PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Legacy of Teodoro "Dodo" Cajumbam Sr.
Goto page Previous  1, 2, 3
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Family Trees
View previous topic :: View next topic  
Author Message
emmac



Joined: 14 Sep 2005
Posts: 303
Location: Emma Balandra Caguin

PostPosted: Thu Jan 18, 2007 4:11 pm    Post subject: Reply with quote

Vice,
Meron ka bagang detalya ng mga anak nina Segunda Balandra at Engracio Navarro...kaya ko naitanong ay gawa ng natatandaan ko na si Dada Lope Navarro ay may kapatid na Paula Navarro, hindi ko alam kung siya ay buong kapatid o kapatid sa ama?
Maraming salamat uli sa mga abala!
Emma
_________________
"God's love speaks to me in the birds and streams, in my quiet and busy moments, in all things."
Emma Balandra Caguin
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Jan 18, 2007 11:33 pm    Post subject: Reply with quote

Sa Dalagan muna tayo.

Ang Partido o Pulangan ng mga Dalagan.

Ang pinakanuno ng mga Dalagan na naitala o nasusog ay kay Antonio Dalagan.



Antonio Dalagan, naging asawa si Maria Dalangin na kapatid nina Benita, Atanacia, Petra, Julian at Felipe Dalangin.

Naging mga anak (6)
I - Isidora Dalagan
II - Paulino Dalagan
III - Pedro dalagan
IV - Higino Dalagan
V - Pelagia Dalagan
VI - Sinforoso Dalagan


Naging mga pamilya

I - Isidora Dalagan (Cedo), naging asawa ni Mamerto Madreguerra
Isa ang naging anak
1. Manuel Madreguerra, naging ikalawang asawa ni Josefa Fadul
Naging mga anak (2)
A. Felix Madreguerra, naging asawa si Hilaria Tadena
B. Remedios Madreguerra, naging asawa ni Benito Bagamano na anak nina Maria Blanco at Juan Bagamano
Naging mga anak (2)
i. Marita Bagamano
ii. Josefina Bagamano

II - Paulino Dalagan, naging asawa si Macaria Baet (Ayang) na anak nina Jose Baet at Brigida Balandra
Naging mga anak (7)
1. Quirina (Quintina) Dalagan, naging asawa ni Dalmacio Umali
2. Sinforosa Dalagan (Osang),, naging asawa ni Hilario Navarro na anak nina Juana Acantilado at Simpleio Navarro.
3. Hermenegildo Dalagan, naging unang asawa si Norberta (Teofila) Alberto.
Ikalawang asawa si Marciana Rancap
4. Buenaventura Dalagan (Tura), naging asawa si Maria Afunggol na anak nina atalina Bague at Pablo Afunggol.
5. Amalia Dalagan, naging asawa ni Felix Rivera na anak nina Paula Cajumban at Alejandro Rivera.
6. Dominador Dalagan, naging asawa si Juanita Afurong na anak nina Enriqueta Balan at Valentin Afurong.
7. Basilio Dalagan (Celing), naging asawa si Maria Dumanas na taga Baguio.

III - Pedro dalagan, naging asawa si Benita Adefuin na kapatid nina Francisco, Catalino, Tomas at Maria Adefuin.
Naging mga anak (9)
1. Andrea Dalagan matandang dalaga
2. (Lalaki) Dalagan, namatay ng bata pa
3. (Babae) Dalagan, namatay ng bata pa
4. Juan Dalagan, naging asawa si Rosario Acala na anak nina Maria Adea at onrado Acala.
5. Lucia Dalagan, dalaga
6. Natividad Dalagan, naging asawa ni Restituto Cajumban na anak nina Esperanza Fadul at Gregorio Cajumban.
7. Inocenia Dalagan, naging ikalawang asawa ni Pedro Edlagan na anak nina Maria Africano at Isidro Edlagan
8. Eladia Dalagan, naging unang asawa ni Rafael Cadang. Walang naging anak.
9. Rosendo Dalagan, naging asawa si Felisa Braga na anak nina Adela Valdellon at Mateo Braga.

