PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

blog ng isang TNT...inspiring

Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest

PostPosted: Fri Feb 06, 2009 2:28 am    Post subject: blog ng isang TNT...inspiring Reply with quote

I-share ko lng po ang isang blog na nabasa ko..isa po cyang TNT,ang mga pinagdadaanan nya sa buhay abroad at ang pinaglalabanang konsensya sa kanyang estado as TNT. saludo ako sa tao na ito,hindi cya mayabang at may katuwiran...

Tuesday, May 6, 2008
Fixed Merriage Sa Isang Filipina
Marami na ang nakapagsabi sa akin na maghanap ako ng Filipina na citizen dito at makipagkasundo sa fixed merriage. Ngunit ang aking problema ay wala akong pera para pambayad.

Dumating na rin sa isip ko na gawin iyon pero nangunguna parin ang aking kunsensiya. Dahil pakakasalan mo lang ang isang babae dahil gusto mong magin citizen o legal na makapagtrabaho sa isang bansa.

Marami pa naman dito ang tumatandang dalaga dahil kung ang mga lalaking Pilipino dito at puro mga babae ang mga bagong abroad na galing sa Hongkong.

Sa isang banda, kapag ito naman ay natuloy - fixed merriage, ay ano na lang ang maipagmamalaki ko sa aking mga anak kung sakaling magkatuluyan kami dahil pinakasalan ko lang siya sa kagustuhang maging permanent resident o legal na makapagtrabaho.

Kahit saan ko pa isipin, ang pakikipagkasundo sa isang fixed merriage ay kawalan ng moralidad at respeto sa sarili at pati na rin sa regulasyon ng bansang iyong tinutuluyan.

Tuesday, May 6, 2008
Nakukunsensiya Bilang Isang Pilipino na TNT Sa Abroad

Bilang isang TNT sa abroad, marami na rin akong natutunan sa mga tao dito. Tulad na lang ng mga sumusunod:

* Mabuhay ng malaya at sundin ang iyang saloobin
* Pagpapahalaga sa iyong sarili at iyong mga gawa bilang isang responsableng mamayan
* Respeto sa kapwa tao anuman ang kanilang paniniwala
* Pantay na pagtingin sa lahat ng tao
* Sumunod sa mga patakaran ng gobyerno
* Pagtulong para sa ikabubuti ng bansa

Ilan lang yan sa mga bagay na natutunan ko dito sa abroad. Pero minsan ay nakukusensiya ako dahil iligal akong naninirahan dito at nasaan na ang moralidad ko bilang isang mabuting mamamayan.

Isa lang yan sa mga bagay na gumugulo sa akin. Minsan sa kagustuhan kong maka-ipon kahit kaunti ay tinitiis ko at nilulunok na lang ang aking kunsensiya.

di tulad ng iba dyan....ang galing mag reasoning..at mayabang..hehehe.
Sna sa mga kababayan nting TNT maging inspirasyon po ntin c kabayan n nsa blog. at kung umayos po ang lagay nyo sa America,sana po wag maging katulad nyo ang mga nanglalait sa mga nagtitinda ng pasingaw s paete.

para sa mga gustong bumasa ng kompleto nyang kwento,i type lng po ito sa inyong URL..pilipinosaabroad"dot"blogspot"dot"com -
makikipalitan lang po ang "dot" na word sa URL ng"." pra magbukas.
Back to top
Guest

PostPosted: Fri Feb 06, 2009 5:20 am    Post subject: Re: blog ng isang TNT...inspiring Reply with quote

Anonymous wrote:

just want to say
hypocrite, and oportunist this person.
Back to top
Guest

PostPosted: Fri Feb 06, 2009 5:53 am    Post subject: Reply with quote

salamat sa iyong post guest. o hayaan meron ng topic para sa tnt hindi ito tungkol sa barko ha.

ang mayayabang na tnt ay yung mga langaw na nakatayo sa ibabaw ng kalabaw na akala mo ay mas malaki sya sa kalabaw. sorry sa natatamaan pero isang realidad ng buhay na may mayabang na tnt. at di rin lahat maganda ang kinahinatnan ng tnt may mga taong napauwi din, may mga nakulong, at may mga tnt na naging legal man mamuhay sa america ay di pa rin tagumpay ang buhay. mga tnt na naging legal subalit di rin swerte sa hanapbuhay. isang kahig isang tuka pa din. kaya isipin mabuti ang gagwin o ginagawang pagtatago. kanya kanyang diskarte pero kahit ano mangyari at kahit saan dalhin illegal o labag sa batas ang tnt; pero di ko sinasabing masamang tao ang tnt labag lang sa batas ang kanilang ginagawa.

JTDLC
Back to top
JTDLC
Guest

PostPosted: Fri Feb 06, 2009 3:02 pm    Post subject: Reply with quote

sa pagkakaintindi ko di nag asawa ang tnt. hipokrito? opinyon mo yan pero sa akin ang opinyon ko ay may moralidad sya kasi di sya nagpakasal. may iba pang paraan. sabagay kahit di tht may nag aasawa ng iba kahit may asawa na yun ang immoral at pag mag mamalinis yun ang hipokrito. opinyon lang ang sa akin hane.

JTDLC
Back to top
Guest

PostPosted: Sat Feb 07, 2009 11:25 am    Post subject: Reply with quote

binasa ko. bat di ako naiinspire? dats it?
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group