PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PES69 Baliktaran...40 Years na Bumabaligtad pa!
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Oct 14, 2009 4:19 am    Post subject: Mamasko po!!! Reply with quote

Dear Klasmeyts,

Heto na naman ako para ihatid ang magandang balita. Dahil sa pagtitiyaga ni klasmeyt Jun Dayo ay nakabuo siya ng caroling youtube video na inihahandog namin sa inyong lahat lalong lalo na dun sa mga nasa abroad na hindi makakauwi para sa ating 40th PES reunion sa December 19/09.

To watch that video, pls click:

http://www.youtube.com/watch?v=8flwbr3tyxA

Nagustuhan baga ninyo? Aming panalangin na sana ay kumita ng malaki ito Laughing Laughing Laughing


Lahat kami ay nagsisikap para maging successful at suuuuper saya itong ating reunion. Aasahan nami ang inyong pakikiisa sa puso, sa isip, sa diwa, at higit sa lahat, sa bulsa! Ipaubaya na ninyo sa amin yung gawa Laughing

May miting ulit tayo sa October 17 at kung ano man ang mapag uusapan ay muli naming ipapaabot sa inyong lahat. Ipagpatuloy nyo lang ang paninilip dito para hindi kayo mapag iwanan. Huwag din kayong tutulog tulog dun sa ating mailing list dahil pag nakalingat kayo ay baka hindi na kayo makakahabol

Hanggang sa susunod na update!

Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Nov 02, 2009 4:06 am    Post subject: Reply with quote

hello...wala lang! Laughing Laughing Laughing

nagkadoble yung posting ko at hindi ko alam kung papaano buburahin itong nauna... Embarassed Embarassed Embarassed
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Mon Nov 02, 2009 5:03 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Nov 02, 2009 4:42 am    Post subject: Reply with quote

Dear Klasmeyts,

Heto na naman kami at muling bumabati sa inyo! Bakit baga tuwing mag mi-miting tayo ay natatapat sa palaging may bagyo?

Tulad ng inaasahan, kahit katatapos pa lamang sumalanta ni bagyong Santi at habang bahang baha pa ang highway, ay naging napakasaya na naman ng aming naging pre-reunion na ginanap noong Sabado [Oct 31/09]...saan pa kundi sa marangyang lugar na ating El Presidente Wally Baldemor. Naganap ang isang napakasayang pagsasalo salo, kantahan/videokehan, videohan, piktyuran, sayawan, inuman, huntahan, hapakan.....saka na yung miting <lol>... na dinaluhan din ng mahigit na dalawampu nating klasmeyts. The affair was thru the courtesy of our balikbayan klasymeyt Renato "Rocky" Caguin which would not have been as successful without the untiring support of our ever sipag at sarap maglutong caterer and PES69's best singer Cel Pagalanan. It was also an advanced celebration for those klasmeyts who wil not be able to attend our reunion on Dec 19/09: Rocky Caguin, Edwin Mallari, Julie Paelmo-Dalagan...sayang at hindi nakarating sina Elibog Palatino at Dol Valdecantos.

To share with you the event....here are some of our pictures. Sayang, nalibang ako masyado kaya kakaunti ang pictures ko. Partida brownout pa yan pero may videoke kami at ilaw....tiniis namin yung ingay ng generator, pero sulit naman dahil naging suuuper ang saya kahit lahat ay langgas pawis!

Saida at Pres Wally's mini resort




Beulah and Saida


Beulah and Saida uli....samantalahin and piktyur habang wala pa yung iba Smile


Fishpond...not affected by Typhoon Santi



Swimming pool fronting the guest house


Viola, Rocky, Saida, Ed Acupanda and Beulah


with Pres Wally...







Ang mga waso ng PES69!








Gilda, daughter, Beulah and Cel


with Myrna and Nestor Cagandahan


PES69...miting na daw!


Rare moment with klasmeyts Edwn Mallari and Julie Paelmo-Dalagan



VI-5 Klasmeyts Julie, Saida and Beulah...sayang at wala si Amanda




One more....






PES CLASS 69!


Jun Dayo...thanks for my Morning Girl Youtube video! Smile



Jun, Men, Saida and Cel




Erning, bakit tinatanong mo kung anong ginagamit kong sabon? Smile



Jun, Cel and Men


...with Vg


Again, pasensya na dun sa ibang mga mukhang talaga namang kasawa sawa na. Meron na naman kaming isang makabagbag damdaming video ng You've Got a Friend by Cel Pagalanan and the Hapak2 back-up singers pero pinag iisipan ko pa kung ipo-post ko. Baka kasi kayo mahilo... dahil sa sobrang high sa kaligayahan nung nag video [si Alex Abrian] ay masyadong magulo at magalaw....maaalaman na!

