PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

oki doki dok,pang masa
Goto page Previous  1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Thu Mar 19, 2009 12:15 pm    Post subject: Isang Ehemplo ng tunay na lingkod-bayan Reply with quote

Nais ko pong idagdag ang aking tinig sa mga nagpaparangal at humahanga kay Dr. Karunungan.

Bukambibig ang pangalan niya sa ating pamayanan, marunong kumapa sa mga kakulangan ng mga pasyente siya na ang nagpupuno, may kababaang-loob, ma-respeto sa kapwa.

Isa siyang magandang halimbawa ng paglilingkurang pam-publiko at ganoon din naman sa aral ng Diyos. Panahon na upang ang bayang Paete ay kilalanin ang katulad niya sampu ng kanyang pamilya.

God bless you, Dr. Karunungan.

Ming Baldemor
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
v.v. orl. fla.
Guest





PostPosted: Thu Mar 19, 2009 10:15 pm    Post subject: Parangal to Doc. Carunungan Reply with quote

To all kabayan, Napakagandang layunin po itong naisipan na gagawin para sa isang taong nakatulong sa karamihan ng ating mga kababayan, sa panahon ng kagipitan,at isa na rin po ako don. For me, it's difficult to match his unselfish and true caring to our kababayan,regardless of who you are.Everything about him is pure, kind charitable human being.Ako po at aking mga kaanak ay lubos na nagpapasalamat kay doc. at sa kanyang pamilya. Maraming salamat po sa nag mungkahi and advance congrats po Doc............God Bless.....Mabuhay!!!!!!!!! v.v.
Back to top
fredmc



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 669
Location: Fred Cagayat

PostPosted: Fri Mar 20, 2009 8:30 am    Post subject: Parangal kay Dr. Carunungan Reply with quote

Ang pamilya Cagayat ay lubos na umaasa rin na sana ay mabigyan ng parangal si Dr. Carunungan sa kanyang matagal at taos-pusong paglilingkod sa bayan ng Paete. Bata pa ako ay taga sundo ako ni Ina kung may sakit siya o sino man sa aming pamilya.

Sa Ibaba rin siya nakatira kaya madali siyang tawagin in case of emergency. Kaya marahil humaba ang buhay ni Ina ay dahil sa panggagamot ni Dr. Karunungan. Umabot si Ina ng 92 anyos at namayapa noong 1993. Ang tanda ko kay Dr. Carunungan, ay napakabait, mahinay magsalita, mapasensya, at hindi mukhang pera. Malimit ay lista muna kung walang pambayad. Wala yata siyang listahan ng pautang kaya malamang na marami ay nalista na lamang sa tubig.

Nang makita ko ang kanyang larawan sa kalilipas na Medical Mission ako ay nagulat dahil nag pa-practice pa pala siya. At ang kanyang anyo ay halos hindi nagbabago tulad ng huli ko siyang nakita maraming taong nakalipas!

Maraming salamat sa malaking tulong mo sa bayan ng Paete.
Mabuhay si Dr. Carunungan, isang dakilang manggagamot!

Fred Cagayat

P.S. Nais ko lang idagdag na ang asawa niya ay si Mel Astronimo,
kapatid ni Dita at Jerry Astronimo, mga anak ng maestrang
Inang Coba Astronimo doon sa Fidel Sario St. sa Ibaba.
Back to top
View user's profile Send private message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Wed Mar 25, 2009 6:01 am    Post subject: Dr. Carunungan-a true disciple, a servant-leader Reply with quote

I supportAngels feelings and opinion on this award for Dr. Carunungan all the way.

For the many tributes, the many testimonies from actual recipients of Dr. Carunungan’s labor of love that spanned decades, a lifetime for some, I cannot but agree with Angel that the accomplishments and service to Paetenians of this beloved doctor belongs to a league of its own.

