PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

oki doki dok,pang masa
Goto page 1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest






PostPosted: Wed Mar 18, 2009 5:25 am    Post subject: oki doki dok,pang masa Reply with quote

Gusto ko po sanang tanungin kung nabigyan na nga parangal si Dr.Carunungan,Karapatdapat syang bgyan ng parangal dahil di sya ngpayaman sa propesyon nya,100 pesos laang may chekup at gamot ka na,Kung wala kang pabgnayad.Ok lang din sa kanya,Madali pa syang tawagin kahit mahirap lang ang kumakaon sa kanya,
Mabuhay ka Doc!
Salamat sa iyo,
Back to top
tina r.avila uae
Guest





PostPosted: Wed Mar 18, 2009 8:52 am    Post subject: salamat ! Reply with quote

dear guest akoř nagpapasalamat sa iyo at binigyang pansin mo ang mga nagagawang kabutihan ni doctor manuel carunungan,at ako sampu ng aking pamilya ay makapagpapatotoo ng kanyang katapatan sa pagganap sa kanyang propesyon.
sana nga ang mga ganitong mamamayan ay mabigyan ng award ngayon nabubuhay pa kasi ang iba kung kailan wala na ay saka lang nakikita ang kabutihang nagawa.
salamat muli sa iyo
Back to top
violy
Guest





PostPosted: Wed Mar 18, 2009 9:53 am    Post subject: dr,carunungan Reply with quote

isa din po akong nagpapasalamat na sana ay mabigyan ng award ang doktor ng masa na c dr.carunungan,dhil sa ndi lng cya isang mabuting tao kundi mababa pa ang kalooban at magaling na mangga2mot........at tapat sa kanyang katungkulan,madaling tawagin anu mang oras ng panga2ilangan ng pasyente,
salamat po,
violy dela rosa dalisay
russia,moscow
Back to top
ellie



Joined: 14 Jan 2009
Posts: 117
Location: Canada

PostPosted: Wed Mar 18, 2009 10:41 am    Post subject: Reply with quote

Ako man po ay isa sa magpapatunay ng kabutihan ng kalooban at dedication ni Dr. Manuel Carunungan, respetadong doctor, walang hangad kundi ang makatulong sa kapuwa mahirap ka man o mayaman sana nga po ang katulad niya ang mabigyan ng karangalan, tunay po siyang maipagmamalaki bilang mamamayan ng Paete......MARAMING SALAMAT PO DR. CARUNUNGAN..........at salamat din po sa inyo na nagbukas ng tungkol sa dapat lamang na recognition at pagpapahalaga sa kanyang mga nagawa at patuloy na ginagawa para sa ating bayan....
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Jojie Madridejos-Vergeire
Guest





PostPosted: Wed Mar 18, 2009 11:19 am    Post subject: Dr Manuel Carunungan Reply with quote

Sang-ayon pa ako sa pagbibigay ng karangalan kay Dr Manuel Carunungan. Sakitin po ako ng bata pa kaya laging laman ng clinic niya. Kahit walang pambayad ay may gamot pang bigay. Sana'y dumami pa ang katulad niya.
Back to top
Mr.Hugh Su
Guest





PostPosted: Wed Mar 18, 2009 1:27 pm    Post subject: Reply with quote

Saludo talga ako kay Dr.Carunungan. Hindi laang sana nakasentro ang parangal sa mga artists laang ng ating bayan. Dapat ay pati na din sa lahat ng propesyon. Lalo na sa isang doctor gaya ni Dr.Carunungan na talagang nagbibigay ng serbisyo at dapat bigyan ng recognition. Para tularan.
Ang tulad nya ang MAS may karapatan ng award.
Back to top
alicia afunggol bagalso
Guest





PostPosted: Wed Mar 18, 2009 5:05 pm    Post subject: Reply with quote

I attest sa mga serbisyo at mga tulong na ginawa ni Dr. Carunungan sa ating bayan, bayad o kaya ay utang o hulugan. Malaking bagay iyon lalo na sa mga mahihirap na cannot afford to seek treatment. I saw him na nag volunteer siya noong nag medical-dental mission diyan recently. He still looks good. I agree na dapat lang na parangalan siya. He is a down to earth person and with good heart. May anak na rin pala siyang doktor, so Father and Son team sila na nagsisilbi sa bayan natin.
Doc, Please accept my sincere respect to your service especially to the poor.
Alicia of San Diego
Back to top
Paul
Guest





PostPosted: Wed Mar 18, 2009 5:17 pm    Post subject: Oki,Doc Reply with quote

Oo nga po,may taong mas deserving ng parangal at isa na dito si Dr. Carunungan, kilalang kilala po namin ang pamilyang ito at bow kami sa kanilang kabaitan.' MABUHAY KA Doc."
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Mar 18, 2009 7:19 pm    Post subject: Re: Oki,Doc Reply with quote

