PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Legacy of Teodoro "Dodo" Cajumbam Sr.
Goto page 1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Family Trees
View previous topic :: View next topic  
Author Message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Tue Nov 08, 2005 9:29 am    Post subject: Legacy of Teodoro "Dodo" Cajumbam Sr. Reply with quote

Note: Ang mga wordings sa ibaba nito ay halos original na mula sa Tala ni Amang Teodoro"Dodo" Cajumban Sr.. Ang taong nagsakripisyo para pakinabangan ng henerasyon natin ngayon. Due credit should be given to him. Medyo isinaayos ko lang para mas madaling maintidihan ni Joanna Ac-ac Camba-Colon ang kanyang pinagmulan . Sana makatulong. Thank you!

Ayon sa Order ng Audencia General ng panahon ng Kastila ay iniutos upang baguhin ang mga appliedo ng bawat familia sa sambayanan. Dahil dito ay ang appliedong San Pascual dito sa Paete ay binago at ginawang Ac-ac.

Ang familia ng mga Ac-ac ay tinurungko simula lamang sa manga magkakapatid na kinabibilangan ng dalawang Ac-ac na nagkakitan. At ito ang mga sumusunod:

“B” Ac-ac (San Pascual) Walang tala kung ano ang pangalan ng mag-asawa
Naguing Anak

I - Vicente Ac-ac - Nag Kapitan ng Paete 1873-1874
Naging asawa ng Martina Valdellon ngunit walang naguing anak
II - Juan Ac-ac - Nag Kapitan ng Paete 1869-1870
III – Evarista Ac-ac – naging unang asawa si Matias Africano, apat ang naguing anak
At ikalawang asawa si Vicente Dailo, dalawa ang naguing anak

________________________________________________________________________

II – Juan Ac-ac -Nag Kapitan ng Paete - naging unang asawa si Gabriela Adao
Naguing Anak

A - Atanacio Ac-ac, naguing asawa si Leoncia Valdellon ngunit walang naging anak.
B.- Luis Ac-ac, naguing asawa si Celestina Baes at walo ang naguing anak
K- Juan Ac-ac Jr, (Anton Mantica) apat ang naguing asawa at 11 ang naguing anak
D- Pablo Ac-ac, naguing asawa ng Jacoba Africano at dalawa ang naguing anak
E- Silvino Ac-ac (Benong Mantica)
G- Mauricia Ac-ac, naguing asawa ng Juan Baes at pito ang naguing anak

-naging asawang pangalawa ni Juan Ac-ac si Leoncia Accupanda at naguing anak nila si Nicasio Ac-ac pero namatay ito na bata pa..

________________________________________________________________________


II- E- Silvino Ac-ac (Benong Mantica)- naging unang asawa si Lucena Baisas na kapatid ng Francisco at anak ng Lorenzo Baisas at Juana Edlagan.
Naguing Anak

1.) Rogarciano Ac-ac, nag marino at nanilbihan sa Hukbong Dagat ng America na may 15 taon. Nagkasakit na nasa sa servicio, namatay at dito sa Paete nalibing.
2.) Primitivo Ac-ac (Tibo), nag marino din at nagsilvi sa Hukbong Dagat ng America, matapos sa servicio ay umempleyo sa Federal Gov’t. of America sa loob ng 12 taon. Omowi dito sa Paete at nag Alcalde 19__ - 19__
3.) Alejandro Ac-ac (Dandoy) namalague rin sa America ng may 11 taon. Nagtapos ng Journalism sa Temple University. Omowi dito sa Paete at naguing Capitan ng Hukbong Sandatahan ng Filipinas. Americana ang naguing asawa at may isang anak na babae (Lucena Mea Ac-ac)
Namatay si Alejandro Ac-ac sa kamay ng mga Hukbalahap ng panahon ng pananacop ng Hapon casama ang iba pang mga tanyag at pangunahin mamamayan dito sa Paete.
4.) Juanita Ac-ac (Nita), nagtapus ng pag nanurse at pagkatapusay pumasok sa pagmamadre.
5.) Eufronia Ac-ac (Poni), nagtapus din ng pag nanurse at nagkaasawa ng Americano. Dalawa ang naguing anak.
6.) Venecia Ac-ac (Vening), naguing asawa ni Claro Bagalzo isang Captain Philippine Constabulary. Lima ang naguing anak.
7.) Catalina Ac-ac (Ina) nagkasakit ng dalaguita pa at namatay.

Namatay si Lucena Baisas, unang asawa ni Silvino Ac-ac at siya ay nag asawang muli. Ang naguing asawang pangalawa ni Silvino Ac-ac ay si Juana Baldemor na anak ni Emeterio Baldemor at Conrada Dailo. Isa lang ang naguing anak nila, si Catalina Ac-ac.
________________________________________________________________________

II-E. 2.) Primitivo Ac-ac (Tibo), naguing Alkalde ng Paete. Napangasawa si Nene Baes na anak ng Juan Baes at Ana Africano.

Naguing Anak

a.) Evelyn Ac-ac
b.) Catharin Ac-ac
c.) Elizabeth Ac-ac

________________________________________________________________________

The End

Ofel Ac-ac, lumalabas sa talaan na pinsang ikalawa mo si Evelyn Ac-ac dahil ang Lolo mo na si Juan Ac-ac Jr. (Anton Mantica) ay nakatatandang kapatid ng Lolo niya (Evelyn) na si Silvino Ac-ac (Benong Mantica). Kung gusto nyo ng kumpletong lista ng angkan ng mga Ac-ac sa Paete, just let me know. Makakatulong ako.
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo


Last edited by mutuk on Thu Jan 04, 2007 9:11 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
fredmc



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 669
Location: Fred Cagayat

PostPosted: Tue Nov 08, 2005 12:04 pm    Post subject: Who is keeping his precious historical books? Reply with quote

Puede po bang malaman kung sino na ang "caretaker" ng mga aklat ni Amang Dodong Cajumban? Minsan ay nagpost sa mailing list yata o sa Usap Paete ang anak niyang si Teodoro Cajumban, Jr. at sinulatan ko agad dahil nais kong maglagay ng kunting acknowledgment sa Memorabilia tungkol sa kanyang mga ginawa para sa Paete, subalit wala akong natanggap na sagot.

