PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Ninakawan na pinatay pa
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Hik! Hik!
Guest





PostPosted: Sun Dec 14, 2008 7:57 pm    Post subject: Reply with quote

Baka naman kaya zero ang crime rate ay sa dahilang ayaw na magreport ng mga biktima dahil sa wala namang nangyayari o ginagawang aksyon ang otoridad ay.Di rin nila alam kung kakampi baga o hindi ang otoridad.Madadagdagan pa ang kanilang sama ng loob.
At malay mo tinapon laang yung biktima sa ibang bayan,kaya wala sa Paete.May punto baga?---I wanna peace man...
Back to top
concerned citizen*
Guest





PostPosted: Mon Dec 15, 2008 1:06 am    Post subject: hay naku... Reply with quote

Gusto ko lang pong bigyan ng kasagutan ang mga kababayan nating nagtatanong. Wala pong insultuhan, parepareho po tayong katarungan ang hanap..

Hindi po ako pulis, at wala akong anumang kaugnayan sa kanila. Nagresearch lang po ako ng kaunti para maipaabot ko sa mga kababayan kong concerned ding tulad ko ang mga kaganapan dito sa ating bayan. at siguro naman po ay hindi masama yon. Yon lang ang kaya kong iambag sa mga kababayan ko.

Kung kayo po ay walang pake at walang nakikitang maganda sa sinulat ko wala po akong magagawa.. butas ng kapwa ang hanap nyo hindi solusyon para lang may maipost.

Nakakapanlumo, isa sana itong paraan upang magkaisa tayo sa pagsugpo sa kriminalidad pero nagiging daan pa ito ng pagkakasakitan ng loob at pag hihiwa-hiwalay ng mga prinsipyo. Pero sabi nga, "Different folks, different strokes". Sana nga lang 'wag sa ganitong sitwasyon. Lumalayo tayo sa isyu, nagiging personal ang banat.

Kaya ang hiling ko lang po... sana konting respeto lang. para irespeto rin kayo ng kapwa ninyo.

Salamat po.....
Back to top
Teban
Guest





PostPosted: Tue Dec 16, 2008 2:07 am    Post subject: May punto si Concerned Citizen... Reply with quote

Maaari po bang magtulong-tulong na lang sa ikalulutas ng mga suliranin sa ating bayan at huwag magsiraan o maghanapan ng butas?

Kung sino pa kasi ang mga matatanda dyan sila pa ang "promotor" ng ilang batikusan dito, maging huwaran naman kayo dito sa forum naming mga kabataan. Ilagay nyo naman sa tama. Minsan kasi "below the belt" na eh. Hindi lang dito sa topic na ito pati na rin sa iba pang topic.

Sobra na. Tama na. Magkaisa na ang lahat dito.

FMA atbp. na mahilig magbatikos, sang-ayon baga kayo sa akin?
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Dec 16, 2008 7:51 am    Post subject: Reply with quote

Hik! Hik! wrote:

May punto baga?---I wanna peace man...



Wala kang punto may ikot ka yun ang meron ka.

hik hik hik
Back to top
nooran shah
Guest





PostPosted: Tue Dec 16, 2008 9:13 am    Post subject: Re: hay naku... Reply with quote

concerned citizen* wrote:

Kung kayo po ay walang pake at walang nakikitang maganda sa sinulat ko wala po akong magagawa.. butas ng kapwa ang hanap nyo hindi solusyon para lang may maipost.
Lumalayo tayo sa isyu, nagiging personal ang banat.



ok kaisa mo ako kung talagang solusyon nga ang mga sinasabi mo pero puro pagpuri ang mga binabanggit mo sa mga may katungkulan, sana pag usapan na lang natin eh ang krimeng naganap upang di mabaon sa limot......

sa ating mga namumuno ano na po ang balita sa kaso ni niña? nagtatanong lang po uli.............
Back to top
jazz
Guest





PostPosted: Wed Dec 17, 2008 1:58 am    Post subject: Reply with quote

Noon, sum1 asked 'bout the status of the criminality in our town. safe pa raw po bang manirahan sa Paete. When sumbody posted the monthly crime rate of Paete, may nagreact naman... zero crime rate kc baka raw di na lang nagrereport ang mga biktima, etc, etc, etc.