Paul wrote:
Oo nga po,may taong mas deserving ng parangal at isa na dito si Dr. Carunungan, kilalang kilala po namin ang pamilyang ito at bow kami sa kanilang kabaitan.' MABUHAY KA Doc."


tma k dyan,dtimay binigyan n parangal d2 s atin n d nman dpat sya. Dpat mtagal ng binigyan si Doc Carungungan hindi yung kung sino sinu lng n d nman d2 nagpipirmi. Dpat pinaka special yung kay Doc Carunungan. Sya din dpat ang buhay n bayani n bayan ntin.
Back to top
dante v.
Guest





PostPosted: Wed Mar 18, 2009 7:20 pm    Post subject: honorable personality Reply with quote

Dr. Carunungan deserves honorable recognition sa kanyang serbisyo sa bayan ng Paete, kahit na hindi siya tubong Paete he dedicate his life and profession to our town, especially the poor people..
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Mar 18, 2009 8:01 pm    Post subject: Reply with quote

Isa ako sa humahanga kay Dr. Carunungan. Maliit pa ako ay kinagisnan ko na siyang isang simple manggagamot at hanggang ngayon ay siya pa rin ang dating simpleng Dr. Carunungan.

Matagal ko ng gustong ipa ayos itong mga butas ng aking tenga na lumaki na sa kasusuot ng mabibigat na aritos. Ilang beses na akong nagpa schedule sa mga clinics dito sa Manila pero palaging hindi natutuloy sa mga hindi inaasahan dahilan. Pumunta na rin ako sa ospital ng Pagsanjan noon pero masyadong mahal ang kanilang hinihingi, Noong July/08, may nakapagsabi sa akin na gumagawa daw ng ganung simpleng operation si Dr. Carunungan. Sa pamamagitan ng aking pamangkin ay nagpa schedule ako ng July 26. Dalawa sila ng kanyang anak na doctor na rin [na simple ring tulad ng ama] ang tumingin sa akin. Wala pang isang oras ay natapos ang procedure. Bukod sa napakamura niyang singil [1/5 lang ng singil dito sa Manila] ay binigyan pa niya ako ng kumpletong antibiotics para sa isang linggo. Napakarami dito sa aming opisina ang gusto ring mag pa-repair ng tenga at ng malaman nila ang presyo ni Dr Carunungan ay gusto nilang umuwi lahat sa Paete. May nag suggest pa nga na paluwasin ko daw si Dr. Carunungan para dito sa aming clinic mag opera.

Noong nakaraan medical/dental mission, siya pa rin ang simpleng Dr Carunungan na nasa isang tabi lamang na lamesa at abala sa panggagamot. Tan-aw namin siya mula sa aming lamesa at isa siya sa naging paksa ng aming huntahan, lahat kami ay humanga sa kanyang sipag at dedikasyon. Pagkatapos ng panggagamot ay nakangiti lamang siyang dumaan sa aming harapan at derechong uwi.

Sa aking maigsing posting tungkol sa nakaraang medical.dental mission, binalak kong banggitin ng particular si Dr Carunungan pati na ang obserbasyon ng mga kasamahan ko noon. Ilang beses akong nag edit hanggang sa huli ay nag desisyon ako na huwag ng magbanggit ng pangalan para walang samaan ng loob. Nagpasalamat na lamang ako sa kalahatan, sa lahat ng nag organize, nag contribute, tumulong at nag ambag sa kahit na papaanong paraan para maging matagumpay ang medical/dental mission. Ngunit sa aking kalooban, tahimik na nakatatak ang paghanga ko sa kanya.

Hindi man ako nagbanggit na particular na pangalan noon,ngayon ko sasabihin na isa si Dr Carunungan sa naging instrumento hindi lamang sa tagumpay ng nakaraang medical/dental mission noon kundi pati na sa pag aalaga sa kalusugan ng mga mamamayan ng Paete sa maraming dumaang henerasyon.

Maraming salamat at nabuksan ang topic na ito. Sumasang-ayon ako na kung may isang karapatdapat mabigyan ng parangal para sa isang Natatanging Anak ng Paete o Most Outstanding Paetenian, ito ay walang iba kundi si Dr. Manuel Carunungan.

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Wed Mar 18, 2009 8:53 pm    Post subject: Maraming Salamat po Dr. Karunungan Reply with quote

Ang pamilya Valdecantos po, sa pangunguna ng aking mahal na ama at ina (Andres and Pabing) ay nagpapasalamat din po ng marami sa mga tulong ni Dr. Karunungan. Gaya ng nakararami, naranasan din namin ang madaliang pagtugon ni Dr. Karunungan sa aming mga pangangailangan. Talagang dapat lang na parangalan ang kanyang naiibang "Pagmamahal sa Kanyang Propesyon." Thank you Lord, for giving us Your servant, Dr. Karunungan.

