PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

RIP KENNY SALCEDA Nov. 15, 2005
Goto page 1, 2  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Condolences
View previous topic :: View next topic  
Author Message
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Tue Nov 15, 2005 1:22 am    Post subject: RIP KENNY SALCEDA Nov. 15, 2005 Reply with quote

Condolence

Classmate Edison , kami ay nakikiramay sa pagyao ng iyong kapatid.
May his soul rest in peace.

Felman and Nenett
Back to top
View user's profile Send private message
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Wed Nov 16, 2005 3:34 pm    Post subject: nakikiramay po kami.. Reply with quote

NAKIKIRAMAY PO KAMI SA PAG PANAW NI ''KENNY SALCEDA''(TAGA GARISON).LALO NA PO SA KANYANG ASAWA NA SI SHERLY SALCEDA.ALAM KUNG MASAKIT ANG MAULILA SA ASAWA, LALO NA'T SA GANYANG PANGYAYARI AT KALIIT PA NG ANAK (2 ANAK)ISA NYANG ANAK AY MAG LILIMA PA LANG AT ANG ISA AY DADALAWANG TAON LANG.SUMALANGIT NAWA ANG KANYANG KALULUWA..
AT SA MGA NAULILANG MGA MAGULANG AT MGA KAPATID NAKIKIRAMAY PO KAMI SA PAG PANAW NG ATING MAHAL NA KAPTID NA SI KENNY.


BAGALSO FAMILY
VA
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
sheba allenbach-aseoche
Guest





PostPosted: Wed Nov 16, 2005 4:52 pm    Post subject: Taus Pusong Pakikiramay... Reply with quote

Ang pamilya Aseoche-Tulin ay taus pusong nakikiramay sa mga naiwan ni Kenny...Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa...

Beboth, nakakalungkot naman, nakatanggap ako ng text kay Adi at nabanggit ang tungkol kay Kenny...sorry! Taboy Condolence...
Back to top
Taboy
Guest





PostPosted: Wed Nov 16, 2005 7:52 pm    Post subject: Paalam UTol... Reply with quote

Leopoldo C. Salceda ang buo nyang pangalan. "Kenny" ang naging palayaw dahil ng ipanganak sya ay namatay naman si John F. Kennedy, kaya sya "kenny". Oct. 22,1963 sya ipinanganak at binawian ng buhay bandang alas 9ng gabi, Nov.14,2005, sa bahay nya sa Garrison 13, katabi ang kanyang asawang si Shirley.

Tahimik, walang kibo, mababaw ang kaligayahan, simpleng patawa at tinolang manok at alamang ang ilan sa paborito nyang pagkain.

Pag uukit at nitong bandang huli ay nag barko as kitchen artist, ang ipinangbuhay sa pamilya. May dalawang anak, John at Monica, na wala pang malay sa nangyari sa kanya.

About six months ago e umuwi sya from Mexico at may diagnosis na prostate cancer. Unfortunately, nakakalat na at medyo mahirap ng labanan pa. But the hospital did their best. Na cobalt sya at halos lahat ng paraan ay ginawa. Lumaban si utol in spirit kaya lang ang katawan nya ang bumigay. Kung nahirapan sya ay mas nahirapan ang buong pamilya dahil sa nakikitang paghihirap nya. Nabingi siguro ang Diyos sa aming mga dasal pero siguro'y talagang tinatawag na sya.

Sa isang banda ay salamat dahil natapos na rin ang sakit, ang mga oras na di ko sya matignan sa kama nya sa hospital dahil namimilipit sya. At bago sya pumanaw ay nasabi pang nasa tabi raw nya ang namayapa ko ng Ama. Sinundo na marahil.

Ama bahala ka na kay Kenny...Paalam utol.
Back to top
Taboy
Guest





PostPosted: Wed Nov 16, 2005 7:54 pm    Post subject: Salamat... Reply with quote

Net, Nieves at Sheba, salamat sa pakikiramay. It means a lot to us.
Back to top
Taboy
Guest





PostPosted: Wed Nov 16, 2005 8:06 pm    Post subject: Sa makikipaglibing... Reply with quote

Para sa makikipaglibing e sa Linggo(nov. 20) ng darating, 1:30pm ang misa sa simbahang Romano.
Back to top
admin
Site Admin


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 286

PostPosted: Wed Nov 16, 2005 8:15 pm    Post subject: Reply with quote

Taboy;

Please accept my condolences. Your brother will be in our prayers.

