PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Election 2010
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5  Next
 
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest

PostPosted: Tue Aug 11, 2009 12:06 am    Post subject: Re: election 2110 Reply with quote

superman wrote:

bai, ibig mo palang sabihin wala kang abilidad, kasi ang kaya mo lang gawin ay salita laang....samakatuwid usap lang ng usap walang rin sa gawa, bai, ano ba ang sinasabi mo????? grabe, nahilo ako paikot mo.....ganoon rin pala....WALA!!!

Tamang tama ka doon superman. Wala talaga akong abilidad makatulong na physical dahil wala ako diyan. Ang maitutulon ko lang ay salitang paglilinaw, magbigay ng kuro kuro, panukala, at iba pang positibong pansin/puna. Usap pa rin upang maganyak sa mga mamayan o mga concerned citizen ng nasa Paete na kumilos at hindi lang salita lang ng salita wala naman gawa bagamat may abilidad gumawa.

Kung ako lang ay superman na katulad mo lilipad ako papunta diyan sa Paete at kikilos para sa ikabubuti at ikauunlad ng Paete. At makakabalik ako dito sa bahay para mag-almosal. Pero hindi ako katulad mo. Wala talaga akong abilidad upan physical na kumilos kaya nga ako’y humingi ng puamanhin sa simula pa.

Matanong nga pala kita, superman. Ikaw ba ay may nagawa na para sa ikabubuti o ikauunlad ng bayang Paete? O kasama ka rin diyan sa Paete ng mga ngawa lang ng ngawa wala namang gawa bagamat may pagkakataon naman kumilos dahil kayo ang physical na nasa Paete? Mayroon dapat kayong abilidad – kilos!

Humihingi rin ako ng paumanhin sa iyo particular dahil sa mga sinulat ko. Baliwalain mo na lang. Mahihilo ka talaga kung hindi abot ng iyong kaisipan.
Back to top
superman
Guest

PostPosted: Wed Aug 12, 2009 4:01 pm    Post subject: Re: election 2110 Reply with quote

Anonymous wrote:

ah ganun baga? hindi abot ng utak ko? alam mo sa aking palagay, kahit sino hindi kayang abutin ang mga sinabi mo, kasi mismo ikaw di mo kayang intindihin ang mga sinabi mo....
Oo, isa ako sa mga taong puro salita lang, kasi wala kaming magawa dahil wala kaming kapangyarihan (kulang). ito lamang ang alam namin gawin, yun magingay ng sa ganun may makarinig. maaring hindi tamang paraan o hindi sapat, pero ito lamang ang magagawa namin....
natatawa lamang ako sa mga taong tulad mo...na ang buong akala ay may magagawa pag nandito. kaibigan, hindi ganun kadali yun mga sinasabi mo....isa pa, basahin mo ang mga isinulat mo. ang sabi mo walang kang maitutulong kundi ang magbigay ng kuro-kuro. kung ganun isa ka pala sa amin, puro SALITA LAMANG! sana naintindihan mo na.....abot baga ng utak mo ang mga sinasabi mo?
sana maintindihan mo na kahit nandito kami sa paete hindi ganun kadali ang kumilos. marami kang kailangan para makakilos.....kung talagang naniniwala kang may magagawa ka bakit hindi ka umuwi dito, wag yun puro ka lang "SALITA".
Back to top
Guest

PostPosted: Wed Aug 12, 2009 10:12 pm    Post subject: Salamat naman inamin mong ikaw'y "puro SALITA LAMANG!&q Reply with quote

superman wrote:

kung ganun isa ka pala sa amin, puro SALITA LAMANG! sana naintindihan mo na.....abot baga ng utak mo ang mga sinasabi mo?
sana maintindihan mo na kahit nandito kami sa paete hindi ganun kadali ang kumilos. marami kang kailangan para makakilos.....kung talagang naniniwala kang may magagawa ka bakit hindi ka umuwi dito, wag yun puro ka lang "SALITA".

Superman, wag mo akong ihanay sa mga katulad mo. Hindi ako isa sa inyo na "puro SALITA LAMANG!" Salamat naman at inaamin mo na puro salita ka lamang. Diyan ako hangga sa iyo. Hanggan diyan lamang.

Tuwing makakauwi ako nagdadala kami ng tulong. Halimbawa, medical suplies, medicine, mga doctor, atbp. At kung hindi man ako nakakauwi ay kumikilos ako dito para maitustus ang mga prohekto para ikauunlad at ikabubuti ng Paete. Halibawa na lamang, Breakfast program ng mga bata diyan, medical mission, atbp. May mga nakalahad na mga prohekto para sa mga darating na araw. Halimbawa, Family Support Center na kung saan ay magbibigay na libreng consultation sa mga naiwan pamilya ng mga nagaabroad. Consultation sa mga pamamaraan ng financial, child care, long distance relationship, atbp. Hindi lang consultation mga promotion para iparating sa mga tao papaano makaiwas sa mga nakamamatay na sakit. Mga ilan lang yang mga projectong ginagawa, pinaplano o pinapatupad ko habang wala ako diyan.

