PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Ninakawan na pinatay pa
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest






PostPosted: Fri Dec 05, 2008 4:00 pm    Post subject: Reply with quote

sana makita na ang pumatay sa bata na si ninya liza.. sana maging aktibo ang mga pulis sa bayan ng paete at hindi patulog tulog kadadaming krimen ng nangyayari sa maliit na bayan ng paete sa dami ng kaso hanggang ngayon hindi pa din malutas lutas.. Kami dito na nasa ibang bansa nagaalala sa mga mahal namin nasa paete... Nawa'y maging aktibo ang pulis sa bayan ng paete!!
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Fri Dec 05, 2008 7:08 pm    Post subject: Reply with quote

G. Juan Tamad Dela Cruz,
Lahat po ng kailangang batas at mga regulasyon ay naisagawa at umiiral na sa ating bayan. Marami din po tayong mga NGO’s na tumutulong sa ating kapulisan at mga Barangay Tanod sa pagpapatupad ng batas. Kung minsan, hindi po maiiwasang mahirapan o hindi maresolba ang isang krimen dahil na rin sa maraming kadahilanan na nabanggit na dito, tulad ng kakulangan ng ibidensya, kawalan ng testigo, at iba pa. Subali’t hindi po nangagahulugan na walang ginagawang pagkilos ang ating mga Autoridad sa pag lutas o pagsugpo ng kriminalidad sa ating bayan.

Ang lahat po ay dapat dumaan sa angkop na proseso (due process). Ito po ang kalakaran ng ating lipunan (the order of our society). Kung ang batas po ay ilalagay lamang sa kamay ng mga ehekutibo, maaalis ang piring sa mata at mawawala ang balanse ng justisya.

Ang pinagtutuunan po ngayon ng pansin ng ating mga kapulisan ay ang paglaban sa ipinagbabawal na gamot na isa sa mga pangunahing sanhi ng kriminalidad, hindi lamang sa ating bayan subali’t sa lahat ng dako. Narito po ang kautusang pang administratibo sa ating mga kapulisan, para po sa inyong kabatiran:

Dec. 1, 2008
Administrative order no.01 S2008
To: The PNP CHIEF EDILBERTO AFUADA

Due to the recent commitment of a heinous crime against a ten year old girl last Nov. 30, which is most probably drug related, you are hereby directed to intensify our campaign against illegal drugs. You are also directed to submit to my office a weekly accomplishment or no accomplishment report .

For immediate compliance.

Emmanuel B. Cadayona
Municipal Mayor
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri Dec 05, 2008 10:21 pm    Post subject: Reply with quote

Heto po yung sketch kung saan naganap ang krimen



Patuloy pa rin pong sinusubaybayan ng ating kapulisan at volunteer NGO's yung mga taong pinagdududahan, na ang ilan ay naimbita na para sa kaukulang pagtatanong.

Nahihirapan po ang mga kinauukulan dahil na rin sa kakulangan ng impormasyon at kawalan ng pwedeng testigo dahil halos pirmi sa mga bahay ang mga naninirahan sa lugar at mga saraduhan pa dahil maulan nung time na maganap ang krimen.
Ang mga kalye po doon sa looban kung saan naganap ang krimen ay masasabi kong makipot at maraming pwedeng lusutan palayo sa lugar.

Panawagan na rin po para sa ibayo pang pag iingat lalo at sasapit ang kapaskuhan. Umiwas po tayo sa mga di matao at madidilim na lugar kung saan ang mga posibilidad ay masyadong mataas. Ang pakikiisa po ay lubhang kailangan at kung may mapansin na kakaibang mga kilos o pangyayari sa inyong lugar ay mangyaring mag abala na, na ipagbigay alam agad sa mga kinauukulan. Sa mga pulis, bantay bayan, barangay man o pambayan. Malaking bagay po ang celfon sa panahong ito na sana ay magamit din natin sa pagsugpo ng mga lumalaganap na krimen.