Ang sabi sa akin ni Kang Letty Agbay-Sison na noong nasa College pa siya, nag-research raw siya tungkol sa family history at nakita niya yong libro. Subalit yong libro ay mahigpit na nakatago sa isang kuwarto at bawal ilabas. Alam nating napakahalaga ng mga nakatala sa aklat niya kaya iniingatang mabuti ng Pamilya.

Ang alam ko pa na mahilig magtala ng mga family trees sa Paete ay si Kang Sancho Madridejos. Si Nel Africano naman ay unofficial chronicler sa mga nangyayari sa ating Bayan. Ang isa pang alam kong may project ng Genealogy sa Paete ay si Venn Bagalso. Tinawagan niya ako minsan para sa kanyang research. Kailangan natin ang mga dedicated historians na katulad nila para maingatan ang maraming bagay tungkol sa Paete.

FredMC
Back to top
View user's profile Send private message
fredmc



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 669
Location: Fred Cagayat

PostPosted: Tue Nov 08, 2005 12:05 pm    Post subject: Who is keeping his precious historical books? Reply with quote

Puede po bang malaman kung sino na ang "caretaker" ng mga aklat ni Amang Dodong Cajumban? Minsan ay nagpost sa mailing list yata o sa Usap Paete ang anak niyang si Teodoro Cajumban, Jr. at sinulatan ko agad dahil nais kong maglagay ng kunting acknowledgment sa Memorabilia tungkol sa kanyang mga ginawa para sa Paete, subalit wala akong natanggap na sagot.

Ang sabi sa akin ni Kang Letty Agbay-Sison na noong nasa College pa siya, nag-research raw siya tungkol sa family history at nakita niya yong libro. Subalit yong libro ay mahigpit na nakatago sa isang kuwarto at bawal ilabas. Alam nating napakahalaga ng mga nakatala sa aklat niya kaya iniingatang mabuti ng Pamilya.

Ang alam ko pa na mahilig magtala ng mga family trees sa Paete ay si Kang Sancho Madridejos. Si Nel Africano naman ay unofficial chronicler sa mga nangyayari sa ating Bayan. Ang isa pang alam kong may project ng Genealogy sa Paete ay si Venn Bagalso. Tinawagan niya ako minsan para sa kanyang research. Kailangan natin ang mga dedicated historians na katulad nila para maingatan ang maraming bagay tungkol sa Paete.

FredMC
Back to top
View user's profile Send private message
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Tue Nov 08, 2005 1:52 pm    Post subject: Samakatuwid... Reply with quote

..ay pamangkin kita Joanna sa pinsang makalawa (niece from a second cousin.) Iba talaga ang lukso ng dugo ano?, feeling close na ako sa yo kahit dito lang sa Usap tayo nagtagpo.

Bise,
Maraming salamat sa pag po post ninyo nitong Pamilya Ac-ac mula sa
talaan ni Amang Momoy., isang beses din (Kang Fred) ay pumunta ako sa bahay nila sa may Ermita para magtanong at natatandaan ko yong isang 'mahiwagang' silid sa bahay nila ,parang library

Syempre interesado po ako sa lahat ng nakatala sa pamilya namin pero hindi kaya nakakaabala sa inyo kung humingi ako ng tulong. Meron na akong mga nakatala sa karugtong na henerasyon.

Yon pong 11 naging anak ni Juan Jr., 3 lamang ang kilala ko gawa nang ang ama ko po ay anak sa pang apat na asawa at maliit pang bata nang maulila sa ama.

Kung may nakatala tungkol sa iba pang naging anak ni dada Aton (Juan jr) ay malaking tulong po iyon para mahanap ko ang iba pang mga pinsang buo.

Maraming Salamat muli at May paggalang na Nangungumusta,
Opel Ac-ac
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
joannac



Joined: 07 Oct 2005
Posts: 28
Location: Joanna Ac-ac Camba-Colon

PostPosted: Tue Nov 08, 2005 2:06 pm    Post subject: maraming salamat po Mr (?) Mutuk Reply with quote

Maraming salamat po sa inyong "posting". Para akong manok na walang ulo na takbo ng takbo at hindi alam kung saan pupunta. This has the most details about the Ac-ac family that I have seen. Nagsimula po ang aking pag-tanong nuong yumao ang aking ina (Evelyn Ac-ac) nuong August. I felt a big hole....Dahil ho dito ay nakilala ko si Tita Opel at si Joey Ac-ac. Mayroon akong mga pinsan dito sa California at close ako sa aking Tita Bess (Elizabeth Ac-ac) na isa ring nurse at inalagaang mabuti ang kanyang Ate Evelyn hanggang sa huli. Dahil sa aking pagtatanong ay napag-uusapan ding muli ang history ng mga Ac-ac at nakatagpo pa ng mga kamag-anak. Nais ko pong i-compile ang mga ito para maikuwento ko sa aking mga anak at asawa, at mga kapatid din.

Taus puso pong pasasalamat sa inyo. Maraming maraming salamat din sa inyo, Tita Opel, dahil napakasupportive ninyo sa akin.

