PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

dengue s paete
Goto page 1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest






PostPosted: Mon Jan 18, 2010 7:43 pm    Post subject: dengue s paete Reply with quote

ano po kaya ang magandang gawin pra maiwasan ang outbreak ng dengue? ang dami na po ng nabiktima ng sakit na ito at mga taga central pa ang karamihan, sobrang dumi po ba ng paligid dun, balita ko po ay sa brgy.9 ang dami pong basura at meron ding babuyan sa palayan, sa kabahayan na sa paligid, ang babuyan daw po ay walang tamang deposito ng dumi ng baboy kaya sa palayan na ito napupunta, hindi po kaya ito ang isang dahilan kung bakit may dengue sa paligid ng central skul,anagtatanong lang po at natatakot kami na magkasakit.
Back to top
juan
Guest





PostPosted: Mon Jan 18, 2010 10:22 pm    Post subject: Reply with quote

madali lamang puksain yan dengue, kooperasyon lamang ang kailangan, tamang paglilinis ng masukal na paligid, pag aalis ng mga stagnant water, sa ganitong paraan ay maari tayong makaiwas sa pagkalat ng mga lamok na nagdadala nito...
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Tue Jan 19, 2010 3:43 am    Post subject: guest Reply with quote

nkaka alarma nga ang dami ng lamok dito sa aming barangay.. alam na po ng mga tao dito ang mga paraan para makaiwas sa dengue pero hindi po lahat ay concern.. hnhntay pa sguro nila na isa sa mga pamilya nila ang mabiktima ng dengue bago pa sila sumunod.. wag po sana nating iasa sa mga nkaupo ang problemang ito,, kaya po natin itong masolusyunan kung tayo po ay magtutulungan.. dun po sa sinasabing may babuyan sa palayan, kilala ko po yung isa lang at kung meron pang iba ay ipaalam nio po ito sa kanila.. ng mapag usapan.. salamat po.. hndi po ako nanunungkulan..concern lang..
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Tue Jan 19, 2010 10:46 pm    Post subject: Reply with quote

Halos araw-araw po ay isinasagawa ang pagbabandilyo tulad ng nasa libis nito. Ang mga BHW, kasama ang ating Pambayang sanidad at staff ng RHU ay nagbabara barangay na may kasamang Pulis upang mahigpit na ipatupad ang ordinansang "Tapat mo Linis Mo". Muli't muli po ang aming panawagang maglinis ng kapaligiran.

BANDILYO:

Sa kabila po ng patuloy na pagbibigay ng education information ng ating mga taga RHU, patuloy pa rin po ang pagtaas ng bilang na nagkakasakit ng Dengue. Sa mga sandaling ito ay umaabot na sa mahigit 44 ang napatalang nagkasakit ng Dengue. Muli po naming pinaaalalahanan ang lahat ng mga mamamayan ng ibayong paglilinis ng inyong kapaligiran at ang pagsasagawa ng mga sumusunod na hakbang upang makaiwas sa sakit na Dengue:

1. Tiyaking walang naiipong tubig sa mga lata, bao ng niyog, goma ng sasakyan, alero at iba pang maaaring pangitlugan ng lamok.

2. Kung may nakikitang mga kiti-kiti, pumunta sa pinaka malapit na BHW at humingi ng pampatak kontra Kiti-kiti.

3. Pagsuotin ng pantalon at mahabang manggas ang mga bata.

4. Kung maaari ay gumamit ng "OFF" o ano mang insect repellant.

5. Pag nakakita ng mga sumusunod na sintomas, magpatingin agad sa doctor:

) Pabalikablik na lagnat
b) mga halas o rashes ,
c) masakit ang mga kalamnan at kasokasoan,
d) masakit ang ulo o tiyan,
e) pagdudugo ng ilong at gilagid,
f) tumatae ng maitim.