Muli ay nagpapasalamat kami ng lubos doon sa mga klasmeyts na nabagbag ang damdamin sa una namin karoling. Panay na ang dating ng ating foreign at local aid. Nakapag remit na ako ang partial colection sa ating pambansang ingat yaman na si Gilda Dailo-Mallari. So far ay 80% ng plantsado ang ating reunion. Nagdala na si Jun Dayo ng more than 100 pcs. invitations [thanks a lot Jun...ready na rin yung pangkamot mo! Smile] and some have already been distributed. I have purchased 80 pcs of white tshirts at printing na lamang ang kulang, may design na tayo courtesy of Jun ulit! Sa kasamaang palad, wala pang isang linggo ng maisabit yung ating streamer pero ng abutan ko nung Sabado ay ginutay na ni Santi....ok lang, may tarpaulin pa naman.

We will post more updates later.....pati na rin yung ating invitation at tshirt.

Muli ay maraming salamat......47 na tulog na lamang!

Klasmeyt Saida

PS - KUNG matutuloy yung aming balak.... kahit ungang unga na kami... ay muli ....MULI??? YES, muli kaming magkikita kita sa darating na Sabado [November 7/09]...despedida naman daw para sa mga aalis, at gaganapin daw dito sa amin sa Parañaque.....ih, ih, ih...mga inam na inam sa isa't isa....mga walang kasawa sawa!!!!
Rolling Eyes Laughing Rolling Eyes Laughing
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Wed Mar 24, 2010 8:19 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
Elsie BG



Joined: 18 Dec 2008
Posts: 34
Location: Al-khobar, Saudi Arabia

PostPosted: Mon Nov 02, 2009 11:50 pm    Post subject: Pre-Reunion Reply with quote

Hello Klasmeyts,

Pre Reunion pa lang nakita ninyo napakasaya na.. Kaya sa lahat na medyo nahihiya pang makisaya at mga silent reader na mga ka batch namin sa PES batch 69, please magparamdam na din kayo .. Malapit na ang ating 40th reunion.. Magsama sama muli tayo .. Lets have fun and enjoy seeing each one again...Sa mga dumalo sa pre reunion natin esp sa mga balikbayan namin mga klasmeyts maraming salamat at sana ay nasiyahan kayo. Sa mga punong abala another big of applause sa inyong lahat... Kay El Presidente Wallie , ang ganda ng place ninyo talagang inihanda mo para sa darating nating reunion tiyak lahat ay mag enjoy. See you soon ...GOD BLESS US ALL...

FRANK/ELSIE GAGARING
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Nov 11, 2009 6:58 am    Post subject: PES69 Reunion Invitation Reply with quote

Dear Klasmeyts,

Ang lahat ng PES69ners ay taos pusong inaanyayahang dumalo sa ating ika 40th PES reunion na gaganapin sa December 19, 2009 sa tahanan ng ating El President Wally Baldemor.

Ang lahat ng punong abala...mga officers, coordinators at mga kaeskwela ay nagsusumikap upang ang ating muling pagkikita kita ay maging masaya para sa ating lahat. Promis....pag hindi kayo nasayahan ay ewan na namin sa inyo...bahala na kayo sa buhay ninyo.. hehehe!

Para sa mga hindi makakadalo...pakisilipin na lang ninyo ang ating napakagandang imbitasyon na pinaghirapan at pinagpuyatan ni klasmeyt Jun Dayo...at sey nyo...libre yan! Doon sa mga kalsmeyts na maraming pictures...maghanda kayo ng panghulog para sa "exposure fee" na sisingilin sa reception. Sampung pisong lang daw naman bawat picture....dagdag fundraising!

Enjoy....














Hanggang sa muli nating pagkikita...38 na tulog na lamang!

Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Elsie BG



Joined: 18 Dec 2008
Posts: 34
Location: Al-khobar, Saudi Arabia

PostPosted: Thu Nov 12, 2009 6:04 am    Post subject: Count Down for reunion Reply with quote

Dear Klasmeyts,

Malapit na tayo mag kita kits.. 37 days to go! Calling once again our klasmeyts PES Batch 69.. Its our 40th year reunion . Make this affair another event to be treasured and be a memorable one.. Come and join the fun.. Sa mga klasmeyts namin abroad na hindi makakauwi MARAMING SALAMAT ! Malaking tulong ang mga contribution ninyo to make the affair in reality... We'll make sure na kahit wala kayo you will feel the presence during our reunion. Si Saida na magpadala ng mga invitation, t-shirt, CD sa inyo... Sa mga masisipag na organizer ng reunion , nag abala, nag pledge, nag ambag, sa venue ng reunion courtesy ni pres. wallie... pauna ang lubos na pasasalamat sa inyong lahat... SEE YOU ALL SA DECEMBER 19,2009.... GOD BLESS US ALL......

FRANK/ELSIE
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Fri Nov 27, 2009 3:33 am    Post subject: Reply with quote

All officers and coordinators are invited to attend our FINAL meeting on November 28/09, Saturday, 3pm at 3Js Restaurant of Frank and Elsie Gagaring in Ermita, Paete, Laguna

Huwag kayong mawawala dahil paplantsahin na natin ang lahat lahat para sa ating nalalapit na reunion sa December 19/09.

