PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PES69 Baliktaran...40 Years na Bumabaligtad pa!
Goto page 1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Sep 14, 2009 7:02 am    Post subject: PES69 Baliktaran...40 Years na Bumabaligtad pa! Reply with quote

Dear Klasmeyts,

Tama pala ang sinasabi ng mga matatanda noon, na pag nagkakaedad ka raw ay parang ibinubuhos na ang mga araw sa bilis. Dati ay mga amoy limpi pa tayo, uhugin at galisin, puro hima ang leeg at pangkol sa ilong, nagkalat sa PES campus at walang alam sa mundo kundi laro, laro, laro…at kaunting aral. Noon ay 1969. Diyata’t 40 taon na pala ang lumipas? Ambilis nga naman pala talaga….

Nakailang reunion na rin naman tayo. Noong una ay after 10 years. Habang yun iba ay nagka asawa na at nag uumpisang bumuo ng sariling pamilya, yung iba ay mga single pa rin at busy sa career. Ang ating mga huntahan noon ay hindi pa gaanong mga seryoso. Muling lumipas ang ilan pang reunion. Aba , yung mga mabibilis ay meron ng apo pero yung iba na mas matutulis ay tumatakada pa rin hanggang sa makaabot sa 13 ang anak, nagkaroon tuloy ng award as the “Most Productive”. Pero nitong nakaraan 37th reunion natin ay medyo naiiba na ang istilo. Magagalas at mga bastos pa rin pero yon ay mga “pama” na lamang. Kunwari ay mga barako pa, pero mahihimpot na pala...alam na ni Panong yan! Nagpaparamihan na tayo ng “item” sa katawan, paramihan ng sakit: high blood, kolesterol, rayuma, diabetes, yung iba pa ay malakas ang loob umamin na may ED na pero yung iba ay pa-macho epek pa rin…kahit naman halatang lambutin na...alam ulit ni Panong yan! Pataasan na ng dosage ng mga gamot, Lipitor, Allopurinol, Norvasc, Lozartan, Diamicron atbp. Mukha ngang may nag va-Viagra na rin. Meron ng na-stroke, marami ng tinanggalan ng matres, almuranas, tonsil, appendix, apdo, mga bato kung saan saan at iba pang lamang loob. Sa madali't salita ay wala na silang pang “bopis”. Pero kahit kulang kulang na ang spare parts, malalakas pa rin magsunog ng baga at tumungga ng Ginebra….mga walang kadala dala! Aba, ang mga babae ay maririkit pa rin, mamula mula at mabibintog ang mga pisni, mga nagmumurang kamyas kahit pa menopause na. Bagama’t yung iba ay sinlaki na raw ng aparador, bakas pa rin naman ang mga ganda. Wika nga ay “may asim pa”. Bahala na lamang kayong mamili kung asim ng sinigang o asim ng paksiw. Kung asim naman ng manggang hilaw ay tiyak may kasama yung amoy bagoong.

Pero teka, lumalayo tayo sa pakay ko. Noong nakaraang Sabado, Sepember 12, 2009, sa bahay nina Cel Pagalanan sa Markina ay nag miting ulit kami para sa ating nalalapit na 40th PES Reunion. Ang napagkasunduang tema ay “PES69 Baliktaran, 40 Years na Bumabaliktad Pa!”. Huwag na kayong kumontra kung parang bastos ang dating…kunwari lang yon, at pati yun ay alam din ni Panong! Dahil very busy na ang bawat isa pagkatapos ng Pasko, napagkasunduan na gaganapin ito sa December 19, 2009 , Sabado, sa marangyang bahay ng ating El Presidente Mucho Guapito Don Wally Baldemor.....sipsip! May magandang swimming pool sa kanila kaya pwede tayong mag night swimming kahit araw, strictly bathing suit daw ang attire at may premyo ang "most daring". Magkakaroon pa ng maraming pagpupulong at ipapaalam namin sa inyo ang iba pang magiging detalye. Sana ay pilitin ninyong makadalo. Nakakalungkot na halos taon taon ay may nag-abroad na permanente sa ating klasmeyts...yung abroad style RIP baga! Sagunahin natin ang mga ganitong pagkakataon habang tayo ay malalakas pa at mga wala pang kurus ang mga pangalan. Magasaya tayo. Pero teka, isang bilin lamang, bawal daw magsama ng asawa lalo na yung mga KJ. Maghahanda kami ng mga mapangahas na parlor games na baka ikapikon nila at maging sanhi pa ng ito inyong pag aaway pag uwi ninyo sa bahay. Walang sisihan pag kayo ay nagkahiwalay.

At bago ko makalimutan, ang patakan nga pala ay P200. Isang pakiusap na lambing lamang, doon naman sa kayang magbigay ng mas higit ay buong puso namin yong tatanggapin. Malulungkot kami kung wala kayo pero yon ay mapupun-an kung malaki ang ambag ninyo. Hindi man kayo makarating, isasama namin ang inyong mga espirito sa aming bawat galak at halakhak.