Noon pong una, ang sabi po ng DOH ang pag pa fogging ay hindi ipinapayo sa dahilang itinataboy lang nito ang lamok at lalong lumalakas ang resistensya ng mga ito. Lubha rin daw masama ito sa baga ng tao. Subali't noong huling emergency meeting ng Local Health Board nong nakaraang Enero 12, na dinaluhan ng mga taga DOH, ang payo nila ay mag fogging kung masyadong mataas na ang insidente ng Dengue. Kung kayat ngayong araw na ito ay maguumpisa na pong mag fogging sa 9 na Barangay.

Ang lahat pong Paaralang Pampubliko 3 elementaria at 1 high school ay inatasang magtatag ng "Dengue Task Force" na silang mag sasagawa/magmomonitor ng mga hakbang kontra Dengue sa kanilang mga paaralan.

Ang inyo pong pakikiisa ay lubos na inaasahan at pinasasalamatan.

EBC
Back to top
View user's profile Send private message
Anak Pawis
Guest





PostPosted: Tue Jan 19, 2010 11:16 pm    Post subject: Dagdag kaalaman tungkol sa Dengue at Lamok Reply with quote

Ang Dengue ay isang sakit na dala ng Dengue virus. Ang virus na ito kapag naiturok ng lamok sa isang tao ay dadami sa loob ng katawan at nagdudulot ng maraming sintomas. Isa na ay ang pagdudugo sa ibat ibang bahagi ng katawan. Karaniwan ay sa balat makikita tulad ng parang mga makikitang lumabalas sa tigdas o kung minsan ay pangingitim. Kapag matindi ay nagbabalinguyngoy ang mga bata at gayon din sa loob ng katawan tulad ng bituka kaya may parang dinuguang dumi. Kaya nga tinawag na hemorrhagic fever ang Dengue. Bumababa ang biliang o blood count lalo na ang leukocytes o white cell na siyang pinakapanlaban natin sa infection, at babagsak ang blood pressure o shock na ikinamamatay ng pasyente. Sa kasamaang palad, and lamok na nagdadala ng sakit na Dengue ay karaniwan ng nabubuhay sa ating kapaligiran tulad ng stagnant water tulad ng mga sapa at iba pang naiipong tubig ulan. Kahit anong alam natin tungkol sa sakit na ito at anong gawin ay pabalik balik yan sa ating bayan. Sa kabila ng magbabandilyo at iba pang panlaban sa lamok, tayo ay hindi titigilan ng mga "malevolent mosquitoes". Kaya tayo na ang gagawa ng paraan para labanan natin ang mga lamok na nagdudulot ng ibat ibang sakit tulad ng Dengue at Malaria. Mayroon isang international society na ang ginagawa ay isang simpleng bagay lamang: mamigay ng mga kulambo. Sa Africa lalo na kung saan ang maraming sakit na dulot ng lamok tulad ng Malaria at Yellow Fever, doon sila nagco concentrate na mamigay ng mga kulambo. Malaki ang nagagawa ng kulambo, dahil naiiwasang makagat ang mga tao ng lamok. Sa mga panahong ganito, subukan po nating gumamit ng kulambo. Ito ay nasubukan ng isa sa mga pang buong mundong gamit laban sa kagat ng lamok.
Back to top
gng
Guest





PostPosted: Wed Jan 20, 2010 4:14 am    Post subject: Reply with quote

ako ay may anak na ngkadengue nuon.
wla syang rashes, pagdudugo, at pananakit ng kasu-kasuan.
basta na lng me lagnat sya na naobserbahan ko, kpag pinainum ng gamot sa lagnat at khit pawisan, pg kinunan ko ng temp ay meron pa ring lgnat na 38 deg.
(usually kasi kpag me lagnat ang mga anak ko bnabantayan ko at pgpinainum ko ng gamot at pg bumaba nsa 37deg saka ko tinutulugan)
akala mo wala ng lagnat dahil sa pghipo ay wlang init, kaya kailangan tlaga me thermometer. (P25+ lng ang thermomter)
after 3days, ganun pa rin ang temp di bumbaba sa 38deg kya dun ko nalaman nsa bloodtest lng tlga mddetermine ang dengue.
pg wla png 3days ang lgnat, me case na negative sa bloodtest.
mdalas pg ganyang me epidemic at me ngkalagnat, dpat pnalalabtest na.
At bkit ngkakaroon ng deaths, kasi akala nila simpleng lgnat lng. Yun pla, malala na at kailangan na ng blood transfusion.
kaya early detection pa rin is the best, mga nanay! Be vigilant!
Back to top
Anak Pawis
Guest





