PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

dengue s paete
Goto page Previous  1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest






PostPosted: Tue Jul 13, 2010 6:04 am    Post subject: Reply with quote

maraming salamat po s agarang tugon s aming hinaing sana po ay tuluyan n itong mawala tpusin n lng n maibenta ang mga baboy at ipatigil n po sana.ksi po residential n po at may skul p dito.sana po magingtaniman n lng uli.maraming salamat po uli
Back to top
takot n magulang
Guest





PostPosted: Fri Jul 16, 2010 1:10 am    Post subject: babuyan Reply with quote

meron n po uli n bgong kaso ng dengue dito s katabi lamang ng nasabing babuyan ito po ay anak ni gng,wilma sodario n halos po ay kalikuran lamang ng babuyan n inerereklamo dito .napatunayan n din po ng sanidad n sobrang peligro ito dahil s kadumihan ng nasabing babuyan ,wag n po sana natin intayin n anak ninyo ang sususnod n mabiktima ng dengue khit anong linis ninyo s inyong tahanan pero ang kapaligiran ay sobrang dumi makakakuha din tayo ng sakit d lamang dengue.salamat po.
Back to top
takot din...
Guest





PostPosted: Fri Jul 16, 2010 3:28 pm    Post subject: DENGUE Reply with quote

sa palagay ko po ay nakarating na sa kina-uukulan ang inyong hinaing, makukuha po naman yan sa magandang usapan,,,subalit hindi po nabubuhay sa madumi at mabahong tubig ang mga lamok na may carrier/dengue ayon sa mga dalubhasa,(meron po kc akong mga kakilala na nag ka DENGUE pero naka tira sa mga mansion/condo na ubod ng linis at bango) ibang sakit po ang makukuha sa mga madudumi at hindi na po dapat pa isa-isahin natin(pwede rin makamatay)...sana naman po ay ginagawa na nila ang dapat gawin sa kanilang panig,,,marangal din pong hanap buhay ang paghahayupan kung isasa ayos lamang...
gumagalang-TAKUSA
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Sat Jul 17, 2010 10:45 pm    Post subject: Luksang Tipaklong, tinatanong lang namin kay mayor! Reply with quote

Tinatanong lang namin kay mayor bakit walang mga chubibo!!
hindi naman namin sinasabi na panget ang walang chubibo! naninibago lang!


















AT IKAW BA SI MAYOR?!?!?! maninira ka pa.. sige mag tayo ka!



















eto ang
PANGALAN: sa mga EPIJAC
Address: GARIZON
Back to top
Guest






PostPosted: Sun Jul 18, 2010 3:05 am    Post subject: Reply with quote

un nga ang sinasabi ng natatakot n magulang khit nsa mansion k p nakatira tpos ang paligid mo ay d maayos ang sakit o lamok ay maaari mo p din makuha mabuti ung nasa mansion marami pera sila pampagamot kyong mahirap me pambayad kya
Back to top
guest out
Guest





PostPosted: Sun Jul 18, 2010 5:58 am    Post subject: Reply with quote

dumali na naman kayo na wala sa tima at ang layo sa topic ng usapan. kakabuwisit mag basa pag ganito ang mababasa mo. wag ninyo ipakita na maiikli ang utak ninyo.
Back to top
Guest






PostPosted: Sun Jul 18, 2010 7:16 am    Post subject: Basura sa aming Brangay isa sa sanhi ng dengue Reply with quote

Nagkaroon ng bagong batas na knya kanyang barangay na ang kukuha ng mga basura sa knilang nasasakupan, sa aming Barangay Ibaba del Norte, regular na hinhingan kami ng bayad na 30 pesos kada buwan para sa aming mga basura , sublit kung kelan regular kaming nagbbayad saka naman hindi regular ang pagkukuha ng basura ng aming lugar partikular dito sa sulok sulok sa likod ng Central , maswerte na ang makuha ang basura namin 2 beses sa isang linggo, kung kelan punong puno na at mabaho na ang mga basura , msipag naman po ang nasabing kumukuha ng basura ngunit nakikita po namin na hindi niya kayangkunin ang lahat ng bsura lalo na sa aming lugar, pnawagan nalamang po sa kinauukulan isa ito sa dahilan kung bakit laganap ang dengue outbreak ngyon sa ating lugar, KALINISAN ang mahalaga ngunit kung mismong mga pinuno ng iyong barangay ay di maibigay ang dapat ay sa mamamayan, hwag laman po sana na sa may LICEO lamang at malapit sa BARANGAY hall ang nililinis dapat lahat ng lugar bigyang pansin para na rin sa ikabubuti ng lahat., ,sana ay mabigyang pansin ito ng kinauukulan, partikular ang SANGGUNIANG BARANGAY ng Barangay IBABA DEL NORTE , at KONSEHAL sa KALINISAN ....salamat po
Back to top
taga national
Guest