Katulad ng sinabi ko wala akong abilidad na physical makatulong diyan. kung nai-intidihan mo kung anong ibig sabihin ng DIYAN. Hindi nangahulugan na wala akong abilidad na physical makatulong dito para ikauunlad o ikabubuti ng Paete.

Sabi mo "marami kang kailangan para makakilos." E di hindi imposible. Kaya! Marami at mahirap nga lang, pero hindi imposeble. Pero kong ikaw ang aasahan na "puro SALITA LAMANG" walang mangyayari.

Oy oy oy oy! Kung hindi mo nga maitindihan dahil hindi abot ng utak mo, baliwalain mo na nga. Wag mo ng pilitin.
Back to top
arwin122079
Guest

PostPosted: Wed Aug 12, 2009 11:01 pm    Post subject: Re: ...sala sa init sala sa lamig Reply with quote

.... wrote:
kurakut lahat..
khit cnu ang manalo..lagi ding merong mambbastos..

pagkatapos po nating ihalal,ha2napan natin ng butas wala po ba taung ga2win kundi batikusin ang mga namu2no s ating bayn????

mas maganda po ata na suportahan natin hanggang makatapos ng termino,kung wala po talagang ginawa edi palitan na di po baga?

sa mga nasa pwesto tuloy lang po ninyo ang serbisyo!!
pagpu2gay po!!!!

arwin mamaril
Back to top
Guest

PostPosted: Thu Aug 13, 2009 1:48 am    Post subject: Reply with quote

Bayan na Iniwan

Sige lang mga magigiting na Paetenians
Tuloy lang ninyo ang balitaktakan
Idalismo at paliwanagan kayo ay magpagalingan
At padamihan kayo ng naitulong sa ating inang bayan

Kayo nga marahil ang may kakayahan
Kami ay nandito midiator laang
Sana nga laang walang iyamutan
Pare pareho lang naman kayong may mga katwiran
Sa mga naitulong at naiambag sa madla
Maraming salamat at wag nyo sana itong pagsawaan

Ngayon nga ay amoy na nalalapit na halalan
2010 wag nyong kakalimutan
Ang inyong karapatan sa lider na napupusuan
Piliin ang di kurap at pangsariling intensyon laang

Masaya na naman ang mga bayaran
Kikita na naman sa ibebenta nyang paghirang
Sa kanya nga naman ay mahirap lapitan
Oras na itoy maupo sa pamahalaang bayan.

Sari saring problema ng ating inang bayan
Nakawan dito, basura doon at minsan may patayan
Masakit sa ulo sa mayor na nahirang
Lalo na kung ito'y di natin pagtutulungtulungan.

Kaya mahal ko na mga kababayan
Tumulong palagi kung may kakayahan
Itoy magandang pangakong isinakatuparan
Nang inyong lisanin nalungkot nating bayan.
Back to top
jc
Guest

PostPosted: Thu Aug 13, 2009 3:08 am    Post subject: nanaman Reply with quote

magandang araw po!

mukha pong humahaba at nagiging interesante ang pagpapalitan ng kuro kuro, isang magandang sinyales ng masiglang kaisipan
na naway maghatid ng kabutihan sa ating bayan.

Meron na po bang nag lahad ng hangaring kumandidato maliban kay JTDLC,?
Ang pulitika daw po ay madumi ngunit ang aking ipinagtataka ay bakit maraming gusto pa ding pumasok o makikurawraw sa larangan ng pagsisilbing TOTOO sa bayan.

Isang HAMON po di lamang kay JTDLC, ano po ba sa palagay nyo ang dapat na gawin upang maiba ang impresyon na ang pulitika ay
para sa mga hambog at bulaan ng lipunan.
na ang mga kandidato ay puno ng pag iimbot at kasinungalingan.
na ang bayan ay kaban na pagkukunan ng kanilang ikabubuhay.

Saan tayo pupulutin na naman? Meron pa kayang kangkungan na
paglalagakan sa atin sa sandaling pumalya ang ating desisyon sa halalan?

Gising na kaibigan ko.kinabukasan ng bayan ay nasa palad nyo.
Nawala na si Ninoy, wala na din si Cory, nasaan pa din tayo?
Ikaw kaibigan,naitanong mo na ba sa sarili mo kung ano ang diwa ng EDSA at ng pagkamatay at muling pagkabuhay ng demokrasya?
Mag isip tayo ng malalim, baka ang problema ay talagang nasa sa atin.

Isang malalim at makabuluhang pagninilay sa ikauunlad ng bayan natin.
MABUHAY ANG PAETE!

jc
Back to top
Superman
Guest

PostPosted: Thu Aug 13, 2009 5:14 am    Post subject: Re: Salamat naman inamin mong ikaw'y "puro SALITA LAMAN Reply with quote

Anonymous wrote:
superman wrote:

kung ganun isa ka pala sa amin, puro SALITA LAMANG! sana naintindihan mo na.....abot baga ng utak mo ang mga sinasabi mo?
sana maintindihan mo na kahit nandito kami sa paete hindi ganun kadali ang kumilos. marami kang kailangan para makakilos.....kung talagang naniniwala kang may magagawa ka bakit hindi ka umuwi dito, wag yun puro ka lang "SALITA".

