PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PES69 Baliktaran...40 Years na Bumabaligtad pa!
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Mar 24, 2010 8:11 am    Post subject: Reply with quote

WHAT: PES69 GET TOGETHER NA WALANG HUMPAY.... AT MAY NIGHT SWIMMING PA!
WHEN: Sabado de Gloria - April 3/10 - 3pm hanggang dumilim
WHERE: Prez Wally Baldemor's place
WHY: WALA lang...katuwaan lang ulit... at dahil nga pala may ilan din tayong bisitang balikbayan klasmeyts (Alex Oarga, Yolly Ac-ac dela Rosa, Emma Bagamano Kieslich, Angel Adao]
HOW: POTLUCK *POTLUCK*POTLUCK


The venue



Important NOTICE:

> Pls wear your proper swimming attire, whatever it is bahala kayo, 1-piece, 2-piece, no piece, shorts...basta kaya ng powers ninyo. Hindi daw natin pabubuksan yung mga ilaw para hindi maaninag ang mga kamot at bilbil. Baka magkaroon tayo ng contest for Mr. and Mrs PES69, not a beauty contest, hindi rin paseksihan o papogihan....palakasan ng loob!

> Mag shower bago magsulanoy sa pool para hindi maglunak ang tubig. Girls, ma.... bago lumublob, alam na ninyo kung ano yon, pati boys!

> at dahil nga POTLUCK, pls refer to our mailing list for the food/things to bring. Kung medyo pitikan ay pwedeng makipag share sa iba kung kulang ang inyong budget. Dun naman sa mga jackpatan ay dagdagan na lamang ang mga dadalhin. At kung talaga namang walang wala ay pwedeng wala na ring dalhin...no questions asked, nagkakaintindihan na tayo.

>Tulad ng dati, yung gustong uminom ay magdala ng sariling alak...pati na rin pulutan.

> Tiyak na mas maraming dadalo ngayon dahil natapat ng Holy Week kaya asahan ang isa na namang walang humpay na tawanan at kasayahan......BAWAL ang KJ! At dahil natapat ng Sabado de Gloria, doon na rin tayo magpa-party at videokehan. Sana ay makarecruit pa kayo ng ibang mga klasmeyts natin na hindi natin nakakasama. Sa mga aayaw magpapilit ay hayaan na lang ninyo, it's their loss not ours.

For other comments/suggestions, pls coordinate with the BIG 3 and the Trolls or with the undersigned.

Kitakits na lang tayo.... sa umaga ng Miyerkules Santo ay nasa Paete na ako.

Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Mon Apr 05, 2010 7:00 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Apr 04, 2010 4:38 am    Post subject: Reply with quote

Hi klasmeyts,

Heto ako, puyat na puyat at paos na paos hanggang ngayon dahil sa napapapapapakasayang get together namin last night... hanggang kaninang 1:30 am! Kadarating lang namin fr Paete at hindi ko alam kung anong uunahin ko, kung magkukwento muna o mag u-upload ng pictures..... parang marunong ako ano, anak ko ang gumagawa nun! May bisita kami for dinner mamaya kaya medyo pahapyaw lang muna ang kwento ko tutal ay tulog pa yung anak ko.

Sa bilang ko ay nasa 35 din yung umatend kahapon...the biggest so far in all the get-togethers bukod dun sa reunion natin. Maraming dumalo na hindi namin inaasahan kaya masaya. Ay awan ko nga baga kung bakit palagi naman tayong sama sama, pareparehong mga mukha, pareparehong mga pagkain, pareparehong mga sayaw at kanta sa videoke at pareparehong mga kwento...pero palagi pa ring kasasaya at mga sabik na sabik sa bawat pagkikita.

Nakasama namin ang mga taga Ibaba, sina Pidong Pacurib, Emma Bagamano, Lilian Bagac, Marina Afuang, at game na game sila, enjoy na enjoy din. Naglaro din kami ng isang game lang naman para maranasan nila kung papaano magpa shoot na talong sa tissue. Nagkarera yung mga lalaki habang nakaipit yung talong sa kanilang hita at unahang i-shoot sa tissue ng mga babae. Si Enen at si Gimmo ay patalikod pa ang gimik pero natalo sila nina Yolly Ac-ac at Angel Adao. Matinik talaga sa pasyutan itong si Angel, kaya naman kahit iisang linggo ng bakasyon ay pinilit umuwi fr Australia para lang maka attend ng get together. Sana ay makasama din natin ang mga taga QES69 sa mga susunod nating kasayahan.