Bago ako magtapos ay nais namin kayong handugan na isang makabagbag damdaming awiting pamamasko, ang Kampana. Sa pamamagitan ng awiting ito, kahit kagugulo at walang praktis, sana ay mapukaw namin ang inyong mga puso upang magpadala kayo ng inyong mga ambag. Ito ay silbing caroling namin sa inyo na sana ay magustuhan ninyo:




Maraming salamat sa matiyagang panonood. Kung kulang pa ay gagawa pa kami ng maraming video hanggang sa marindi kayo at magpadala ng malaki. Aasahan namin ang inyong mga pidbak at suhestyon lalo na sa aspetong pinansyal. Mag email na lamang kayo sa akin para sa inyong mga pledges.

At last na last na talaga...heto pala yung iba pa naming mga piktyurs. Pasensya na sana kayo kung yuu't yuun din ang mga mukhang makikita ninyo... mga mukhasim!




Ang nyong klasmeyt,
Saida Cagandahan Dulay
VP for Metro Manila
==============================

List of Officers - PES69 2006-2009

President - Wally Baldemor
VP - International - Delia Cagayat - De Guzman
VP - Metro Manila - Saida Cagandahan - Dulay
VP - Paete - Erleen Viriña - Velasco
Treasurer - Gilda Dailo - Mallari
Secretary - Bobet Castillo
P R O - Amanda Tolentino - Abenojar

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Sat Oct 03, 2009 8:57 pm; edited 2 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
amanda tolentino abenojar
Guest





PostPosted: Mon Sep 14, 2009 10:53 pm    Post subject: batch 69 reunion Reply with quote

kamusta sa aking mga batch 69 balintungan. we're back sa mas masayang paghahanda sa ating nalalapit na okasyon. bagamat medyo matamlay very positive ako na habang papalapit ito ay bibigyan ninyo ng pansin para gunitain ang mga nakalipas nating kabataan.tama si klasmeyt saida marami pictures kami na nakapost and you can the changes in our physical looks. kahit nagkakaedad na still we are lively and happy.kaya join na kayo have a gud tym. one day lang un siguro naman you can spare with us that day on dec. 19.marami kaming plans when we had the meeting last sept 12 but....you can read between the lines. as you hear the caroling that we made kahit walang praktis arya para maipahatid lang sa inyo na kami ay namamasko.
ung mga nasa abroad try to come. book your ticket as early as possible so that you can be a part of the affair at ung di naman makakauwi your spirit will be with us on the said affair but we.need cash. ha....ha....ha.
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Sep 15, 2009 3:37 am    Post subject: Reply with quote

hi saida ako nga pala c angel adao pwede ba pakilista mo ako sa dadalo,at kailan o kanino ipapadala ang ambag ko,salamat miss u all ka69,cheers!!!
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Tue Sep 15, 2009 5:23 am    Post subject: aliw na aliw Reply with quote

hahaha kahit hindi nyo ako kaklase ay aliw na aliw ako sa inyo...nawala tuloy ang antok ko bwuahahaha...galing ng gimik nyo he he he...yan ang mga hapyog na taga Paete bwuahaha...

ligayang dulot nyo, tagos sa aking puso
Alindog at baliktaran, salita nyong pina uso
Makauwi sana ako, masulyapan inyong grupo
Hahaha salamat sa ligaya, napatula tuloy ako!
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Elsie BG



Joined: 18 Dec 2008
Posts: 34
Location: Al-khobar, Saudi Arabia

PostPosted: Tue Sep 15, 2009 10:52 am    Post subject: RESPONSE Reply with quote

HELLO DEAR CLASSMATES PES BATCH 69,

HAPPY TO SEE YOU ALL HERE... AYOS ANG CAROLLING NINYO. TALAGANG TULOY NA TULOY NA ANG REUNION. NAG CHAT NA KAMI NI AMANDA AT NAPAG USAPAN NA NAMIN IBANG SUGGESTION PARA SA PREPARATION... HOPEFULLY MAKAUWI AKO .. SAIDA JUST KEEP ME POSTED SA MGA DEVELOPMENT.. LATER NA ANG PLEDGES NAMIN NI FRANK.TAKE CARE AND GUDLUCK SA MGA MASISIPAG NA KA REUNION.. BAHALA NA MUNA KAYO KUNG ANO MAN ANG MAITUTULONG KO KAHIT NA DITO AKO SAUDI, JUST TELL ME.... GOD BLESS EVERYONE.... MISS KO ANG MGA CHIKAHAN AT GET TOGETHER NA TULAD NIYAN...


FRANK GAGARING /ELSIE BALQUIEDRA
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Sep 15, 2009 8:30 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
hi saida ako nga pala c angel adao pwede ba pakilista mo ako sa dadalo,at kailan o kanino ipapadala ang ambag ko,salamat miss u all ka69,cheers!!!


Hi Angel,

It's good to see you here...maigi ka pa at nag reply. Naghihintay pa ako ng iba nating klasmeyts, mukhang mga bisi pa. Nasaang lupalop ka baga ngayon?

Sa Dec 19 ang ating reunion...marami pa kaming ipo-post dito, kung ano pa yung mga mapag uusapan sa mga susunod na miting. Next miting will be on Sept 26, sa Paete na. Hayaan mo't magka-carolling ulit kami. Mukhang epektib sa iyo ano dahil lumabas ka ng lungga mo Very Happy

Will also post the names of all the reunionists here, by section. Medyo ina-update ko lang yung may mga kurus dahil talaga nga palang medyo marami na rin.