Doktor, kumusta po, from nanay and tatay...MARAMING SALAMAT PO. Mahabang buhay po ang dasal namin para sa inyo at sa inyong pamilya Very Happy
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
dpmadrinan



Joined: 10 Aug 2007
Posts: 332
Location: Glendale,CA

PostPosted: Wed Mar 18, 2009 9:18 pm    Post subject: Mabuhay ka Dr Carunungan Reply with quote

Yes, isa ako sa magpapatunay na isa syang butihin at napakabait na doctor. Apat sa akin pitong anak ay sya ang nagpaanak sa akin, napakamalumanay magsalita at kahit anong oras ay natatawag. Kaya sa iyo Dr. Manuel Carunungan mabuhay ka at dapat bigyan ng parangal sa mga tulong mo sa bayan ng Paete. Saludo ako sa iyo.

Daisy P. Madrinan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
guest#8
Guest





PostPosted: Wed Mar 18, 2009 10:47 pm    Post subject: Reply with quote

SANA NAMAN PO MAPANSIN NG ATING MGA KINAUUKULAN ANG MGA PANAWAGANG ITO NG ATING MGA KABABAYAN PARA SA ISANG "DAKILANG ANAK NG BAYAN PAETE".

MABUHAY PO KAYO!!!! DR. MANUEL CARUNUNGAN.....
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Mar 19, 2009 12:20 am    Post subject: Reply with quote

Noted po!

Iparating ko po sa iba pang kinauukulan.

Salamat po! Malamang masundan na yung pagbibigay pagkilala sa bagong grupo ng mga Natatanging Buhay na Anak ng Paete.

Muli po ang pasasalamat sa pagtawag ng aming atensyon ukol dito.

Vice Mutuk

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
jean sadsad



Joined: 21 Mar 2006
Posts: 35
Location: Jesse Ni˝a Baysauli Sadsad - Mendoza

PostPosted: Thu Mar 19, 2009 12:29 am    Post subject: Tunay na Bayani... Reply with quote

Bata pa ako ay takbuhan na po namin sya. Kamag anak daw ng Dada Salud pero di ko po alam ang root kaya kung tawagin namin sya ay Tito Noying. Simpleng tao, simpleng doctor at laging handang tumulong. Kahit andito na po kami sa ibang bansa, patuloy pa rin ang pagtulong nya sa amin sa pagbibigay ng reseta at gamot sa ubo at sipon na hinihingi namin sa Ina. Salamat po sa posting na ito at maipapaabot ko sa kanya ang aking taos pusong pasasalamat. Dalangin ko po ang mas maraming pagpapala mula sa Panginoong Maykapal.

Tito Noying, mula sa Pamilya Sadsad - Baysauli, muli ang taos puso naming pasasalamat...

Mabuhay po kayo...

God Bless!!!

_________________
Psalms 122:8
"Peace be within you."

Dhoy Mendoza
Jean Sadsad Mendoza
Darah Jemuel
Dorcas Jewel
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
gerlino r. Paelmo
Guest





PostPosted: Thu Mar 19, 2009 1:03 am    Post subject: karapatdapat na parangalan Reply with quote

Ako po at ang aking mga kapatid at pati na rin si Ina ay sumasang-ayon sa pagkilala at pagbibigay ng parangal para kay Dr. Carunungan.

Binabati po namin siya, at kinikilalang kababayan dahil sa kanyang kabaitan, kababaang- loob at serbisyo sa ating mga kababayan.

DAHIL PO SA INYO AY MARAMING NABIYAYAAN!

Mabuhay po kayo, at nawa po ay lalo pa kayong pagpalain ng ating Ama sa Langit, para sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay.

Muli po, MARAMING SALAMAT!

Familyang Paelmo
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Mar 19, 2009 3:35 am    Post subject: Re: Tunay na Bayani... Reply with quote

jean sadsad wrote:
Bata pa ako ay takbuhan na po namin sya. Kamag anak daw ng Dada Salud pero di ko po alam ang root kaya kung tawagin namin sya ay Tito Noying.


Jean,

Kamag-anakan nyo sila sa Ac-ac. Heto yung link

http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=6752

Regards,

vice mutuk

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
marlene valdellon-reyes



Joined: 08 Jan 2008
Posts: 59
Location: paete, Laguna

PostPosted: Thu Mar 19, 2009 3:46 am    Post subject: I agree!!!! Reply with quote

100% po akong naniniwala sa lahat ng sinabi tungkol kay Dr. Carunungan.... talagang dapat lang na bigyan siya ng parangal.