Sa mga nagpadala na ng kanilang contribution, maraming maraming salamat sa inyong lahat. Dun sa mga hindi pa....thank you very much in advance! Very Happy

At dun sa mga muling humihiling ng litrato ng miting bukas...bagama't ako'y unga na ay pagbibigyan namin kayo....abangan!

Mga kaeskwela....21 tulog na lamang!

Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Mam Warlita
Guest





PostPosted: Wed Dec 02, 2009 11:31 am    Post subject: PES69Baliktaran Reunion Reply with quote

Wow! congrats sa organizer ng Batch '69! Keep it Up! na-enjoy kong mabuti ang inyong "paulit-ulit" pero ang sasaya at ang gagandang pictures. Naala-ala ko tuloy ng 26 yrs old pa ako, baguhang guro ng mga matatalino at mababait na pupils ko ng Grade V sa Pilipino ba o sa Araling Panlipunan? Section-Venus Adviser pero enjoy akong magturo sa section 1, Si Bethsidito inaanak ko yan sa boy scout ng siya ay grade IV pa. tapos si Cel dancer at singer ng klase ko. Medyo sumakit lang ang puso ko ng makita ko ang line up ng mga wala na. Si Doc Benedicto na pinakamalakas tumawa at mahilig manggalit sa kaklase, Marami na rin pala ang nawala na. Na miss ko rin si inaanak ko rin sa girl scout na nagkasakit na si tessie? mAY ILAN DING HINAHANAP KO SA PICTURES.....ah, si Leopoldo, talagang mahusay na yang magdrowing, katunayan lahat ng notebook niya noon ay di nawawala ang drowing. at si zaida at amanda? "pinakatahimik" talaga sila sa klase. At maraming mga mga pogi noon na hanggang ngayon ay nababakas pa rin ang kakisigan........ ah.. marami pa akong ala-ala .... talagang ganito lang talaga ang guro. Ngayon, matapos ang 42 years, hindi kailanman kayang bayaran ang kaligayahan na makitang masaya pa rin kayong nagsasama sama taglay ang pagmamahal sa lahat ninyong kklase...I am so proud of you children este mga "magigiting na mamamayan" ng Paete. CARRY ON!!!!! LOVE YOU ALL!
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Dec 09, 2009 4:09 am    Post subject: Re: PES69Baliktaran Reunion Reply with quote

Mam Warlita wrote:
Wow! congrats sa organizer ng Batch '69! Keep it Up! na-enjoy kong mabuti ang inyong "paulit-ulit" pero ang sasaya at ang gagandang pictures. Naala-ala ko tuloy ng 26 yrs old pa ako, baguhang guro ng mga matatalino at mababait na pupils ko ng Grade V sa Pilipino ba o sa Araling Panlipunan? Section-Venus Adviser pero enjoy akong magturo sa section 1, Si Bethsidito inaanak ko yan sa boy scout ng siya ay grade IV pa. tapos si Cel dancer at singer ng klase ko. Medyo sumakit lang ang puso ko ng makita ko ang line up ng mga wala na. Si Doc Benedicto na pinakamalakas tumawa at mahilig manggalit sa kaklase, Marami na rin pala ang nawala na. Na miss ko rin si inaanak ko rin sa girl scout na nagkasakit na si tessie? mAY ILAN DING HINAHANAP KO SA PICTURES.....ah, si Leopoldo, talagang mahusay na yang magdrowing, katunayan lahat ng notebook niya noon ay di nawawala ang drowing. at si zaida at amanda? "pinakatahimik" talaga sila sa klase. At maraming mga mga pogi noon na hanggang ngayon ay nababakas pa rin ang kakisigan........ ah.. marami pa akong ala-ala .... talagang ganito lang talaga ang guro. Ngayon, matapos ang 42 years, hindi kailanman kayang bayaran ang kaligayahan na makitang masaya pa rin kayong nagsasama sama taglay ang pagmamahal sa lahat ninyong kklase...I am so proud of you children este mga "magigiting na mamamayan" ng Paete. CARRY ON!!!!! LOVE YOU ALL!


Hi Mam Warlita [aka Apple Lilli],

Salamat naman po at napasyal siya dito sa thread na aming reunion Salamat din sa recollection niya sa PES69. Pero meron din po akong naaalala sa kanya...isa siya sa mga teachers na may pinakamagandang at pinakamakinis binti! Tama ako ano po? Smile

Kausap ko po sa telepono nung isang araw ang aking ninang, si Mrs Dolores "Loleng" Acu. After more than 30 years ay last January/09 ko lang ulit siya nakita. She's more than 80 years old now but still, malakas pa at bakas pa ang ganda. Pipilitin daw po niyang makapunta sa aming reunion para makita kami at ang kanyang mga co-teachers. Same with Mrs. Naggie Arroyo...suuuper busy po siya sa dami ng aktibidades sa barangay,simbahan, homeowner's association, senior citizens club at kung ano ano pa. Pero pipilitin din daw pong makarating.