Joanna
_________________
Joanna Ac-ac Camba-Colon
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Nov 09, 2005 8:08 am    Post subject: Reply with quote

Ang boong apat na familia ng Juan Adao Ac-ac ( Ikatlong anak ng
Capitan Juan Ac-ac)

Juan A. Ac-ac (Aton Mantica)

I - Unang naguing asawa si Ana Edlagan
Naguing mga anak

1,) Juan Ac-ac - namatay na bata pa
2,) Daniel Ac-ac - namatay na bata pa
3.) Catalina Ac-ac - naguing unang asawa ni Pedro Cadayona
Naguing anak sina
a.) Pastor Cadayona – Paring Romano
b.) Luisa Cadayona
- naguing ikalawang asawa si Domingo Acu
Naguing anak
c.) Maria Elisa Acu - namatay na bata pa
d.) Abraham Acu - kambal ni Rosita pero namatay
e.) Rosita Acu - kambal ni Abraham pero nabuhay
f.) Juan Acu
g.) Ana Acu
4.) Felisa Ac-ac - namatay na bata pa
5.) Damiana Ac-ac (Ami) – naguing asawa ni Juan Macawili na taga Longos
Kalayaan
Naguing anak
a.) Purificasion Macawili
b.) Nestor Macawili
c.) Tomas Macawili
d.) Eleodoro Macawili
e.) Floro Macawili
f.) Casiano Macawili
g.) Vicente Macawili


II -. Ikalawang naguing asawa si Juliana Cahatol, anak ni Catalina
Bagonggahasa sa una niyang asawa na si Tacu Cahatol


- isa lang ang naguing anak, ito ay si Juliana Ac-ac (Juling) na napangasawa
- naman ni Juan Reyes na isang Destista na taga Batangas na dito na sa Paete nanirahan at nagkaroon din ng isang anak , ito ay si Jose Reyes

III - Ikatlong naguing asawa ay si Vicenta Navarro na capatid nina Luis at
Melecia Navarro.

Naguing mga anak

1.) Juan Ac-ac (Nitong Colot ang buhok) naguing asawa si Julita Baisas na anak nina Isaac Baisas at Felisa Mesoza.
Naguing Anak
a.) Teodora Ac-ac (Doray)
b.) Juan Ac-ac Jr.
- namatay sa tuyo
c.) Feliciana Ac-ac (Felicing)
2,) Ana Ac-ac - naguing ikatlong asawa ni Teofilo Adao
Naguing Anak
a.) Virgenia Adao
b.) Aurea Adao
c.) Patricio Adao

d.) Juan Adao

IV - Ikaapat na naguing asawa si Basilia Cadapan na anak nina Nazario
Cadapan at Juana Cadaves

Naguing mga anak

1.) Mercedes Ac-ac (Ceding ) - naguing asawa ni Daniel Jemena na anak nina
Sabino Jemena at Lorenza San Rafael.
Naguing Anak
a.) Juanito Jemena - namatay na bata pa
b.) Rufino Jemena - namatay na bata pa
c.) Bernaldo Jemena
d.) Elva Jemena
e.) Teodoro Jemena - namatay na bata pa
f.) Guillermo Jemena – namatay na bata pa
g.) Juanita Jemena
h.) Jose Jemena
i.) Manuel Jemena
j.) Milagros Jemena
k.) Lucena Jemena

2.) Benigno Ac-ac (Bining)
– naguing asawa si Maria Madrigal na anak nina
Sofia Dalay at Pedro Madrigal.
Naguing Anak
a.) Juanito Ac-ac
b.) Pedro Ac-ac -
namatay na bata pa
c.) Josefina Ac-ac
d.) Pedro Ac-ac
e.) Thelma Ac-ac
f.) Edna Ac-ac
g.) Ofelia Ac-ac

h.)Virgenia Ac-ac
- namatay na bata pa...este buhay pa daw po pala. Sorry po! Ayy! at namatay uli . . . heheheh
i.) Vegie Ac-ac
j.) andy Ac-ac

k.) Benmar Ac-ac
3.) Maria Ac-ac (Meyang) - naguing asawa ni Fidel Bernades na taga Nueva
Ecija
Naguing Anak
a.) Ofelia Bernades
b.) Leopoldo Bernades
c.) Gloria Bernades
d.) Teodorico Bernades
e.) Eleonor bernades
f.) Fidel Bernades Jr.
g.) Evangeline Bernades
h.) Emmanuel Bernades.



** Lakas mo sa akin Ofel Laughing Laughing Laughing Laughing

Mang Fred Cagayat, ibulong ko na lang po sa e-mail ad nyo kung kanino ko nahiram. Mahigpit po ang pagkakatabi! Hindi lang makatanggi sa akin. Pwede pa rin po akong manghiram kung gusto ninyo.
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo


Last edited by mutuk on Wed Aug 06, 2008 3:39 am; edited 4 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
Glo



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 235
Location: Gloria Basa Caguin

PostPosted: Wed Nov 09, 2005 1:46 pm    Post subject: Please correct... Reply with quote

911 ...This is an EMERGENCY!

Dali!!!!...Thank you po Vice Mutuk, pakisabi ke "San Pedro"? Laughing
(yung pong may hawak ng libro, paki-correct naman lista... dun sa letter "h"...as in haka)...
Yes, Virginia.... si Ka Vigie Acac ni Klasmeyt Benmar is ALIVE & kicking!

Salamat po!
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Nov 10, 2005 3:07 am    Post subject: Reply with quote

Glo,

Maraming salamat! Buti na lang nandiyan ka, at kung wala ka baka nakapatay pa ako ng di ko alam Razz Razz Razz Yun po kasi ang nasa lista. . . . . at gusto pang lumusot hehehe

Salamat uli Glo, nakaalis na nga pala yung ambulansiya na tinawag mo. Laughing Laughing Laughing
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Thu Nov 10, 2005 5:42 am    Post subject: 911 Reply with quote

[quote="mutuk"][
Quote:
color=red]2.) Benigno Ac-ac (Bining)[/color] – naguing asawa si Maria Madrigal na anak nina
Sofia Dalay at Pedro Madrigal.
Naguing Anak
a.) Juanito Ac-ac
b.) Pedro Ac-ac -
namatay na bata pa
c.) Josefina Ac-ac
d.) Pedro Ac-ac
e.) Thelma Ac-ac
f.) Edna Ac-ac
g.) Ofelia Ac-ac

Quote:
h.)Virgenia Ac-ac - namatay na bata pa...este buhay pa daw po pala. Sorry po!
i.) Vegie Ac-ac
j.) andy Ac-ac

k.) Benmar Ac-ac


Santa Glow at Bise,
Salamat sa 911 at ambulance interventions, signs of care and alertness from you kababayans..