With sympathy and prayers,

-Angel de Dios
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
bertingd



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 39
Location: Edilberto "Berting" Dalagan

PostPosted: Wed Nov 16, 2005 8:35 pm    Post subject: Pakekiramay Reply with quote

Taboy,
Nakikiramay ako sa pagkamatay ng iyong kapatid. May he rest in peace.


Berting
Jakarta, Indonesia
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Wed Nov 16, 2005 8:58 pm    Post subject: Re: Paalam UTol... Reply with quote

Taboy...binabasa ko ito, na tumutulo ang luha...naranasan ko rin ang nararamdaman mo ngayon, masakit ang mawalan ng isang mahal na kapatid...kami ay taus-pusong nakikiramay sa inyong buong pamilya...kasama kayo sa aming mga dasal.



Taboy wrote:
Leopoldo C. Salceda ang buo nyang pangalan. "Kenny" ang naging palayaw dahil ng ipanganak sya ay namatay naman si John F. Kennedy, kaya sya "kenny". Oct. 22,1963 sya ipinanganak at binawian ng buhay bandang alas 9ng gabi, Nov.14,2005, sa bahay nya sa Garrison 13, katabi ang kanyang asawang si Shirley.

Tahimik, walang kibo, mababaw ang kaligayahan, simpleng patawa at tinolang manok at alamang ang ilan sa paborito nyang pagkain.

Pag uukit at nitong bandang huli ay nag barko as kitchen artist, ang ipinangbuhay sa pamilya. May dalawang anak, John at Monica, na wala pang malay sa nangyari sa kanya.

About six months ago e umuwi sya from Mexico at may diagnosis na prostate cancer. Unfortunately, nakakalat na at medyo mahirap ng labanan pa. But the hospital did their best. Na cobalt sya at halos lahat ng paraan ay ginawa. Lumaban si utol in spirit kaya lang ang katawan nya ang bumigay. Kung nahirapan sya ay mas nahirapan ang buong pamilya dahil sa nakikitang paghihirap nya. Nabingi siguro ang Diyos sa aming mga dasal pero siguro'y talagang tinatawag na sya.

Sa isang banda ay salamat dahil natapos na rin ang sakit, ang mga oras na di ko sya matignan sa kama nya sa hospital dahil namimilipit sya. At bago sya pumanaw ay nasabi pang nasa tabi raw nya ang namayapa ko ng Ama. Sinundo na marahil.

Ama bahala ka na kay Kenny...Paalam utol.

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Alicia Afunggol Bagalso
Guest





PostPosted: Wed Nov 16, 2005 10:53 pm    Post subject: Condolence!!! Reply with quote

Pareng Taboy and the Salcedas,
Please accept our deepest sympathy for your great loss.Hindi ko mapigil ang aking luha ng mabasa ko ito.Kenny will be in heaven with your father.I will pray for his soul .Alam na rin pala ng Pareng Simeon ang balita.O sige,take it easy.Hopefully ,we will see you soon.Uuwi kami sa Holy Week.Regards to Ina,your siblings,Mareng Beth,Tin-tin,Kat-Kat and Mark.
The Afunggol-Bagalso of San Diego (Simeon,Alicia,Joelson,April and Simone)
Back to top
Glo
Guest





PostPosted: Wed Nov 16, 2005 10:58 pm    Post subject: Condolence to you Taboy.... Reply with quote

We are born on this earth
to experience a joyful human life,
And when we die, we are born again
to experience a joyful eternal life
.


Dear Taboy,

I am sorry to hear that you lost your younger brother Kenny (RIP).
I hope that the above quote will give you a little bit
of consolation...

Our thoughts and prayers are with you and your family.

God bless always.

-Julian & Gloria Basa Caguin
& children- J3 & Justin
Los Angeles, California
Back to top
Menchie Cagandahan
Guest





PostPosted: Thu Nov 17, 2005 12:22 am    Post subject: sympathy Reply with quote

taboy,

my prayers are with you and your family at this time of loss, my
deepest sympathy.

menchie
Back to top
Tita C. Acac
Guest





PostPosted: Thu Nov 17, 2005 1:38 pm    Post subject: Nakikiramay po kami... Reply with quote

Taboy,
Aywan ko kung kilala mo ako, lagi ko lang nababasa ang pangalan mo rito..nakikiramay kami ng familia namin dito sa Vallejo sa pagka matay ng iyong kapatid na si Kenny..Mayhe rest in eternal peace....