Silip-silip ka lang dito for the updates...

Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Sep 15, 2009 8:36 pm    Post subject: Re: aliw na aliw Reply with quote

dadaludy wrote:
hahaha kahit hindi nyo ako kaklase ay aliw na aliw ako sa inyo...nawala tuloy ang antok ko bwuahahaha...galing ng gimik nyo he he he...yan ang mga hapyog na taga Paete bwuahaha...

ligayang dulot nyo, tagos sa aking puso
Alindog at baliktaran, salita nyong pina uso
Makauwi sana ako, masulyapan inyong grupo
Hahaha salamat sa ligaya, napatula tuloy ako!


Hi Daludsky,

Nabagbag baga ang damdamin mo sa aming carolling? Biglaan lang yon, walang praktis kaya para kaming mga bulating nangingisay! Laughing Laughing Laughing

Sige, samahan mo si Yves para maka attend ka rin...isasali ka namin dun sa mga hapakang laro Laughing
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Sep 15, 2009 8:42 pm    Post subject: Re: batch 69 reunion Reply with quote

amanda tolentino abenojar wrote:
kamusta sa aking mga batch 69 balintungan. we're back sa mas masayang paghahanda sa ating nalalapit na okasyon. bagamat medyo matamlay very positive ako na habang papalapit ito ay bibigyan ninyo ng pansin para gunitain ang mga nakalipas nating kabataan.tama si klasmeyt saida marami pictures kami na nakapost and you can the changes in our physical looks. kahit nagkakaedad na still we are lively and happy.kaya join na kayo have a gud tym. one day lang un siguro naman you can spare with us that day on dec. 19.marami kaming plans when we had the meeting last sept 12 but....you can read between the lines. as you hear the caroling that we made kahit walang praktis arya para maipahatid lang sa inyo na kami ay namamasko.
ung mga nasa abroad try to come. book your ticket as early as possible so that you can be a part of the affair at ung di naman makakauwi your spirit will be with us on the said affair but we.need cash. ha....ha....ha.


Amanda,

Epektib kaya yung carolling natin? Sa susunod na miting ay kumanta ulit tayo hanggang sa sila ay marindi... Very Happy

Ang ganda ng pwesto mo...solo mo yung lugar mo dahil nagsisiksikan kami sa gitna.. Aba, ay gusto pa nga akong takpan ni Lilian! Laughing
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Sep 15, 2009 8:49 pm    Post subject: Re: RESPONSE Reply with quote

Elsie BG wrote:
HELLO DEAR CLASSMATES PES BATCH 69,

HAPPY TO SEE YOU ALL HERE... AYOS ANG CAROLLING NINYO. TALAGANG TULOY NA TULOY NA ANG REUNION. NAG CHAT NA KAMI NI AMANDA AT NAPAG USAPAN NA NAMIN IBANG SUGGESTION PARA SA PREPARATION... HOPEFULLY MAKAUWI AKO .. SAIDA JUST KEEP ME POSTED SA MGA DEVELOPMENT.. LATER NA ANG PLEDGES NAMIN NI FRANK.TAKE CARE AND GUDLUCK SA MGA MASISIPAG NA KA REUNION.. BAHALA NA MUNA KAYO KUNG ANO MAN ANG MAITUTULONG KO KAHIT NA DITO AKO SAUDI, JUST TELL ME.... GOD BLESS EVERYONE.... MISS KO ANG MGA CHIKAHAN AT GET TOGETHER NA TULAD NIYAN...


FRANK GAGARING /ELSIE BALQUIEDRA


Hi Elsie,

Makakauwi baga kayo ni Frank? Sinubukan ko yung PES mailing list natin at active pa naman pala...ang kaso ay wala man lang nag reply kahit isa. May mga ipinadagdag ako kay Frank na bagong email ads pero mukhang hindi nakarating sa kanya, please check with him.

Also, sabi ni Bobet ay si Jun Dayo daw ang gagawa ng ating invitation. I understand si Frank ang gumawa noon so if they can coordinate with each other, mas mainam. Gusto na kasing umpisahan ni Jun dahil baka magahol siya sa panahon. Heto ang email ad niya:

Leopoldo Dayo - <jun>

Another thing, I will be posting here the list of the PES69 reunionists, by section. I sent you the old list, paki update lang dahil marami na naman palang nadadagdag na may kurus.

Thanks and let's keep in touch. Please tell Frank to visit our PES mailing list para doon na lamang tayo mag update.
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Elsie BG



Joined: 18 Dec 2008
Posts: 34
Location: Al-khobar, Saudi Arabia

PostPosted: Wed Sep 16, 2009 12:35 am    Post subject: keeping in touch Reply with quote

Hi Saida

Nag sent ako sa iyo ng e mail. Paki send sa amin ang contact number or e mail add ni Leopoldo Dayo para in case he need some information about sa prog/invitation maipadla ni Frank ang backup copy nung mga dating prog natin.I will try to post some pictures ng mga previous reunion paturo pa ako kay frank how.Maisingit na siguro ni Frank kase start na ng long ramadam holiday dito tom. 10 days din yon. Baka meron tayong malapitan para ma broadcast sa tv esp sa tfc ang ating coming reunion mas maganda.Hoping madami makabasa ng mga posting natin at mag response sa ating move na ito. Okey i will check everynow and then sa mga updates mo.. I will try to help in a way kahit nandito ako.Regards to all..


