PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Election 2010
Goto page 1, 2, 3, 4, 5  Next
 
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
jc
Guest





PostPosted: Fri May 22, 2009 12:05 am    Post subject: Election 2010 Reply with quote

Maaga pa man pero mabuti na ito kesa naman sa last minute saka naghahabol dyan nga lumilitaw. Yung maling desisyon dahil ang naiboboto ay yung huling nakita dahil yun lang ang natatandaan.

Remember that we are accountable of all the actions we made. Candidates may have done good in the past but it is not a carry over if one has done a horrible things at the present AND VICE VERSA.

Let's be wise so we cannot blame the official elected but us the people who practice our rights of suffrage.

It's a wake up call mga kababayan, hindi natutulog ang Diyos,
hinihintay lang tayong magising.

Sa mga kandidato, wag naman sana mamulaklak na naman ang mga bunganga nyo ngayong eleksyon, kundi SABIHIN lang ang TALAGANG KAYANG GAWIN ....WALANG PALABOK , WALANG GARNISH
TOTOONG PLATAFORMANG KAYANG GAWIN HINDI YUNG ISINULAT NG CAMPAIGN MANAGER......O SULSOL NG MGA NAKAPALIGID NA HUNYANGONG NAGIGING LINTA KAPAG NAKAPWESTO NA ANG KANDIDATO.

Maaga pa pero ika nga Daig ng maagap ang masipag!
Sa mga nakaupo na at sa pakiramdam naman ninyo ay wala din naman kayong nagawa, wag na kayong humingi ng panibago pang pagkakataon bagkus ipaubaya na ninyo sa iba namang may naiisip na bagong ideya sa ikakaunlad ng bayan at hindi pansariling kapakanan....

Batu bato sa langit tamaan ay wag mapipikon.....

Moderator I think we both know that this is timely and appropriate. Please don't delete....magpapakilala din ako in due time.....

J.C.
Back to top
Guest






PostPosted: Wed May 27, 2009 10:18 pm    Post subject: Reply with quote

J.C.

Maraming nagawa. Nakabuti ba? Yong mga pangako noong huling halalan, nagawa ba? Maigi ba ang tayo nating mga taga Paete mula noong nahalal ang mga nakaupo? O napako sa pagkaupo?
Back to top
jc
Guest





PostPosted: Thu May 28, 2009 8:44 am    Post subject: Reply with quote

pareng guest,

di nga ba at maraming ipinagawa na ngayon ay pinagtatalunan....
sinasabi ngang walang kasiyahan ang mga tao,

Nagpagawa ng lamppost.....sinabing over budget pero maganda noon,
naglagay ng parol sa kalye pinagbubutas ng mga lasing o walang magawang kabataan,
hinarangan ang casile dahil sa parada o prusisyon,inireklamo kahit matagal na itong ginagawa,
noong pangit ang wawa, kahit may nagmomotor walang problema kahit maingay at mabaho ang tambutso ng tricycle
ngayong pinaganda, ang gusto yata ay para na lang sa mga gustong lumanghap ng sariwang hangin , gustong ipagbawal ang motor,kahit pa yung naghahanapbuhay

hhhaaaaayyyyyy.......
mga kababayan, tayo nga ba ang mga taong worth dying for????
tayo ba ang uukit sa bagong bukas para sa mga kabataan,
kabataan , kayo ba ang kinabukasan ng bayan?

ayaw kong mawalan ng gana sa hinaharap, dahil naniniwala pa din ako sa pag unlad ng bayan natin, ngunit sa aking nakikita at naririnig .....meron nga ba tayong magandang kinabukasan...

ang isang komunidad ay nagsisimula sa pinakamaliit na yunit ng ating pamayanan, PAMILYA . tingnan natin ang ating sarili at saka natin tingnan ang nasa labas....baka sakali natin makita ang dahilan kung bakit tayo maingay at mareklamo......
Silence ....sometimes ....the best sound the ear can hear....