May tanong lang ako dahil ang kutob koy siya ay isa doon sa na meet namin sa Celebrity Cruise ..Mercury ang barko ng magpunta kami sa Mexico..kasama sina Chris Ang, Gerry Lope at ang apilyedo ng iba ay Pacurib,Reyes anak ni Pasing Cadawas,,fogot the first names ng iba ..Acyatan at Valdellon anak ni Romulo na kaklase ko ng Elem. out of 15 na taga Paete ay 8 ang nakita namin..baii baka siya yong isa anodahil sa pakitanda koy may Salceda na naroon..kasasaya pa namin noon at may mga kuha kaming pictures..May dalawang pinoy din na taga Pampangga apilyedo ay Capati at isang taga makati...sorry kung hindi siya...anyway nakikiramay kami ano?...

Sorry hindi pala ako naka login...
Back to top
Merle D Ugale
Guest





PostPosted: Thu Nov 17, 2005 7:32 pm    Post subject: Condolences Reply with quote

Dear Taboy and family,

Insan, taos puso kaming nakikiramay sa inyong pamilya sa pagpanaw ni Kenny. Ipakisabi mo sa ina, at sa maga kapatid mo lalo na sa mag-iina ni Kenny na lubos kaming nagdadalamhati sa pagyao niya. he is in the good hands of our Creator. Our prayers are with you all.

Love

Janing David and family/ Los Angeles Ca
Back to top
Pareng Blas
Guest





PostPosted: Thu Nov 17, 2005 7:43 pm    Post subject: 'Nakikiramay' Reply with quote

Parenng Taboy,

Tanggapin mo ang taus puso kong pakikiramay sa inyong Pamilya sa maagang pagpanaw ni Ken. May He rest in Peace. Kanina ko lamang nalaman ang malungkot na balitang ito. Tinawagan ako ni Nemie kaninang umaga. Again, my deepest condolences.

Pareng Blas
Back to top
YnoT
Guest





PostPosted: Thu Nov 17, 2005 10:55 pm    Post subject: CONDOLENCE! Reply with quote

Taboy, nakikiramay ako, sampu ng aming pamilya, sa pagpanaw ni Kenny, naalala ko na ang utol mo noong naguukit pa kami kina Kang Genio Dalagan, sa katapat ng bahay ninyo sa Garrison, napakamasa
yahing bata si Kenny noon at laging nandoon sa ukitan at doon minsan
naglalaro, ngayon bumalik na siya sa Panginoon.. dalangin ko ang kapayapaan niya sa kabilang buhay..Condolence to your family! Crying or Very sad

tony dalagan Sad
Back to top
emmac



Joined: 14 Sep 2005
Posts: 303
Location: Emma Balandra Caguin

PostPosted: Thu Nov 17, 2005 11:17 pm    Post subject: Condolences! Reply with quote

Sorry to hear about what happened to Kenny. May mga pangyayari tayo sa buhay na mahirap ipaliwanag, "mystery" ika nga. Sometimes God is doing this for a purpose that we won't know until later in our lives. But I assure you that it is definitely for the best. You just need to trust on Him!
In behalf of Tok and my children, we send our deepest sympathy to you and the rest of the family.
Emma
_________________
"God's love speaks to me in the birds and streams, in my quiet and busy moments, in all things."
Emma Balandra Caguin
Back to top
View user's profile Send private message
tcdedios



Joined: 01 Aug 2005
Posts: 143
Location: Thomas Cagandahan de Dios

PostPosted: Fri Nov 18, 2005 1:52 am    Post subject: Pakikiramay mula sa pamilya ng Inang Diega Reply with quote

Taboy,

Ipinahahatid namin ang aming taos-pusong pakikiramay sa pagyao ng iyong kapatid. May he rest in peace.

Inang Diega
Cora and Celing, kids Mhalu, JE and AJ
Angel and Mary
Thom
Back to top
View user's profile Send private message
NANDY_A



Joined: 05 Oct 2005
Posts: 24
Location: Nandy Yumang Afurong

PostPosted: Fri Nov 18, 2005 4:26 am    Post subject: Pakikiramay sa mga naulila. Reply with quote

Jason, at pamilya Salceda,

Ang pamilya afurong po ay lubos na nakikiramay sa maagang pagyao ng inyong mahal sa buhay na si "Kenny". Dalangin ngamin ang kanyang katahimikan sa kanan ng Ama sa Langit.