Here is a man who has devoted his life and career mostly for those of us who have less in life, or for those who were left behind as the hands of time and fortune led others to greener pastures. Dr. Carunungan cared for the rest of our families in Paete while we find our places under the sun and in strange lands. There are those who were crowned with fame and riches, some served others as a means to progress and prosperity, but here in our beloved town and people someone stayed to care for those who were sick and afflicted, those whom we loved so dearly. He lived with them, he knew them, he had great compassion towards them, and he did it not to get gain, but out of the abundance of his heart.

He was there rain or shine, on every occasion, his was the steady hands that worked miracles on the sick and in pain. He ministered to our people like a “balm of Gilead.” Let us ponder what I shared with your earlier about “the widow’s mite.”

Mark 12:41 And Jesus sat over against the treasury, and beheld how the people cast money into the treasury: and many that were rich cast in much.
42 And there came a certain poor widow, and she threw in two mites, which make a farthing.
43 And he called unto him his disciples, and saith unto them, Verily I say unto you, That this poor widow hath cast more in, than all they which have cast into the treasury:
44 For all they did cast in of their abundance; but she of her want did cast in all that she had, even all her living.

MING BALDEMOR
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
rey b
Guest





PostPosted: Wed Mar 25, 2009 9:54 am    Post subject: Reply with quote

Enough been said about his accomplishment and service to our hometown, its time to act, the homecoming dance is fast approaching and it can be use as a perfect setting for his award, most of our kababayan (balikbayan) will be there,just a suggestion.! was also touch by the good doctor.
Back to top
from Caiyod family
Guest





PostPosted: Wed Mar 25, 2009 11:04 pm    Post subject: dr. carunungan Reply with quote

ako po si fidel caiyod.
Isa po akong natulungan ni doktor. bago po ako narating dito sa usa. lagi pong may sakit si Ina noon sa tulong po ni dr. at sa awa. saludo po sa lahat ng tulong na ibigay niya sa akin.
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Mar 26, 2009 12:02 am    Post subject: Reply with quote

Naiparating ko na po sa iba pang kinauukulan ang inyong mga pahayag at ito ay binibigyan na ng pansin.

Magkakaroon po ng isang pagpupulong ang Commitee of the Whole ng Sangguniang Bayan sa darating na Lunes upang pag usapan ang mga bagay bagay na may kinalaman sa tinatalakay sa thread na ito.

Maraming salamat po sa mga testimonya na ipinahayag at ipapahayag pa rito. Umasa po kayo na ito ay lubos na makakatulong para matukoy ang mas angkop na pagkilala na dapat gawin sa isang katulad ni Dr. Carunungan.

Akin pong isusulong na ang anumang mapagkasunduang klase ng pagkilala para sa kay Dr. Carunungan ay maigawad sa darating na pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan sa June 12, 2009. Isang espesyal na okasyon sa ating bansa, at mas lalong higit dito sa bayan ng Paete. Gusto ko rin po na maibigay na ito kaagad pero kailangan po nating isaalang alang ang tamang okasyon para ito ay maging espesyal bukod pa sa panahon na kailangang gugulin para mapag aralan ng husto at maibigay ang angkop na pagkilala.

Pero kung sa tingin po ninyo ay lubhang matagal o malayo pa ang June 12, 2009 ay binubuksan ko po ang hapag para kayo ay makapagmungkahi at maisama ko sa pagpupulong namin sa Lunes. Ako lang po ay nangangamba na baka maging negatibo ito sa pamilya ng ating pinag uusapan at akalain na ito ay pagtatalunan pa. Kung magkakagayon ay heto po ang aking email add sa yahoo - sbpaete@ - para sa mga suhestiyon pa ukol sa petsa ng paggagawad at maging sa angkop na klase ng pagkilala.

Uulitin ko po. Ang pagtatalakayan na lang po namin ay ang mas angkop na klase ng pagkilala at ang petsa kung kailan ito igagawad.