PostPosted: Tue Jul 20, 2010 12:55 am    Post subject: Reply with quote

tama po un s looban po dito s aming barangay s ibaba del norte ay puro ung nadadaanan lang ang makikita ninyo n malinis pimunta kyo s looban at tambak nga po ang basura tulad din ng nasabi,nagsama sama n basura at amoy ng baboy ang inyong maaamoy kung kayo ay mapapadaan s looban,pero kung s may liceo at brgy, kyo dadaan malinis ang makikita ninyo samantalang pareho lng kmi nagbabayad ng halaga s basura, at mukhang wala p din po development ang nasabing BABUYAN wala p din kmi nakikita n ginawa s mga nais ipabago ng sanidad,sana po ay muling bisitahin po ng sanidad ,
Back to top
BIGYANG PANSIN
Guest





PostPosted: Wed Jul 21, 2010 1:27 am    Post subject: Reply with quote

Humihingi po kami ng tulong sa SANGGUNIANG BARANGAY ng IBABA DEL NORTE at lalo na po sa ating PUNUMBAYAN SA NGYON NA SI KGG. ROJLIYN BAGABALDO, sana po ay bigyang pansin PAGKUKULANG SA PAGKUHA NG BASURA sa aming Barangay SA iBABA DEL NORTE , partikular nga po dito sa may LIKOD NG LICEO AT CENTRAL!!!
SAlamat po at inaashaan po namin na mabigyang aksyon ang problemang ito
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Jul 21, 2010 7:34 pm    Post subject: Reply with quote

BIGYANG PANSIN wrote:
Humihingi po kami ng tulong sa SANGGUNIANG BARANGAY ng IBABA DEL NORTE at lalo na po sa ating PUNUMBAYAN SA NGYON NA SI KGG. ROJLIYN BAGABALDO, sana po ay bigyang pansin PAGKUKULANG SA PAGKUHA NG BASURA sa aming Barangay SA iBABA DEL NORTE , partikular nga po dito sa may LIKOD NG LICEO AT CENTRAL!!!
SAlamat po at inaashaan po namin na mabigyang aksyon ang problemang ito



Nag round po ako ngayong umaga at okey naman po ang mga lugar sa likod ng Liceo at PES. Malinis po yung mga kalsada at yung mga ilang sako ng basura ay nakaayos naman para sa kaukulang pagkolekta. Marahil ang iyong tinutukoy ay yung mga basurang dulot ng nakalipas na bagyo. Naikwento po sa akin na medyo na delay yung pagkolekta dahil sobrang dami yung naging basura pero ok na po ngayon. Nagtanong tanong din po ako sa mga naninirahan dun ay okey naman daw po ang kabuuan ng serbisyo sa pangongolekta ng basura.
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Thu Jul 22, 2010 7:29 pm    Post subject: Basura Reply with quote

Salamat po Vice /Mayor sa pagbibigay pansin sa problemang ito ng basura, at siya na po ang mismong naglibot para makita at maimbestiga ang mga problema sa paligid, Mabuhay po kayo at hangad pa po namin ang kooperasyon ng lahat para na din sa kabutihan ng ating paligid, Keep it up po , yan po ang kailangan ng ating Bayan, hindi puro PANGAKO kundi AKSYON AGAD ang nararapat!!!Mabuhay po kau
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Jul 24, 2010 3:58 am    Post subject: Reply with quote

VICE MUTUK, PAKIDAANAN N DIN UNG BABUYAN N SINASABI KO ,AT TAMANG TAMA NGAYON BENENTA N ANG ILANG BABOY SANA PO AY WAG N ITO DAGDAGAN ULI AT UBUSIN N LNG UNG NATITIRA ,SALAMAT PO
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Mon Jul 26, 2010 11:43 pm    Post subject: Reply with quote

Anonymous wrote:
VICE MUTUK, PAKIDAANAN N DIN UNG BABUYAN N SINASABI KO ,AT TAMANG TAMA NGAYON BENENTA N ANG ILANG BABOY SANA PO AY WAG N ITO DAGDAGAN ULI AT UBUSIN N LNG UNG NATITIRA ,SALAMAT PO



Base sa ulat ng Sanidad ang usapin pong ito ay nasa Barangay 9 c/o Kap. Henry Ponce na at may napagkasunduan na. Igalang po natin ang naging pag uusap at kasunduan ng magkabilang panig.
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Mon Aug 02, 2010 11:05 pm    Post subject: DENGUE SA PAETE Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Narito po ang sipi ng hango sa katitikan ng isinagawang pagpupulong kaugnay ng mga isinasagawang hakbang upang maiwasan ang dengue at mga sakit na lumalaganap tuwing panahon ng tag-ulan.

Ang miting po ay isinagawa noong Hulyo 27, 2010 sa Batasang Bayan, Victor Pagalanan Memorial Hall, Gusaling Adeci, Paete, Laguna sa pangunguna ni Dra. Maria Fe A. Aguilar, Pambayang Manggagamot, Kgg. Urbano R. Cadapan, Tagapangulo ng Lupon sa Kalinisan at Kalusugan at Gng. Sofia C. Dagsindal,Pambayang Sanidad na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga paaralan dito sa ating bayan at mga kinatawan ng mga barangay.



Para po sa inyong kabatiran.

