PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Panganib sa Wawa Park
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest






PostPosted: Tue May 26, 2009 4:58 pm    Post subject: Reply with quote

Ginagawang karerahan pati ng mga kabataang nakamotor ang daan papuntang wawa,babaeng nakamotor at lalaki din naghaharutan.Di lang nanganganib kanilang buhay kundi pati mga naklalakad papuntang wawa at residente doon.Mga wala pang HELMET,PANTALON,atbp. ang mga napunta doon sa wawa.
Back to top
ka kiko
Guest





PostPosted: Fri May 29, 2009 8:50 am    Post subject: wawa park Reply with quote

una po ay labis akong nagpapasalamat sa PAETE ORG.FORUMS at nabibigyan pagkakataon ang isang tulad kong makapag bigay ng
opinyon sa nuturang issue. Sa atin pong mga namumuno sa ating bayan MABUHAY! po kayo. Napaka simple po ang issue itong tungkol sa WAWA PARK palagay ninyo na lang na ang wawa ay isang Class Na subdivision Na Kailangan Nang Guardia at Gate O sabihin na natin Tollgate, suggestion ko lang po ito at siguro naman may konting idea na makukuha rito. Sa bungad pa lamang papuntang wawa ay lagyan ng gate na kung sinong may motor o sasakyan ay magbabayad sa mangangasiwa na magbabantay nito
hindi pwedeng ipasok sa loob. magiging maalwan po ito sa mga bata at ligtas. salamat po
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri May 29, 2009 9:59 am    Post subject: Reply with quote

Inatasan ko na po noong nakaraang Miyerkules sa regular na pagpupulong ng Sangguniang Bayan si Kon Brigido R. Bagayana bilang siya ang Chairman ng Committee on Public Utilities and Facilities sa SB na may sakop sa nasabing usapin. Tinagubilinan ko po siya na pag aralan ng kanyang komitiba ang mga bagay bagay na may kinalaman sa Wawa Park, hindi lamang limitado sa mga sasakyan na pumapasok dito kundi ang kabuuang regulasyon kasama ang mga taong kumikilos doon.

Nabigyan na rin siya ng kopya ng mga postings sa thread na ito upang magsilbing gabay sa gagawin nilang pag aaral.

Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng makabuluhang puna at obserbasyon.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
duhduh
Guest





PostPosted: Sat May 30, 2009 10:31 am    Post subject: Re: Making Both Ends Meet Reply with quote

LPB wrote:
Maraming mga bagay na kesa pagtalunan eh nareresolba sa usapang maganda, in a productive way ika nga, di tulad ng iba na kaya lang mag popost para lang salungatin ang opinyun ng iba, which is not a productive approach on my own opinion.

tungkol sa motor issue, kung di maiiwasan ng iba nating mga kababayan na di magdala ng motor bakit di tayo mag request sa Pamahalaan Bayan ng magtakda ng speed limit pagkatawid ng hi way papunta sa wawa sa gayun eh bawas ang ingay at ang usok ng tambutso, ika nga kung hindi maalis eh di bawasan di po baga???, para sa akin disiplina lang naman at sentido komon na ng motorista yan, now kung di sila makakasunod its either ban them na dalhin ang mga motor nila or tikitan at ilagay sa pondo ng Wawa Park for sure kikita ang Wawa park kasi maraming mga delingkwenteng motoristang kabataan sa atin, kung di sila madidisiplina sa Paete paliitin o bawasan ang kalsada na pwede nilang puntahan lalo na ung mga walang kaukulang papel or lisensya.

Code:
[code][code]kaya suggestion ko lang lets make this forum productive, take your time before posting, na kung makakatulong, at di makakasira bagkus makakabuo ng solusyon, ung makakaganda at di ikasasama ng isang suhestiyon at opinyun ng iba. para di na humahaba o humahanghang ang usluan, di po baga...???
nababawasan na ang interest ng ibang bumabasa dahil sa mga un healthy and negative trends tulad nito nawawala o lumilihis na sa orihinal na pinaguusapan  kaya nawawalan ng linamnam kung baga..[/code][/code]

merong kasabihan na "its better to lend a helping hand that to a ready tounge".......
maraming salamat po.......cheeeersss....!!!! Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing


ano kaya kung magtake ka muna ng time kung ano ang ibig mong sabihin ng " its better to lend a helping hand than a ready TOUNGE" ano ba talaga ang TOUNGE? lagi mong ginagamit ito sa pagpopost mo eh, ano ba ito? manghuhula lang ako hane, hindi kaya TONGUE ?