PostPosted: Wed Jan 20, 2010 11:12 pm    Post subject: Reply with quote

Ang ikinamamatay ng mga maysakit na Dengue ay mostly dehydration at kawalan ng panlaban sa infection at pagdudugo. Ang pag dudugo ay sanhi ng pagbaba ng platelet o thrombocytes sa dugo. Kapag napakababa ng platelets, doon nagkakaroon ng mga petechiae o paltakpaltak ng balat at pagbabalingoyngoy at pagtae ng maitim. At iyon ay isa ding sanhi ng kamatayan kung hindi masalinan ng dugo, dahil sa shock. Ang pinakaimportante ay prevention o maiwasan ang pagkahagip ng Dengue. At ang isa dito ay ang pagiwas sa kagat ng lamok. And Unicef at iba pang international societies ang nangunguna upang mamigay ng mga kulambo sa Africa at iba pang dako na maraming lamok. Sa Africa ang pinakamadalas na sakit na nakamamatay ay Malaria at Yellow Fever. Katulad ng Malaria at Yellow Fever and Dengue ay dala din ng lamok sa tao. Kaya, kung maaari, alagaan natin ang ating sarili. Kung hindi makontrol ang pagdami ng lamok kahit kulambo ay gamitin maiwasan lamang ang pagkakagat nito. Alalahanin natin taon taon dadating ang panahon ng Dengue, kahit anong linis ng paligid, dadating ang tubig dagat na may dala ng lamok. Hindi natin makakayang sugpuin ang lamok hanggang ang mga gobyerno ay hindi binibigyan ng tuluyang pagaaral at research upang tuluyang mawala sa mundo at masugpo ang kulisap na ito.
Back to top
zyggy
Guest





PostPosted: Thu Jan 21, 2010 4:11 am    Post subject: Reply with quote

magandang araw po sa lahat.....

maraming paraan po para maiwasan ang paglaganap ng DENGUE may paraang mahal na hinde naman masyadong epektibo pero may mas kaya ng bulsa pero epektibo.....ang isang pinaka-mabisang panlaban upang maiwasan ito ay ang pag-tatanggal ng mga binabahayan ng lamok....paano po ito maisasagawa.....sa ibayong paglilinis ng kapaligiran na ang kailangan lang natin ay sipag,tiyaga at pag tutulungan....dahil kung ang isang bahay o isang baranggay ang hinde gumawa nito dun sa kanila lilipat ang lamok.....kaya kailangang tulong-tulong.....sa sapa,ilog at kanal maaring mabuhay ang lamok na ito ngunit hinde sa main stream nito....ito ay makikita sa paligid ng mga ito.....kaya ibayong kalinisan ang kailangan.......sa bahay o mga eskwelahan naman ang isang gustong-gusto na pagbahayan ng AEDIS EGYPTI (lamok na nagdadala ng dengue) ay yaong malinis at hinde nakikibong tubig gaya ng flower vase,mga kanal na hinde umuusad at walang isda (stagnant water),mga de lata na naiipunan ng tubig, sa ilalim ng kusina na may posibleng pagbahayan ang mga lamok,sa talulot ng mga dahon na may tubig,sa mga gulong ng sasakyan maliit man o malaki na maaring maipunan ng tubig sa loob......kaya po kailangang natin itong palaging linisin at tingnan........ang KULAMBO po ay hinde nakakatulong sa pag iwas ng nasabing sakit dahil ang lamok po na nagdadala ng sakit na dengue ay DAY BITING MOSQUITO simula 6am - 6pm maliban na lang kung matutulog ka sa tanghali at magkukulambo ka........pwede din po kayong mag-pausok at mag siga mga alas 4 ng hapon pero cguraduhing walang kasamang plastik at goma dahil ito ay masama sa ozone layer pag nasunog sa apoy......iyan po ang ilan lamang sa mga matipid na pamamaraan at sipag,tiyaga at tulungan ang kailangan.....kaya mga kababayan kaya natin iwasan ang sakit na ito kung tayo ay tulong-tulong....wag nating i-asa sa iba ang ating mga kalusugan bakit hinde tayo magsimula sa ating bahay upang ang kapitbahay ay tuluyan na ding maengganyo sa ating mga ginagawang pag-iwas.......sana po ay may maganda akong naibahagi sa inyo.