Marami pong salamat.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Anak Pawid
Guest





PostPosted: Wed Aug 04, 2010 11:09 am    Post subject: Reply with quote

Sana po ay nakasama ang kinatawan ng Liceo sa pulong na ginanap, dahil doon po nanggagaling ang maraming batang nagka Dengue at may naospital na pong estudyante ng Liceo de Paete. Sana ay linising mabuti ang paaralang nabanggit at puntahan ng pambayang manggagamot at sanidad dahil talaga namang madilim at may kasikipan ang school na naturan.Dra.Aguilar, please do something about this eternal problem of Paete. We have Dengue year in and year out.
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Aug 04, 2010 10:20 pm    Post subject: Dengue Outbreak Reply with quote

Sa Kinauukulan:
Kelan po ba nagdedeclare ng DENGUE OUTBREAK?sana po ay pag-itingin paang pagsugpo tungkol dito dahil balita ko po ay may namatay na batang babae nito dahil na rin sa Dengue.
Lalo pang dumadami ang mga nilalagnat at nagkkaroon ng signs at symptoms nito.Di dapat balewalain at lalong bigyang pansin at panahon ang pagsugpo dito.
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Aug 04, 2010 11:49 pm    Post subject: Reply with quote

Inaantay ko lang po ang ulat at rekomendasyon ng ating Pambayang Mangagamot para sa tunay na estado ng Paete sa sakit na Dengue. Inabisuhan ko sila na i-monitor ang mga may sakit at alamin ang tunay na sanhi nito.

Hindi naman po nagkukulang ang mga kinauukulan ukol dito sa mga karamdamang pwedeng lumaganap sa panahon ng tag ulan. Bukod sa mga bandilyo ukol sa babala at programa ng RHU/BHW para sa kalinisan at 4 oclock habit ay meron ding mga naging ugnayan sa mga paaralan para sa kaukulang pagkilos. Natuturete na nga po sa akin ang mga in-charge sa RHU sa utos ko na bisitahin ang mga pasyenteng may sintomas ng sakit na dengue at alamin ang posibleng madaliang pagpigil dito.

May mga pagkilos na rin pong ginagawa ang mga Kapitan ng Barangay para sa ibayong paglilinis ng kanikanilang nasasakupan.

Nagpatawag na rin po ako ng isang pulong sa darating na Martes sa ating Local Health Board para mapag usapan ang mga bagay bagay na may kinalaman sa napapanahong mga karamdaman.

Mayroon na ring pong naging desisyon ang bumubuo ng Municipal Solid Waste Management Board para sa problema natin sa basura sa kadahilanang pinagbawalan na tayong magtapong ng ating mga basura sa dati nating pinagtatapunan sa karatig bayan.

Mag uulat po ako ng mga kaganapan, inaantay ko lang po ang mga impormasyong kailangan para sa inyong kabatiran.

Kailangan po natin ay partisipasyon ng bawat isa para sa madaliang solusyon sa ganitong problema.

Hinihiling ko na rin na makiisa lahat ng NGO's na narito sa Paete sa ginagawang pagkilos sa mga bara barangay para mapabilis ito.

Ang problema pong ito ay meron din sa karatig bayan ng Pakil at Kalayaan at may mga ulat silang pasyente na naka confine sa PGH Paete, Provincial Hospital at maging sa mga pribadong ospital sa Sta. Cruz.

Ibayo at regular na paglilinis po ng kapaligiran ang mabilisang solusyon at duon po nakatutok ang aming atensyon.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Bisita
Guest





PostPosted: Thu Aug 05, 2010 3:27 am    Post subject: Sabi ni Mayor Reply with quote

Ang problema pong ito ay meron din sa karatig bayan ng Pakil at Kalayaan at may mga ulat silang pasyente na naka confine sa PGH Paete, Provincial Hospital at maging sa mga pribadong ospital sa Sta. Cruz. /per Mayor Mutuk

Samakatuwid, talagang talamak ang problemang ito na "TAON TAON AY DUMADATING" sa ating bayan at karatig pook, Gayonman , walang permanenteng solusyong naibibigay ang pamahalaang bayan o panlalawigan man. Kahit po ang defogging ay walang epekto , pulos pakita lang yan sa mga mamamayan. Mayor, ang sa akin, maigi pa, mamigay na lang kayo ng repelant at kulambo. Palagay ko ay sa dagat na nanggagaling ang mga lamok dahil lahat ng bayan ay apektado. Talaga yatang napapanahon na yong project na hintay ng bayan na paglilinis ng buong lawa ng Laguna- at bilang modelo ang Paete sa naturang proyekto, natural lamang na tayo ang unang mabiyayaan .Kaya lang ang tanong, kailan kaya sisimulan yon?Ano pa ang ibang dapat gawin ng pamahalaan para maging ligtas sa Dengue, ang laki ng gastos sa pagpapahospital noong mga batang nacoconfine, Mayor. Ano po ba ang talagang "role" ng pambayang manggagamot at sanidad?BAkit sila lang ng sila ang ating kinakapuga, maigi pa mga PACTAF at Harungas ang ating pakilusin, baka may magawa ang mga iyan?Isa pa, bakit hindi tayo humingi ng tulong sa itaas- Dept of Health of iba pang sangay ng pambansang dapat lapitan?O kahit sa WHO, may alam sila segurado, para naman maligtas ang ating mga bata sa taon taong salot na ito. Please Mayor, kumilos ka, ito ang pagkakataon mong patunayan hanggang wala pa si Ka Noel, na kaya mong maging tunay na mayor sa susunod na halalan.
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Aug 05, 2010 5:41 am    Post subject: Reply with quote

* Dengue [DEN-ghee] is a flu-like viral disease spread by the bite of infected mosquitoes. Dengue hemorrhagic fever is a severe, often fatal, complication of dengue.