IV - Higino Dalagan, naging asawa si Gregoria Madrigal na kapatid ni Sabas Madrigal.
Naging mga anak (6)
1. Juliana Dalagan, naging unang asawa ni Aniceto Grajera na taga Angono Rizal. Walang naging anak.
2. Andrea Dalagan, naging asawa ni Tomas Dagawin isa ang naging anak - Dionesio Dagawin - ngunit namatay ng binatilyo pa.
3. Eusebio Dalagan, naging asawa si Feliidad Hernandez na taga Alaminos Laguna
4. Rosendo Dalagan, naging asawa si Salome Fabriga na anak nina Jainta Navarro at Ramon Fabriga.
5. Felipe Dalagan, naging asawa si Catalina Braga na anak nina Adela Valdellon at Mateo Braga.
6. Fermina Dalagan, naging asawa ni Francisco Navarro na anak nina Maria Madrinan at Juan Navarro(Matanda).

V - Pelagia Dalagan, naging ikalawang asawa ni Gabriel Afunggol na balo ni Isidora Edlagan
Isa ang naging anak
1. Bonifaio Afunggol,naging asawa si Sofia Afuang na anak nina Segunda Bagabaldo at Ignacio Afuang.
Naging mga anak (9)
A. Silvestre Afunggol
B. Bonifaio Afunggol Jr.
C. Anita Afunggol
D. Elvira Afunggol
E. Gonzalo Afunggol, namatay ng bata pa
F. Manuel Afunggol
G. Elino Afunggol
H. Magdalena Afunggol, namatay ng bata pa
I. Juana Afunggol, namatay ng bata pa

VI - Sinforoso Dalagan, naging asawa si Vienta Ac-ac. Walang naging anak ang mag asawa.
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo


Last edited by mutuk on Thu Jan 18, 2007 11:40 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Jan 18, 2007 11:36 pm    Post subject: Reply with quote

emmac wrote:
Vice,
Meron ka bagang detalya ng mga anak nina Segunda Balandra at Engracio Navarro...kaya ko naitanong ay gawa ng natatandaan ko na si Dada Lope Navarro ay may kapatid na Paula Navarro, hindi ko alam kung siya ay buong kapatid o kapatid sa ama?
Maraming salamat uli sa mga abala!
Emma


Emma,

Pakisilip uli yung previous posting ko para sa Segunda Balandra. Naidagdag ko na Smile


Alicia,

Kasunod na yung sa Afunggol mo, pls. click http://paete.org/forums/viewto.....7294#17294 Wink
Paki kumusta mo na lang ako kay Elino na kapatid mo at kay Simeon na rin pala <lol>

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo


Last edited by mutuk on Fri Jan 19, 2007 11:16 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
Alicia Afunggol Bagalso
Guest





PostPosted: Fri Jan 19, 2007 9:38 am    Post subject: Reply with quote

Vice Mutuk,
I will not miss this thread for anything else pag ako ay nagbabasa ng Usap Paete. This is one of my favorites. Nakagawa ka ng pag gising ng maaga at pag tulog ng late dito para lang magbasa(biro lang).
Ngayon ay lalo ng maliwanag ang pagkakamag anak namin lalong lalo na kina Maming Dalagan, Kang Ver Madrinian, sa mga Cainto at Salceda.Marami pa akong itatanong sa iyo , pasensiya na, hane! Aming mga magulang na sina Jose at Diding (Aseoche ) Afunggol ay hindi nagkulang na ipakilala ang mga kamag-anak namin lalo na noon maliliit pa kami,lagi kaming namamasko. Isa dito ay yong Dada Modesta Quesada sa ibaba na may ari ng Mahal na Birhen ay pinsan buo ni Dada Teyong Aseoche.Gusto ko malaman kung saan sanga ito nanggaling.Please paki trace naman......sa susunod.Pahinga ka naman ,this can wait.
Si Konsehala Lilia Agbada Monfero ay 2nd cousin ko sa Cainto ,sa Dada Luisa ko na asawa ni Dada Teyong Aseoche. Ang middle name ng Ama ko at Ina ko ay parehong Cainto. Bae na ,magkamag anak pa yata . Okay lang ,normal naman kaming mag kakapatid(LOL). Sina Mrs Bagcus at Ina nina Kang Peter Bagalso ay pinsan buo naman ni Ama sa Cainto . Ay naduduling na ako sa kaka trace,okay lang basta happy ako.