at para naman po sa mga simtomas ng sakit na ito pwede nyo pong itanong sa ating mga BHW o kaya ay sa mga BARANGAY HEALTH STATION o dili kaya ay sa center mismo....pero isang payo laang po ang aking iiwan....kung ang anak po natin ang may lagnat.....painumin po natin ng gamot sa lagnat at obserbahan kung ang lagnat at bumababa...kung kahit painumin at derecho pa din ang lagnat ay wag ng mag-atubiling pumunta ng PAMBAYANG PAGAMUTAN (sa center) at ipakita sa doktor....tama po ang isang ginang na kailangang i-check sapamamagitan ng isang thermometer kung iyong oobserbahan ang iyong anak......at palagian pong painumin ng tubig ang iyong anak.......ang isang may sakit po ng DENGUE ang isang treatment po ay ang HYDRATION THERAPY......

maraming salamat po sa pagbibigay ng oras sa pagbabasa nitong aking ginawa......pagpalain po tayo ng POONG MAYKAPAL



ZYGGY
Back to top
amandmhich



Joined: 25 Apr 2006
Posts: 166
Location: Michael B. Sadsad

PostPosted: Thu Jan 21, 2010 4:14 am    Post subject: Reply with quote

for more infos you can read the link below:

http://en.wikipedia.org/wiki/Dengue_fever
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
kabalikat_3536



Joined: 01 Jul 2009
Posts: 167
Location: Emmanuel B. Sadsad paete,laguna

PostPosted: Tue Jan 26, 2010 9:20 am    Post subject: Del pilar St.....Paete Laguna Reply with quote







Kasama po ang mga kawani ng Barangay habang sila po ai nag pa foging Malapit po sa School (PES).Na ang School po ng Pes ay tapos na pomag foging....
_________________

_____________________
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
gng
Guest





PostPosted: Tue Jan 26, 2010 9:55 pm    Post subject: Reply with quote

ay paanu po kapag maliwanag na wala pang 6am o maliwanag pa ay 7pm na? panu po kayo nakakatiyak tumitingin po baga yun lamok sa oras? ay dapat pala sbhan ung buong bansa na mali cla sa kulambo gaya ng tinuran ng anak ng pawis. Wink

Importante po iyung kulambo( maige ipermanente na sa tulugan ng bata) (o kung gusto nyo para sure gisingin na ang mga bata -b4 6am at pigilang m2log pg ala png 6pm) Wink lalo npo un mga baby/toddler/nursery o bagong dating sa iskwela na maagang matulog/tanghali magising. Actually cla naman ang mas prone di tayong matanda na cguradong gising ng 6am-6pm at alam kapag me lamok.

kulambo din po ang pg-isolate sa mga me dengue na pra di na makagat pa ng ibang lamok at maikalat

para sa mga batang pumapasok sa iskwela, karamihan sa sch ay ngtatakda ng jogging/long pants as temp uniform hanggat me outbreak esp kung merong case na sa klase.
Back to top
kabalikat_3536



Joined: 01 Jul 2009
Posts: 167
Location: Emmanuel B. Sadsad paete,laguna

PostPosted: Sat Feb 06, 2010 5:28 pm    Post subject: Barangay Maytoong Reply with quote














_________________

_____________________
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Thu Jul 01, 2010 3:21 am    Post subject: babuyan Reply with quote

kmi po dito s brgy.9 ay laging nangangamba ukol s dengue ksi ang dami po laging lamok dito s amin dahil po s mga babuyan dito s paligid ng kabahayan at kalapit n po ng national high school ,hindi po maayos ang kanilang septic tank at umaamoy po ito .kaya tinatawagan po sana nmin ang sanidad ng paete n tingnan ang nasabing babuyan .salamat po.
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Sat Jul 03, 2010 10:07 am    Post subject: SORRY PO KUNG IBA ANG TOPIC KO Reply with quote

Sorry po kung iba topic ko, kasi hindi ko po alam kung saan mag po-post.