Cheers!
J.C.
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri May 29, 2009 1:06 am    Post subject: Re: Election 2010 Reply with quote

jc wrote:
..magpapakilala din ako in due time.....

J.C.


J.C.

Hindi ko lang mapigil, hindi pa man ay nagpapasalamat na ako sa bigla mong pagsulpot sa eksena. Tama sa tiyempo. May kalaliman mong hinuhukay ang ugat ng problema. Nawa'y mangibabaw ang positibo mong kaisipan laban sa mga negatibong ugali na siyang nagiging sanhi ng pagkasira ng magandang sinimulan ng forum na ito. Sinasalamin ng forum na ito ang bayan ng Paete. Sana kung tunay na mahal natin ito, ay may responsable nating ( for everybody) ipahayag ang ating mga pananaw tungo sa mas ikagagaling ng ating Bayan. Ang bayan na tahanan ng ating lahi.

Hindi ako tutol sa anonymous posting dangan nga lang at may mga pagkakataon na ito ay naaabuso. Sino ang magiging responsable o mananagot sa mga nilalaman ng isang anonymous posting? Ano baga ang mahalaga na kailangan ng mas nakakarami? Isa bagang forum na nagbibigay ng opinyon para maresolba ang isang suliranin ng bayan at nakapagbibigay aliw sa ating mga kababayan, na sa kabilang dako naman ay tumutulong sa ating bayan at handang tumulong pa o isang forum ng batikusan na magpapakita ng kawalan ng galang at kabastusan na alam naman nating lahat na makasisira sa imahe ng ating bayan at nagiging dahilan pa ng pagtamlay ng isang magandang samahan?

Nalalapit na naman ang halalan. Kung ang pagbabasehan ay ang mga nakalipas, ito ay panahon na naman ng kaguluhan. Sana ay huwag magamit ang forum na ito sa bulok na sistemang umiiral tuwing malapit na ang halalan. Mag pipiyesta na naman ang mga anonymous posters. Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad


Maraming Salamat po!!!

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
admin
Site Admin


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 286

PostPosted: Fri May 29, 2009 5:00 am    Post subject: Reply with quote

Vice mayor:

For the coming election, this forum will follow the same policy that it has followed in the past. As long as the postings are not negative, this forum may be used for election matters. This policy was strictly followed last time.

-admin
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Guest






PostPosted: Fri May 29, 2009 9:52 am    Post subject: Reply with quote

vice wrote:
May kalaliman mong hinuhukay ang ugat ng problema.

Vice mayor,

Magandang araw po!
Una po sa lahat ay hindi naman po bigla ang sulpot ko , ang sabi nyo nga po ay napapanahon ang topic na ito.

May kalaliman ang hinuhukay????
Hindi po naman siguro dahil ito po ay matagal nang isyu ng mga datihan ng pulitiko at dati na ring sitwasyon tuwi na lang darating ang halalan.....

Mapektuhan ang positibo kong pananaw ng negatibo....
Ako po'y walang mataas na pinag aralan , ngunit namana ko po sa aking ama ang hilig magbasa at magkaroon ng sariling diskresyon sa bagay bagay upang matimbang ang mabuti at hindi.

Ako po ay lubos na humahanga sa mga taong nagpa umpisa ng forum na ito upang maisiwalat ang ating mga saloobin at ideya sa
ikauunlad at hindi sa ikasasama ng kalagayan ng ating bayan...
Kung sa akin pong "biglaang pagsulpot" ay may nasaling akong maselang bagay ako po ay humihingi ng paumanhin ngunit kung wala po naman ay hindi po yata tama na kontrolin ang aking kapasyahang itago muna ang aking tunay na katauhan.

Ako po tulad ng marami ay nangarap at hanggang ngayon ay nangangarap ng isang pagbabago na magdudulot ng isang pamayanang na pamumunuan ng mga opisyales nang walang pag iimbot at nang buong katapatan.Isang pamayanang nagkakaisa sa layunin at adhikaing maiahon sa pinagkakasadlakang katayuan sa lipunan.Isang bayan na may pagkakaisa at adhikaing marangal.