Regards sa lahat diyan lalo na kay Nelda.

Your are greatly appreciated sa pagtulong mo sa amin at sa bayan.

Makakarating kay kang Ely at kay Simeon ang iyong pangungumusta.

Alicia of SD
Back to top
emmac



Joined: 14 Sep 2005
Posts: 303
Location: Emma Balandra Caguin

PostPosted: Fri Jan 19, 2007 6:24 pm    Post subject: Reply with quote

Vice,
Salamat ng marami...tinawagan ko sina Ina at itinatanong ko ang pangalan ng Dada niya at mga ninuno ay hindi na raw matandaan kaya itong mga inulat mo ay nakatulong ng malaki.
Regards na lamang kina Nelda at pamilya mo.
Emma
_________________
"God's love speaks to me in the birds and streams, in my quiet and busy moments, in all things."
Emma Balandra Caguin
Back to top
View user's profile Send private message
Hermy P. Cagayat
Guest





PostPosted: Sat Jan 20, 2007 8:45 pm    Post subject: Biseng-Busy Reply with quote

Dahil sa alphabetical yata ang mga na-post na ugat o pinagmulan ng iba't-ibang angkan ay makiki-usap naman ako na sa letrang C ay paki-halungkatin mo Ginoong Bise-Alcalde ang puno't-dulo ng apelyidong Cagayat. Lahat-lahat na ang iyong isama. Ke lahing Biyuko, la Torre at iba pa. Maraming salamat. Marami-rami ding botante itong lahi namin. Baka isang baryo na sa kapal.
Back to top
alex.basa



Joined: 22 Mar 2006
Posts: 18
Location: Alexander Acuram Basa

PostPosted: Wed Jan 24, 2007 12:00 pm    Post subject: acuram at acyatin Reply with quote

baka po merong record dyan ang pamilya acuram at acyatin. ang acyatin yata eh ubos na samantalang ang acuram eh paubos pa lang.
_________________
Alexander A. Basa
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Wed Jan 24, 2007 4:36 pm    Post subject: okay ito ah Reply with quote

dear vice,

okay ito ah. hindi na magkakahalu-halo ang thread. ay siya total napakalaking tulong nito sa ating lahat, pakisilipin mo na nga ang family tree
ng cagahastian family baka tuloy makita natin kung sinu-sino ang gumamit ng kagahastian. sab i ni ina lahat daw ng cagahastian ay magkakamag-anak at napakalat lamang kung saan-saan.

oh salamat uli hane.

mam amor Laughing Laughing Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
nelia



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 62
Location: Nelia Bagongahasa Cruz Punzalan

PostPosted: Fri Jan 26, 2007 5:04 pm    Post subject: baka tama pa ang nanay ko Reply with quote

dahil nuong maliliit kami pag may tinananong kami sabi agad ng nanay ko ay mapipinsan pa namin 'yon kaya nga ang bukang bibig namin ay lahat ata ng taga-paete ay pinsan namin but the way it was looking parang ganon na nga ang nangyayari. di bah!
Back to top
View user's profile Send private message
Siete Nada
Guest





PostPosted: Sat Jan 27, 2007 4:23 am    Post subject: Kaya Pala Reply with quote

mutuk wrote:
Sa Dalagan muna tayo.

Ang Partido o Pulangan ng mga Dalagan..
2. Andrea Dalagan, naging asawa ni Tomas Dagawin isa ang naging anak - Dionesio Dagawin - ngunit namatay ng binatilyo pa.