Sa mga nag swimming ay si Emma Bagamano ang nakakuha ng award bilang may pinakamalakas ang loob...you will find out in the pictures later. Si Myrna ang runner-up pero umaapela pa. Sa lalaki ay walang tatalo kay Gimmo....ang Hayden Kho ng PES69, na talaga namang naka swimming trunks pa....pero wala namang bumakat! Gininaw yata kaya umurong...!!! Laughing

The biggest surprise was Carlota Bagabaldo na hindi namin akalaing darating, ang kaso ay nung kinantahan ni Men Vitor ng "Bakit Ngayon Ka Lang Dumating?" ay aayaw lumapit para makunan ko sana ng picture na magkayapos sila...pero kay Emil Cajumban na pres lab daw niya ay kapit tuko sa pagyapos! Laughing

Sa sobrang pagod ko sa kasasayaw at kakakanta ay talagang hindi ako nakatulog...kabado tuloy si Myrna sumabay sa akin paluwas kanina dahil ako ang driver. Kahit paos na nga ay non-stop pa rin kami sa kwentuhan at tawanan habang paluwas...at tumawag pa si Nestor na nagkataong nag uubos ng load ng kanyang phone card at sabik na sabik sa kwento kaya tagang walang humpay ang chikahan.

Hindi magiging successful ang get together kahapon kung hindi dahil sa malaking tulong ng ating mga masisipag na klasmeyts...syempre the BIG 3 nina Amanda, Beulah at Gilda [bakit ka absent Gilda? you missed so much fun!] Kay VP Vigie sa kanyang palagiang suporta kahit palaging bugbog sa sermon sa amin ni Amanda , sa mga naghakot ng upuan at lamesa at nagbalik sa Ermita, ...sa mga "mismis at hugas girls", sa mga "ihaw boys and girls", sa lahat ng naglinis sa venue [dahil ng malasing si Pres Wally ay biglang nawala kaya kami na lamang ang naiwan....] at higit sa lahat ay kay Pres Wally and wife Lolet sa pagpapaunlak na gamitin ang kanilang napakagandang Wally's Resort na talagang ipinalinis pa ng husto ang swimming pool para lang sa amin bukod pa sa food conrtribution nilang napakasarap na kare kare at salad. Bai...ay talaga namang napakasarap mag swimming, sabi nga ni Enen Bagac ay manamis-namis daw ang tubig...hindi kaya may ginawang kababalaghan si Hayden Kho ng PES69 habang nasa tubig at yun ang nalasahan ni Enen? Laughing

Sa lahat ng nagbigay ng financial support for the get together, sa lahat ng nagdala ng masasarap na pagkain...pansit palabok, adobo, ginataang hipon, minanok, bibingkang itlog, inihaw na hotdog, achara, lechong manok, inihaw na tilapya, liempong barbecue, matatamis na prutas, alak/beer at red wine, brownies, chichiria at maraming marami pang iba.....isang taos pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa inyong lahat!

Sa lahat ng dumalo na talaga namang mga langgas pawis sa galak at saya, parang mga sinusian at walang kapaguran [hindi mo tuloy aakalain na mga nasa 50s na...o aayaw lang ipahalata na nirarayuma na rin! Sa totoo lang ay hirap na hirap akong bumangon kaninang umaga dahil masasakit ang aking mga kasukasuan...langgas pawis baga naman sabay lublob sa pool]...maraming maraming salamat!

Hindi pa man lang natatapos ang kasayahan kagabi ay may mga nagtatanong na kung kailan ult ang susunod na get-together. Klasmeyts, ikinalulungkot kong ibalita na baka medyo matagalan na ulit bago tayo magkita kita. Tiis muna kayo kung mami-mss nyo ang isa't isa dahil baka abutin pa ng mga isandaang araw bago tayo muling magkaniig....KITAKITS ULIT SA JULY! Razz

Time out muna....maya maya yung mga pictures!

Happy Easter to al!!!

Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Apr 05, 2010 7:36 am    Post subject: Reply with quote

PART 1
Miting daw muna kina Men Vitor para plantsahin ang nalalapit na get together.....



ang kaso ay wala din namang napag mitingan..ok lang, basta GIBO tayo! Laughing .


kaya napagkasunduang ituloy ang miting kina Alex Oarga....


pero sa halip na mag miting ay puro masasayang kwentuhan, kainan, inuman at piktyuran...ok pa rin basta GIBO ulit tayo! Laughing


check daw si Vigie....pero GIBO pa rin ako!


pero si Gimmo ay hindi kay GIBO....Gordon-Bayani daw, D' Transformers!



sa kalasingan ni Alex ay nakatulog...o baka nahilo lang sa amoy ng kilikili ni Gimmo.. Laughing Laughing Laughing





at dahil walang nangyari sa dalawang miting daw, nag miting na naman kinabukasan kina Wally...pero huntahan at kainan din kahit apat lang kami!


_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Apr 05, 2010 8:59 am    Post subject: Reply with quote

PART 2

Pambungad na bwena mano...ang nagkamit ng Ms. PES69 award...at nagbigay ng permiso para para ipost dito kaya wala akong takot na may magdedemanda! Laughing Laughing Laughing




Ang pers lab ni Carlota...feel na feel at napapapikit pa! Laughing Laughing Laughing










Maglaro muna tayo...ang walang kamatayang pa-syutan ng talong sa tissue!