Ang politika po ay may kulay ngunit ito ay nararapat lamang na 2 lamang, puti at itim nang sa gayun ay makita ng ating mga minamahal na kababayan ...pagdating ng halalan ang tunay na katauhan ng ating ibobotong ilalagak sa pwesto. Isang simpleng opisyal na walang makasariling intensyon at ambisyon bagkus ay adhikaing makatulong sa mamamayan at makapaghatid ng tulong sa kanyang nasasakupan.

Maraming salamat po sa atensyon!

J.C.
Back to top
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Fri May 29, 2009 10:11 am    Post subject: I Agree With Admin and Vice Reply with quote

I agree with the admin says,
sana nga lang walang wag hayaang makapost ung mga taong walang gagawin kundi manira, manlait, mambatos basta pagaralang mabuti ang content ng mga posting nila...... Laughing Laughing

way to go Vice I second emotion... Very Happy Very Happy
hopefully our Paete Readers and posters are resposible enough to value the use of this forum lalo na pagdating ng election, which for sure not going to be easy for the moderators, wag sanang magaya dun sa mga ibang trend dito sa Usap, esp to those anonymous posting......

Request ko lang po dun sa Moderators just for the sake of election and for healthy, legitimate discussion and argument if we can descourage those anonymous posting.....if possible........only on the duration of election just to make sure that our would be candidates ay hindi mababastos o di masasakripisyo ang kanilang kredibilidad at dignidad........ Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Fri May 29, 2009 10:24 am    Post subject: Nice Thoughts Reply with quote

Hi JC
gusto ko lang malaman mo na nagustuhan ko ung mga tinuran mo which are mostly true dahil meron namang tayong officials na well icated sa kanilang sinumpaan, kaya nga lang we cannot pleased everybody but at least try to make them....ika nga.... Smile Smile
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
admin
Site Admin


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 286

PostPosted: Fri May 29, 2009 10:30 am    Post subject: Re: I Agree With Admin and Vice Reply with quote

Lhar_Baguio wrote:
I agree with the admin says,
sana nga lang walang wag hayaang makapost ung mga taong walang gagawin kundi manira, manlait, mambatos basta pagaralang mabuti ang content ng mga posting nila...... Laughing Laughing

way to go Vice I second emotion... Very Happy Very Happy
hopefully our Paete Readers and posters are resposible enough to value the use of this forum lalo na pagdating ng election, which for sure not going to be easy for the moderators, wag sanang magaya dun sa mga ibang trend dito sa Usap, esp to those anonymous posting......

Request ko lang po dun sa Moderators just for the sake of election and for healthy, legitimate discussion and argument if we can descourage those anonymous posting.....if possible........only on the duration of election just to make sure that our would be candidates ay hindi mababastos o di masasakripisyo ang kanilang kredibilidad at dignidad........ Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes


We will try our best to follow the policy of no negative postings on election matters (and this will apply to both registered and anonymous users).

-admin
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri May 29, 2009 10:53 am    Post subject: Reply with quote

JC,

Ang tinutukoy ko ay ang iyong pagpuna hindi lamang sa mga nakaupo kundi pati na rin sa mga bumabatikos dito. Ang iyong mga pahayag sa una at ikalawang posting sa taas ay nagpapakita ng iyong malaya at makatwirang pananaw. Bihira ang taong pumapagitna upang punahin at baguhin ang maling kinagisnan o kinaugalian lalo na ang mismong maling pag uugali (yun ang tinutukoy ko na ugat ng problema). Maganda ang iyong approach, ikaw pa lang yata ang nakita kong anonymous poster na ganito.

Tulad ng tinuran ko, hindi pa man kita lubos na kilala ay nagpapasalamat na ako sa iyo. Kailangan ka ng forum na ito.

Bihira akong tumugon sa anonymous poster, pero iba ka.
Bihira din akong sumaludo pero nais kong saluduhan ka ng personal Wink



Admin,

Salamat po sa assurance!!!


Lhar,

Salamat din. Tara ng mag ronda!!!

