nagtatanong lang po.

FM
Back to top
mc Koy
Guest





PostPosted: Tue Jan 06, 2009 9:35 pm    Post subject: ala na Reply with quote

censya ka na FM,ano nga ba yung tinatanong mo?
Ano kamo,yun bang sa Ester?Ah yung sa Ermita?hinde?
eh alin ba yung tinatanong mo,mga luma na kasi kaya medyo nakakalimutan ko na hane,hayaan mo at paggising kobukas baka maalala ko hane.....ah yung kay harry ba? di ko na yata matandaan
cge at kalampagin uli natin.....nooran shah,jtdlc, meron daw nagtsatanong pakitulungan nga ,concerned citizen,pulis patola,kahit kayo mang eboytons hehehe.

cheers,
Mc Koy
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Tue Jan 06, 2009 11:55 pm    Post subject: Reply with quote

Dear Jazz'85,
Ang ibig kong sabihin ng "hindi ko na pagsasabihan at irerekomenda ko na lang silang ma releive" ay understood na sila ay napatunayang nagkasala. Syempre kailangang dumaan sa due process ang lahat. Ang ibig kong sabihin, wala ng second chance o pakikiusapan pang wag ng ulitin. Pero wala pa namang pangalang ibinibigay sa akin si Pulis Patola. Ng mag-imbistiga ako ang sabi sa akin ng mga may-ari ng beer house ay mga pulis sa ibang bayan ang malimit dumayo sa kanila. Pero hintay ko pa rin sa email ko yong mga pangalan na sinasabi ni Pulis Patola.

Maraming salamat,
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
nooran shah
Guest





PostPosted: Wed Jan 07, 2009 8:47 am    Post subject: nagtatanong lang po Reply with quote

kanoel wrote:
Ng mag-imbistiga ako ang sabi sa akin ng mga may-ari ng beer house ay mga pulis sa ibang bayan ang malimit dumayo sa kanila.

Maraming salamat,
Ka Noel


mawalang galang po meyor, palagay nyo po baga eh sasabihin ng mga may-ari ng beerhouse na pulis paete ang nag iinom sa kanila, edi napag-initan sila ng mga pulis natin....

mabalik po tayo sa kaso ni harry, meron na po bang balita sa kapulisan ng Pangil kung meron ng development sa pagkamatay ni Harry... alam ko naman pong concern din kayo sa kaso ni harry dahil taga Paete sya... nagtatanong lang po....

nooran shah
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Thu Jan 08, 2009 6:34 am    Post subject: Reply with quote

Dear Nooran Shah,
Maaaring tama ka na hindi magsabi ng too ang mga may ari ng beerhouse dahil takot din sila, pero nangako naman si Pulis Patula na ipapadala niya sa private email ko ang mga pangalan ng pulis na alam niyang malimit sa beerhouse. Hintay ko pa para malaman ko kung sila nga ay mga pulis Paete.
Tungkul naman kay Hary, Umuusad po naman ang imbistigasyon. Sa katunayan po ay may 4 na NBI agents po ang nagpunta dito upang i follow up yong mga suspect sa Siniloan. Hindi ko lamang po maidetalya gawa ng confidentiality. Umasa po kayo na pag may linaw na ay malalaman ninyo dito sa forum.
Maraming Salamat po,
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
nooran shah
Guest





PostPosted: Thu Jan 08, 2009 9:33 am    Post subject: Reply with quote

kanoel wrote:

Tungkul naman kay Hary, Umuusad po naman ang imbistigasyon. Sa katunayan po ay may 4 na NBI agents po ang nagpunta dito upang i follow up yong mga suspect sa Siniloan. Hindi ko lamang po maidetalya gawa ng confidentiality. Umasa po kayo na pag may linaw na ay malalaman ninyo dito sa forum.
Maraming Salamat po,
Ka Noel


maraming maraming salamat po Ka Noel sa update po sa kaso ni Harry, wag po sana kayong magsasawang tumugon sa aming mga katanungan at alam ko po naman lagi kayong nandyan para sa kagalingan ng paete....

nooran shah
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Thu Jan 08, 2009 10:21 pm    Post subject: Reply with quote

Walang anuman Nooran. Tungkul po naman sa kaso ng batang pinaslang na si Niña, ang huling report po ng ating Hepe sa nakaraang coordination meeting noong Dec. 16, 2008 ay hininintay pa ang resulta mula sa crime laboratory ng PNP sa paghahanap ng finger print na galing sa ginamit na patalim at sa dugong nakita sa T-shirt. Kung magkakaroon po ng pusitibong resulta ay magkakaroon na po ng mas malinaw na basihan ang ating mga imbestigador.
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Fri Jan 09, 2009 4:42 am    Post subject: Reply with quote

GOOD JOB! sana tuloy-tuloy.

JTDLC
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Jan 23, 2009 8:58 am    Post subject: Reply with quote

abay ano na ang nangyari wla pa din ba latest? ah ngek ningas kugon......... ilan taon na ang ank ng biktima.......... anong petsa na???????? ano hinihintay pasko katatpos lang ah?????

JTDLC
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Feb 06, 2009 6:13 am    Post subject: Reply with quote

paalala lang po,

JTDLC
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Feb 06, 2009 9:31 am    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
paalala lang po,

JTDLC


Hoy Juan para kang nananaginip saan ka ba isinilang di ba sa Pilipinas saan ka mang dako ke sa Maynila o sa Paete sa Pilipinas pa rin yan.

Di mo ba nabalitaan yung mga suspect sa Ninoy Galman Case yung dalawa pinalaya na dahil sa katandaan. pero di pa rin napatunayan kung sino talaga ang pumatay kay Ninoy at Galman.

Wake up Juan wag kang mag ambisyon.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
Page 3 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group