Tama po ang pagkopya ninyo Bise sa listahan Rolling Eyes (ako'y napapa hagikgik dito mag-isa Exclamation )

Talaga pong may namatay kaming kapatid na Virginia nang siya bata pa. Uso yata noon na pag may sumunod na anak ay ibinabalik ang pangalan, kaya:.. nabuhay nga Exclamation si Vigie Laughing (paging..Yuba St sa Richmond Ca, aba hahaba yata ang buhay mo kapatid.)

Quote:
** Lakas mo sa akin Ofel Laughing Laughing Laughing

Tenk yu tenk yu dear Bise at malakas din sa inyo ang isang nasa kabilang ibayo ng mundu pero may ugat Payti. Ang ganda pati ng lay out at color highlights ninyo.

Opel Ac-ac
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
Alicia Afunggol Bagalso
Guest





PostPosted: Thu Nov 10, 2005 9:17 am    Post subject: Re: 911 Reply with quote

[quote="ofeliad"]
mutuk wrote:
[
Quote:
color=red]2.) Benigno Ac-ac (Bining)[/color] – naguing asawa si Maria Madrigal na anak nina
Sofia Dalay at Pedro Madrigal.
Naguing Anak
a.) Juanito Ac-ac
b.) Pedro Ac-ac -
namatay na bata pa
c.) Josefina Ac-ac
d.) Pedro Ac-ac
e.) Thelma Ac-ac
f.) Edna Ac-ac
g.) Ofelia Ac-ac

Quote:
h.)Virgenia Ac-ac - namatay na bata pa...este buhay pa daw po pala. Sorry po!
i.) Vegie Ac-ac
j.) andy Ac-ac

k.) Benmar Ac-ac


Santa Glow at Bise,
Salamat sa 911 at ambulance interventions, signs of care and alertness from you kababayans..

Tama po ang pagkopya ninyo Bise sa listahan Rolling Eyes (ako'y napapa hagikgik dito mag-isa Exclamation )

Talaga pong may namatay kaming kapatid na Virginia nang siya bata pa. Uso yata noon na pag may sumunod na anak ay ibinabalik ang pangalan, kaya:.. nabuhay nga Exclamation si Vigie Laughing (paging..Yuba St sa Richmond Ca, aba hahaba yata ang buhay mo kapatid.)

Quote:
** Lakas mo sa akin Ofel Laughing Laughing Laughing

Tenk yu tenk yu dear Bise at malakas din sa inyo ang isang nasa kabilang ibayo ng mundu pero may ugat Payti. Ang ganda pati ng lay out at color highlights ninyo.

Opel Ac-ac
Hi,Opel, Kumusta na .I'm sure Vigie will have long life.Paki sabi mo na Reunion namin ng PES Class 1966, sa HOly Week.Maraming uuwi.Regards din kay Inang Maring....Alicia Of San Diego
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Jan 03, 2007 2:12 am    Post subject: Re: The Legacy of Tandang Dodong Mamoy Cajumban Reply with quote

mutuk wrote:
Note: Ang mga wordings sa ibaba nito ay halos original na mula sa Tala ni Amang Teodoro "Dodo" Cajumban Sr. Ang taong nagsakripisyo para pakinabangan ng henerasyon natin ngayon. Due credit should be given to him. Medyo isinaayos ko lang para mas madaling maintidihan ni Joanna Ac-ac Camba-Colon ang kanyang pinagmulan . Sana makatulong. Thank you!

Ayon sa Order ng Audencia General ng panahon ng Kastila ay iniutos upang baguhin ang mga appliedo ng bawat familia sa sambayanan. Dahil dito ay ang appliedong San Pascual dito sa Paete ay binago at ginawang Ac-ac.

Ang familia ng mga Ac-ac ay tinurungko simula lamang sa manga magkakapatid na kinabibilangan ng dalawang Ac-ac na nagkakitan. At ito ang mga sumusunod:

“B” Ac-ac (San Pascual) Walang tala kung ano ang pangalan ng mag-asawa
Naguing Anak

I - Vicente Ac-ac - Nag Kapitan ng Paete 1873-1874
Naging asawa ng Martina Valdellon ngunit walang naguing anak
II - Juan Ac-ac - Nag Kapitan ng Paete 1869-1870
III – Evarista Ac-ac – naging unang asawa si Matias Africano, apat ang naguing anak
At ikalawang asawa si Vicente Dailo, dalawa ang naguing anak

________________________________________________________________________



Look what I have just found!!!

Another record of the late Amang Dodo Cajumban Sr..

Ayon sa pagsasaliksik na isinagawa nina Basilio Navarro at Rufino
Madrinan ay ang apelyidong San Pascual ay apelyido ng isang malaking
angkan sa Morong Rizal sa katauhan ng Pedro San Pascual na may anak
na dalawang lalaque na ang pangalan ay Mariano San PAscual at Juan
San Pascual.


Ang boong familia nang Pedro San Pascual (Ama) naguing asawa naman
nito si _____________ (Ina) wala nang nakatatanda sa ngalan at
apelyido ng Ina.

Ang mga naguing anak

I - Mariano San Pascual
* II- Juan San Pascual


I - Mariano San Pascual (Ama) naguing asawa nito si _______ taga
Morong ,Rizal.

Ang naguing anak

1. Julio San Pascual w/c became Julio Saldevar
II - Juan San Pascual, naguing asawa nito si si______ taga Morong,
Rizal.

Mga naguing anak

1. Vicente San Pascual w/c became Vicente Ac-ac
2. Juan San Pascual w/c became Juan Ac-ac
3. Evaresta San Pascual w/c became Evaresta Ac-ac



Nang 1850 ay nagkaroon ng Order na magpalit ang mga anakan o familia
ng appeliedo, cayat ang


I- 1. Julio San Pascual ay pinili niyang appeliedo ay Saldevar at
ito ang pinagbuhatan ng familia nito dito sa Paete, Laguna bilang
Julio Saldevar na naging asawa si Apolinaria Caancan

Ang naguing anak
A. Manuela Saldevar
B. Catalina Saldevar
C. Bernardino Saldevar
D. Marcela Saldevar.