BAKIT PO GANITO ANG FIESTA NGAYON?

Dati-rati JUNE 28-30 MAY MGA CHUBIBO NA, MAY MGA PERYAHAN NA.
Eh bakit ngayon, ngayon lang nagkabit?

At Bakit po ngayon, WALA PARING MGA BANDERITAS, " parang hindi fiesta "




At Bakit nga po pala nasa PLAZA NA ANG MGA RIDES AT NASA QUINALE???




Napaka-LAYO naman po nung quinale para sa mga taong-bayan dito!





SANA SA PATIO NALANG PO ULET, MAS MAAYOS!


SANA MAYOR, VICE MAYOR AT MGA LOCAL OFFICIALS AY MATUGUNAN NINYO ITO.
Back to top
g
Guest





PostPosted: Sun Jul 04, 2010 1:16 pm    Post subject: para kay Guest Reply with quote

Hindi kailangan ang karangyaan sa Fiesta, hindi kailangan ng banderetas o mg perya at kahit mga masasarap na pagkain
Ang kailangan ay kataimtiman at panalangin na katahimikan ng bayan
Magdasal na lang tayo, kahit walang mga palamuti at mga tsubibo
Hindi importante sa buhay yan.
Back to top
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Sun Jul 04, 2010 6:57 pm    Post subject: Reply with quote

Dear Guest,
Ang paglalagay po ng mga banderitas ay sakop ng mga Barangay, paki follow up po ang inyong mga kapitan. Yon pong mga Chibibo at mga rides ay sa Plaza inilagay dahil hindi na po payag ang Simbahang Katoliko na paglagyan ng mga rides ang patio.
Para po sa inyong kaalaman.
Ka Noel
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Mon Jul 05, 2010 5:52 pm    Post subject: Reply with quote

ang tsubibo at rides ay maganda lng s mga bta pero ang mga ito ay may panganib n kaakibat s mga ito at ito din po ang dahilan ng kaguluhan s tuwing sasapit ang pyesta tama po hindi ito kakulangan s pagdiriwang ng pyesta
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Jul 06, 2010 5:15 pm    Post subject: Reply with quote

magandang araw po meyor,ano po ang nangyari s aming hiling dito s brgy.9 tungkol s paligid nmin n d kaaya-ayang tingnan at ang amoy baboy.salamat po
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Sat Jul 10, 2010 5:33 am    Post subject: Reply with quote

Mayor,

Yung kapitan po dito sa barangay 1 ay mukhang wapakels dito.
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Sat Jul 10, 2010 10:37 pm    Post subject: rhu Reply with quote

nais ko lang po na maiparating ang hinaing ng ating mga kababayan tungkol serbisyo ng rhu sa ating mga mamamayan, meron po kasing mga nakakita na nasa loob din ng nabanggit na tanggapan na ang mga gamot na ibinigay ng ating ilang kabababayan na nasa abroad at ng iba pang nag mamagandang loob ay itinapon at ipilush sa bowl dahil sa ang mga ito ay inabot na ng expire,inipit at ipinagkait sa mga mamamayan na nangangailangan nito sa dindi malamang kadahilanan, na sana ay pinakinabangan ng mga kababayang mahirap at nangangailangan nito, dahil lamang sa hindipagkakaunawan ng ilang namumuno sa loob ng RHU, marami ding komunsulta dito na ayon sa ilang kabababayan ay mali ang pagbibigay ng gamot ng isang doktor sa ilang pasyente na nagkaroon ng epekto sa kanilang kalusugan, ngunit ang mga taong ito ay walang lakas ng loob na lumantad dahil sa pinupuntahan daw sila ng ilang mga tauhan ng RHU upang sila ay kausapin para wag silang magreklamo, bukod pa dito may isang tao rin na nasa loob ng munisipyo ang nananakot sa mga pasyenteng nagkaroon ng problema, na kakatikim ng hindi magagandang salita at pinagbabantaan, ito ay ipina blotter sa pulisya ng mga kawawang pasyente. pero bakit hindi po ito maaksyunan ng mga namumuno sa ating bayan gayung batid nya ang problema sa tanggapan ng RHU? pati na ang mga tauhan dito ay nagkakaroon ng pagkakahati dahi llamang sa namumuno dito. sana po ay mabigyan ito ng pansin upang wag ng madagdagan ang mga ganitong problema ng ating mga kababayan. sana po sa ganitong paraan ay naiparating ko ang hinaing ng ating mga kababayan at sana po ay lumantad ang mga taong nagkaroon ng problema sa RHU dahil kayo rin po ang susi at sa inyo nakasalalay ang inyong kahilingan na maalis sa pwesto ang isang manggagamot ng RHU dito sa bayan ng Paete......
Back to top
g
Guest