Elsie
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Sep 16, 2009 11:11 pm    Post subject: PES69 2006-2009 Working Committee Reply with quote

Dear Klasmeyts,

Heto nga pala yung listahan ng ating working committee 2006-2009 which was provided by klasmeyt Bobet Castillo:


over-all chairman - wallie baldemor
finance committee - gilda dailo/elsie balquiedra
food, drinks & refreshment - cel pagalanan/beulah sacapaño
reception & physical arrangemen. - erleen viriña/mario cadawas
parlor games & prizes - saida cagandahan/amanda tolentino
ways & means - men vitor/eduardo acupanda
security, peace & order - emil bagulbagul/vg cagayan
programme & invitation. - bobeth castillo/jun dayo/ frank gagaring


We have a PES69 mailing list, I suggest you send me an email so we can include your names in our yahoogroups for better communication. So far so good, marami yata ang nabagbag ang damdamin dun sa aming carolling at dumagsa ang emails mula sa mga kaklase nating nagkalat sa iba't ibang lupalop Sana ay dumagsa rin ang pledges... Very Happy

Our next meeting will be on September 26, Saturday at 5pm sa Paete. Will post the venue later.....AT, magaka-carolling ulit kami. sa ayaw ninyo at sa gusto! Very Happy Everybody is invited to attend.

Inaayos lang namin yung listahan ng mga reunists and we will post them later....ina-update lang namin yung mga nadagdag na kukurusan. Crying or Very sad

Maraming salamat sa inyong lahat. Pilitin ninyong dumalo dahil sinisigurado namin na masisiyahan kayo.
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Fri Sep 18, 2009 2:44 am    Post subject: Roll Call muna tayo Reply with quote

Mga Klasmeyts, roll call muna tayo!

Say PRESENT kung makikita ninyo yung pangalan ninyo by sending an email to me or to PES_Class_69@yahoogroups.com ...kitakits tayo doon.

GRADE SIX - Section 1 (VI-1)
Miss Nimfa V. Cadapan - Class Adviser

BOYS:
Acupanda, Eduardo A.
Acyatan, Luisito P.
Agbay, Benedicto V. (+RIP)
Agbay, Justino A.
Balandra, Enrique N. (+RIP)
Cadawas, Allan B.
Cagandahan, Nestor O.
Cajipe, Bartolome B.
Cajumban, Emil B.
Castillo, Bethsidito A.
Montes, Ben E Jr.
Palatino, Eliseo D.
Ragub, Manolito D.
Raquepo, Tommy M.
Rocamora, Hermogenes C.
Valdellon, Nelson B.
Vitor, Meynardo I.

GIRLS:
Africano, Yonnie B.
Agbada, Dolores P.
Bagabaldo, Tessie C.
Baldemor, Delia B.
Balquiedra, Elsie A.
Cagayat, Corazon A. (+RIP)
Dailo, Gilda G.
Ferrer, Charito F. (+RIP)
Ibañez, Teodora D.
Madrigal, Cecilia C.
Pagalanan, Maura G.
Ramos, Leolinda M.
Sanchez, Felisa P. (+RIP)
Toribio, Lornalie R.
Valdecantos, Nieves M.
Valencia, Nenita R.
Villarin, Marilou F.


Next po yung Section 2....
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Elsie BG



Joined: 18 Dec 2008
Posts: 34
Location: Al-khobar, Saudi Arabia

PostPosted: Fri Sep 18, 2009 5:52 am    Post subject: Calling Grade VI-1 Reply with quote

Hello mga klasmates ! 40 years ay napakahabang panahong lumipas siguro naman dapat lang na muli tayong magkita kita kaya inaasahan namin na tutugon kayo sa aming mga panawagan para maging successful ang ating 40th year reunion. Kung nagawa natin na maging madami tayo nung 10th, 15th, 25th, 30th at 37th sana naman ngayong 40th years marami ang makadalo.. Gawin nating isang hindi malilimutang pagkakataon ang araw na ito ... Sa mga klasmate na di namin nakakasama tuwing reunion sana naman ngayon makasama namin kayo . Life is short... Enjoy our younger years... be happy .... Lets have a break sa ating routine activities... Join our reunion at for sure lalo kayong masisiyahang balikan ang ating munting mga ala ala 40years ago....


ELSIE BALQUIEDRA
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
yolly delarosa
Guest





PostPosted: Sat Sep 19, 2009 10:24 pm    Post subject: 69 baligtaran reunion Reply with quote

Manga klasmayt ,how s everybody. Happy to see u singing talagang. Young at heart cel,lilian miss u &all of u I hope makaattend ako sure na ba ang dec 19 2009
Back to top
saidadulay
Guest





PostPosted: Sun Sep 20, 2009 12:19 am    Post subject: Re: 69 baligtaran reunion Reply with quote

yolly delarosa wrote:
Manga klasmayt ,how s everybody. Happy to see u singing talagang. Young at heart cel,lilian miss u &all of u I hope makaattend ako sure na ba ang dec 19 2009


hi yolly,

at last ay nakita mo rin pala! o di ba enjoy? abangan nyo yung next naming carolling sa sept 26, sabay nung miting namin sa paete.....gagawan na namin ng choreography para maganda.