Pakiusap po sa iba pa nating mga kababayan na ipagpatuloy pa ang pagbibigay ng kanilang mga testimonya at karanasan sa piling at pagkalinga ni Dr. Carunungan, ang Doktor ng Masa.

Maraming salamat po!!!

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Thu Mar 26, 2009 7:04 am    Post subject: Reply with quote

Vice Mutuk:

Maraming salamat sa iyo at sa mga kasapi ng Sangguniang Bayan.

Dahil nabanggit ni Ka Ming na mayroon akong mungkahi. nararapat lamang na aking ipahayag ang nasabing mungkahi dito sa Usap.

Ang aking mungkahi ay ang sumusunod:

Dahil sa habang buhay na paglilingkod ni Dr. Manuel Carunungan sa bayan ng Paete, kinakailangan ang pagkilala sa kaniyang mga ginawa at naitulong sa Paete. Ito ay nararapat lamang upang ang bayan ng Paete ay tunay na magpasalamat sa butihing manggagamot. Ang bukas palad na pamumuhay ni Dr. Carunungan ay isang napakagandang halimbawa na dapat tularan ng bawat mamamayan ng Paete.

Ang kasalukuyang listahan ng mga awards ng Paete ay hindi sapat para sa nararapat na pagkilala kay Dr. Carunungan. Ang pagka bukod tangi ng kaniyang paglilingkod ay hindi kayang tumbasan ng mga kasalukuyang pagkilala. Dahil dito, kinakailangang magsimula ng isang bago at tunay na natatanging pagkilala.

Ang aking mungkahi ay ang pagtatayo ng isang bagong award na ipapangalan "Dr. Carunungan Award". Sa aking mungkahi, ang Sangguniang Bayan ang siyang lilikha nitong pagkilala at ang Sangguniang Bayan din ang magpapasiya kung sino ang bibigyan nitong pagkilala sa pamamagitan ng pagboto na walang tutol (unanimous). Ang "Dr. Carunungan Award" ay magsisilbing pinakamataas na pagkilala sa isang mamamayan ng Paete na nagbigay at naglingkod ng habang buhay sa bayan ng Paete. Dahil dito, inaasahan na ang susunod na tatanggap nitong award ay katulad din ng sakripisyo na ibinigay ni Dr. Carunungan. Dahil dito, hindi inaasahan na ito ay ibibigay taon-taon. Ang unang (inaugural) tatanggap nitong pagkilala ay walang iba kundi si Dr. Carunungan. Ito nawa ay magsilbing panimula para sa bayan ng Paete na tunay na nangangailangan ng mga mamamayan tulad ni Dr. Carunungan.

Nagpapasalamat.

Angel
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Mar 26, 2009 10:07 am    Post subject: isang mungkahi Reply with quote

Magandang araw po sa inyong lahat,

Kung ang pagkilala po ay maigagawad na sa iginagalang at mapagkawang gawa na si doktor Carunungan sana po ay isang dakilang araw sa sa bayan ng Paete.

Marami na pong tumangap ng ibat ibang parangal pero sa kalaunan ay natatabunan din at nababaon sa limot sa tagal ng panahon.

Ito po ay isa lang mungkahi dahil nga po na talagang maraming natulungan sa Paete ang doktor kahit po simpleng parangal lang ang maibigay ng Sanguniang Bayan ngunit ito ay kikilalanin na isa sa dakilang araw taon taon at ipakikilala sa mga iskwelahan sa Paete sa mga batang bagong sibol ito po siguro ay isang napakalaking pagkilala sa makatao at matulunging duktor.

Meron po bang Doktor's day sa Paete? Kung wala pa po ay baka pwede" Dr. Carunungan Day" at kaya taon merong medical misyon bilang pagkilala sa dakilang doktor. ( so hard job?)

Sorry po sa likot ng isipan ko yun po ay isa lang mungkahi at kung ano man po ang magiging resulta ng Sangunihang Bayan sana po ay tangapin ninyo ang aking pagsaludo sa at ang isa ko pong boto.