Mula pagkabata po naming magkakapatid reseta at gamot lang ni Doc, di pa ubos magaling na kami......napakarami niyang natulungan at tinutulungan pa..... ang doktor na hindi mahirap lapitan.

Dapat nga po ay noon pa siya binigyan ng parangal.

Saludo po ang aming pamilya sa kabutihan, kabaitan, kababaang loob ni Doc Carunungan.

Mula sa pamilya nina:
(+)Pedring at (+)Remy Valdellon
at mga anak
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
mel



Joined: 08 Apr 2006
Posts: 77

PostPosted: Thu Mar 19, 2009 5:24 am    Post subject: Oki doc Reply with quote

Tama ka ate saida nabuksan ang topic nayan,matagal nanaming pinag uusap ni mrs.ko. na dapat nong una paman na bigyan ng parangal si Doc. Manuel Carunungan. lahat tayo ay nagamot nya .kasi nung mga maliliit pa kami kalapit bahay namin si Doc. nung araw bagsakan pa ng mga troso (KAHOY) yang dulo ng F Sario st. lumang bahay dun kami nakatira kalapit namin ang dada bibang Caidic Madridejos.tuwing magkakasakit kami si doc ang gumagamot sa amin hindi kami pinag babayad kaming kakapatid malaking pasalamat namin at may gayang Doctor sa bayan ng paete. isa sya sakarapat dapat na bigyan ng parangal isang kayong buhay na bayani ng bayan ng paete.

MABUHAY KA DOCTOR MANUEL CARUNUNGAN


CHEF MEL
Back to top
View user's profile Send private message
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Mar 19, 2009 5:41 am    Post subject: He Really are Worthy for this long Awaited Acknowledgemnet Reply with quote

I plenty emotion..... Laughing Laughing Laughing
bata pa lang ako nun sa kanya na lagi ako dinadala ng mga magulang and ako din sumusundo sa kanya pag merong me karamdaman sa amin ng magulang ko until now mas lagay ang loob nila pag si Doc Carunungan ang titingin sa kanila dahil proven na magaling syang doktor, and di sya nawawala sa mga Medical mission sa ating bayan.........

Many Thanks to you our worthy doctor from yesterday, today and tomorrow.............long live......!!!!! Very Happy Very Happy Very Happy
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Mar 19, 2009 6:48 am    Post subject: ok ka po dok Reply with quote

Sama ako sa inyong layunin Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy

Totoo ngang makakawang gawa si Dok Karunungan buti nga at nakita at napagtuunan ng pansin ito, sa dami nga ng kanyang dinaluhan at natulungan dapat lang talaga na ito.


Ok ka po dok totoo po kayong tao.


Always

Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
nilotica
Guest





PostPosted: Thu Mar 19, 2009 7:39 am    Post subject: Reply with quote

Humahanga at nagpapasalamat din ako sa nagbukas ng topic na ito kung sino ka man bukal sa loob mo ang karapatdapat na pagpaparangal para kay Dr. Karunungan. Isa ako mula sa malaking pamilya sa Paete. Ako at sampu ng aking pamilya ay tunay na sumasaludo sa kahangahangang niyang serbisyo. Maidagdag ko pa siguradong napakalaking porsiyento ng kalalakihan sa Paete ay dumaan sa kanyan para matulian...lol.
Muli ang paghanga ko kay Dr. Karunungan at salamat sa nagbukas ng posting na ito. Mabuhay tayong lahat.
Back to top
bayiki
Guest





PostPosted: Thu Mar 19, 2009 8:12 am    Post subject: Reply with quote

hindi ko na po iisa isahin kung bakit karapat dapat bigyan talaga ng parangal at pag kilala si doctor carunungan.......napaka buting tao po ni doc!!!!!SALUDONG SALUDO PO AKO SAMPU NG BUO KONG PAMILYA!!!!!!MARAMING PONG SALAMAT SA IYONG KABAITAN!!!!!
salamat po
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Mar 19, 2009 8:51 am    Post subject: Re: Tunay na Bayani... Reply with quote

mutuk wrote:
jean sadsad wrote:
Bata pa ako ay takbuhan na po namin sya. Kamag anak daw ng Dada Salud pero di ko po alam ang root kaya kung tawagin namin sya ay Tito Noying.


Jean,

Kamag-anakan nyo sila sa Ac-ac. Heto yung link

http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=6752

Regards,

vice mutuk





Vice Mutuk,

Salamat po. Bali 2nd cousin po pala sila ng ina.

God Bless!!!
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3  Next
Page 1 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group