* Dengue occurs in most tropical areas of the world.

* There is no specific treatment for dengue.

* Prevention centers on avoiding mosquito bites in areas where dengue occurs or might occur and eliminating breeding sites.

Link
http://www.dhpe.org/infect/dengue.html


Ito po ang isang dis advantage sa lugar na malimit ang ulan. Kada matapos ang ulan ay mayroong posibilidad na lumaganap ang dengue fever. Maaaring nakagat ng lamok na may dengue sa ibang lugar then ng umuwi ng Paete ay nakagat ng ibang lamok at nangitlog naman sa mga stagnant water na malinis then presto . . . . maari ng lumaganap ito.

Kaya't nasa lahat at bawat isa na po ang kasagutan kung ano ang pwedeng mangyari sa ganitong pagkakataon. Ang ginagawa po namin ay pangunahan ang mga maagap na paalala at pagkilos para maagapan ang paglaganap nito.

Nandiyan ang Pambayang Doctor para i-monitor ang mga karamdaman sa kanyang nasasakupan at magbigay ng kaukulang ulat at rekomendasyon sa Punongbayan ng mga dapat gawin kung sakaling ito ay alarming na. Nandiyan din ang Sanidad, tungkulin naman niya na subaybayan ang kondisyon ng kalinisan sa kanyang nasasakupan kung ito ay naayon sa pamantayan tungo sa isang malusog na komunidad.

Ang suma tutal parin ay sa sama samang pagkilos natin mareresolba ang ganitong problema.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Thu Aug 05, 2010 7:03 am    Post subject: share lang Reply with quote

Ishashare kolang ang mga naging experience ko nung nagkasakit din ang anak ko sa Dengue, kumbaga sabi ng doktor wala talagang cure para dun kundi palakasin ang resitensya ng nakagat nito lalo na kun g nawala na ang kanyang lagnat ay dito minomonitor lalo ang blood platelets ng pasyente at kung ito ay bumbaba.Napakabisa din po ng isang napayo sakin na ipainom ang PINAGLAGAAN ng TALBOS ng KAMOTE at PAKAININ ng ITLOG ng PUGO, napakabilis po ng recovery at dahil po dito ay hindi na nasalinan ng dugo ang aking anak ..Share ko lang po ito sakaling makatulong sa inyo. Salamat po
Back to top
Bisita
Guest





PostPosted: Thu Aug 05, 2010 9:17 am    Post subject: Reply with quote

Prevention centers on avoiding mosquito bites in areas where dengue occurs or might occur and eliminating breeding sites/per Mayor Mutuk

Maliwanag sa tinuran ni Mayor Mutuk: prevention and avoiding mosquito bites,
Kaya mosquito repellant and number one at paggamit ng kulambo ang pangalawang pinakamagaling para maiwasan ang kagat ng lamok.
Palagay ko hindi kaya ng mga bumba at defogging ang mga lamot na ito.
Laganap ang tirahan, walang katiyakan kung paano susugpuin ang mga lamok, kaya tayo tayo na, sari sarili na ang pagiingat upang huwag tayong makagat at makasagap ng sakit ng Dengue
Back to top
Bisita
Guest





PostPosted: Thu Aug 05, 2010 5:20 pm    Post subject: Reply with quote

PINAGLAGAAN ng TALBOS ng KAMOTE at PAKAININ ng ITLOG ng PUGO, napakabilis po ng recovery sabi ni Guest

Paniwala ako dahil ang itlog ay protina, at ang pilaglagaan ng talbos ay puno ng bitamina. Nagpapalakas ito ng katawan pareho ito at maaaring lumakas din ang immune system. Tandaan na ang viral diseases tulad ng AIDs at iba pa, humihina ang panlaban ng katawan sa sakit at inpeksyon. Kaya, tunay na may makukuha sa itlog (kahit anong itlog parehong protina yan) at pinaglagaan (kahit ng carrots or laman ng kamoteng baging) at iba pang panggagalingan ng bitamina. Kahit yong tubig na pinaglagaan ay nakatulong sa dehydration. Pero, alalahanin ninyong hindi lahat ay may parehong resultang maaasahan, alalaon baga, hindi agad ay lalakas katulad ng pasyente ni guest. Maaring me mga pasyenteng mas mahina ang resistensya at mas dehydrated o mas anemic kaya hindi basta gagaling sa painom ng ganyang pinaglagaan. Kailangan pa rin ang hydration by IV infusion pag talagang matindi ang dehydration. Gayon din kung masyadong mababa ang platelets, kailangan din ang transfusion lalo na kung bagsak ang hemoglobin and hematocrit nito. Patingnan agad sa manggagamot kapag may nakita ng mga sintomas na nabanggit kulad ng sinabi ni Vice Mutuk.
Back to top
admin
Site Admin