I hope you already got your invitation by now. Tshirts will be distributed this week. Hope to see you together with the rest of the teachers who handled the class of PES 69, sina Mam Nimfa Cadapan, Mam Aurelia Cadapan at Mam Quiratman kasama si Mam Acu at Mam Arroyo.

See you all soon!

Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Dec 20, 2009 11:41 pm    Post subject: Reply with quote


Isa sa pinakamasaya at pinaka aabangang parte ng buhay ng isang gumradweyt ay ang muling pagkikita kita matapos ang maraming taon, ang Reunion. Inaabangan yung mga dating crush kung mga magaganda at pogi pa rin, kung sino sino ang nagkatuluyan sa mga magkakaeskwela, ilang ang mga naging anak. kung sino ang nasa abroad at ano ang mga latest na balita. Sa madali't salita, ang bawat isa ay excited makita ang mga dating kaeskwela.

Pagkatapos ng mahabang taon ay muling nagkita kita ang aming klase ng PES69 para ipagdiwang ang 40th class reunion. Hindi magkamayaw ang kumustahan, balitaan, hagikhikan at tawanan. Ang venue ay sa magarang lugar ni El Presidente Wally at Lolet Baldemor. Ito ay sinimulan ng isang misa ng pasasalamat sa muling pagkikita kita at panalangin para sa mga yumaong klasmeyts....at para na rin pala sa mga birthday celebrants ng December lalo na kay Eduardo Acupanda na birthday noong araw na yon. Nagkaroon din ng roll call bawat section na pinangunahan nina Mam Aurelia Cadapan, Mam Warlita Valdellon at ng aming HE teacher [at mahal kong ninang] na si Mrs. Dolores Acu. Ito ay sinundan ng maraming picture taking, takbuhan kung nasaan ang official photographer [baiii...mga kahahanot sa pictures!] at mga aayaw ng umalis sa harap ng videographer...para daw masulit ang mga ambag! Tunay na nakakagutom kaya ang lahat ay masayang nagsalo salo sa isang masaganang tanghalian na inihanda ng 3Js Catering sa pamamahala nina klasmeyts Frank at Elsie Gagaring. Hindi kumpleto ang kasayahan pag wala ang pampabatang lechon, courtesy of our mahal na pangulong Wally Bademor.

Natural na yata sa mga nagkakaedad na antukin pagkatapos kumain kaya upang magising ang lahat ay sinimulan na ang mga palaro. Naghanda kami ng first aid kit at first aiders [sa pangunguna ni Teresa Asido] na magbabantay sa mga high blood at maliliyo, hihingalin at hahapuin, sasakit ang katawan at ulo at iba pang karamdaman. At tulad ng ordinansang una ng napag usapan, bawal ang alak kapag wala pang alas kwatro ng hapon. Kaya tuloy yung mga lalaking kahit maaga pa ay lasaw na lasaw na sa alcohol ay nagtiyaga na lamang lumag-ok ng kanilang mga laway sa takot mamultahan ng P1000...maigi nga! Umpisa pa lamang ay hindi na magkamayaw sa sigawan at takbuhan. Kanya kanyang hamig ng kaeskwela sa larong Group Yourselves, sabay tulak naman pag hindi na sila kailangan....sa larong ito raw magkakaalam kung sino ang mga tunay na kaibigan! <LOL> Sa sambutan ng itlog nabisto kung sino ang mga nginig ang kamay na hindi na makasambot at mga gigil sa itlog na sobrang nadurog...maigi na lamang at nailaga. Sa dakmaan ng talong naman nagkabistuhan kung sino yung mga babaeng sanay humawak at may tender loving care, nabisto rin yung mga sobra kung manggigil dahil ng bitiwan nila yung mga talong ay pwede ng gawing torta sa sobrang lapirot. Ang larong Find Your Partner ang talaga namang pinagkaguluhan. Naka blindfold ang mga kasali sa larong ito, hahanapin ang mga kapartner sa pamamagitan ng kanyang kanyang animal sound. Pag nagtagpo ang magpartner, isu-shoot ng lalaki ang talong na nakaipit sa kanyang hita sa butas ng toilet paper na nakaipit naman sa hita ng kapartner na babae. Hindi pwedeng hawakan ang talong o tissue paper. Hindi magkamayaw sa sigawan at tawanan dahil sa mga himpot na lalaking hindi makapag shoot ng kanilang mga talong! <LOL> Talaga yatang nilalang ang mga talong para maging instrumento ng kasayahan sa mga ganitong palaro. Sa contest na palambutan ng talong kung saan nakaluhod yung mga babae at palalambutin yung mga talong na nakaipit sa hita ng mga lalaki, ay nabisto rin natin kung sino ang klasmeyt na Talong Queen, ang pinakamagaling magpalambot na hindi ito mabibiyak....diyata't ako pala yun! <LOL> Marami pang iba't ibang laro na talaga namang nagpasaya, nagpa hingal, nagpatulo ng pawis, uhog at laway sa sobrang concentration maipanalo lamang ang laro ng bawat team. May Hep-Hep Hurray, Paper Plate Relay, Going to Market, Sipsipan ng Ice Candy na nakaipit sa hita ng mga lalaki, Newspaper Dance na paliit ng paliit habang tumatagal, Polvoron eating contest na nakalagay sa paper plate at nakapatong sa hita ng mga babae habang nakaluhod yung mga lalaki na unahan sa pag ubos in 10 seconds, ang Pinoy Henyo ni Dado na hindi nahulaan ni Men Vitor dahil rated triple X yung word na pinahulaan ni Gimmo....sari sari ka talaga! <LOL> Meron ding Tansan relay na itutulak ng nakataling talong sa bewang [napakahirap pala nitong larong ito, sakit sa bewang...tumutulo na talaga ang uhog ko ay hindi pa ako makaisod...natalo tuloy team namin, sorry girls! <LOL>] Tuluy tuloy ang laro, hanggang gabi, walang break sa dami ng inihandang premyo na kahit hindi naman gaanong kalakihan, ang spirit of camaraderie at pagsasama sama ang pinairal. Namigay din ang iba't ibang CD collection of old songs and love songs si Jun Dayo sa lahat ng kaeskwela. Maraming salamat sa lahat ng suporta Jun....hindi man sapat ang aming regalong dalawang pangkamot ng likod [kay kumander yung isa para hindi kayo agawan...hehehe], alam naming malaki ang maitutulong nito lalo't hindi mo na maabot ang iyong likod para kamutin ito dahil sa arthritis! <LOL> Maraming salamat din kay bagong VP Vigie Cagayan na namigay ng isang kahon ng Sustagen chocolate milk...para dun daw sa mga klasmeyts na mahihina na ang memorya at magapok ang tuhod tuhod. Yung mas marami daw iniuwing Sustagen ay mas mapurol at mas malupog....hindi ako kumuha ng Sustagen ha! <LOL>