PostPosted: Sat Jul 10, 2010 11:28 pm    Post subject: para kay guest at sa amoy baboy Reply with quote

Kaibigan,
Hindi na dapat si Mayor ang maglinis ng inyong paligid at magbumba ng pabango sa mga amoy baboy.
Kayo na na nakakamasid at nakalalan hap ang mag ayos niyan.
Aba, pati baga naman ihi at dumi ng baboy, kay Mayor pa iaasa. Patawarin naman natin yong tao, maraming bagay na mas importante and dapat niyang pagtuunan pansin, Hindi yong amoy Mamoy.
Back to top
Guest






PostPosted: Sun Jul 11, 2010 5:33 pm    Post subject: Reply with quote

bilang si meyor po ang nakakataas kya po nmin sinasabi ung mga prolema ng kangyang nasasakupan hindi po nmin sya inuutusan o pinaglilinisin nais po namin n sya ang superior ,sya ang nasa puwesto upang magsabi s kanyang mga under o kapitan n ayusin ang kapaligiran ,at pra hindi lahat ay s kanya ipupuna o ibabato ang sisi,salamat po,nais po namin ang sulusyon hindi po paninira ,d po b sabi ni pnoy kyo ang boss nmin hindi kmi ang boss kyong mamamayan.
Back to top
g
Guest





PostPosted: Mon Jul 12, 2010 4:24 pm    Post subject: Reply with quote

Kaibigan,
Sa Kapitan muna ninyo ilapit, dahil kung hindi kaya ng inyong Kapitan ang tungkulin sa Barangay, siya ang magsasabi kay Mayor kung may kailangan na pakialaman si Mayor. Hindi yon amoy ng baboy idederetso mo kay Mayor, Through channel and tawag doon.
Back to top
frjdelarosa



Joined: 27 Sep 2005
Posts: 58
Location: Paete, Laguna Philippines

PostPosted: Tue Jul 13, 2010 12:23 am    Post subject: Reply with quote

Ito po ang sulat mula sa TANGGAPAN NG PAMBAYANG KALUSUGAN AT KALINISAN...



para po sa kabatiran at kaalaman...
_________________
Jancy Navarro - dela Rosa

Father: Cornelio "Nelio" dela Rosa (+)
Mother: Ma. Lourdes "Lara" Navarro
--------------------------
Check out - JancyBhebz Facebook Page
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website Yahoo Messenger MSN Messenger
guest
Guest





PostPosted: Tue Jul 13, 2010 2:43 am    Post subject: perya Reply with quote

pasencia na po kayo kasi sa tingin ko po gusto lang ng punong bayan na makapagbigay ng kahit kaunting kasiyahan sa ating mga kababayan. Para sa inyong kasiyahan ay pakisabi ang inyong pangalan at address at bukas din po paggising ninyo ay mayroon n pong tsubibo sa tapat ng inyong tahanan, kung yun ay gusto ninyo at para sa inyong kasiyahan ng gayon ay lubusan nyong madama ang kapistahan ng ating bayan.

Nagmamahal; Luksang Tipaklong
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3  Next
Page 1 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group