PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Panganib sa Wawa Park
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Wed Jul 29, 2009 7:05 am    Post subject: Bureau of Plant Industry Reply with quote

Saida,

Noon ay malimit akong makipag-ugnayan sa BPI upang makakuha ng libreng mga puno para sa aming tree-planting activities. Pinag-aaralan nila ang lugar na pagtatamnan at nagrerekomenda ng uri ng puno na maaaring itanim.

Wala na ang aking "contact" noon na si Mr. Efren Baconawa Sr. pero alam kong may mga maaaring makatulong sa project na ito.
Suportado ng gobyerno ang ganitong mga proyekto dahil makabuluhan ito sa pag-aalaga at proteksyon ng kapaligiran.

Kahit mga namumungang puno ay mayroon sila. Mabuti siguro na bago tayo gumastos mula sa ating mga bulsa ay alamin muna natin ang mga suporta na ibinibigay ng pamahalaan. Masugid silang umaalalay sa ganitong mga gawain.

Ilang metro/kilometro baga ang kahabaan ng Wawa road.

Maiba ako pero yang kahabaan ng highway natin ay maganda ring magkahilera ng mga puno, di baga?

Ka Ming
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
saidadulay
Guest





PostPosted: Fri Jul 31, 2009 12:03 am    Post subject: Reply with quote

Kang Ming, Rhen and Winston,

Maraming salamat sa inyong mga inputs. We will coordiante with the proper authorities.

Open na open nga yung hiway natin, napakaganda nga sana kung malalagyan ng mayayabong na puno yung magkabilang gilid nito.

Sana ay makiisa sa ating Tree Planting Project yung iba't ibang organisasyon sa Paete. Mainam siguro kung magkakaroon tayo ng isang araw ng pagtatanim na magkakaroon ng isang designated na lugar ang bawat samahan o barangay.

Vice Mutuk, anong comittee baga ang nakakasakop nito?

Saida
Back to top
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Fri Jul 31, 2009 5:46 am    Post subject: Re: Bureau of Plant Industry Reply with quote

Ming wrote:
Saida,

Noon ay malimit akong makipag-ugnayan sa BPI upang makakuha ng libreng mga puno para sa aming tree-planting activities. Pinag-aaralan nila ang lugar na pagtatamnan at nagrerekomenda ng uri ng puno na maaaring itanim.

Wala na ang aking "contact" noon na si Mr. Efren Baconawa Sr. pero alam kong may mga maaaring makatulong sa project na ito.
Suportado ng gobyerno ang ganitong mga proyekto dahil makabuluhan ito sa pag-aalaga at proteksyon ng kapaligiran.

Kahit mga namumungang puno ay mayroon sila. Mabuti siguro na bago tayo gumastos mula sa ating mga bulsa ay alamin muna natin ang mga suporta na ibinibigay ng pamahalaan. Masugid silang umaalalay sa ganitong mga gawain.

Ilang metro/kilometro baga ang kahabaan ng Wawa road.

Maiba ako pero yang kahabaan ng highway natin ay maganda ring magkahilera ng mga puno, di baga?

Ka Ming


Saida, Ming and Winston,
I like your ideas, count my support.
Kalinisan at tree planting- maganda at maayos na wawa park
Back to top
View user's profile Send private message
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Fri Jul 31, 2009 6:50 am    Post subject: Magandang Proyektong Pambayan Reply with quote

Yung graduating class namin sa PES 1959 ay naatasan na magtanim ng mga kaimito sa kahabaan ng kalsada mula sa gates patungo sa main building. Bawat grupo ay isang puno.

Maaari rin itong gawin sa ating highway at Wawa Avenue. Sa dami ng iba't-ibang organisasyon sa atin, maaari itong maging "realistic" na proyekto. Maraming munting punla sa atin ang santol o akasya, atbp. Halimbawa, tatlong puno sa bawat organisasyon, barangay, school, etc. Kailangan lang sigurong magkasundo kung anong puno para pare-pareho, pwede rin namang hindi, depende.

Kailangan ng liason sa Bureau of Plant Industry (BPI) upang makahingi ng libreng mga binhi or young trees. Isa pang source ng supporter dito ay ang mga political leaders na ang isa sa mga motivation ay makilalang maka-kapaligiran (ecology wika nga).
This can be a model for others to follow if succesful.