Ng sumapit ang gabi ay nagkaroon ng election of officers para sa susunod na limang taon.

President - Saida Cagandahan Dulay
VP for Paete - Vigie Cagayan
VP for Metro Manila - Jun Dayo
VO for Abroad - Marilou Villarin Encina
Secretary - Beulah Sacapaño
Treasurer - Gilda Dailo Mallari
Asst. Treasurer - Cecilia Madrigal Baldemor
Auditor - Amanda Tolentino Abenojar
PRO - Teresa Asido/Guillermo Pagalanan
Sgt. at Arms - Saida Cagandahan at Amanda Tolentino - dahil takot daw ang lahat na lalaki sa aming dalawa!
Different Class Coordinators will be posted later

Nag ulat din ng ang ating pambansang Ingat Yaman na si Gilda Mallari Dailo ng perang nakolekta at mga nagastos pero hindi pa final dahil marami pang babayaran. Pinag usapan din ang suggestion ng ibang klasmeyts sa mga tulong ng pwedeng ibigay sa mga nangangailangang kaeskwela. Nagkaroon ng kaunting sayawan, videoke singing contest [nag alok si President Wally ng P3000 sa makaka score ng 69 sa videoke pero dahi sa lahat ay magaling kumanta at puro 100 ang score ay walang nanalo....sa pondo baga napunta yung premyo?]

Ang pang huli ay ang group singing ng walang kamatayang ang Kampana ng Simbahan, this time ay mas maganda dahil mas marami ang sumama, may mga kwitis na paputok, confetti at lahat ay masayang sumali. Ang final song ay ang PES Hymn na ni research pa ni VP Vigie na may dalang kopya. Kahit mga pagod, hapo at paos na ay buong sigla pa ring kumanta ang lahat para maipaabot ang pagmamahal sa ating Alma Mater....ang Paete Elementary School.

Sa pagtatapos....sa lahat ng organizers na tumulong, nag asikaso at nagpagod, sa mga kalsmeyts abroad na nagbigay ng foreign aid, sa mga nagbigay ng suporta, suhestyon at talento, sa mga pumunta at nakisaya, isang maraming maraming salamat ang aming ipinaaabot. Talagang kulang ang mga salita para i-describe ang ating naging kasayahan. Maraming salamat din kay Pres Wally Baldemor sa pagpapaunlak sa kanilang lugar, na kahit hindi na raw siya ang president ay open pa rin tayo sa kanila...basta PES 69!

Sa mga hindi nakarating dahil sa mga iba't ibang kadahilanan, mga nang-indyan, sa mga pinipilit ng dumalo ay aayaw pa ring magpa pilit.... buklatin na lamang ninyo yung ating magiging official Photo Album at panorin nyo na lamang yung aming official video [to be released soon....] para malaman ninyo kung gaaano kaming naging suuuuuper saya. You really missed a lot!

Sa mga nasa abroad, padadalhan namin kayo ng tshirt, invitation, cd ng mga pictures at cd ng video ng reunion. Pakihintay lamang at ihahanda pa.

Hanggang sa muli nating pagkikita....get-together sa April 10, 2010!

Mabuhay ang PES69!!!