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Fri May 29, 2009 11:39 am    Post subject: Ilang Tulog na lang......!!! Reply with quote

Vice,
malapit na.....ilang tulog na lang andyan na ulit ako at medyo sabik na akong makita ang tropa kaya next week reporting for duty na ako.........Vice... Laughing Laughing Laughing
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
anonymous One
Guest





PostPosted: Fri May 29, 2009 5:32 pm    Post subject: Reply with quote

bakit kayo matatakot sumagot sa mga anonymous posters?
Umpisa pa lng, you are only revealing your defensiveness.
Kung me negative, sagutin lang ng maayos or apply positive solution para maneutralized. Kung merong di magandang nagawa/ngyari nuon this will be beneficial for each pa nga bec the chance to set right is here.
Sa mahusay nyo namang pgsagot makikita kung kayo ay worth (not dying)- voted for.
kasi kung puro positive ang posters, malamang, ngbobolahan na lng kayo..di naman kayo architect -eh kayo-kayo na lng ang mg-uusap nyan!?
So, pano...good luck?
Back to top
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Fri May 29, 2009 11:24 pm    Post subject: Be Man Enough Reply with quote

bat mo naman itatago ang identity mo kung ang ipopost mo eh di makatutuhanan, at bat ka matatakot ilahad ang sarili mo kung alam mo na tama at me punto ang isusulat mo, be man enough na panindigan ang mga sinabi mo dito sa aspeto ng usapan sa USAP......ganun lang naman kasimple yun....

kung babasahin mo ang mga anonymous posting dito sa USAP makikita mo kung saan napupunta ang tema ng usapan nila, me matutunan ka bang maganda???, productive ba???, me relevance ba????mag reresulta ba ng maganda ang sinasabi nila??? tayo marunong tayong bumasa sumulat lalo na ng umunawa ng binabasa natin, magkakagana ka bang bumasa kung alam mo na ang binabasa mo eh alam mong di makakatulong sa pag unlad natin or even nila..??.....

not like kung maganda ang palitan natin ng kuro kuro mas magandang encouragement dun sa mga silent reader na mag participate, dahil alam nila ang magiging kaharap nila at makakausap nila sa trend na to eh me layuning maganda...and alalahanin din natin na meron din tayong mga kabataang new readers at bago pa lang natututung makibahagi dito sa Usap Paete sa tingin ba natin magiging magandang pangmulat sa mga kabataan ang ganitong tema ng usapan.......

sa tingin ko lang po sa ganitong trend we should take ownership and be responsible.....di naman sigurong mahirap gawin un dahil nagagawa ng iba..........cheeeerssss......!!!!!



"Always stay at the Level, Square your actions and Circumscribe your passion altrough out your life."
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
jc
Guest





PostPosted: Sat May 30, 2009 2:38 am    Post subject: Reply with quote

Lhar,

I think this is not a question of being a registered user or not,
the main topic is the fast approaching ELECTION on 2010.
Maaring totoo ang iyong tinuran na maraming nambabastos na mga gumagamit ng pseudo pero ito ay karapatan din nila bilang mamamayan ng isang malayang bansa.

Productive? Hindi natin masasabing hindi naging productive yung mga nakaraang diskusyon sapagkat di pa naman tapos ang mga nakaraang isyu.

May relevance ba?...depende kung saan ka tumitingin ...dito nga pumapasok ang sariling pangkaisipan kung paano ang iyong paraan ng diskresyon sa iyong nakikita at nababasang mga pahayag.

May matututunan ka bang maganda?....Meron akong nabasa noon na ang lahat ng nakikita o nagaganap sa paligid ay nagwawakas sa maganda.....bakit kamo? dahil sa bawat kapangitan ay lalo mong makikita at madarama ang tunay na kagandahan.

Be man enough? Is it the only way to prove your manhood?