Ming
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Jul 31, 2009 7:02 am    Post subject: Reply with quote

Madam Saida, Amang Ming,

Sana nga po ay masimulan ang inyong mga proyektong papakinabangan ng mga mamamayan. Yun pong Palawan ay isang halimbawa ang mga ibat ibang samahan at mga namumuno ang nagpaganda sa kanilang lugar.

Talaga nga lang pong kailangan ng Sipag, Tiyaga, Haba ng Pasensya at Disiplina ng bawat isa sa ganitong proyekto.

Mabuhay po kayo!
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri Jul 31, 2009 8:16 pm    Post subject: Reply with quote

saidadulay wrote:
Kang Ming, Rhen and Winston,

Maraming salamat sa inyong mga inputs. We will coordiante with the proper authorities.

Open na open nga yung hiway natin, napakaganda nga sana kung malalagyan ng mayayabong na puno yung magkabilang gilid nito.

Sana ay makiisa sa ating Tree Planting Project yung iba't ibang organisasyon sa Paete. Mainam siguro kung magkakaroon tayo ng isang araw ng pagtatanim na magkakaroon ng isang designated na lugar ang bawat samahan o barangay.

Vice Mutuk, anong comittee baga ang nakakasakop nito?

Saida



Saida,

Depende sa layunin. Pwedeng sa Agriculture kung paghahalaman o kaya ay sa Environment kung pang kalikasan. Pero mas mainam na yung dalawang komitiba na ang mag lead. Ang Chairman ng committee sa Agriculture ay si Kon. Lapad Valdellon at sa Environment naman ay si Kon. Emer B. Gajitos. Hamo at abisuhan ko sila dito sa topic.

I-update mo na lang ako dun sa pinag usapan natin. Inaalam ko pa yung posibilidad ng ibang pananim.

Thanks,

vice mutuk

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Aug 02, 2009 11:58 pm    Post subject: Reply with quote

Madam Saida,

Ngayon ko lang nalaman doon po sa isa mong post ang parents mo pala ay ang amang Antonio Cagandahan at inang Elena kung hindi ako nagkakamali ay kapatid mo si Bit, at isa pang lalaki doon sa may palaisdaan at babuyan noong araw na maraming bayabas na nakatanim sakop pa ng May toong.
Noon ay palagi ako sa bayabasan dahil kay amang (Cascius) During Caidic minsan taga akyat, naging maglilinis ng kabayo kami ni Idring pilay, at minsan nanghuhuli ng dalag dahil perwisyo sa semilya ng tilapya. Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy kung hindi ako nagkakamali.

Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com


Last edited by whernas2001 on Mon Aug 03, 2009 2:53 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Mon Aug 03, 2009 12:45 am    Post subject: Reply with quote

whernas2001 wrote:
Madam Saida,

Ngayon ko lang nalaman doon po sa isa mong post ang parents mo pala ay ang amang Antonio Cagandahan at inang Elena kung hindi ako nagkakamali ay kapatid mo si Bit, at isa pang lalaki doon sa may palaisdaan at babuyan noong araw na maraming bayabas na nakatanim sakop pa ng May toong.
Noon ay palagi ako sa bayabasan dahil kay amang Cascius Caidic minsan taga akyat, naging maglilinis ng kabayo kami ni Idring pilay, at minsan nanghuhuli ng dalag dahil perwisyo sa semilya ng tilapya. Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy kung hindi ako nagkakamali.

Winston


Winston,

Hindi ka nagkakamali! Baka nagkikita tayo noon ay hindi lang natin alam. May table tennis kami noon at set ng mga barbel, marami laging kabataan sa amin noon dahil nagpapaturo sa tatay ko ng body building at ping pong. Marami nga din kaming malalaking bayabas at mangga, may saging, rambutan, duhat at kaunting palaisdaan. Mangga na lamang ang natitira ngayon. Malalapit sa amin sina Cassius [Doring ang talagang palayaw niya pero bininyagan siya ng tatay ko ng Cassius mula sa pangalan ni Muhammad Ali na Cassius Clay] at buong pamilya Caidic. Tatlo ang kapatid kong lalaki: Mario, Bit at Benny. Masaya noong araw, mababait yung aming mga mag uukit na parang mga barkada namin kaya nung ilang nakaraang taon na nagpa reunion kami ay napakadaming dumalo kaya napakasaya.