Kanina lang po na umuwi ako ng madaling araw galing sa lamay sa burol ni Niña Liza ay marami pa rin akong nakitang mga kabataan na nasa labas ang iba ay teen ager na magsyota at nasa madilim na sulok. Amin ngang tinigilan at pinagsabihan na magsiuwi na at delikado na ang ganung oras para sa kanila. Napakahalaga po ng pakikiisa ng bawat isa lalo't higit ang mga magulang na bigyan ng pansin ang ating mga anak. Huwag hayaang gumalagala sa dis oras ng gabi, huwag hayaang gumamit ng motorsiklo ang mga anak na menor de edad na minsan ay tatluhan pa ang sakay kung gabi para lang magjoyride. Bukod sa disgrasya, kung si Niña Liza po na pinatay dahil lang sa maliit na halaga, malaki po ang halaga ng motorsiklo at maaring ika peligro ng ating mga anak. Bilang magulang ay malaki din po ang responsibilidad na nakaatang sa ating mga balikat. Bagama't napakalaking tulong ay hindi po sa lahat ng oras ay mababantayan tayo ng ating mga kapulisan, bantay bayan at vollunteer NGO's.

Maging itong forum na ito ay malaki din ang naging ambag, dahil sa inyong postings ay nakakarating ang inyong mga hinaing. Marami na rin ang nabigyan ng positibong tugon bagama't may pagkakataon na hindi po yata pasado sa iba.




p.s.
Ang burol nga po pala ni Niña Liza Mamaril Afuang ay inilipat na sa lumang bahay ng mga Cagayat. Doon mismo sa bahay kung saan natin pinupuntahan ang mahal na Señor pag mahal na araw sa Brgy.1 - Ibaba del Sur.

Sa darating pong Linggo, Dec. 7, 2008 ang libing. Ang misa po ay 2:30 ng hapon at ang libing ay sa Municipal Cemetery sa Bagumbayan.

Muli po ang pakikiramay sa pamilya Baisas-Mamaril at Cagayat-Afuang!!! Usal ang dalanging makamtan na ang hustisya at maparusahan ang may sala!!!

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Sat Dec 06, 2008 12:52 am    Post subject: Reply with quote

Quote:
BAGO!? o LUMA!? abay pang ilan na yan sa mga krimen. palagay ko ay LUMA na ang usapin madami ng krimen naganap. LUMA na din ang sasabihin ng mga kinauukulan. BAGO? ang gusto kong maBAGO ay ang sistema ng paglutas ng problema. o kaya ay palitan ang mga taong di nakagaganap ng kanilang tungkulin. napakaliit po ng bayan natin pero tila yata hindi n safe ang tumira dito. ang bata ay BAGOng biktima. ang nakawan si inang ester at si harry ay LUMA na? kelan magkakroon ng pag baBAGO? o ang pagbaBAGOng nagagnap sa ating bayan ay palala. paurong at di pasulong. di natin kelangan magBAGO ng paurong kelanagn ay pasulong. kelan? ngayon,! di bukas kundi ngayon. simulan mo hepe ang tikas mo sa interview sa tv ah. ganun di ba sa personal?


JUANTAMADDELACRUZ


To guest:

Ang galing galing mo Guest. Parang alam mo lahat ang solusyon ah. kumandidato ka kayang meyor sa 2010 baka pagnanalo ka wala ng krimen sa Paete, o kaya mag-apply kang pulis baka ikaw ang maka-solve! He he he!
Back to top
pa
Guest





PostPosted: Sat Dec 06, 2008 2:49 am    Post subject: let us just pray Reply with quote

nkakatawa po ang mga tao na nag cocomment na para bang wla man lang ginagawang action ang pulis about this; para palaging instant coffee ang lahat. unfortunately, wla po tyo sa pelikula or sa isang tv series na in 1-2 hours meron nagiging conclusion ang story. the world does not work that way. di ka naman pwedeng basta magtuturo ng kung sinu-sino lang at di naman sila pwedeng ikulong kung wala naman ibidensya na matindi against them. ang magagwa po natin bilang mamamayan ay tumulong sa kapulisan lalo na ng mga tao na makakapag bigay ng lead sa kung sino ang pumatay sa bata. magdasal na lang po tayo kesa sa mangbatikos wala naman naiintindihan sa batas.
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Dec 06, 2008 6:44 pm    Post subject: Reply with quote

naku naku naku ha

Tama ka Guest sa sinabi mo.

Pero baka ang hindi natin alam itong si JUAN DELA CRUZ AAY TALAGANG ME KATUNGKULAN O DATING ME KATUNGKULAN KAYA ANG PAPEL NYA NGAYON AY PALAGING MAMUNA NG MGA NANGYAYARI AT NAGAGANAP SA PAETE lalo na sa mga nanunungkulan.