Malilihis tayo, sa dami ng taong gumagamit ng anonimityUmasa tayo na naryan ang moderator to meke this discussion relatively significant to all of us....alam mong naiintindihan ng nakararami ang kahalagahan ng topic na ito kaya't umaasa akong ang mga sumali at sasali pa sa diskusyong ito ay magkakaroon ng iisang mithiin at hangarin na magkaroon ng pagbabago tungo sa pag unlad sa pamamagitan ng isang malinis at makabuluhang halalan..

Ingat and hangad kong makita ka ng personal

Vice mutuk,
Bihira nga po kayong sumagot sa mga anonymous posting kaya ako po ay nagulat at agad na nagpasalamat sa inyong atensyon.
marahil ito ay dahil sa lukso ng dugo Rolling Eyes

Moderator,
Salamat po sa patuloy ninyong pagtulong at paglalathala ng makabuluhang pagpapahayag ng mga mamamayan ng Paete.

Sa aming inang Bayan, Nawa'y makamtan mo ang kaunlaran at pagkakaisa ng mga namumuno at ng anak ng bayan.

Mabuhay ang Paete at ang mamamayan nito.

J.C.
Back to top
vennb
Forum Moderator


Joined: 10 Jul 2005
Posts: 188
Location: Venn Bagalso

PostPosted: Sat May 30, 2009 4:07 am    Post subject: Sino ka baga? Reply with quote

J.C.
Hindi pa huli para malaman ng madla kung sino ang totoong tao sa kabila ng pangalang J.C. Kakandidato ka baga sa susunod na halalan? Hindi masama ang iyong mga mungkahi, maliban sa kahit Moderator hindi mo man lang abisuhan kung sino ka. Huwag kang mag-alala, nasa tabi-tabi lamang kami.

vennb
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
jc
Guest





PostPosted: Sat May 30, 2009 7:48 am    Post subject: Reply with quote

Sir Venn,

Napatawa naman ako sa sinabi mo... Laughing hindi po ako kakandidato.
Merong dugong nananalaytay pero wala po sa aking kaisipan....
handa po akong tumulong pero nasa estado pa po ako ng emosyon.
masyado pong mababaw ang luha ko sa mga naaapi at nahihirapang kababayan.

May kasabihan nga na "Good intentions are not enough, there shoul be an action after the emotion."Naroon pa nga lang ako sa emosyon.
wala pang aksyon.

Pwede ba akong magpakilala sa Moderators and keep my anonimity dito sa Forum? Question
Hint na lang, kung anak po kayo ng yumaong Nading Bagalso
...ninong ko po siya.

Sa mga kakandidato at susuporta sa kandidato, marahil po ay mag umpisa na kayong magparamdam upang makilala na kayo ng sambayanan.

Maging matalino at gising sa panahon halalan.

Mabuhay po tayo!
J.C.
Back to top
aries
Guest





PostPosted: Sat May 30, 2009 8:43 am    Post subject: Reply with quote

Ang panimula ay “mabuti na ang maaga pag-usapan kaysa sa last minute ”,

Tama ka JC, isang magandang tema na maglalabas ng kanya-kanyang palagay upang makapaghanda sa pagpili ang bawa’t botante sa darating na halalan.

Ang pagpili ay isang napakakumplikadong bagay, sa isang pagkakamali ay tatlong taong pagdurusa at sa tamang desisyon naman ay pag unlad at magandang hinaharap ng ating bayan ang makakamtam.

Ang lahat po ng kumakandidato at nanungkulan na at muling kakandidato, iisa daw po ang hangarin, ang maglingkod, dahil dito, may dalawa akong katanungan at pagpipilian mga sagot sa libis nito na sa aking palagay ay maaaring maging basihan upang magkaroon ng isang tamang pagpili sa isang kandidato.