yes, sure na sure na yung dec 19 dahil wala ng ibang time. baka mini get together na lang yung after the holidays or during the xmas break....kung sino na lang yung available

we'l expect you!

saida
Back to top
Elsie BG



Joined: 18 Dec 2008
Posts: 34
Location: Al-khobar, Saudi Arabia

PostPosted: Sun Sep 20, 2009 3:12 am    Post subject: CALLING Reply with quote

CALLING ALL PES BATCH 69 PLEASE POST YOUR LATEST PICTURE ON OUR YAHOO GROUP MAILING LIST .. POST IT ON OUR ALBUM "REUNIONIST NOW" WE ALSO CREATED SOME ALBUM WHERE YOU CAN POST YOUR PICTURES. BAKA MERON SA INYO NA MAY PICTURES NUNG GRADUATION NATIN PLEASE SHARE IT TO THE GROUP...LOOKING FORWARD TO SEE YOU ON DECEMBER 19, 2009....

WELCOME YOLLY ... PLEASE REGISTER SA ATING YAHOO GROUP.. PAKI SABI DIN SA IBANG KLASMATE ..THANKS AND REGARDS.

SA MGA KLASMATES ITO ANG ATING YAHOO GROUP:

http://groups.yahoo.com/group/PES_Class_69/


ELSIE
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Sep 20, 2009 7:06 am    Post subject: Re: 69 baligtaran reunion Reply with quote

yolly delarosa wrote:
Manga klasmayt ,how s everybody. Happy to see u singing talagang. Young at heart cel,lilian miss u &all of u I hope makaattend ako sure na ba ang dec 19 2009


yolly,

i have added your name to the PES69ners mailing list.

paki send mo naman sa akin yung updated email ads nina glo at nova at ng iba pa nating klasmeyts kung may alam ka pa. the more the merrier! we hope to see you ...and all our other klasmeyts there more often.
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Sep 20, 2009 7:10 am    Post subject: Reply with quote


GRADE SIX - Section 2 (VI-2)
Miss Lourdes D. Gagaring - Class Adviser (+RIP)

BOYS:
Achoy, Ireneo E.
Afurong, Ricardo B.
Bagabaldo, Federico S.
Bagabaldo, Lino A.
Bagongahasa, Oscar B.
Balan, Gregorio A.
Cadapan, Danilo J.
Cadapan, Luis B.
Cuaterno, Nemesio G.
Dalay, Alex B.
Dayo, Leopoldo B., Jr.
Mullada, Cesar R.
Ramos, Miguel M.

GIRLS:
Afuang, Catalina D.
Afurong, Edelita P. (+RIP)
Asido, Teresa G.
Baisas, Aquilina C.
Baldemor, Susana B.
Bernardo, Teresita A.
Carolino, Jacinta A.
Cortez, Marilyn A.
Dalagan, Elisa A.
Ferrer, Josephine A.
Lapitan, Lourdes A.
Lazaro, Esther O.
Lindo, Loreto D.
Madridejos, Lolita C.
Makilan, Eladia C.
Mendoza, Elisa C.

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Thu Sep 24, 2009 5:33 am    Post subject: Reply with quote

GRADE SIX - Section 3 (VI-3)
Mrs. Maria F. Sacapaño - Class Adviser (+RIP)

BOYS:
Adao, Emerson Eusebio B.
Alturas, Erasmo C.
Angeles, Angelito B.
Baes, Ernesto H. (+RIP)
Bagalso, Gerardo I.
Bagcus, Estelito D.
Baldemor, Melecio G.
Cadang, Anacleto A.
Cadawas, Mario C.
Caiyod, Conrado B.
Dalagan, Rodolfo F.
Pawig, Rodolfo C.
Paz, Salvador B. (+RIP)
Ramos, Enrique M.
Ramos, Placido M.
Salceda, Nilo C.
Senson, Melecio A.
Valdellon, Donato A.

GIRLS:
Acu, Emerita C.
Acupan, Leocadia A. (+RIP)
Bagcus, Jovita D.
Cadayona, Myrna F.
Cagandahan, Imelda S.
Cagayat, Delia G.
Cagayat, Teodora C.
Cruz, Nelia B.
Dagawin, Natividad P.
Garcia, Leonila C.
Lumbao, Sabina V.
Magnaye, Gloria D.
Rasalan, Anita C. (+RIP)
Umali, Cecilia C.

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Sep 29, 2009 2:00 am    Post subject: Minutes of the Meeting - 26Sep/09 Reply with quote

Dear Klasmeyts,

Rain or shine, may ilaw o wala ay tuloy daw ang miting kaya kahit bagyo at halos zero visibility sa SLEX ay umuwi ako noong Sabado ng umaga. Sa awa ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa Paete kahit may panaka nakang baha sa Calamba at Los Baños. May ilang nakakalat na bato sa may Hydro Kalayaan, indikasyon na nahuhulog ito mula sa itaas. Medyo paspas ako ng matapat doon, mahirap ng magaya dun sa sasakyan na nabagsakan noon kung saan ay patay lahat ang sakay.