Oposisyon lalantad din yan katulad ng iba lumalantad kapag me nakita ng kakampi o tumatama ang kanyang opinyon.

ako di naman ako numulitika nagsusulat lang kay tatago na lang ako tulad nyo.

ay naku naku naku ha


Anonymous wrote:
Quote:
BAGO!? o LUMA!? abay pang ilan na yan sa mga krimen. palagay ko ay LUMA na ang usapin madami ng krimen naganap. LUMA na din ang sasabihin ng mga kinauukulan. BAGO? ang gusto kong maBAGO ay ang sistema ng paglutas ng problema. o kaya ay palitan ang mga taong di nakagaganap ng kanilang tungkulin. napakaliit po ng bayan natin pero tila yata hindi n safe ang tumira dito. ang bata ay BAGOng biktima. ang nakawan si inang ester at si harry ay LUMA na? kelan magkakroon ng pag baBAGO? o ang pagbaBAGOng nagagnap sa ating bayan ay palala. paurong at di pasulong. di natin kelangan magBAGO ng paurong kelanagn ay pasulong. kelan? ngayon,! di bukas kundi ngayon. simulan mo hepe ang tikas mo sa interview sa tv ah. ganun di ba sa personal?


JUANTAMADDELACRUZ


To guest:

Ang galing galing mo Guest. Parang alam mo lahat ang solusyon ah. kumandidato ka kayang meyor sa 2010 baka pagnanalo ka wala ng krimen sa Paete, o kaya mag-apply kang pulis baka ikaw ang maka-solve! He he he!
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Dec 06, 2008 10:34 pm    Post subject: Reply with quote

Nakakalungkot naman...safe pa ba sa Paete?
Back to top
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sun Dec 07, 2008 9:51 am    Post subject: Baka Nga! Reply with quote

Bai naman, baleng bale aba! ay kung may katungkulan siya at kaya niyang panindigan yun mga puna niya ay bakit di naman hindi siya magpakilala, ginagawa pa niyang tamad si Juan DelaCruz
Aba ay kung sa akin at kahit na tamad ay di pa rin ako papayag na lagyan ng tamad yun pangalan ko.Kaya kung ako sa kanya, di na lang ako magkukunwari, tutal ito naman mga Opisyales natin ay napaka-diplomasya at di mo mariringgan ng masamang responde at di sila napipikon, bagkus nagpapaliwanag naman.
Maging tapat na lang sana at paningdigan yun mga puna niya, kung di naman siya sigurado sa mga puna, ay lagyan niya ng diumano, daw or pasubali para naman di maka-offend...........di naman siguro ganon kalala o worst na nakakatakot ang bayan natin, meron nga diyang Basilann na pugad ng Absayaf,meron diyan Kabikolan na pugad ng NPA at grabe ang patayan, pero yun sa ating bayan, ay kagagawan naman ng karaniwang criminal na kagagawan ng droga. Sad
Kaya nga sa paliwanag ni Meyor, droga ang dapat pagtuunan ng pansin sapagkat iyon ang karaniwang ugat ng mga krimen sa panahong ito. Meron pa kayang ibang motibo kung bakit nagnakaw at pinatay yun bata?? Shocked
Kaya suggestion lang, pakilala na lang....YUN LANG PO!
Salamat,
Ka Tony Dalagan Very Happy
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
Guest






PostPosted: Sun Dec 07, 2008 11:47 am    Post subject: Reply with quote

mayor,

salamat po sa inong tugon.

vice,

salamat sa info.

mga guest,

salamat din sa inyong puna. tumakbo sa 2010 pag iisipan ko pa? kasi may matalim man akong ngipin pustiso naman. magpulis? hayy gaya ng sabi ng isang guest na ang pulis ay pinoprotektahan ang pamilya. di ako kasing tapoang ni ka tony dalagan eh bat di na lang kaya sya ang magpulis at sabihan nya yung mga kriminal na "magpakilala kayo?" gaya po ng sinabi ko mahilig lang akong manghamon para mapalabas ang gusto kong info. pero sabi ko nga pustiso ang talim ng ngipin ko at duwag ako di ba ka tony? pero huag nyo ituon sakin ang pist nyo sumisikat tuloy ako eh. nasakin ang post nyo at di yungkol sa topic.