Nandy at Pamilya Afurong
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Guest Eddie
Guest





PostPosted: Fri Nov 18, 2005 1:52 pm    Post subject: Condolonce Reply with quote

Dear Ka Rogel (Taboy) Salcedaa,

Nalungkot talaga ako ng mabalitaan ko ito, alam mo naman kami yung magkabarkada since our elementary school at siya ay ninong ng panganay ko. Bihira na nga lang magkasama since na nagkaroon na kami ng kanya-kanyang pamilya. Mabuti siyang kaibigan at kapatid, medyo emotional pero masayahing tao.Naal-ala ko pa noon ini-rekomenda niya ako sa iyo sa trabaho sa sales. Last time na umuwi ako diyan sa Paete kaaalis lang niya uli kaya di kami nagkita, bihira kasi ako umuwi na diyan sa atin kaya matagal na rin kaming di nagkita kaya nakakalungkot talaga ng mabalitaan ko ito kay Kuya Omar.

Pakisabi na lang kay Inang Emy at Mareng Shirley ang aming pakikiramay at kumusta na rin sa iyong asawa at anak, I remember yung daughter mo napakabibo noon manang-mana sa Daddy, dalaga na pala anak mo, I remember 1988 pa ng magtrabaho ako sa iyo noon.

Sige Kang Rogel (Taboy) hanggang dito na lang and if ever na mapunta ka uli dito and if you have time tawagan mo ako para magkita naman tayo at makarating ka naman dito sa bahay.

Condelence
From Eddie & Family
Back to top
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Fri Nov 18, 2005 7:17 pm    Post subject: pakikiramay Reply with quote

isang taos-pusong pakikiramay ang aking ipinaaabot sa pamilya ni kenny.

nakalulungkot na isa na namang kamag-anak ang pumanaw.

kasama sa aming, panalangin ang kapayapaan ni kenny at kalakasan sa kaniyang mga naiwan.

pakikiramay buhat sa aming magkakapatid at iba pang angkan ng salceda.

taboy, condolence.

mam amor
_________________
Amor Salceda Kagahastian
Back to top
View user's profile Send private message
MEG A. STEPHENSON
Guest





PostPosted: Sun Nov 20, 2005 1:47 am    Post subject: CONDOLENCE Reply with quote

DEAR TABOY AND FAMILY,
WISHING YOU AND YOUR FAMILY STRENGTH FOR TODAY
AND COMFORT IN THE DAYS AHEAD.....
WARMEST THOUGTHS AND DEEPEST SYMPATHY...!
YOUR FRIEND AND CLASSMATE,
MERLE AFRICANO STEPHENSON
Back to top
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Nov 20, 2005 5:20 am    Post subject: Condolence Reply with quote

Taboy & family at sa lahat ng mga naiwan ni Kenny. Tanggapin po ninyo ang taos-puso kong pakikiramay.

Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Kenny.

w/ prayers

Aurel Cagayat Cagahastian
Back to top
View user's profile Send private message
Taboy
Guest





PostPosted: Sun Nov 20, 2005 9:31 pm    Post subject: Maraming salamat sa lahat... Reply with quote

Sa lahat po ng nakiramay, nakipaglamay mula Nov. 15 hanggang Nov. 19, nakidalamhati at tumulong sa amin upang kahit papaano ay maibsan ang aming kalungkutan, at sa mga nakipaglibing kahapon, Nov.20, maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

Sa Admin, kay Berting, Tisay, Mareng Alice, Glo, Menchie, Tita, Merle, Pareng Blas, Ynot, Emma, Thom & Family, Nandy, Eddie, Mam Amor, Meg and Aurel, salamat sa inyong mga dalangin.

Tita, sa Celebrity Cruise nga sya nagtatrabaho at malamang na sya ang na meet mong Salceda.

Sa inyong lahat mula sa aming buong pamilya, maraming salamat and God bless you all.
Back to top
Percy Africano
Guest





PostPosted: Mon Nov 21, 2005 12:30 am    Post subject: Pakikiramay Reply with quote

Hello Kapatid,

Did you know that Kenny and I were classmates way back in elementary? Nagulat ako when one of my friends texted that Kenny was very sick and not doing well. I had been praying for him since I found out. We are with you in prayers, I believe hindi na kami nagkita ni Kenny since we graduated in high school, that was a long time ago. Again you've always been there for us and just want to let you know we are here for you too. I have not seen Kang Boy for a while so I will tell him but I'm sure that maybe he knows I'm sure you are keeping in touch. Again Taboy in behalf of everyone here our condolonces to all of you. We will be praying for Kenny.Take care.

Percy
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Condolences All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2  Next
Page 1 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group