Enen at Gimmo...Emma at Doods, sayang at walang piktyur yung nanalong pair nina Yolly at Angel! Bali ang tuwad ni Enen ah! Laughing Laughing Laughing






Antok na ako...pero may PART 3 pa...bukas ulit! Wink
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Apr 06, 2010 5:25 am    Post subject: Reply with quote

PART 3

Tsibugan muna tayo ng bibingkang itlog...opppps, kaninong kamay ito? Mukhang imported ito ah!



Heto na ang mga malalakas ang loob....hindi alintana ang rayuma




ang Hyden Kho ng PES69....






Sayawan naman, hindi lang sweet kundi very sweet! Laughing



at syempre hindi kumpleto pag wala ang mini concert ng Whitney Houston ng PES69....Cel Pagalanan! Hangang hanga si Carmelito Albunag o...

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Tue Apr 06, 2010 6:03 am    Post subject: Reply with quote

PART 4

ang 3 Pagalanan ng PES69: Cecilia, Guillermo at Maura...pilit na sumasama si Vigie dahil Pagalanan din daw ang asawa niya



Let's party! Kantahan na...yugyugan pa! I Will Survive, Fame, What a Feelin', Footloose, Achy Breaky Heart, Buttercup, Dancing Queen, Bikining Itim...at marami pang iba!





Piktyuran naman ng grupo....bai, kahahanot! Laughing Laughing Laughing





Sa mga dumalo at nakibahagi sa isa na namang napakasayang pagsasama sama, sa lahat ng nag hasikaso at nagbigay ng suporta at panahon...maraming maraming salamat sa inyong lahat. Hindi magiging ganap ng tagumpay ang okasyong ito kung wala kayo. Huwag isipin ang problema, ang rayuma, high blood o kahit anong sakit ng mga kasu-kasuan, kalimutan ang presyo at dami ng iniinom na gamot. huwag pansinin ang mga wrinkles at puting buhok. Basta may get-together ay magsaya, humalakhak, kumanta at sumayaw, walang a-absent...dahil kung sino yung wala ay siya ang palaging mapag uusapan!!! Laughing Laughing Laughing

Hanggang sa muli nating pagkikita, bagama't matatagalan pa dahil bibilang pa tayo ng mahigit kumulang na isandaang araw hanggang July/10 Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad .....abangan ninyo ang isa na namang masayang kabanata sa libro ng PES69! Wink

MABUHAY ANG PES69!!! Very Happy Very Happy Very Happy


Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Wed Apr 07, 2010 1:32 pm    Post subject: Pati ako Reply with quote

Wink Very Happy aba aba aba ay mawawalan ka nga ng boses nyan. He he he...ay napakagandang place nay-ang venue nyo. Pwede bagang imbitahin ko din ang sarili ko pag uwi ko? He he he Ay Wally, dream na dream house ko yan ah...at maraming maglilinis di baga?

Saidasky, ako na lang lagi ang proxy ni Yves hahahahaha para lagi nyo akong kasama, pampabata din yan, baligtaran, at mga nakababata ang mga kasama.

Very nice, entertaining pictures, full of love, your tummy is full and your eyes are full Laughing
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Fri Apr 09, 2010 8:22 pm    Post subject: Re: Pati ako Reply with quote

dadaludy wrote:
Wink Very Happy aba aba aba ay mawawalan ka nga ng boses nyan. He he he...ay napakagandang place nay-ang venue nyo. Pwede bagang imbitahin ko din ang sarili ko pag uwi ko? He he he Ay Wally, dream na dream house ko yan ah...at maraming maglilinis di baga?

Saidasky, ako na lang lagi ang proxy ni Yves hahahahaha para lagi nyo akong kasama, pampabata din yan, baligtaran, at mga nakababata ang mga kasama.

Very nice, entertaining pictures, full of love, your tummy is full and your eyes are full Laughing


Hi Daluds,

Sayang nga at wala si Nieves....suuuuper saya talaga kami!

Yan din ang sinabi ni H10, nasasayahan din siya sa pagtingin pa lamang sa aming mga pics kaya kung pwede daw ay proxy siya nung kapatid niyang si Atik (+) na klasmeyt din namin. Hayaan mo't pag nag guest kayo sa amin ay paglalaruin ko rin kayo ng palambutan ng mga talong...pati si Flouks dahil kasabayan din namin nung high school yung brod niyang si Allan. Sino kaya sa inyong 3 ang pinakamagaling magpalambot? Laughing Laughing Laughing

Tuloy ang saya namin mamayang hapon, kina Cel Pagalanan naman sa Marikina. nag rent na van si Yolly Ac-ac para makapunta yung mga taga Paete. Talagang walang humpay!!! Very Happy

May video pala sa ibaba...kahit hatinggabi na at marami ng umuwi ay mga buhay na buhay pa rin kaming mga naiwan....bali kagagalas aba! Laughing
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Fri Apr 09, 2010 8:28 pm    Post subject: Reply with quote