1. Ano ang dahilan ng pagkandidato?
a. Maglingkod
b. Magpayaman o gamitin sa negosyo ang posisyon
c. Maging popular o makapangyarihan
d. Dahil sa kahirapan, kung sakali at mananalo ay mayroon ng hanapbuhay

2. Ano ang katangian?
a. May kakayanan magpaunlad at magpalakad ng isang pamayanan
(nakatapos man sa pag-aaral o hindi)
b. Walang kakayanan subalit sikat o maraming kamag-anak
c. Walang kakayanan subalit maboladas o magaling mangako

Sa aking mga tanong, maaaring mayroon na kayong kasagutan kung ano ang dapat piliin, subalit sa sa sistema ng ating gobyerno at sa papahirap natin buhay, kung sino ang maparaan siya ang mananalo. Ang Paete sa panahon ng isang di inaasahang pangyayari, ang mga tao ay nagkakaisa, ang eleksyon ay isang napakakumplikadong bagay na kailangan din magkaroon ng pagkakaisa upang magkaroon ng isang magandang resulta na siyang magiging daan upang umunlad at umusad ang ating bayan.

“isang malaya at matalinong pagpili para sa susunod na halalan”
Back to top
jc
Guest





PostPosted: Sat May 30, 2009 7:09 pm    Post subject: Reply with quote

Aries,

Maganda ang naisipan mong tanong para sa mga kandidato, at paraan ng pagpili ng kandidato.

Meron din po akong mungkahi o suhestyon sa mga tatakbo,
maari po bang gumawa kayo ng plataforma na merong timetable,
halimbawa po ay meron kang proyektong ninanais na maganap sa loob ng spekuladong panahon at kung hindi mo naman magawa ay bababa ka sa pwesto o ibibigay sa ibang opisyal na may kakayanang tumapos ng iyong naumpisahang proyekto. Mukha pong mahirap o may magsasabing imposible pero naniniwala po ako na ang isang kandidato ay di magbibitaw ng plataforma kung di nya napag aralan kung paano ipatutupad o ipagaganap ang kanyang plataforma.Isa rin po itong hamon sa mga kandidato upang pag isipang mabuti kung ano ang kanyang magagawa at maitutulong bago sya gumawa ng plataforma, ng sa ganun ay di lamang matamis na salita ang ating naririnig kundi musikang ipaghehele tayo hanggang sa katuparan ng nasabing programa o plataforma.

Hamong ang kandidato mismo ang makakasagot at ang mamamayan ang magdedesisyon kung maniniwala kami sa kakayanan ng isang kandidato, hindi dahil may utang na loob kami sa kandidato o kamag anak namin yung kandidato.

Iwanan na po natin ang ideyalismo na meron itong mabuting nagawa noong di pa sya opisyal at tityakin na kaya nitong tumulong skung maging opisyal ng pamahalaan...
Iba po ang pagtulong ng isang ordinaryong mamamayan kesa sa mga nakaupong opisyal.

Malalim na pag iisip at makabuluhang programa sa 2010!

J.C.
Back to top
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Sat May 30, 2009 7:58 pm    Post subject: Way to go Aries and JC Reply with quote

JC
I thank you sa reply on my post, which I admit enlightened me on some aspect but dun sa iba medyo questionable pa rin I still have some arguments, but anyways sa ganitong trend i might reconsider to entertain anonymous posters siguro kung ikaw ang o si Aries ang katulong natin di ba....... Very Happy Very Happy Very Happy

sana nga po eh magkaroon ng pagkakataon na magkakila kilala tayo, nasa Paete na po ako next week taga Bagumbayan.

and to Aries
Sana nga ang magiging aspirante sa dadating na eleksiyon ay maging kapakipakinabang sa lahat, na laging isasaalang alang ang kapakanan ng nakakarami at di ng pansirili, at hindi ung kumandidato lang para magkatrabaho at iniisangtabi ang accountability and credebility lalo na ang resposibilidad na sinumpaan nila.........harinawa kundi man lahat ay lumamang ang mga aspiranteng karapat dapat at me adhikaing mag silbi ng lubos at tapat............

at kung mangyayari na tayong mga botante ay nakipili ng tingin natin ay me tunay at malinis na hangarin di pa po dun matatapos ang ating responsibilidad bilang botante, meron pa po tayong resposibilidad na tumulong at sumoporta sa mga inihalal natin manalo o matalo man ang ating sari sariling kandidato......