Dr. Carunungan... para sa yo ang araw na ito.

Salamat Po

Always
Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Thu Mar 26, 2009 11:51 am    Post subject: Reply with quote

adedios wrote:
Vice Mutuk:

Maraming salamat sa iyo at sa mga kasapi ng Sangguniang Bayan.

Dahil nabanggit ni Ka Ming na mayroon akong mungkahi. nararapat lamang na aking ipahayag ang nasabing mungkahi dito sa Usap.

Ang aking mungkahi ay ang sumusunod:

Dahil sa habang buhay na paglilingkod ni Dr. Manuel Carunungan sa bayan ng Paete, kinakailangan ang pagkilala sa kaniyang mga ginawa at naitulong sa Paete. Ito ay nararapat lamang upang ang bayan ng Paete ay tunay na magpasalamat sa butihing manggagamot. Ang bukas palad na pamumuhay ni Dr. Carunungan ay isang napakagandang halimbawa na dapat tularan ng bawat mamamayan ng Paete.

Ang kasalukuyang listahan ng mga awards ng Paete ay hindi sapat para sa nararapat na pagkilala kay Dr. Carunungan. Ang pagka bukod tangi ng kaniyang paglilingkod ay hindi kayang tumbasan ng mga kasalukuyang pagkilala. Dahil dito, kinakailangang magsimula ng isang bago at tunay na natatanging pagkilala.

Ang aking mungkahi ay ang pagtatayo ng isang bagong award na ipapangalan "Dr. Carunungan Award". Sa aking mungkahi, ang Sangguniang Bayan ang siyang lilikha nitong pagkilala at ang Sangguniang Bayan din ang magpapasiya kung sino ang bibigyan nitong pagkilala sa pamamagitan ng pagboto na walang tutol (unanimous). Ang "Dr. Carunungan Award" ay magsisilbing pinakamataas na pagkilala sa isang mamamayan ng Paete na nagbigay at naglingkod ng habang buhay sa bayan ng Paete. Dahil dito, inaasahan na ang susunod na tatanggap nitong award ay katulad din ng sakripisyo na ibinigay ni Dr. Carunungan. Dahil dito, hindi inaasahan na ito ay ibibigay taon-taon. Ang unang (inaugural) tatanggap nitong pagkilala ay walang iba kundi si Dr. Carunungan. Ito nawa ay magsilbing panimula para sa bayan ng Paete na tunay na nangangailangan ng mga mamamayan tulad ni Dr. Carunungan.

Nagpapasalamat.

Angel


Vice Mutuk:

Ukol sa takdang araw ng pagkilala - mahalaga na ang buong bayan ng Paete ay makasaksi - sang-ayon po ako sa ika 12 ng Hunyo - ito po ay mahalagang kaarawan at nararapat lamang na ang pinakamahalagang pagkilala ay maganap sa araw na ito.

Salamat po uli.

-Angel
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Thu Mar 26, 2009 2:41 pm    Post subject: Pamilya ni Dr. Carunungan Reply with quote

Nais ko po sanang isusog na kung sakaling matuloy at magkaroon ng katuparan ang mungkahing ito ni G. Angel de Dios, kung sa Araw man ng Kasarinlan or hindi, ay makasama ang buong pamilya, kung hind man angkan ni Dr. Carunungan sa okasyon ng parangal at pagkilala.

Sa mga pagkakataong ganito ay nararapat lamang na kasama ang pamilya.

Ito'y isang inspirasyon sa mga kababayan natin lalo na sa mga bagong sibol na henerasyon ng ating bayan.


Ming Baldemor
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Mar 26, 2009 7:18 pm    Post subject: Reply with quote

Angel, Winston, Kang Ming at sa iba pa,

Ako at ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ay nakasubaybay po sa talakayang ito. Umasa po kayo na ang lahat ng mga pahayag ay bibigyan ng kaukulang timbang tungo sa mas mainam na resulta. Nakikipag ugnayan na rin po kami sa anak ni Dr. Carunungan para sa kanyang talambuhay.