PES69ners singing You've Got a Friend...with feelings!

http://www.youtube.com/watch?v=JE5RabE3HmY


Sayawan naman....Awitin mo at Isasayaw ko

http://www.youtube.com/watch?v.....re=channel

ENJOY!!!
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Jun 13, 2010 2:08 am    Post subject: Reply with quote

PES69 Get together at Cel Pagalanan's place in Marikina with Yolly Ac-ac Dela Rosa - 09April, 2010

Sayang at lilima yung sakay nung van na inarkila ni Yolly galing Paete, kakalog-kalog tuloy sila! Nakausap din namin si Toots na nasa US [kapatid ni Cel....hello Toots!] I left the place at 8pm pero inabot pa yata sila ng hanggang 11pm.









Thank you very much Yolly....we'll see you again next year!
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Sun Jun 13, 2010 7:56 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Jun 13, 2010 2:56 am    Post subject: Myrna, Emma and Hans Kieslich Reply with quote

Birthday and Despedida of Emma Bagamano Kieslich
Saida's Place - Parañaque City
15 April 2010





Happy bithday Emma!


nagpapalunaw ng kinain....






Bon voyage! Inihatid ko sila sa airport only to find out later na cancelled lahat ng flights sa Europe bec of the volcanic ashfall








Bon voyage part 2...pero cancelled pa rin ang flights. They were booked at Traders Hotel for 3 days and had to stay for another 9 days until the whole of Europe is cleared of ashfall.

See you again next year Emma Bagamano and Hans Kieslich!
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Jun 13, 2010 4:12 am    Post subject: Reply with quote

Isang biglaang "eyeball" ng PES69 ang naganap para makasama ang mga balikbayang klasmeyts, sina Crisologo Paygane at Ireneo Achoy. Bukod sa Independence day celebration [12June2010], we also celebrated the birthday of klasmeyts Eliseo Palatino and Elsie Balquiedra-Gagaring [14June2010]. Ganyan namin sila kamahal...kahit wala sila ay kami'y nagdiwang... Very Happy Very Happy Very Happy

Masaya ang naging kwentuhan...mga bagay bagay tungkol sa nakaraan, sa buhay, pamilya, at ang inaasahan ng mga sakit at dosage na naman ng mga gamot sa high blood, rayuma at cholesterol. Parte na yata talaga ng kada pagkikita-kita ang ganitong mga topic..hehehe! Bagama't may mga iba't iba ng mga alagang sakit, hindi pa rin naman [gaanong] nababakas sa mga mukha...ayon sa amin! Naitatago pa ng mga ngiti at halakhak...ayon ulit sa amin! Pero ang pinakamasarap na kwentuhan ay yung mga "walang resibo." Sayang at mukhang marami akong na-miss dahil lumuwas na agad ako. Very Happy Very Happy Very Happy



Beulah, Bethsidito, Ireneo, Crisologo at Rosaida...habang naghihintay ng iba pang klasmeyts




The winning smile! Sumali daw kasi sa contest si Ireneo ng search for the "Best Smile." Ah, alam ko na kung bakit siya nanalo. Sa barko yata ginawa yung contest habang maalon at nahilo yung mga judges kaya siya ang napili. Pa-cute naman ang ngiti ni Crisologo!




May dumating pang tatlo...sina Cecilia Madrigal, Rebecca Caguin at Magdalena Cagayat


Mukhang giliw na giliw si Quebec kay Ireneo...


Barkada namin nung Grade 6...Crislogo, Beulah, Saida at Teodoro [or Teody Acyatan na wala sa picture.. kasalukuyang busy sa NY sa pag aalaga ng bagong anak...congrats Teody!] Kanino bagang ulo yun ah! Pero wag ka...pang presidente ang ganyang mga ulo! Laughing Laughing Laughing


Grade 6 section 5 klasmeyts...ang pinakamasisipag umatend sa mga get together...sayang at wala si Amanda na nasa Tagaytay


special "kwek-kwek"


Tikman mo Cris...walang ganyan sa Florida. Hindi ako gaanong kumain ng kwek-kwek...mahal kasi ang Lipitor! Bali naman hahanginin na electric fan yung aking buhok!


At dumating ang pambansang ingat-yaman, si Gilda Dailo-Mallari. Kumuha agad ng kapirasong papel para sa attendance....present! Mukhang silaw na silaw si Bethsidito sa mala-pangulong ulo ni Ireneo kaya nag shades na... Laughing Laughing Laughing




Happy birthday klasmeyts Eliseo Palatino at Elsie Balquiedra Gagaring....all the best! CHEERS!!!

Special announcement:
Meron na naman...YES, NA NAMAN...tayong get together ngayong July dahil may mga darating ulit tayong klasmeyts. Though the "eyeball" is already definite, the date is still indefinite. Sa mga uuwi, paki inform lang kami ng exact dates ng availability ninyo para maikalat na natin sa iba at mapaghandaan na rin. Kailangan ding makahanap na tayo ng venue at mapag usapan ang mga ihahanda.