Salamat!

Saida
Back to top
Guest






PostPosted: Mon Aug 03, 2009 1:07 am    Post subject: Re: Magandang Proyektong Pambayan Reply with quote

Ming wrote:
Yung graduating class namin sa PES 1959 ay naatasan na magtanim ng mga kaimito sa kahabaan ng kalsada mula sa gates patungo sa main building. Bawat grupo ay isang puno.

Maaari rin itong gawin sa ating highway at Wawa Avenue. Sa dami ng iba't-ibang organisasyon sa atin, maaari itong maging "realistic" na proyekto. Maraming munting punla sa atin ang santol o akasya, atbp. Halimbawa, tatlong puno sa bawat organisasyon, barangay, school, etc. Kailangan lang sigurong magkasundo kung anong puno para pare-pareho, pwede rin namang hindi, depende.

Kailangan ng liason sa Bureau of Plant Industry (BPI) upang makahingi ng libreng mga binhi or young trees. Isa pang source ng supporter dito ay ang mga political leaders na ang isa sa mga motivation ay makilalang maka-kapaligiran (ecology wika nga).
This can be a model for others to follow if succesful.

Ming


Kang Ming,

Maganda nga kung maraming sasaling organisasyon sa proyektong ito. Napakaganda kung mapupuno ng mayayabong na puno ang bayan ng Paete, makakabawas ito ng init at pollution.

Vice,

Baka pwedeng munisipyo ang makipag coordinate sa BPI para sa mga puno. Mag pa-fundraising pa kasi ang $20 club para may pambili kami ng punla. Kung magbibigay ang BPI ay pwede na agad umpisahan ang pagtatanim. I think this is more of an environmental concern than of agriculture.

Salamat din Winston at Somy.
Back to top
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Mon Aug 03, 2009 7:02 am    Post subject: Bureau of Plant Industry (BPI) Reply with quote

Guest,

Maganda ang iyong suhestyon na ang Paete Municipal Government ang makipag-ugnayan sa BPI. Ang hindi ko lang alam ay kung alin ang mas may "weight" sa BPI, ang isang pamahalaang lokal o isang "Non-Govt Org" o' NGO.

Ang mahalaga ay ang madaliang pakikipag-ugnayan sa sangay na iyan ng pamahalaan. Marami silang "tree nurseries" kung saan manggagaling ang mga punla.

Tama ka, isa itong may kinalaman sa kapaligiran o environment kaysa agriculture.

Sana ay hindi ito maging isang ningas-kugon. Bukod sa magpapaganda ito sa bayan natin, ito ay isa ring hakbang sa pangangalaga ng kalikasan.

Sabi nga ng isang awitin:

Hawak-kamay, di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay..............

Kapag ang ang namumuno at ang taong-bayan ang naghawak-kamay, tiyak may magandang kahihinatnan.


Ming
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Aug 03, 2009 8:13 am    Post subject: Reply with quote

Madam Saida,

Salamat po sa reply, ito pong project nyo na binabalak ay isang malaking chalenge, pero sa palagay ko po ay mangyayari kung susuportahan ng nakararami.

Para ko po tuloy naikukumpara yung inyong magandang lugar noong araw na noong una ko pong makita lalo na yung mga malalaking bayabas na hitik na hitik sa bunga at pati puno ng ilang ilang para po akong naligaw sa paraiso kaya di na ako halos makakain ng tanghalian at busog na sa bayabas na hinog. Very Happy Very Happy Very Happy magandang alala ala last 28 years ago sayang wala na pala yung mga bayabas at ibang mga prutas.

Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com


Last edited by whernas2001 on Mon Aug 03, 2009 8:47 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Mon Aug 03, 2009 1:58 pm    Post subject: Bayabas Reply with quote

whernas2001 wrote:
Madam Saida,

Very Happy Very Happy Very Happy magandang alala ala last 25 years ago sayang wala na pala yung mga bayabas at ibang mga prutas.