sa kinauukulan,

ano nmn ang latest sa nakawan, sa inang ester, kay harry, masacre sa ermita, mga natabunan na? hay sus kung kasing tikas lang ako ng hepe di ko sila tatantanan walang kaikaibigan walang kumpakumpare walang kamakamganak huag nyo akong subukan!!!!!!!!!!!!!! sounds familiar? kawawa namana ang mga biktima kasama nyo po ako sa pakiibaka. NAGTATAKA LNG AKO ANG MGA NASA POSISYON AY DI NAASAR BAGKUS AY NAGPAPALIWANAG YUNG MGA MIRON NA GAYA KO AY SYANG NAGAGALIT! tama nga ang sabi GALIT ANG MAGNANAKAW SA KAPWA MAGNANAKAW. buti na lang di MAGNANAKAW ang mayor at vice. saludo po ako sa inyong 2 sana po ay maibalik nyo sa kaayusan at mapanatag ang loob ng bayan natin. gaya ni juan tamad wait ng pagbagsak ng guava ako din wait ng pag resolba ng kaso. ako ba ang tamad o sila? nagtatanong laang.

JUANTAMADDELACRUZ
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Mon Dec 08, 2008 1:25 am    Post subject: Reply with quote

anu masasabi mo ka tony?????ikaw kasi masyado ka kasi mainit!!!
hehehehehe!!!!!!peace!!!!!!!
Back to top
nooran shah
Guest





PostPosted: Mon Dec 08, 2008 7:06 am    Post subject: Reply with quote

oo nga mang tony,..... wht can u say about that!!!!
Back to top
Ka Tony
Guest





PostPosted: Mon Dec 08, 2008 12:25 pm    Post subject: kayo ang Mainit! Reply with quote

Kayo nga ang mainit ay, hindi ako! ha ha ha masyado lang

kayong magugulo! Laughing Laughing Laughing wana ako say, di na kayo

papatulan, bahala kayo! ha ha ha Laughing Laughing


P E A C E N A!
Back to top
fm
Guest





PostPosted: Tue Dec 09, 2008 8:02 pm    Post subject: accomplishment or no accomplishment Reply with quote

kgg.ka noel,
1 week na po mahigit since the ordinance wala bang report ang kapulisyahan, no drug user or pusher around???

Siguro matatahimik na tayo dahil wala ng dahilan para mangamba kung ganun?
Nagtatanong lang po.

Mabuhay ang Paete,
FM
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Wed Dec 10, 2008 7:28 pm    Post subject: Reply with quote

Dear FM,
Noon pong Dec. 8 ay nagsumiti ng report si Hepe at iniulat na nakahuli sila ng isang pinaghihinalaang gumagamit ng ipinagbabwal na gamot. May mga pangalan din pong nasa listahan ng "order of battle", subali't ikinalulungkot ko pong hindi ko mai ulat dito sa USAP sapgagka't ito po ay "classified information" (for obvious reasons). Yon pong nahuli ay nasa custody na ng ating kapulisan subalit hindi pa po nalilitis sa hukuman. Sa atin pong batas, ang isang tao ay ipinalalagay na walang kasalanan hanggang hindi napatutunayan sa hukuman na siya nga ay nagkasala. Kaya di rin po maibulgar sa publiko ang kanyang pangalan. Kung ibig po ninyong malaman ang mga detalye ng ginagawa ng ating mga kapulisan, magtungo po kayo sa tanggapan ni Hepe Edilberto Afuada o sa aking tanggapan at maluwag po naming sasagutin ang inyong mga katanungan.

Maraming salamat po sa inyong concern.
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
guest
Guest





PostPosted: Thu Dec 11, 2008 1:50 am    Post subject: Reply with quote

Nawala po ata sa map ang aseoche st. ang dr. carunungan at aglipay church ay hinde mo magkatapat. salamat po.
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Thu Dec 11, 2008 8:23 am    Post subject: Reply with quote

ayan na naman po!!!!!!may perpekto ulit!!!!sorry po!!!!tao lang kaya nagkakamali ang bise natin!!!!pag pasensiyahan mu na ha!!!
masyado ka aba......para un lang baga ahhh......
Back to top
guest#8
Guest