Maraming salamat din po....at Cheeeeersss Smile
Back to top
LPB
Guest





PostPosted: Sat May 30, 2009 3:01 pm    Post subject: Tongue Reply with quote

Ayyyyyyy......syanga anu.....!!!!....hayaan mo sa susunod at least spelling na lang ang pag tutuunan ko ng pansin.....galing mo talaga...!!!! Laughing isa kang uliran..........!!!! Embarassed Embarassed wala kong ma say...... Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes
Back to top
Duhduh
Guest





PostPosted: Sat May 30, 2009 10:52 pm    Post subject: motorsiklo sa wawa Reply with quote

LPB wrote:
Ayyyyyyy......syanga anu.....!!!!....hayaan mo sa susunod at least spelling na lang ang pag tutuunan ko ng pansin.....galing mo talaga...!!!! Laughing isa kang uliran..........!!!! Embarassed Embarassed wala kong ma say...... Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes


sobra ka naman sensitive...hindi ko naman pinapansin ang spelling mo, nililinaw ko lang naman ang gusto mong sabihin, kasi kung hindi mo lilinawin paano maiintindihan di ba? ganda pa naman ng gusto mong sabihin hahahaha..by the way, dun sa isa mong post mo (election 2010), may ginamit kang quote sinabi mo alltrough, hindi ko nanaman maintindihan yun......paki explain nga ulit....paano nga yun? cheeeeerrs!!
Back to top
LPB
Guest





PostPosted: Tue Jun 02, 2009 3:23 am    Post subject: Syanga na naman anu...... Reply with quote

pero teka pano mo naman nasiguro na ako nga ang nag post nun iha........ Laughing Laughing Laughing
Back to top
LULU
Guest





PostPosted: Tue Jun 02, 2009 5:43 am    Post subject: Reply with quote

Sir Larry,

Kasi yung gamit mo ng trend pareho, instead na thread.....kaya nahalata kung sino ka. Larry Paygane Baguio....,it's just conflicting kung itatanggi mo dahil di ba ayaw mo sa anonimity? Razz

Cheers!
Lulu
Back to top
rey b
Guest





PostPosted: Tue Jun 02, 2009 7:14 am    Post subject: Reply with quote

have you consider foot pedal trycicle it may solve a lot of problem. walang usok,walang ingay, exercise pa sa driver, just a suggestion 2.
Back to top
Duhduh
Guest





PostPosted: Tue Jun 02, 2009 8:45 am    Post subject: Re: Syanga na naman anu...... Reply with quote

LPB wrote:
pero teka pano mo naman nasiguro na ako nga ang nag post nun iha........ Laughing Laughing Laughing


Sir Larry,

Kasi yung gamit mo ng trend pareho, instead na thread.....kaya nahalata kung sino ka. Larry Paygane Baguio....,it's just conflicting kung itatanggi mo dahil di ba ayaw mo sa anonimity?

Cheers!
Lulu

O ayan si Lulu na ang nagsabi hindi ako.....DUH!!!
Back to top
LULU
Guest





PostPosted: Wed Jun 03, 2009 12:23 am    Post subject: Reply with quote

hayan di na tuloy nakasagot....baka busy magbagahe pauwi na kasi hehehe welcome back Lhar bigboy, aka LPB
Back to top
GREENDAY
Guest





PostPosted: Wed Jun 03, 2009 3:55 am    Post subject: PANGANIB SA WAWA,,, WALANG PANGANIB KUNG MAAGAPAN Reply with quote

