PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

pagsasara ng daan sa highway pagpasok ng bayan

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
concerned citizen
Guest





PostPosted: Mon Nov 03, 2008 1:10 am    Post subject: pagsasara ng daan sa highway pagpasok ng bayan Reply with quote

Mayor Noel,

Magtatanong lang po. Sino po baga ang nagpapasya ng pagsasara ng daan pagpasok ng bayan sa highway sa casile tuwing may ukasyon? Ang mga tricycle driver po baga?

Nakakadagdag pa po ng gastus sa amin lalu na sa mga taga bayan at kailangan pa pong magtrycicle sa halip na bababa na lang sa tapat ng bahay o lalakad na lang ng kaunti. Nuon pong magpipyesta ay july 23 pa laang ay sarado na dahil marami daw pong paninda sa gitna ay wala namang nakaharang sa daan. Nuon pong may parada nung minsan ng opening yata ng scouting month 1pm pa lang ay sarado na dahil may parada daw po ay pasado 4pm na lumakad ang parada. At tuwing may parada po ay ganun na lang lagi. Nito pong mag-totodos Oct. 31 pa lang ay sarado na dahil marami na naman daw pong nagtitinda sa gitna ay hindi naman masikip talaga nung magpunta ako.

Nagtatanong lang po at pakilinaw dahil ang naiiisip lang namin ay mga tricycle driver na lang yata ang nagpapasya at nasusunod sa pagsasara ng daan papuntang bayan twing may ukasyon upang makakuha sila ng mas maraming pasahero.

Salamat po.
Back to top
Guest






PostPosted: Mon Nov 03, 2008 8:53 am    Post subject: Reply with quote

Nakakatawa pa nga kasi ang nakasulat ay "DO NOT INTER" Laughing Laughing Laughing
Back to top
Guest






PostPosted: Mon Nov 03, 2008 10:15 am    Post subject: Reply with quote

Nabasa ko yun sa Casili...Do not Inter nga nakasulat sa harang...
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Mon Nov 03, 2008 8:43 pm    Post subject: Reply with quote

Concerned citizen,
Ang pagsasara ng hiway ay kapasiyahan ng Kumetiba de Pesteho at Sangguniang Bayan. Ito'y dumaan sa isang Public Hearing kung saan ang mga sintemyento ng lahat ng mamamayan ay dinidinig sa pagpupulong ng Sangguniang Bayan. Ipararating ko sa ating chairman ng Kometiba sa Peace and Order ang iyong puna ng sa gayon ay mapagaralan kung kailangang baguhin ang batas.

Sasabihan ko ring itama ang spelling ng "Do not inter". He he he!

Magandang araw at maraming salamat,
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
Hikbi Hikbi
Guest





PostPosted: Tue Nov 04, 2008 1:24 am    Post subject: Effective? Reply with quote

Ka Noel,

Was the sign effective in keeping people/vehicles from intiring? If so, who ever made that sign sure got people's attention. Haaay ambot - lol.

Hikbi Hikbi
Back to top
Kid Paraiso



Joined: 19 Jul 2007
Posts: 48
Location: Kid Paelmo Paraiso

PostPosted: Tue Nov 04, 2008 2:20 am    Post subject: pagsasara ng Daan/kayle J.P.Rizal Reply with quote

Concerned Citizen,

Tungkol po sa pagsasara ng daan/kalye na nag-uugnay sa
bayan ng Pakil-Paete, at sa Paet(dakong timog) tuwing may
okasyon katulad ng Mahal na Araw, Piestang Bayan, Todos
Los Santos ay Municipal Ordinance po ito. May tatlong taon na po ito ipinatutupad.

ito po ay ginawa para sa kaayusan ng daloy ng trapiko/paghimpil ng mga pribadong at pampublikong sasakyan tuwing sasapit at bago sumapit ang mga Okasyon nabanggit.

Hayaan po ninyo, at muli ay pag-aaralan ito ng komite, kung
kinakailangan ang pagbabago sa ordinansa.

kung may parada po naman, ito po ay ini-rerequest ng mga
nangangasiwa o organizer ng parada.


Magandang Araw at Maraming Salamat po,


Kon. Kid Paraiso
Back to top
View user's profile Send private message
concerned citizen
Guest





PostPosted: Tue Nov 04, 2008 4:45 am    Post subject: Reply with quote

Mayor Noel / Konsehal Kid,

Maraming salamat po sa pagbibigay ninyo ng kasagutan sa aming tanong.

Kung ordinansa po ito ay wala palang problema kundi ang itama lamang ang oras ng pagsasara. Nakasaad po baga sa ordinansa na pati araw bago ang ukasyon ay dapat isara na? O kaya po ay alamin talaga muna ang kalalagayan ng mga daan kung talagang masikip bago isara. O sana po ay sa oras lang na lumakad ang mga parada saka lang isasara.

Yun pong paglalagay ng sign na "DO NOT INTER" bagamat nakakatawa po kung tutuusin ay nangangahulugan lamang na hindi ito pinamahalaan ng kung sino man ang nasa pamunuan Kumetiba de Pestehos dahil hindi po ako maniniwala na magkakamali sila ng spelling sa ganyun kasimpleng salita.

Ito po naman ay simpleng karaingan lamang ng di iilan nating mga kababayan na nagagastusan pa ng extra lalu na at alanganing lakarin pa ang inuuwian o pupuntahan. Isipin nyo na lang po kung isang pamilya na tatlo o apat pang katao ang eextra pa ng sakay ng tricycle. Abay mahal na rin po ang magagastos na extrang pamasahe.

Maraming salamat po sa pagbibigay ng pansin at magandang araw din po.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group