Saida

We wil post the pictures and the video soon.....

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Dec 21, 2009 5:02 am    Post subject: Reply with quote

Part 1

PES69 tshirt and logo, design by Jun Dayo


VI-1 Eduardo Acupanda, Nestor Cagandahan, Meynardo Vitor, Bartolome Cajipe, Manolito Ragub, Bethsidito Castillo
Elsie Balquiedra, Cecilia Madrigal, Nona Calabig Agbay [for Benedicto Agbay], Gilda Dailo



VI-2 Teresa Asido, Loreto Lindo, Lino Bagabaldo, Aquilina Baisas, Catalina Afuang


VI-3 Anacleto Cadang, Melecio Baldemor, Enrique Ramos, Rodolfo Pawig, Melecio Senson
Myrna Cadayona



VI-4 Charito Adao, Alfredo Adao, Delia Cajipe


VI-5 Rebecca Caguin, Gilda Mallari [for Edwin Mallari], Lourdes Angeles, Rosaida Cagandahan, Magdalena Cagayat, Beulah Sacapaño, Amanda Tolentino
Matias Baet [the one in jacket is Vice Gov. Ramil Hernandez, now a gubernatorial candidate...biglang sumingit sa pictorial]



VI-6 Angel Adao, Guillermo Pagalanan, Eduardo Caraig, Francisco Muega, Virgilio Cagayan
Delia Naculangga, Elsie Gagaring [for Francisco Gagaring], Milagros Gabion



VI-7 Alexander Abrian, Wally Baldemor, Benjamin Afuang


PES69ers




My ninang at 83...Mrs Dolores Acu
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Mon Dec 21, 2009 6:26 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Dec 21, 2009 5:45 am    Post subject: Reply with quote

Part 2












_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Dec 21, 2009 5:46 am    Post subject: Reply with quote

Part 3
















_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Thu Dec 24, 2009 8:51 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Thu Dec 24, 2009 8:49 am    Post subject: Reply with quote

Part 4












_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Thu Dec 24, 2009 9:30 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Thu Dec 24, 2009 9:24 am    Post subject: Reply with quote

Part 5













Sa lahat ng aming klasmeyts na tumulong at nakiisa para maging matagumpay ang aming
40th Class reunion, maraming maraming salamat sa inyong lahat.

Mabuhay ang PES69!!!


may video pa....abangan Very Happy

for the complete album, pls click:

http://groups.yahoo.com/group/.....4/pic/list
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Fri Dec 25, 2009 11:03 pm    Post subject: Reply with quote

Saida,
Thank you for the posting, buti nalagyan mo ng names..bai talaga namang mukhang napakasaya ninyo..pati yong mga games..sana pala ay nakayakap din ako..hah haha..

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat.

Baby
Back to top
saidacdulay
Guest





PostPosted: Sun Dec 27, 2009 5:23 am    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
Saida,
Thank you for the posting, buti nalagyan mo ng names..bai talaga namang mukhang napakasaya ninyo..pati yong mga games..sana pala ay nakayakap din ako..hah haha..

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat.

Baby


Baby,

Yung iba ay hapon na dumating kaya kakaunti yung nakasama sa roll call. Game sa laro yung mga lalaki unlike in the previous reunions. Nakabuti yung paghihigpit namin sa oras ng inuman, mga hindi pati amoy alak kaya ok lang kahit malapitan sa laro...yaikkss! Marami pa akong hindi ipinost ng pictures...baka mahilat tayong MTRCB...hehehe!

Ready na yung mga tshirts and invitations ninyo, we're just waiting for the video so we can mass produce it para ipadala sa inyo. Let me know kung may uuwi na pwede naming pakidalhan kasama na yung para sa ibang klasmeyts natin na medyo malapit sa banda riyan [Chicago area]. Meron na kaming pakikidalhan para sa mga taga California.

Muli ay nagpapasalamat kami sa iyo at sa lahat ng mga klasmeyts nating nagpadala ng tulong. May sobra pa tayong pondo na idedeposit sa bangko for our next reunion.

Get together naman tayo sa Holy Week...sana ay makauwi na kayo.

Happy New Year to all!

Saida
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Jan 17, 2010 3:10 am    Post subject: Reply with quote

Dear Klasmeyts,

Sunud sunod ang ating happenings...talaga nga yatang sobra ang pananabik sa isa't isa.

Last October 31. 2009 - PRE-reunion get together @ Wally's Compound

Then December 19, 2009 - PES69 40th Class Reunion...kina Wally pa rin.

and now......

January 23, 2010 [Saturday].....POST REUNION GET TOGETHER na naman! This time, at Saida Cagandahan Dulay's residence @ Lot 6 Block 7 Advertising St., 4th Estate, Parañaque.

Despedida party sana ito nung mga balikbayan klasmeyts natin na paalis...ang kaso ay hindi naman yata sila makaka attend [dahil mas maaga pala ang schedule nilang alis..] pero ituloy pa rin natin ang happenings...