4. Rosendo Dalagan, naging asawa si Salome Fabriga na anak nina Jainta Navarro at Ramon Fabriga.

V - Pelagia Dalagan, naging ikalawang asawa ni Gabriel Afunggol na balo ni Isidora Edlagan
Isa ang naging anak
1. Bonifaio Afunggol,naging asawa si Sofia Afuang na anak nina Segunda Bagabaldo at Ignacio Afuang.
Naging mga anak (9)
A. Silvestre Afunggol
B. Bonifaio Afunggol Jr.
C. Anita Afunggol
D. Elvira Afunggol
E. Gonzalo Afunggol, namatay ng bata pa
F. Manuel Afunggol
G. Elino Afunggol[
H. Magdalena Afunggol, namatay ng bata pa
I. Juana Afunggol, namatay ng bata pa


Kaya pla sa libingan nina ama (unang kanto pakanan ng pantiyong) ay may Dionisio Dagawin ito pala ay pamangkin ni ama na pnsang buo namin at ang mga afunggol (Elino) ay sinsasbing kamag anak namin. Kundi dahil sa iyo Bise malalaman ko baga ito....lol...salamat ng marami.....malapit na kitang imbitahan..bigla na lang akong susulpot....at may ilan akong gamit na di na madadala ang sa SB ko iiwan...kung hindi maharang ng panganay ko...Salamat muli sa kasiyahang naidudulot mo sa marami nating kababayan.....
Back to top
alex.basa



Joined: 22 Mar 2006
Posts: 18
Location: Alexander Acuram Basa

PostPosted: Sun Jan 28, 2007 2:14 am    Post subject: thanks Reply with quote

salamat po bise mutuk sa pagpost nyo ng pamilya acyatin at acuram. agbay na lang kulang kumpleto na pamilya namin Smile
_________________
Alexander A. Basa
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
bahj.basa



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 107
Location: Amador "Bahj" Acuram Basa Jr

PostPosted: Wed Jan 31, 2007 5:19 am    Post subject: oi d p kumpleto Reply with quote

Kulang pa yan Alex.

Last names at middle names pa lang ng magulang natin yang Acyatin, Bagongahasa, Agbay at Acuram.

Middle names ng mga lolo at lola natin ay Cagayat, Agbada, Madridejos at Edlagan.

Middle names naman ng mga lolo at lola natin sa tuhod ay Baldemor, Cadayona, Aseoche etc (kulang pa ng 5 Smile Rolling Eyes ) ano kaya yun.

Antay ko post ng Agbay, Agbada at Edlagan para malaman Wink . Mukhang walang info sa magulang ng lola sa tuhod nating si Catalina Cagayat at nanay ng lolo sa tuhod nating si Bernardino Acyatin sa talaan.
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
mabn
Guest





PostPosted: Fri Mar 02, 2007 3:46 am    Post subject: Ugat Ac-ac Reply with quote

mutuk wrote:
Ang boong apat na familia ng Juan Adao Ac-ac ( Ikatlong anak ng
Capitan Juan Ac-ac)

Juan A. Ac-ac (Aton Mantica)

I - Unang naguing asawa si Ana Edlagan
Naguing mga anak

1,) Juan Ac-ac - namatay na bata pa
2,) Daniel Ac-ac - namatay na bata pa
3.) Catalina Ac-ac - naguing unang asawa ni Pedro Cadayona
Naguing anak sina
a.) Pastor Cadayona Paring Romano
b.) Luisa Cadayona
- naguing ikalawang asawa si Domingo Acu
Naguing anak
c.) Maria Elisa Acu - namatay na bata pa
d.) Abraham Acu - kambal ni Rosita pero namatay
e.) Rosita Acu - kambal ni Abraham pero nabuhay
f.) Juan Acu
g.) Ana Acu
4.) Felisa Ac-ac - namatay na bata pa
5.) Damiana Ac-ac (Ami) naguing asawa ni Juan Macawili na taga Longos
Kalayaan
Naguing anak
a.) Purificasion Macawili
b.) Nestor Macawili
c.) Tomas Macawili
d.) Eleodoro Macawili
e.) Floro Macawili
f.) Casiano Macawili
g.) Vicente Macawili


II -. Ikalawang naguing asawa si Juliana Cahatol, anak ni Catalina
Bagonggahasa sa una niyang asawa na si Tacu Cahatol


- isa lang ang naguing anak, ito ay si Juliana Ac-ac (Juling) na napangasawa
- naman ni Juan Reyes na isang Destista na taga Batangas na dito na sa Paete nanirahan at nagkaroon din ng isang anak , ito ay si Jose Reyes

III - Ikatlong naguing asawa ay si Vicenta Navarro na capatid nina Luis at
Melecia Navarro.