PostPosted: Fri Dec 12, 2008 4:00 am    Post subject: Reply with quote

Sana nag drawing ka rin ng mapa mo,saka di naman magkatapat ung carunungan at aglipay ah,at saka di na kailangan sigurong ilagay ni vice ang lahat ng kalye,yun pong sketch na yun ay para lang po maipakita "more or less" kung saan naganap yung krimen.
Kung yong mga kaunting pagkukulang ay wag na po sana nating palakihin.
Back to top
concerned citizen*
Guest





PostPosted: Fri Dec 12, 2008 4:47 am    Post subject: for ur info and guidance. Reply with quote

Sa tanong po kung Safe pa ba sa Paete...

puede po nating checkin ang crime record ng ating bayan from January-November 2008. Kayo napo ang sumagot sa tanong:

Jan. - 1 physical Injuries
Feb. - 0 Crime rate
Mar. - 0 Crime rate
Apr. - 0 Crime rate
May - 1 Physical Injuries
Jun - 0 Crime rate
July - I Parricide, 1 Robbery, 3 Theft
Aug. - 0 Crime Rate
Sept.- 2 Viol of RA 9165 (anti-illegal drugs)
Oct. - 1 Viiol of RA 9165 (anti-illegal drugs)
Nov. -1 Viiol of RA 9165 (anti-illegal drugs)
1 Rape (RA 7610), 1 RIR to Homicide and Physical Injuries.
1 Robbery w/ Homicide (kay Niña)

Sa lahat po ng nangyaring krimen, ang tanging hindi pa po nalutas ay ang sa Inang Ester, Kay Niña at 'yong nakawan sa Western Union. Ang 3 pong ito ay pawang walang makuhang testigo. (Yong kay Harry po ay sa Pangil nangyari.)

Lahat po ng krimen ay naka file na sa korte at kasalukuyang nililitis.
At sa kaalaman din po ng ating mga kababayan sa ibayong dagat, halos lahat po ng nasa watchlist sa Drugs ay mga nakasuhan na at kung may hindi pa po nahuhuli, sila po ay under surveillance pa rin. Hindi po naman puedeng basta na lang dumampot ng mga pushers o ushers kung walang ebidensiya kundi man mahulihan sa aktong paggamit

Siempre po, nag-iingat sila dito sa paete dahil kilala sila dito. Kilala rin po sila sa ibang bayan kasi po nakatala ang lahat ng ushers/pushers sa intel branch ng bawat istasyon hindi lang dito sa Paete.

Isa rin po sa ordinansang ipinatutupad ng ating pamahalaang bayan ang TUNGKOL SA MGA MOTOR. karamihan po kasi ngayong krimen s buong Pilipinas (holdap, masaker, murder, atbp) ay nakasakay sa motor ang mga suspect. riding in tandem. Kaya mahigpit pong ipinatutupad ang, No plate no travel policy, kasama na po ang pagmamaneho ng walang lisensiya. kaya paumanhin po kung isa ito sa mahigpit na pinagtutuunan ng ating kapulisan.

Ang ratio po ng pulis natin by population ay 1:1440
Sana po ay suportahan natin ang ating kapulisan sa halip na husgahan.

Sa ngayon po ay matroon tayong 12 detainees.
Salamat po sa Pang-unawa.
(Ito po ay base sa nakuha kong record nila, para po sa inyong kaalaman).
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Dec 12, 2008 5:59 am    Post subject: Reply with quote

YOU SAID
gaya ni juan tamad wait ng pagbagsak ng guava ako din wait ng pag resolba ng kaso. ako ba ang tamad o sila? nagtatanong laang.

JUANTAMADDELACRUZ[/quote]


Di ka nga si Juan Tamad, ang lakas mo namang manilip ng butas hayaan mo at di ka nag iisa jan sa iyong pag silip sa mga nangyayari.

Marami pang papatak na bayabas hintayin mo, katulad ni Juan Tamad naghihintay ng pagpatak ng bayabas.

Ganun din yun ang iba naghihintay ng pagresoba sa kaso at ang iba naman ay nagaabang ng mga pagpatak ng pangyayari na tulad ng bayabas di mo alam kung kailan ito papatak

Alam mo kahit tamad si Juan ay ito ay nakaabang sa pagpatak ng bayabas

Mas hindi kanais nais kapag kahit Juan Tamad ay nawala, wala ng magaabang sa paspatak ng bayabas para na rin yang kahalintulad ng kasong di maresolba dahil si juan tamad ay ayaw ng mamulot ng bayabas.