Unang balak ay field trip o excursion sana dahil mag re-rent tayo ng van na manggagaling ng Paete. Pupunta daw sana sa Manila Zoo [para dalawin yung mga kamag anak doon...Smile], then Fort Santiago, Mall of Asia tapos ay Luneta sa gabi. May nag suggest pa na pupunta daw ng Quiapo para kumain ng mami at siopao sa Ma Mon Luk [at siya daw ang sagot...] May isang taga Bahamas na nagsabing kung siya daw ang tatanungin ay gusto niyang pumasyal sa Sampaloc...dun sa mga dati nilang boarding house, tambayan at inuman....sa madali't salita ay gustong mag balik-tanaw nung kanyang college days. To make this long story short...puro pala mga di rayuma at mahahayuin na sa byahe at lakad itong mga batch 69 kaya hindi na raw mamamasyal....huntahan, kantahan at hapyugan na lamang daw. Ay di hala!

Para sa mga manggagaling sa Paete. pls coordinate with Vigie, Beulah or Gilda.

Sa manggagaling naman sa Manila, pls coordinate with
Saida- Res 829-7586, Office - 479-2099 loc 218, Cel. # 0917-825-9494]

Punta kayo para masaya...panoorin natin yung video nung nakaraang reunion. Ituloy din natin yung games natin...this time ay wholesome naman tayo...hehehe! Boys vs. Girls....Laglag Panyo, Lagay Bato, Hula Hoop, Limbo Rock, Chinese Kick at marami pang iba...mag suggest kayo kung may alam pa kayong ibang laro...

Videokehan hanggang umaga...dala na rin kayo ng pajama o kahit na anong pantulog dahil baka magtumataan tayo ay wala ng uwian...

May mahjong kung sino ang gustong maglaro...pwede rin ang pusoy, pekwa o ungguyan. meron ding sungka o lugang, pero walang dayaan para maiwasang magkaroon ng sunog sa bahay...sa sungka yon!

Potlock ang pagkain...pls refer to our attendance sheet para walang duplication ng dadalhing pagkain.

Kung sino ang gustong uminom ay siya ang magdadala ng alak...at pulutan! Samahan nyo na rin ng red wine...

Lahat ng pupunta ay makakatanggap ng libreng cd nung reunion natin...we have 50 copies!

As of today ay 31 na yung nasa listahan ng attendees..sana ay madagdagan pa...at sana ay walang mang iindyan!

Ay di papano...kitakits na lang ulit tayo!

Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Jan 24, 2010 4:09 am    Post subject: Reply with quote

PES69 POST REUNION GET TOGETHER...na naman!
Saida's Place, Parañaque
January 23, 2010

Saida, Beulah, Amanda, Gilda, Maura, Loreto, Catalina, Myrna, Dolores, Nieves, Teresa, Cecilia, Aida
Virgilio, Meynardo, Matias, Emil, Enrique, Ernesto, Leopoldo, Eduardo, Hermogenes

Maraming salamat sa inyong lahat, sa mga ligaya at halakhak, usloan at hapakan...walang katapusang kwento, kahit mga puro replay...ok na rin! <lol>

Sa mga hindi nakarating sa kung ano pa mang kadahilanan....sana ay makasama namin kayo sa susunod na happenings. Kayo rin...napag iiwanan na kayo! At tandaan....kung sinong wala ay siya ang napag uusapan....<LOL> Joke lang!

Bagama't matatagalan na bago tayo muling magkita kita, matiyaga naming bibilangin ang mga araw na sana ay madaling lumipas.....

Kitakits daw ulit sa February 27...ngek! <LOL>








































February 20....Welcome home klasmeyt Antonino Ortilla!!!

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Jan 26, 2010 5:10 am    Post subject: Reply with quote

Klasmeyts,

Here's klasmeyt Emil Cajumban singing the Elvis Presley version of "I Cant Help Falling In Love With You" ...



pero hindi natin alam ay may iba pa pala siyang itinatago, sige Emil, ilabas mo...

pls click...It's Now Or Never...


http://www.youtube.com/watch?v=UyYLPz8gCM0

Nice klasmeyt...those were the "paraiso days"... Laughing
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Fri Jan 29, 2010 6:31 pm    Post subject: Reply with quote

Klasmeyts,

Good memories and a rare, hard to find song go together. What can you ask for?

Please click this link for the youtube of our post reunion get together last January 23, 2010:

http://www.youtube.com/watch?v=aIJc_8ppktg

Thank you very much Jun! Sa maraming pang uulitin....Laughing

Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Fri Mar 05, 2010 5:13 am    Post subject: Reply with quote

Dear Klasmeyts,

Aba...kumusta na kayo? Long time no hear??? Almost two months na tayong hindi nagkikita kita.

Para maibsan ang mga pananabik natin sa isa't isa. magkakaroon na naman....yes, NA NAMAN...tayo ng get together [for the nth time] bukas....March 6, 2010 sa place ni Amanda Tolentino [sa Puntok, Nativity Montessori, Paete Laguna] mula 2 pm hanggang sa kung anong oras na naman. Our special guests will be Antonino Ortilla and Cecilia Aguilar.