Hindi ko po malaman kung ano talaga ang gus2 ng ating mga kababayan. Ayaw yatang marinig na tahimik ang bayan... edi 'wag na lang po tayo magtanong para walang sumagot dahil di naman po tayo naniniwala, di po baga? Napipintasan pa 'yong mga nagpopost. Nagbibigay lang naman po sila ng impormasyon.

Sa halip po kc na magpasalamat dahil konti lang ang krimen, binibigyan pa po ng iba ng negative respose. Ano po ba talaga ang gusto nyo? Ang mga balitang makakasira sa Paete at Pamunuan nito? O ang katahimikan ng bayan?

Sa tema po kc ng posting nyo, ayaw nyo ng tahimik, gusto nyo magulo at pangit na palakad upang may maipintas sa kanila..
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Wed Dec 17, 2008 2:01 am    Post subject: Reply with quote

hik hik...

Hindi po itinapon sa ibang bayan ang biktima, masyadong malikot ang imahinasyon mo.

Umayos ka.
Back to top
nagmamasid
Guest





PostPosted: Wed Dec 17, 2008 8:53 am    Post subject: ewan ko sa inyo Reply with quote

alam nyo maraming klase kasi ang nag tatanong:
nagtatanong sya kasi gusto nyang malaman talaga kung ano ang totoo,
may nagtatanong nga pero nanunubok lang sya at meron syang alam,
nagtatanong sya para makakita ng butas para mang insulto ng kapwa tao,
nagtatanong sya dahil baka sya ay may maitulong sa biktima,
at may mga taong nag tatanong at sumisingit lang dito para manggulo, kung ganun lang ang gusto nyo , tumigil na kayo at di kayo nakakatulong, kung tutulong naman kayo tama na yung patutsadahan, magtulungan nalang tayo at mag dasal sa ikatatahimik ng kaluluwa ng lahat ng naging biktima, at sa ikareresolba ng kaso, at sana naman po kung may alam kayo sa kaso o kilala nyo o nakikita nyo ang kriminal ng mga biktima, wag na nyong ipagwalang bahala, at sabihin nyo napo kaagad sa may kapangyarihan na mapagkakatiwalaan .
"mag tulungan lang tayo at magdasal mga kababayan ko, isa kasi sa kamag anak ko ang naging biktima ng mga krimen na nangyari sa bayan nating mahal"...
sana lang tigilan na natin ang pagtatalotalo, salamat po...
Back to top
pulis patola
Guest





PostPosted: Wed Dec 17, 2008 10:23 am    Post subject: mga pulis papogi lang ang alam. paging mayor noel cadayona Reply with quote

paging mayor noel cadayona!!

mayor matanong ko lang po, anung training po ba pinagdaanan ng mga pulis natin dito sa paete? puro na lang po patayan at nakawan. ano po ba ginagawa ng mga pulis? dahil kahit lead wala sila maiprisinta?

mayor wala po samaan ng loob pero sa nakikita po ng lahat, puro papogi lang ang alam ng mga kapulisan natin dito sa paete.

ang tanging kayang hulihin lang po ng mga pulis natin dito eh ung mga motor at minsan ginagawa pa nilang negosyo at naghihintay ng lagay.

mayor pakiayos naman po ang problema sa kapulisan natin, ung ibang pulis nga po dyan, nakikitang nag iinuman sa beerhaus sa hi-way at ang matindi pa po dun eh hindi nagbabayad, ang kakapal ng muka!!!!!
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Dec 17, 2008 6:41 pm    Post subject: bulagbulagan Reply with quote

Ako po ay isang taga paete na empleyado sa Sta cruz, sa inaraw araw ko po ng pag bibyahe lalo na po pag ako ay pauwi galing opisina, palagi pong may mga taga Paete na sumasakay galing sa Maytalang Lumban Laguna, mga taga Paete na kilalang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang sa akin lang po ay bakit di po natin pagukulan ng pansin ito para ng sa ganon ay maisave pa ang mga user na ito di po ba? Baka po pag ating pinabayaan at wala na silang pambilili ay sila na ang maging pusher papuntang Paete? Bakit po sa ibang bayan naabangan kahit sa jeep ang mga bumibili sa Lumban. Mag pa pwesto lang tayo ng asset sa maytalang ay tiyak na maraming maititimbreng taga Paete duon. SUGGESTION lang po para din po ito sa atin.
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Wed Dec 17, 2008 7:00 pm    Post subject: Reply with quote