Maraming salamat at kitakits ulit tayo sa susunod na buwan....ang "PES69ners Eyeball sa July"

Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Jun 21, 2010 6:29 am    Post subject: Reply with quote

Klasmeyts,

Para maiba naman ang ating gimik.....



PES69 SPArty sa Parañaque
July 10 - Saturday
10AM - 10PM



Let us pamper ourselves...may special services ng mga experts sa body massage...sweddish, shiatsu, thai massage, etc... for only P200/hr...KKB [or Kanya Kanyang Bayad] courtesy of our klasmeyt Elino Caday na nagtuturo ng body massage course sa TESDA. Magbibigay din siya ng free lecture sa atin at demo...partner-partneran daw!

May FREE facial sa mga pupunta, skin bleaching, body scrub, hair spa...

Pwedeng magpa foot spa, manicure at pedicure...

Kung gusto nyong magpa dye ng buhok ay pwede rin...meron ding mag gugupit at magbubunot ng kilay o buhok sa kilikili, magtitiris ng mga white heads at blackheads...

Pwedeng magpa ahit...ng bigote.

Name it and we will do it for you...yung nga lang, kami kami lang ang gagawa kaya walang sisihan kung anong kalabasan. Parlor-parloran tayo!

We will do a total "make-over" sa lahat ng malakas ang loob....at may picture din ng "before and after" para naman makita kung talagang may ipinagbago ang mga mukha.

Attire is shorts, tsinelas, dusters or kahit anong comfortable sa inyo...

Bring your own towels para pantakip habang minamasahe kayo o kung gusto ninyo munang mag shower bago magpamasahe...

Free transpo for those who are coming from Paete...courtesy of klasmeyt Angel Adao

Food is POTLUCK.

Magdala ng alak ang gustong uminom...samahan nyo na ng red wine at pulutan...

Mag register lang kayo sa sting mailing list para malaman kung ilan ang darating at kung alin sa mga special services na binanggit ang paglalakasan nyo ng loob na ipagawa. Upon registration, sabihin na rin kung anong food ang dadalhin ninyo.

Marami ng nag register pero the more the merrier...

Come one, come all! Relax and enjoy!

See you on July 10!

Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Jul 07, 2010 5:59 am    Post subject: Reply with quote

Klasmeyts,

Please confirm your attendance to the PES69 SPArty sa Parañaque on or before July 8 [Thursday] especially those who are coming from Paete. Nakapuno na tayo ng isang van, let us know kung kailangan pa ng isa. Pls coordinate with Beulah Sacapaño or Amanda Tolentino, or you may email or text me.

Also, please let us know what food/stuff you are going to bring. Hanggang gabi tayo kaya kailangan ay maraming "patuka" Laughing

The direction to our place can be found at the PES69 mailing list.

There will be 2 massage therapists [@ P200/hr]....FIRST COME - FIRST SERVED. Magpalista na ng maaga yung gustong magpa masahe para alam natin kung ilan. Kung madaming magpapamasahe ay magpapadagdag pa tayo kay Prof. Elino

May foot spa...pero Do-it-yourself. May darating din na magma-manicure/pedicure [ for only P100]

To those in the US or Canada...please let us know kung gusto ninyong tawagan namin kayo thru magicjack at no extra cost to you. Please indicate your most convenient time. Apat na yung nasa listahan ng tatawagan namin.

Wear your most comfortable attire....duster, shorts, loose shirts, tubes, spaghetti straps, sandos, puruntungs...pwede na rin ang karsonsilyo.

Bring your own towels and extra clothes...pero bawal magdala ng sariling masahista!

Tatlong tulog na lamang......looking 4ward to see you all!!!

Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Jul 11, 2010 5:10 am    Post subject: PES69 SPArty sa Parañaque - 10 July 2010 Reply with quote

PES69 SPArty sa Parañaque - 10 July 2010

With PES69ners Saida Cagandahan, Elsie Balquiedra, Maura Pagalanan, Dolores Agbada, Myrna Cadayona, Myrna Madrigal, Beulah Sacapaño, Charito Adao, Amanda Tolentino, Frank Gagaring, Gil Pagalanan, Elino Caday, Nelson Valdellon, Hermogenes Rocamora, Ernesto Reyes, Leopoldo Dayo, Angel Adao, Pidong Pacurib, Bethsidito Castillo,


PART 1 - Kumustahan, huntahan, tsibugan at tawanan....at saka pala piktyuran! Maya maya ay inuman na....




