Nandito kami ngayon sa Paete, sa bahay nina klasmeyts Edwin at Gilda para i-review yung mga menu at kung ano ano pang gagamitin para bukas. kasama ko dito si Tony, Beulah at Gilda.

May special request nga daw pala si klasmeyt Emil Paraiso...sinaludsod at bibingkang hipon...at may pahabol pang minukmok at minanok. Your wish is our command.....but be sure to appear OR ELSE....magmumulta ka ng malaki! Laughing

Ay di papaano...kitakits na lang tayo bukas. Food is unlimited pero hindi bottomless ang alak...may videokehan, sistihan at kung ano ano pa.

See you all....don't miss this chance!

Klasmeyt Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Mar 08, 2010 7:33 am    Post subject: Reply with quote

WHAT - PES69 GET TOGETHER NA NAMAN....with Klasmeyt Tony Ortilla
WHEN - March 6, 2010 - Saturday
WHERE - Hacienda AMANDA - Pontok, Paete, Laguna


Attendees:
Saida Cagandahan, Amanda Tolentino, Beulah Sacapaño,
Gilda Dailo, Catalina Afuang, Cecilia Madrigal, Norma Baldemor, Aquilina Baisas, Natividad Larwa, Teresa Asido

Tony Ortilla, Wally Baldemor, Gil Adea [special guest], Emil Bagulbagul, Bart Cajipe, Bobet Castillo, Gimmo Rocamora,
Alex Abrian, Carmelito Albunag, Armando Bayocot,
Ernesto Reyes, Melecio Baldemor


Ilan sa masasarap na putaheng inihanda ng BIG 3.
Marami pang hindi nakuha sa picture tulad ng biringhi at lumpia, adobong manok, minukmok at maraming matatamis na prutas


Inihaw na bangus at tilapya/Bibingkang hipong espesyal


Ginataang malalapad na ayungin/Mayaman sa gatang minanok...super yumyum!


Cel Madrigal at Inihaw na Liempo/Amanda's labor of love


Ihaw ihaw byutis with klasmeyt Tony Ortilla...ang Rolly Quizon daw ng PES69...40 years ago!


Alex Abrian and Wally Baldemor/Tony Ortilla and Emilio Bagulbagul




PES69 boys with special guest....SOCAL El Presidente Gil Adea













KAINAN NA.....huling huli sa camera ang mga subo... Laughing






Mga busog na...kantahan naman!



Special Announcement.....

WHAT - PES69...Get Together uli
WHEN - Sabado de Gloria [April 3, 2010] 4PM hanggang magdamag
WHERE - sa rooftop nina Men Vitor, Tinawin St.

Marami tayong special guests na balikbayan klasmeyts, pati na rin mga taga Manila kaya siguradong masaya na naman.

Please don't miss this chance, sagunahin habang malalakas pa tayo at kaya pang umakyat ng rooftop, habang nakakakanta pa at nakakahagalpak pa ng tawa.

Food is POTLUCK! Also, bring your own wine and pulutan.

Patakan tayo para sa arkila ng videoke.

Ay di papano...kitakits na lang ulit tayo sa SABADO DE GLORIA!!!

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
aseochenestor
Guest





PostPosted: Wed Mar 10, 2010 4:12 am    Post subject: aba e bale nga pala kasaya ano Reply with quote

zaida ,aba e napakanda ng ipinakita mong mga pictures aba e talagang mamataymatay ako sa inggit ,sana ay makasama rin ako diyan,halatang halata sa mga mukha ang kasiyahan kahit halata na rin ang mga edad..he he joke lang.. pero ikaw ang ganda mo pa rin.. sige ...thanks at mabuhay tayo batch 69....
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Thu Mar 11, 2010 12:46 am    Post subject: Re: aba e bale nga pala kasaya ano Reply with quote

aseochenestor wrote:
zaida ,aba e napakanda ng ipinakita mong mga pictures aba e talagang mamataymatay ako sa inggit ,sana ay makasama rin ako diyan,halatang halata sa mga mukha ang kasiyahan kahit halata na rin ang mga edad..he he joke lang.. pero ikaw ang ganda mo pa rin.. sige ...thanks at mabuhay tayo batch 69....


Klasmeyt Nestor,

Kumusta? Bago ka lang baga nakarating dito sa USAP PAETE? Umpisahan mo sa unang una yung reunion natin para alam mo ang puno't dulo na aming mga kagulo.

Hayaan mo at naka book na kaming lahat sa July para sa pagdating mo...get together ulit tayo. Mag post ka ng pictures mo at ng pamilya mo sa PES69 mailing list natin, pati sa Facebook mo...para pag nagkita kita tayo ay hindi na tayo magkakagulatan sa mga tipo natin... Laughing Laughing Laughing

Limit limitan mo ang buklat dito para hindi ka gaanong mapag iwanan.

See you soon!

Klasmeyt Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
Page 2 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group