Sa madali't salita ay natuloy ang aming meeting kina Pres Wally Baldemor. UNLI [unlimited] ang pagkain….spaghetti, kalamay na niluto daw ni Pres mismo, fried chicken at umaapaw na iced tea. Nag kape pa kami kalaunan ng nagkaigihan sa huntahan. As usual yung mga lalaki ay hindi pwedeng walang “mamam”o inom kaya nakapag golf [gulp, gulp, gulp…] pa sila ng maglabas si Pres ng alak. Nag request pa ng Katingko sa Amanda dahil masakit ang ulo…nalamigan yata yung bumbunan. Maigi naman at boy scout si El Presidente …eveready sa supply ang Katingko…dahil siguro palagi na ring nirarayuma Crying or Very sad

Bago ko pala umpisahan ang report ay mamasyal muna tayo sa marangayang tahanan ni El Presidente Wally Baldemor kung saan tayo magdaraos ng ating 40th PES Baligtaran. Ito ay para makita nung mga klasmeyts natin na hindi makaka-attend ng reunion kung gaano kaganda yung lugar. Kulang pa yan kung tutuusin…ipapadispatso daw ni Pres yung ibang area diyan para mas masiyahan tayong lahat sa Dec 19.

Pres Wally's beautiful swimming pool


Pwede daw mag night swimming kahit araw....basta naka bathing suit


Well manicured lawn


Sarap mag luksung baka dito...


Malinis na palaisdaan...maraming tilapya pero garantisadong walang yellow submarine Smile


Mamasyal pa tayo...


Marami pa doon sa loob...motorcycle collection


Cozy resthouse


Preskong hangin at tanawin


Ganda....


Dito daw tayo maglalaro ng bulislisan...Smile


Future function rooms in the second floor...tigi-tigisa daw tayo ng kwarto...Smile



Present were: President Wally, Bobet Castillo, VG Cagayan, MenVitor, Gil Pagalanan, Amanda Tolentino, Beulah Sacapaño and yours truly, Saida Cagandahan. Sori kung wala muna tayong carolling ngayon, brownout kasi. Mahirap naman kung acapella dahil baka hindi kami magkasabay sabay ay lalo lamang mapurnada. Pasensya na ulit kung yuu’t yoon na naman ang mga mukha…..ako man ay ungang unga na rin! Sad Very Happy Sad

Tuloy ang miting rain or shine....


Lumindol man o bumagyo...


May ilaw man o brownout...


Pero hindi tuloy kung walang tsibog at mamam...Smile


Pres Wally...ang molde ni Leandro, sinong mas pogi?


Smile Beulah!


Laki ng problema ni Bobet...kung papaano makakakolekta ng malaki


Saida and Beulah...klasmeyts 40 years ago!


Other PES 69ners


Opps, sorry, naputol si Bobet


The following day na ito...Edwin and Gilda, sori po kung blurred


Nasaan si.....ako?


The uninvited guests....Happy Birthday Klasmeyt Gilda!


Revieving old photos












Ang mga napag usapan:

>It’s official. The venue of the reunion will be at Pres Wally’s place. Hindi na tayo pupunta sa PES as previously planned. 9AM ang umpisa hanggang kinabukasan, depende kung sino ang tatagal. May premyo ang earliest registrant.

>6AM mass on Dec 19/09 will be sponsored by PES69 for the souls of our departed Klasmeyts. Crying or Very sad

>During the program, BAWAL ang mag inom. During the past, tila baga uhaw na uhaw itong mga klasmeyts natin na kahit kauumpisa pa lamang ay inuman na kaagad. Hindi tuloy sila makapag participate sa mga palaro dahil nag uumpukan sila sa isang tabi at nag iinuman. Pag sali tuloy sa laro ay mga amoy alak na…unfair sa mga ladies! Mahigpit na itong ipagbabawal ngayon. We will assign marshals who will confiscate ALL the liquors. Pwede naman ninyong tubusin sa amin niAmanda…for a fee of P1000/bottle. After 4PM ay doon pa lamang pwedeng uminom ng alak. Siguraduhin lamang ninyo na hindi kayo magsasarili…meron din yung mga babae.

>Wala daw magsasama ang asawa, anak o apo. This is strictly an affair OF, FOR and BY the reunionists. Mahirap ng ma-KJ kayo. Everybody should participate in the parlor games. Kung may suggestion pa kayong mga parlor games, submit it to me…mas mainam daw kung pang-PG. Cool

>Tuloy ang saya sa gabi….videokehan, sayawan, usloan…kahit ano pwede. Tuloy ang picture taking para mas maraming souvenirs. Pwedeng mag swimming pero kailangan daw ay naka bathing suit. At 6PM ay bibigyan natin ng panahon ang bawat isa para makapaghanda. Uuwi muna tayo para makapaligo at makapag toothbrush man lamang. Hinihiling na yung mga lalaki ay magpabango para hindi amoy alak pag sayaw. Yung mga babae daw naman ay maligo din para fresh at hindi antukin… Very Happy Umpisa ulit tayong 7PM, hanggang kinabukasan kung sinong tatagal…wag na hindi babalik dahil kung sino yung wala ay siya ang mapag uusapan…kayo rin! Question

>One week from now, dapat ay nakasabit na ang 2 streamers at 1 tarpaulin para malaman ng mas marami ang tungkol sa ating reunion. Bahala na sina Klasmeyts Bobet at Men dito. Naka withdraw na rin sila ng pera from Treas. Gilda Dailo-Mallari for this purpose.