Hindi na nalalayo ang mukha ni Jun sa mga apostoles.....San Leopoldo ang patron ng mga die-hard Lettermen! Smile


Binulungan ako ni Myrna Madrigal nung dumating si Pidong Pacurib....."yan baga ang Rodolfo Pawig?" Magkamukha baga? Smile

Abangan ang PART 2.... at mag GEZZ HU? Laughing Laughing Laughing
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Mon Jul 12, 2010 5:29 am; edited 2 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Jul 11, 2010 6:30 am    Post subject: Reply with quote

PART 2..... Body Massage, manicure/pedicure, foot spa, videokehan at bunutan ng kilay....at patuloy na katuwaan, kwentuhan, kainan at inuman! RATED PG! Smile


Gezz wat??? Suso ng bagong panganak na baboy? Looks like pero mali! Another version of ventusa [hindi ginamitan ng apoy....] para maalis ang sobrang lamig ng katawan. Gezz hu? Never mind....sikret! Smile



Stress relieving body massage [Thai/Sweddish/Shiatzu...whatever!] done by the expert massage therapists.....Parental Guidance is advised! SmileSmileSmile


TLC or Tender Loving Care with matching soft music....sarap matulog!


Parang kilala ko sa buhok ito ah.....yung may uban!


Mukhang mga naghihilik na.....


Ayos! Relaks na relaks si Hyden Kho......ilalagay natin sa salad yang pipino mamaya! Smile


Mahiyain ang ating subject....baka daw mapagalitan ng asawa! SmileSmileSmile



Sinadya naming gawing blurred ang picture...baka daw mapagalitan ng mga anak! SmileSmileSmile


Home made body bleach....formula is available upon request.....sarap magpa foot spa! Maigi na lamang at pink pa ang tubig...hindi pa naglulunak! SmileSmileSmile


Manicure...pedicure kayo dyan!





May libre pang ayos ng kilay....Smile


Wow legs! SmileSmileSmile



Non-stop entertainment...




Sumakit ang tiyan ni Cherry, nabalis daw yata kaya kailangang lawayan yung tiyan. Ng marinig ng mga boys ay biglang nagtakbuhan at nag unahan sa pagpahid ng laway sa tiyan ni Cherry. The winner is....Pidong, siya daw ang nakabalis! SmileSmileSmile

To be continued....kakain muna ako ng hapunan at gutom na! Smile

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Mon Jul 12, 2010 6:12 am; edited 2 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
Elsie BG



Joined: 18 Dec 2008
Posts: 34
Location: Al-khobar, Saudi Arabia

PostPosted: Mon Jul 12, 2010 12:49 am    Post subject: SPARTY BATCH 69 PES Reply with quote

Hello mga klasmetys,

Isang napakasayang get together uli ang naganap sa bahay nina Pres. Saida... Hindi nagpalamang ang asawa ko kaya kahit hindi sked ang pag uwi nakasama ko din sya sa sparty namin...First time na nakapunta ako kina saida at talaga naman napaka ganda ng place..at home na home ang lahat .. very accomodating naman ang family ni saida... thanks saida, Frank and I had a wonderful vacation this time....

Sa mga klasmeyts next time join kayo para ma feel din ninyo ang mga kasayahan natin... i feel bumata ako sa mga tawanan at kwentuhan plus sabi ni elino yong massage nakakabata ng 2 weeks per massage. so dapat malimit pala para lalong bumata tayo...thanks also to elino sa mga healthy information na na share mo sa gropo.. laking tulong noon para sa amin...

Sa inyong lahat na nakasama namin sa sparty thanks also... malaking kasayahan ang naidulot nito sa amin.... sana maulit muli at abangan ninyo ang susunod na get together...

Sa likod ng kasayahang ito please dont forget to include on your prayers ang mga klasmeyts natin na may mga karamdaman... Mas epektibo ang sama sama natin mga prayers para sa kanilang mga kagalingan...

Mabuhay ang batch 69 PES!!!.....

FRANK/ELSIE
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Jul 12, 2010 5:28 am    Post subject: Re: SPARTY BATCH 69 PES Reply with quote

Elsie BG wrote:
Hello mga klasmetys,

Isang napakasayang get together uli ang naganap sa bahay nina Pres. Saida... Hindi nagpalamang ang asawa ko kaya kahit hindi sked ang pag uwi nakasama ko din sya sa sparty namin...First time na nakapunta ako kina saida at talaga naman napaka ganda ng place..at home na home ang lahat .. very accomodating naman ang family ni saida... thanks saida, Frank and I had a wonderful vacation this time....

Sa mga klasmeyts next time join kayo para ma feel din ninyo ang mga kasayahan natin... i feel bumata ako sa mga tawanan at kwentuhan plus sabi ni elino yong massage nakakabata ng 2 weeks per massage. so dapat malimit pala para lalong bumata tayo...thanks also to elino sa mga healthy information na na share mo sa gropo.. laking tulong noon para sa amin...

Sa inyong lahat na nakasama namin sa sparty thanks also... malaking kasayahan ang naidulot nito sa amin.... sana maulit muli at abangan ninyo ang susunod na get together...