AMININ NA NATIN NA MASARAP PUMUNTA SA WAWA AT MALAKI ANG POTENTIAL NA MAGING "BALIKBAYAN SPOT " ANG WAWA...KAILANGAN MERON SSS. SOCIAL- PARA SA LAHAT .SECURITY- LIGTAS SA PANGANIB. SYSTEM- KAILANGAN MAY GOOD SERVICES (KUNG MAY ITINANIM MAY AANIHIN)...KAYANG-KAYA YAN NG "SANGGUNIAN BAYAN NG PAETE" TANONG KO LANG PO NASAAN NA YUNG DINAUSOR NA NAKITA KO NUON,,,BAKA NAGING GODSILLA NA LUMUBOG SA LAGUNA BAY...(KIDDING)...
P.S. yung mga pumupuna sa english spelling na mali"Pasensiya na tao lang hindi kano" ...
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jun 03, 2009 11:40 am    Post subject: Re: PANGANIB SA WAWA,,, WALANG PANGANIB KUNG MAAGAPAN Reply with quote

Guest ko lang, este, guess pala- baka e2 ang mga ibig sabihin-
"it is better to lend a helping hand than that of a ready tongue”
or " a helping hand is better than a ready tongue" or "to lend a hand is better than to read a tongue"?

Nice po, Mr. LPB
Back to top
LPB
Guest





PostPosted: Wed Jun 03, 2009 7:48 pm    Post subject: relaks lang mga friends... Reply with quote

oh....ayan dito na po ulit ako....medyo naging busy lang nitong nakaraang araw and andito na ako sa atin.......but the bad news is kelangan kong mag undergo ng self isolation kaya naka quarantine ako for 4 to 10 days daw....... Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Tue Jun 16, 2009 12:06 am    Post subject: reaction: mga bahay sa tabing ilog ng brgy.9 masakit sa mata Reply with quote

kap tanong lng po bkit di nyo mpaalis ang mga bahay sa tabing ilog? samantalang sa brgy. 1 wala ng bahay sa tabing ilog ang sama tingnan lalo sa internet, parang iskwater ang bayan ng paete. lagi pa naman maraming bisita paki gawan naman po ng action. kapt. hensol ng brgy. 9......................... wag magalit para sa magandang tanawin lang po !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Exclamation Exclamation Exclamation Exclamation Exclamation Exclamation Exclamation Question Question Question Question Question marami pong salamat kapt........
Back to top
dante v
Guest





PostPosted: Tue Jun 16, 2009 12:43 am    Post subject: wawa park Reply with quote

napakaganda ng ating wawa lalo nat nandoon at makikita mo ang kabayanan at ang ating makahoy na bundok i was there last year of august at malimit akong maglakad sa wawa park,wala namang masyadong motorsiglo doon,wawa park is wide open and sometime windy so i think motorcycle is not so much a problem because the exhaust from a pipe dessimate easily in the air. for my opinion most of polluting things is as usual, those foul odor from all the refused that being thrown out to the river,sinasala pa doon sa ilog bago dumaloy sa ating dagat na talagang polluted na, may mga mangigisda na inilalagay nila ang kanilang mga huli matatabang tilapia at mga ibang uri ng isda na noon ay wala sa ating dagat,ang mga ayungin ay wala na mga biya at kanduli wala na akong nakikita,so i think the people must worry more from pollution at the lake than some other things. just opinion from former batang layas..dv
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jun 24, 2009 8:21 pm    Post subject: Reply with quote

O paano sa isang taon na naman tayo magpapaliwagan tungkol dito dahil lubog na naman ang wawa Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing

Siguro naman wala munang magrereklamo ano Sad Sad Sad Sad Sad
Back to top
panauhin
Guest