"ask what you can do for your country, but not what your country can do for you" JFK
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
admin
Site Admin


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 286

PostPosted: Sun May 31, 2009 5:43 am    Post subject: Reply with quote

jc wrote:


Pwede ba akong magpakilala sa Moderators and keep my anonimity dito sa Forum? Question



That is okay.

Anonymous posters are not one hundred percent anonymous. The moderators have the IP addresses used by each poster. In your case, for example, my first guess is that you are currently in San Pedro, Laguna. Tama ba?

-admin
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Ben Bagalso



Joined: 30 May 2009
Posts: 2

PostPosted: Sun May 31, 2009 11:40 am    Post subject: Reply with quote

jc wrote:
Sir Venn,

Pwede ba akong magpakilala sa Moderators and keep my anonimity dito sa Forum? Question
Hint na lang, kung anak po kayo ng yumaong Nading Bagalso
...ninong ko po siya.

J.C.


JC, bago lang ako sa USAP PAETE FORUM! Na balitaan ko kasi na may inaanak pala ang Ama ko nasi Nading Bagalso, I want to meet you! para mag-ka kilala tayo bilang kinakapatid. Si Sir Venn Bagalso ay Uncle ko. Tol, email mo lang ako sa bbagalso@yahoo.com. Kamusta mo nalang ako sa pamilya mo.

Ben Bagalso
California USA
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Thu Jun 04, 2009 12:15 am    Post subject: Reply with quote

Karagdagang tanong:

1) Sino po kaya sa mga opisyal ng bayan natin ang lumaki ang assets bago sila mahalal?At ngayon matatapos na ang termino?
2) Kasama po baga ang kongresman natin sa bumoto pabor sa con-ass? o cha-cha?

Madaming tanong pa ang susunod siguro? At sasagutin sa halalan ng botante.
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Sun Jun 14, 2009 11:22 pm    Post subject: napadaan lang po.... Reply with quote

[quote="jc"]Lhar,

Maaring totoo ang iyong tinuran na maraming nambabastos na mga gumagamit ng pseudo pero ito ay karapatan din nila bilang mamamayan ng isang malayang bansa.

we are all know that bilang mamamayan ng malayang bansa ay may sari sarili tayong karapatan, pero ginagamit po ba nila ng tama ito???? not only in voting but also in sharing their opinion. they also have right to think if it can help or not to all the readers.....
kagaya ko po at ng iba pang bago palang at nahiilig makibasa sa usap na mga kabataan, ang pangbabastos at masamang response sa usap ay di po maganda para sa amin, hindi po magandang panimula para sa mga kabataan, na magiging pag asa ng bayan ng paete......

jc... sana lahat ng di nagpapahayag ng pangalan nila ay katulad mo, but if not??????
Back to top
jc
Guest





PostPosted: Fri Jun 26, 2009 10:33 pm    Post subject: Reply with quote

magandang araw,

meron na ho bang nagpaparamdam ng hangaring makapaglingkod?
Meron na ho bang handang ilahad ang kanyang programa
sa ikabubuti ng lahat?
meron na po bang may matinay na paninindigan na di tatanggap ng anumang suhol o udyok mula sa ibang sektor ng piket.

Malapit na po....naway maging masigasig tayo at pag aralangmabuti ang kandidatong ihahalal.

JC
Back to top
Guest 1234
Guest





PostPosted: Sat Jun 27, 2009 1:56 pm    Post subject: Election Campaign 2010 Reply with quote

JC,
Wala ka ba sa Paete noong nakaraang election last year?
Kung hindi mo alam at hindi mo nabalitaan ang nangyari
sa ating mga balota, dapat mong ipagtaka.
Kung meron mang ibang tatakbo sa 2010 walang iba kung
hindi sila ding mga hindi pinalad na makaupo
Dapat lang dahil dito natin patutunayan kung sino ang talagang
totoong nagwagi at ibinoto ng tao, dangan nga lamang ay hindi
sinuwerting katigan ng may kapangyarihan.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3, 4, 5  Next
Page 1 of 5

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group