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 286

PostPosted: Thu Aug 05, 2010 9:34 pm    Post subject: Reply with quote

Links Rejector has rejected a message. The contacts are:



The text of the message
=======================

User name: Agbada-Milan, subject: Dengue Information (Tagalog version)

Sana po makatulong itong inpormasyon tungkol sa "Dengue" na nakasulat sa ating wika:

Lagnat ng Dengue (Dengue Fever)

Sanhi
Ang lagnat ng dengue (dengue fever) ay isang impeksiyon na sanhi ng isang virus na dinadala mga lamok. Ang sakit na ito ay nakikita sa mga tropikal na rehiyon sa mundo katulad ng sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. May apat na klase ng virus na
dengue, ang bawat isa ay maaaring magdulot ng lagnat (dengue fever) at lagnat na may pagdurugo (dengue hemorrhagic fever).


Mga Sintomas
Ang mga sintomas ng lagnat ng dengue (dengue fever) ay ang pagkakaroon ng biglaang pagtaas ng lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit sa likod ng mata, sakit ng laman at kasu-kasuan, kawalan ng ganang kumain, pagduduwal at pamamantal sa balat. Ang mga bata ay maaaring kakitaan lamang ng sinat at pamamantal. Ang pagdurugo (dengue hemorrhagic fever) ay isang malala at nakakamatay na komplikasyon ng lagnat ng dengue (dengue fever). Sa simula, nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal mula dalawa hanggang pitong araw at maaaring umabot
hanggang sa 40-41 sentigrado ang taas ng temperatura, pamumula ng mukha at ilan pang mga sintomas ng dengue fever. Kapag lumaon, maaari itong masundan ng pagdurugo katulad ng mga pasa sa balat, pagdurugo sa ilong at gilagid o kaya ay
pagdurugo sa loob ng katawan. Sa higit na malalang mga kaso, maaaring umabot ito sa pagbagsak ng sirkulasyon ng dugo, pagkaubos ng dugo at pagkamatay. Kapag ang isang tao ay nagkaroon na ng impeksiyon mula sa isa sa apat na klase ng
virus ng dengue, hindi na ito muli pang maiimpeksiyon nito. Ngunit, hindi pa rin siya ligtas sa impeksiyon mula sa tatlo pang ibang klase ng virus na dengue.


Paraan ng Pagkalat ng Impeksiyon
Ang lagnat ng dengue (dengue fever) ay naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Aedes na siyang nagdadala ng virus na dengue. Hindi ito naipapasa
mula sa isang tao papunta sa ibang tao. Ang pangunahing klase ng lamok na nagdadala ng dengue, ang Aedes aegypti, ay hindi matatagpuan sa Hong Kong ngunit ang Aedes albopictus na makikita rito ay maaari ding magdala ng sakit na ito.


Panahon ng pamumuo ng impeksiyon
Ang panahon ng pamumuo ng impeksiyon ay tumatagal ng tatlo hanggang labing-apat na araw, kadalasang mula apat hanggang pitong araw
.

Paggamot
Walang tukoy na gamot para sa lagnat ng dengue (dengue fever) o sa lagnat ng dengue na may pagdurugo (dengue hemorrhagic fever). Ang lagnat ng dengue (dengue fever) ay karaniwang gumagaling nang kusa. Nilalapatan lamang ng lunas ang lagnat at
pananakit na dulot nito. Ang mga pasyenteng may pagdurugo (dengue haemorrhagic fever) ay nangangailangan ng maagap na paggamot. Ang pinakamahalaga sa paggagamot nito ay ang pagpapanatili ng sapat na daloy ng dugo sa katawan. Kung may
tama at maagap na paggagamot, kulang sa 1% lamang ang namamatay mula sa sakit na ito.


Pag-iwas
Sa kasalukuyan, wala pang bakuna laban sa lagnat ng dengue (dengue fever). Kung kaya, ang pinakamahusay na paraan upang ito ay mapuksa ay ang pagtatapon ng mga nakaimbak na tubig na maaaring pamahayan ng mga lamok. Dapat ding iwasan ang
makagat ng lamok.

Mga Pamamaraan ng Pag-Iwas sa Sakit na Dulot ng mga Lamok
1. Magsuot ng mga damit na may mahabang manggas at pantalon. Maglagay ng pamahid laban sa lamok na naglalaman ng DEET sa mga bahagi ng katawan na hindi nababalutan o natatakpan.
2. Gumamit ng kulambo o screen sa mga kuwartong walang aircon.
3. Maglagay ng katol / pamatay ng lamok malapit sa pasukan, tulad ng mga bintana upang maiwasan ang kagat ng lamok.
4. Iwasan ang pag-iimbak ng tubig
- Itapon ang lahat ng basyong lata at bote sa basurahang may takip.
- Palitan ang tubig sa halaman nang higit sa isang beses sa loob ng isang lingo. Huwag
mag-iwan ng tubig sa mga plato sa ilalim ng paso ng halaman.
- Takpan ng mahigpit ang lahat ng sisidlan ng tubig, balon at tangke.
- Tiyaking walang bara sa daluyan ng tubig.
- Tabunan ang mga lubak sa lupa upang di pag-ipunan ng tubig,
Kapag may napansin kang bagay sa mga pampublikong lugar na maaaring pamahayan ng lamok, maaaring tumawag sa Kagawaran ng Pagkain at Kalinisang Pangkapaligiran Hotline bilang 2868 0000.