>Ang ambagan ay P200, pero yung mga magaganda, mga seksi at mga pogi ay pwedeng magbigay ng MAS higit pa. MAS malaki ang padala ay MAS maganda, MAS seksi at MAS pogi. Maraming tenks mga seksi, magaganda at mga poging kong Klasmeyts. Sana ay dumami pa kayo. Surprised You may send your contribution to me [ROSAIDA C. DULAY] via Western Union. Paki email [rmcd56@yahoo.com] or text [0917-825-9494] lang sa akin yung confirmation number so I can withdraw the money from any Western Union Branch. I will acknowledge you contributions as soon as I get the money.

>Ang singilan ng ambag ay per Barangay para mas madali.

Over all Chairman:Virgilio Cagayan (Punong Taga singil)
Barangay 1& 2 –VG Cagayan pa rin
Barangay 3 – Gil Pagalanan
Barangay 4 – Placido Ramos/Anacleto Cadang
Barangay 5 - Norma Baldemor& Wilfredo Bagayana
Barangay 6 – Mr.&Mrs. Cel and Melecio Baldemor
Barangay 7 – Aduardo Caraig
Barangay 8 – Beulah Sacapaño
Barangay 9 – Men Vitor at si VG na naman uli

All collections will be remitted to our Pambansang Ingat Yaman, Klasmeyt Gilda Dailo-Mallari

>Initial invitation will be distributed on Oct 3/09. Collection will be every Saturday. Final invitation will be distributed on November 14 & 15,2009. T-shirts will be distributed as soon as they are available.

>Projected expenses will be posted and itemized separately. But though we have determined a specific amount already, we intend to double the collection so we will have a stand-by fund for our future activities. We will open a bank account in Paete under the name of PES Class 69. Names of the 3 signatories will be posted later.

>Food during the reunion will be catered by Klasmeyts Frank and Elsie Gagaring’s 3J Restaurant. May mga taga abroad ng nag pledge sa akin ng lechon pero sagot na raw ni Pres Wally yon. Mahirap namang damihan natin ang lechon…pampabata yon at pampaliwanag ng bahay, baka sa susunod na reunion ay puro na tayo di-kurus! Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes Sa mga nag pledge ng lechon, wag sasama ang loob ninyo, idadagdag na lamang namin sa pondo yung mga ipapadala ninyo. Thank you very much, your effort is very well appreciated Very Happy

>There’s a change in the members of the working committee dahil marami ng names doon ang nawala na ngayon. I will just coordinate with Jun Dayo for these changes, para mabago yung nasa invitation. Thanks Jun! Very Happy

>Next meeting will be on Ocober 17/09. Since we have classmates who will go home this October but will not be able to attend the reunion on Dec 19, we are going to have a pre-reunion on October 31/09…kina Pres Wally pa rin. Food will be catered by Cel Pagalanan courtesy of Renato “Rocky” Caguin....isang masaganang pananghalian. Thanks Klasmeyt Rocky! Very Happy See you all there!

>At sa mga hindi pa nagre-register sa ating yahoogroups mailing list, please register now at:

PES_Class_69@tahoogroups.com

Or visit:

http://groups.yahoo.com/group/PES_Class_69/

Kung hindi kayo makapasok, send me an email and I will add your name to ou rlist. Marami rami na rin tayo doon. Kayo rin…nahuhuli kayo sa huntahan. Wala pang isang buwan simula ng naging active ulit yoon at halos 200 na ang ating messages…mahihirapan na kayong maghabol sa pagbabasa. Marami na rin doong pictures. Our moderators are: Frank Gagaring, Elsie B.Gagaring, Leopoldo “Jun” Dayo and Saida Cagandahan Dulay. Sign in now and share the memories of yesteryears, enjoy the blast of the past with the burning passion of the present! Wink

Mukhang nasabi ko na lahat yung napag mitingan. Kung tutuusin ay kakaunti lamang naman yung napag usapan. Mas marami at pasingit-singit yung mga ”extra curricular” topics na siyang nagpatagal…at nagpa excite sa huntahan kaysa dun mismo sa napag mitingan....pero OFF the record yun! At 9:30 pm ay umuwi na kaming 3 girls, inihatid namin ni Beulah si Amanda sa bundok. Naiwan pa yung mga boys dahil tuloy pa ang inuman nila.

Abangan nyo lang, more updates will be posted here.
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Sun Oct 04, 2009 1:39 am; edited 3 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
Elsie BG



Joined: 18 Dec 2008
Posts: 34
Location: Al-khobar, Saudi Arabia

PostPosted: Tue Sep 29, 2009 3:21 am    Post subject: Updates Reply with quote

SA mga klasmeyts na nakadalo ng meeting inspite of the bad weather... SALUDO kaming lahat sa inyo... Proud to have klasmeyts na ganun kapursiging matuloy ang meeting . Sa ating Pres.Wally Maraming Salamat sa patuloy na pag accomodate sa lahat ng ating mga activities.. Kaya mga KLASMEYTS na hindi pa nag respond at silent reader lang GET INVOLVE NA ...MAG SAMA SAMA TAYO SA DARATING NA DECEMBER 19, 2009.. Please keep in touch sa mga class at barangay coordinators. Mag kusa na kayong makibalita wag ng hintaying puntahan pa kayo kase medyo masakit na mga tuhod ng mga coordinators para puntahan pa isa isa...