Dahil ang alam ko ay hindi pa nahihilig si Dok Carunungan sa internet, sana po ay mailihim pa ito sa kanya para sa elemento ng sorpresa.

Muli po ang pasasalamat!!!

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
ADAO'S FAMILY
Guest





PostPosted: Thu Mar 26, 2009 8:25 pm    Post subject: PASASALAMAT Reply with quote

Doctor Carunungan,

MABUHAY PO KAYO AT ANG INYONG BUONG PAMILYA.
Ang masasabi ko lang po ay MARAMING SALAMAT po sa inyong "ginintuang puso".Ito na lang po ang masasa bi dahil halos nasabi na po lahat ng ating mga kababayan ang dapat kong sabihin.MABUHAY PO KAYO!!!!!!!!!!!OK KA DOC!
Back to top
mharbaldemor



Joined: 05 Aug 2006
Posts: 23

PostPosted: Fri Mar 27, 2009 10:56 am    Post subject: Reply with quote

Nakikiisa po ako inyong kaisipan na parangalan ang isa mga huwaran nating doktor, si Dr. Carunungan. Halos nasabi na po ninyong lahat ang mga kabutihan at katangian ni doc. Hindi ko na rin po mabilang ang mga naitulong nya sa aming buong pamilya. Sa inyo pong lahat, SALUDO po ako! Mabuhay po si Dr. Carunungan! Mabuhay po tayong lahat!
_________________
Parents:+Faustino & Lilia Baldemor Wife: Tessie N. Baldemor Children: Kenneth, Adrian, & Donnabelle
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Jun 11, 2009 7:56 am    Post subject: Reply with quote









Bukas po, Hunyo 12, 2009, sa pagdiriwang ng ika- 111 taong Anibersaryo ng Kasarinlan ay kasama po sa programa ang pormal na pagbibigay parangal kay Dr. Manuel A. Carunungan. Darating din po ang kanyang mga kapatid bilang sorpresa sa kanya bukas.
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Thu Jun 11, 2009 8:32 am    Post subject: Reply with quote

Congratulations po Dr. Manuel A. Carunungan.....you deserve this award!!!


_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Bagabaldo-Madridejos Fami
Guest





PostPosted: Thu Jun 11, 2009 10:52 am    Post subject: Congratz po Dr. Carunungan!!! Reply with quote

Congratulations po Dr. Carunungan,

You really deserve this award Wink Wink Wink

Mabuhay po kayo & God bless.


Madridejos,Bagabaldo &
Afuang Family
Proj.7, Q. C.
Back to top
bertingd



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 39
Location: Edilberto "Berting" Dalagan

PostPosted: Thu Jun 11, 2009 6:42 pm    Post subject: Congratulations po Dr. Carunungan Reply with quote

Congratulations po Dr. Carunungan. Kami po'ng buong pamilya ay bumabati sa inyong weel deserved award.

Marami din pong salamat sa mga serbisyo ninyo sa aming pamilya.


Berting Dalagan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Jun 12, 2009 1:56 am    Post subject: Pagbati Reply with quote

Maligayang Pagbati Po kay Dr, Carunungan

Ako po at ang boong pamilya ay taos pusong bumabati sa isang kaganapan ng pagkilala sa inyo pong dakilang paglilingkod sa mga mamamayan sa bayan ng Paete lalawigan ng Laguna bilang isang huwarang mangagamot.

Regards na rin po kay Mario

Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Fri Jun 12, 2009 6:24 am    Post subject: Ipinagkakapuri ka ng ating bayan...Dr. Carunungan Reply with quote

Isasabay ko ang aking munting tinig sa pagbibigay-pugay sa inyo Dr. Carunungan.