Naguing mga anak

1.) Juan Ac-ac (Nitong Colot ang buhok) naguing asawa si Julita Baisas na anak nina Isaac Baisas at Felisa Mesoza.
Naguing Anak
a.) Teodora Ac-ac (Doray)
b.) Juan Ac-ac Jr.
- namatay sa tuyo
c.) Feliciana Ac-ac (Felicing)
2,) Ana Ac-ac - naguing ikatlong asawa ni Teofilo Adao
Naguing Anak
a.) Virgenia Adao
b.) Aurea Adao
c.) Patricio Adao

d.) Juan Adao

IV - Ikaapat na naguing asawa si Basilia Cadapan na anak nina Nazario
Cadapan at Juana Cadaves

Naguing mga anak

1.) Mercedes Ac-ac (Ceding ) - naguing asawa ni Daniel Jemena na anak nina
Sabino Jemena at Lorenza San Rafael.
Naguing Anak
a.) Juanito Jemena - namatay na bata pa
b.) Rufino Jemena - namatay na bata pa
c.) Bernaldo Jemena
d.) Elva Jemena
e.) Teodoro Jemena - namatay na bata pa
f.) Guillermo Jemena namatay na bata pa
g.) Juanita Jemena
h.) Jose Jemena
i.) Manuel Jemena
j.) Milagros Jemena
k.) Lucena Jemena

2.) Benigno Ac-ac (Bining)
naguing asawa si Maria Madrigal na anak nina
Sofia Dalay at Pedro Madrigal.
Naguing Anak
a.) Juanito Ac-ac
b.) Pedro Ac-ac -
namatay na bata pa
c.) Josefina Ac-ac
d.) Pedro Ac-ac
e.) Thelma Ac-ac
f.) Edna Ac-ac
g.) Ofelia Ac-ac

h.)Virgenia Ac-ac
- namatay na bata pa...este buhay pa daw po pala. Sorry po! Ayy! at namatay uli . . . heheheh
i.) Vegie Ac-ac
j.) andy Ac-ac

k.) Benmar Ac-ac
3.) Maria Ac-ac (Meyang) - naguing asawa ni Fidel Bernades na taga Nueva
Ecija
Naguing Anak
a.) Ofelia Bernades
b.) Leopoldo Bernades
c.) Gloria Bernades
d.) Teodorico Bernades
e.) Eleonor bernades
f.) Fidel Bernades Jr.
g.) Evangeline Bernades
h.) Emmanuel Bernades.



[/b]


Ginoong Mutuk,

Magiging isa sa mga dahilan po ito para mawili at mahiligan ng aking Ina ( Josefina Ac-ac Bernardez) ang paggamit ng computer! Very Happy Salamat po sa inyo Bise! Siguradong mamamangha po sya, katulad ko, habang sinusundan ang aming pinagmulan, mula sa henerasyon ng unang San Pascual na nagpalit Ac-ac hanggang sa henerasyon ni Ina...At di po nagtatapos ang talaan doon, sasali rin kaming mga anak niya at aming mga supling at ilan pang henerasyon na darating Wink Maraming salamat po at mabuhay po kayo!

Mavi Ac-ac Bernardez-Nelson

PS. Si Dada Maria "Meyang" Ac-ac po ay nakapag-asawa ng isang Bernardez, na akin din pong Lolo sa Father side, kung kaya't nakasisiguro po akong BERNARDEZ po ang tamang baybay..
Back to top
Cecilia Adao Gonzales
Guest





PostPosted: Fri Mar 02, 2007 11:44 pm    Post subject: kung puwede po Reply with quote

Dear Vice Mayor

May favor po sana akong hihilingin sa kanya. Kung meron po sa libro, ay puwede po bang paki-post ang family tree po ng Adao, Cawil and Adefuin.