PostPosted: Wed Jun 24, 2009 10:23 pm    Post subject: Reply with quote

Ngayon nga dapat magreklamo, bakit hindi gawan ng paraan na maitaas ang Wawa natin para whole year round na makapunta ang mga tao, palagay ko may paraan, If there is a will, there is a way.
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jun 24, 2009 10:55 pm    Post subject: Reply with quote

napakahaba narin namang panahon ang nakalipas at sa dami ng mga nababasa ko sa mga posted message d2 sa internet mas lalo akong napapangiti, dahil marami na ang natututo pero, hindi parin marunong, what i'm mean to say my dear kababayan.., there's a lot of things or matter in our loving town Paete, na kinakailangan makita, and yet! we don't want to concentrate or stay in one site, like to see a person., kase po kadalasan pag may problema tayong nakikita hinahanap natin ay ang pangalan na pwedeng punahin at sisihin, o di kaya ay pag-di nagustuhan, we're mention the person w/out the proper observation, marami ng administration ng ating pamahalaan ang nagdaan, like mayor cadayona,. may pumupuna ng tama may pumupuna ng mali, sa sangguniang bayan,! barangay..! ay!!! lahat ng mga nagaganap ay meron importante tayong dapat malaman..., dapat tatanungin din natin ang atin sarili ,.. ano na ba naitulong ko sa mga ito??? : : : :
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Jun 26, 2009 6:36 am    Post subject: Reply with quote

panauhin wrote:
Ngayon nga dapat magreklamo, bakit hindi gawan ng paraan na maitaas ang Wawa natin para whole year round na makapunta ang mga tao, palagay ko may paraan, If there is a will, there is a way.


Totoo yang iniisip mo me paraan kung paano maitataas ang wawa park. Simple lang matulog ka at isama mo sa iyong panaginip at ikaw na mismo ang makakagawa nyan Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing
Back to top
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Fri Jun 26, 2009 10:59 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
panauhin wrote:
Ngayon nga dapat magreklamo, bakit hindi gawan ng paraan na maitaas ang Wawa natin para whole year round na makapunta ang mga tao, palagay ko may paraan, If there is a will, there is a way.


Totoo yang iniisip mo me paraan kung paano maitataas ang wawa park. Simple lang matulog ka at isama mo sa iyong panaginip at ikaw na mismo ang makakagawa nyan Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing

Maganda ang Wawa natin kahit na ito ay minsang lumulubog dahil
sa pagtaas ng tubig. Huag tayong manghinayang na bakit lumulubog
ang Wawa. Siguro naman ay naeenjoy nating kung panahon na
mababaw ang tubig. Alam ninyo, ang Wawa ay napakagandang projecto na ginawa ng ating Municipal government, meron tayong napapasyalan sa panahon na ito na puwedeng gamitin. Maayos at ginagawang laging malinis ang lugar. Hindi ko lamang maipaliwanag ang kahalagahan nito sa ating mga kababayan na nagpapasyal doon upang sumagap ng sariwang hangin, o mag exercise by group. Kaya sinasamantala na ito ay puwede pang gamitin. Kung ang wawa ay whole year na puwedeng gamitin, e baka magsawa rin. Gaya ng komportableng buhay natin sa Paete, maganda ang panahon, pero nakaiinip din
kung walang magawa, ano?
Magpasalamat tayo sa ating Panginoon na binigyan tayo ng wawa
na puwedeng pasyalan. Noong panahon namin ay pumapasyal
lamang kami diyan noong meron pang interwood, trosuhan noong
araw at naeenjoy namin ang troso, palipat lipat sa iba't ibang troso. Namimiwas pa kami ng ayungin , biya, hito. Sabay paligo
sa dagat, ang madalas kong kasama ay si pareng Ed Ablaza. Si pareng Ed ay nagsusuba pa noong bata pa, ako naman ay
masuwerte na si Ama (Miming) ay laging merong baklad kaya
laging sariwa ang aming ulam. Medyo nalayo ang usapan, pero
wawa pa rin na aking kinalakihan. Noon ay hindi kasing ganda
ng gaya ng inyong natatamasa...kaya magpasalamat, meron tayo
nito at kung nagagamit naman ay laging malinis...Salamat po Meyor.
God Bless Paete!
Somy
Back to top
View user's profile Send private message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Tue Jul 28, 2009 11:59 am    Post subject: Mga Puno sa Wawa Avenue/Park Reply with quote

Makisali nga lang po mga kababayan. Totoo pong lahat ang inyong mga sinabi. Ang Wawa ay isang lugar na magandang pasyalan kahit noong araw pa.