Pulis Patola,
Tulad po ng paliwanag ni Prof. Angel, ang Pulis po ay hind under sa Mayor. Ito nga po ang matagal ng ipinaglalaban ng Mayor’s League of the Philippines. Ang amin pong nagagawa ay magrekomendang palitan ang Hepe o sino mang pulis pero ang desisyon ay nasa Provincial Director. Kapapalit lang po natin ng hepe noong nakaraang July at sa Enero ay bago na naman ang ating Hepe dahil mag reretire na si Hepe Apuada. Sana nga mas magaling itong bagong papalit na hepe (wala pang pinal kung sino). Kung meron po kayong kilalang pulis na sinasabi ninyong nagiinom sa beerhouse at nangongotong ay sampahan po ninyo ng reklamo sa PLEB. Ang chairman po nito ay si dating Konsehal Jerry Cosico. Kung natatakot ka naman ay ibigay mo na lang ang pangalan sa aking tanggapan. Hindi siya mapaparusahan dahil hindi ka titistigo pero irerekomenda ko na ma relieve.

Maraming salamat,
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
Hatchoo
Guest





PostPosted: Wed Dec 17, 2008 8:58 pm    Post subject: Reply with quote

Mayor,maganda po ang suhestyon nung isang guest na maglagay ng assets s Maytalang para surveilance ang mga tga Paete na pumupunta dun.Maganda nga sana ay may surveilance camera pa.Totoo nga po na may napunta dun pati na rin sa madaling araw na byahe pa sta.cruz.Idadagdag ko din po na ano kaya kung magkaroon kyo ng police dog kahit na yung askal laang na trained sa pg-amoy ng illegal drugs.Tapos ay yun ang kasakasama sa pagroronda sa gabi at madaling arw para amuyin ang mga taong nakakasalubong sa ronda.Paminsan minsan din ay magpara sa ng mga sasakyang pampasehero para amuyin ng police dog ang mga pasahero.Dapat laang ay naka-uniform ang mga magchecheck point.Parahin din ang mga nakamotor sa gabi at madaling araw ng mga nagroronda,subalit dapat mag-ingat ang mga inosenteng nagmomotor dahil baka naman hindi awtoridad ang manghaharang sa kanila.Imposible po siguro ang suhestyon ko.Pero gusto ko lang pong magbigay ng ideya.Salamat po.
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Thu Dec 18, 2008 7:31 am    Post subject: Reply with quote

Maganda yong suggestion na maglagay ng asset don sa Maytalang sa Lumban para magsurveilance, at sang-ayon ako sa mga obserbasyon na may mga taga Paete na don kumukuha ng droga. Kaya lang kung hindi rin lang mahuhuling bumibili sa akto o mahuhulihan na may dalang droga ay hindi rin maaaring kasuhan. Mga pulis lang ang maaaring magsaliksik sa sino mang pinaghihinalaan. Kung pulis naman ang mag susurveilance e labas na sa ating hurisdiksyon ang Lumban. Magkakaron tayo ng encroachment sa teritoryo. Marami ng mga pangalan ang nasa “watch list”, may kopya na rin ang mga Kapitan ng Barangay para sa masusing pagmamatyag, ang kailangan na lang ay mahulian sila ng actual possession o aktong paggamit. Sasabihin ko din kay Mayor Paraiso ng Lumban itong inyong mungkahi, kaya lang, tiyak na mapupunta ito sa mas mabigat na katanongan, bakit sa napakatagal ng panahon, na kilalang kilala itong Maytalang na pinamumugaran ng no. 1 drug dealer dito sa Laguna, pero hanggang ngayon ay hindi ito maipatigil?
Yon namang sniffing dog, Ok din yan, kaya lang may kamahalan ang mga ganitong aso at special handler and kailangan na kasamang nagtraining nong asong ihahandle niya. Hindi po kakayanin ng budget ng ating Municipio.

Maraming salamat po sa inyong magagandang mungkahi.

Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Thu Dec 18, 2008 7:47 am    Post subject: Reply with quote

sabi ko na nga ba pera na naman ang magiging problema eh. sana may mag donate. paki basa na lng din po yung post ko mayor sa katungan kay harry. salamat po sa inoyng mga tugon.

JUANTMADDELACRUZ
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Dec 18, 2008 12:38 pm    Post subject: Reply with quote

kanoel wrote:
Maganda yong suggestion na maglagay ng asset don sa Maytalang sa Lumban para magsurveilance, at sang-ayon ako sa mga obserbasyon na may mga taga Paete na don kumukuha ng droga. Kaya lang kung hindi rin lang mahuhuling bumibili sa akto o mahuhulihan na may dalang droga ay hindi rin maaaring kasuhan.
Ka Noel


meyor tama po ang suhestyon ng ating kababayan pero sa akin pong palagay kung magkakameron man halimbawa ng asset dun para sa surveilance, tiyak.... pag malalaman ng mga usher dahil sa mga posting na ganito, eh tiyakan pong dun na lang nila gagamitin yung biniling droga, di na para dalhin pa sa paete, di po baga na pag alang ebidensya alang kaso.....
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Dec 18, 2008 12:59 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
sabi ko na nga ba pera na naman ang magiging problema eh. sana may mag donate.

JUANTMADDELACRUZ


alam mo JTDLC kesa magkomento ka ng magkomento, mabuti pa ikaw unang magdonate.... hek hek hek.............
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Dec 18, 2008 1:53 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
Anonymous wrote:
sabi ko na nga ba pera na naman ang magiging problema eh. sana may mag donate.

JUANTMADDELACRUZ


alam mo JTDLC kesa magkomento ka ng magkomento, mabuti pa ikaw unang magdonate.... hek hek hek.............



pasensya na nakalimutan kong ilagay username ko... hek hek hek....

nooran shah
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Dec 18, 2008 3:49 pm    Post subject: Reply with quote

nooran shah,

xencya na mahirap na tao lang. work in comp lang kaya nakakapag post. pero kung meron man ako maibibigay di mo na kelangan sabihin yan. hayaan mo pag iisipan natin kung paano magkakpera sa legal n paraan.

ano na nga po pala latest sa mga kaso. may proven guilty na po baga? o pera na naman ang kelangan. hayyyyyyyyy!!!!!!!!!

JTDLC
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Jan 01, 2009 7:23 am    Post subject: Re: tnx Reply with quote

pa wrote:
salamat po sa mga nagpost ng mga update. it's just so sad to hear na me bago na naman na masamang balita from our town. addict nga po ito walang nasa matinong pag-iisip ang makakyang gumawa ng ganito; usapan nga namin dito sa 400 pesos napatay ang isang bata..halaga po ng isang meal sa fastfood dito sa UAE..nakaklungkot po sobra.

may she rest in peace..
sa dami ng guardians at pactaf wala pa ring nanagyayari, pormahan na lang ba yan o magaling lang sila sa kayakayanan nila. HOY GISING!!!!
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Thu Jan 01, 2009 7:48 pm    Post subject: Reply with quote

TAMA KA DYAN!!!! PURO PORMA LANG ANG ALAM NG MGA YAN....
Back to top
Puro Porma
Guest





PostPosted: Sat Jan 03, 2009 3:51 am    Post subject: Delingkuwente Reply with quote

Buti pa nga ung mga Pactaf kahit pano nakakapormang mag silbi at tumulong para sa katahimikan ng ating bayan, at meron silang pormang isinasakrepisyo..

eh kayo anu na ang nagawa ninyong contribution sa ating bayan??? meron na ba?????

o baka naman kaya nagpuputok ang mga butsi nyo sa mga PACTAF eh kayo tong madalas na manggulo at ma curfew ng PACTAF, dahil mga tumatanda kayong mga paurong at mga walang uwido, o baka naman pinagaaral kayo ng mga magulang nyo para lang maging salot sa ating bayan.....

kaya maliguuuuuu.....!!!!! hani.....!!!!....kayo talaga...!!!
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Jan 03, 2009 6:33 am    Post subject: Reply with quote

puro porma,

huag kang pikon kung member k ng pactaf ay di mag post ka ng nagagawa nyong accomplishment ng wala silang masabi. malay mo naman di sila nakapormang tumutulong di umano pero sila pala ang tumutulong natotoo. di ba may mga donation din kayo na natatanggap? ang mga tumutulong ba sa inyo ay nakaporma di ba minsan anonymous pa nga ang ilan? tama ka maligo at ng luminis ang ating katawan mag toothbrush na din ng mabango din ang bibig.

ano na nga po ba ang latest sa kaso? killer po ang hanapin at huag basta ibaling sa ibang krimen na gaya ng addiction ang panghuhuli?