Salamat vice pres. Saida for the updates.. Regards to all...

ELSIE/FRANK
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Fri Oct 02, 2009 8:57 am    Post subject: Reply with quote

GRADE SIX- Section 4 (VI-4)
Mrs. Clarita B. Moreno - Class Adviser

BOYS:
Acala, Delfin D.
Adao, Alfredo M.
Afunggol, Alfredo A. (+RIP)
Alberto, Danilo F.
Aseoche, Nestor B.
Baldemor, Marcelino U.
Baldemor, Nemesio C.
Ballares, Nestor G. (+RIP)
Caday, Elino F.
Calabig, Victor B.
Dalay, Francisco L.
Madridejos, Melecio
Ng, Luisito S. (+RIP)
Reyes, Ernesto T.
Rivera, Catalino A. (+RIP)
Valdecantos, Rodolfo M.

GIRLS:
Acantilado, Leoniza E.
Adao, Charito M.
Adea, Edna B.
Afuang, Gliceria C.
Aseoche, Teresa E.
Bagabaldo, Carlota V.
Cadawas, Maria A.
Cajipe, Delia S.
Cajipe, Prencesita A. (+RIP)
Cudiamat, Magdalena A.
Cuevas, Rosalinda S.
Dalagan, Marcela
Gajo, Yolanda A.
Igamen, Edna C.
Madridejos, Remedios
Pasawa, Jocelyn P.

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Oct 13, 2009 8:27 pm    Post subject: Reply with quote

GRADE SIX - Section 5 (VI-5)
Mrs. Aurelia P. Cadapan - Class Adviser

BOYS:
Acyatan, Teodoro N.
Albunag, Carmelito C.
Baet, Matias C.
Balquiedra, Alvaro A.
Bayocot, Armando V.
Carolino, German S.
Cawil, Leoncio E.
Madridejos, Dante R. (+RIP)
Madrigal, George M.
Mallari, Edwin V.
Navarro, Arsenio A.
Navarro, Victor G.
Oarga, Alex A.
Padallan, Lino R.
Paygane, Crisologo B.
Peñamante, Nelson V.
Valdellon, Ernesto B.

GIRLS:
Angeles, Lourdes B.
Baldemor, Benigna O.
Cads, Dolores P.
Cagandahan, Rosaida M.
Cagayat, Magdalena R.
Caguin, Rebecca V.
Cajumban, Angelita N.
Cajumban, Rosalia B.
Dantoc, Cecilia F.
Fabrig, Gaudelia C.
Fadul, Cresencia (+RIP)
Paelmo, Julieta P.
Sacapaño, Beulah F.
Tolentino, Amanda

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Oct 13, 2009 8:29 pm    Post subject: Reply with quote

GRADE SIX - Section 6 (VI-6)
Mrs. Marina L. Dalagan - Class Adviser

BOYS:
Adao, Angel V.
Agbada, Angel P. (+RIP)
Alcaraz, Alfredo B. (+RIP)
Bagcus, Rogelio C.
Cagayan, Virgilio R.
Cagayat, Arsenio P.
Caraig, Eduardo P.
Gagaring, Francisco H.
Muega, Francisco D.
Navarro, Salvador V.
Ortilla, Antonino B.
Pagalanan, Justino A.
Pagalanan, Guillermo
Valdecantos, Arnulfo A.
Valdellon, Alejandro B.

GIRLS:
Ac-ac, Yolanda E.
Adea, Ignacia B.
Afurong, Joaquina C.
Aguilar, Cecilia B.
Baldemor, Norma C.
Bonifacio, Alda B.
Cajipe, Florencia A.
Gabion, Milagros G.
Juarez, Elena C.
Madrigal, Myrna S.
Naculangga, Delia C.
Ortiz, Victoria C. {+RIP)
Valdecantos, Rowena

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Tue Oct 13, 2009 8:32 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Oct 13, 2009 8:30 pm    Post subject: Reply with quote

GRADE SIX- Section 7 (VI-7)
Mr. Amador B. Afuang - Class Adviser (+RIP)

BOYS:
Abrian, Alex C.
Afuang, Benjamin G.
Aseoche, Emiliano G.
Bagayana, Wilfredo C.
Bagongahasa, Paquito V.
Bagul-Bagol, Emilio T.
Baldemor, Abner U.
Baldemor, Renato D. (+RIP)
Baldemor, Wallie V.
Bonsol, Nestor M.
Caguin, Renato V.
Cainto, Romulo R.
Cruz, Cesar dela P.
Gabion, Loreto G.
Pacalda, Zosimo A. (+RIP)
Rocamora, Cecilio M. (+RIP)

GIRLS:
Acu, Gloria E.
Agapito, Liza L.
Baet, Aida A.
Casilag, Editha C.
Pagalanan, Cecilia G.
Pascual, Aurelia C.
Ramos, Julieta (+RIP)
Villamater, Genoveva P.
Villanueva, Marissa B.
Viriña, Erleen B.

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3, 4  Next
Page 1 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group