Superman, wag mo akong ihanay sa mga katulad mo. Hindi ako isa sa inyo na "puro SALITA LAMANG!" Salamat naman at inaamin mo na puro salita ka lamang. Diyan ako hangga sa iyo. Hanggan diyan lamang.

Tuwing makakauwi ako nagdadala kami ng tulong. Halimbawa, medical suplies, medicine, mga doctor, atbp. At kung hindi man ako nakakauwi ay kumikilos ako dito para maitustus ang mga prohekto para ikauunlad at ikabubuti ng Paete. Halibawa na lamang, Breakfast program ng mga bata diyan, medical mission, atbp. May mga nakalahad na mga prohekto para sa mga darating na araw. Halimbawa, Family Support Center na kung saan ay magbibigay na libreng consultation sa mga naiwan pamilya ng mga nagaabroad. Consultation sa mga pamamaraan ng financial, child care, long distance relationship, atbp. Hindi lang consultation mga promotion para iparating sa mga tao papaano makaiwas sa mga nakamamatay na sakit. Mga ilan lang yang mga projectong ginagawa, pinaplano o pinapatupad ko habang wala ako diyan.

Katulad ng sinabi ko wala akong abilidad na physical makatulong diyan. kung nai-intidihan mo kung anong ibig sabihin ng DIYAN. Hindi nangahulugan na wala akong abilidad na physical makatulong dito para ikauunlad o ikabubuti ng Paete.

Sabi mo "marami kang kailangan para makakilos." E di hindi imposible. Kaya! Marami at mahirap nga lang, pero hindi imposeble. Pero kong ikaw ang aasahan na "puro SALITA LAMANG" walang mangyayari.

Oy oy oy oy! Kung hindi mo nga maitindihan dahil hindi abot ng utak mo, baliwalain mo na nga. Wag mo ng pilitin.

May nagsabi bang "IMPOSSIBLE"? ikaw ang nasabi niyan.....at hindi ko pinipilit, pinaiintindi ko lang sa iyo na sa tingin ko mahirap mangyari kasi sa iyo ,akala mo porke nakakapadala ka dito ng kung ano ano ay natatapos na ang problema...Oo, nakakatulong ng malaki sa bayan natin, pero hindi natatapos ang problema nandiyan pa rin, naiintindihan mo ba? hindi lang yan ang "solution"...ngayon, kung ikaw ba ang aasahan may mangyayari ba? by the way, hindi lang ikaw ang may naitulong sa bayan natin, pero kami tulad mo na pinaglalandakan na may naitulong, dahil hangang hindi natin nabibigyan ng "solution" band aid pa rin yan.....hangang dito na lang, sige good luck sana maintindihan na ng UTAK mo hahahahah....by the way, nagpapicture ka ba nun nagpadala ka ng mga tulong ? hahahah
Back to top
Guest

PostPosted: Thu Aug 13, 2009 11:33 pm    Post subject: Re: Salamat naman inamin mong ikaw'y "puro SALITA LAMAN Reply with quote

Superman wrote:

May nagsabi bang "IMPOSSIBLE"? ikaw ang nasabi niyan.....at hindi ko pinipilit, pinaiintindi ko lang sa iyo na sa tingin ko mahirap mangyari kasi sa iyo ,akala mo porke nakakapadala ka dito ng kung ano ano ay natatapos na ang problema...Oo, nakakatulong ng malaki sa bayan natin, pero hindi natatapos ang problema nandiyan pa rin, naiintindihan mo ba? hindi lang yan ang "solution"...ngayon, kung ikaw ba ang aasahan may mangyayari ba? by the way, hindi lang ikaw ang may naitulong sa bayan natin, pero kami tulad mo na pinaglalandakan na may naitulong, dahil hangang hindi natin nabibigyan ng "solution" band aid pa rin yan.....hangang dito na lang, sige good luck sana maintindihan na ng UTAK mo hahahahah....by the way, nagpapicture ka ba nun nagpadala ka ng mga tulong ? hahahah

Magaling ang pangangatwiran mo superman. Talagang kong wala pang "solution" band aid pa rin ang mga pinapadala naming tulong. Kaya ng utak ko yan. Dagdagan mo pa. Mali ka nama superman. Hindi ko sinabing "IMPOSSIBLE." Ang sinabi ko "hindi impossible." Ang hirap mo namang umintindi. Sabi naman sa iyo baliwalain ma na lang kung hindi kaya ng kaisipan mo.

Pero habang wala pang solution yan mga yan (band aid) lang ang kaya namin maipadala. Sa buong pagasa na makakabawas sa mga kahirapan ng mga mamayan ng Paete. Sa buong pagasa ng meron kaming masa-salba. Maski isa malaking bagay na para sa akin yan.

Subokan natin kung kaya mong abotin ito. Halimbawa, ang isang tao ay may karamdaman na wala pang lunas (solution) ay naghihingalo na, lubhang nahihirapan na dahil sa kirot/hapdi at sakit dulot ng kayang karamdaman. Walang magawa ang doctor kundi bigyan siya ng gamot para mabawasan ang kayang paghihirap hanggang sa kanyang kamatayan. Gayan din ang ginagawa namin. Hanggang walang pang solution at may nakikita kaming nahihirapan tutulong kami sa aming makakaya maski na "band aid" lang. Mabawasan lang ang kirot/hapdi dulot ng kahirapan. Sana maabot ng iyong kaisipan yan.