A. Manuela Saldevar - kilala sa ngalan ng Tandang Isa, maliit na
babae, maputi ang buhok at siya ang may ari ng Poong Maria Salome na
pang Semana Santa ay naguimng asawa ito ni Francisco ______, kung
tawagin ay Iscong Tungao. Walang naguing anak ang mag asawa.

B. Catalina Saldevar , hindi nag asawa. Pumasok sa pag mamadre at
wala ng napag alaman sa naguing buhay niya.

C. Bernardino Saldevar - walang tala sa naging familia.

D. Marcela Saldevar- kilala sa ngalang Celang Tinapay, naguing asawa
ito ni Teodoro Afungol.

Naguing mga anak
a. Pedro Afungol - namatay nung binata pa.

b. Maxima Afungol - naguing asawa ni Santiago Dalay ( kilala sa ngalan na Tiagong Kalaw)
Mga naguing anak
i. Ambrocio Dalay - walang naguing familia, binatilyo na ng mamatay
ii. Maria Corazon Dalay - naguing asawa ng Claro Pacalda
iii. Simeon Dalay - naguing asawa si Andrea Acu
Naguing anak
(I) Fabiana Dalay
(II) Imelda Dalay - Nanay ni Ate Glow Dalay Basa Caguin Wink Wink
(III) Atanacio Dalay

iv. Angel Dalay - walang naguing familia binatilyo ng mamatay
v. Sixta Dalay - naguing asawa ni Hegino Adao (anak nina Antonino Adao at Maxima Caidic)

c. Gavino Afungol, naguing asawa si Juliana Almario
Mga naguing anak
i. Victor Afunggol - Tatay ni Marivic Afunggol Abrian
ii. Felimon Afunggol
- walang naguing familia
iii. Cristina Afunggol- walang naguing familia



* II - Juan San Pascual ay ipinalit niyang appeliedo ay Ac-ac cayat
ang kanyang mga anak ay naguing

1. Vicente Ac-ac
2. Juan Ac-ac
3. Evaresta Ac-ac

That's all for now.

Wish you all the best for this year 2007!!!

Mutuk



Opel,

Matandang dugo ka pala dahil Lola ka pa pala ni Ate Glow Dalay Basa Caguin Laughing Laughing Laughing

Hello Ate Glo!!! Glad your OK na!!! Auntie mo pala yung bestfriend and former classmate mo na si Marivic Afunggol. Wink Wink Wink

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo


Last edited by mutuk on Thu Jan 04, 2007 9:14 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
Ming Baldemor
Guest





PostPosted: Wed Jan 03, 2007 8:02 am    Post subject: Paete Records Preserved Reply with quote

Sa aking mga Kababayan,

Hindi ko po alam kung kanino ko na nasabi ito: Na ang mga genealogy records ni Amang Dodong Cajumban, mga records ng Roman Catholic Church at Aglipayan Church sa atin, pati na rin ang municipal records ay na-microfilm na ng Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints during the late 70's or early 80's. Florofoto po ang na-hire to do this for our church.
In fact almost all Parish churches in the whole Philippines were microfilmed by the church.

Some of the Cajumban siblings knew about this and gave their permission to preserve these important genealogical data. I visited them before it was undertaken, before I requested our church to include these in their microfilming activities there.

Kaya yun pong mga tala na iyan ay preserved na kahit anong mangyaring wear and tear or loss na huwag sanang mangyari.

What this means:

Hindi mo kailangang umuwi ng Paete just to research your family tree or make a personal research on these records. All you have to do is access any Family History Center of The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints in most of our chapels worldwide. Right now, a roll of film to rent for month or so is $5.00 (USA). If you have rented this particular film three times, then it stays in the Family History Center and you can use it as long as you want. Get to your directories to find the nearest chapel of the church, call and inquire if they have Family History Library available and the time they are open.

A lot of non-members access these libraries. Don't be afraid that they will try to teach and convert you as latter-day saint. They are there to assist in the great work (genealogy) which we believe are spiritual activities.

There is no fee to use the FH centers. We have volunteer family historians who can assist you in your search. You can set appointment with them. They will teach and guide you how to search through the microfims using the equipment and technology available. You can find microfilm readers, printers, microfiche, etc. and of course the place is air conditioned and well maintained. There are reference book available there for those who would like to understand the Spanish words used in the Parish Churches' records.

I searched thru these centers. The original copies of these microfims are kept in a granite mountain in Utah, said to be able to withstand even a nuclear war.

Your search for your ancestors and adding to what you found is a great labor of love. As you find links to your near and distant past, your progenitor, you feel something good inside, you feel their presence in some instances, you appreciate your heritage. It will be worthwhile to start a scrapbook to collect photos, letters, items that connect to your parents, grandparents, great grandparents and so forth. You can almost identify what kind of life they lived, their favorite color, perfume, dress, music and a lot more and then you feel a bonding with them in a way. This could even be a family activity together.

I appreciate all that you do for our town and people.


Ming
Back to top
maglalayag



Joined: 21 Jul 2006
Posts: 38

PostPosted: Wed Jan 03, 2007 10:04 am    Post subject: Re: The Legacy of Tandang Dodong Mamoy Cajumban Reply with quote

[/quote]

Look what I have just found!!!

Another record of the late Tandang Dodo Mamoy.


Mutuk


[/quote]

Vice,

Meron bagang ACYATAN (or AQUIATAN) entry sa libro ni Tandang Dodo Mamoy?
_________________
Cesar
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Jan 04, 2007 6:03 am    Post subject: Re: The Legacy of Tandang Dodong Mamoy Cajumban Reply with quote

Kang Ming,

Salamat sa info. Pero, Ok lang naman dahil nandito na sa SB yung photocopies nung records. Yung merong pagkakataon na makapunta or to access any Family History Center of The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints in most of their chapels worldwide ay magaling. Ang maganda lang kasi dito sa forum ay on line at halos di alam kung panong naging magkamag anak ang bawat isa. Dahil dito ay nalalaman agad ng mas marami bukod pa sa dagdag na pampasigla dito sa forum.