Website ng Sentro para sa Pangangalaga ng Kalusugan: www.chp.gov.hk
24-Oras Kaalamang Pangkalusugan Hotline ng Kagawaran ng Kalusugan : 2833 0111

Salamat po,
Nora
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Lhar_Baguio



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 97
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Fri Aug 06, 2010 5:15 am    Post subject: CONTINGENCY PLAN SUGGESTION Reply with quote

Hello Vice,
maraming salamat sa agarang aksiyon....!!! kung pwede lang pong imungkahi if possible na magkaroon or maghanap na rin tayo ng mga possible volunteers standby blood donors sa ating bayan para po doon sa mga dinapuan or madadapuan ng sakit na Dengue, dahil po sa pagkaka alam ko po ayon sa Doctor namin dito sa barko na Pinoy din na ang merong sakit na Dengue kaya nagkakaroon ng internal bleeding ay dahil po sa bumababa sa critical count ang Blood Platelet at kung ang gagamitin daw po ay ung nasa mga Blood Bank most of these blood especially those were stored more than 4 to 5 days eh nag deplete na or totally zero na ang Platelet count kaya ang pinakamaganda raw po ay ung FRESH WHOLE BLOOD which still rich in Blood Platelet for immidiate tranfusion, kaya payo sa kin magkaroon na ako ng stand by blood donor...
sumanguni po ako ke Doctor (Brother Mason) Alex Guevara (Tampa Florida) dito sa barko kasi di nyo po naitatanong ung bunso ko eh more than 4 days ng me lagnat kaya pina check up ke Dr Eusebio ang findings me sintomas ng Dengue kaya under blood monitoring since yesterday till tomorrow pero clear na for Dengue ang bunso ko this morning and bukas blood test ulit just to make sure 100% clearance na sya...Thank God.......

Kaya, I just want to share this para makutulong for those unfortunate kids na tatamaan ng sakit na ito....Na Harinawa sa sama samang pagkilos para kung di man magsugpo totally ay ma minimize ang mga possible vicitms.......
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
porbslang



Joined: 04 Feb 2007
Posts: 45
Location: quinale

PostPosted: Sat Aug 07, 2010 8:24 am    Post subject: halamang gamot Reply with quote

Dengue hemorrhagic fever is a much feared disease caused by a virus carried via mosquito bites. Dengue causes hemorrhaging of the internal organs to a point that it causes death. Western medicine, the common hospital does not have a cure for Dengue. They merely say that their treatment is supportive and all you need to do is pray that the dengue victim is strong enough.

But here in the Philippines, many people know and have attested to the fact that they and many others have been cured of dengue via a simple weed. This weed is called Gatas Gatas in the province of Leyte. But in Butuan City they call the same weed Tawa Tawa.

A case of a nephew Jeremy at 7 years old came down with dengue fever. Immediately, relatives in Cagayan de Oro City who knew about the dengue cure Tawa Tawa sent via airplane a few handfuls of the weed. In 24 hours, my nephew was cured.

My aunt Portia is the known herbalist in the government office NHA in Quezon City. There are lots of Tawa Tawa weeds growing around the NHA compound. Many NHA employees who have had trouble with dengue fever in their family have gone to Auntie Portia for help with the dengue cure. She picks a bunch of the Tawa Tawa weeds and gives it to the grateful employee that promptly cures every dengue case.

We planted a couple of Tawa Tawa weeds in our own garden. Just in case.

My auntie Portia’s recipe for curing Dengue Fever using Tawa Tawa weeds is as follows:

* Take 5 to 6 full whole Tawa Tawa plants.
* Cut off the roots
* Wash and clean
* Fill your boiling pot with clean water.
* Boil the Tawa Tawa for 1 (one) minute in a slow rolling boil.
* Pour the tawa tawa water and let cool.
* Let the dengue fever victim drink only the tawa tawa water for 24 hours.
* Sip 1 to 1.5 glasses of tawa tawa water every 1 hour

The internal hemorrhaging will stop and the dengue fever will be cured after 24 hours.

That’s it. Simple cure. Give it early enough. Tawa Tawa does not interfere with your western medical treatments. You can slip it in through to the patient in a water bottle. You do not need to ask permission from your doctor.