Pagpalain kayo ng Diyos sa mga kabutihang ginawa at ginagawa pa ninyo para sa bayan.... Isa kayong silahis ng araw sa gitna ng kadiliman, pag-asa sa mga nalulumbay at balsamo sa mga pusong
pinanghihinaan ng loob at iginugupo ng mga karamdaman.

Mabuhay ka Dr. Carunugan.

Ming Baldemor
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Fri Jun 12, 2009 9:57 am    Post subject: Reply with quote

Magandang umaga po sa inyong lahat!

Hindi ko po ninais o pinangarap na tumanggap ng ganitong karangalan, ginampanan ko po lamang ang aking sinumpaang tungkulin bilang isang manggagamot. Subalit sa kabila ng lahat, hindi ko akalain na isang malaking karangalan pala sa ating bayan ng Paete ang aking mga nagawa, at ang lahat ng ito ay hindi ko makakamtan kung hindi dahil sa inyo…., sa inyong pagtanggap, pagkilala at pagtitiwala sa akin.

Kaya ang karangalang ito ay buong puso kong inihahandog sa inyong lahat!

Salamat ng marami!

Manuel A. Carunungan, MD
Back to top
reyc
Forum Owner


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 259
Location: Rey Carolino

PostPosted: Fri Jun 12, 2009 1:28 pm    Post subject: Tanging Manggagamot Reply with quote

On behalf of the family of the late Jose "Joe" Carolino and Lourdes "Ludy" Quesada Carolino-- we wish to express our deepest gratitude and appreciation to our Tanging Manggagamot.

Dr. Carunungan has been our family doctor when we were still living at Ibaba a few blocks away from his clinic back in the 70s. Thus, I personally saw and witnessed all the good things that were written and said about him in this thread. I remember whenever I get sick, he will walk to our house with his medical bag to give me the required medicine or injection. When my father suffered a fatal stroke in 1972, he was the first doctor who attended to him.

When I saw his picture here at USAP I am surprised to see how his face didn't seem to age through time. He still looks as handsome as he was back then. Parang walang pinagbago.

Mabuhay ka, Doctor Carunungan!

Rey Carolino
Toronto, ONtario, Canada
Back to top
View user's profile Send private message
biborth



Joined: 10 Jul 2008
Posts: 36
Location: Dallas,Texas

PostPosted: Fri Jun 12, 2009 3:32 pm    Post subject: Reply with quote

Congratulation po Dr. Carunungan, you really deserve this award.....Salamat po ng marami sa tulong nyo ng magkasakit si Nanay (Selang C. Arban) last month. Thank you din po sa gamot na bigay ninyo.

Mabuhay po kayo!
_________________
Elena Cajumban Arban Eraso
Back to top
View user's profile Send private message
Guest 2
Guest





PostPosted: Sun Jun 14, 2009 6:47 am    Post subject: Reply with quote

Sang ayon po ako sa inyong lahat na dapat talagang mabigyan ng Parangal si Doctor Manuel Carunungan,bihira na po ang doctor na katulad ni Doc. Manuel Carunungan.......Sana po ay makarating sa kinauukulan ang mga request na ito...Mabuhay ka Doctor Carunungan.....Saludo kami sa iyo.
Back to top
Sr. Sofia F.Dalagan,MCST
Guest





PostPosted: Fri Jun 19, 2009 8:26 am    Post subject: Parangal para kay Dr. Manuel Carunungan Reply with quote

Very Happy Very Happy Si dr. Carunungan ay isang napakalaking biyaya sa atin bayan na ibinigay ng Diyos. Pinagpala ang bayan natin sa pagkakaloob ng isang doktor na kagaya nya. kahanga-hanga ang kanyang kababaang loob, tahimik at simpleng paglilingkod sa atin bayan. Salamat sa Diyos sa pagkakaloob Niya sa atin ng isang doktor na tapat sa kanyang tungkulin. Marapat na siya ay ating parangal bilang isang natatanging anak ng ating bayan.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3  Next
Page 2 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group