Ang solution ay kailangan manggaling sa mga mamayan na naninirahan sa Paete, katulad mo. Kayo ang may-ari ng bayan ng Paete. Kayo ang may-ari ng landas ng bayan ng Paete. Kayo dapat ang magpasya kung anong direksyon ninyo dadalhin ang bayan ng Paete. Pababayan ninyo bang tuloyang lumubog sa kumunoy ang bayan ng Paete o gagawa kayo ng paraan (solution) upang matigil na o mabawasan man lang ang paghihirap ng mga mamayan ng Paete.

Pero kung aasahan ay mga katulad ninyo na "puro SALITA LAMANG!" walang mangyayari sa bayan ng Paete. Sayang ikaw pa naman ay nasa posisyon upang makagawa ng kabutihan para sa bayan ng Paete. Pero wala "puro SALITA LAMANG!" walang magawa o walang ikakayang magawa. Sa katapusan, walang abilidad.

Marami akong picture diyan. Alam ko walang kang picture dahil hindi ka naman kumikilos sa mga programang ikabubuti ng Paete. Ang sabi mo nga "puro SALITA LAMANG!" ikaw. Pabayaan mong akin ang huling SALITA. Ikaw ang nagupmpisang bumatikos sa akin hayaan mong sa akin ang huling pagbatikos sa iyo. Para parehas tayo, walang dehado, llamado, atraso - cool?
Back to top
superman
Guest

PostPosted: Fri Aug 14, 2009 5:28 am    Post subject: Re: Salamat naman inamin mong ikaw'y "puro SALITA LAMAN Reply with quote

kahit ano pa ang sabihin mo...ano man paikot mo, bottom line...GANOON PA RIN...wala pa rin solusyon! idinaan mo pa sa mga may sakit ha, ang topic dito ay pang kalahatan problema ng bayan natin hindi lang sa may sakit, kaya nga sinabi kong maigi at may nagawa kang "papicture" ay tulong pala, pero hindi solution yan, yun lang hindi pa kaya abutin ng utak mo hahahah. gawa kasi ng napakataas ng tingin mo sa sarili kaya di mo kayang intindihin, bawasan mo kaya ng flash hahahah
may pa huli huli ka pang salita, lahat tayo dito ay may huling salita kasi forum ito...masyado kang madrama hahahah..di ba sinabi ko na iyo na hindi lang ikaw ang nakagawa ng "TULONG" dito sa bayan natin, marami rin kami dito na nakagawa na ng amin tulong, pero hindi sapat ito, higit pa diyan sa mga band aid mo ang kailangan ng bayan natin, pareho tayong nakagawa na ng "BAND AID" pero di tulad mo puro papictureang habol, kami dito, nakikita namin ang "REALIDAD".
hindi dahil wala kaming picture ay hindi kami nakakatulong, hindi lang namin pinalalandakan ang naggawa namin tulong, kasi nga hindi pa ito ang solution.....may pabawas bawas ka pang sinsabi, bawasan mo man ng bawasan yan mapupuno uli yan hangang walang solution.....sige papicture ka uli hahhah
Back to top
batman
Guest

PostPosted: Fri Aug 14, 2009 7:57 am    Post subject: dakdakan Reply with quote

Tumigil na kayo sa mga dakdakan ninyo aba nakakarindi na ipasara na itong usap paete lagi nalaang kayong pagalingan at murahan,maigi pa ang pagusapan ay yong nakakalibang na mga nangyayari sa atin at hindi yang mga sisihan ay may litratohan pang ipinagsasabi,ay ano naman ang inyong iniisip lagi na laang kontrahan? nakakahiya na magbago na kayo ng topic,alam naman natin na ng politics ay basura maski saang dako.bai na talagang taga paete bai walang pagbabago,isipin nalaang ninyo na hindi laang taga atin ang nakakaalam nito,,,pagusapan na yong maiiging balita maigi pa,, taga saan ay awan....
Back to top
robin
Guest

PostPosted: Fri Aug 14, 2009 1:42 pm    Post subject: Re: dakdakan Reply with quote

batman wrote:
Tumigil na kayo sa mga dakdakan ninyo aba nakakarindi na ipasara na itong usap paete lagi nalaang kayong pagalingan at murahan,maigi pa ang pagusapan ay yong nakakalibang na mga nangyayari sa atin at hindi yang mga sisihan ay may litratohan pang ipinagsasabi,ay ano naman ang inyong iniisip lagi na laang kontrahan? nakakahiya na magbago na kayo ng topic,alam naman natin na ng politics ay basura maski saang dako.bai na talagang taga paete bai walang pagbabago,isipin nalaang ninyo na hindi laang taga atin ang nakakaalam nito,,,pagusapan na yong maiiging balita maigi pa,, taga saan ay awan....

salamat Kuya!!!!! maigi at dumadami na ang superheroes sa bayan natin.....next time tayo na man ang magpapicture!!!!!
Back to top
Guest

PostPosted: Sat Aug 15, 2009 12:40 am    Post subject: Re: Salamat naman inamin mong ikaw'y "puro SALITA LAMAN Reply with quote

superman wrote:

idinaan mo pa sa mga may sakit ha, ang topic dito ay pang kalahatan problema ng bayan natin hindi lang sa may sakit

Kawawa ka naman. Simpleng lang ang binigay kong pahintulad hindi mo pa nakuha. Sayang akala ko pa naman ay may pagasa ka.

superman wrote:

may pa huli huli ka pang salita, lahat tayo dito ay may huling salita kasi forum ito...