Ay naku naku naku kung me pera ka tulungan mo si Juan para mapabilis ang inyong biyahe sa dapat puntahan, di na uso ang karetela.


tsk tsk tsk ay naku naku ha
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Dec 12, 2008 7:12 am    Post subject: Reply with quote

guest,

hay naku talaga! wait p rin tayo kaso mo nga hanggang s mawala na lang ang mga posting sa usapin at nalilimot na. tingnan mo post ni concern citizen. aba kaya wal pala maisagotsa kaso ay dahil wal manlang nakalap na testigo na nakuha sa inang ester at iba pang kaganapan syempre lumabas tuloy na kaya nawalan n ng posting ay wla na maisagot sa mga kaso kasi wala daw sila makita. hay sus maria! paano ba yun. mabuti pa ang bayabas malalaman mo na darating ang panahon babagsak at babagsak sa lupa. yung sa kriminalidad ewan kung babagsaka sa kamay nila ang kriminal. isa pa di nabbanggit yung malagim na nangyari sa ermita. ano ang masasabi mo duon concern citizen?

kung may pera lang ako di mo na kelangan humingi sakin ng tulong. bakit di kay yun ang ipanghingi ng pondo ng simbahan pamahalaan sa mga nasa ibayong dagat para makalikomng pera sa pag supil ng krimen sa ating munting bayan.

JUANTAMADDELACRUZ
Back to top
nooran shah
Guest





PostPosted: Fri Dec 12, 2008 8:05 am    Post subject: Reply with quote

concern citizen sez....
[/quote]
Sa tanong po kung Safe pa ba sa Paete...

puede po nating checkin ang crime record ng ating bayan from January-November 2008. Kayo napo ang sumagot sa tanong:

Jan. - 1 physical Injuries
Feb. - 0 Crime rate
Mar. - 0 Crime rate
Apr. - 0 Crime rate
May - 1 Physical Injuries
Jun - 0 Crime rate
July - I Parricide, 1 Robbery, 3 Theft
Aug. - 0 Crime Rate
Sept.- 2 Viol of RA 9165 (anti-illegal drugs)
Oct. - 1 Viiol of RA 9165 (anti-illegal drugs)
Nov. -1 Viiol of RA 9165 (anti-illegal drugs)
1 Rape (RA 7610), 1 RIR to Homicide and Physical Injuries.
1 Robbery w/ Homicide (kay Niña)

Sa lahat po ng nangyaring krimen, ang tanging hindi pa po nalutas ay ang sa Inang Ester, Kay Niña at 'yong nakawan sa Western Union. Ang 3 pong ito ay pawang walang makuhang testigo. (Yong kay Harry po ay sa Pangil nangyari.)

Lahat po ng krimen ay naka file na sa korte at kasalukuyang nililitis.
At sa kaalaman din po ng ating mga kababayan sa ibayong dagat, halos lahat po ng nasa watchlist sa Drugs ay mga nakasuhan na at kung may hindi pa po nahuhuli, sila po ay under surveillance pa rin. Hindi po naman puedeng basta na lang dumampot ng mga pushers o ushers kung walang ebidensiya kundi man mahulihan sa aktong paggamit

Siempre po, nag-iingat sila dito sa paete dahil kilala sila dito. Kilala rin po sila sa ibang bayan kasi po nakatala ang lahat ng ushers/pushers sa intel branch ng bawat istasyon hindi lang dito sa Paete.

Isa rin po sa ordinansang ipinatutupad ng ating pamahalaang bayan ang TUNGKOL SA MGA MOTOR. karamihan po kasi ngayong krimen s buong Pilipinas (holdap, masaker, murder, atbp) ay nakasakay sa motor ang mga suspect. riding in tandem. Kaya mahigpit pong ipinatutupad ang, No plate no travel policy, kasama na po ang pagmamaneho ng walang lisensiya. kaya paumanhin po kung isa ito sa mahigpit na pinagtutuunan ng ating kapulisan.