*** NOTE: For a more extensive coverage of how to handle Dengue Hemorrhagic Fever, please visit http://www.denguecure.com ***

SOURCE:

http://www.curelibrary.com/blo.....tas-gatas/

==========================================================================

Gatas-gatas
Tawa-tawa
Euphorbia hirta Linn.
ASTHMA WEED, SNAKE WEED
Fei-yang ts'ao

Boto-botonesan or phonetic variations are shared by three plants of different species: (1) Mutha (Cyperus rotundus) Boto-botones (2) Gatas-gatas (Euphorbia hirta) botobotonis, botbotonis, botonis (3) Botoncillo (Gomphrena globosa) botbotonis, botones-botonesan.
Tawa-tawa is a shared common name of (1) Euphorbia hirta, gatas-gatas and (2) Grammatophyllum scriptum, tawa-tawa.

Other scientific names Common names
E. capitata Australian asthma weed (Engl.) Pansi-pansi (Bik.)
E. pilulifera Bambanilag (If.) Patik-patik (Sul.)
E. hirta L. var. typica L.C. Wheel Cat's hair (Engl.) Piliak (Sub.)
Bobi (Bis.) Saikan (Tag.)
Bolobotonis (Pamp.) Sisiohan (Pamp.)
Botobotonis (Tag.) Snake weed (Engl.)
Botonis (Ilk.) Soro-soro (Bik.)
Bugayau (S.L. Bis.) Tababa (Bis.)
Butobutonisan (Tag.) Tairas (Iv.)
Golandrina (Tag.) Tawa-tawa (TaG.)
Magatas (Pamp.) Tauataua (P. Bis.)
Malis-malis (Pamp.) Teta (Bon.)
Maragtas, marangatas (Ilk.)

Chinese names
Fei-yang ts'ao, Ta fei-yang, ta nai-chiang ts'ao, ju-chih ts'ao (milk herb), ta-ti chin, ta ju-chih ts'ao (giant milk herb).

Botany
Slender-stemmed, annual hairy plant with many branches from the base to the top, spreading up to 40 cms tall, reddish or purplish in color. Leaves are opposite, elliptic-oblong to oblong-lanceolate, distichoous, 1 to 2.5 cms long, blotched with purple in the middle, toothed at the edge. Numerous involucres, purplish to greenish in color, dense, axillary, short-stalked clusters or crowded cymes, about 1 mm in length. Capsules are broadly ovoid, hairy, three-angled, about 1.5 cms.

Distribution
Abundant in waste places and open grasslands.

Chemical constituents and properties
Considered anti-asthmatic, anti-spasmodic, exspectorant, pectoral, hemostatic, sedative, soporific, diuretic, antidote. Anthelmintic, expectorant, antidysenteric.
Gallic acid; quercetin; triacontane; cetyl alcohol; phytosterin; phytosterolin; jambulol; melissic, palmitic, oleic, and linoleic acid.
Phytochemicals: alkaloids, essential oil, phenols, sterol, flavones and fatty acids.

Parts used and preparation
Entire plant.

Uses
Folkloric
Called gatas-gatas because of the healing property of the milky juice.
Juice used for colics.
Juice used as ophthalmic drops for conjunctivitis or ulceration of the cornea.
Infusion or tea of the plant, 4 glasses daily, for bronchits and labored breathing, asthma, chronic dysentery.
Used for boils and wounds.
Decoction of dry plant used for skin disease.
Decoction of fresh plant used as gargle for the treatment of thrusth.
Decoction of the root used to allay vomiting, chronic diarrheas, and fevers.
Root decoction also beneficial for nursing mothers deficient in milk: 4-5 glasses of tea.
The same root decoction as an enema for constipation.
Root used for snake bites.
Used in sores, wounds, boils. As ear drop for pustular swellings in the ear.
Asthma: Make into cigarette or burn and inhale smoke.
Superficial bleeding: Crush leaves and apply on affected paret, as local hemostatic.
In Africa and Australia, used to treat hypertension and edema.
In India, used for treatment of syphilis; sap applied to warts.
Plant decoction: 25 gms of the whole plant to a pint of boiling water; boil for 3-4 minutes; drink 3-5 glasses a day. Externally as needed.
In traditional Indian medicinal systems, leaves used in the treatment of coryza, cough, asthma, bronchial infections, bowel complaints, helminthic infestations, wounds, kidney stones and abscesses.
Recent interests from the folk medicine grapevine
• Dengue
• A flurry of queries and web blogs, gatas-gatas has found new interest for gatas-gatas (tawa-tawa) for its use in dengue, with increasing anecdotal reports of "cures."
• Decoction preparation: Cut roots off 5 to 6 gatas-gatas plants. Rinse. Put the tawa-tawa into a pot of boiling water for one minute. Cool. Drink the decoction, 1 to 1 1/2 glasses, every hour for 24 hours. (Also see: Papaya)