Winston


Kaibigan,

Don't worry, mas lalo ngang dumami ang bayabas sa atin, ang lalaki pa Laughing Wink

cheers!
Back to top
Ming



Joined: 30 Sep 2008
Posts: 137
Location: Georgia

PostPosted: Tue Aug 04, 2009 11:00 am    Post subject: HERE IS THE GOVT BUREAU/AGENCY FOR TREES WE NEED Reply with quote

Saida,

I was able to contact my friend in Novaliches and I am copying her reply to me:

Date: Tue, 4 Aug 2009 07:07:46 -0700
From: charryliad@yahoo.com
Subject: Re: Tree Planting
To: minggoy@hotmail.com

Bro. Baldemor,

Good Evening po. They can request plants from the Department of Environment and Natural Resources. They have a nursery at North Avenue. They have to contact the DENR-NCR first and make a letter request for number of trees and kind of trees. The letter shall be addressed to the DENR-NCR Regional Director.

There is a DENR-Central Regional Environmental Office at Los Banos or DENR-CENRO. They may coordinate their request to this Office. I think they have plants in their Office, too.

Tomorrow is a special non-working holiday and I can't ask yet my friends at DENR-NCR. I will try on Thursday to contact the Chief Accountant to know the name of the Regional Director.

Thank you po.



If she updates me anytime soon, I will provide you with the Regional Director's name. I believe we should be working with the Los Banos unit.

Ming
_________________
Families are forever!
For where your treasure is there will your heart be also.
Back to top
View user's profile Send private message
Inang Cia and Amang Tom
Guest





PostPosted: Tue Aug 04, 2009 11:04 am    Post subject: Wawa Vehicular Traffic Reply with quote

We are familiar with this issue because we have been to Wawa a number of times. This an issue on safety and pollution, as previous posters have mentioned. Therefore, regulation of traffic activity is of utmost importance. Outright ban is not the right solution because there is need for transportation especially for the elderly and parents who have small children.

Our suggestion is the installation of speed bumps. This is a proven method of speed control. It is also affordable because it does not involve huge amount of materials. Perhaps, we can solicit donors and use the concept of bayanihan-everybody shoulders part of the financial burden. We are willing to be a part of his effort.

Also, we suggest that a small area in Wawa be designated as a terminal of tricycle for, at least, two units, not more than that. In case of emergency, there is a ready transportation to the Health Center o Paete General Hospital. May kalayuan ang distancia ng end of the Wawa to the highway to summon help.
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Aug 04, 2009 8:18 pm    Post subject: Re: HERE IS THE GOVT BUREAU/AGENCY FOR TREES WE NEED Reply with quote

Kang Ming,

Maraming salamat for the info. We will try to coordinate with Vice Mutuk and other local authorities concerned regarding this. Mas maganda at mas magiging effective ito kung joint effort ng lahat. Mag e-mail na rin ako kay Ms. Charry Liad para sa mga karagdagang impormasyon.

Salamat uli!
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Aug 05, 2009 1:52 am    Post subject: Reply with quote

Noted po!

Nagtatanong tanong din po ng mainam na puno na matigal sa tubig. Then maghanap po ng mayroong mahihingan sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Maraming salamat po sa mga inputs,

vice mutuk

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Anak Pawis
Guest





PostPosted: Wed Aug 05, 2009 1:22 pm    Post subject: para kay Vice Mutuk Reply with quote

Vice,
Ang pinakamagaling sa tubig ay Putat at Kamatsile
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Wed Aug 05, 2009 1:56 pm    Post subject: Reply with quote

Vice Mutuk;

Please try to coordinate your effort with UPLB, specifically,
Florencia Pulhin and Rodel Lasco, from the World Agroforestry Centre.

http://www.worldagroforestry.o.....232-06.PDF

I am sure Ka Noel's friends at UPLB would know these people.

-Angel

mutuk wrote:
Noted po!

Nagtatanong tanong din po ng mainam na puno na matigal sa tubig. Then maghanap po ng mayroong mahihingan sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Maraming salamat po sa mga inputs,

vice mutuk
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Aug 05, 2009 7:45 pm    Post subject: Reply with quote

Angel,

Salamat! I-relay ko din kay Mayor.