Ang tanong ko lang po: wala po bagang pwedeng maitanim na puno sa paligid o tabi ng kalsada na mayayabong na puno upang lalo pang magpaganda sa ating Wawa?

Ang mga ugat nito ay pwedeng humawak sa mga lupa habang ang lilim nito ay malaking tulong sa mga naglalakad sa kainitan ng araw.

Kung may bunga naman ay di lalong kapaki-pakinabang.

Siguro po ay pwedeng pag-aralan ng mga kinauukulan kung maaaring magtanin mg puno sa tabi ng kalsadang ito.

Salamat po.


Ming
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Jul 28, 2009 8:29 pm    Post subject: Re: Mga Puno sa Wawa Avenue/Park Reply with quote

Ming wrote:
Makisali nga lang po mga kababayan. Totoo pong lahat ang inyong mga sinabi. Ang Wawa ay isang lugar na magandang pasyalan kahit noong araw pa.

Ang tanong ko lang po: wala po bagang pwedeng maitanim na puno sa paligid o tabi ng kalsada na mayayabong na puno upang lalo pang magpaganda sa ating Wawa?

Ang mga ugat nito ay pwedeng humawak sa mga lupa habang ang lilim nito ay malaking tulong sa mga naglalakad sa kainitan ng araw.

Kung may bunga naman ay di lalong kapaki-pakinabang.

Siguro po ay pwedeng pag-aralan ng mga kinauukulan kung maaaring magtanin mg puno sa tabi ng kalsadang ito.

Salamat po.


Ming



Good timing Kang Ming…..rhyming pa! Very Happy

Yang ang aming tinatalakay ngayon na susunod na project ng ating mga $20 Club scholars. Gusto naming magkaroon ng kabuluhan ang mga tulong na ibinibigay ng ating mga kababayan sa kanila at ang proyektong Tree Planting sa Wawa at sa daan patungo doon nga ang isa sa aming naisip. Ngunit tulad ng ibang proyekto na ngangangailangan ng sapat na pondo, yun ang wala sa amin. Bagama’t malaki na ang nalilikom na pondo ng $20 Club sa loob ng apat na taon, hindi namin yon pwedeng galawin para gamitn sa Tree Planting dahil iba ang layunin nung pondong yon. Baka makasuhan kami ng juggling of funds, joke lang! Surprised
Aayaw naman naming manghingi na naman ng kontribusyon sa ating mga kababayan para dito. Hangga’t maaari, gusto naming manggaling sa efforts ng gma bata sa pamamagitan ng kanilang resourcefulness at creativity ang gagamitin naming pambili ng mga punla.

Para makalikom ng pondo, magkakaroon kami ng isa pang Ukay2 Fundraising Festival sa mga susunod na araw. Magkakaroon din kami ng livelihood seminar kung saan ang mga lumang dyaryo at telephone directory ay gagawin nilang mga bags na pwedeng pagkakitaan. Pinaplantsa pa namin ang mga detalye para dito.

Nakikipag ugnayan na kami sa kinauukulan para sa tamang halaman na mas babagay sa Wawa na lulubog lilitaw sa tuwing umuulan. Nauna na naming naisip ang puno ng Talisay na talaga namang napakayabong at napakaganda ng lilim kapag lumago. Sa kasamaang palad at mahina daw yon sa tubig. Tatanggap kami ng mga suhestiyon mula sa ating mga kababayan para sa proyektong ito. Sama sama po nating pagandahin ang ating Wawa Park para sa kapakinabangan ng lahat.

Salamat kang Ming!
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
rhen b. watanabe



Joined: 04 Aug 2006
Posts: 169
Location: Yokohama , Japan

PostPosted: Tue Jul 28, 2009 9:52 pm    Post subject: Reply with quote

Magandang umaga po Smile

eto po nakita ko Smile
sana makatulong click nyo na lng po..

http://en.wikipedia.org/wiki/Mangrove
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Tue Jul 28, 2009 11:20 pm    Post subject: Reply with quote



Mangrove o kaya pwede rin ang puno ng balakbak noon maraming tumutubo jan sa wawa.
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5  Next
Page 2 of 5

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group