Studies
• Antibacterial: (1) Antibacterial Activities And Toxicological Potentials Of Crude Ethanolic Extracts Of Euphorbia hirta: The study showed the ethanolic extract to inhibit the growth of test isolates except Salmonella typhi. The antibacterial effect was attributed to the presence of alkaloids, tannins and flavonoids which have been shown to have antibacterial properties. The results support its use in traditional medicine. (2) Study on the antibacterial effect of compounds extracted from C sinensis and the methanol extract of E hirta against dysentery causing Shigella spp showed the extracts to be non-cytotoxic and effective antibacterial agents.
• Diuretic: Euphorbia hirta leaf extracts increase urine output and electrolytes in rats: Studty suggests that the active components in the water extract of E. hirta leaf had similar diuretic effect as that of acetazolamide. The results validate its traditional use as a diuretic by the Swahilis and Sukumas.
• Anti-Allergic: Inhibition of early and late phase allergic reactions by Euphorbia hirta L: Study demonstrated that E. hirta possessed significant activity to prevent early and late phase allergic reactions.
• Anthelmintic: Anthelmintic efficacy of the aqueous crude extract of Euphorbia hirta Linn in Nigerian dogs: Extract of E. hirta Study reduced the fecal egg count of the helminths and suggests a potential as an anthelmintic agent.
• Antihypertensive / ACE Inhibition: Angiotensin converting enzyme inhibiting and anti-dipsogenic activities of Euphorbia hirta extracts: Study showed the extract from leaves and stems inhibited the activity of angiotensin-converting enzyme (ACE).
• Anxiolytic: Euphorbia hirta showed an activity profile different from that of benzodiazepines. Study showed a central depressant and sedating effect with no hypnotic or neuroleptic effects.
• Antidiarrheal: Study investigated the antidiarrhoeic activity of Euphorbia hirta extract. An active flavonoid constituent, quercitin, was isolated; it show anti-diarrheic activity
• Antibacterial / Antifungal: The ethanol extract was analyzed for antimicrobila activitity against S aureus, B cereus, S typhi, K pneumonia, P aeruginosa and fungus species A niger, A fumigatus, A flavus and R oryzae. Study of leaves isolated tannins, flavonoids, alklaloids, glycosides, proteins, sterols and saponins. Antimicrobial activity was attributed to one of these constituents. Leaves collected from August to December showed more significant antimicrobial activity.
• Anti-Malarial / Flavonol Glycosides: Study of aerial parts isolated flavonol glycosides afzelin, quercitin and myricitrin. The three compounds showed inhibition of proliferation of Plasmodium falcifarum.

Availability
Wild-crafted.



Additional Sources and Suggested Readings
(1)
Dengue Fever Cure using Tawa Tawa aka Gatas Gatas weed / The Cure Library
(2)
Antibacterial Activities And Toxicological Potentials Of Crude Ethanolic Extracts Of Euphorbia hirta / Chika C Ogueke et al / Journal of American Science, 3(3), 2007,
(3)
Euphorbia hirta leaf extracts increase urine output and electrolytes in rats / Patricia Johnson et al / Journal of Ethnopharmacology, Vol 65, Issue 1, 1 April 1999, Pages 63-69 / doi:10.1016/S0378-8741(98)00143-3
(4)
Inhibition of early and late phase allergic reactions by Euphorbia hirta L / Singh G D et al / PTR. Phytotherapy research / 2006, vol. 20, no4, pp. 316-321
(5)
Anthelmintic efficacy of the aqueous crude extract of Euphorbia hirta Linn in Nigerian dogs / Adeolu alex Adedapo et al / VETERINARSKI ARHIV 75 (1), 39-47, 2005
(6)
Angiotensin converting enzyme inhibiting and anti-dipsogenic activities of Euphorbia hirta extracts
(7)
Euphorbia hirta reverses chronic stress-induced anxiety and mediates its action through the GABAA receptor benzodiazepine / H Anuradha et al / Journal of Neural Transmission • Volume 115, Number 1 / January, 2008 / DOI 10.1007/s00702-007-0821-6
(Cool
Behavioral and neurotropic effects of aequeous extract of E. hirta / Lanhers Marie-Claire et al / Medicaments et aliments / Actes du Colloque Européen d’Ethnophmacologie et de la 1 le Conférence internationale d’Ethnomédecine, Heidelberg, 24-27 mars 1993.
(9)
Antidiarrhoeic activity of Euphorbia hirta extract and isolation of an active flavonoid constituent. / Galvez J et al / Planta Med. 1993 Aug;59(4):333-6.
(10)
Antibacterial effect of theaflavin, polyphenon 60 (Camellia sinensis) and Euphorbia hirta on Shigella spp. — a cell culture study / K Vijaya et al / Journal of Ethnopharmacology, Vol 49, Issue 2, 1 December 1995, Pages 115-118 / doi:10.1016/0378-8741(95)90039-X
(11)
Antibacterial and antifungal activity of Euphorbia hirta l. Leaves: A comparative study / K V. Bhaskara Rao et al. / Journal of Pharmacy Research 2010, 3(3),548-549
(12)
Antimalarial Flavonol Glycosides from Euphorbia hirta / Y Liu et al / Summary
Pharmaceutical Biology, 2007, Vol. 45, No. 4, Pages 278-281 / DOI 10.1080/13880200701214748


SOURCE:
http://www.stuartxchange.com/GatasGatas.html

nasa listahan pala ng mga halamang gamot kaya agad ay nag "print" na po ako ng limang pahina ng tungkol sa impormasyon na yan,at ibinahagi ko sa BHW ng aming lugar.
_________________
kung may nagagalit,meron din natutuwa!
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3  Next
Page 2 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group