Hiningi ko ang huling exit para parehas lang tayo. Sabi mo “hangang dito na lang, sige good luck.” Eto nandito ka na naman. Wala ka palang sarileng salita. Sa susunod na mag “SALITA LAMANG” ikaw paniniwalaan ka ba namin?

superman wrote:

marami rin kami dito na nakagawa na ng amin tulong, pero hindi sapat ito, higit pa diyan sa mga band aid mo ang kailangan ng bayan natin, pareho tayong nakagawa na ng "BAND AID

O, ngayon nakikiGAWA ka na rin? Noong una “puro SALITA LAMANG” ikaw. Masama kami sa iyo dahil band aid lang ang nagagawa namin. Ipinakikita mo lang talaga na wala kang totoong salita. Hindi ka lang pala “puro SALITA LAMANG” wala rin ka palang totoong salita.

superman wrote:

pero di tulad mo puro papicture ang habol, kami dito, nakikita namin ang "REALIDAD".
hindi dahil wala kaming picture ay hindi kami nakakatulong, hindi lang namin pinalalandakan ang naggawa namin tulong, kasi nga hindi pa ito ang solution

O pati yong picture ko ay mamasamain mo. Wala ka ng nakitang maganda. Lahat ay masama para sa iyo. Imbes na matuwa ka na may nagmamalasakit ay mamasamain mo. Anong klaseng konsiyensa mayroon ka? Hindi naman kami ang may dala ng litratista. Mga litratista ng bayan ng Paete yon. Maski may nakatagong motibo ang mga tumutulong may naitutulong pa rin. Ang mga picture ay kailangan para sa Public Relation. Sorry kung hindi abot ng utak mo ang importansya ng Public Relations. Pero kailangan yang mga litratong yan para malaman ng iba na may pag-asa pa. Para magkaisip ang mga iba na tumulong din. Baka sakali may isa man lang na may SOLUSYON ang maabot ng mga picture niyan. Pero kung ikaw ang hahantayin, walang mangyayari. Puros hindi tama, lahat masama, hanap dahilan, atbp.

superman wrote:

bawasan mo man ng bawasan yan mapupuno uli yan hangang walang solution.....sige papicture ka uli hahhah

Mapuno man nandito uli kami. Kung hindi na kami sana yong mga picture naming ay ma-ikayat ang mga sumusunod na generation na tumulong din. Para bawasan ang napupunong balon. Hanggat walang SOLUTION kumilos kayo at GUMAWA. Hindi “puro SALITA LAMANG!” Pero kung ikaw ang hahantayin walang mangyayari.

O sige na ako na ang mag e-exit, “hangang dito na lang, sige good luck.” Ipakikita ko sa iyo kung papaano kumilos ang may SALITANG TOTOO! Give it your best shot. Ipagpatuloy mo na ang “puro SALITA LAMANG” na ugali kung may keridibilidad ka pa.
Back to top
nag-aaral tumula
Guest

PostPosted: Sat Aug 15, 2009 2:05 am    Post subject: [size=18]Guest at Superman[/size] Reply with quote

Guest at Superman
Bai baina mga kababayan
Saan ba matatapos ang inyong pagsagutan
Pagalingan dito at naglelecturan
Sa mga katwirang ayaw nyong maibabawan

Ang pagtulong nyong bigay sa ating kabayan
Maraming salamat at itoy palay may larawan
Upang malaman ng mga mamamayan
At makahikayat pa sana mga may kakayahan

Sa malayong lugar na iyong kinasadlakan
Doon mo namumunimuni kalagayan bayan mong iniwan
Lalo na marahil sa mga taong bayan
Na dumaranas doon ng sobrang kahirapan

Kaya sa isang nilalang na nasa karangyaan
Unawain sana kanilang kalagayan
Silang humaharap problema ng tanan
At sila rin ang lulutas sa kanilang kaparaanan

Maswerte pa rin bayan Paete'ng hinirang
Marami ditong taong nagmamahal
Isa ka na dito robin, batman, at superman.
Kaya kuro kuro ay dapat lang pakingan.

Pasensya na kayo sa tula kong lulan
Nitong aking isip na mababaw lang ang kaligayahan
Gusto ko lang sumingit sa mainit na sagutan
Nitong isang Guest kontra kay Superman.

Sa ganitong laban talas isip ang puhunan
Mayroong natutuwa at naguguluhan
Iwasan lang sana maaskad at murahan
Pagkat baka tayoy pulutin pare pareho sa kangkungan.