Sa likod ng kasayahang ito please dont forget to include on your prayers ang mga klasmeyts natin na may mga karamdaman... Mas epektibo ang sama sama natin mga prayers para sa kanilang mga kagalingan...

Mabuhay ang batch 69 PES!!!.....

FRANK/ELSIE


Frank and Elsie,

It's my pleasure to welcome you all in my place...anytime. Mi casa su casa. My house is your house.

Maraming maraming salamat din sa inyong dalawa at sa lahat ng dumalo. Tama ka, pakiramdam ko ay talagang bumata ako at sigurado akong lahat tayo ang ganun ang pakiramdam at hitsura....ayon sa atin! SmileSmileSmile

Sa mga hindi natin nakasama nung Sabado, pilitin ninyong sumama sa susunod. At dun sa mga hindi pa natin naakasama kahit kailan....you are missing a lot! Hope you can join us next time.

To Prof Elino and his angels....maraming salamat. Good job!

To our dear sick classmates, get well soon and please do not lose hope. This is for you...a beautiful song by Elvis Presley [One Pair Of Hands]

http://www.youtube.com/watch?v=DVnp5eJ5wbs....

Ay di papaano....sa isang buwan ulit?Smile

Teka at tatapusin ko muna yung posting ng mga pictures... ang PART 3!

Klasmeyt Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org


Last edited by saida on Mon Jul 12, 2010 6:34 am; edited 2 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Jul 12, 2010 6:01 am    Post subject: Reply with quote

SPArty sa Parañaque - 10 July 2010

PART 3

Matapos ang katakot takot na kainan ng masasarap na Lapid's chicharon, batchoy with matching alamang Payti, shanghai, pork adobo, fried chicken, mechado, pancit palabok at marami pang iba....i-check natin ang ating mga blood pressure kung tumaas.


Beri gud! Normal lahat ang presyon ng dugo. Iba talaga ang nagagawa ng masahe sa katawan at ang pinaka importante... kapag palaging masaya!Smile


Nagbigay ng kaunting lecture si Prof Elino tungkol sa Healthy Lifestyle....and the Importance of Body Massage. Lahat ay very attentive sa pakikinig.


Balak yata ni Frank na mag iba ng propesyon...mula sa pagiging engineer ay gusto na yatang maging therapist kaya sinampolan ang mga talampakan nina Elsie at Myrna


May sariling "style" daw ng masahe si Hyden Kho....kaya lang ay hindi pwedeng banggitin dito dahil Rated X! Smile


Bukod sa lecture ay meron pang demo...talagang feel na feel ni Frank! Smile


At may libreng sampol pa ng masahe mismo ni Prof Elino...ang kaso ay mas tayp yata niyang sampolan ang dalaga kaya umapela ang Amanda! SmileSmileSmile


The Byutis and the Pogis of PES69...HEP-HEP...HURRAAAAY!!!!

MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT.

HANGGANG SA MULI.....sa AUGUST 2010! SmileSmileSmile


Klasmeyt Saida Wink Wink Wink
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Jul 12, 2010 7:02 am    Post subject: Reply with quote

madam Saida,

Ang galing naman ng healthy bonding nyo mahirap yatang gayahin yan.

Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Mon Jul 12, 2010 7:09 am    Post subject: Reply with quote

whernas2001 wrote:
madam Saida,

Ang galing naman ng healthy bonding nyo mahirap yatang gayahin yan.

Winston


Hi Winston,

Madali lang basta pare pareho kayo ng hilig ng mga kaeskwela mo. Kaming lahat ay mahilig kumain, magkantahan, magsayawan, mag huntahan, atbp. Gusto namin ay palaging masaya kaya kada kibot ay palagi kaming magkakasama. Kahit puro replay ang kwentuhan ay palagi pa rin tawanan....bawal ang KJ!

Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sat Aug 21, 2010 11:51 pm    Post subject: Reply with quote

Dear PES69ners,

Oras na naman ng muling pagkikita kita
Doon kina Pres Don Wally na nakakawili
Na habang lumalaon ay lalong pumopogi...sipsip! Smile
Ngayong Agosto 28, sa araw ng Sabado
Alas 2 daw ng tanghali hanggang hatinggabi
Sana ay piliting makarating kahit mga busy
Atin salubungin bagong dating na kaklase
Kantahan, kainan, kwentuhan at swimming
Magsaya at maglibang, ituloy ang usloan
Sayawan, kodakan, walang puknat na huntahan
At kung ikaw ay masamid dahil hindi nakarating
Malamang ikaw ang topic, wag nyo kaming sisisihin

Wag kayong mawawala! SmileSmileSmile

Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sun Aug 22, 2010 1:36 am    Post subject: SPArty Reply with quote