Meron din akong inaalam o nireresearch kaya't pag meron akong nakita na worth naman na i-post dito ay ginagawa ko na.

Regards sa inyo diyan,
Mutuk



maglalayag wrote:


Vice,

Meron bagang ACYATAN (or AQUIATAN) entry sa libro ni Amang Dodo Cajumban Sr.?




Maglalayag,

Meron lists dito ng mga Acyatan.

Your Great Great Grandfather, a certain Fedelis Acyatan married to a certain Simona.
Children
1. Sebastian Acyatan
2. Venancia Acyatan, married to Antonio Gajo

Your Great Granfather, Sebastian Acyatan
married to Victoriana Dagawin.
Children
1. Miguela Acyatan, married to Pedro Valdellon
2. Bernabe Acyatan
3. Mamerta Acyatan, married to a certain Pedro of San Juan, Kalayaan , Laguna ( no other info)

Your Grandfather, Bernabe Acyatan (Dave)
- married first to Maria Bagalso.
Children
1. Benita Acyatan, married to Pedro Afunggol
2. Felino Acyatan, married to Leonila Pagalanan


Children
a. Nora Acyatan
b. Cesar Acyatan
c. Luis Acyatan
d. Edna Acyatan
e. Liling Acyatan
f. Mario Acyatan
g. Lamberto Acyatan
h. Virginia Acyatan
i. Jimmy Acyatan

2nd marriage was with Crisanta Pacalda

3. Marcelino Acyatan, married to Josefa Navarro
4. Venerando Acyatan (+)
5. Luisito Acyatan (+)
6. Narciso Acyatan (+)
7. Piedra Acyatan, married to Alejandro Rancap
8. Nestor Acyatan (+)
9. Nelley Acyatan (+)
10. Antonio Acyatan, CPA, Lawyer, married to Lilia Tena
11. Erlinda Acyatan, married to Rogelio Gallarte
12. Eugenio Acyatan
13. Miguel Acyatan






Yan lang muna, unless meron ka pang gustong malaman.

Regards,

Mutuk

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo


Last edited by mutuk on Fri Jan 05, 2007 9:59 am; edited 2 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Thu Jan 04, 2007 8:05 am    Post subject: Magkakamag-anak! Reply with quote

Vice Mutuk,

Bihira lang ako ngayon mag-basa ng Usap, pero nasusundan
ko ang posting mo about this thread...Thanks for posting this!

Meron akong gustong ishare that I found in your topic..bale
na nga lang kalalim aba!

Nabanggit mo yun Caancan dahil ang kanunu-nunuan namin
kay ama, Rosendo Madrigal Dalagan ( the brother of Atty.
Eusebio Madrigal Dalagan), was Jose Caancan, who was the father
of my grandmother, Gregoria Caancan Madrigal ( maiden name )
Jose Caancan was a student of Rizal in Calamba and was
a very good woodcarver at that time.
Then about Dagawin, the great grand parent of my mother
Ma.Salome Navarro Fabriga ( maiden) came from Dagawin, kaya
pala sabi nina ama at ina noon ay kamag-anak pa namin paka-itlo
sina Maglalayag-Cesar Acyatan sa mother side nila.
What I'm trying to discover is, there are so many Dalagans
in Bohol, Surigao and Bukidnon. Biro nila ay meron daw ilan sa
mga great grand fathers namin ang naglayas sa Visaya noong araw
at doon namayagpag ng pag-aasawa... Laughing ( pero di kaming lahing
Bisaya...sila ang nalahian namin.... Laughing ) Actually, my Sister Fe,
na Misyonaryang Madre ay nasa Bukidnon at kasama ay mga
Dalagans...nalilibang siya at natutuwa dahil doon halos turing sa
kanya ay talagang kamag-anak.

Bai, no wonder na talagang halos lahat ng taga-paete ay
magkakamag-anak since the founding of Paete in 15th century. Smile

Baka kamukat-mukat ko pa nito ay kamag-anak ko pa
si Beny Dans..... Laughing muahhhhh! joke lang po!

Thanks ulit and I appreciate your posting..beside being
Paparazzi ng Paete.... Smile

HAPPY NEW YEAR TO ALL PAETENIANS ALL OVER THE
WORLD! GOD BLESS THE PAETENIANS!

tony dalagan
fairfax, VA
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Jan 04, 2007 10:13 am    Post subject: Reply with quote

Hello Eboytons,

Base sa tala ay sa Caancan kayo magkamag anak ni Maglalayag (pinsang ikatlo kayo)

Ang Nanay ni Maglalayag , ang Tatay mo at Nanay mo ay magpipinsang ikalawa sa Caancan.

Wala akong makitang koneksiyon mo sa Dagawin.


Yung sinasabi mo na pinakanuno mo na Jose Caancan ( kasabihan na magaling na Platero at siyang gumawa nang mga gamit na pilak ng simbahan sa Pakil, Laguna) na napangasawa ng isang Anastacia ay nagkaroon ng apat na anak sina:

I. Teodorico Caancan (Ikong)
II. Mauricia Caancan (Oring)
III. Isabel Caancan (Sabel)
IV. Josefa Caancan (Cefang)


I. Teodorico Caancan (Ikong) naging asawa si Francisca Arguedes na anak nina Melitona Cajugao at Esteban Arguedes.
Naging mga anak (4)
1. Severa Caancan, naging asawa ng Pedro Villarin na panganay na anak ng Maria Adao at Esteban Villarin.
Mga naging anak (9)
a. Honorata Villarin
b. Juanita Villarin
c. Cayetano Villarin
d. Aurelia Villarin
e. Dominador Villarin
f. Ireneo Villarin
g. Alejandro Villarin
h. Ramon Villarin (+)
i. David Villarin


2. Felisa Caancan, naging asawa ni Gabriel Pagalanan na anak nina Andrea Cajumban at Mamerto Pagalanan.
Mga naging anak (9)
a. Rosita Pagalanan
b. Artemio Pagalanan
c. Fidel Pagalanan
d. Leonila Pagalanan
e. Albino Pagalanan (+)
f. Rufino Pagalanan (+)
g. Nemesio Pagalanan
h. Ernesto Pagalanan
i. Manuel Pagalanan

3. Juan Caancan, namatay nung binata pa.
4. Candida Caancan, namatay nung bata pa.

II. Mauricia Caancan (Oring) naging asawa ni Francisco Madrigal. Isa sa kanilang mga anak ay si Gregoria Madrigal na napangasawa ni Higino Dalagan na siya namang mga magulang ng Rosendo Dalagan na Tatay mo.