Hangang dito nalang po muna mga kababayan
Bigyan daan na lang natin ang nagpapaliwanagan
Susulpot po akong muli sa kainitan
Nang mga magiting natin ginoo at ginang Paetenians.
Back to top
superman
Guest

PostPosted: Sat Aug 15, 2009 8:57 am    Post subject: Re: Salamat naman inamin mong ikaw'y "puro SALITA LAMAN Reply with quote

Anonymous wrote:
superman wrote:

idinaan mo pa sa mga may sakit ha, ang topic dito ay pang kalahatan problema ng bayan natin hindi lang sa may sakit

Kawawa ka naman. Simpleng lang ang binigay kong pahintulad hindi mo pa nakuha. Sayang akala ko pa naman ay may pagasa ka.

superman wrote:

may pa huli huli ka pang salita, lahat tayo dito ay may huling salita kasi forum ito...

Hiningi ko ang huling exit para parehas lang tayo. Sabi mo “hangang dito na lang, sige good luck.” Eto nandito ka na naman. Wala ka palang sarileng salita. Sa susunod na mag “SALITA LAMANG” ikaw paniniwalaan ka ba namin?

superman wrote:

marami rin kami dito na nakagawa na ng amin tulong, pero hindi sapat ito, higit pa diyan sa mga band aid mo ang kailangan ng bayan natin, pareho tayong nakagawa na ng "BAND AID

O, ngayon nakikiGAWA ka na rin? Noong una “puro SALITA LAMANG” ikaw. Masama kami sa iyo dahil band aid lang ang nagagawa namin. Ipinakikita mo lang talaga na wala kang totoong salita. Hindi ka lang pala “puro SALITA LAMANG” wala rin ka palang totoong salita.

superman wrote:

pero di tulad mo puro papicture ang habol, kami dito, nakikita namin ang "REALIDAD".
hindi dahil wala kaming picture ay hindi kami nakakatulong, hindi lang namin pinalalandakan ang naggawa namin tulong, kasi nga hindi pa ito ang solution

O pati yong picture ko ay mamasamain mo. Wala ka ng nakitang maganda. Lahat ay masama para sa iyo. Imbes na matuwa ka na may nagmamalasakit ay mamasamain mo. Anong klaseng konsiyensa mayroon ka? Hindi naman kami ang may dala ng litratista. Mga litratista ng bayan ng Paete yon. Maski may nakatagong motibo ang mga tumutulong may naitutulong pa rin. Ang mga picture ay kailangan para sa Public Relation. Sorry kung hindi abot ng utak mo ang importansya ng Public Relations. Pero kailangan yang mga litratong yan para malaman ng iba na may pag-asa pa. Para magkaisip ang mga iba na tumulong din. Baka sakali may isa man lang na may SOLUSYON ang maabot ng mga picture niyan. Pero kung ikaw ang hahantayin, walang mangyayari. Puros hindi tama, lahat masama, hanap dahilan, atbp.

superman wrote:

bawasan mo man ng bawasan yan mapupuno uli yan hangang walang solution.....sige papicture ka uli hahhah

Mapuno man nandito uli kami. Kung hindi na kami sana yong mga picture naming ay ma-ikayat ang mga sumusunod na generation na tumulong din. Para bawasan ang napupunong balon. Hanggat walang SOLUTION kumilos kayo at GUMAWA. Hindi “puro SALITA LAMANG!” Pero kung ikaw ang hahantayin walang mangyayari.

O sige na ako na ang mag e-exit, “hangang dito na lang, sige good luck.” Ipakikita ko sa iyo kung papaano kumilos ang may SALITANG TOTOO! Give it your best shot. Ipagpatuloy mo na ang “puro SALITA LAMANG” na ugali kung may keridibilidad ka pa.

ganun ba kakitid ng utak mo? o talagang walang laman yan....kahit ano pa ang sabihin mo wala pa rin solution...ang pinagpipilit mo ay yun tulong na naibigay mo na gusto mong malaman ng buong bayan ng PAETE, kung yan lang ang habol mo o sige nga "THANK YOU" masaya ka na.....again, alam na namin na gusto mong malaman namin lahat na nagbibigay ka ng TULONG ok...wag mo ng paikot ikotin pa ng mga palpak mong salita, kasi ang buttom line "WALA PA RIN SOLUTION ANG PROBLEMA NG BAYAN NATIN" kaya wag kang magagalit sa amin "PURO SALITA LANG" kasi kahit IKAW, kahit ano pang pagbibida mong tumutulong ka, hindi mo parin nagagawan ng solution. ok....ngayon pumupunta ka na sa Kredibilida, ganun ka na ba kadisperado? kahit meron akong kredibilidad o wala, hindi ako yun nagbibida ng may naibigay ako, IKAW YUN....hindi mo kailangan ang kredibilidad para makita mo ang realidad....o sige papalakpakan ka nanamin sa mga naibigay mo ha!!! para hindi sumama ang loob mo hahahaha siyanga pala pasensiya ka na, sumama ang loob mo nun sinabi kong may mga naitulong rin kaming "PURO SALITA LAMANG"dahil ang gusto mo, eh yun tulong mo ang mapansin ng tao hahah
Back to top
Guest