Ang contact ko don ay si:

Roberto P. Cereno
Deputy Director
Makiling Center for Mountain Ecosystems
College of Forestry and Natural Resources sa UPLB.

Anak Pawis,

Putat at Kamatsile din ang info na nakuha ko dito sa mga taga atin. Nagpapahanap na din ako ng takatak nun.

Salamat din,

vice mutuk

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Anak Pawis
Guest





PostPosted: Wed Aug 05, 2009 11:01 pm    Post subject: Resources Reply with quote

Vice,
May isang Dr. Flrorendo Mauricio (Ret forester) dating taga UPLB din, nakatira sa Umali subdivision sa Los Banos, likod ng Los Banos Doctors Hospital, unang nagproject diyan sa Tubog ng tungkol sa agri-ecosystem. Kasama nina Amang Maning (Caiyod). Maraming alam sa mga punong kahoy, baka sakaling makatulong sa inyo.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Aug 06, 2009 12:23 am    Post subject: Reply with quote

Putat Trees Freshwater Mangrove, Indian Oak, Putat
Origin: Coastal areas of: Indian, Madagascar, Philippines, Polynesia








Tagalog: Kamatsili




Kamatsili Scientific name: Pithecolobium dulce (Rozb) Benth.

Tree 5-18 meters high, with pendulous branches, with short, sharp stipular spines. The leaves are evenly 2-pinnate, 4 to 8 cm long. The flowers are white, in dense heads, 1 cm in diameter. Pods are turgid, twisted, and spiral, 10 to 18 cm long, 1 cm wide, and dehiscent along the lower suture. Seeds are 6-8, with an edible, whitish, pulpy aril. The arillus is sweet when the fruit is ripe.

Medicinal uses:
Frequent bowel movements: Decoction of bark taken as tea. The leaves, when applied as plasters, used for pain, venereal sores. Salted decoction of leaves, for indigestion; also used as abortifacient.
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Sun Aug 09, 2009 7:40 am    Post subject: Reply with quote

Suhestyon din po.Ano po kaya kung magpaawala din po tayo ng mga wild duck,yung lumilipad na letter V.O di kaya ay mga tagak.Dagdag attraction din yun at maghigpit sa batas na bawal pakialaman sila.
Back to top
Guest






PostPosted: Mon Aug 10, 2009 12:25 am    Post subject: Reply with quote

me nabbibili bagang ganoon, inuukit lang ni kaka sa yelo yan ay, paukit na lang kaya
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Aug 10, 2009 9:29 pm    Post subject: Reply with quote

Taos puso po akong nagpapasalamat sa isa nating kababayan na "silent reader" ng topic na ito. Ng mabasa niya na magsasagawa ang $20 Club ng fundraising para sa Wawa Beautification and Tree Planting ay kaagad siyang nagpadala ng P2000 para dito. Bagamat ni minsan ay hindi pa yata ako nakabasa ng kahit na anong posting niya sa Paetenian Mailing List o kahit saan dito sa USAP at wala ni isang private email sa akin, siya pala ay tahimik na sumusubaybay sa mga nangyayari sa atin.

Blessings always look smal if we just hold them in our hands. But if we learn to share them, we realize how great and precious they are.

Maraming salamat sa iyong tiwala at masugid na suporta! Smile Smile Smile

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Aug 10, 2009 9:35 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
Suhestyon din po.Ano po kaya kung magpaawala din po tayo ng mga wild duck,yung lumilipad na letter V.O di kaya ay mga tagak.Dagdag attraction din yun at maghigpit sa batas na bawal pakialaman sila.


Napakaganda nga sigurong tingnan kung mapupuno natin ng mga mayayabong at berdeng puno ang magkabilang tabi ng highway at Wawa lalo na kung magkakaroon ng maraming ibon, wild ducks at mga puting tagak na sinasabi mo. Hayaan mo at darating din siguro tayo doon. Uunahin lang muna natin ang pakikipag ugnayan sa proper authorities kung anong mga puno ang babagay sa ating lugar.

Salamat sa suggestion.
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5  Next
Page 3 of 5

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group