JTDLC
Back to top
Guest






PostPosted: Sun Jan 04, 2009 2:05 pm    Post subject: Re: Sisihan Na Naman Reply with quote

eboytons wrote:
Kay Juan TamadelaCruz, Guest etc.

Paki-usap lang, huwag na kayong manisi at di agad malutas
ang kaso, di naman ganon kadali ang maglutas ang kaso, lalo pa
at walang pang tumetistigo at limited din naman ang resources nila at kahit na sino tulad nila ay may limitasyon din ang kakayahan nila.
Kaya ang mabuti ay magtulungan na lang, walang sisihan,
walang husgahan, walang pulaan at kung ano ano pang negatibong opinyon na sa halip tulungan o matuwa ang ating kina-uukulan para sa ikalulutas agad ng kaso, ay lalo pang nagiging masalimuot at magulo
ang sitwasyon, doon tayo sa positibong solusyon, hindi puro paninisi at kung ano anong panghuhusga at negatibong komento.
KAYA PUEDE BAGA, TIGILAN NA NATIN, ETO KILALA NINYO AKO,
DI AKO NAGTATAGO SA AKUNG ANO ANONG ALYAS, SABIHIN NINYO KUNG MALI AKO SA POSTING KONG ITO.
SALAMAT SA LAHAT NG NAGMAMALASAKIT SA KASONG ITO SA POSITIBONG PARAAN
KA TONY DALAGAN O TONENOK, TONYO, BATANG LAYAS NG PLAZA ETC.
[/b]
< sang ayon po ako sa sanya hindi makakatulong ang paninisi ,tulungan natin sila ,ang ipagdasal din sila na malutas ang kasong ito..hindi lang para sa katarungan para din sa ating bayan.. Wink
Back to top
puro porma
Guest





PostPosted: Mon Jan 05, 2009 5:12 am    Post subject: at sinung pikon????? Reply with quote

paki check nyo nalang ung mga accomplishments na nakapost dito din sa trend nato, dahil sa di lang sa peace and order ang programa ng mga kasapi ng PACTAF, kaya i review mo ang accomplishments ng PACTAF sa taong 2007, and wag kang mag alala dadating na ang for 2008.

tama ka na meron pa ring mga kababayan na kesa manisi, mangutya at manlait sa mga kasapi ng PACTAF eh nagbibigay pa rin sila ng di matatawarang suporta at tiwala, kaya pinasasamalamatan namin sila ng tauspuso, pero ang realidad eh di nagiging sapat yun kaya sa kanya kanyang pa ring bulsa at pondo ng mga miyembro at bawat samahan ang aming ginagastos para makaraos ang isang gabing ronda at iba pang mga programa.

now ang punto ko laang ayy eto, bakit di kayo mag laan ng oras kahit na isang gabi lang para makita nyo at kung papaano sila kumikilos at ng makita nyo kung pumoporma nga lang ang aming tropa, at eto ang isang hint tungkol sa kasong to, meron na pong mga lead and kaakibat pa rin ang PACTAF sa operation ng pagusad ng kasong to, pero di pwedeng ilahad and detalye....for obvious reasons.....peace man.....!!!!
Back to top
fm
Guest





PostPosted: Mon Jan 05, 2009 6:13 am    Post subject: la sisi Reply with quote

wala namang sinisisi ah,binubulabog lang ang dapat mabulabog at ng
magising.hindi naman pwedeng mag ala juan tamad na maghintay ng
testigo na lumapit sa munisipyo,kumdi maghanap ng lead para kung maramdaman ng tetestigong may kakayanan ang pulisya eh di saka sya walang kabang lalantad.
peaceful new year po sa lahat!!!
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
Page 3 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group