PostPosted: Sat Aug 15, 2009 10:30 pm    Post subject: Reply with quote

kung pinansyal na tulong sana di naibubulsa heheheheheheh mga taga paete nga naman oo, puro asa sa mga nasa abroad kala mo'y may utang na loob sa kanila.. kayod kayo bayan hindi puro asa, tatamad pa.......ngek!
Back to top
Matandang Reformer
Guest

PostPosted: Sun Aug 16, 2009 9:44 am    Post subject: Reply with quote

Hindi ,matatapos ang usapang ito kung ganyan ang inyong mga pananaw. NAKAKAHIYA. Makikita sa palitan ninyo ng kuro kuro kung anong klaseng tao kayo. Hindi nga uunlad ang bayan natin kung ganyan ang mga ugali. Mahiya naman kayo, tingnan ninyo ang mga sarili ninyo sa salamin. Kadumaldumal ang mga ugali. Sabi nga ng isang dayuhang Filipino,"ang taga Paete maraming talento pero mga pilosopo at pintasero."Inspite daw na magpasalamat sa mga tulong na nanggagaling sa abroad ay ganon pa ang maririnig sa ilang kababayan natin. Hindi baga na mag pasalamat na lang at mapagkumbaba kahit na maliit na bagay lang ang ipinadala diyan. I pray to God na sana ay magkaroon ng peace and love ang bawat isa sa atin. Good luck.
Back to top
Guest
Guest

PostPosted: Sun Aug 16, 2009 12:05 pm    Post subject: election 2010 Reply with quote

Anonymous wrote:
kung pinansyal na tulong sana di naibubulsa heheheheheheh

Isa ba ito sa problemang sinasabi mo superman? aba wag mo ng hintayin masolusyonan ito dahil hindi na ito mawawala....at bakit ka ba naaapektuhan sa papicture ng mga tiga amerika? public relation daw yun, bayaan mo na sila, sila sila rin laang naman ang may relasyon eh...wag ka ng makialam dun...lumipad ka na lang ng mataas para di mo makita ang picture nila!
Back to top
batman
Guest

PostPosted: Sun Aug 16, 2009 7:33 pm    Post subject: hindi na politics Reply with quote

Tama ka old reformer hindi laang ganito ang mga ugali ng mga taga sa atin, matagal na yan. hindi na maalis yan wika nga'y nasa ugat na, hindi laang pintasero at manghuhusga, inggitero pa, tsismoso, ay naku di na yan maaalis sa ugali ng mga iyan pag may gumagawa ng kaigihan sa atin sasabihin pay nagmamagaling, kaya ang maigi wag ng gumawa ng kaigihan ng para wag mahusgahan. lagi na laang tinitira yong mga taga san antonio ay ang mga ugali ay halos kaparis din.... taga saan? ay awan nakakahiya ng sabihin na taga paete..
Back to top
LASTIKMAN
Guest

PostPosted: Fri Aug 28, 2009 11:03 am    Post subject: PANAWAGAN PARA KE FLORSAN Reply with quote

isa lang pong paalala para ke Ginoong Florsan na sana po ay inyong pag aralang mabuti ang inyong mga Konsehales na kasama nyo sa partido na tatakbo sa darating na eleksiyon, na sa halip na makatulong sa inyong tagumpay ay makahila sa inyo sa pagkatalo......paki rebisa lang po ang hanay ng kanyang mga konsehales na ayon sa kanilang mga background at eksperiyensa.....dahil sa totoo lang po meron dyan na sa wari namin ay di karapatdapat...........hanggat me panahon pa......mag amoy amoy ka........isa lang pong paalala........maraming salamt po...
Back to top
Latikwoman
Guest

PostPosted: Fri Aug 28, 2009 8:47 pm    Post subject: Reply with quote

Sino sino pa ba ang lineup ni Mr.Flor san? BAka naman puede malaman para mapagaralan kung talagang palpak o karapat dapat na maging konsehales, maigi na yong maaga pa lang, maeksamen ng bayan ang mga nais tumakbo
Back to top
jc
Guest

PostPosted: Fri Aug 28, 2009 11:26 pm    Post subject: election 2010 Reply with quote

magandang araw mga kababayan,

totoo pala ang balita na muling tatakbo si Florsan,
maaari kaya natin syang imbitahin sa forum na ito upang maipakilala ang sarili at mailahad ang mga plataforma ng kanyang partido?

sana'y matulungan tayo ng moderators na mailathala angmga mungkahi at suhestyon, plataforma at desisyon ng mga kandidatong naghahangad na maglingkod sa bayan.

mabuhay po kayo!

jc
Back to top
mamamayan
Guest

PostPosted: Sat Sep 12, 2009 9:14 pm    Post subject: Reply with quote

Sino sino po baga ang mga napipintong kandidatong Mayor at Bise sana po ay maglahad ng kanilang plataporma ang kanikanilang partido para po nakatala dito sa Usap ang inyong mga ipapangako at mga balakin para sa ganon ay mayroon kaming nakikita sa oras ng inyong panunungkulan.
Back to top
Castilloguest
Guest

PostPosted: Sat Sep 19, 2009 11:07 pm    Post subject: Reply with quote

I would like to ask for all your forgiveness in being able to write my thought in our proud language, It is the unfortunate experience of being educated abroad.