III. Isabel Caancan (Sabel) married to Rufino Navarro. Isa sa kanilang mga naging anak ay si Jacinta Navarro na napangasawa naman ni Roman Fabriga na siya namang mga magulang ng Salome Navarro Fabriga na Nanay mo.

IV. Josefa Caancan (Cefang) married to Francisco Bagu


Ito yung sinasabi kong pinag aaralan ko kung paanong ang mga taga Paete ay halos mag kakamag anak kaya't wala akong makitang dahilan para hindi magkasundo sundo. Kailangan lang ay mailahad ng malinaw ang koneksiyon at malamang madali ng pag usapan ang mga sigalot na tingin ko ay wala namang kabagay bagay hindi lang nagkakaintindihang mabuti.

Kung di kayang magmahalan ay mag unawaan na lang siguro!!!

Sabi nga ng mga taga Batangas . . . . Ala eh . . . magkakamag anak naman pala tayo eh . . . kita'y magpatawaran na at nakakahiya sa ating mga ninuno eh!!! Sige ka, at baka ikaw ay gulawatin nuong sila !!!

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo


Last edited by mutuk on Fri Jan 05, 2007 10:40 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
maglalayag



Joined: 21 Jul 2006
Posts: 38

PostPosted: Thu Jan 04, 2007 1:31 pm    Post subject: Re: The Legacy of Tandang Dodong Mamoy Cajumban Reply with quote

mutuk wrote:

Mutuk

..........

Yan lang muna, unless meron ka pang gustong malaman.

Regards,

Mutuk[/b]


Wow, ang bilis ah. Sige hihirit pa ako - paki-silip naman ang entries ng Gabriel Pagalanan.

Salamat
_________________
Cesar
Back to top
View user's profile Send private message
maglalayag



Joined: 21 Jul 2006
Posts: 38

PostPosted: Thu Jan 04, 2007 1:49 pm    Post subject: Re: The Legacy of Tandang Dodong Mamoy Cajumban Reply with quote

[quote="maglalayag"]
mutuk wrote:

Mutuk

..........

Yan lang muna, unless meron ka pang gustong malaman.

Regards,

Mutuk[/b]


Sana mas comprehensive (ilang magkakapatid and Dave Acyatan at mga anak nila kung meron, pati na rin sa Maria Bagalso, Felisa Caancan, at Gabriel Pagalanan) kagaya ng kay Ofel. Kung 'di naman makakaabala.

Thanking you in advance.
_________________
Cesar
Back to top
View user's profile Send private message
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Thu Jan 04, 2007 2:32 pm    Post subject: Vice, pahirit rin Reply with quote

Vice,

Matindi itong sinimulan mo, napaka-interesting. Pero meron akong ihihirit na tanong na gusto ko sanang bigyan mo ng linaw tungkol din sa Jose Caancan.

Dahil ito sa meron akong nakilalang tinatawag kong Dada Ilang na bunsong kapatid ng Dada Aton (Juan Sanchez) ko na dating nanghihilot sa Quinale. Sa pagkaalam ko ay nabiyuda ito sa Afuang at ng mag-asawang muli ay sa biyudo na yatang Jose Caancan. Ang alam kong bahay nila ay sa may likod ng bahay ng Rufing Bagabaldo sa Bangkusay. Anak nila si Amang Oyong (Gregorio Caancan) na dating cantor sa simbahang Romano. Naaaya kasi akong matulog doon ng pinsan kong si Kang Saida na anak ng Pabling Afuang, anak sa una ni Dada Ilang.

Tanda ko na ang kwento sa akin noon ay naging estudyante nga raw si Tandang Jose ni Jose Rizal kaya alam kong parehong Jose Caancan ang pinaguusapan natin. Pakilinaw nga dahil lagi kaming nagtatalo nitong partner ko tungkol sa alam ko versus yung iba namang alam niya. Rolling Eyes
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Lourdes Cajumban-Beguico
Guest





PostPosted: Thu Jan 04, 2007 5:42 pm    Post subject: Reply with quote

With due respect kindly addressed my dad as Teodoro "Dodo" Cajumban Sr., or Amang Dodo Cajumban, we, the children were offended the way you addressed my dad, Please give him the respect that is due to him. Thank you.
Back to top
vennb
Forum Moderator


Joined: 10 Jul 2005
Posts: 189
Location: Venn Bagalso

PostPosted: Thu Jan 04, 2007 8:30 pm    Post subject: Re: Who is keeping his precious historical books? Reply with quote

Ang isa pang alam kong may project ng Genealogy sa Paete ay si Venn Bagalso. Tinawagan niya ako minsan para sa kanyang research. Kailangan natin ang mga dedicated historians na katulad nila para maingatan ang maraming bagay tungkol sa Paete.

Fred,
Ang alam kong caretaker ng libro ay si Amang Melecio Balquiedra, nakatira sa Ilaya.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Thu Jan 04, 2007 9:34 pm    Post subject: Respect, please! Reply with quote

The topic of "pamagat" appeared in the Usap-Paete some time ago. True, some of those “pamagat” are complimentary while others are neutral. Unfortunately, the rest are not flattering, so that the children and grandchildren of those who were labeled with them first find them both offensive and insulting.

I think there is a need for some sensitivity in this regard towards the feelings of those who don’t want to be addressed in a certain way, and this sensitivity should start from those who should know better. Some “pamagat” are not only not funny, they hurt.