Ang paternal grandparents ko po ay si Jose (Uti) Adao at Alfonsa Acyatin Adao. Sa akin pong pagkakaalam, si Dada Uti po ay taga Bagumbayan (hope I spelled it right) at ang Dada Ponsa ko po ay taga Ibaba. Nun pong nakatira pa po kami diyan sa Philippines, ay sa Ibaba po kami pumupunta pag umuuwi po kami ng Paete upang dalawin po ang family po ng daddy ko.

Ang akin naman pong maternal grandparents ay si Remigio O. Milan Sr at Corazon Cawil Milan ng Brgy. Quinale. Sa akin pong pagkaka-alam ang Dada Azon po ay taga Ibaba rin po dati at dun po lumaki. Nalipat lang po sa Quinale dahil dun po nakabili ng bahay ang aking mga dada.

Marami pong salamat sa pagpopost po ninyo ng family ng Acyatin. Nun pong nabubuhay pa po ang aking daddy, palagi po niyang nasasabi na papa-ubos na po ang mga Acyatin. Sa ngayon po yata ay parang kakaunti na rin po ang Cawil. Ang pamilya Adao po naman ay marami pa, sa pamilya lang po ng daddy ko ay ang dami na po at alam ko pong meron pa po akong mga pinsan, mga pamangkin na hindi ko pa po nakikilala in person. Ako naman po ay hindi familiar sa Adefuin sa ngayon, at interesado po akong may malaman pa po tungkol sa Adefuin.

Marami pong salamat in advance. Nakakatuwa pong basahin itong iba't ibang family tree na kahit halos wala po akong kilala ay nag eenjoy ko pa rin pong basahin at ishare po sa mommy at tita ko.

Take Care

Cecilia A. Gonzales
Mount Prospect IL


Parents: Wilfredo Acyatin Adao(+) and Ludovica Cawil Milan Adao
Brother: Guillermo William Milan Adao
Husband: Alvin S. Gonzales
Daughters: Paulene Marie (5 yrs old) and Acelle Marie (just turned 5 months old 3 days ago)
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Sun Mar 04, 2007 11:15 am    Post subject: Reply with quote

Bukas po March 5, 2007 ay openning po ng isang linggong pagdiriwang ng ANILAG 2007 sa Sta. Cruz, Laguna. Malamang na nadoon po ako kaya paumanhin po kung hindi ko muna ma-entertain ang inyong mga requests

Maraming salamat po sa pang unawa!!!
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Batang Ermita58



Joined: 15 Apr 2009
Posts: 4
Location: San Pedro, Laguna

PostPosted: Fri Apr 17, 2009 9:04 pm    Post subject: Juana Cadaves or Juana Cadavis, which is correct po? Reply with quote

Hello po Vice! Ask ko lang po kung alin ang tama Juana Cadaves or Juana Cadavis? Ito po ang asawa ng Nazario Cadapan na aking great grandfather.

IV - Ikaapat na naguing asawa si Basilia Cadapan na anak nina Nazario
Cadapan at Juana Cadaves

Sa isang entry po ay ito ang nakasulat,

VI Sixto Cadapan, naging asawa si Raymunda Navarro na kapatid nina Andres at Juan Navarro.
Naging mga anak ( 8 )
1. Nazario N. Cadapan (Sario), naging asawa si Juana Cadavis (Juana Tate).

Thanks po
_________________
Elizabeth E. M. Cinco
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri Apr 17, 2009 9:23 pm    Post subject: Reply with quote

Hello Elizabeth,

Halos kinokopya ko lang yung mga nakatala sa records. Hamo at i-double check ko. Walang opisina ngayon, nasa office ko yung mga records

I-trace ko din yung mga tanong mo about your Asido side.

Walang anuman,
vice mutuk

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Family Trees All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3
Page 3 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group