Wow, Saida...ngayon ko lang nabuksan itong SPArty...type ko! How about the body scrub na naranasan mo dito, para meron tayo dyan na pareho ng pinagdalahan ko sa inyo ni Floukay? Meron akong sample nung ginamit nilang pangkiskis ng balat. Suggestion...yung pipino na inilagay nyo sa mata...dikdikin nyo at haluan ng isang klaseng katas ng herb (hindi ko alam kung ano ang ginamit nila) sarrrappp! Did you convert this really to a real-business SPA?
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Aug 22, 2010 5:45 am    Post subject: Re: SPArty Reply with quote

Ludy wrote:
Wow, Saida...ngayon ko lang nabuksan itong SPArty...type ko! How about the body scrub na naranasan mo dito, para meron tayo dyan na pareho ng pinagdalahan ko sa inyo ni Floukay? Meron akong sample nung ginamit nilang pangkiskis ng balat. Suggestion...yung pipino na inilagay nyo sa mata...dikdikin nyo at haluan ng isang klaseng katas ng herb (hindi ko alam kung ano ang ginamit nila) sarrrappp! Did you convert this really to a real-business SPA?


Hi Daluds,

Maraming spa dito pero wala pa akong nakita na katulad nung pinagdalhan mo sa amin...talagang hubo't hubad at lahat ng kasuluk-sulukang parte ng katawan ay binubuklat at hinihilod ng husto...pati singit! SmileSmileSmile

Bumili ako dyan nung panghilod pero hindi ko na makita ngayon kung nasaan....that was 5 years ago! Loofah na lang ang ginagamit ko at isang brand ng milk/salt spa fr Thailand daw...okey din gamitin. Iniinom ko na lang yung pipino kasama ng green juice every morning pag gising ko...pipino, celery, ampalaya, green bell pepper at green apple. Maganda sa katawan, simula ng ininom ko ay hindi ako nagkakasakit...pampaganda daw pati....SmileSmileSmile

Hindi ito pang business, pang friends lang. Yung mga nagmasahe ay kasamahan nung klasmeyt namin na nagtuturo ng reflexology sa Tesda...magagaling sila!

Hayaan mo't pag uwi mo ay SPArty rin tayo nina H10 at Flouks....tayo tayo na lang ang maghiluran....SmileSmileSmile

You look very happy in your pictures...glowing pa! Smile

Regards,
Saida
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Sun Aug 29, 2010 4:22 am    Post subject: Reply with quote

Eyeball sa Agosto 28 2010
Pres Wally's place...as usual!
Sa labing isang oras naming pagsasama sama [from 2pm - 1 am] ay halos isang oras lang ang may ilaw...brownout ng 10 hours kaya walang naging vidokehan at sayawan Sad Pero sa isang banda ay nakaigi na rin dahil mas masarap ang naging bonding at mas masaya ang kwentuhan dahil naging intimate ang mga paulit ulit na recollections...by candle lights.




A million thanks to Pres Wally and wife Lolet for the very warm accommodation....sa uulitin. Sa September 25 daw ulit...PES69 lahatang swimming...nawili! Smile



at dahil akin yung camera at ako yung nagpo post kaya pagtiyagaan nyo muna yung mga pictures ko....SmileSmileSmile


2PM daw ang umpisa kaya naman straight from Manila ay on the dot kami...pero wala pang tao kaya piktyuran muna sa napakagandang place ni klasmeyt Wally Baldemor


unti unti ng nagdadatingan....


mga bagong recruits/bagong baba ng barko...Nestor Aseoche at Cesar "Pip" Dela Cruz...salamat sa pa-mamam! SmileSmileSmile


Mulo Cainto...klasmeyt na bagong luma dahil ngayon lang nakasama. Pa-cute naman si VP-VG habang kumakain...hehehe!


mga hanot sa piktyurs....Smile


nilagang balut at adobong balut, pampatigas....ng tuhod! SmileSmileSmile


17 day old balut, bagong laga at mainit pa kaya malinamnam...maliit pa ang sisiw!


ang sarap na kain ni Amanda na balut...naglagay na tuloy ng kandila s Pres Wally para itaboy ang mga langaw


hanep sa posing ang tatlong miyembro ng BIR....SmileSmileSmileSmileSmile





umpisa na ng kwentuhan at inuman....tagay! Smile












baina...ay ang head ng security ni Amanda sa kagandahan, kaperahan at kapurihan ay natutulog sa pansitan...naparami ang inom! muntik ng nalagyan ng kandila sa apat na sulok! SmileSmileSmile






the beauty and the beasts....SmileSmileSmile



Muli ay maraming maraming salamat sa lahat ng mga nagcontribute ng kanilang time, money and effort sa isa na namang napakatagumpay na pagsasama sama. Marami pa ang susunod kaya pilitin ninyong palaging makasama para mabawasan ang inyong mga stress at kulubot...Smile

Again, a million thanks to Pres Wally and wife Lolet for welcoming us to your very beautiful place...basta daw PES69 ay palaging welcome at may libre ng lifetime membership! Smile

Hanggang sa muli....baka sa September 25, 2010...lahatang swimming! Smile

Klasmeyt Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
Page 3 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group