I believe we can stop it. It costs us nothing to do so!

_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Jan 04, 2007 9:38 pm    Post subject: Reply with quote

Lourdes Cajumban-Beguico wrote:
With due respect kindly addressed my dad as Teodoro "Dodo" Cajumban Sr., or Amang Dodo Cajumban, we, the children were offended the way you addressed my dad, Please give him the respect that is due to him. Thank you.




Bagama't wala po akong masamang intensyon, humihingi po ako ng despensa. Kung mapapansin po ninyo ay edited na po yung mga portion na dapat baguhin doon sa aking mga postings. Nakalakihan ko lang po na Dada ang tawag sa mga kamag anakan na Lolo at Lola namin at Tanda naman sa mga hindi kamag anak na halos Lolo at Lola na namin bilang respeto sa edad. Amang naman po doon sa medyo me edad pa lang.


Nais ko na rin pong samantalahin ang pagkakataong ito na magpasalamat sa mga anak ni Amang Dodo Cajumban Sr. sa pagbibigay ng pahintulot na mabigyan ng kopya (photocopies) nung mga records. Ito po ay nasa aking pag iingat dito sa Sangguniang Bayan office at open po sa lahat ng me gustong mag research ng kanilang pinagmulan.

Muli po ang aking paghingi ng paumanhin!

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Jan 04, 2007 10:32 pm    Post subject: Reply with quote

Maglalayag at benyd,

Mamayang gabi ko gawin yung request ninyo, sa gabi ako nagbabad dito sa usap at pasilip silip lang sa araw. Tinakaw lang muna kita Cesar ,alam kong hihirit ka pa <lol> .

benyd, parang pareho kayong mali. Nasa office yung records (nandito ako ngayon sa Quinale Elem. School at kinausap si Mam Lily, sumilip lang ako sa usap forum sa kanilang computer lab.) Na research ko na yun noon pa nagdalawang isip lang akong i-correct si Tony kagabi, malilito talaga kayo dahil madaming Jose Caancan ang meron sa records. Magandang pag usapan ito dahil madaming naging asawa pero isa lang ang naging anak (lalaki) nung Jose Caancan na estudyante ni Gat Jose Rizal, kaso ay namatay nung binata sayang nga at nag-aral pa naman ng fine arts.

Para sigurado ay mamaya na lang at baka mamali pa ako ay nakakahiya.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri Jan 05, 2007 11:32 am    Post subject: Re: Vice, pahirit rin Reply with quote

benyd wrote:
Vice,

Matindi itong sinimulan mo, napaka-interesting. Pero meron akong ihihirit na tanong na gusto ko sanang bigyan mo ng linaw tungkol din sa Jose Caancan.

Dahil ito sa meron akong nakilalang tinatawag kong Dada Ilang na bunsong kapatid ng Dada Aton (Juan Sanchez) ko na dating nanghihilot sa Quinale. Sa pagkaalam ko ay nabiyuda ito sa Afuang at ng mag-asawang muli ay sa biyudo na yatang Jose Caancan. Ang alam kong bahay nila ay sa may likod ng bahay ng Rufing Bagabaldo sa Bangkusay. Anak nila si Amang Oyong (Gregorio Caancan) na dating cantor sa simbahang Romano. Naaaya kasi akong matulog doon ng pinsan kong si Kang Saida na anak ng Pabling Afuang, anak sa una ni Dada Ilang.

Tanda ko na ang kwento sa akin noon ay naging estudyante nga raw si Tandang Jose ni Jose Rizal kaya alam kong parehong Jose Caancan ang pinaguusapan natin. Pakilinaw nga dahil lagi kaming nagtatalo nitong partner ko tungkol sa alam ko versus yung iba namang alam niya. Rolling Eyes



Lahing pinagmulan ng Jose Dalhag Caancan na naging estudyante ni Gat Jose Rizal.


Siya ay nagmula sa apat na magkakapatid ngunit wala ng makapagsabi ng ngalan ng kanilang mga magulang.
I. Valeriano Caancan,
II. Remigio Caancan
III. Candido Caancan
IV. Joaquin Caancan


I. Valeriano Caancan, naging asawa si Ines Dalhag na kapatid nina Pedro, Parajedes, Maria at Isabel Dalhag.

Naging mga anak (7)
1. Leogarda Caancan, naging asawa ng Antonio Asido
Naging mga anak (2)
a. Evaresto Asido
b. Dorotea Asido


2. Maria Caancan, namatay na bata pa
3. Pedro Caancan, namatay na bata pa
4. Pedro Caancan, namatay din na bata pa
5. Ambrocio Caancan, namatay rin na bata pa
6. Francisco Caancan
, naging unang asawa si Catalina Valdellon ngunit walang naging anak. Naging ikalawang asawa si Juana Dailo kung saan siya nagkaroon ng isang anak
a. Gregorio Caancan - matagal na nanirahan sa U.S. , naging unang asawa ay isang Americana ngunit walang naging anak sa Americana umuwi sa Paete at nagkapamilya.- ito ang ama ni Amang George "Oyong" Caancan na nakatira sa V. Ac-ac St.

7. Jose Caancan, isang escultor at naging escuela ni Jose Rizal, naging unang asawa si Vicenta Salem na isang taga Pakil ngunit nabalo ng walang anak dito. Naging ikalawang asawa si Rafaela Sanchez (Elang) na balo ni Joaquin Afuang ngunit wala din naging anak dito si Jose Caancan.


II. Remigio Caancan, naging asawa ay Maria (no other info)
Naging mga anak (2)
1. Parajedes Caancan, naging asawa ng Domingo Baldemor
2. Angela Caancan, naging asawa ng Marciano Balandra na nagkapitan sa Paete nung panahon ng Kastila.


III. Candido Caancan, tumandang binata
IV. Joaquin Caancan binata na ng mamatay


Hayan benyd, ikaw pala ang tama Wink

Maglalayag, tungkol dun sa request mo. Pakisilip yung dating postings.
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Family Trees All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3  Next
Page 1 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group