I may not have a right to voice my concern as I have not been a citizen of the Philippines for many years of my life. But you cannot take away from me the memories of the Paete I remember as a child.

In my visit back as an adult I did find the political system a bit scary and busy.

What I found discerning is the broken promises or the lack of transparency with the winning Officials. I had the previlage of sitting in on plans of creating an Environmental Waste area above our beautiful town, my Uncle thought it would be great for me to sit in as I was not a citizen but a foreign observer with a viewpoint that was objective, my uncle eventually declared that the nay side had won to stop this project.

There are so many opinions some in anger and some with voice of concern but whatever our difference maybe we all have to agree we all LOVE Paete.

This LOVE we have for our Paete must be the uniting factor after the elections the Officials must do their best to produce and follow through with the promises made but to take care that the future of the town is not traded in for easy quick finances, uphold past and future provisions, and first and formeost do not hold your self higher than the citizens you serve .

To you the citizens of our town who have the courage to face the daily tribulations and hardships of the country we all love do not allow these officials run free hold them responsible to their promises but be vigilant, for one promise could be a trojan horse in disguise and could bring ruin to our town. You are just as responsible for their actions as they are, for your lack involvement in issues pertaining to the future well being of our rest in your hands. You are the safeguards, you are what Paete is and what Paete will be stand strong and stand together!

As for the unfortunate Paetenians who still do not have the ability to just drop our lives abroad and return home let us do what we can to support the Officials, citizens and our family.

But let us just remember we are all Paetenians and that commonality is why we share the LOVE of our town Paete and anyone who does not care from where they are from is just as important as dirt!

Once again forgive me for my ignorance.

God Bless!!
Back to top
Concerned Paetenian
Guest

PostPosted: Sat Sep 26, 2009 4:53 am    Post subject: Reply with quote

Tama po si Mr. Old Reformer...

Nakaka-lungkot isipin kung bakit nga sobrang di na maganda ang nangyayari sa ating mga kababayan sa Paete. Mas nakakarami sa bilang ang magagaling magsalita or bastos, kaysa marunong gumawa.

Dati-rati, sa aking pagkakatanda maayos naman ang pag-uugali mg mga tao sa bayan natin, walang patutsadahan, palitan ng masasamang salita o pagbato ng mga privadong usapin sa mikropono man o sa panulat, puro daw lamang po sistehan. Aba, ay talagang naka-aamaze po ngayon at pati dito sa ating website ay nakararating ang di magagandang pag-uugali at choice of words ng mga sumusulat.

Hindi naman po natin kailangang itago ang hindi magandang pangyayari sa ating bayan, pero sana naman po ay sa maayos na pamamaraan at di bastos na mga salita ang mababasa ng bawat bumibisita dito.

Alalahanin po natin na hindi lamang po tayo o ang ating kasagutan ang may access dito sa ating site.

Marahil nga siguro, ayon sa aking kakilala na naging bisita namin dyan sa atin, dala ito marahil nang napakaraming migrante mula sa ibat-ibang rehiyon na naririrahan na sa atin ngayon. Kumbaga, hindi na purong taga-Paete ang namamayani sa ating bayan. Okay lang 'yon di po ba mga kababayan, pero sana... piliin natin kung ano ang magandang nakikita natin sa kanila at i-apply sa ating mga buhay at itapon ang hindi kanais-nais sa mata at sa tenga
... di po ba 'yon ang tama?
Back to top
Galing ibang bayan
Guest

PostPosted: Sat Sep 26, 2009 5:45 pm    Post subject: Sagot kay Concerned Paetenian Reply with quote

"Dala ito marahil ng napakaraming migrante mula sa ibat ibang rehiyon na naninirahan na sa atin ngayon"

Ito ay isang tahasang pagbibintang sa aming mga lahing nanggaling sa malayong mga bayan. Mga kababayang mga taga Paete: tingnan muna ninyo kung kayo'y magsasalita bago ninyo husgahan ang mga dayuhang galing sa ibang bayan. Kami ay maingat na nakikipamayan at maingat na nakikisama gayon din maingat sa paguusap lalo na kung tungkol sa mga lihitimong taga Paete. Maigat na nakikipag negosyo sa inyo. Noon dumating ang mga dayuhang nagaaral magukit, napansin na namin ang ugaling Paete: numero uno ang sulutan, bibigyan ko kayo ng isang maliwanag na halimbawa kung paano na monopolize ni Vener ang ukit, lalo na sa pagpatay sa malilit na maguukit, halimbawa ay si Lupo at ibang nagyayaon sa Bagyo at ibang lugar. Hindi lamang sulutan kundi crab mentality pa, palaging sarili ang iniisip. Tandaan ninyo at lalo na ikaw Concerned Paetenian (paano ka naging concerned kung wala kang pasintabi sa nasasagasaan mo?), kung kayong lihitimo ang nagbibintang sa aming may lahing dayuhan, nagkakamali kayo, tingnan mo muna ang uling mo bago ka magbintang sa kapuwa mo.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5  Next
Page 3 of 5

Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group