Ang ratio po ng pulis natin by population ay 1:1440
Sana po ay suportahan natin ang ating kapulisan sa halip na husgahan.


well said...// napromote ka na ba ng inspector...ngehh....joke.... para ka kasing isa sa kapulisan kung magpaliwanag..... hek hek hek........
Back to top
JuanitoKUNATdelacruz
Guest





PostPosted: Fri Dec 12, 2008 6:35 pm    Post subject: Reply with quote

Hoy concerned citizen*....Ano kaya kung maglunsad ka ng malawakang "DRUG TEST" sa lahat ng tiga Paete.Kaysa maging abogado ka ng mga kapulisan.Tutal puro kayo fund raising sa walang katuturan.Ay di gamitin nyo na lang sa Drug Test.Ano sa palagay mo?Hani?
Back to top
naku ha!
Guest





PostPosted: Fri Dec 12, 2008 8:45 pm    Post subject: Reply with quote

nooran shah wrote:
concern citizen sez....

Sa tanong po kung Safe pa ba sa Paete...

puede po nating checkin ang crime record ng ating bayan from January-November 2008. Kayo napo ang sumagot sa tanong:

Jan. - 1 physical Injuries
Feb. - 0 Crime rate
Mar. - 0 Crime rate
Apr. - 0 Crime rate
May - 1 Physical Injuries
Jun - 0 Crime rate
July - I Parricide, 1 Robbery, 3 Theft
Aug. - 0 Crime Rate
Sept.- 2 Viol of RA 9165 (anti-illegal drugs)
Oct. - 1 Viiol of RA 9165 (anti-illegal drugs)
Nov. -1 Viiol of RA 9165 (anti-illegal drugs)
1 Rape (RA 7610), 1 RIR to Homicide and Physical Injuries.
1 Robbery w/ Homicide (kay Niña)



Ako po ay magbibigay lang ng opinyon:

Una po sa lahat, magandang araw po sa inyong mga kapulisan at sa mga namumuno sa ating bayan,

Marami pong salamat sa Updated Crime Statistic Information sa bayan ng Paete.

Naaayon na rin po sa report na ito, ang masasabi ko po ay safe po ang pagtira sa ating bayan, dahil po sa isang bayan na dumadami ang taong naninirahan ay nangyayari po talaga ang mga ganitong mga ibat ibang krimen.

Kahit noong araw ay me mga nangyayari na rin pong mga gaitong balita sa kabila ng maliit pa po ang papolasyon noong araw.

Kaya dahil nga po sa report na ito ay makikita na mababa ang crime rate sa bayan ng Paete hindi ko po sinasabi na napagaling ng ating mga namumuno at kapulisan, naikukumpara kolang po sa ibang mga bayan na talagang me mga organized crime tulad ng mga sidigato ng shabu, at paulit ulit na hold upan at malakihang nakawan.

Mabuhay po kayo ipagpatuloy po ang magandang gawain ng mga kapulisan, taga Paete at mga namumuno.

Salamat po

tsk tsk tsk ay naku naku ha Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy
Back to top
nooran shah
Guest





PostPosted: Sun Dec 14, 2008 11:02 am    Post subject: Reply with quote

naku ha! wrote:


Mabuhay po kayo ipagpatuloy po ang magandang gawain ng mga kapulisan, taga Paete at mga namumuno.



isa ka pa, siguro magkumpare kayo ni concerned citizen*, alam mo senior inspector mabuti pa bumalik na lang tayo sa topic, taos puso tayong makiramay sa mga naiwan ni niña, at kalampagin ang mga may katungkulan para sa mabigyan sya ng katarungan.........
Back to top
Guest






PostPosted: Sun Dec 14, 2008 11:41 am    Post subject: Reply with quote

naku ha,

opinyon ko din laang naman ito kung ang dahilan ng krimen ay dahil sa lumalaki ang populasyon ng ating minamahal na bayan ay nangangahulugan ba na di natin masusupil ang kriminalidad gaya ng di mapigil na pagdami o pag laki ng populasyon? may mga bansa na mas malaki ang populasyon pero di naman ganun ka grabe ang kriminalidad. pero tma ka, may punto ka, isa ring problema ng ating bayan ang paglaki ng populasyon na nagbubunga ng cancer ng lipunan. "kahirapan". maari kong sabihin na ito ang dahilan ng kriminalidad dahil ang sinasabi kong bansa na malaki ang populasyon ay mayayamang bansa. isipin na lang natin ang kaso ng batang pinatay di bat dahil lamang sa 400 pesos lang yun. populasyon ba o kahirapan? maaring dahil din sa kahirapan kaya nakukuha ng iba na gumamit bawal na gamot ksi duon lang sila nakakakuha ng panandaliang ligaya at ginhawa sa kahirapan.

JUANTAMADDELACRUZ
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
Page 2 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group