PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

dengue s paete
Goto page Previous  1, 2, 3
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
guest
Guest





PostPosted: Mon Aug 09, 2010 7:37 pm    Post subject: Reply with quote

ang dami n po ng me kaso ng dengue s paete d n mabilang ang nabiktima ,kya dapat ay ibayong paglilinis ang kelangan s paligid at totoo po b n may namatay n taga poten dahil s dengue ?bka po tama ung report tungkol s brgy.9 ,at d po b ung liceo ay brgy.9 din po ang nakakasakop n sobrang dumi s paligid at d po b malapit ung poten dun s sinasabing babuyan n walang maayos n drainage o deposito ng dumi ng baboy,antayin p b ntin me mangyari bgo higpitan ang batas .kung kelan huli n ang lahat.kya kmi po dito s looban ng patio ay mangangamba s maaaring makuha nmin s paligid balik dami po uli ng basura dito s looban.
Back to top
g
Guest





PostPosted: Tue Aug 10, 2010 5:09 am    Post subject: Reply with quote

ang dami n po ng me kaso ng dengue s paete d n mabilang ang nabiktima ,kya dapat ay ibayong paglilinis ang kelangan s paligid at totoo po b n may namatay n taga poten dahil s dengue ?bka po tama ung report tungkol s brgy.9 ,at d po b ung liceo ay brgy.9 din po ang nakakasakop n sobrang dumi s paligid at d po b malapit ung poten dun s sinasabing babuyan / sabi ni guest/

Salamat guest at nag post ka din, alam na ng lahat ang dami ng may dengue ngayon sa paete. Pero, ang tingin ko walang kumikilos sa ating pambayang pagamutan. Ni walang posting ang pambayang manggagamot. Ang sabi ni Mayor Mutuk: hinihintay ang ulat ng pambayang manggagamot. pero hanggang ngayon me narinig ba kayo? WALA. Palagay ko walang alam ang ating doctor tungkol sa pagsugpo ng sakit na yan, Kailangan na segurong palitan Mayor.Taon taon ba naman may mahohospital at baka nga may namamatay ng hindi alam ng mga taong bayan. Namigay na ba ng kulambo at repellant kaysa mag bomba o mag defogging. Kahit yong ipinakitang pagaakal sa mga likod ng patio at paligid ng mga schools, walang effect yan. Kulambo na lang repellant ang gamitin natin. Yon namang tungkol sa Gatas gatas, hindi preventive measure yan. Ang importante, ma iwasang makuha ang sakit, hindi hihintayin nating kumapit sa ating katawan bago tayo kumilos. Mayor, sabi ni guest, bago mahuli ang lahat, Ang sabi ko naman, baka huli na tayo.
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Fri Aug 13, 2010 12:03 am    Post subject: Reply with quote

Batay po sa naging pagpupulong ng Municipal Health Board noong nakaraang Martes, August 10, 2010 ay hindi naman po ganun kagrabe ang paglaganap ng sakit na dengue dito sa atin. Ganunpaman, patuloy pa rin po ang gagawing pagmomonitor at programa para sa Iwas Dengue. Yun pong reported na namatay na estudyante ng Poten ay hindi po sa sakit na dengue.

Magkakaroon po ng mga pagkilos para sa awareness ng bawat isa ukol sa tamang pag iwas at paggamot sa sakit na dengue.

Blood letting sa August 24 sa RHU then August 29 naman sa Barangay Hall ng Barangay Quinale.

Panawagan pa rin po sa tuloy tuloy na kalinisan ng ating kapaligiran.

Kung may reported po na may sakit na dengue ay hinihiling po na makipag ugnayan sa ating RHU (Center) o dili kaya ay sa aking tanggapan para maanalisa ang sitwasyon at maagapan ang karamdaman lalo at higit ang paglaganap nito.

Maraming salamat po!


Hindi po makakatulong ang intrigahan dito. Kailangan po ang partisipasyon ng bawat isa. Bukas po ang aking tanggapan para pag usapan ang inyong mga hinaing.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Aug 18, 2010 5:21 am    Post subject: Reply with quote












_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
ka Ikong
Guest





PostPosted: Wed Aug 18, 2010 12:13 pm    Post subject: just a thought Reply with quote

Mabuhay po kayo mga pinunong bayan sa inyong walang sawang pagmamalasakit para sa ating bayan.

sabi nga raw po nang isang paham: "..iigahin ko ang tubig sa dagat na ito kung tatakpan mo ang lahat nang pinagmumulan nang tubig na pumapasok dito.."(hindi po eksaktong ganito ang pagkakasabi pero ganito po ang mensahe).

Dapat po talaga na pilitin natin na maalis o mabawasan ang mga pinagmumulan nang mga lamok.. sa atin pong kalalagayan na nasa pagitan tayo nang bundok at karagatan(na isa sa mga pinanggagalingan nang lamok) mahirap po nating mapalayas ang mga lamok..pero mababawasan po natin kung masusugpo ang lamok bayan na sa palagay ko ay mas maraming dalang sakit para ipamahagi.

Tungkol po sa mga walang oras para maglinis nang kanilang bakuran o pagaari na maaaring dahilan para pagbahayan nang lamok..maganda po ang suhestiyon ninyo Kagalanggalang Nanunuparang Punong Bayan--ipitisyon kaya lang po ..kaya lang po baka mas lalong grabe ang maging resulta nito..galit-galit ,away away..kilala po nati nang ugali nang iba nating kababayan..itsutsu mo dali ka..

Just a thought
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3
Page 3 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group