PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

SA AKING PANGARAP

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Sat Jul 16, 2005 5:39 am    Post subject: SA AKING PANGARAP Reply with quote

SA AKING PANGARAP

1. Ang makatang pulpul kay morpheo'y pantas,
hindi alintana indayug at sukat.
Labagin mo na ang lahat ng batas,
puputihin na lang ang libreng pangarap.

2. Nagsalasalabid ang mga pangarap,
mayrong kulay abo at may kulay rosas.
Magpikit-magmulat iisa ang sangkap,
bakit ikaw itong laging hinahanap.

3. Sa aking pangarap kay ganda ng bukas,
ang lahat ng bagay ay maaliwalas.
Sa aking paggising totoo ang lahat
pagkat ang ngiti mo ang unang namalas.

4. Sa aking pangarap may dalang pag-asa,
ang huni ng ibong ang ipinagbabadya,
ay pagmamahalan at pagkakaisa,
ang puso'y napuspus ng galak at sigla.

5. At nakita ko ring papawiri'y bughaw,
ang hamog sa damo sa madaling araw.
Ang ihip ng hanging mula sa amihan,
simoy ng pinipig sa binhi ng palay.

6. Doo'y namalas din mga nakaraan,
ang hirap ng buhay, mga agam-agam,
mga hinanakit, mga kasawian,
na hindi mabura sa aking isipan.

7. At nadakong bigla ang balintataw,
mga ala-alang nagbabalik tanaw,
masayang kapon na naguumapaw
sa kaligayahan at mga tagumpay.

8. At ng timbangin ko ang nanga karaan,
alin ang mabigat alin ang mas lamang,
mga kasawia't mga kalungkutan
ay natabunan na ng kaligayahan.

9 .Sa aking pangarap ako'y malaya na,
wala ng hilahil at wala ng dusa,
sa panaginip ko'y may tanging kay ganda,
sa aking pangarap ay kasama kita.
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Sat Jul 16, 2005 7:38 am    Post subject: Re: SA AKING PANGARAP Reply with quote

Sa pangarap, lahat maaari mong baguhin
Ang hindi maganda kaya mong alisin
Ipalit mo ang masaya para sa 'yong damdamin
Maaliwalas na buhay ang sa 'yo'y darating!
Smile Wink

Happy Fiesta d'yan sa atin Mayor. Bilib talaga ako , kahit busy ay nakakagawa ng magandang tula! Very Happy
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 4:10 am    Post subject: Pangarap Reply with quote

Hi Ka Noel!

Maraming salamat sa iyong "Pangarap".
Binabati ko ng Maligayang Kapistahan ang lahat ng mga taga-Paete.
Bali aba! Nakaka-homsik.

regards

aurel
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 7:36 am    Post subject: Re: SA AKING PANGARAP Reply with quote

sa pangarap kayang baguhin ang lahat
maging kumain ng mapuputing duhat
kaya ring maabot ang tala't mga bituin
ang ilagay sa iyong palad at hipu-hipuin

Happy Fiesta po sa lahat ng mamayan ng Paete
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group